Chapter 27 (2) : Tapatan
Nasa gawing kabila nakaokupa sila Meadow kasama ang kaklaseng si Wren at Willow. Nakapwesto sila sa mismong tapat ng teacher's table para ihanda ang magiging agahan nila sa panibagong umaga na sumapit. Mabuti na lang at bago pa man nila iwan ang cookery room ay nagawa pang makakuha ni Wren ng mga pagkain kaya hindi sila namroblema masyado sa kakainin. Iyon nga lang ay kumunti nang kumunti ang supply lalo na at tatlong araw na rin naman ang lumipas.
"You're worried on him?" Hindi mapigilan ni Meadow ang magsalita at tanungin ang kaklaseng si Wren lalo na at napapansin niya itong patingin-tingin sa gawing bintana waring may taong inaabangang dumating.
"No, I'm not." Diretsong hayag ng dalaga nang hindi man lang kakikitaan ng kahit ano mang emosyon. Blangko pa rin ang ekspresyon nito at tila hindi man lang nabigla sa biglaang itinanong ng kaharap.
"Then is it a normal gesture for a person to keeps on looking outside kung wala rin naman siyang taong aantayin?" Ayaw paawat nitong pang-uusisa dahilan kung bakit nag-angat ng tingin si Wren at diretsong sinalubong ang tingin ng dalaga.
"It is not my fault that people tend to misunderstood my normal gestures." Walang halong biro niyang tugon dahilan kung bakit wala na ngang nagawa pa si Meadow kundi ang palihim na mapailing.
"Then is it what you mean about your personal secret, Wren?" Singit ni Willow dahilan kung bakit nakuha niya ang atensyon ng dalaga. "Staring randomly at various things?"
"It's not a secret though, it's actually a part of my normal life that maybe you failed to see." Pagsagot niya na siyang nakapagpatawa nang mahinhin kay Meadow. Nalipat naman kaagad ang tingin ng dalawa sa kaniya waring nagtataka sa kaniyang inasal.
"Naninibago lang talaga ako knowing na hindi ka na nga talaga ganoon katahimik, I mean look at you now. Masasabi ko nang hindi ka na gano'n ka scary tignan." Kwento niya na siyang naging rason kung bakit kumorba rin ang gawing sulok ng labi ni Willow.
"How am I supposed to shut up when you guys are bugging me?" Inosenteng tanong ni Wren dahilan kung bakit napatawa na nga ang dalawa.
"Is it still considered a 'bugging' if your Class President is just showing the ethics of care towards her classmate?" Singit ni Willow.
"Yes, she just sugarcoats her words to make it t─"
"Fine, I forfeit. You won," sumusukong sagot ng dalaga. "Ang hirap pa naman makipag-argue sa mga matatalino."
"Nice, we're done here." Imporma ni Meadow matapos niyang maitabi ang sobrang pagkain na inihanda nila.
Pare-pareho silang lumayo sandali sa mesa at naghanap ng bakanteng upuan para doon umupo. Sabay silang napatitig sa gawing bintana habang tahimik na nakatingin sa payapang ulap.
"This scenery," panimula ni Willow bago pilit na ngumiti. "It feels so nostalgic."
"The calming weather outside reflects the time when we are still starting our journey as Ms. Blaire's children. Iyong panahong hindi pa nagagawang manotice ng lahat ang mga bagay na kaya palang gawin ng Aries," dugtong ni Meadow. "The playful but naive version of ourselves."
Muli silang nilukob ng katahimikan nang hindi na nga ito nasundan pa ng usapan. Tila ba abala ang kanilang sarili sa pagbabalik-tanaw ng alala ng kahapon na napakaimposible na ngang maibalik. Marami ng nagbago sa takbo ng kanilang buhay at may mga bagay na rin na kahit anong pilit nilang gawin ay hindi na nga muling mauulit pa.
"During that time, I've saw what Wren can do," Panimula ni Meadow. "It was the first moment when I saw how Wren unites us. Ang pinakaunang pagkakataon na nakita ko siyang tumayo para lang ilaban si Chloe."
"I don't deserve the full credit for that," diretsong sagot ng dalaga habang kalmado nitong inaayos ang kaniyang buhok. "I am not the one who started it anyway. It was you, Meadow. It was you who fueled Aries up to fight for Chloe."
"Siguro ako nga," sang-ayon niya. "Pero hindi naman natin siya mababawi kay Lyndon kung hindi dahil sa mga ginawa mong plano, Wren."
"Hindi ka ba naka-feel ng takot, Wren?" Tanong ni Willow. "Hindi ka ba natakot na lumaban kasama namin knowing the fact na walang kasiguraduhan kung mananalo ba tayo o hindi? You risked almost everything. Nasakripisyo iyong inaalagaan mong image, running candidate ka pa naman ng SSG pero nalaman ng council na involved ka sa isyu ni Chloe kaya natanggal ka. You risked your peaceful life just to join us."
"I don't really have the guts to meddle with other person's business," panimula ni Wren nang hindi sinasalubong ang titig ni Willow. "But I am not also that type of person that tolerates their stupid way of bullying. Marami akong isyu na narinig at nakita sa Bermuda Triangle, pero hinayaan ko lang kasi hindi naman din gano'n kalala para makialam ako. But, Chloe's case is different. Quincy is pushing her too much to the point that even if he's not going to speak his ulter motive towards her, masyadong halata na gusto niya talagang patayin si Chloe."
"And that causes you to step up?"
