Chapter 26: Pag-asa
Kaagad na sumaludo ang lahat nang makita si Assistant Chief Suarez na kalalabas lang ng opisina nito. Kasunod niya ang batang opisyal na si Deputy Chief Villanueva na binibigyan ng signal ang kaniyang mga tauhan na kaagad din namang lumapit sa kaniyang pwesto. Hindi pa man siya nakakapagbigay ng utos ay ang siya namang pagdating ng Chief of Police lulan ng isang sasakyan.
Lahat sila ay umayos ng tayo nang makitang papalapit ito sa kanilang pwesto. Sabay-sabay na sumaludo ang lahat bilang tanda ng pagbibigay respeto sa pinakamataas na officer sa kanilang departamento.
"Did I missed something here?" Bungad nito saka inosente silang tinititigan. Ni isa sa kanila ay walang sumagot na siyang naging mitsa kung bakit nabaling ang tingin niya sa harap kung saan nakatayo si Suarez.
"So you are giving them orders without considering my decision?" Sarkastiko nitong tanong. Humakbang ito papalapit sa kaniya bago sila nagsukatan ng tingin.
"Tinatraydor mo ba ako, Suarez?"
"I can't afford to watch my comrades fighting for the sake of this city while we are just here, sitting around the corner and waiting for them to give us reports. Hindi na tama 'tong ginagawa natin, Villafuerte." Kalmado niyang tugon at nang hindi sumagot ang kausap ay doon nabaling ang tingin niya sa kalalapag na choper hindi kalayuan sa kanilang pwesto.
"Kailangan ko nang umalis. Inaantay na ako ng mga tauhan ko." Paalam niya at bago pa man siya makapagpatuloy sa paglalakad ay kaagad na nahigit ni Villafuerte ang kaniyang braso.
"At kailan pa naging tauhan mo ang mga nasasakupan ko? Nagpapatawa ka ba, Suarez?" Muli nitong hirit at tila pinipilit na lang nito na kontrolin ang namumuong inis sa kaniyang loob.
Bumuntong-hininga muna ang kausap bago niya ito sinagot.
"Leadership is seen by action and not in someone's position. Kaya kung hindi mo kayang gawin iyong sinumpaan mo. Mas mabuti pa siguro kung magkaniya-kaniya na lang tayo." Buong tapang niyang sambit saka binawi ang kamay at diretsong naglakad patungo sa chopper. Nakayuko namang lumagpas sa Chief of Police si Villanueva at hindi na nag-abala pang salubungin ang nagbabantang tingin na nagmumula rito.
Saktong ilang hakbang na ang layo nila ay ang siya namang pagdating ng mga media. Sabay-sabay ang mga itong nagsilapitan sa pwesto nila at huli na para sa ibang mga pulis na pigilan ang mga iyon. Kaagad silang napalibutan ng mga Intelligencers dahilan kung bakit hindi na sila nakaalis pa. Kalmado itong hinarap ng Assistant Chief at doon umayos ng tindig bago tuluyang hinarap ang mga reporters na galing pa sa iba't-ibang networks.
"Sir, we are here to ask you a few questions regarding to the nation's current state." Bungad ng isang babae na nasa harap lang niya.
"Why did the government decided to put our country under martial law?" Diretsong tanong nito bago nilapit ang hawak na mikropono.
"We are currently facing a huge crisis," direktang sambit ni Suarez. "Ang lahat ng viral photos, live videos and such na kumakalat ngayon sa social media ay hindi po edited."
Matapos niya iyong sambitin ay umugong ang mga bulungan sa paligid. Sandali pa siyang nag-antay na humupa iyon saka muling nagsalita.
"Our president agreed about Chief of Police Villafuerte's suggestion to put our country under martial law for good. Ang kasong kinakaharap ngayon ng bansa ay hindi po isang biro." Paliwanag niya at muli na namang nagsitaasan ang boses ng mga newspeople para kuhanin ang atensyon ng opisyal.
"Some are being skeptical about the statement in which you and your team have claimed about those zombies taking over our city. And there are also rumours that the government just used that card to cover up an ulterior motive. Totoo po ba ang sinasabi ng karamihan o hindi? Ano po ang masasabi niyo patungkol dito?"
"Kagaya nga po ng sinabi ko kanina, ang krisis na ito ay hindi po gawa-gawa lang. This law is declared to handle this on-going predicament. Ang evacuation sites ay nakahanda na rin para ilikas ang mga mamamayan natin palayo sa lugar na 'to. Kaya inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at mas lalong mag doble ingat." Mahinahon niyang hayag saka muling nagsimula sa paglalakad. Akmang susunod ulit ang press pero maagap na itong naharangan ng mga pulis.
