Chapter 25: Pagkikita

Tuluyang nakalayo si Yohan mula sa pinanggalingan niyang gusali kung saan sila huling nagkatapat ni Chloe. Kasalukuyan siyang naglalakad ngayon sa isang may kaliitang pasilyo pabalik sa  SEDP building kung saan niya iniwan ang mga kaklase kanina. Ilang hakbang na lang ang aabutin niya at magagawa niya na ring makabalik.

Hawak-hawak ng binata ang kaniyang kaliwang balikat na siyang pinakanapuruhan noong nagkasagupa sila ni Chloe. Nang tuluyan na nga siyang nakapasok sa loob ng gusali ay doon niya na piniling huminto at halos pasalampak na naupo sa madugong sahig. Ramdam niya na ang matinding pagod at sakit na halos lumukob na ngayon sa kaniyang sistema. Hindi pa rin siya tuluyang nakakalimot sa ginawa niyang desisyon kani-kanina lang. Inaatake siya ng mga samut-saring tanong kung tama nga bang winakasan niya ang buhay ng kaklase? Tama bang inilagay niya ang batas sa mga kamay niya? O mali bang isakripisyo ang buhay ng dalaga para sa kaligtasan nilang lahat?

"Patawarin mo ako, Chloe," sinsero niyang banggit at kahit alam niyang hindi na siya nito maririnig. Ginusto niya pa ring isatinig ang mga bagay na nais niyang sabihin. "Alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nasisira ang SD card kaya hindi ko pwedeng ipagkatiwala iyon sa'yo nang ganoon lang kadali. Dahil hindi lang basta-bastang mga sekreto ang laman ng memory card na iyon." Huli niyang banggit bago umayos sa pagkakaupo.

Mabibigat ang hininga na pinapakawalan ng binata at hinahayaan niya ang sarili na makabawi ng lakas kahit papaano sa maikli lamang na oras. Lihim din siyang nagpapasalamat dahil wala na ang mga zombies na kanina lang ay pumuno rito sa corridors. Sa isip niya ay tuluyan na nga itong nagawan ng paraan nila Ledger habang hindi pa sila nakakabalik.

"I was one of those persons na sumubok na protektahan ka, but you crossed the line. Gustuhin ko mang tratuhin ka gaya no'ng kung paano ka namin itrato dati, pero hindi ko na magawa dahil ibang landas iyong pinili mo," mahina niyang sambit at doon sandaling pumikit. "Sa kabila ng lahat ng mga pinakita mo sa'min ni Cody kanina, hindi na ako sigurado kung naging sapat ba iyong ginawa ko para pigilan ka. Pero kung oo, patawarin mo sana ako."

Ilang saglit pa siyang nanatili sa ganoong posisyon, hinayaan niyang lukubin siya ng kalmadong hangin at kinuha niya na rin ang pagkakataong ito para umusal ng dasal.

Nang makabawi ay doon pa siya muling tumayo, kailangan niya pang umakyat sa ikatlong palapag kaya kahit nanghihina ay tumuloy pa rin siya. Akmang hahawakan na niya sana ng handrail ng hagdan nang mahagip naman ng kaniyang tingin  ang mga papalapit na anino na nagmumula sa itaas. Wala sa wisyo siyang napaayos sa pagkakatayo saka tahimik na inantay kung sino nga ba ang mga iyon.

"Yohan?" Banggit ng isang napakapamilyar na boses kaya kaagad siyang sumilip sa itaas. Doon niya nakita si Corbin na nakadungaw sa ibabaw at diretsong nakatingin sa pwesto niya na para bang gustong kumpirmahin kung tama ba ang nakikita niya.

"Putangina, si Yohan nga! Dito, tol!" Dugtong ng binata at doon na hinila-hila ang kasamang si Ryder para ayain itong magmadaling bumaba.

"Anong nangyari sa'yo, Yo?" Salubong sa kaniya ni Ryder matapos siya nitong madatnan dito sa ibaba. Mabilis itong lumapit sa pwesto ng kaibigan at mataman na tinignan ang estado ng kaniyang balikat.

"Masama tama niya, Corbin. Kailangan natin siyang dalhin sa itaas para magamot." Dugtong ng binata bago inakay si Yohan at doon na nga silq nagsimulang umakyat sa hagdan.

