Chapter 27 (1): Sekreto

Kasalukuyang nilalagyan ni Mills ng benda ang balikat ni Yohan. Hindi pa masyadong bumubuti ang lagay nito at kinakailangan pa nito ng kaunti pang panahon para tuluyang gumaling ang natamo nitong injury.

"Seryoso talaga, Yo?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Earlyseven matapos marinig ang nakakapanindig-balahibong rebelasyon ng binata.

Muli siyang tinanguan ng kausap dahilan kung bakit halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha.

"Tangina hindi ka talaga nagbibiro? Seryoso nga talaga?" Ulit niya na namang tanong waring hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Iyon na rin ang nagtulak kay Ledger para dukuting muli ang kaniyang cellphone sa bulsa. Kinalikot niya muna iyon nang ilang sandali hanggang sa lumitaw na nga sa screen ang isang video.

Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng mga kasama dahilan kung bakit isa-isa na ang mga iyong nagsidungaw sa screen. Saglit siyang umayos sa pagkakaupo para hindi mahirapan ang mga kasama sa panood hanggang sa tuluyan niya na ngang pinindot ang play button.

"This is an actual footage na nagawa kong mai-record no'ng sinusubukan kong ikutin iyon building natin." Paliwanag niya at para bang wala ng naririnig ang mga nandito dahil nakatutok ang mata nito lahat sa screen ng cellphone niya.

"S-si Chloe ba 'yang humahabol sa inyo ni Cody, Yohan?" Nahihintakutang tanong ni Ryder at kaagad na binaling ang tingin kay Yohan.

"Oo, ang paghabol niya rin sa'min ang naging rason kung bakit kami nagkahiwalay." Mahinahong tugon ng binata rito bago bahagyang nilayo ang likod sa pader para maitawid ni Mills sa kabila niyang balikat ang malinis na telang ibinigay ni Meadow para gawing shoulder sling. Abala man ang kamay sa pagtali ng tela ngunit ang mata ng dalaga ay nakapokus sa screen at hindi rin maiwasan ang sarili na makiusyo.

"Teka," biglaang sambit ni Mills nang may mapagtanto. "Pakibagalan mo nga iyong playback speed, Ledger." Utos nito saka sandaling tumigil sa ginagawa upang mas klarong makita ang nangyari. Nag-antay pa sila ng ilang segundo para hayaan ang kaklase na kalikutin ang settings. Nang matapos ay doon muling ibinalik ng binata sa pinakauna ang clip na may mabagal na playback speed ayon sa sinabi ng dalaga.

Titig na titig si Mills sa pinapanood hanggang sa nakumpirma niya nga ang nakita.

"Tanginang 'yan." Mura nito bago sumandal sa pader. Kunot-noo naman siyang tinignan ng mga kaklase na halatang naguguluhan sa kinikilos niya. Saglit muna siyang pumirmi bago kinuha ang cellphone ni Ledger at doon niya mas lalong zinoom ang footage para kahit papaano ay luminaw ang kuha nito. Nang pindutin niya ulit ang button ay saglit silang nanahimik.

"Sa 0:12 - 0:20, makikita niyo na bumunot siya ng kutsilyo." Paliwanag niya at nang masubaybayan nga ng iba ang nangyari ay doon na sila nagulat. Hindi nila ito nahalata kanina lalo n at mabilis din ang nangyayari ngunit dahil nga sa pinabagal nila ang playback, doon pa lang nila nakita ang katotohanan na hindi nila napansin kanina.

"Gagi oo nga." Gulat na singit ni Corbin.

"Kung zombie nga si Chloe. E di sana, tatakbo lang siya patungo sa pwesto niyo at hindi na mag-aabala pang bumunot ng kutsilyo." Dagdag ni Mills at bakas na sa mukha nito ang matinding pagkalito. Hindi niya magawang maintindihan kung papaqno pa ito nakakakilos na tila ba isang tao gayong ayon sa paglalarawan ni Yohan ay isa na itong halimaw. "Pero kahit gano'n, hindi ko rin namang masasabing tao siya kasi halata pa rin naman sa balat niya iyong mga itim na ugat na sa zombies lang natin nakikita."

"So ano siya?" Sabat ni Ryder nang hindi rin halos maproseso ang nakita. Sandaling nanahimik si Yohan saka inantay muna ang mga kaibigan na matapos sa kanilang diskusyon bago makasingit.

"If we are going to use her physical appearance as our basis in forming a theory. Then masasabi nating zombie siya." Sabat ni Ledger na siyang mas lalong nagpasama sa ekspresyon ng mga kasama.

