Chapter 30: Katotohanan
"Chloe Montemayor is my long time sister." Pag-amin ni Wren na siyang dahilan kung bakit hindi kaagad nakasagot ang lahat. Halo-halong mga emosyon ang nakita niya sa mga kaklase bagay na siyang hindi niya ikinapagtaka dahil inaasahan niya naman ang magiging reaksyon ng mga kasama.
"Nice joke 10/10 ang rate ko. Maganda ang construction, may humor, gumamit ng figurative words para mas impactful iyong joke. Angas din ng delivery at timing kasi on-point, madali rin ma-gets at higit sa lahat relatable siya. To make it short, perfect iyong joke natawa ako 3 times like hahaha. Keep it up. Malayo mararating mo, mula Juanico High hanggang sa kabilang buhay." Sagot ni Corbin dahilan kung bakit nilingon siya ng dalaga. Akmang hihirit ito ulit pero naunahan na ito ni Wren.
"This might be sound comical antic, pero hindi ako nagbibiro. Kapatid ko talaga siya."
"Tangina, mas mahirap pa'tong intindihin kaysa sa Synthetic Division. Parang ayaw tanggapin ng utak ko iyong sinabi mo, Wren." Sambit ni Earlyseven saka marahang hinawakan ang kaniyang sentido.
"Luh gago. Baka sa susunod nito sasabihin niyo rin pati si Quincy, kapatid niyo. Gagi huwag." Singit ni Ryder na kaagad namang nasiko ni Cody.
"Kung pareho kayong hindi naging full-fledged zombie. Posible kayang isipin na nasa dugo niyo talaga 'yan?" Alanganing sabat ni Mills. Saglit silang natahimik na tila ba tinitimbang nila kung maniniwala ba sila sa konklusyon nito o hindi.
"Acceptable sa part ni Chloe na naging kalahating tao at kalahating zombie siya because of her experimental development. May mga basic formations sa dugo niya or ibang parts na naiba dahil sa dinaanan niyang unusual process. Pero sa kaso mo, hindi eh. So we can consider her conclusion that there must be something in your family's bloodline, Wren." Konklusyon ni Willow na siyang sinang-ayunan naman kaagad ng iba.
"What if magpaturok din ako kay Sir Winston?" Sabat ni Corbin habang nakapangalumbabang tinignan ang mga kaklaseng nagpapalitan ng teorya.
"Tuturukan ka raw pero semen iyong ipapasok." Sagot ni Ryder dahilan kung bakit sinamaan siya nito ng tingin.
"Paki lugar iyong pagiging manyak, Ryder. Nakakahiya ka." Bulong ni Cody sa kaniya pero nagkibit-balikat lang ang kaibigan.
"Pero seryoso, baka may something din kasi sa dugo ko at mabigyan pa ako ng chance na magtransform. Aba, malay natin baka same kami ng variant ni Hulk." Seryosong paliwanag ni Corbin bago tumayo. Saglit pa siyang nag-unat bago pinaghahampas ang kaniyang dibdib.
"HULK SMASH!" Sigaw niya saka sinuntok ang pader. "Aray ko, tangina!" Reklamo niya nang halos hindi na niya maramdaman ang kaniyang daliri dulot ng malakas impact.
"Speaking of Sir Winston," usal ni Meadow bago nilingon si Wren. "How did he found out about Chloe's unavowed peculiarity? I mean, imposible kasing isipin na he just did his 'experiment' by choosing his students randomly."
"Naalala niyo pa no'ng nagpa-health screening tayo?" Banggit ni Mills na siyang kaagad naman nilang sinagot ng tango. "May nasabi kasi sa'kin si Elsie that time na hindi ko lang masyadong sineryoso."
"Wala ka naman talagang siniseryoso, long quiz nga natin 'di ka nangalahati t─ Aray! Oo na, tatahimik na!" Singit muli ni Corbin.
"Tungkol saan ba iyon, Mills?" Tanong ni Meadow.
"Tungkol iyon sa dugo ni Chloe na binukod sa ibang sample tube. Kung tama ang pagkakatanda ko, may nakita raw ang mga nurse na kakaibang formation sa dugo niya na siyang hindi pa nila na-discover dati. Isang uri ng dugo na never pang nag-exist sa history ng biology," panimula niya bago nilagay sa apoy ang hawak niyang kahoy. "Ang sabi niya sa'kin, iniwan daw nila ang sample tube kay Sir Winston para mas mapag-aralan niya iyon. Dati siyang Med-Tech di'ba? So dahil siguro sa pag-test niya sa dugo ni Chloe, doon niya na nalaman na iba siya."
"To be honest, our science teacher is not just a mere Med-Tech." Muling pagkuha ni Wren sa atensyon ng lahat. Nang marinig nga ng mga kasama ang kaniyang itinuran ay halos magkasabay ang mga iyon na napalingon sa kaniya.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ni Ledger.
"Dati siyang estudyante ni Lolo— his favorite student to be exact. Lahat ng lessons nila ay sa lab ginagawa, from the basic forms of experiments down to higher and refined tests." Pag-umpisa niya habang paunti-unting binabalikan ang mga memoryang sinikap niyang hindi makalimutan.