"Pero paano si Cody? Hindi ba natin siya hahanapin?" Singit ni Corbin habang nakasunod sa kanilang dalawa. Kaagad na nag-angat ng tingin si Yohan saka niya tinapunan ng nagtatakang tingin ang dalawa.

"Sinundan ka ni Cody kanina, Yo. Hindi ba kayo nagkita?"

"Akala ko ba nandito na siya?" Alinlangan niyang tugon. "Hindi pa man ako nakakabalik sa room natin, magkasama na kami. Pero pinauna ko si Cody na bumalik dito  kaya nag-expect ako na nandito na siya, kasama niyo." Kwento niya dahilan kung bakit gumuhit sa mukha ni Ryder ang matinding pag-aalala para sa matalik na kaibigan.

"Kanina pa namin kayo inaantay pero ni isa sa inyo, wala man lang dumating. Kaya nga nagdesisyon sila Wren na palabasin kami sa room para hanapin kayo." Paliwanag ni Corbin at doon maingat na binitawan ang braso ng kaibigan para pihitin ang doorknob. 
"Baka may balita na sila Ledger sa loob, doon na lang muna tayo mag-usap. Kailangan mo pang magamot."

"Yohan!" Hindi mapigilan ni Mills na mapasigaw nang makita ang estado ng kababata. Agaran niyang sinipat ang kabuuan nito at halos tubuan siya ng kaba dahil sa matinding sinapit ng binata, bagay na mas lalo niyang ikinapagtaka kung ano ba ang pinagdaanan nito sa labas para umuwi itong bugbog sarado. Hindi niya rin maiwasang sumilip sa labas para tignan kung  nakasunod ba sa kanila Corbin si Cody ngunit mas lalo lamang siyang hindi mapalagay nang hindi niya ito mahagilap. Hindi niya rin maiwasang lingunin ang pwesto ni Wren na halata ring nagtaka kung bakit hindi nito kasama ang naturang kaklase.

Samantala, kaagad na tumayo si Meadow upang kunin ang first aid kit na nakapatong sa ibabaw ng mini cabinet. Mabilis niya itong hinalungkat para kumuha ng bulak at iba pang pwede niyang gamiting panggamot sa kaklaseng si Yohan. Wala silang makakapitan ngayon kundi ang mumunting gamit na ito lalo na at masyadong malayo mula sa building na kinalalagyan nila ang School Clinic. Idagdag pa ang katotohanan na masyadong delikado para sa kanilang lahat kung sasadyain nila ang klinika. Kahit papaano naman ay may alam ang dalaga sa ganitong gawain lalo na at isa rin siyang Red Cross.

"His skin is starting to enlarge. But you guys don't have to panic, swelling is a normal reaction of the body to an injury." Untag ni Ledger matapos nitong matignan ang kondisyon ni Yohan. Kasalukuyan na itong nakaupo sa lapag at inaalalayan naman siya nila Corbin.

"Stay still, kung hindi mo kayang galawin ang balikat mo. Huwag mo na lang gawin." Bilin ni Meadow sa kaniya nang tuluyan na nga itong nakalapit. Nilabag ng dalaga ang kit sa ibaba bago sinimulan ang kaniyang dapat na gawin. Umalalay naman si Mills sa kanilang Class President at siya na rin ang kusang naglukot sa isang may kahabaang tela at doon niya ito bilagay sa gawing likod ni Yohan. Ilang sandali niya pa iyong inayos nang sagayon ay hindi direktang tumama ang na-injured na balikat ng kaibigan sa oras na sumandal na ito.

"Based on how he reacts, it is not hard to conclude that Yohan is suffering from a minor muscle strain." Imporma ni Ledger habang pinapanood ang reaksyon ng binata  habang ginagamot ito ni Meadow. 

"Strain? Teka, bakit ka naman magkakaroon no'n? Nahulog ka ba, Yo?" Nagtatakang tugon ni Earlyseven at nang akmang idadampi na niya ang kaniyang kamay sa balikat ng kaibigan ay kaagad naman itong pinitik ni Corbin.

"Kita mo na ngang ayaw niyang magpahawak, nilalapit mo pa. Pinanganak ka bang tanga?" Singit nito at bago pa man makasagot si Earlyseven ay naunahan na ito ni Yohan.

"Hindi ako nahulog. Nagkaroon lang ng kaunting problema no'ng nasa Aries pa kami." Panimula niya bago bumuntong-hininga. Sinubukan niya muling igalaw ang balikat ngunit nang hindi niya ulit matiis ang sakit ay hindi niya na lamang iyon itinuloy pa.