Saktong pagdating nila sa nakalapag na helicopter ay ang siyang pagbaba ng mga sakay nitong sundalo. Sumaludo ito sa kaniya na siyang tinugunan niya lang ng pasimpleng pagtango.
"The choppers and units are all set, Sir. We are now waiting for your command." Magalang at matapang na sambit ng isang binatang sundalo. Halata sa mukha nito ang kaba at hindi rin nakatakas sa mata ng opisyal ang bahagyang panginginig ng braso nito habang sumasaludo sa kaniya. Waring ito ang unang beses ng lalaki na makasama sa isang misyon.
"Alam kong natatakot kayo para sa gagawin nating pagsasakripisyo dahil kailanman, hindi naging madali ang trabaho natin bilang isang sundalo," bungad niya sa mga kaharap. "Pero sinisigurado ko sa inyo na kompleto tayong makakabalik sa kampo." Pampalubag loob niya at doon tinapik sa balikat ang binata.
Tinanguan ni Suarez ang piloto senyales na maghanda na ito para sa paglipad. Kaya muli nitong isinuot ang dispatch headset at doon sumenyas sa katabing co-pilot. Sabay-sabay silang nagsipasok sa loob at doon na nga nag-umpisang tumunog ang helicopter engine.
"This is SR 217 ready to leave the premises." Saad ng piloto matapos nitong pindutin ang mga button sa kaniyang harap at sa gawing itaas. Nang magsimulang umikot ang propeller ay tuluyan na nga silang umangat at lumipad sa ere. Hindi mapigilan ng Assistant Chief na tumingin sa ibaba. Doon niya lang mas nakumpirma na nagkaroon na nga ng sira ang buong siyudad. May mga bahaging umuusok, mga gusaling tinutupok ng apoy, at ang kumukuti-kutitap na ilaw sa ibaba na siyang galing sa mga baril na nagpapakawala ng bala. Tuluyan na ngang nagkaroon ng giyera sa pagitan ng mga tao at mga halimaw, bagay na mas lalo niyang ikinabahala dahil hindi madaling kalaban ang mga zombie.
"Viper, come in. Naririnig mo ba ako? Come in, over." Tawag ng piloto habang diretso ang tingin sa himpapawid. Ilang saglit siyang nanahimik para sana antayin ang magiging sagot nito ngunit wala siyang nakuha.
"Black mamba, This is SR 217 First Lieutenant Cordero, we are now heading our way in your area, over." Nang bumaba na ang kanilang lipad ay doon nila mas narinig ang putukan sa ibaba. Hindi rin nakatakas sa tainga ni Suarez ang mga sigawang nagmumula sa mga sibilyan na siyang nagtulak sa kaniya para dumungaw.
Nang saktong makahanap na sila ng lalapagan ay kaagad na nagsibaba ang dala nilang team. Sunod na nagsilapit ang grupo ng Black Mamba unit na siyang hindi pa nakakaalis sa pwestong 'to magmula no'ng ipinadala sila para saklulohan ang lugar.
Hawak ng kanilang radio man ang sirang radyo na siyang hindi na nga nila nagamit. Doon lang din nahinuha ng Assistant Chief ang rason kung bakit hindi nila ito magawang matawagan.
Sandaling nagbigay-galang ang lahat sa opisyal bago nagsimulang iulat ang mga kaganapan.
"We managed to rescue few civilians in this perimeter, Sir. Pero hanggang dito lang po talaga ang kaya naming puntahan dahil sa dami ng mga zombies na halos lumukob na po sa buong siyudad." Imporma ng kanilang Captain. Halata na sa mukha ng lalaki ang pagod at halos maligo na rin ito sa pawis dahil sa init ng suot nito.
"We also conducted a temperature check for us to know if infected ba o hindi ang mga na-rescue namin." Gatong ng isa pa saka nilingon ang likuran kung saan nandoon nakaupo ang mga civilian na naligtas nila habang binabantayan ito ng iba pang mga sundalo. Nagtataka siyang tinapunan ng tingin ng Deputy kaya hindi nito mapigilan ang sarili na magtanong.
"Temperature check?"
