Chapter 31: Masinsinang Usapan
Pabagsak na naisara ni First ang pinto ng gymnasium matapos nilang makapasok sa loob. Sumapit na ng tuluyan ang gabi ngunit nabigo silang makaabot sa SEDP building. Wala na rin siyang ideya pa kung nasaan si Cody ngayon matapos silang magkahiwalay sa labas kanina. Bakas na rin ang pagod sa kaniyang mukha lalo na ang pamamaga ng talukap sa kaniyang mata dulot ng walang maayos na tulog at kain na siyang hindi na niya mabilang kung ilang araw na nga ba.
"This is the least thing that we can do... for now." Mahinang banggit ni Kimber saka pabagsak na tinapon sa makinis na sahig ang kaniyang dart quiver.
Sumunod na umupo si Dillon malapit sa kaniyang pwesto bago ito nagpasyang alisin ang suot niyang sapatos para kahit papaano ay makahinga ang kaniyang paa sa napakahabang oras na takbuhan.
"Aabot sana tayo sa SEDP building kung hindi lang umepal iyong mga zombies na iyon," asar na komento ng dalaga na siyang hindi man lang inimikan ng katabi. "And we got stuck again inside a quadratic room while waiting for those dimwits to leave the corridors outside." Dagdag niya pa bago marahang bumuntong-hininga.
Hindi na mabilang pa ni Dillon kung ilang beses na nga ba silang sumubok na hanapin ang mga kapatid ng kaniyang dalawang kasama ngunit hindi pa rin sila pinalad na makadaupang-palad ang mga iyon. Hindi niya rin maiwasang mainis lalo na at kung kailan pa sila nakahanap ng tamang taong makapagturo sa kanila kung nasaan ang kanilang sadya ay saka naman nagkataon na nagkaipitan.
"Bwisit." Usal ni First pagkatapos niyang masigurong nai-lock niya na ang pinto ng gymnasium. Hindi niya rin maiwasang masahiin ang kaniyang sentido dahil sa nararamdaman niyang pagkahilo. Aminado ang binata na nasa rurok na siya ng kaniyang kapasidad at kung hindi pa siya magpapahinga ngayon ay baka tuluyan na ngang bumagsak ang kaniyang katawan.
"Sa totoo lang..." paunang sambit ni Dillon bago niyakap ang magkabila niyang tuhod. "Natatakot ako para kay Cody." Mahina nitong banggit dahilan kung bakit nilingon siya ng kaniyang katabi.
"He's the first survivor that we've encountered right? Pero tatlo tayo tapos ni isa sa'tin wala man lang sumaklolo sa kaniya. Paano kung napahamak nga iyon?" Nag-aalala nitong dugtong. Bumakas ang magkahalong ekspresyon sa mukha ng dalaga dahilan kung bakit bumuntong-hininga si Kimber.
"If you're not tough enough to handle this on-going outbreak. Paniguradong hindi lilipas ang tatlong araw, patay ka na," sambit ng kaibigan. "Have you forgot what he have mentioned earlier? He and his friend tried to leave their safe haven just to head their way back to their classroom. Walang matinong tao ang magpapaka-hero na lumabas sa ganitong sitwasyon, maliban na nga lang kung kaya mong makipagsabayan sa mga zombie sa labas. Kung anuman ang binabalak ng mga batang iyon sa room ng Aries, paniguradong may plano silang hinahanda. And based on what I observed kay Cody? Hindi siya iyong tipo ng tao na padalus-dalos sa paggawa ng desisyon. Kilala ko rin si Ms. Blaire sa pagpili ng mga estudyante niya, she would not pick Cody for nothing."
"But what about his friend? Hindi ba tayo gagawa ng paraan para hanapin iyong kasama niya?" Hirit ulit ni Dillon pero sa pagkakataong 'to, ay si First na ang sumagot.
"Kung si Cody ang lumabas, pwedeng si Ryder iyong sinama niya pabalik sa room nila. Kilala naman nating tatlo personally si Ryder, di'ba? Mukha lang siyang gago pero matinik iyon."
"Is he Cody's best buddy?" Muli nitong tanong na siyang sinagot lang ng binata ng isang tipid na tango.