"Problema? Bakit, anong nangyari?" Muling tanong ni Earlyseven saka inantay ang kausap na kumalma bago tumuloy.

"Marami," tipid niyang sagot bago umayos ng upo. Sandali siyang huminto at nang nakuha niya na nga ang atensyon ng mga kaklase ay doon na siya nag-umpisang magkwento. "No'ng binabaybay na namin ang hallway papuntang building natin. May nakasabayan kami, hindi lang ako sigurado kung sino sila o ano dahil hindi namin iyon nakita." Panimula niya at doon saglit na tumagilid para dukutin ang tinagong bagay sa kaniyang bulsa.

"Teka, dartpin?" Tila hindi makapaniwalang tugon ni Corbin na siyang sinuklian lamang ni Yohan ng isang tipid na tango.

"Ang dartpin na'to lang ang siyang ginamit nila para patayin ang mga zombies," Hinawakan ni Yohan iyon bago niya ito iniangat sa ere para mas lalong makita ng mga kaklase, "Hindi lang ako sigurado kung ilan ba sila o kung gaano ba sila karami dahil maniwala man kayo sa'kin o hindi, isang horde iyong humahabol pero hindi lang lumipas ang tatlong minuto pero napatumba na iyon lahat."

Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga nandito matapos iyong idugtong ni Yohan. Ngunit nang makita ang seryoso nitong ekspresyon ay doon nga nila nahinuha na hindi ito nagbibiro. Hindi tuloy nila maiwasang mapaisip kung sino nga ba ang mga tao sa likod ng kwento ng kaklase?

"If they are using that pin in killing those dumbasses. Then hindi malabong isipin na dart players iyong tinutukoy mo." Sang-ayon ni Ledger.

Saglit na hindi nakaimik si Corbin mula sa kaniyang pwesto matapos matitigang maigi ang hawak na pin ng kaibigan. Nabubuhayan siya ng loob dahil umaasa siya na ang taong gumamit ng pin na 'to ay ang kaparehong tao na naiisip niya.

"Dart players?" Hindi halos maprosesong sabat ni Willow. "Pero ano naman ang pinunta nila doon? Have you guys forget na walang dartplayer na junior students? So sigurado akong senior iyong tinutukoy mo, Yohan." Litanya niya bago inabot ang gunting kay Meadow.

"Iyon nga rin ang hindi ko magawang intindihin, Willow. Dahil base lang sa nakita namin ni Cody kanina, building natin ang sadya nila." Tugon ni Yohan dahilan kung bakit tuluyang naagaw ng binata ang atensyon ni Corbin.

"Building natin? As in sa Aries?" Sunod-sunod niyang tanong at muli na namang tumango ang kausap. "Hindi niyo ba talaga sila naabutan, Yo?"

"Ibang tao na iyong naabutan namin doon, Corbin." Seryosong banggit nito saka sinalubong ang nagtatanong na tingin ng kaibigan.

Saglit muna siyang huminga nang malalim bago muling tumuloy sa pagsasalita.

"Nando'n si Chloe." Direktang turan niya dahilan kung bakit muling gumuhit ang gulat sa mukha ng kaniyang mga kaklase.

"Pero hindi bilang tao, kundi bilang isang zombie."

***

"Tangina!" Mura ni Cody nang tuluyan na nga siyang ma-korner ng mga zombies sa building. Wala siyang ibang pagpipilian ngayon kundi ang pumasok sa isang silid para ikubli ang sarili mula sa mga halimaw. Pabagsak siyang naupo sa loob matapos niyang maharangan ang pinto.

Saglit pa siyang napapiksi nang makita ang nakadapang zombie sa sahig na pilit siyang inaabot pero hindi ito makawala dahil sa aparador na nakadagan sa katawan nito. Sunod niya na lamang namalayan ang nakakabinging paghampas ng mga zombies sa pinto. Kasunod ng mga marahang paghampas ng mga ito ay ang pagkabasag ng iilang blade ng jalousie dahil sa mga kamay na nagpupumilit siyang abutin.

Sa dami ng bilang nila sa labas ay kaagad na nabasag ang bawat blades ng bintana. Wala na nga pang nagawa ang binata kundi ang sapilitang tumayo saka lumapit sa kabilang bahagi ng classroom para tunguhin ang glass window.