"Yes, Sir. An infected person will drop his or her temperature in an alarming rate. So even if he or she is asymptomatic or never show signs like vomiting of blood or alarming signs of nosebleeding, sa oras na mababa ang temperatura niya, automatic po na infected siya." Magalang nitong sagot. Nang tuluyan na ngang malinawan ang mga bagong dating ay doon pa nila nilapitan ang mga nakuhang survivors. Kasabay din nila ang panibagong troops na may dala-dala ring bagong rescued persons. Kaagad na lumapit ang isang miyembro ng Black Mamba para i-monitor ang temperatura ng lahat at para masuri niya rin ang lagay ng mga panibagong dating na sibilyan.
Namataan ni Assistant Chief Suarez ang isang napakapamilyar na uniporme na nasa loob ng mobile. Kaya kaagad siyang lumapit sa binata upang kausapin iyon. Nakatulala lang ang estudyante habang nakatingin ito sa kawalan, halatang nagkaroon ito ng matinding trauma dahil sa mga nangyari. Hindi rin nakatakas sa kaniyang tingin ang mga bahid ng pulang likido sa napakaputi nitong uniporme at kapansin-pansin din ang mga maliliit nitong sugat na halatang presko pa.
"37° Celsius detected. He's completely safe, you can now treat his wounds." Sambit ng isang sundalo na may dalang temperature check sa isang medic.
"Ilang high school student na ba ang na-rescue niyo?" Tanong niya sa leader ng troops na kabababa lang din sa mobile.
"Sa ngayon po Sir, ay siya lang ang nag-iisang estudyante na nagawa naming i-rescue. Halos lahat ay middle aged adults at mga bata lang po." Turo nito sa binata na ngayon ay nakaupo pa rin sa mobile habang ginagamot ng isang medic ang sugat niya.
"Ikinalulungkot ko pong sabihin pero siya lang po ang nag-iisang City Highian ang masasabi naming nakaligtas sa ground zero ng Juanico High." Malumanay nitong turan dahilan kung bakit mas tumindi ang pag-aalala at takot sa mukha ng Assistant Chief.
***
WARNING: THE FOLLOWING CONTENTS MAY CONTAIN DISTURBING SCENES THAT MAY BE UPSETTING FOR SOME READERS. READER DISCRETION IS ADVISED.
Halos lumupaypay ang katawan ni Shilloh sa sahig dahil sa labis na panghihina. Ngayon lang siya nagising mula sa napakatagal na pagka-idlip at hindi rin siya sigurado kung gaano na siya katagal na nakahiga sa matigas na lapag. Nang sinubukan niyang gumalaw ay halos maipikit niyang muli ang kaniyang mata dahil sa tindi ng hilo na nararamdaman niya. Nagsimulang umikot ang kaniyang tingin na siyang dahilan kung bakit hindi niya magawang maaninag ang mga bagay na nasa paligid niya.
Nang muli niyang iginalaw ang kaniyang katawan ay doon niya lang napagtanto na nakabusal pala ang kaniyang bibig bagay na mas lalo niyang ikinapagtaka.
"Fuck, what's this?" Iritado niyang tanong sa sarili saka pilit na tinatanggal ang panyo. Matagal-tagal bago niya naalis iyon pero nang tuluyan na niya nga itong matanggal ay doon na siya dinunggol nang matinding kaba. Ang puting panyo na ibinusal sa kaniya ay halos mapuno ng dugo, at sunod niya na lang namalayan ang tumutulong pulang likido na nagmumula sa kaniyang bibig.
"Haho... Haho 'to?" Bumakas ang matinding gulat sa kaniyang mukha nang marinig ang kaniyang sinabi. Wala sa wisyo siyang napahawak sa kaniyang bibig nang miski ang boses niya ay nag-umpisang gumaralgal. Malayong-malayo sa dati niyang tinig na napakalamyos.
"B-bakit hindi ako makapagsalita nang maayos?!" Iritado niyang tanong sa kaniyang isipan. Nagsimula siyang humikbi nang kumirot ang kaniyang dila nang sinubukan niya iyong igalaw. Napapangunahan man ng takot pero sinubukan niya pa ring kapahin ang kaniyang bibig para malaman kung ano ba ang pinagmumulan ng pagdurugo. Pikit-mata niyang pinasok ang dalawa niyang daliri sa bunganga niya saka sinubukang hanapin sa loob ang kaniyang dila.
"F-fuck. C-can somebody t-tell me that this is not true." Muli niyang bulong sa isipan nang magka-ideya na siya sa kasalukuyan niyang estado.
"N-no. This is so fucking absurd!" Nag-umpisa siyang magwala at doon asar na asar na sinabunutan ang sarili dahil sa matinding galit na nararamdaman.