"Yes. After knowing the fact that the council is being bias, doon ko na inalis sa isip ko na maging part ng SSG. Our school is fucked up, Willow. Sino ba naman kasing matinong tao ang gugustuhing maging parte ng isang Council na wala namang ibang ginawa kundi ang maging tanga? Imagine, people commend them for being a great role models yet they are not doing their job rights. And I cannot afford to work inside that fucking system." Kwento niya at mahahalata ang ibayong inis sa boses. "Tinalikuran ako ng council, but I didn't feel bad for it. Binigyan lang nila ako ng rason para talikuran din sila. Sinira nila iyong tiwala ko kaya sinira ko rin iyong plano nilang maluklok ako sa pwesto."
Sa isinagot ng dalaga ay doon muling bumakas sa mga mata ni Willow ang matinding respeto sa dalaga. Si Wren lang ang kilala niyang tao sa buong buhay niya na ibang klase manindigan. Ibang-iba ang prinsipyo nito lalo na ang pamamaraan nitong mag-isip.
"Hindi ako natakot na harapin ang Bermuda Triangle, pero mas natakot ako na baka umabot sa punto na mamamatay si Chloe dahil kahayupan nila Quincy." Dugtong niya saka pa siya nagpasyang lingunin ang pwesto ng dalawa na nakatingin na sa gawi niya.
"Hindi ko nakita na mismong ikaw iyong nagdesisyon na talikuran ang SSG. All I know was that they turned their backs against you," singit ni Meadow. "And you just keep it all by yourself?"
"Yes, I chose to hide it from all of you."
"But why?"
"Well, there are things that doesn't need to have an explanation. It is what it is," diretso niyang sabi. "And that's my secret."
Pansamantalang isinandal ni Wren ang kaniyang likod sa upuan bago nilingon si Willow na nakaupo sa kaniyang tabi.
"How about you, Willow. Are you keeping secrets from us?"
Sa itinanong niya rito ay doon muling gumuhit ang gulat sa mukha ng kaklase. Hindi ito kaagad nakalingon sa kaniya at tila ba hindi nito inaasahan ang kaniyang magiging tanong. Kung titignang maigi ay mahahalata ang tensyong namumuo sa kanilang daliwa ngunit hindi iyon nakita ni Meadow.
Hindi maiwasan ni Willow na kabahan lalo na at pakiramdam niya ay sinadya ni Wren na mapunta rito ang usapan para gisahin siya. Isang hakbang na hindi niya magawang makita kanina lalo na at nadala siya sa mga impormasyong nalaman niya. Huli na para sa kaniya ang umatras lalo na at nakuha nga siya ni Wren, nahulog siya sa patibong na inihanda nito.
"Before you answer that question, will you please at least clear things out if ano ang habol ni Chloe sa SD card na iyon?"
Sabay silang napalingong tatlo nang nakuha ng kanilang pansin ang pinag-uusapan nila Mills. Hindi sinasadya ni Ledger na mapalakas ang kaniyang boses dahilan kung bakit umalingawngaw iyon sa loob ng silid.
"Teka, si Chloe?" Kunot-noong tanong ni Meadow. "Anong meron kay Chloe?"
Gustuhin man ni Willow ang umimik ngunit hindi na niya nagawa pa nang tumatak sa isipan niya ang SD card. Paulit-ulit itong lumalabas sa isio niya na siyang naging rason kung bakit nabuksan ang isang ala-ala na hiniling niyang hindi na sana babalik pa.
"Chloe is not that dumb para lang balikan iyong SD card na iyon kahit nasa gitna na tayo ng sitwasyong 'to, unless may kung anong nakasaved doon na siyang nag-trigger sa kaniya para bumalik talaga sa Aries. So pwede mo bang sabihin sa amin ngayon Yohan kung ano ba ang eksaktong bagay na habol ni Chloe?"
Dagdag ni Ledger na siyang mas lalong nagpakaba sa sistema ng dalaga. Hindi na niya nakaya pang itago ang kaniyang emosyon at ikubli ang tarantang umuusbong sa kaniyang kaloob-looban nang dumating na nga ang puntong pinakaayaw niyang mangyari.
Mas lalo lamang iyong lumala nang balingan siya ni Yohan ng tingin. Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata at nahalata ng dalaga ang pag-aalala sa mga mata ng kaklase waring iniisip ang magiging lagay niya. Hindi naglayon ay pinili ng binata ang mag-iwas ng tingin at ibalik ang titig sa kaibigang si Ledger.
Naikuyom ni Willow ang kaniyang kamao lalo na at natatakot siya na baka si Yohan mismo ang siyang magtatapat mismo sa mga kaklase. Ayaw niyang ang ibang tao pa mismo ang siyang magpupuna ng kaniyang ginawa kaya sa halip na ipaubaya iyon kay Yohan, pipiliin niyang siya ang gagawa. Humugot siya ng lakas ng loob para labanan ang takot na pinipilit siyang kontrolin. Pipiliin niyang magsalita para isawalat ang nag-iisang sekreto na minsan na ring naging bangungot sa pagtulog niya.
"Wala nam─"
"She's after it because of this one single reason," banggit niya bago mariing ikinuyom ang kamay. "Gusto niya lang burahin ang pinakahuling clip na ako mismo ang gumawa."
"What?" Gulat na tanong ni Ledger na siyang hindi niya pinansin.
"I made a deep fake of her." Diretso niyang dugtong na siyang naging rason kung bakit halo-halong ekspresyon ang nakita niya sa mga kaklase. Hindi siya kaagad nakaimik lalo na at inantay niya muna ang magiging reaksyon ng lahat. Wala siyang salitang binitawan at kahit isang paliwanag ay wala siyang binigay.