"Pero kung hindi si Ryder..." saglit siyang tumigil bago sumandal sa pader. "Posible ring si Yohan." Gatong niya na siyang naging mitsa kung bakit palihim na umismid si Kimber.
"Hindi na ako magugulat pa kung ang tinutukoy ni Cody na nawawala niyang kasama ay walang iba kundi ang batang 'yan," komento niya. "Aside from being a hard-headed kid, suki pa sa gulo. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa kokote ng kapatid ko at tuwang-tuwa pa iyong sumasama sa kaklase niyang iyon."
"Hindi naman obvious na naiirita ka 'no?" Sarkastikong tanong ni Dillon na siyang naging rason kung bakit sinamaan siya nito ng tingin.
"You can't blame Corbin for it, Kimber. Dahil si Yohan iyong tipo ng tao na lagi mo talagang maaasahan. Mas pipiliin ng batang iyon na i-risk iyong sarili niya para lang sa iba especially kapag ka-close niya iyon. At kung si Yohan nga iyong kasama ni Cody, posibleng gumawa iyon ng paraan para makatakas iyong kaibigan niya sa kung anuman ang problemang na-encounter nila." Singit ni First.
"Tss, whatever."
"Kung sinuman sa mga nabanggit ko ang kasama nga ni Cody, sana lang nagkita sila ulit at nakabalik sa SEDP building." Dagdag ng binata. Akmang tatanggalin na niya sana ang sintas ng kaniyang sapatos pero may bigla siyang napansin. Natuon ang mata niya sa isang nakabukas na locker 'di kalayuan sa kaniyang pwesto. Doon niya nakita ang isang laptop na nakapatong sa isang case. Dala ng matinding pagmamadali ay agaran niyang hinubad ang sapin sa paa bago nagpasyang tumayo at lumapit doon.
"Dillon," tawag niya sa kasama na ngayon ay abala na sa pagpunas ng kaniyang paa. Nag-angat naman kaagad ng tingin ang dalaga saka siya nito tinignan gamit ang nagtataka nitong mata. "Dating display worker sa Police Department iyong ex mo di'ba?" Biglaan niyang tanong na siyang kaagad namang sinagot ng kausap.
"Oo, bakit mo natanong?" Nagtataka nitong pangungusisa.
"Nakita mo ba iyong IP address sa computer nila?"
"Malamang. Halos araw-araw kaya akong naglalabas-masok sa department nila para lang dalawin iyon. Tsaka alam mo namang may hyperthymesia ako kaya syempre hanggang ngayon tanda ko pa rin," mabilis nitong sagot. "Damn you, First. Pwede bang huwag mo na i-bring up iyong topic about him? Like hello, nasa kasagsagan pa ako ng pagmomove-on. Hindi naman por que nagka-outbreak na at lahat-lahat eh mawawala na iyong feelings ko for him. Awat na, bwisit 'to."
"Oo na, oo na! Daming arte. Isulat mo na nga lang iyong IP address." Utos nito na siyang naging mitsa kung bakit nangunot ang noo ng dalaga.
"The what?"
"Iyong IP address nga."
"Ano namang gagawin mo sa IP address, aber? Internet protocol lang naman iyon di'ba? So to make it short, it's no use. As in wala." Deklara ng dalaga ngunit hindi na iyon pinagtuunan pa ng pansin ni First, bagkus ay kaagad niyang inalis mula sa locker ng laptop saka siya naghanap ng pwesto para maumpisahan iyong kalikutin.
"IP address can be considered as an unusable patterns of numbers found in any devices. But the unpopular fact here is that it can be also use for communication especially when there's no internet around." Paliwanag ni Kimber bago nagpasyang tumayo at lumapit sa pwesto ng kasama na ngayon ay abala na sa pagtitipa.
"You mean, we are going to use IP address for communications? How is that even possible?" Manghang tanong ni Dillon bago minadaling kuhanin ang kaniyang cellphone at doon niya mabilisang tinipa ang eksaktong IP address.
"Well, this is how the ICT world works," pagyayabang ng binata saka siya nginisihan. "Sabi ko naman kasi sa'yo na mag-ICT ka, sa HUMMS ka pa kasi nagpa-enroll na halata namang 'di ka matutulungan niyang strand mo pagdating sa mga ganitong sitwasyon." Pangangaral nito matapos niyang ibalik ang tingin sa screen.