"F-fuck you, Chloe. Fuck you! This is your fucking fault!" Naiinis niyang sambit sa isipan nang tuluyan niya na ngang maalala ang nangyari.
"C-chloe?" Nahihintakutan niyang banggit habang hindi mapigilan ang sarili na titigan ang panibago nitong itsura.
"It's been awhile, Shilloh." Nakangiti nitong sabi at doon marahang sinipa ang katawang kanina lang ay hila-hila niya. Wala sa wisyong napatitig si Shilloh sa duguang itsura ng lalaki at doon niya lang din napagtanto na isa na itong zombie. Sa kabila ng pagiging halimaw ng binata ay hindi nahirapan ang dalaga para tukuyin ang pagkakakilanlan nito. Halos matutop niya ang kaniyang bibig nang mapagtanto kung sino nga ito.
"You feel pity for him?" Malamyos at tila inosenteng tanong sa kaniya ni Chloe.
"L-lyndon." Gulat na sambit ni Shilloh na siyang nagpaguhit ng ngiti sa labi ng kaharap.
"Sayang, hindi mo siya naabutan, Shilloh," tila malungkot na sagot ni Chloe. "Hindi mo tuloy kami naabutan na naglaro. Ikaw naman kasi, I've been searching for you kaya pero ang hirap mo namang hanapin. I didn't know that you're good in playing hide and seek."
Kasabay ng pagkwento ng dalaga ay doon lang mas naging klaro kay Shilloh ang sinapit ni Lyndon sa kamay ng kaklase. Puno ng mga pira-pirasong salamin at bubog ang likod nito. Doon niya lang din napagtanto kung bakit halos maligo sa dugo ang binata. Sunod niyang natanaw ang mga nakabaon na pako sa iba't-ibang parte ng katawan nito na siyang naging dahilan kung bakit hindi mapigilan ng dalaga ang mapadura sa gilid dahil hindi niya nga kinaya ang itsura nito.
Hindi magawang kumalma ni Shilloh sa sitwasyon niyang ngayon dahil sa nakikita niyang itsura ni Chloe. Ibang-iba na ito at hindi na kagaya no'ng dati. Ang inosente nitong mukha ay nabahiran ng napakaraming dugo at kung dati ay malumanay pa ito kung tumitig, ngayon ay para na 'tong isang leon dahil sa talim ng mga mata nito.
"Oh, why do you looked so scared? Did I intimidate you that much?" Inosenteng tanong ni Chloe saka dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya. Ang nagpapatay-sinding ilaw na nagmumula sa fluorescent ang siyang tanging nagbibigay ng pansamantalang liwanag sa kanilang dalawa. Ito rin ang dahilan kung bakit mas lalong umuusbong ang takot sa kaniyang sistema. Sa hindi malamang dahilan ay biglang kinabahan si Shilloh para sa buhay niya.
"C-chloe please not this time. G-gusto ko nang makauwi!" Pagmamakaawa niya at nang marinig ng kaklase ang panginginig ng kaniyang boses ay doon na ito mahinhing tumawa.
"Does it tastes good, Shilloh?" Pang-aasar nito bago sumandal sa pader. "Masarap bang maranasan iyong feeling na nanginginig ka dahil sa takot? Naiiyak ka sa kinatatayuan mo dahil kinakabahan ka at the same time gusto mong umalis pero hindi mo kaya?"
Sa sinambit niyang iyon ay hindi nakasagot si Shilloh. Nanatili siyang tahimik lalo na at hindi na siya nakakapag-isip pa nang matino dahil pinapangunahan siya ng kaniyang emosyon.
"Parang kailan lang, ako pa iyong nagmamakaawa sa inyo na hayaan ako ah. Tapos ngayon, ikaw na iyong nasa posisyon ko. Sino ba namang kasing mag-aakala na magiging ganito kabilis bumaliktad ang sitwasyon natin, di'ba?" Dagdag nito pero muli, hindi nakasagot ang kausap.
"How does it feels like to become Chloe 'the dimwit alien' Montemayor, hmm?" Muli nitong hirit at doon tinitignan nang diretso sa mata si Shilloh. "Ano, masarap ba sa feeling na maging ako, Shilloh?"
Muling hindi nakasagot ang dalaga at natagpuan na lang nito ang sarili na umiiyak. Isang galaw na siyang naging rason kung bakit namuo ang inis sa mukha ni Chloe.