"Fuck." Usal ni Ledger bago pagod na inalis ang suot na salamin. Pinasadahan ng binata ang kaniyang nakaayos pa ring buhok at hindi mapigilan ang sarili na himasin ang kaniyang sentido.
"I'm sorry." Paghihingi ni Willow ng paumanhin habang pilit na pinipigilan ang sarili na huwag pangunahan ng emosyon.
"So all this time you're fighting with us, sticking yourself in the name of Aries. Gusto mo siyang makawala kay Quincy pero tinraydor mo naman siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ledger na siyang naging dahilan kung bakit natahimik si Willow. "Kaibigan mo iyon, Willow. Pinagkatiwalaan ka ni Chloe, alam mo ba iyon? Ikaw iyong pinakatinrato niyang kaibigan sa'ming lahat pero ano 'tong isinukli mo sa kaniya?"
"I didn't mean to do it, Ledger," depensa ng dalaga sa sarili. "Hindi ko ginusto na gawin iyon sa kaniya."
"But you did it, you still did it, Willow." Mahina nitong tugon na siyang rason kung bakit nag-iwas siya ng tingin.
"Hindi kasalanan ni Willow 'to, Ledger. Kaya hindi mo kailangang magalit sa kaniya." Awat ni Yohan sa binata na siyang kunot-noo siyang nilingon.
"Ano bang gusto mong gawin ko, Yohan? Ano bang iini-expect mong sasabihin ko matapos kong malaman 'to?" Panghahamon niya sa binata na mahahalatang hinahayaan muna siyang ilabas ang mga bagay na nais niyang sabihin. "Hindi mo ako maindihan, Yo. Hindi mo kami magawang maintindihan nila Meadow dahil hindi lang basta-bastang pagsasakripisyo iyong ginawa namin para lang kay Chloe. Nakakagagong isipin na nagpapakabaliw kami sa pag-iisip ng baraha para lang patigilin sila Quincy sa panghahayop sa kaniya pero iyong kaibigan niya─ iyong mismong taong inaasahan niyang tutulong sa kaniya─ iyon pa mismo iyong nanira sa kaniya."
"Did I heard it right, Willow?" Alinlangang tanong ni Meadow na siyang hindi magawang sagutin ng dalaga. "Totoo ba t-talaga iyong sinabi mo?"
"Hindi niyo kailangang sisihin si Willow dito dahil gaya ni Chloe, biktima rin siya ni Quincy," muling sabat ni Yohan at doon maingat na tumayo saka sinapupo ang balikat. "Kung hindi kayo kumbinsido, nasa SD card ang pruweba dahil na-record din ni Zigler iyong pagpayag ni Willow na i-edit iyong deep fake."
"Ano ba talagang papel ng Zigler na 'yan sa mga nangyayari ha, Yohan? At bakit ka konektado sa lalaking iyon?" Kunot-noong tanong ni Ryder lalo na at kanina pa talaga siya nagtataka.
"Hindi ko kaibigan si Zigler, sa totoo lang pero isa siya sa mga taong nandito sa Juanico High na gustong talikuran ang Bermuda Triangle. Nagpaplano siyang kumalas pero hindi niya magawa dahil natatakot din siya sa kayang gawin ng tatlo, nalaman ko 'to dahil nagagawa naming makapag-usap dati. Nagsimula iyon nang napapansin niyang sinusubukan nating pumalag sa grupo nila at doon niya na nga ako sinimulang kausapin."
"Pero papaano mo nakuha iyong SD card sa kaniya?" Nagtatakang sabat ni Corbin. Nilingon muna siya ni Yohan bago sumagot.
"Dahil siya mismo ang nagkusang nagbigay no'n sa'kin. Pinagkatiwala niya iyon sa kamay ko, pero dahil nga sa mabilis akong mapag-initan ni Quincy, pinatago ko iyon kay Mills."
"Bakit kay Mills pa?"
"Dahil alam kong walang magtatangkang gagalaw sa kaniya na kahit sino sa loob ng Junior Department," diretsong sagot ni Yohan. "Kung may tao man sa loob ng Juanico High ang pinakaayaw na maging katapat ni Quincy, iyon ay ang mga Seniors natin. Alam niyo naman siguro kung anong klaseng otoridad meron ang Senior students di'ba? Idagdag pa na maimpluwensiya iyong Kuya niya kaya hindi talaga nakakapalag si Quincy kay Mills."
Hindi na sumagot ang lahat lalo na at lahat sila ay aminado sa kung ano mang nais nitong ipunto.
"Hindi tayo makakatuntong ng Senior High School kapag may isang Senior tayong hindi nirespeto." Sagot ni Earlyseven na siyang naging rason kung bakit nag-angat ng tingin si Corbin.
"Kaya pala ayaw akong palagan ni Quincy, takot pala siyang hindi maka-graduate." Hinuha niya.
"Kung ako rin iyong nasa side niya, pipiliin ko na lang din na hayaan ka kaysa sa harapin iyong Ate mo. Sino ba naman kasing hindi matatakot do'n sa nakakatanda mong kapatid? Eh parang pinaglihi iyon sa sama ng loob." Komento ni Ryder dahilan kung bakit nilingon siya ng kaibigan.
"Bawal bumoses kapag dalawang beses naging Grade 10."
"Ulol."