Asar naman siyang tinignan ni Dillon bago nagpasyang lumapit sa pwesto ng dalawa at maingat na tinabi ang cellphone sa laptop. Tinignan naman ito ni First at matapos mabasa ang eksaktong pares ng mga numero ay doon niya ito sinimulang i-type sa keyboard.
"Hindi ko gets. Bakit puro numbers tinatype mo sa message box? Hindi ba pwedeng diretso mo na lang sabihin na 'Lods, send help' or pwede namang 'We're trapped. Save Us' o di kaya ay 'SOS'?" Singit niya matapos niyang matignan nang mas klaro ang ginagawa ng dalawa.
"In using this technique, the server will just allow you to use numbers from 1-5. At sa oras na magkamali ka sa pagpindot, madi-disable ang route at kinakailangan mo pang mag-antay ng halos apat na oras bago mo iyon ma-access ulit."
"Numbers from 1-5?" Nakakunot-noong tanong ng kaibigan na sinagot lamang ni Kimber ng tango. Mas lalo lamang na hindi maipinta ang kaniyang mukha dahil hindi niya talaga iyon magawang maintindihan.
"Oo, hindi mo alam iyon 'no? Hindi ka kasi nanonood ng Detective Conan." Natatawang singit ni First na hindi niya na rin pinansin pa.
"Then how are we going to call for help kung puro numbers lang ita-type niyo? Ano 'yan, message na naka-encipher tapos kailangan pang i-decrypt para malaman kung ano iyong laman?"
"Precisely," diretsang sagot ng kaibigan. "There are countless codes that we can freely use in different situations. Ang kailangan mo lang alamin ay kung ano ang compatible na code na pwede mong magamit. Gaya ngayon, First is using polybius square since that code only features numbers from 1-5 which arrange in horizontally and vertically. This cipher is a 5 by 5 grid where each square of the grid filled with every single letter of the alphabet." Mahaba-habang paliwanag ni Kimber na siyang paunti-unti ring naiintindihan ng kausap.
"5 by 5 grid? But if we are going to use the American alphabet as our basis for this, 26 letters iyon, Kimber. Saan napunta iyong isang letra?"
"Both I and J were combined together inside a one spot."
"A-ang cool," namamangha niyang komento bago binalik ang tingin sa screen. "I promise, sa next school year lilipat na talaga ako ng strand. Tinatamad na rin naman akong magsulat ng essay at h—"
"Iyon ay kung aabutan ka pa ng next year t— Aray ko! Tangina! Kita mo na ngang may ginagawa ako nanghahampas ka pa. Palit kaya tayo ng position, ikaw mag-type sa code tapos ako hahampas sa'yo?" Asar na singhal ni First sa kaniya pero sa halip na tumigil si Dillon ay sinipa pa nito ang binti ng kasama.
Hindi na lamang pa umimik si Kimber bagkus ay siya na ang nagpatuloy sa naantalang gawain ng kasama.
Sending message to IP: 172.168.10.1 Please wait...
Nang magsimulang umikot ang throbber ay matiyagang nag-antay ang dalaga at hindi man lang nag-abalang ilihis ang tingin sa screen. Ayaw niyang pumalpak ang natatanging pagkakataon na pwede nilang kapitan sa ngayon. At kung saka-sakali mang matagumpay nilang maipasa ang mensahe ay sigurado siya na may lalapag na choppers sa school nila para magconduct ng search and rescue.
User 2: 43 15 13 15 24 51 15 14
Gumuhit ang lihim na ngiti sa labi ng dalaga bago niya nilipat sa ibang pwesto ang laptop. Dinala niya ang case at doon siya lumapit sa pinakagilid kung saan makikita ang outlet ng gymnasium.
"I don't mean to offend you two ha. But how sure are you na gagana nga iyong plano? Yes, I get it. Naipadala niyo na nga iyong message, but the question is. Gaano kayo ka-sure na may lalapit ngang rescue team sa'tin?" Banggit ni Dillon. "Ipagpalagay na natin na kumalat nga sa siyudad ang outbreak at nag-iikot na ngayon ang rescue team. So it is also possible to think that they are now aware or speculating that our school is the ground zero."
"Anong ibig mong sabihin, Dillon?" Tanong ni First.