"Estudyante ng Lolo mo?" Muling sabat ni Ledger at doon siya sinuklian ni Wren ng tipid na tango. "Teka, are you referring to the great Professor Warlito Soriano?"
Muli ay tango ang sinagot ng dalaga dahilan kung bakit bumakas ang gulat sa mukha ng kaklase.
"So it does make sense why you've mentioned that incubator thing dahil wala namang ibang commendable inventor ng San Juanico and at the same time great scientist kundi ang Lolo mo lang," hinuha ng binata saka siya diretsong tinignan. "Fuck, Juanico High just dared to lay their fingers on Chloe without knowing that she's also the granddaughter of the Professor."
"Tangina, hindi ako nag-expect na Lolo mo iyon since iyong sinabi ni Ms. Garcia sa'min ay galing ka raw sa probinsya." Hindi makapaniwalang sambit ni Ryder habang hindi mawala-wala ang pagkamangha sa mukha.
"Lahat ng records at documents na hawak ni Ms. Garcia ay puro fake. Bago pa man nagsimulang mabura ang papel nila Lolo sa San Juanico ay nagdesisyon na siyang gawan ako ng mga pekeng dokumento para itago iyong totoong pagkatao ko," pagbibigay linaw ng dalaga sa mga kaklase. "Ayaw ni Lolo na madamay ako sa gulong dala ng pamilya nila Quincy kaya inilayo niya ako rito at pinasama kay Ms. Blaire Garcia ─ ang mismong adviser natin."
"Tangina, pakiulit?" Naguguluhang sabat ni Earlyseven.
"Anong connection ni Ms. Garcia sa'yo at sa pamilya mo?" Kunot-noong tanong ni Mills.
"She's one of the most trusted employee ni Lolo no'ng araw. Hindi man gano'n ka laki iyong naging papel ni Ms. Garcia sa loob ng Pharma, pero isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng pamilya namin."
"So totoong galing ka nga sa probinsya?" Tanong ni Yohan na siyang sinagot niya lang ng tango.
"After I left San Juanico, doon na nga nangyari iyong kinakatukan ko ─
ang masira ng mga Corpuz ang naging pundasyon ng pamilya namin. Both of my parents even my grandpa died because of a car accident that causes my family to faced the greatest downfall. Hindi ko alam kung naaalala niyo pa ba iyon dahil nga sa ipinagbawal ng Lolo ni Quincy─ ang kasalukuyang Mayor noon ─ ang pag-usapan pang ulit ang patungkol sa'min," saglit siyang huminto bago palihim na ikinuyom ang kaniyang kamao. "Ginusto niyang pabagsakin si Lolo dahil ayaw ng mga Corpuz na may tao pang hahawak sa San Juanico maliban sa pamilya nila."
"Kaya ka rin ba pumayag na sumali sa gulo ng Aries at ng Bermuda Triangle hindi lang dahil sa gusto mong ipaglaban si Chloe kundi dahil din sa gusto mong harapin si Quincy para ipaghiganti iyong pamilya mo?" Mahinahong tanong ni Meadow dahilan kung bakit agad siyang nilingon ni Wren. Tipid na kumorba ang dulo ng kaniyang labi at doon sunod-sunod na umiling.
"If it happens that I am here for revenge, hindi niyo na sana makikitang buhay si Quincy," diretso niyang sabi. "As much as I want to avenge them for what happened way back, mas pinili kong ipasa Diyos ang lahat. I don't want to stain my family's surname at mas lalong ayaw kong masira iyong imaheng minsan na ring iniwan ni Lolo sa siyudad na 'to."
"Pero balik tayo kay Sir Winston, ano bang naging ganap sa buhay niya matapos siyang mapasok sa Pharma niyo?" Pagbabalik ni Corbin sa usapan at muli na namang nangalumbabang tinignan si Wren.
"Sa totoo lang, marami. Being inside the Pharma pushed him to become eager to explore the world of science kaya naman ay hinayaan lang siya ni Lolo na pasukin ng mundo ng Anatomy, Pathology at Biology. After almost 10 years of staying inside the Pharmaceutical doon na siya nagdecide na mag-aral ulit sa college. Nakapagtapos siya sa kursong BS Biology at nagturo rito sa Juanico High." Pagtutuloy ng dalaga.
"Tangina, 'yang biology nga iyong naging rason bakit dalawang beses akong nag-fourth year. Tapos hindi pa siya nagpaawat at pinasok pa iyong Anatomy? Hayop, ang talino." Sabat ni Ryder at doon manghang-mangha na umiling.
"Palaging bukambibig ni Lolo si Sir Winston to the point na halos ulit-ulitin niya na sa'kin ang lahat ng mga naitulong nito sa Pharmaceutical. I can't even deny the fact that my grandpa treated him like his own son."
"Nasabi rin ba ng Lolo mo sa kaniya iyong tungkol sa incubator process na dinaanan ni Chloe?" Singit ni Ledger pero umiling lang ang dalaga bilang tugon.
"They never share that experimental progress to anyone inside the Pharma. Ang pamilya ko lang at ang mga nakasama nilang doctors ang nakakaalam no'n. Si Chloe lang din ang una at huling tao na pinaggamitan nila ng incubator." Diretsang tugon ni Wren.