"Pero dahil sa kagustuhan ni Chloe na makuha iyong SD card, hindi rin nagtagal ay nalaman niyang ako nga ang nagtago no'n," muling kwento ni Yohan. "Hindi naman ako nag-expect na magtatagpo kami ulit at sa mismong sitwasyon na 'to pa kaya nauwi iyong simpleng interaksyon namin kanina sa isang away."
Sandali muna siyang bumuntong-hininga bago muling tumuloy sa pagsasalita.
"Pinipilit niya akong ibigay iyon sa kaniya pero hindi ko ginawa, kaya siya nagalit sa'kin. Nagkaroon kami ng laban na dalawa at sa sobrang lakas niya ay 'di ko siya nakayanang labanan at doon ko na nakuha 'tong injury ko." Huli niyang sabi bago tinignan ang magkahalong ekspresyon ng mga kasama.
"Pero paano niyo siya natakasan ni Cody?" Tanong ni Ryder.
"Inipit kami ni Chloe sa new building kaya napilitan akong ibigay kay Cody ang SD card at paunahin siyang makabalik dito. At nang umatake ulit si Chloe sa'kin, tinulak ko siya paibaba ng building." Nang sabihin niya iyon ay halos manlaki ang mata ng lahat. Hindi nila alam kung ano ba ang unang mararamdaman, magagalit ba sila sa kaibigan dahil nagawa nitong itulak ang kaklase? O kaya naman ay makaramdam ng kaginhawaan dahil hindi na nila kinakailangan pang isipin si Chloe na talaga namang isang banta sa kanilang lahat.
"N-napatay mo siya?" Hindi siguradong tanong ni Mills.
"I think, it's not," sagot ni Ledger na siyang dahilan kung bakit dito muling natuon ang atensyon ng lahat. "If we will look closely to every zombies that we've encountered. They have a unique traits na mahirap talagang labanan, at iyon ay ang lakas nila. So kung nagawa ng virus cell na iyon na mas palakasin ang katawan ng isang tao. Like how a virome became a part of our body which influence our daily lives positively and negatively as well. So for some instance, if the human body became weak. That virus will look for another host in our microbiomes and sneak inside of that particular cell. Sa oras na magawa nilang makapasok doon, they will use it's machinery to make copies of themselves and then burst out to infect more bacteria."
"Parang bacteriophages?" Singit ni Corbin at tumango naman ito sa kaniya.
"Sa madaling salita, sa oras na makaipon ng sapat na cells ang katawan ng isang tao. Posibleng ma-regain niya iyong lakas niya at mabuhay ulit na parang walang nangyari." Dugtong ni Ledger na siyang nagdala ng kilabot sa mga kaklase.
"Pinupunto mo bang hindi talaga napatay ni Yohan si Chloe, Ledger?" Alanganing tanong ni Earlyseven at nang muling tumango si Ledger ay doon sila muling natahimik. Nabalik lamang sila sa realidad nang muling marinig ang tunog na nagmumula sa mga choppers sa labas. Muli silang napatayo at dumungaw doon saka masugid na sinubaybayan kung paano ito dumaan sa kanilang eskwelahan.
"Ligtas nang lumabas," imporma ni Yohan at doon sila hinarap. "Alam kong marami pa kayong tanong pero hindi naman natin pwedeng palampasin 'tong pagkakataong ito na makatakas. Mamaya na lang tayo mag-usap-usap ulit."
"Pero tol," singit ni Ryder. "Hindi naman tayo pwedeng umalis hangga't hindi pa bumabalik si Cody." Tutol ng binata kaya doon na sila nagsipalitan ng tingin hanggang sa natuon nga iyon sa pwesto ni Wren.
Hawak ng dalaga ang isang piraso ang papel at mahahalatang may nakasulat dito.
"I will leave this note here para kung saka-sakali mang bumalik siya, alam niya kung nasaan tayo." Imporma niya saka dinikit sa sahig ang papel. Matapos niyang magpagpag ay doon niya pa sinenyasan ang mga kaklase na maghanda.
Pansamantalang iwinaglit ng lahat ang mga nangyaring kaganapan dito sa loob at itunuon ang buong atensyon sa paghahanda para makaalis.
Muling kinontrol ni Ledger ang kaniyang drone at iyon ang pinauna niyang ipinalabas sa silid. Agarang lumipad ang laruan at nilibot ang dadaanan nilang corridor nang sagayon ay magawa nilang makita kung ligtas ba iyon o hindi. Nang makasiguro ay doon na nga sila tumuloy. Sunod-sunod silang lumabas ng silid at tahimik na tinahak ang daan palabas ng SEDP building.
Matiwasay silang nakabalik sa pathway habang abala ang tingin sa paglilibot. Ang drone ang siyang nagsisilbi nilang mata pasulong kaya sila na ang bahalang magbantay sa bawat gilid at sa gawing likod upang siguraduhin na walang makakasunod sa kanilang zombies.
Nang sa wakas ay narating nila ang gawing dulo ay doon muling sumenyas si Wren na huminto. Agarang kinutuban ang lahat kung ano ang meron kaya naman ay hindi nila maiwasang matakot at nagkaniya-kaniya sa paghanda.
Saktong pagsilip ni Willow ay doon niya nakita ang isang grupo ng mga zombies na nakaharang sa corridor na kinakailangan nilang malagpasan. Kaya naman ay kaagad niyang minaniobra ang kaniyang cellphone upang kontrolin ang hawak niyang radio-controlled car. Pinindot niya rin ang play button sa cordless telephone ni Mills at doon nag-umpisang tumugtog ang musika.