Sandalu siyang sumilip sa ibaba para tantsahin kung gaano nga ba  kataas iyon. Nang makampante ay doon na nga siya  nagpasyang sumampa. Mahigpit siyang nakagawak sa window frame nang sagayon ay hindi dumulas ang namamasa niyang kamay. Matapos maibalanse  ang sarili ay saka pa siya nagdesisyong ihakbang nang buong ingat ang mga paa. Dahan-dahan siyang kumilos habang nakatingin pa rin nang diresto sa susunod na bintana.

Hindi pa man siya tuluyang nakakakalapit nang bigla na namang magpakita sa kalangitan ang mga choppers na mas dumoble na ang bilang kaysa kanina. Naging mitsa ang choppy sound na nagmumula sa propellers para magwala ang lahat ng mga zombies sa school.

Ilang sandali pa ang lumipas at bigla na lamang nagkaroon ng pagsabog ang loob ng campus nang halos sabay-sabay na nagsilusot ang mga zombies sa bintana ng bawat classroom. Tila naakit ito sa tunog kaya halos hindi magkamayaw ang mga halimaw sa pagtakbo papunta sa gitna ng quadrangle.

Kitang-kita ni Cody kung paano nahulog sa ibaba ang mga zombies na lumusot sa kaniyang gawing gilid at may iilan ding pilit siyang inaabot na mabilis niya rin namang naaagapan.

Nang masigurong ligtas na para tumawid ay nagpatuloy siya muli sa paghakbang. Maingat ngunit mabilis siyang kumilos at hindi na halos inalintana pa ang panganib sa kaniyang ginagawa. Huminto muna saglit si Cody bago sumilip sa loob ng panibagong classroom. Inobserbahan niyang maigi ang silid upang siguraduhin kung ligtas ba itong pasukan. Nang makuntento ay maingat niyang itinulak pagilid ang glass window saka swabeng lumapag sa loob. Kaagad siyang nagpagpag at pinahid ang kamay sa suot niyang uniporme.

Mabibigat ang kaniyang paghinga at sunod-sunod ding dumaloy paibaba ng kaniyang sentido ang mga butil ng pawis na siyang bunga ng matinding pagod at labis na pangamba. Sa halip na maghila ng upuan para doon umupo, mas pinili ni Cody na sa sahig na magpahinga. Itinukod niya ang dalawang kamay sa sahig bago nakapikit na tumingala. Ramdam niya ang mabibigat at mabilis na pintig ng kaniyang puso, at kung pipiliin niya pang lumakad ulit nang hindi nagpapahinga ay hindi malabong mahihimatay talaga siya. Ilang araw na siyang walang matinong kain kaya aminado siyang hindi na siya kasinlakas at sigla gaya no'ng dati.

"Lintik na buhay 'to." Wala sa wisyo niyang naisambit nang hindi pa rin idinidilat ang mata. Kahit naigawa niya man ang sarili na maikubli ay hindi niya maiwasang mabahala lalo na at may parte sa kaniya sa lagay ng kaibigang si Yohan. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-alala lalo na at kaharap nito si Chloe, idagdag pa ang kasalukuyang estado ng binata na mahahalatang hindi na makalaban.

"Sana ayos lang siya." Wala sa wisyo niyang naisambit at doon na nagdilat ng mata. Saglit niyang inihilamos ang kaniyang kamay sa mukha at muli na namang nagpunas ng pawis. Dulot ng kaniyang pagkaabala sa kasalukuyang itsura ay hindi sinasadyang nagawi ang kaniyang tingin sa loob ng kaniyang blouse. Doon niya lang naalala na ipinasok niya pala ang kwadernong bigay ni Yohan dito sa loob nang sagayon ay hindi siya mahirapang kumilos at para na rin hindi niya ito maiwala.

Dulot ng matinding kuryosidad ay muli niya itong kinuha. Tinitigan niya nang maigi ang notebook lalo na at mukha itong pamilyar. Hindi niya nga lang matukoy iyon kaagad lalo na at walang pangalang nakalagay. Natukso siyang buksan iyon at sinimulang ilipat ang bawat pahina, sa pagtitig niya sa sulat kamay nito ay doon na siya unti-unting nagkakaroon ng ideya kung kanino nga iyon.

"Kay Mills ba 'to?" Kunot-noo niyang tanong at muli na namang nilipat ang pahina. Saktong paglipat niya ay doon bumungad sa kaniya ang personal nitong mga sinusulat dahilan kung bakit nakumpirma niya ang hinala.