"Ayan, diyan ka magaling. Sa paiyak-iyak mo para kaawaan ka ng lahat. Alam mo ba kung gaano kalala 'yang mga baraha mo para gawing miserable iyong buhay ko sa eskwelahang 'to ha, Shilloh?" Napipikon nitong sumbat. "'Yang mga lintik mong luha ang naging rason kung bakit mas lalo lang akong naghirap. Ang galing mo kasing magpaawa effect eh. At dahil famous ka at tinatrato kang anghel ng Juanico High, nag-eenjoy kang pahirapan ako dahil alam mong kahit ano pang kademonyohan ang gawin mo sa'kin. Kahit sirain mo pa ako nang paulit-ulit, ikaw pa rin iyong makikita nilang biktima at ako iyong may mali."
"Sa galing mong magdrama, kayang-kaya mo silang paikutin para lang gipitin ako. And I want to congratulate you for it, why? Because you are really doing good. Gusto mo bang maranasan iyong pait na naranasan ko habang kinukutya at sinasaktan niyo ako?" Tumayo nang maayos si Chloe at doon mabilisang hinila ang malambot at mahabang buhok ng kaklase. Sa lakas ng paghila niya ay tuluyang nawalan ng balanse si Shilloh dahilan kung bakit natumba siya sahig. Pero mas lalo siyang humiyaw sa sakit hindi dahil sa sumalampak siya sa ibaba, kundi dahil sa inikot pa ni Chloe ang kaniyang buhok bago niya iyon marahang hinila paitaas.
Halos lumukob sa buong pasilyo ang nakakabinging sigaw ni Shilloh dahil sa matinding sakit na nararamdaman niya, pakiramdam niya ay makakalbo siya nito nang wala sa oras. At kahit plano niya pang takasan ito, hindi niya magawa lalo na at sa laki ng atraso niya rito, napakaimposibleng isipin na sasantuhin pa siya ng kaharap at basta-basta siyang hahayaang makaalis. Kung si Lyndon nga na siyang isa rin sa bumubuo sa Bermuda Triangle at wala gaanong atraso sa dalaga ay hindi nito binuhay. Ano pa kaya siya na siyang may puno't dulo ng lahat?
"P-please let me g-go!" Muli niyang pagmamakaawa pero hindi pa rin ito nakinig.
"Bakit, no'ng nagmakaawa ba ako sa inyo, nakinig ba kayo? Nakinig ka ba?" Blangko nitong mutawi saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang buhok.
"Hindi di'ba? So who are you to complain? Sa halos ilang buwan kong pagtitiis sa mga kahayupang ginawa niyo sa'kin, kulang pa 'yan kung tutuusin."
"I-I'm s-sorry." Umiiyak niyang turan. Nilunok niya na lahat ng pride niya para lang masabi iyon. Wala na rin siyang pakialam pa sa imaheng dala niya at ng pamilya niya dahil sa sitwasyon niya ngayon, malabo na masyadong mabuhay siya sa oras na magmatigas siya ulit. Gumuhit sa labi ni Chloe ang isang matagumpay na ngisi bago niya ito pabagsak na binitawan dahilan kung bakit bumagok ang ulo ni Shilloh sa sahig.
"Look! The oh-so-called "Charming Charlatan Queen" Shilloh Ortega swallowed her pride!" Natatawang pagmamalaki nito bago umupo upang pantayan ang dalaga na halos hindi na makagalaw dahil sa matinding hilo na nararamdaman. Tinitigan maigi ni Chloe ang nakasalampak na mukha ni Shilloh pero hindi siya nito magawang matignan dahil sa nararamdaman nitong hilo.
"Those fact-sharer aren't lying when they claimed that God really made everyone's fair. Maganda ka naman talaga, Shilloh. From the form of your perfect eyebrows, down to your cute eyes, picture-perfect hewed nose and your appealing yet flamboyant lips. Pasadong-pasado ka sa physical appearance eh, bumagsak ka nga lang sa ugali." Puri niya rito. Pero tila hindi na ito halos narinig ng kausap bagay na siyang ikinabagot ni Chloe. "Siguro kung naging ugali lang iyong mukha, ang pangit-pangit mo." Dagdag niya pa.
Akmang magsisimula na sanang gumapang palayo ang dalaga pero kaagad na nahuli ni Chloe ng binti ni Shilloh. Ibinaon nito ang kaniyang kuko sa balat ng kaharap dahilan kung bakit muli itong humiyaw sa sakit.
Nang makuntento siya ay hinila niya ito paatras saka niya iyon itinulak sa pader. Tumama sa semento ang likod ng dalaga na siyang naging sanhi kung bakit ito dumura ng dugo.