"So it really makes sense," wika ni Ledger saka hinawakan ang bridge ng kaniyang suot na salamin. "Unti-unti na nating naipagdikit-dikit ang mga nangyari. Though, may mga parts lang na hindi pa masyadong clear. But this is quite enough to conclude that Sir Winston is the one who started this mess."
"It's getting late. Oras na para matulog." Singit ni Meadow at doon na siya humikab at nag-unat.
"Matutulog ulit tayo nang hindi kumakain?" Nakakunot-noong tanong ni Earlyseven na kaagad namang nilingon ng katabi.
"Wala na nga tayong supply ng pagkain di'ba? So ano pang ini-expect mong kainin natin ngayong gabi, iyong rugby?" Sarkastikong hirit ni Ledger.
"Bakit iyong ano, kinakain habang nakahiga," singit ni Ryder dahilan kung bakit muli siyang nasiko ni Cody.
"Kinakain habang nakahiga? Iyong alin?" Kunot-noong tanong ni Earlyseven.
"Wala, mabait ako. Hindi ko alam iyon." Madaliang sabi ng kaklase bago palihim na tumawa.
"Ako sa gitna!" Sigaw ni Corbin at doon padambang humiga sa karton. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Earlyseven na nakipag-agawan na rin ng pwesto sa kaniya. Hindi na lamang pa nakigulo si Ledger bagkus ay kinuha na lamang niya ang pwestong malayo sa dalawa nang sagayon ay hindi siya nito guluhin.
"Mills," tawag ni Willow sa dalaga na katatayo lang. Mabilis naman siya nitong nilingon saka siya tinitigan gamit ang nagtatanong nitong mga mata.
"Hmm?"
"A-ano kasi," alinlangan niyang sambit bago pinaglaruan ang kaniyang daliri. Muli na namang nagtatalo ang isip niya at hindi niya magawang makapagpasya kung kakausapin niya ba ang kaibigan ngayon o sa susunod na lang.
"May sasabihin ka ba?" Nagtatakang tugon ni Mills. Ilang segundong binalot ng katahimikan ang dalawa hanggang sa wakas ay naisaboses na ni Willow ang kaniyang ibig na sabihin.
"Pwede ba kitang makausap sandali?" Nang tuluyan niya na ngang maisaboses ang kaniyang nais ay doon gumuhit sa labi ng kausap ang isang tipid na ngiti. Hinawakan siya kaagad ni Mills sa kamay bago iginaya palapit sa gawing dulo ng rooftop kung saan malayo sa mga kaklase. Kapwa sila nakaharap diretso sa mga gusaling naaabot ng kanilang mata at ang lamig na dulot ng hangin ang siyang nagdadala rin ng napakakomportableng pakiramdam sa pagitan nilang dalawa.
"After what happened inside the cookery room, never pa kitang nakausap nang masinsinan," panimula ni Willow saka pasimpleng nilingon ang katabi na nakatutok pa rin ang atensyon sa harap. "Gusto ko lang sanang humingi ng despensa sa'yo, Mills. No'ng mga panahong iyon, sobrang crowded lang talaga ng utak ko kaya hindi ako makapag-isip nang matino." Dugtong niya at doon pansamantalang nag-iwas ng tingin. Nag-antay siya sandali kung may komento bang bibitawan ang kasama ngunit nang hindi ito nagsalita ay doon siya muling nag-iwas ng tingin bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Hindi ko rin ginustong masigawan ka at itulak ka palayo sa'kin. It's not my intention to ruin the friendship that we have that's why I'm s—"
"Ayos lang," naantala ang kaniyang pagpapaliwanag nang biglaang putulin ng kaibigan ang kaniyang sinasabi. "Hindi mo na kailangan pang mag-sorry sa'kin, Willow. Kung tutuusin, ako pa nga ang dapat na humingi ng pasensya sa'yo eh. Ako kasi iyong nagpumilit na lapitan ka para lang magkaayos tayo. Hindi ko rin inisip iyong nararamdaman mo noong mga panahong iyon sa kagustuhang kong damayan ka." Matapos iyong sabihin ni Mills ay hindi na napigilan pa ni Willow na lingunin ang katabi.
"Ang inconsiderate ko nga pakinggan no'n kasi kahit alam ko namang pinagdududahan mo'ko at tinutulak na palayo, dikit pa ako nang dikit sa'yo. Hindi ako nag-iisip at pinagpilitan ko pa lalo iyong sarili ko," mahinahong sagot ng kasama habang nakatingin sa kaniya. "Natakot lang talaga ako na baka nang dahil sa nangyari kay Alison at dahil na rin sa pinagdududahan mo ako ay baka magkasiraan nga tayo. Ayaw ko namang umabot tayo sa puntong iyon, Willow. Maniwala ka man o sa hindi, iyon iyong isang bagay na pinakainiiwasan kong mangyari."
"Miski ako naman ay gano'n din, it just happened that I've lost control of myself. I'm sorry for that, Mills," muling sambit ni Willow at doon dahan-dahang ipinatong ang palad sa kamay ng dalaga. "Hindi ko lang talaga alam iyong gagawin ko no'n knowing na buhay ni Alison iyong nakataya. I can't afford to lose her, Mills. I was so fucking scared to face the reality that she's going to left us. I didn't fail to protect her from those zombies, pero nakalimutan kong ipaalala sa sarili ko na mas hayop pa ang mga tao kaysa sa mga halimaw na iyon."