Tuluyan niyang naagaw ang pansin ng mga zombies kaya daglian niyang pinaharurot ang laruan palabas ng corridor na siyang mabilis din namang nagsialisan para sundan iyon.
Halos ipikit ng lahat ang kani-kanilang mga mata para lang hindi matignan ang horde sa takot na baka mapansin sila nito. Laking pasasalamat na lang nila nang kahit ni isa ay wala talagang lumingon sa gawing gilid kung nasaan sila.
"We have to move." Utos ulit ni Wren saka muli na namang nanguna sa paglalakad. Isang building na lang ang kinakailangan nilang malampasan bago nila marating ang gusaling sadya. Miski si Mills ay hindi mapigilan ang sarili na tingalain ang gusaling kanilang pupuntahan lalo na at agaw-pansin talaga ito. Ang nag-iisang gusali ng Juanico High na mayroong rooftop.
Sa mismong pagpasok nila sa panibago na namang koridor ay muli silang sabay-sabay na natuod nang makita kung sino ang naiwang zombie na nakatayo sa gawing gitna. Nakayuko ito na para bang hindi pa sila napapansin, tinitigan nilang maigi iyon at nang makilala na nga nila ang napakapamilyar na babae sa kanilang harap ay doon halos mapasinghap si Meadow.
"C-collins?" Alanganin niyang tawag sa kaharap na dalaga at nang akmang lalapitan niya na iyon pero nahawakan kaagad ni Ryder ang kamay niya upang pigilan itong lumapit sa naturang kaklase na ngayon ay nakaangat na ang tingin. Nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan si Wren na siyang una nitong napansin lalo na at ito ang nasa unahan.
"Collins huwag!" Sigaw ulit ni Meadow nang sugurin na nito si Wren. Kaagad na nakaiwas ang dalaga at nagulantang silang lahat nang si Mills ang sumalo sa atake nito. Saktong paglapit ni Collins ay ang siyang pagdapo ng kamay ni Mills sa gawing leeg ng dalaga. Hindi niya ito sinakal, bagkus ay pinili niya lang na hawakan iyon nang sagayon ay pigilan itong makalapit sa kaniya.
Mabilis na nagwala ang katawan ni Collins na para bang gustong-gusto na nitong makawala sa pagkakahawak ni Mills. Pero hindi nagpatinag ang dalaga, dahil sa paulit-ulit nitong pagpalag ay doon niya na ito iniangat sa ere na siyang naging mitsa kung bakit nag-umpisang mangalmot ang kaharap. Bumakas kaagad ang mga nagpupulahang linya sa balat ni Mills dahil sa sunod-sunod na pagkalmot ng katunggali, mahahalatang nag-umpisa na iyong dumugo pero tila hindi man lang ito magawang maramdaman ng dalaga.
"Mills, itigil mo 'yan!" Awat ni Yohan habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Corbin.
"Tangina, Mills bitaw!" Gatong ni Willow saka niya pwersahang inagaw ang tubong nasa kamay ni Earlyseven at buong tapang niya itong hinampas sa batok ni Collins. Makailang ulit niya itong pinukpok hanggang sa hindi na nga iyon gumalaw pa.
"Shit, kailangan na nating umalis! May paparating na horde, takbo!" Naaalarmang tugon ni Corbin matapos niyang lingunin ang gawing likuran. Mabilis niyang inalalayan ang kaibigang si Yohan saka niya ito giniya paalis.
"Hindi tayo pwedeng magtago ulit sa panibagong room! So I am encouraging all of you this time to run!" Sigaw ni Wren sa kanila at doon pinapauna ang mga kaklase na makalayo. Naunang makaalis sila Meadow kasama ng iba pa lalo na at nagsiunahan na ang mga itong umalis ayon na rin sa kagustuhan ni Wren. Kaya naman ay sila Willow at Mills ang siyang naiwan sa parteng ito ng koridor.
Akmang susunod na sana sila pero may mga zombies namang biglaang nagsilabasan isang silid dahilan kung bakit tuluyang naharangan ang daanan. Natuod si Willow sa kaniyang kinatatayuan lalo na at hindi niya na nga magawa pang hagilapin ang pigura ng mga nauna niyang kaklase.
Wala siyang ibang nagawa kundi ang unahing tignan ang kasamang si Mills na ngayon ay nakatayo na habang diretsong nakatitig sa mga papasugod na halimaw.
"Hindi mo na sila dapat labanan nang isa-isa, Mills. Hindi mo na 'to kaya!" Sita niya sa kaibigan ngunit gaya ng palagi nitong ginagawa, hindi ito nagpaawat.
"Kaya ko, Willow. Kayang-kaya ko pa." Paniniguro nito at akmang magsasalita pa sana siya ulit ngunit hindi na iyon natuloy pa nang ito na mismo ang sumalubong sa mga halimaw para patumbahin iyon gamit ang kaniya mismong kamao.
Bawat galaw niya ay hindi nakalagpas sa mapag-obserbang mata ni Willow, bakas ang gulat sa mukha ng kaibigan nang makita kung paano nga ito makipaglaban. Dito niya na nga tuluyang nahinuha na may kakaiba sa kaklase.
Alam ni Willow sa simula pa lang na hindi rin gaano kalakas ang katawan ni Mills. Gaya ni Elsie, sakitin rin ang dalaga. May sakit ito sa puso at kahit pa tapos na itong maoperahan, hindi pa rin ito gano'n kasigla. Pero ang hindi niya magawang matukoy ay kung bakit ito nagkaroon ng ibayong klaseng lakas para makipaglaban sa mga zombie. Ibang-iba talaga ito sa Mills na kilala niya.