"Pero nakakapag-isip pa siya, Ledger. May zombie bang gumagana iyong utak?" Kontra ni Earlyseven dahilan kung bakit nilingon siya ni Corbin.

"Meron, kung magiging zombie ka." Asar nito na siyang naging mitsa kung bakit sumama ang tingin ng kaibigan sa kaniya.

"There are two theories that I can conclude." Hayag ni Ledger bago hinawakan ang temple length ng kaniyang suot na salamin.

"Ano naman iyon?" Kunot-noong tanong ni Ryder.

"First, we knew that she mentioned Sir Winston last time saying that our Science Teacher gave her a strange shot. So maybe, there must be something in that liquid that made her act like a zombie and think as a human." Kalmado nitong paliwanag saka tinignan ang mga kasama na patuloy pa ring nakikinig sa kaniyang konklusyon . "Second, is her blood. There are different types of antigens that we can found in every human bodies and maybe, there is a special antigen or structure of her blood that made her turned into something different."

"Something different? So pinupunto mo bang hindi siya tao at mas lalong hindi zombie?" Nakakunot-noong tanong ni Corbin at nang tumango ang kaharap ay doon na siya napahilamos sa kaniyang mukha. "Tangina. Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa 'to."

"Kung hindi nga siya tao at mas lalong hindi rin siya isang zombie. Posible bang isipin na isa na siyang bagong specie na bunga ng isang evolution?" Usal ni Ryder at nang tumango si Ledger ay doon bumakas ang kaba sa kaniyang mukha.

"Teka, bakit parang familiar 'to?" Singit ni Mills na para bang biglaang nabuhayan.

"Pinagsasabi mo, Mills?" Sambit ni Corbin at nakakunot-noo siyang tinignan.

"Naalala niyo pa ba iyong ni-lesson ni Sir Winston sa'tin last time? Iyong pinakahuling klase natin sa kaniya bago pa nagsimula 'to." Paliwanag ng dalaga at pilit na pinapaalala sa mga kasama ang gusto niyang ipunto. Aminado siyang hindi siya nakinig nang maayos no'ng mga panahong iyon lalo na at wala siyang ibang ginawa kundi ang guluhin ang katabing si Collins.

"Iyong Modern Astronomy ba?" Sagot ni Corbin na siyang dagliang kinontra ni Ryder.

"Hindi iyon, tanga. Biology iyong tinuro niya no'ng time na iyon kahit hindi naman connected sa textbooks natin. Miski nga si Meadow nagtaka eh." Pagtatama ng binata.

"Biology pala iyon?"

"Oo, kaya bawal bumoses kapag maraming absent."

"Excuse ako, gago."

"You have a point, Mills." Sang-ayon ni Ledger saka diretsong binaling ang atensyon sa dalaga.

Nanatili pa ring nakakunot-noo si Mills habang pilit na inaalala ang mga katagang minsan na ring tumatak sa isipan niya.

"Viruses undergo evolution and natural selection just like cell-based life, and most of them evolve rapidly." Panimula niya at dahan-dahang binibitawan ang eksaktong salita minsan na itinuro ng kanilang Science Teacher.

Saglit namang napahinto sila Ledger nang marinig ang iwinika ng kaklase. Nag-umpisa silang magpalitan ng tingin na para bang iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isipan.

"When two viruses infect a cell at the same time, they may swap genetic material to make new 'mixed' viruses with unique properties." Dugtong ni Ledger.

"And by the power of science, an evolution will occur." Sabay-sabay nilang sabi dahilan kung bakit tuluyan na ngang nabigyan nang linaw ang kanilang naguguluhang isipan.

"Shit, ngayon ko lang narealized iyong mga itinuro niya sa'tin." Usal ni Earlyseven. "So right from the start, binibigyan na pala tayo ng mga hints ni Sir Winston. Plinano niya na ba talaga 'to sa simula pa lang?"

"Saka na natin problemahin si Sir Winston, dahil 'di hamak naman na mas malaking problema si Chloe." Singit ni Corbin na siyang sinang-ayunan naman ni Ryder. Nang muling maalala ni Earlyseven ang nakita sa footage ay kaagad niyang nilingon si Yohan na nakasandal sa pader.

"Pero maiba ako," saad ni Earlyseven bago binalingan ng tingin si Ledger. "Kung may kasong kapareha kay Chloe, posible kayang isipin na hindi lang siya ang nag-iisang humanbie?"

"Humanbie?" Kunot-noong tanong ni Ryder.

"Oo, humanbie. Like kalahating tao tapos kalahating zombie." Paliwanag nito dahilan kung bakit nasiko siya ni Corbin.

"Nasa apocalypse na nga tayo nakukuha mo pang magbiro." Sita niya sa kaibigan na agaran naman siyang sinagot.