"Siguro nga, tama ka. Pero ito iyong realidad eh. Ito iyong totoo nating mundo, Willow," tugon ni Mills. "Nang dahil din sa mga kinuwento nila Wren kanina, doon ko narealized na tayo lang din naman iyong gumagawa ng sarili nating halimaw. Na tao iyong nagpupush sa iba para maging isang demonyo."
Matapos iyong idugtong ng dalaga ay wala sa wisyong napaiwas ng tingin si Willow. Hindi niya maiwasan ang sarili na makaramdam ng hiya at sa parehong pagkakataon ay takot nang biglaang nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang kumosyong nangyari sa kanila kanina.
"Are you. . . mad at me, Mills?" Alinlangang tanong ng dalaga. "Galit ka ba sa'kin kasi isa ako sa mga taong may atraso rin kay Chloe?"
"Kapag ba nagalit ako sa'yo, may magbabago ba?" Balik na tanong ng kasama na siyang nakapagpatahimik sa kaniya. "Kapag ba kaayawan kita at singhalan nang paulit-ulit para lang itanong kung bakit mo iyon ginawa sa kaniya, maibabalik ba natin sa dati ang lahat?"
Muli, hindi nakasagot si Willow. Ni kahit ang magsalita at magpaliwanag ay hindi na niya nagawa lalo na at tama ang itinuran ng kaharap.
"Hindi ko alam kung anong nangyari at ginawa mo iyon, Willow. Ni wala nga akong ideya kung ano ba iyong nagtulak sa'yo para gawin iyon kay Chloe." Diretsang sagot ni Mills saka niya pansamantalang binawi ang kamay sa kaibigan para kunin sa kaniyang bulsa ang nirolyo niyang kwaderno.
"I'll explain it to you, ipapaliwanag ko gamit ang SD card na 'yan kung ano iyong totoong nangy─"
"Kung may isang tao man na dapat makarinig diyan sa paliwanag mo, hindi ako iyon kundi si Chloe," hayag ng katabi dahilan kung bakit muling napahinto ang kasama. "Sa kaniya ka may atraso kaya bakit sa'kin mo ipapaliwanag? Sapat nang alam mo na hindi ako nagalit sa'yo, Willow."
Sandali silang binalot ng katahimikan at ilang segundo rin silang hindi nag-imikan. Kapwa sila nakatingala sa langit habang pinapanood ang mga bituin na kumikislap sa ilalim ng gabi.
"Mills..."
"Hmm?"
"Anong plano mo kapag natapos na lahat ng 'to?" Madaliang dugtong ni Willow na siyang naging bunga kung bakit pansamantalang natahimik ang kausap para makapag-isip. Hindi rin ito kinulit ng dalaga sa kagustuhang marinig ang isasagot nito.
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam," pag-amin ng katabi bago inayos ang kaniyang buhok na marahang tinatangay ng hangin. "Hindi ko rin naman masabing babalik ako sa dating gawi. Sa dinami-dami ba namang nangyari sa'tin sa outbreak na 'to. Imposible na masyadong isipin na maibabalik ko pa sa dati iyong buhay ko, iyong buhay natin."
"Ang sakit lang kasing isipin na magiging maayos ulit iyong takbo ng mundo pero iyong mga naging kasama natin dati, wala na. Parang ang hirap-hirap ulit magpatuloy kapag iyong mga nakasanayan mong kasama, hindi mo na ulit pa makikita." Mahina nitong pag-amin at doon nag-iwas ng tingin. Miski si Willow ay nakaramdam ng ibayong klaseng pangungulila lalo na at kahit kasama niya si Mills ngayong gabi, may malaking puwang pa rin sa puso niya na ibang tao lang ang siyang makakapuno.
"Parang hindi ako sanay na papasok ako ulit sa klase pero hindi ko na maririnig iyong boses ni Alison na tatawagin akong 'teh'. Wala na akong kukulitin during class hours kasi wala na si Collins sa tabi ko. At higit sa lahat..." huminto muna siya bago marahang pinunasan ang luhang kumawala sa kaniyang mata. "Wala ng kakalabit sa'kin sa likod para makipag-chismisan sa'kin, at wala na rin akong best friend na lagi kong bibilhan ng meryenda pagdating ng recess kasi pati si Elsie, w-wala na rin."
Matapos marinig ang idinugtong ng kasama ay hindi na nga nakayanan pa ni Willow ang tignan ang ekspresyon nito. Nakakadala ang lungkot na bumabakas ngayon sa mukha ng kaibigan. Nakakapanikip ng dibdib ang mga salitang lumalabas sa bibig nito at mas lalong nakakabasag ng puso ang tono ng boses ni Mills lalo na at kababakasan talaga iyon nang matinding lungkot at pangungulila. Hindi naman niga maitatanggi na nasasaktan din siya tulad ng kaibigan lalo na at gaya nito ay hindi rin niya kayang mamuhay sa panibagong sistemang hindi siya sanay.