"Kay Mills nga," umiiling niyang sambit matapos matignan ang mga kalokohang sinulat nito. "Walang ibang tao maliban kay Corbin ang mag-tatry na asarin si Yohan nang ganito katindi kundi siya lang."

Sandali niya pa iyong binasa-basa hanggang sa dumapo ang atensyon niya sa gawing likod kung saan muli niyang nakita ang SD card na nakaipit sa cover ng notebook.

"Ano bang meron sa'yo?" Mahina niyang tanong nang hindi man lang inaalis ang tingin sa bagay. "Bakit umabot pa sa away sila Yohan at Chloe para lang sa isang SD card?"

Kahit makailang ulit niya mang tanungin ang sarili patungkol dito ngunit wala siyang nakuhang sagot. Dahil aminado siya sa sarili niya na may mga bagay siyang hindi alam. Mga kaganapang tanging si Chloe o si Yohan lang ang siyang makukuhanan niya ng sagot.

Pinasadahan niya pa iyon ng tingin hanggang sa may nagtulak sa kaniya na tanggalin ang tape ng cover. Sinimulan niyang ikiniskis nang dahan-dagan ang kaniyang kuko hanggang sa tuluyan niyang nahawakan ang gawing dulo no'n. Mas lalo lamang niyang ginusto na tanggalin iyon lalo na nang masimulan niya na ring maalis ang iba pang tape. Ilang minuto pa ang kaniyang inilaan para lang tanggalin ang SD card hanggang sa wakaa ay tuluyan niya na nga itong naialis.

"Wala naman sigurong masama kung sisilipin ko 'to." Pasya niya at doon na dinukot ang cellphone mula sa kaniyang bulsa. Akmang ilalagay na niya sac card slot ang SD card ngunit nahinto lamang iyon nang may marinig siyang mga kalabog sa labas.

Agad siyang napaangat ng tingin dulot ng pagtataka at pagkaalarma. Sa tinagal-tagal niyang pakikipagsalamuha sa mga halimaw ay natutukoy niya na ang mga galaw nito. Miski ang paraan ng pambubulabog ng mga kamay nito y alam niya na rin, kaya may parte sa kaniya ang naguluhan lalo na at iba ang kaniyang narinig. Tila ba may ritmo ang mga naririnig niya at hindi rin nakatakas sa tainga niya ang sunod-sunod na paghampas, kung hindi man sa pader tumama, sigurado naman siyang katawan ang pinupuntirya no'n.

Base sa kaniyang mga naobserba ay muli niyang binalik ang SD card sa notebook at isiniksik nang mabuti ang kaniyang cellphone sa bulsa. Daglian siyang tumayo para silipin ang labas gayong may parte sa kaniya na nag-iisip na hindi lang siya ang nasa bahaging ito ng gusali.

Hindi na nga siya nag-antay pa nang matagal bagkus ay nilapitan niya na kaagad ang pinto. Akmang pipihitin na niya sana ang doorknob pero hindi na iyon natuloy pa nang biglaan naman iyong bumukas. Halos masira ang pinto nang sipain iyon ng kung sino sa labas at kung hindi lang siya napaatras ay baka tumama ang pinto diretso sa mukha niya.

Sumalubong sa binata ang isang dalaga na may hawak na dartpin. Nakatutok ito diretso sa noo niya dahilan kung bakit wala sa wisyo niyang naiangat ang dalawang kamay senyales na hindi siya lalaban.

"Who are you?" Blangko nitong tanong sa kaniya, hindi siya kaagad nakasagot dahil sa nararamdamang matinding pagkaintimida sa awrang pinapakita nito.

"Gosh, Kimber. Papaano 'yan sasagot eh tinatakot mo? Ibaba mo na nga 'yang pin." Nang hindi pa rin nagpatinag ang dalaga ay ang kasama na nito ang siyang nagkusang ibaba ang kamay ng kaibigan.

"Nakailang ikot na tayo pero wala pa rin. Siguro hindi sila rito pumunta, subukan na lang natin iyong ibang building sa labas." Suhestiyon ng isang lalaki na siyang nakaagaw ng pansin ni Cody. Tinitigan niya itong maigi na parang inaalam kung nagkita na ba sila ng kaharap o hindi? Masyado itong pamilyar sa kaniya pero hindi niya lang magawang matandaan kung saan nga ba niya ito nakita.