Bawat suntok, tadyak at hampas na pinapakawala nito ay tumama talaga direkta sa mga zombies. At tila hindi rin nito magawang maramdam ang mga kalmot at iba pang mga sugat na paunti-unting gumuhit sa katawan nito dulot ng mga atake na nagmumula sa mga halimaw.
Hindi maiwasan ni Willow na mapatitig nang may mapansin siyang kakaiba. Nanliit ang kaniyang mata habang nakatingin sa balat nito.
"What the fuck?" Gulat at hindi makapaniwala niyang komento. Ang mga kalmot na nakukuha nito mula sa mga halimaw ay unti-unting nagsihilom at bumabalik lamang ang kutis ng kasama sa dati nitong ayos. Isang bagay na hindi magawang maintindihan ni Willow lalo na at hindi ito ang inaasahan niyang mangyari. Buong-buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng isang sugat na bigla na lang naghihilom.
"Bakit kusang naghihilom iyong sugat ni Mills?" Muli niyang dagdag ngunit kahit paulit-ulit niya pang tanungin ang sarili, wala talaga siyang mabubuong sagot. Hindi niya alam kung papaano iyon nangyari at mas lalong wala siyang kahit anong ideya kung ano ang bumabalot na misteryo sa katauhan ng kaniyang kaibigan.
Sa huling pagpapakawala ng atake ni Mills sa isang zombie na kamuntik siyang dambahin, ay doon niya na binalingan ng tingin si Willow na kasalukuyan pa ring natuod sa pwesto nito.
"Halika na, Willow!" Aya nito sa kaniya saka siya hinila palayo. Blangko ang isipan ni Willow habang pilit na sinasabayan ang bilis ng kaibigan. Gusto niyang magtanong pero hindi niya magawang mahanap ang kaniyang boses, kaya sa halip na unahing hanapan ng sagot ang kaniyang nakita ay mas pinili niyang manahimik muna.
Hindi pa man sila tuluyang nakakapasok sa gusaling sadya ay doon muling napahinto ang dalawa. Parami na nang parami ang mga zombies na sumasalubong sa kanilang pwesto na para bang nabulabog. Ito man ang isa sa mga daanan na magdadala sa kanila sa pakay na building ngunit wala silang ibang mapagpipilian kundi ang mag-iba ng ruta.
"M-may alam akong shortcut para mas mabilis tayong makapunta sa rooftop." Suhestiyon ni Willow na siyang naging rason kung bakit siya nilingon ng kasama.
"Mauna ka na."
Nanguna nga si Willow sa pagtakbo at kasunod niya naman ang kaibigan na pilit ding inaatake ang mga zombies na mabilis na nakakahabol sa kanilang pwesto. Napasok nila Mills ang isang tila tagong daanan lalo na at nakapwesto iyon sa gawing likuran. Mabaho at medyo mabato ang parteng ito kaya hindi nila magawang makatakbo nang matulin. Saktong pag-ikot nila ay tuluyan na nga silang napasok sa kanilang sadyang gusali. Unang bumungad sa kanila ang may kahabaang hagdan kaya mabilis silang humakbang paitaas para marating kaagad ang fourth floor.
Saktong paghinto nila ay isang lumang pinto ang sumalubong, kaagad iyong dinamba ni Willow kasabay ng paulit-ulit niyang pagpihit sa doorknob. Makailang beses niya pa iyong inikot-ikot pero hindi niya talaga iyon magawang mabuksan.
"Shit, nakalocked!" Iritado niyang sigaw nang hindi pa rin tumitigil sa pagkalampag ng pinto.
"Ledger! Wren! Buksan niyo 'tong pinto!" Malakas niyang tawag. "May nakakarinig ba sa'kin diyan? Si Willow 'to! Ledger!" Muli niyang sigaw at sa hindi mabilang na paghampas ay biglaang bumukas ang pinto at sumalubong sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng tinawag na binata. Bahagya pa silang nagkailangang dalawa lalo na dahil sa senaryong nangyari kanina kaya wala sa kanila ang nakapagsalita at palihim lamang na nagtitigan.
Pasimpleng tinignan ni Ledger ang itsura ng dalaga para alamin kung may sugat ba itong tinamo at nang makasigurado na wala, ay doon na niya ito pinapasok sa loob kasunod ni Mills.
"Tangina, wala ba talaga sa inyong nandito ang nakakaalam ng School Id natin?" Iritadong tanong ni Ryder nang muli na namang nag-error ang system.
"Access denied."
"Tangina! Aalahanin niyo kasing mabuti! Mamamatay tayo nito!" Singhal ni Corbin at doon muling inalog-alog ang balikat ni Yohan.
Saglit na tinignan ni Mills ang pinto upang maghanap ng alternatibong paraan para mabuksan iyon ngunit wala sa wisyo siyang napamura nang tanging ang system locked lang ang nag-iisang paraan para makapasok sila sa loob.
"Tanginang 'yan."
***
"Q-Quincy?" Alanganing tawag ni Cody nang tuluyan niya na ngang makilala ang binata na nakatayo ngayon sa kaniyang harap. Hinila siya nito patayo para palabasin sa lungga kung saan siya pilit na sumsiksik. Hindi naman niya mapigilan ang sarili na mapatitig sa kalahati ng mukha nito lalo na at nahalata niya ang bahagya nitong pagkulubot. Sa halip na magtanong ay hindi na siya umimik pa lalo na at baka mauwi lamang ito sa initan. Kilala niya ang kaklase, pinakaayaw nito ang pinupuna ang kaniyang pisikal na anyo. Kaya sa oras na magtanong siya, paniguradong gulo ang kahahantungan no'n.