"Ikaw ba, Willow. Ano bang plano mong gawin?" Pilit na ngumiti ang kaibigan sa kaniya na siyang naging mitsa kung bakit muli niya itong nilingon. Gumuhit ang pagod na ngiti sa labi niya bago nagpasyang tingalain sa ikalawang pagkakataon ang kalangitan.
"Gusto kong i-try iyong mga bagay na hindi ko pa nagagawa before," diretso niyang sabi, "ayaw ko kasing gawin iyong mga ginagawa ko dati kasi baka mas lalo lang akong mahirapan na magpapatuloy. And I think, keeping myself away from doing the things that associated with them would be the best way for me to move on."
"I wanna be another version of myself. Gusto kong mas maging kapaki-pakinabang na Willow Marasigan pagdating ng panahon," lakas-loob niyang sabi bago ikinuyom ang palad. "A version of me that Alison haven't seen before." Mahina niyang sambit saka dinukot mula sa kaniyang bulsa ang nag-iisang ala-ala na naiwan ni Alison sa kaniya.
Malamyos niya itong tinignan bago nagpasyang itabi ang hawak sa suot niyang pulseras. Tila ito na lang ang kaniyang natatanging paraan para kahit papaano ay makatabi niya pa rin ang pumanaw na kaibigan. Maingat niyang hinaplos ang pangalang nakaukit dito at iyon din ang siyang naging mitsa kung bakit muli na namang namuo ang luha sa kaniyang mga mata.
"I miss you so much, Ali." Bulong niya sa sarili. Matapos niya iyong banggitin ay bigla niya na lang naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na tila ba nagbabalak na balutin ang kanilang paligid. Wala sa wisyo siyang napapikit at dinamdam ang napakapresko nitong ihip. Sa isip niya ay paraan ito ng kalikasan para kahit papaano ay maramdaman niyang ulit ang yakap ng dating kaibigan. Akmang babalik ulit siya sa malalim na pag-iisip nang bigla niya na lamang naramdaman ang kamay ni Mills na nakapatong na ngayon sa balikat niya.
"Sigurado akong magiging proud si Alison sa'yo," pampalubag-loob nito saka siya tinapik. "Kasi iyong kaibigan niya, nagkakaroon na ng courage para lumaban. Pangarap iyon ni Alison sa'yo di'ba?" Dagdag ni Mills na siyang palihim niya lang din na tinanguan.
"Dati, ayos lang sa'kin na maging mag-isa. I just prefer the idea of being alone than to get attached to anyone who'll just going to leave me in the end. Takot lang kasi akong maiwan, Mills. Takot lang ako sa reyalidad na baka sa oras na masanay ako na may kasama, mahihirapan akong makapag-adjust kapag ako na lang mag-isa. Tignan mo iyong nangyari ngayon, naiwan na naman ako ulit." Mapakla itong ngumiti saka bumuntong-hininga.
Sa halip na sumagot si Mills ay nanatiling tikom ang kaniyang bibig upang antayin ang susunod na sasabihin ng kaibigan.
"Sa kagagawa ko ng paraan para makalayo sa lahat, lumaki na akong independent," kwento ni Willow at doon kinuyom ang kaniyang kamao nang sagayon ay magagawa niyang pigilan ang mga luhang nagpupumilit na namang tumakas mula sa kaniyang mata. "But things have changed when Alison came to my life. Pinaramdam niya sa'kin na masarap mabuhay nang may kasama, na may ka-bonding at may kasabay ka sa lahat ng mga trip mo sa buhay."
"Iyong tipong umabot na ako sa punto na unti-unti ko na pa lang dinidepende iyong sarili ko sa kaniya. Hindi lang kasi kami magkaibigan Mills, eh. Kapatid na iyong turing ko sa kaniya, Ate ko to be exact. She might be playful sometimes or tend to forgot her promises before pero kung saka-sakali mang dumating ako sa punto na kakailangan ko siya, nandiyan siya agad. She always got my back whenever I feel down, pinupush niya ako pataas para makatayo ulit. Kung ano man iyong problema ko, siya iyong laging nagbibigay ng advice sa'kin, pero ngayon..." kagat-labing sabi niya bago hinigpitan ang pagkakahawak sa pulseras. "I was left again all by myself. Ni hindi ko man lang siya nakausap nang maayos bago siya nawala sa'kin. It happened so sudden to the point na pati ako hindi nag-expect na mangyayari iyon."
"Pero, kahit wala na siya sa tabi ko. Itutuloy ko pa rin iyong mga pangarap na magkasabay naming plinano. I won't disappoint her for this time." Buong-tapang niyang sabi na siyang lihim na nagpangiti kay Mills.
"Aasahan ko 'yan." Komento ng kasama na siyang nagpaguhit ng tipid na ngiti sa labi ni Willow.
Inakbayan siya ng kasama saka siya iginiya palapit sa pwesto nila Meadow na kasalukuyang inaayos ang kanilang magiging higaan.
"Tamis ng ngiti natin, ah. Bati na kayo?" Salubong ng kanilang class president na siyang sinagot nila pareho ng ngiti.
"Angas, bati na sila. What if sirain ko friendship niyo?" Singit ni Corbin na siyang kaagad namang nahampas ni Yohan sa mukha.