"Hindi niyo gets point ko? I mean hello, sobrang hirap na kayang pasukin nitong school kung susumahin. And given the fact na estudyante lang tayo, we ar—"
"To make your explanation short, hindi natin deserve na ma-rescue, gano'n ba?" Konklusyon ng binata na siyang pasimple niyang tinanguan.
"If they really think that Juanico High is the ground zero for this outbreak. Then mas maganda nga iyon kung tutuusin," ani ni Kimber bago sinaksak ang charger sa outlet. "Yes, I agree na estudyante lang tayo at mas lalong hindi talaga tayo priority. Just so you know, there's a fine line between obligation and mission. If they promise to ensure the safety of the whole humanity under the name of our nation, then that's what we call as obligation. Kung nasa departamento naman sila at binibigyan ng mga tasks ng kanilang head na kinakailangan nilang gawin, iyon naman ang tinatawag nating misyon."
"And what you're trying to say is?"
"Just trust me. They will surely come here not because of the fact that we call for help, but also to seek evidence and conduct an investigation if how this mess started. It's like hitting two birds with one stone."
"Okay, sabi mo eh."
Saglit na sinigurado ni Kimber na maayos ang laptop bago siya nagpasyang iwan iyon. Laking pasasalamat niya na lang talaga at may generator kaya kahit papaano ay nakakagamit pa rin sila ng kuryente.
"Let's call it a night. Gumagabi na talaga, kailangan na nating magpahinga." Deklara ng dalaga na kaagad naman sinunod nila First.
"I can't imagine myself that I am going to sleep again without filling my tummy," sabi ni Dillon at sapilitang inihiga ang sarili sa puzzle mat. "Fuck, masakit pa rin siya sa likod!" Reklamo niya pa saka nagdesisyong bumangon para maghanap ng pwede niyang ipampatong dito.
"Uso magtiis, Dillon. Wala ka sa mansion niyo." Pang-aasar ni First na mas lalong ikinainis ng dalaga.
Sinimulan ni Kimber na kolektahin ang isa pang puzzle mat na nakasandal sa gilid. Ipinuwesto niya iyon sa isang bakanteng parte bago niya iyon pinagdugtong-dugtong. Nang matapos siya ay prente siyang umupo sa ibabaw no'n bago niya napagpasyahang kunin ang kaniyang quiver at doon sinimulang bilangin ang natitira niyang dart pins.
"Nics," tawag ng binata sa kaniya. "Akala ko ba gusto mong mag-volleyball?" Biglaang tanong ni First dahilan kung bakit kaagad niya itong nilingon.
Gaya niya ay hawak din ng kasama ang isang puzzle mat. Sunod-sunod iyong pinagpag ng binata nang sagayon ay alisin ang napakaraming alikabok na dumikit doon.
"It's none of your business if I chose to be a dart player." Diretsa niyang sagot saka muling tinuon ang atensyon sa pagbibilang.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, ang hilig mo pa ring mambara." Sambit ng kasama bago umiling. Lihim namang umismid ang dalaga matapos niyang marinig ang sinagot nito.
"Ni hindi nga ako nagreklamo na pakialamero ka pa rin." Madalian niyang sagot na siyang ikinatawa lang ng kausap. Saglit silang binalot ng katahimikan at ang tanging maririnig lang sa loob ay ang marahang mga pagkilos ni Dillon na hinahalungkat na ang bawat laman ng lockers para lang maghanap ng malambot na bagay na pwede niyang higaan.
"Si Corbin ba?" Banggit ni First na siyang naging mitsa ng pagtigil ni Kimber. Hindi kaagad nakakilos ang dalaga dahil hindi niya inaasahan na itatanong iyon ng binata. Nang makabawi ay doon na siya nagpasyang bitawan muna ang mga pins at ayusin na lamang ang kaniyang quiver.
"Nalaman ko kasi na nag-quit ka sa Archery para kay Corbin. Mas pinili mong talikuran iyong gusto mo para lang sa kapatid mo," kwento nito. "Ang hirap no'n kung tutuusin, pero tumaya ka alang-alang sa kaniya."
Nang muling hindi kumibo ang dalaga ay muling nagsalita si First. "Paano mo nagagawa iyon, Nics?"
"Iyong alin?"
