Chapter 23: Abante

Saktong pagsikat ng araw ay ang siyang pag-apak nila First sa Junior Building. Bakas na ang pagod sa mukha nilang tatlo dulot ng walang tulugan nilang pakikipagsapalaran  sa labas para lang makarating kaagad dito. Panibagong pasilyo na ang binaybay nila ngayon at ilang liko na lamang ang aabutin bago sila tuluyang makarating sa room ng Aries.

"T-tigil muna tayo. F-feel ko malapit na akong m-matsugi," untag ni Dillon saka lumingkis sa tubo ng corridor. Halos ibaon niya na rin ang mukha sa kaniyang mga braso dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hangin dulot ng walang humpay na pagtakbo.
"We spent almost e-eleven hours running and fighting those d-dumbasses. A-at nandito na rin naman tayo kaya baka pwedeng huminto muna tayo k-kahit saglit." Pakiusap niya pa bago nilagay ang kamay sa kaniyang likod at doon hirap na hirap na nag-unat.

"Ano, bilhan na ba kita ng lola remedios?" Singit ni Kimber. Prente lamang itong nakasandal sa pader habang abala ang kamay sa  pag-aayos ng mga hawak niyang dartpins. Halos maligo na ang dalaga sa pawis at kapansin-pansin din ang maitim na parte sa ibaba ng kaniyang mata bunga ng pagod at  pagpupuyat. Ngunit sa halip na maghabol ng hininga tulad ni Dillon, ay nanatili pa rin ang kalmadong itsura ng dalaga na tila ba hindi natinag ang katawan nito sa kabila ng lahat ng nangyari.

"You k-know what? You're so mean talaga." Naiinis na sikmat ng kaibigan ngunit hindi man lang naapektuhan ang kausap.

Ilang segundo pa ang lumipas at tanging mga mabibigat lamang nilang paghinga ang siyang maririnig. Nahinto lamang ang katahimikang namutawi sa kanilang tatlo nang may biglaang nakaagaw ng kanilang pansin. Sabay-sabay silang napatingala sa langit nang biglaang umalingawngaw ang tunog ng helicopters na siyang tuloy-tuloy ang lipad patungo sa mismong siyudad.

"I think, they are now planning to start a war." Wala sa wisyong naibanggit ni Kimber habang tinitignan ang papalayong pigura ng mga choppers. Kaagad namang namilog ang mata ni Dillon saka tarantang napalingon sa gawi niya.

"Did you just said a freaking w—"

"Yes, this is the very first time na may dumaang apache helicopter sa lugar natin. Aware nama yata kayo kung para saan ang chopper na iyon di'ba? If my hunch is right, they are now trying to figure out the whole perimeter para alam nila kung papaano sila kikilos." Paliwanag ng kaibigan at doon muling inayos ang hawak niyang dartpins. 

"War agad? Hindi ba pwedeng tinitignan lang nila kung may survivors ba sa school kaya mababa iyong lipad nila?" Kontra ng kaibigan dahilan kung bakit umiling si Kimber.

"The way how those creatures react on the field. I am  sure na hindi na iyon mga tao  sa mata ng mga sundalong nakasakay doon."

"Kung pinaplano na nga nilang magsimula ng giyera para patayin ang mga zombies. Hindi malabong isipin na maiipit tayo rito." Singit ni First nang hindi inaalis ang tingin sa malawak na quadrangle.

"That's why we have to move fast, kailangang mahanap natin sila kaagad." Gatong ni Kimber at doon na siya sumenyas kay Dillon. Labag sa loob ng kaibigan ang tumayo at sumunod dahil hindi pa nga ito tuluyang nakakabawi. Sandali pa siyang binigyan ng nagbabantang tingin ng dalaga kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang kumilos ayon sa gusto nito.

Bagot na bagot siyang umayos ng tayo saka muling dumukot ng pins sa quiver niya at minadali iyong inipit sa kaniyang daliri. Akmang lalakad na sana sila nang bigla namang magsilitawan sa kabilang dulo ng pasilyo ang panibagong horde ng zombies. Halatang galing pa ito sa ibang parte ng eskwelahan at tila sinundan nito ang tunog ng helicopters kaya napunta ang mga ito rito.

"Oh shit. Not again." Naiusal ni Dillon bago dahan-dahang umatras. Kitang-kita niya kung paano nagsiwala ang mga zombies nang tuluyan na nga nilang maagaw ang atensyon ng mga iyon.

"Takbo!" Sigaw ni First saka tinulak paharap ang dalawa na kaagad namang kumilos. Hindi na ito ang unang beses na  may humabol sa kanila na horde, pero ang pangambang nararamdaman nila ay hindi nababawasan na para bang hindi pa ito nasanay. Unti-unting lumulukob sa kanilang sarili ang takot na tila isang bangungot na ayaw kang pakalmahin.

Kung saan-saang pasilyo ulit sila pumapasok para lang lituhin ang mga zombies na hindi nakakaramdam ng pagod sa paghabol. Ang malalakas nilang yabag ang siyang dahilan kung bakit mas nakakaagaw sila ng pansin kaya mas lalong nadadagdagan ang mga halimaw na humahabol ngayon sa kanila.