"Oh! Nakalimutan ko nga pa lang i-describe iyong napakalambot mong kamay." Dagdag niya at doon marahang hinila ang kamay nito, rason kung bakit muling sumalampak sa ibaba ang nanghihinang katawan ng kaklase. Wala na itong lakas para lumaban pa at nagmukha na lang siyang controlled-living doll ni Chloe. Wala na siyang mahuhugot pang enerhiya para pumalag sa pinaggagawa nito dahil inaamin niya sa sarili niya na hindi na niya nga ito kaya.
"One little two, little three little fingers."
Panimula niya at parang batang tinuturo ang bawat daliri ng kaharap. Hindi nakaimik si Shilloh bagkus ay wala siyang ibang nagawa kundi ang panoorin ito sa patuloy nitong pagkanta.
"─ eight little nine little fingers. Teka, bakit parang kulang?" Nakakunot-noong tanong niya nang may biglaang mapagtanto. Tinitigan niyang maigi ang magkabilang kamay ng kaklase waring may malalim na iniisip.
"C-Chloe, a-alam mo namang s-sampu lang iyong daliri di'ba? T-tama naman iyong kanta m-mo." Sagot ni Shilloh.
"Hindi. Kulang talaga eh, labing-isa kasi dapat." Nakangiti nitong tugon na para bang nawawala na ito sa sariling katinuan. "Pero bakit sampu lang iyong sa'yo? Dapat may katabi pa'tong pinky finger mo eh." Muli nitong hayag saka saglit na nag-isip.
Halos makagat na ni Shilloh ang labi niya dahil natatakot siya sa susunod nitong gagawin. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito at kung anuman iyon, iyon ang ayaw niyang alamin at mas lalong ayaw niyang mangyari.
Walang salitang nilapit ni Chloe ang kaliwang kamay ng dalaga bago nito pinasadahan ng kaniyang hintuturo ang makinis na palad ng dalaga. Ilang sandali niya pang mapaglarong dinaan-daanan ang palad nito hanggang sa huminto ang kamay niya sa hinlilit ni Shilloh at doon niya ito pwersahang binali.
"AHH!" Malakas na sigaw ni Shilloh. Halos kumirot ang lalamunan ng dalaga dulot ng paulit-ulit niyang paghiyaw ngunit hindi man lang natumbasan no'n ang sakit na nagmumula sa kaniyang daliri. Ni hindi niya magawang bawiin iyon sa kamay ng kaharap dahil tuluyan na nga siyang nawalan ng lakas.
Gumuhit ang inosenteng ngiti sa labi ni Chloe nang naging labing-isa na sa kaniyang mata ang daliri ng kaklase kaya muli siyang ginanahan sa pagkanta.
"Ayan! Eleven little fingers left and right!" Pagtuloy niya at doon tinuro-turo ang daliri ng kaklase. Nang matapos siya ay isinandal niya na nga sa pader ang tila walang buhay na katawan ng dalaga, iniangat niya rin ang ulo nito para magkasalubong ang mata nilang dalawa.
"Ayaw mo ba akong sabayan kumanta? Come on, Shell. Sing with me!" Aya niya pero muli lang itong humikbi saka dahan-dahang umiling bagay na siyang nagpawala sa ngiti niya. Inis niya itong tinitigan pero patuloy pa rin itong tumatanggi sa kaniyang paanyaya.
"You know what? This is my very first time to invite someone to join me yet that person have the guts to turn-down my offer?" Blangko niyang giit. "Sa tingin mo, ano kaya ang magandang gawin sa taong may boses pero ayaw naman kumanta?" Nag-iisip nitong sambit bago tumingin sa itaas na para bang naghahanap ng sagot.
"Aha!" Biglaan niyang sigaw bago muling hinarap ang kaklase. Dinukot niya muna mula sa kaniyang bulsa ang isang kutsilyo saka niya iyon nilalaro-laro sa kamay niya.
"What if putulin ko na lang kaya iyong dila mo, hmm? What do you think?" Biglaan niyang suhestiyon dahilan kung bakit halos mamilog ang mata ni Shilloh at muli na namang umiling-iling sa kaniya. Husto na ang pagbali nito sa daliri niya at hindi na kakayanin pa ng katawan niya kung may gagawin pa itong bago.
"C-Chloe," nanghihina nitong sabi at pilit na inaabot ang kamay ng kaharap. "P-please huwag naman sanang g-ganito." Nang mahawakan niya na nga ang kamay nito ay doon siya muling nakiusap na huwag na itong ituloy. Pero muli, hindi siya nito pinakinggan bagkus ay mas gumuhit pa ang tuwa sa labi nito.