"Ay sayang, akala ko  straight. Pogi pa naman sana." Nabalik lamang siya sa realidad nang marinig niya ang boses ng kasama nitong babae. Wala sa wisyong napaiwas ng tingin si Cody dahil hindi niya na namalayan na napatitig na pala siya sa kaharap. Patay-malisya na lamang siyang tumikhim bago umayos ng tayo.

"Pasensya ka na, brad. Pero hindi ako pumapatol sa lalaki, ayaw kong makipag-fencing sa'yo. Ang sagwa no'n." Diretsang tugon ng lalaki dahilan kung bakit halos mahiya siya sa harapan nito. Hindi na rin siya nag-abala pang makipag-argumento dahil kahit napunta sila sa sitwasyong ito, senior niya pa rin ang tatlong nandito.

"Wala ka bang planong sagutin iyong tanong ko?" Usal ni Kimber dahilan kung bakit kaagad na yumuko si Cody senyales na humihingi siya ng pasensiya.

"Ako po si Cody Por—"

"Cody sa umaga. Courtney sa gabi?" Kaagad namang nilingon ni Kimber ang kasamang dalaga bago ito sinamaan ng tingin.

"Kanina pa ako namumuro sa bibig mo. Baka gusto mong tahiin ko 'yan gamit ng dartpin, Dillon?" Mapanghamon nitong turan dahilan kung bakit itinaas ng kasama ang dalawa nitong kamay senyales na hindi na ito papatol pa.

"Mag-isa ka lang ba?" Dagdag ni Kimber saka niya sinenyasan si Cody na lumabas na sa classroom para sumabay ito sa kanila paalis ng building.

"Hindi po, nagkahiwalay lang po kami ng kasama ko." Magalang  niyang sagot saka nag-umpisang maglakad.

Nang hindi na nagtanong ang dalaga ay hindi na rin siya umimik. Mag-aantay na lamang siya ng tamang oras para makapagpaalam sa tatlo dahil kinakailangan niya na ring makabalik kina Wren. O hindi kaya ay muling balikan ang gusali kung saan niya iniwan si Yohan.

"Ito na lang ang nag-iisang building na pwede nilang puntahan kung pinaplano nilang dumaan sa second gate. But how come they aren't here?" Nagtatakang saad ni Kimber habang tutok pa rin ang mata sa daan. 

"Baka nakaalis na sila sa campus?" Segunda ni Dillon pero inilingan siya ng binata. "Imposible iyon dahil nakalock pa rin iyong gate. Doon nga tayo galing diba?" Kontra nito saka nilingon ang pwesto ng dalaga na kasabayan lang ni Cody sa paglalakad.

"Like hello, ilang araw na iyong lumipas at hindi tayo sure kung nandito pa rin ba sila," pangangatwiran ng dalaga. "If I were them, of course una ko talagang plano ay lumabas dito sa campus."

"Yes, the appropriate thing to do is to leave this place. I don't see any problem regarding on that," gatong ni Kimber nang hindi nililingon ang kaibigan. "But on this matter, it is quite hard for them to cross the line because of those zombies. Inabot tayo ng ilang araw para lang makaabot dito dahil miski shortcuts hindi rin madaling daanan. What more on their side? They are still kids, Dillon."

Deklara ng dalaga na siyang hindi na kinontra pa ng kasama.

Patuloy na nakikinig ang binata sa pinag-uusapan ng tatlo at sapat na rin ang mga narinig niya para makumpirma na ang seniors na kasama niya ngayon, ay ang parehong grupo na siyang pumatay sa napakaraming zombies sa building nila kani-kanina.

"Bading ka ba?" Kaagad niyang nilingon si Dillon na nakangiting nakatingin sa kaniya. Halos ilang mura ang pinakawalan niya sa kaniyang isipan dahil sa kahihiyang nararamdaman niya ngayon. Akmang sasagot na siya pero pinangunahan siya ulit nito.

"Okay lang naman kung hindi mo pa kayang aminin. You know what? At your age, marami pa rin ang nalilito kung ano ba talaga sila. But just take your time, pero kung feel mo talaga na babae ka. Don't hesitate na lapitan ako, okay?"

Lumapit ito sa kaniya saka bahagyang tumingkayad upang bumulong nang diretso sa kaniyang tainga.