"Paano mo nagagawang isakripisyo iyong pangarap mo alang-alang sa kaniya? Hindi ba mahirap para sa'yo na talikuran iyong isang bagay na nagpapasaya sa'yo t—"
"Because that's the least thing that I can do for him, First." Madalian niyang sagot na siyang nakapagpahinto sa kausap.
Hindi muna tinuloy ng binata ang mga nais pa nitong itanong sa kagustuhang pakinggan ang mga isasatinig ng dalagang kaharap.
"May astigmatism si Corbin. A type of eye condition in which the lens inside of the eye has mismatched curves which causes blurred vision at all distances."
"Ano, teka may sakit siya?" Hindi makapaniwalang tugon ng kausap na siyang tipid na tinanguan ng dalaga.
"Dahil na rin sa kondisyon niya, nahihirapan siyang makaaninag nang maayos," sambit niya bago huminga nang malalim. "How many times I've caught him throwing pins onto the dartboard just to test himself if he can hit the target points pero wala. Ni kahit anong gawin niyang pag-asinta, wala talaga siyang natatamaan."
"But that didn't stop him from dreaming that someday he can get what he wants. Kaya noong lumipat na kami sa Juanico High, naglakas-loob siyang mag-try out. Pero, hindi pa rin siya natanggap, umabot pa siya sa punto na pinakiusapan niya ang coach na kahit ipasok lang siya sa team at huwag na maglaro pero wala pa rin siyang napala," kwento niya nang hindi man lang binabalingan ng tingin ang kasama. "I never saw my brother begging someone like that before, hindi ko pa siya nakitang naging ganoon ka-desperado para sa isang bagay pero iyong efforts niya na nilaan niya para lang makuha iyon, nabalewala lahat dahil sa kondisyon na meron siya."
"And from that day, I promised myself that I am going to fulfill all of his dreams. Kaya kahit mahirap man sa'kin na isakrispisyo iyong pagvo-volleyball ko, ginawa ko pa rin para sa kaniya. You know what, First?" Lumingon si Kimber sa pwesto ng binata bago tumuloy sa pagsasalita. "Everytime na naiuuwi ko iyong panalo ko sa contest? Nakikita ko iyong lungkot sa mga mata niya pero mas nangingibabaw pa rin doon iyong pagiging proud niya sa'kin. Iyong saya niya sa oras na nakakatira ako ng bulls eye? Iyong mga sigaw niya kapag umaasinta ako? Sapat na sa'kin iyon."
Nag-iwas siya ng tingin at muling itinuon ang atensyon sa quiver. "Sapat na para sa'kin na makita niya ang sarili niya sa katauhan ko. I want him to feel that even if he's not the one who is holding the pin. He could still feel that the fight was for him. At iyon na lang ang nakikita kong paraan para kahit papaano ay maramdaman niya naman ang pagiging satisfied sa buhay kahit papaano," dire-diretsa niyang sabi. "Si Corbin na lang ang natitira sa akin kaya kahit ilang beses man tayong subukin ng panahon, hinding-hindi ko siya susukuan.
"Kung may award lang siguro ang pagiging huwarang ate, sure ako hinakot mo na lahat ng certificates," puri ng binata sa kaniya. "Hindi ako nag-expect na may ganito pa lang kwento sa likod niyong magkapatid. Isang bagay na hindi nakikita ng City Highians."
"Tsaka sa nakikita kong growth ni Corbin sa loob ng Juanico High, masasabi kong mas nai-showcase niya iyong skills niya sa Arnis. Iba lumaban iyong kapatid mo, Kimbernics. Halata masyadong hinubog ng karanasan dahil ni kahit isang beses, hindi ko man lang iyon nakitang natalo. Ang h—"
"Of course, so if I were you, First. Careful ka na lang, dahil sa oras na saktan mo 'tong si Kimber, patpat ni Corbin iyong hahalik sa mukha mo." Banta ni Dillon na ngayon ay kababalik lang at bitbit sa magkabilang kamay ang mga nakuha niyang tuwalya na siyang ilalapat niya sa puzzle mat.
"Tangina mo, manahimik ka. 'Di ikaw kausap ko."