"Nakukuha mo pa nga akong sikuhin, bwisit ka!" Akmang mag-iinisan na naman sila pero napigilan na iyon ni Ryder.

"Agapito is right. There's a big chance that she's not the only person carrying that kind of new traits. Pero kung saka-sakali mang may makasalubong tayo na may gano'ng klaseng kaso, iyon ang hindi maganda." Pagkuha ni Ledger sa atensyon ng mga ito na siyang napagtagumpayan niya naman. "Given the fact that she now possessed the traits of a zombie, hindi imposibleng isipin na kayang-kaya ni Chloe ang pumatay o kahit kumain pa ng tao. But the most creepiest thing here is that she can think, alam naman nating lahat kung gaano siya katalino. So kung hindi natin siya kakampi, Chloe would be one of our toughest enemy before we can pass the gate."

"Pero curious ako, Yo." Muling singit ni Earlyseven saka tinignan ang nananahimik na binata. Nilingon naman siya kaagad ng kaibigan at matiyagang nag-antay ng mga susunod niyang sasabihin. "Ano bang nangyari sa pagitan ninyo ni Chloe? Bakit niya kayo hinahabol?"

Matapos marinig ang itinanong nito ay hindi na nga nagpatumpik-tumpik pa si Yohan. Dumating na nga ang punto na kung saan kinakailangan niya nang aminin ang mga bagay-bagay na minsan na rin niyang itinago.

"Bumalik si Chloe sa room para lang sa isang bagay." Panimula niya bago nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

"Isang bagay?" Sabat ni Corbin. "Ano naman 'yan?"

"Ang sirain ang SD Card." Matapos niya iyong banggitin ay doon mas lalong nangunot ang noo ng mga kausap. Mahahalatang walang kamuwang-muwang ang mga kaklase sa tinutukoy niya na siyang naiintindihan niya naman dahil walang kahit sino sa kanilang nandito sa loob ang nakakaalam sa bagay na iyon.

"Hanep naman, umabot na nga tayo sa ganitong sitwasyon tapos may ganitong issue pang dumagdag," umiiling-iling na banggit ni Corbin bago nagkamot ng batok. "Ano namang meron sa SD card na 'yan aber?"

Hindi kaagad nakasagot si Yohan lalo na at hindi niya rin alam kung papaano niya ba sisimulang ipaliwanag ang sitwasyon. Wala siyang ideya kung paano ba siya magsisimula lalo na at hindi rin lahat ng mga bagay na alam niya ay basta-basta niya na lang ding babanggitin.

"Hindi ko alam kung anong iisipin niyo sa'kin pagkatapos kong aminin 'to pero, pakinggan niyo muna iyong side ko." Panimula niya na siyang hindi na kinontra ng mga kasama. Naguguluhan man ngunit mas pinili nilang makinig lalo na at gusto rin nilang malaman ang gusto nitong ipahiwatig.

Akmang magsasalita na sana si Yohan pero naunahan siya bigla ni Corbin.

"Shit, oo nga. Nakakagulat iyong kwento."

"Gago, wala pa!" Sabat ni Ryder saka hinampas ang ulo ng kaibigan na hindi naman nakaiwas.

"Ay wala pa pala, sorry."

"Makikinig kami, Yo." Paniniguro ni Ledger waring binibigyan ang binata ng pahintulot na mag-umpisa. Hindi na nga sinayang pa ng kaibigan ang oras at doon nagsimulang magsalita.

"Wala naman sigurong hindi nakakakilala kay Zigler sa inyo di'ba?" Pauna niyang banggit.

"Iyong mukhang lampa sa Grade-10 Taurus?" Sagot ni Ryder na siyang sinagot ni Yohan ng tango. "Siyempre, oo. Sino bang makakalimot sa gago na iyon eh sidekick iyon ni Quincy."

"At alam kong aware rin kayo sa lahat ng mga kalokohang ginagawa ng Bermuda Triangle, tama?" Muli niyang tanong na siyang sinagot nila ng tango.

"So what does that Sd card have to do with Zigler?" Kuryosadong tanong ni Ledger na siyang naging hudyat kay Yohan para umpisahang ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

"Si Zigler ang siyang nag-iisang tao sa likod ng Bermuda Triangle na may hawak sa lahat ng mga pictures and videos na kinukuhanan ng grupo. Lahat ng mga nagiging biktima nila Lyndon ay kinukuhanan ng mga clips para magkaroon sila ng remembrance sa mga targets nila o mas tamang sabihin na may mapagkakatuwaan sila kapag tapos na silang makipaglaro. At si Zigler ang nagtatago ng lahat ng iyon," panimula ni Yohan dahilan kung bakit muling bumakas ang gulat sa mukha ng mga kasama.