Magkakatabi silang humiga sa matigas na sahig. At tanging mga kakarampot na pinaglumaang tela lamang ang nagsisilbi nilang banig para kahit papaano ay maging komportable sila sa pagtulog. Pare-pareho silang nakatihaya at ang iba naman ay nakatulog na ngunit ang iilan ay nakatuon pa rin ang atensyon sa mga talang kumikislap-kislap sa itaas.
Hindi maiwasan ni Mills na makadama ng kaunting kaginhawaan lalo na at buong akala niya ay mananatili ang tensyon sa kanilang dalawa ni Willow, mabuti na nga lang at nabigyan pa siya kahit papaano ng kaunting pagkakataon para maayos ang hindi nila pagkaintindihan ng dalaga. Siya at si Willow na lang ang natitira sa kanilang apat at hindi na niya lubos pang kakayanin kung pati ito ay mawala rin sa kaniya. Nabigo na siyang maprotektahan si Elsie noon, at ayaw na niyang maulit pa iyon.
Wala sa wisyo siyang napatingin sa kaniyang dalawang kamay. Mapa-hanggang ngayon at hindi niya pa rin maintindihan kung ano ba ang mali sa sarili niya. Wala siyang kaide-ideya kung bakit bigla na lamang siyang nagkaroon ng ibayong lakas gayong hindi niya naman ito napapansin dati.
"Kinulam kaya ako?" Hindi niya siguradong tanong sa sarili. "O 'di kaya ay ipinanganak akong may magical powers at hindi lang ako aware?" Dagdag niya pa saka sinubukang iginalaw-galaw ang mga daliri waring may mahikang nais palabasin.
"Bakit wala?" Nagtataka niyang tanong at doon dismayadong ikinuyom ang kaniyang palad. Saglit siyang nag-isip hanggang sa nagkaroon siya ng ideya kung ano ang susunod niyang gagawin.
"Siguro hindi talaga elemental powers iyong nasa akin. What if, isa pala akong nawawalang hokage at kapatid pala ako ni Naruto?" Lihim niyang tanong sa sarili at muli niya na namang itinaas ang kaniyang kamay bago nag-umpisang gayahin ang mga hand signs na nakikita niya sa TV.
"Aray ko, bwisit." Reklamo niya nang magkamali siya ng ikot kaya bahagyang sumakit ang kaniyang palapulsuhan. Hindi naman nakatakas sa pandinig niya ang mahinang pagtawa ni Yohan na nakahiga sa kaniyang gawing gilid.
"Mukha kang tanga, Mills." Komento nito sa kaniya dahilan kung bakit asar siyang tumigil sa ginagawa.
"Partida kasi hindi mo ako maintindihan." Bulong niya sa hangin na siyang hindi naman nito napansin.
"Alam mo? Minsan, may mga bagay lang talagang hindi mo dapat pwersahin. Bakit hindi mo na lang kaya subukang ipahinga 'yang utak mo baka sumpungin ka na naman." Pangangaral ng binata sa kaniya pero hindi na lamang siya umimik pa.
Gustong-gusto niya na kasing malaman ang sagot sa katauhan niya dahil ilang gabi na rin siyang binabagabag ng mga tanong na hindi niya magawang sagutin.
"Wala ka bang napapansin sa'kin, Yo?" Tanong niya sa katabi bago niya ito nilingon. Nanatili ang mata ng binata sa itaas nang hindi man lang nag-abalang tignan siya.
"Bigla-bigla na lang akong nagnonosebleed, nagsuka pa ako ng dugo kanina, tapos iyong lakas ko parang hindi na siya nor—"
"Ang sabi ko, ipahinga mo na 'yang utak mo. Hindi ko sinabing mag-overthink ka," putol nito sa kaniyang sinasabi. "Sinusumpong ka lang kaya ka nagkakaganyan. Nakalimutan mo na ba ang laging bilin sa'yo ni Loli? Ang sabi niya, huwag mong pwersahin ang sarili mo dahil hindi iyon maganda sa kalusugan mo. Ilang araw ka na ring walang matinong pahinga at kain kaya kung pwede, makinig ka naman sa'kin?"
"Pero hindi ka man lang ba nagtataka sa mga nangyayari sa a─"
"Walang mali sa'yo, okay? Kaya hindi mo kailangang pagdudahan ang sarili mo."
"Successful naman iyong operation ko di'ba? Kya bakit pa rin ako sinusumpong? Hindi pa ba ako tuluyang magaling?" Naguguluhang tanong ni Mills lalo na at hindi niya talaga maiwasang magtaka kahit pa paulit-ulit siyang pinapaalalahanan ni Yohan na ayos lang siya, dahil hindi siya tanga para hindi mapansin ang kagila-gilalas niyang katangian na ngayon niya lang din natuklasan.
Tanggap ng dalaga na may mga pagkakataon na bigla na lang dudugo ang kaniyang ilong o 'di kaya ay magsusuka siya ng dugo dahil aminado siyang maraming beses na ngang nangyari sa kaniya iyon. Ang kaso nga lang, hindi madalas gaya ngayon. Pero ang pinakahindi niya na matanggap ay ang nangyari sa kanila kanina ni Collins. Hindi siya manhid para hindi malaman na kinakalmot siya ng dating kaklase, ngunit ang nakapagtataka ay kusa iyong naghilom. Bagay na mas lalong hindi niya mawari kung bakit lalo na at alam niyang hindi ito nangyayari sa isang normal lamang na tao. Kaya ano ba itong nangyayari sa kaniya? Ano ba talaga siya?