"I will transform you into Sleeping Cody." Sambit nito dahilan kung bakit halos hindi maipinta ang mukha matapos itong marinig. Wala na siyang nagawa pa kundi ang marahang iniwas ang mata. Pakiramdam ni Cody ay hindi na niya nakakaya pang pakinggan ang pinagsasabi katabi.

"Cody," biglaang tawag ni Kimber at doon  siya nilingon. "Alam mo ba kung saan pupunta iyong kasama mo?" Tanong nito at sinuklian niya lang ito ng isang simpleng tango.

"Isasabay na kita at ng kabigan mo sa'min para mailabas kayo rito," muli nitong sambit. "May kinakailangan lang din kaming hanapin bago tayo umuwi. But rest assured that we are going to take you and your friend out of here safe and sound." Bilin pa ng dalaga na tila ba sinasabi nito na magtiwala si Cody sa kaniya. Sandaling  napaisip ang binata kung sino ang mga hinahanap ng tatlo kaya hindi niya rin maiwasan ang magtanong para mang-usisa.

"Under ba ni Ms. Garcia iyong hinahanap niyo?"

Matapos niya iyong itanong ay agarang lumingon sa kaniya ang lalaki bago siya diretsong tinanguan.

"Parehong under ni Ms. Blaire Garcia ang kapatid ko, at ang kapatid niya," turo nito kay Kimber. "Galing na kami sa Aries kanina para sana tignan kung nandoon pa sila pero wala na kaming naabutan doon."

Sa isinagot ng lalaki ay doon lang nabigyan nang linaw ang mga tanong ni Cody nang tuluyan niya na nang narinig ang sinagot ng kasama. Ngayon niya lang din naalala kung sino ang lalaki na kausap niya ngayon.

"Ikaw iyong Kuya ni Mills?" Agaran niyang tanong dahilan kung bakit pati ang kausap ay bahagya ring nagulat.

"Kaibigan ko siya, at nasa SEDP building sila ngayon kasama iyong iba pa naming kaklase." Doon lang nagkaroon ng buhay ang mukha ni First nang banggitin iyon ni Cody. Tila ba nagkakaroon na siya ng matinding pag-asa na makita ang kapatid na matagal-tagal niya na ring hinahanap.

"If that's the case then what are you doing here? Hindi na sana kayo lumabas pa ng kasama mo para hindi kayo mahiwalay sa grupo." Pangangaral ni Dillon kaya nilingon siya ni Cody.

"May kinailangan  lang kaming kunin sa room kaya kami bumalik. Kaso nagkaroon ng problema kaya wala kaming choice kundi maghiwalay muna."

"May kalayuan iyong SEDP building mula rito pero 'di bale na. Ang importante alam na natin kung nasaan sila," saad ni First saka sila nito sinenyasan na kumilos. "Pero bago iyon, kailangan muna nating hanapin ang kasama mo."

Tumuloy ulit sila sa paglalakad hanggang sa nakapasok ulit sila sa panibagong pathway. Tirik na tirik na ang araw at mabuti na lamang at hindi direktang tumatama ang init nito sa kanilang balat dahil sa roof . Ilang saglit pa nilang nilaan ang ilang minuto sa paglalakad hanggang sa  bigla na lamang napahinto si Kimber at doon ito sumenyas ng 'tigil' dahilan kung bakit sabay-sabay silang nagsihinto.

Tila pinapakiramdaman ng dalaga ang paligid at nang akmang magtatanong na si Dillon ay bigla na lamang na nagsilitawan ang panibagong horde ng zombies na nagmumula sa quadrangle.

"Damn not again! Bakit ba napapansin nila tayo kaagad!?" Iritadong usal ni Dillon bago nito hinanda ang kaniyang pin sa kamay.

"That question also hunt me for God knows how many times but I think I finally figured out the reason for it," mahinang tugon ni Kimber sa kaniya bago nagsimulang magpakawala ng mga atake patungo sa pwesto ng mga zombies  na mabilis silang nahahabol. "They can smell us, the more na maraming tao ang nagsasabay, the more na mas lumalakas iyong amoy na nagmumula sa atin kaya nila tayo  nahahanap kaagad."

Akmang liliko na sana sila ulit sa panibagong pathway pero hindi na nila iyon itinuloy pa lalo na at puro horde lang iyong sumasalubong. Kung saan-saan pa sila lumiliko para lan makahanap ng alternatibong daanan ngunit pare-pareho lang din ang sumasalubong.