"So nambubully sila at gumagawa ng kung anu-anong kababalaghan para lang magkaroon ng mapagtawanan pagkatapos?" Hindi makapaniwalang hinuha ni Ryder matapos marinig ang ikinuwento ng kaibigan. "Gago talaga ang mga iyon kahit kailan."

"No'ng dumating na iyong point na si Chloe na iyong naging target ng tatlo, hindi lang isang video iyong naitabi nila. Hindi rin ako sure kung ilan ba iyong eksaktong bilang pero nakakasiguro ako na hihigit sa trenta iyon. Hindi kasi matatapos ang isang pambibiktima nila kay Chloe nang walang video dahil kagustuhan ni Quincy na lahat ng mga gagawin nila ay recorded at nakasaved sa SD card ni Zigler." Pagkwento niya pa na siyang nagbigay ng kaunting linaw sa mga kasama.

"So iyong SD card na tinutukoy mo ay iyon iyong kaparehong card na gustong sirain ni Chloe?" Singit ni Earlyseven.

"Oo, iyon nga." Tugon ni Yohan.

"Pero teka, may bagay akong hindi ko ma-gets." Bagama't nakapag-umpisa na ang kaklase sa pagkwento ay may isang bagay pa rin siyang hindi magawang maintindihan.

"Lahat naman hindi mo gets." Pabulong na komento ni Corbin kaya naman ay piningot ni Ryder ang tainga nito para patahimikan na mabilis naman nitong sinunod.

"Kung nasa Aries nga iyong tinutukoy niyong SD card, kaninong cellphone naka-insert iyon?" Pagtutuloy ni Earlyseven sa kaniyang naantalang katanungan.

Sa halip na sumagot ay mas pinili ni Yohan na balingan ng tingin si Mills na nakikinig lang sa usapan. Nang mapansin ng dalaga ang pinupukol na titig ng kaibigan ay doon na siya nagsalita.

"Hindi iyon naka-insert sa kahit anong cellphone, Earlyseven. Dahil si Yohan ang mismong nagkusa na iipit iyong memory card sa cover ng notebook ko." Pagtatapat niya kaya muli na namang nabalik ang atensyon ng lahat sa pwesto ng binata.

"Teka lang, teka lang. Awat muna, sandali. Tangina, mas lalo niyong ginugulo iyong isip ko eh!" Sabat ni Ryder at doon itinaas ang dalawang kamay waring pinapahinto ang mga kasama sa pagsasalita. "Pwede bang paki-enlighten muna kami, Yo kung ano ba iyong nangyari at napunta na lang bigla sa'yo 'iyong SD Card? Kung kay Zigler nga iyon, papaano mo iyon nakuha at naglakas-loob ka pang idamay si Mills sa kalokohan mo?"

Akmang sasagot na sana si Yohan para mabigyang linaw ang tanong ng kaibigan pero nahinto lamang iyon nang magsalita si Ledger.

"Before you answer that question, will you please at least clear things out if ano ang habol ni Chloe sa SD card na iyon?" Singit ng binata. "Chloe is not that dumb para lang balikan iyong SD card na iyon kahit nasa gitna na tayo ng sitwasyong 'to, unless may kung anong nakasaved doon na siyang nag-trigger sa kaniya para bumalik talaga sa Aries. So pwede mo bang sabihin sa amin ngayon Yohan kung ano ba ang eksaktong bagay na habol ni Chloe?"

Sa kanilang naging usapan ay hindi rin maiwasan nila Meadow sa kabilang parte ng classroom ang makinig lalo na si Willow na siyang mas lalong tinubuan ng takot dahil sa narinig na itinanong ni Ledger.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin si Yohan sa pwesto ng dalaga dahilan kung bakit bumakas ang gulat sa mga mata nito at hindi kaagad nakabawi. Nagtitigan silang dalawa nang ilan pang segundo waring nag-uusap gamit lamang ang tingin. Hindi nakatakas sa mata ng binata kung paano nagkaroon ng alinlangan ang ekspresyon ng dalaga kaya naman ay siya na mismo ang nag-iwas ng tingin para sagutin ang tanong ni Ledger.

"Wala nam─" hindi na natuloy pa ni Yohan ang kaniyang nais na sabihin nang unahan siya ni Willow. Bumakas ang gulat sa mukha ng lahat matapos nilang marinig ang itinapat nito.

"She's after it because of this one single reason," panimula niya bago ikinuyom ang kamay. "Gusto niya lang burahin ang pinakahuling clip na ako mismo ang gumawa. "

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ledger.

"I made a deep fake of her."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top