Akmang tatawa na ang dalaga pero biglang nahagip ng kaniyang mata ang napakaraming talang halos magkasabay na hinulog mula sa langit. Kaagad na nagningning ang mata ni Dillon at doon nagpasyang akyatin ang hagdan patungo sa glass nitong bintana. Halos hindi na siya makapagsalita pa sa kagustuhang namnamin ang pagkakataon na kung saan ay masasaksihan niya ang meteor shower sa kauna-unahang pagkakataon.
"Shit, ang ganda!" Wala sa wisyo niyang usal. Ni hindi na siya kumurap pa dahil ayaw niyang may makalampas na kahit isang meteor sa mata niya. "How I wish that I am going to see this kind of art again."
"Then stay alive." Biglaang sambit ni Kimber. Bakas ang gulat sa mukha ng dalaga nang marinig ang sinabi ng kasama. Muli na naman siyang naninibago sa kinikilos nito ngayon dahil bihira lang itong maging sinsero. Lalo na kapag siya ang kausap.
"There are so many fascinating things that awaits you onced you get out in here alive, Dillon." Dugtong nito na siyang nakapagpatahimik sa kaniya.
"And I promise you that when that time comes, sama-sama tayong mag-eexplore at lilibutin natin ang buong mundo," singit ni First na nakatayo sa kaniyang tabi. "Huwag na nating isali si Ryder. Malaki na iyon, kaya na niya sarili niya." Pabirong dagdag ng binata.
Hindi maiwasan ni Dillon na makaramdam ng pagkakuntento sa pagkakataong 'to. Dahil aminin niya man o sa hindi, naging daan ang outbreak na 'to para makatagpo siya ng mga taong handa siyang samahan hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon. Isang kaganapang miski siya ay hindi makapaniwalang magagawa niyang maranasan. Hindi man naging maganda ang karansan nila mula sa gulong ito ngunit naging sapat na iyon para makita niya kung papaano siya mas pinalapit ng tadhana sa dalawang kasama.
"Then It would be really greatful to travel the whole world kung kayong dalawa iyong magiging travel buddies ko." Nakangiti niyang tugon saka binalingan ng tingin si Kimber at si First na pinagigitnaan siya.
"Kaya kailangan mong mabuhay, Dillon. Kailangan nating mabuhay." Sambit ni First na siyang hindi niya na rin kinontra pa.
"Oh my gosh, guys! It's so instagrammable! Kung hindi lang dahil sa apocalypse na 'to kanina pa talaga ako nag-live eh!" Tumitili niyang sabi at hindi mapalagay sa pwesto. "Kung may camera lang sana ako kanina ko pa t— oh shit! I forgot that I brought my phone with me!" Sa labis niyang pagkataranta ay hindi na siya nakapagpaalam pa sa dalawa bagkus ay tuloy-tuloy siyang bumaba sa hagdan.
Naiwan namang nakatayo sila First at Kimber sa itaas. Ni isa sa kanila ay walang nagtangkang basagin ang katahimikang namamagitan sa kanila ngayon. Hindi mapigilan ng binata ang lingunin ang dalagang kasama, sa unang pagkakataon ay napagtanto niyang hindi pa rin nagbabago ang kaniyang nakagawiang gawin. At iyon ay ang palihim na hangaan ang pinakakaaya-ayang obra na hinding-hindi niya pagsasawaang tignan.
"Nics, may gusto lang sana akong aminin sa'yo..." lakas-loob niyang sabi sa kasama na agaran ding napatingin sa kaniya.
Nag-antay muna siya ng ilang saglit bago nagdesisyong isatinig ang kaniyang nais na sabihin. Bakas naman sa mukha ng katabi ang labis na pagtataka sa kinikilos niya bagay na hindi niya muna pinagtuunan ng pansin.
"Te amo mi amor." Mahina niyang sabi na sapat lang para marinig ng kaharap. Ilang segundo ang inantay ni First para lang abangan ang magiging reaksyon nito. Tinitigan niyang maigi ang mata ng kasama at nagbabakasakali siya na ngingiti ito at aamin din sa kaniya gaya ng mga kaganapang nangyayari sa teleseryeng madalas niyang panoorin. Ngunit tila hindi umayon sa kaniya ang panahon, dahil taliwas sa gusto niyang mangyari ang ginawa ng katabi.
"Malamang. Kailan ka pa ba nakakita ng tae na walang amoy?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top