"Gaya nga ng sinabi ko kanina, kulang ka lang sa pahinga." Mahinang banggit ni Yohan na siyang hindi niya na lamang kinibo.
Nang saktong binalik ni Mills ang tingin niya sa kalangitan ay biglang nahagip ng kaniyang mata ang napakaraming meteor na halos magkasabay na pinapakawalan ng langit. Mangha-mangha siyang tumitig dito at nagsimulang bilangin ang mga iyon.
"First time mong makanood?" Tanong sa kaniya ni Yohan na ngayon ay nakatingin sa kaniya.
"Makakita ng shooting star? Hindi. Pero ang makakita ng ganiyan karami? Oo!" Madalian niyang sagot.
"Hindi ka ba magwi-wish?"
"Required bang mag-wish kapag nakakita ka ng meteor shower?" Kunot-noong banggit ni Mills na siyang muling nakapagpangiti sa kaibigan.
"Ang sabi sa'kin ni Ninong, kayang ibigay ng shooting star ang kahit anong hilingin natin. Natatandaan ko pa nga iyong mga kwento niya sa'kin dati na may dalang dalawang regalo ang meteor. Una, dadalhan ka nito ng swerte. Pangalawa, magdadala iyon ng kasaganaan sa buhay ng taong makakakita no'n."
"Fables lang naman iyon eh." Kontra ng dalaga pero tinawanan lang siya ng katabi. Nang wala na ngang kahit sino sa kanila ang nagsalita ay magkasabay nilang pinanood ang nakakaakit na obra ng kalangitan. Ilang sandali rin silang hindi nagkibuan hanggang sa magpasya si Mills na basagin ang nakakabinging katahimikan.
"Siguro kung nandito lang si Kuya, magtatalo pa kami kung sino ang unang mag-wiwish. Tapos masesermonan siya ni Loli kasi inaaway niya ako. At dahil nga sa pikon siya, hihilingin niya na hindi matupad iyong wish ko." Natatawa niyang kwento. Hindi nakatakas sa mata ni Yohan ang matinding pangungulila sa mukha ng dalaga. Hindi man ito nakatingin sa kaniya ngunit nahalata niya pa rin ang nag-uumapaw na emosyon sa mga mata nito.
Sandaling hindi nakaimik si Mills bago nagdesisyong pumikit. Lumabas ulit sa ala-ala niya ang mga memoryang bumuo sa kaniyang pagkatao. Mula sa kaniyang Loli na lagi siyang ipinaghahanda ng pagkain, kinukwentuhan kapag hindi siya makatulog, at ang mga baon nitong lumang mga kanta na siyang masiglang inaawit ng matanda para lang aliwin siya. Sumunod niyang inalala ang mga walang kwentang asaran nila ni First, mga mababaw na bagay na lagi nilang pinagtatalunan at higit sa lahat, ang pagiging protective nitong Kuya sa kaniya.
"Lord, ngayon lang talaga ako hihiling nang matino sa'yo," pauna niyang sambit. "Hindi ko alam kung deserve ko bang manghingi ng request pero kakapalan ko na po talaga iyong mukha ko. Marami naman po kayong pinadalang wishing star di'ba? Kaya sign ko na siguro 'to para magkaroon ng unlimited wishes." Dagdag niya saka palihim na napamura nang hindi niya pa rin magawang magseryoso.
"Hindi po ako magwi-wish para sa sarili ko kundi para po sa iba. Gusto ko lang po sanang hilingin sa inyo na sana, ligtas po si Loli. Kung nasaan man siya ngayon, huwag niyo po sana siyang pabayaan. Kayo lang po talaga ang malalapitan ko sa pagkakataong 'to dahil wala akong ibang mahingan ng tulong," sinsero niyang sabi. "Huwag niyo rin po sanang ilagay sa alanganin ang buhay ni Kuya. Hindi ko po alam kung ano ang lagay ng kapatid ko ngayon, at alam ko rin na kayo lang ang nakakaalam sa sitwasyon niya kaya ipapaubaya ko na po sa kamay niyo ang kaligtasan niya." Taos-puso niyang dagdag bago nagpasyang magdilat ng tingin.
"Akala ko ba fables lang iyon? Bakit ka nag-wish?" Salubong sa kaniya ni Yohan dahilan kung bakit alanganin niya itong nilingon. Nang-aasar siya nitong tinitigan kaya pabiro niya itong siniko.
"Ito seryoso, anong hiniling mo?"
"Ang hiling ko lang naman ay sana tumahimik na kayong dalawa dahil nakakadistorbo na kayo sa pagtulog ko. Tangina, gabing-gabi na nga nakuha pang magbebetime. Hayop talaga." Asar na singit ni Corbin na kanina pa nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Oo na, tatahimik na." Sagot ni Mills at doon maingat na hinila ang telang pinagsaluhan nilang dalawa ni Willow. Itinalukbong niya ito sa katawan niya bago humiga nang maayos.