"Alam mo, Shell? Ang dami-daming tao na gustong kumanta riyan pero hindi nila iyon magawa dahil pinanganak silang walang boses. While you are here, using your own voice to spread shits inside this school and never mind what those people would feel onced you let that little tongue of yours to spit those fucking words filled with so much inaccuracy," nilapit niya nang husto ang kutsilyo sa mata nito na parang pinapakita sa kaklase kung gaano iyon katalim. "So in behalf of God's fair treatment. Ako na ang gagawa ng paraan para maging fair ka naman sa mga piping iyon."
Nanginginig na ang katawan ni Shilloh havang nakatingin pa rin sa kutsilyo. Hindi niya magawang makasagot bagkus ay wala siyang ibang tinugon kundi ang pag-iyak at sunod-sunod na pag-iling.
"Now, open your mouth." Utos ni Chloe pero muli, hindi ito sumunod. Alam ni Shilloh na hindi nagbibiro ang kaharap sa gusto nitong gawin pero hindi niya kayang sumunod. Dahil hindi pa naman tuluyang nawala ang utak niya para pumayag siya na putulin ang dila niya.
Ilang segundong nag-antay si Chloe para lang buksan ni Shilloh ang bibig nito. Ngunit wala pa ring nangyayari. Bumakas ang inis sa kaniyang mukha bago napipikon na tinignan ang kaharap. Pwersahan nitong hinawakan ang magkabilang pisnge ng kaharap bago nagsalita.
"Bubuksan mo 'yang bibig mo o gagawin kitang hapunan ko? Mamili ka." Nagbabanta nitong bigkas at muli na namang naging dominante ang mga itim nitong ugat sa kaniyang balat, bagay na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng lakas si Shilloh para magpumiglas. Impit siyang sumigaw dahil sa takot na baka kainin nga siya nito. Sa kakapapalag niya ay doon hinuli ni Chloe ang baba niya bago pwersahang hinawakan ang magkabila nitong pisngi.
Wala sa wisyong napabuka ang bibig ng dalaga dahil pakiramdam niya ay bumabaon sa kaniyang pisnge ang masakit nitong kuko.
Walang paalam na nilaslas ni Chloe ang dila ng kaklase at kasabay no'n ay ang muling pagpapakawala ni Shilloh ng malakas na sigaw. Kaagad na tinakpan ng dalaga ang kaniyang bibig saka pinipigilan ang dugong lumalabas mula rito. Hindi niya magawang maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Kahit anong gawin niyang pagtakip ay hindi niya magawang pigilan ang napakalagkit na likidong pilit na tumatakas sa kaniyang bunganga. Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo, ramdam na ramdam niya kung paano nagkaroon ng malaking kulang ang kaniyang pagkatao. Sunod niya na lang namalayan ang panginginig ng kaniyang labi at ang panunuyo ng kaniyang lalamunan. Pero bago pa man niya maibalik ang tingin kay Chloe ay bigla na lamang niyang naramdaman ang isang matigas na bagay na ipinukpok nito sa ulo niya.
"Hayop ka Chloe." Mariin niyang sambit sa isipan bago pinilit ang sarili na makatayo. Hindi na gaanong umiikot ang paningin niya kaya kahit papaano ay nakayanan na niyang tumayo. Nanginginig ang mga binti niyang humakbang palabas ng classroom kung saan siya kinulong ni Chloe. Nang pihitin na niya ang doorknob ay laking pasasalamat niya nang hindi iyon nakalock. Wala na ring zombies sa labas kaya payapa niyang nilakad ang kahabaan ng pasilyo.
Hindi niya na rin binigyan pa ng pansin kung nasaan siya, ang gusto niya lang ay lumayo rito para kung saka-sakali mang bumalik si Chloe ay nakalayo na siya. Halos idikit niya na rin ang sarili sa pader para lang suportahan ang katawan sa paglalakad. Bumabakas din sa puti nitong pintura ang pulang dugong nanggagaling sa kaniya kaya bindi niya maiwasan ang sarili na murahin lalo na at nag-iiwan lamang siya ng bakas at sigurado siya na matutunton siya ng kaklase. Ngunit kahit anong pilit niyang lumakad nang diretso, hindi niya talaga magawa lalo na at hindi niya kakayanin na lumakad nang walang hinahawakang suporta.