"Nasaan si Yohan?" Bungad nito sa kaniya. Bumahid ang gulat sa kaniyang mukha nang banggitin nito ang pangalan ng kaniyang kaibigan. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Cody ang bahagyang pagkairitado ng boses nito matapos banggitin ang pangalan ng naturang binata. Bagay na siyang nagtulak sa kaniya na itago ang kinalalagyan ng hinahanap lalo na at wala siyang alam kung ano ba ang isyung namumuo sa dalawa.
"Hindi ko alam. Nagkahiwalay kami kanina ni Yohan nang may humabol sa amin na horde, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya magawang mahanap." Sagot niya.
Asar naman na napahagod ng buhok si Quincy at doon lang napansin ni Cody ang naglilitawan nitong itim na ugat.
"I-infected siya?" Mahina niyang bulong sa sarili saka pasimpleng lumunok upang hindi magpakita ng takot.
"Sa susunod, kung magtatago ka rin naman. Pwedeng huwag diyan? Ang dami-daming pwede mong puntahan tapos pinagsiksikan mo pa ang sarili mo sa lintik na pwestong 'yan." Pangangaral nito sa kaniya at hindi na lamang pa nakipag-argumento ang binata. Kalmadong tao si Cody, at mas pinipili niyang manahimik at sumunod kaya wala talaga siyang nakakapikunang tao. At patunay na rito si Quincy na kailanman ay hindi siya itinuring na kaaway.
"Naipit lang ako kaya napilitan akong pumasok diyan." Sagot niya dahilan kung bakit muli na naman itong napailing marahil ay sa kaniyang kapalpakan.
"Kung hindi pa ako dumating, paniguradong patay ka na." Puna nito na siyang hindi niya na nga sinagot.
Tinalikuran siya nito at hindi na nga muling pinansin pa. Akmang lalakad na sana ito palayo pero hindi na iyon natuloy nang may biglaang nahagip ang tainga niya.
Dagliang napahinto si Quincy dahil sa ingay na nagpupumilit na pumasok sa kaniyang tainga. Pinakinggan niya ito nang maigi hanggang sa mapagtanto niya ang pinagmumulan nito. Saktong paglingon niya sa bandang likuran ay doon siya gulat na tinignan ni Cody lalo na at akala nito ay siya ang tinitignan ng binata.
Nag-umpisa itong maglakad hanggang sa nalagpasan niya nga ang pwesto ng kaklase. Doon lang din napagtanto ni Cody na nakatingin pala ito sa kaniyang gawing likuran kung saan nakapwesto ang pinakamataas na gusali ng Juanico High, at hindi sa kaniya.
"Teka, Quincy!" Tawag ni Cody sa binata nang mag-umpisa na nga itong tumakbo. Gustuhin niya mang iwan ito para hanapin si Yohan, pero mas pinili niya na lang din na sumunod. Hindi siya nilingon nito at diretsa lang ang tingin sa gusaling sadya. Bahagyang nakaramdam ng kaba si Cody nang maalala ang mga kaklase na sa building din na iyon pupunta. Natatakot siya na baka sa pagdating nila roon, ay magkita sila ni Yohan at hindi niya na halos maatim pang isipin kung ano ang susunod na mangyayari.
Saktong pagpasok nila sa building ay sumalubong sa kanila ang iilang mga zombies. Walang kahirap-hirap itong binalibag ni Quincy palayo na para bang mga basura na tinatapon nito sa kung saan-saan.
Pigil-hiningang sumunod sa pag-akyat si Cody saka pasimple ring lumilinga-linga para hanapin ang mga kaklase. Pero wala siyang makita, ni kahit anino ng Aries ay wala siyang mahagilap. Palihim siyang nagpasalamat at doon umasa na sana pagdating nila sa dulo, ay wala pa sila Wren doon. Pero sadyang may mga pagkakataon lang talaga na hindi pumapabor sa kaniya ang tadhana dahil saktong pagdating nila sa gawing dulo ay doon niya nakita ang mga kaklase na nakaokupa sa hagdan at sa mismong harap ng system door.
Malaya niyang nakita ang ginagawa ng lahat. Abala sila Ledger sa pagpipindot ng pin sa digital keypad security door habang sila Wren naman ay muling inaayos ang pagkakabalot ng kani-kanilang mga braso. Hindi kaagad napansin ng mga ito ang presensya nilang dalawa bagay na siyang ginamit ni Quincy na pagkakataon upang magsalita.
"Tignan mo nga naman oh, nagkaroon pa talaga tayo ng mini-reunion dito." Pauna nitong bungad dahilan kung bakit sabay-sabay silang napalingon sa likod. Pare-pareho silang nagulat nang makita ang taong hindi nila inaasahang darating.
"Oh, what's with that surprised look? Hindi ba kayo nag-eexpect na magkikita tayo ulit?"
"Q-Quincy?" Alinlangang tawag ni Meadow na siyang sinuklian lang ng binata ng ngisi. Nang nilibot na niya ang kaniyang tingin ay doon gumuhit ang mapaglarong ngisi sa kaniyang mukha nang tuluyan niya na ngang nakita ang taong matagal-tagal niya na ring hinahanap.