"It's no use. We have to hide!" Sigaw ni Kimber saka hinila palapit sa kaniya si Dillon para iiwas ito sa isang zombie na kamuntik itomg masakmal. Kaagad niyang binunot mula sa kaniyang quiver ang panibagong pin bago niya iyon pwersahang tinusok sa sentido ng halimaw.

"Akyat!" Bago pa man sila maipit sa labas ay nakakilos na si First upang tignan kung ligtas ba ang napili nilang building na pasukan. Akmang susunod na si  Cody pero aksidenteng dumulas sa kaniyang kamay ang  notebook na pinahawak sa kaniya ni Yohan.

"Shit!" Taranta niyang binalikan ang kwaderno at nang akmang pupulutin na niya iyon pero kaagad namang may dumamba sa kaniyang likuran dahilan kung bakit sumubsob siya sa damuhan.

"Cody!" Dinig na dinig niya ang nag-aalalang sigaw ni First pero hindi niya  magawang makalingon dahil sa zombie na nakadagan na ngayon sa kaniya.

Pilit na nilalapit ng halimaw ang kaniyang bibig sa leeg ni Cody pero mabilie niya naman itong natutulak palayo. Ilang saglit pa silang nagsukatan ng lakas hanggang sa mahagip ng kaniyang kamay ang isang bato sa gawing gilid  kaya pinulot niya iyon kaagad.  Sandali siyang humugot ng lakas bago nagpasyang ihampas nang buong lakas ang bato sa noo nito. Makailang beses niya iyong pinukpok hanggang sa hindi na nga iyon  nakapalag pa. Bumagsak ang katawan ng halimaw diretso sa katawan ng binata na siyang itinulak niya rin kaagad.

Daglian siyang bumangon at doon  ginapang ang kinaroroonan ng notebook. Mabilis niya itong pinulot saka agarang tumayo para sumunod sa kaniyang seniors. Pero tila hindi pumabor ang tadhana sa kaniya dahil ang hagdan na inakyatan nila First kanina ay may bumababa na rin na zombies at hindi na niya alam kung nasaan ang tatlo. Tuluyan na nga siyang nahiwalay kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang kumilos para sa sarili.

Tinakbo ng binata ang grill door na nasa tabi lang ng hagdan. Taranta niya itong binuksan saka nagmadaling pumasok sa loob. Mabuti na lamang at nang maisara niya na iyon ay doon pa nagsimulang magsilapit ang mga zombies sa bakal na pinto.

Sa liit ng pwesto rito sa loob ay halos magpigil siya ng hininga para lang pigilan ang panginginig ng kaniyang katawan dahil sa takot. Halos hindi na rin siya kumukurap para lang bantayan ang zombies na pilit pinagkakasya ang sarili sa rehas ng pinto. Nakayuko siyang sumandal sa sementong pader habang pinapanood ang mga halimaw na nagpupumulit siyang abutin.

"Tangina." Mas lalo lang siyang  nataranta nang halos mapuno na ng mga halimaw ang gawing na siyang naging rason kung bakit paunti-unti rin siyang kinakapos ng hangin. Nahihirapan siyang makasagap lalo na at walang hangin na nakakalusot, idagdag pa ang mabilis na pintig ng puso niya na siyang mas lalong dumagdag sa paghihirap niya. 

Hindi siya makapag-isip nang matino at mas lalong wala na siyang planong naiisip dahil sa sitwasyon niya. Isang napakaliit na pwesto lang ang pinagtataguan niya at ang nag-iisang labasan ay ang grill door. Ngunit papaano siya makakalabas gayong puno ng mga halimaw sa labas? At kahit pa magbalak siyang itulak ito, hindi niya rin magawa lalo na at paniguradong ilang kalmot din ang aabutin niya para mabuksan ito.

Sa gitna ng kaniyang pagtingin sa kawalan ay may biglaang milagrong nangyari. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang na nagsihawi ang mga halimaw. Tila ba may isang taong dumating para daluhan siya sa pagkakataong ito.

Hindi siya nakapagsalita at patuloy lang na pinapanood ang nangyari.
Sunod niya na lang nakita ang pares ng paa na nakatayo sa labas. Nag-antay muna siya saglit at binabalanse kung lalabas na ba siya o hindi. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay pwersahang bumukas ang pinto at doon niya nakita ang taong pinakahindi niya inaasahan na darating.

"Nagkita tayo ulit." 

"Q-quincy?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top