Saktong pagdating niya sa dulo ay saglit siyang huminto nang hagdan ang sumalubong sa kaniya. Makailang beses pa siyang bumuntong-hininga para balansehin ang sarili. Wala na siyang pakialam pa kung mahihirapan siya sa pagbaba, lalo na at mas delikado para kay Shilloh ang manatili rito dahil hindi imposibleng isipin na babalikan siya ni Chloe.
Nang makahugot ng lakas ay doon na siya nagpasyang tumuloy. Ngunit sadyang mapagbiro talaga ang tadhana dahil sa hindi mabilang na pagkakataon, ay muli na namang nanghina ang kaniyang tuhod kaya nawalan siya kaagad ng balanse at nahulog sa hagdan.
Pikit-mata niyang tiniis ang sakit na dala nito at inantay na lamang ang sarili na huminto. Nang tumama ang kaniyang likod sa pader ay halos maputulan siya ng hininga dahil sa lakas ng impact. Pero muli, hindi siya nag-abalang magreklamo bagkus ay muli siyang nangapa sa kawalan at pilit na naghahanap ng pansuporta para makatayo.
Nang bigo siyang makahanap ng makakapitan ay wala na siyang pagpipilian pa kundi ang pagapang na bumaba ng hagdan. Halos mapaiyak siyang muli sa dinaranas niya ngayon. Dahil ni minsan, hindi niya naisip na magiging ganito kapait ang takbo ng buhay niya.
"I had enough." Bulong niya sa sarili at hindi na nga nag-abala pang pilitin ang kaniyang katawan sa paggalaw lalo na at wala na siyang lakas na mailalabas pa. Kahit anumang pilit niyang paggalaw ay hindi na nga siya nakakausad pa. Pagod na pagod siyang tumihaya at mas piniling humiga sa matigas na sahig.
"Pagod na pagod na akong lumaban sa sitwasyong hindi ako sigurado kung kakayanin ko pa ba. Siguro, ang saya-saya niyo na ngayon knowing the fact na nagawa niyo na rin akong pabagsakin, ano?" Pagkausap niya sa sarili. Tila ba sinusumbat niya na lang sa kaniyang isip ang lahat ng hinanakit na dinadala niya ngayon.
"I am not supposed to be here. Hindi ako dapat magdusa nang ganito katindi at mas lalong hindi ko deserve na maghirap ngayon!" Naiirita niyang banggit. "I can't even stand nor speak. Wala na akong kwenta. Ang yaman-yaman ko nga pero hindi man lang ako magawang tulungan ng pera at impluwensiyang meron ako."
"I fucking fell from my own throne." Huli niyang bulong sa kaniyang isipan saka pagod na pagod na humagulgol. Wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak at ilabas lahat ng mga halo-halong emosyon na nagkukubli sa kaniyang dibdib.
Tanggap na ni Shilloh ang kamatayan na nagbabadya siyang kunin at inaantay niya na lamang kung kailan ba iyon darating. Muling ipinikit ng dalaga ang kaniyang mata nang muli na naman siyang nakaramdam nang matinding hilo. Hindi na rin siya nagtaka pa kung bakit dahil batid niya rin na maraming dugo na ang nawala sa kaniya at napakaimposible na ring isipin na mabubuhay pa siya nang matagal.
Pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng kadiliman ay bigla niya na lang narinig ang isang pintong nagbukas. Sunod niyang namalayan ang isang pares ng yabag na papunta sa kaniyang pwesto. Hindi pa man siya nakakapagdilat ng mata ay doon na niya naramdaman ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Hindi maiwasan ni Shilloh na kabahan lalo na at nasa isip niya pa rin si Chloe. Ngunit sa uri ng haplos na ginagawad nito sa kaniya ay doon niya lang napagtanto na ibang tao ito.
Ang mainit nitong palad ang siyang nagtulak sa kaniya para muling magdilat ng mata. Doon niya nakita ang nag-aalalang mukha ng isang pamilyar na babae. Puno ito ng takot at gulat marahil ay dahil sa kaniyang itsura.
Buong akala ni Shilloh ay tuluyan na nga siyang mamamatay sa eskwelahang 'to, pero nagkakamali siya. Dahil sa kabila ng mga masamang ipinakita niya sa lahat, may isang tao pa rin na ni minsan ay hindi siya kinaayawan at tinangkang talikuran.
Muling namuo ang luha sa kaniyang mata nang tuluyan na nga siya nitong kinarga paloob at maingat na inihiga sa isang bakanteng sofa.
"Nandito na ako, Shilloh. Nandito na ako." Pampalubag loob ng babae bago nito hinubad ang suot na coat saka niya iyon ipinatong sa kaniya.
"Ms. Garcia,"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top