"Yohan!" Bati niya sa binata saka pabiro pang sumaludo. "Mabuti naman at buhay ka pa ring hayop ka."
Hindi sumagot ang kaharap at miski isang imik ay wala man lang itong ginawa. Bagay na siyang naging dahilan kung bakit ang mapaglaro niyang ngiti, ay bigla na lang napalitan ng isang nakakakilabot na ngisi. Walang pasa-pasabi siyang nag-umpisang tumakbo sa itaas at pwersahang itinulak sila Meadow na nasa ibaba ng hagdan para makadaan siya.
"Meadow!" Nag-aalalang sigaw ni Willow siyang pinakamalapit sa dalaga. Agad niya itong inalalayan patayo saka inis na sinundan ng tingin ang likod ni Quincy.
Akmang hahawiin na rin sana ng binata si Wren pero naunahan siya nito. Hinuli kaagad ng dalaga ang kamay niya saka pilit na inikot palikod, pero dahil nga sa hindi siya kasinlakas nito ay madali lang na nabaliktad ni Quincy ang sitwasyon. Hinila ng binata ang buhok ng kaharap saka pwersahang hinila at itinulak pababa.
"Wren!" Nag-aalalang sigaw ni Cody at doon niya na nga siya pansamantalang umalis sa pwesto ni Meadow upang lapitan si Wren. Hindi niya maiwasan ang sarili na sundan ang pigura ni Quincy at mas lalo lamang siyang dinumog ng kaba nang makitang hawak na nito si Yohan. Aminado siyang dehado ang kaibigan lalo na at hindi ito makalaban dahil sa tinamo nito kay Chloe.
Samantala, diretsong hinarap ni Yohan ang nagbabantang titig ni Quincy. Nagsukatan silang dalawa ng tingin na tila ba inaalam kung sino sa kanila ang unang aatake.
"Sana sinigurado mo muna na mamamatay talaga ako bago mo ako iniwan sa cafeteria, Yo." Salubong nito sa kaniya bago pinatunog ang mga buto sa daliri. Doon muling naging dominante ang mga nangingitim niyang ugat na para bang pinagyayabang sa kaharap ang bago niyang anyo.
"Nakikita mo 'to?" Banggit niya saka ibinaba ang kwelyo ng kaniyang uniporme. Doon klarong nakita ni Yohan kung paano gumapang ang hindi kaaya-aya nitong mga ugat na patuloy na gumagapang paitaas.
Hindi na magawa pa ng binata na titigang muli ang mata ng kaharap lalo na at pakiramdam niya ay parang hinihigop ng katunggali ang kaniyang kaluluwa. Hindi rin nakatakas sa kaniyang mata kanina ang tinamo nitong sunog sa katawan na siyang siya mismo ang may gawa.
"Ito ang isa sa mga bagay na dapat mong pagbayaran sa'kin!" Sigaw nito sa kaniya bago siya nito tinulak papalayo. Sa lakas ng pwersang iginawad ng kaharap rito ay kitang-kita ng lahat kung papaano halos lumipad sa ere ang katawan ni Yohan. Sa kamay ni Quincy ay tila ba kasingaan lang ng papel ang katawan ng isang normal na tao. Bagay na mas lalong nagdala ng takot sa kanilang lahat. Ito ang unang beses na nagawa nilang makaharap ng isang uri na may dalawang pagkakakilanlan. Sa madaling salita, ito ang unang beses na nakakita sila ng isang tao na dala ang kakayahan ng isang zombie.
Samantala, bago pa man bumagsak ang katawan ni Yohan sa pader ay kaagad na nakialam si Mills at doon sinalo ang katawan ng binata.
Kahit malakas ang impact ay hindi man lang iyon nakaapekto sa dalaga at kung titignang maigi, tila nagagawa talaga ni Mills na makipagsabayan sa kung ano man ang lakas na meron si Quincy.
"Mills," tawag ni Ryder sa dalaga at akmang hahawakan nito ang balikat niya ngunit agaran na siyang nagsalita.
"Ayos lang, Ryder. Kaya ko." Diretso nitong sagot at doon niya pa ibinaba ang katawan ni Yohan na mahahalata rin ang matinding pagtutol sa kaniyang ginagawa. Alam ng dalaga ang nais nitong ipunto, ang pagbawalan siyang muli na lumagpas sa kaniyang limitasyon. Ngunit ayaw niyang magpatinag lalo na at ngayon pa ba siya mananahimik kung hindi ordinaryo ang makakaharap nila?
Akmang susugod na sana ang dalaga pero mabilis siyang napigilan ni Yohan. Halata sa mukha ni Mills ang pagkaasar sa inaasal ng kasama pero wala siyang nagawa lalo na nang mas lalong humigpit ang nakapulupot nitong kamay sa kaniyang palapulsuhan.
"Huwag," sita nito pero hindi sumagot ang dalaga. "Sinasagad mo na masyado iyong katawan mo, Mills. Tama na."
Sa muling pagsugod ni Quincy ay doon kaagad naalerto si Mills. Mabilis niyang nabawi ang kaniyang kamay mula sa kasama ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang kumilos si Wren at agarang sumampa sa likod ni Quincy.
Mabilis na pinalibot ng dalaga ang kaniyang kamay sa leeg nito waring nagbabalak na sakalin ang kaharap. Nagsimulang magpumiglas ang binata para makawala mula sa pagkakahawak niya pero nang mabigo nga ito ay doon na asar na hinablot ni Quincy ang braso ni Wren. Mariin niya itong hinawakan saka kinagat.
"Shit, Wren!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top