"Uy," tawag ni Yohan sa kaniya. "Huwag ka na munang matulog."
"Tigilan mo na ako."
"Uy, Mills. Huwag ka nga kasi munang matulog." Muli nitong hirit dahilan kung bakit nagpasya na ang dalaga na magdilat ng tingin saka asar na nilingon ang katabi.
"Alam mo? Ang gulo mo rin talagang kausap. Parang kanina lang gusto mo'kong magpahinga pero ngayon naman, ayaw mo'kong patulugin. Dati ka bang siraulo?" Naaasar niyang reklamo.
"Mamaya ka na kasi matulog."
"Diyos ko naman, Yohan. Mag-aalas dose na oh, ano pa bang gagawin natin sa madaling araw?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Ano bang akala mo ngayon, December 31 na required magpuyat para salubungin iyong New Year?"
"Ayaw mo ba akong samahan?"
"Nandiyan naman si Corbin. Kung gusto mong umihi, sa kaniya ka magpasama." Sagot ni Mills at halata talaga sa mukha ng dalaga na nawiwirduhan na siya sa kinikilos ng kasama.
"Pwede namang ako na lang ang sumama sa'yo, Yo. Para makasigurado 'yang si Mills na hindi lang talaga pag-jinggle ang mangyayari kundi meron pang bonus na heav—Aray ko!"
"Pwede bang huwag ka na ring dumagdag? Maingay na nga, umingay pa lalo no'ng nagsalita ka." Sita ni Cody sa kaibigan.
"Tangina, akala ko ba tulog ka na?" Reklamo nito nang bigla siyang sikuhin ni Cody.
"Ssh! Tahimik sabi."
"Ito naman si babe, nagselos kaagad. Relax, Cody. Ikaw lang ang ice cream sa ibabaw ng cupcake k—Aray! Punyeta, nakakadalawa ka na!" Sigaw na naman nito na siyang dahilan kung bakit binalot sila ng tawanan.
"Tigil-tigilan mo ako. Nakakarindi ka na." Asik ng katabi bago tumagilid para talikuran ang pwesto ng kaibigan.
"Kung mayroon ka pang sasabihin sa'kin, bukas mo na lang ituloy. Mag-uumaga na, Yo. Kaya matu—" kaagad na naputol ang sinasabi ni Mills nang mahagip ng kaniyang tingin ang petsang nakatatak sa kaniyang mismong relo. Pumatak na ang alas dose at nakapagpalit na rin ito ng petsa. Kung hindi niya pa pinansin ang suot niyang wristwatch ay baka hindi niya pa rin alam ang tunay na dahilan kung bakit nag-iinarte ang kaniyang katabi.
"October 26." Mahina niyang banggit sa sarili. Gulat siyang napalingon sa kaibigan na kanina pa inaantay ang kaniyang paglingon. Gumuhit kaagad ang matamis na ngit sa labi ni Yohan at matiyagang inantay ang susunod na sasabihin ng dalaga.
"Wala ka bang sasabihin sa'kin?" Tila nananabik nitong tanong. Mas lalo lamang siyang napangiti nang makita kung paano gumuhit ang sinserong ngiti sa labi ng kaharap.
"Good morning, Yohan. Sige na, ayos na iyon. Malaki ka na, kaya mo na sarili mo." Sunod-sunod nitong sabi at muli na naman siyang tinalikuran.
Mabilis pa sa segundong nawala ang ngiti sa labi ni Yohan bago asar na asar na nag-iwas ng tingin.
"Kinulit pa kita nang kinulit para lang hindi ka makatulog tapos wala naman pa lang kwenta iyong sasabihin mo sa'kin. Sayang tuloy efforts ko sa pag-aantay na sumapit iyong madaling araw para lang antayin iyong message mo sa'kin pero hindi ka pa rin talaga nagbabago. Sisirain mo pa rin mood ko tapos m—" bigla siyang napahinto sa pagrereklamo nang bigla niyang maramdaman ang labi ng dalaga na dumikit mismo sa kaniyang pisnge. Sa sobrang gulat niya ay halos hindi siya makakilos at ni kahit magsalita ulit ay hindi na niya rin nagawa.
"Happy birthday, Yohan." Nakangiti nitong bati sa kaniya saka siya tinitigan nang diretso sa mata. Hindi magawang maialis ng binata ang kaniyang tingin mula sa dalaga waring hindi pa rin nakakabawi. Dulot ng ginawa nito ay muli na namang bumilis ang pintig ng puso niya. Aminado na siya noong una pa lang na may iba na siyang nararamdaman para kay Mills, pero mas pinili niya nga lang na itago at kalimutan iyon alang-alang sa pagkakaibigan nilang dalawa. Pero totoo nga talaga ang kasabihan na traydor ang puso kung magmahal lalo na at kahit ilang beses niya mang pigilan ang sarili na huwag mahulog, patuloy siyang hinahatak ng kapalaran palapit sa babaeng hinahanap ng kaniyang damdamin.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila mas gusto na ng binata na hayaan na lamang na kumawala ang kaniyang puso at malayang itibok ang pangalan nag-iisang taong nais niyang makasama.
"Salamat, Mills."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top