"H-hindi na nakakatuwa 'to, Kimber," komento ni Dillon saka nilingon ang likuran nila. Kahit saang pasilyo o koridor man sila lumusot, hindi pa rin nababawasan ang mga zombie sa likod nila. "Do you have any plans in mind?" Dagdag niya at doon nilingon ang kaibigan na patuloy pa rin sa pagdukot ng mga dartpins.

Marahan  pinadausdos ni Kimber sa sahig ang sapatos niya saka mabilis na lumingon sa likod. Doon sunod-sunod na itinira ng dalaga ang hawak niyang pins na tumama naman lahat sa katawan ng mga zombies. Aminado siyang hindi siya sanay na gamitin ang pins laban sa tao kaya bahagya siyang nangangapa kung paano iyon patamaan nang maayos.

"We have to take them down! Brace yourselves!" Utos niya sa dalawa na halatang nag-aalinlangan din sa plano niya. Kung hindi niya pa ito nilingon ay baka hindi rin sila kikilos.

Hindi naging madali ang pag-ubos nila sa mga infected lalo na't mahirap iyon patayin. Pero sa paulit-ulit nilang pagpapakawala ng mga tira ay unti-unti rin iyong nauubos.

"This is our chance to escape! Let's go!" Akmang titira pa ulit si Dillon pero nang awatin na siya ni Kimber ay kusa na lang siyang sumunod. Kaunti na lamang ang bilang ng mga humahabol sa kanila at hangga't hindi ito dumarami, ay hindi sila magkakaproblema. Nang saktong napasok sila ulit sa panibagong corridor ay kusa na lamang silang napahinto nang pader na ang sumalubong sa kanila sa dulo.

Kaagad na nilibot ni First ang kaniyang mata hanggang sa dumapo iyon sa mga classrooms na nakahilera sa kanilang gilid. Lumapit siya sa room na siyang pinakamalapit sa pwesto niya at doon niya iyon binalak na buksan. Makailang beses niya pang pinihit-pihit ang doorknob pero hindi niya talaga ito magawang mabuksan.

"Damn it, sa lahat ng pwedeng sumalubong sa'tin, bakit dead end pa? Punyeta 'yan. What are we supposed to do now? Are we going back?" Tanong ni Dillon kay Kimber pero hindi siya nito binalingan ng tingin bagkus ay sumunod lang ang dalaga kay First. 

"Ano bang ginagawa niyo?" Nagtataka niyang tanong bago nakiusyo. Nang wala pa rin siyang nakukuhang sagot ay hindi na lamang siya umimik pa bagkus ay itinuon niya na lang ang kaniyang atensyon sa nakabukas na jalousie. Pinahid niya muna ang namamasang kamay sa kaniyang palda bago hinawakan ang blade ng bintana. Kinalikot niya ang lock no'n hanggang sa tuluyan na nga niyang maialis. Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa  hanggang sa halos mangalahati na ang naalis niya. Iyon din ang naging rason kung bakit nagkaroon ng malaking siwang ang bintana at naging sapat na rin iyon para gawing lusutan.

Ngiting tagumpay itong tinignan ni Dillon at doon na siya humarap sa dalawa na ngayon ay patuloy pa ring namomroblema kung papaano sila makakapasok sa loob. Sinubukan niyang sumenyas nang paulit-ulit pero hindi man lang siya nito napansin. Wala na siyang nagawa pa kundi ang magkibit-balikat at inumpisahang isiksik ang sarili sa bintana upang makapasok. Sa liit ng katawan niya ay hindi siya nahirapan sa ginagawa at swabe lang din siyang nakababa.

Sandaling nilibot ni Dillon ang tingin sa loob at nagbakasakali na mayroon siyang mahanap na bakas. Ngunit tanging magulong gamit  lamang ang naabot ng kaniyang mata dahilan kung bakit siya napabuntong-hininga.

Hindi niya na lamang iyon inintindi pa bagkus ay tinungo niya na ang pinto saka niya iyon binuksan. Halatang nagulat sila Kimber sa biglaan niyang paglitaw at kamuntik pang humampas sa sahig si First nang nagbalak itong dambahin ang pinto para sana buksan iyon. Mabuti na lamang at nahila ni Kimber ang kwelyo nito kaya hindi siya tuluyang bumagsak.

"What are you guys up to? Bakit niyo gustong pumasok dito sa loob?" Sunod-sunod na tanong ni Dillon bago madaliang gumilid nang matisod si First sa upuan. Abala kasi ang mata ng binata sa paglilibot  kaya hindi nito napansin na may nakaharang pala. Sunod na lamang niyang naramdaman ang paglagapak ng sarili  sa sahig.

"Aray ko, tangina!"

Hindi rin maiwasan ni Dillon ang matawa nang dumikit sa pisnge ng binata ang pakete ng floorwax na puminta kaagad sa maputi nitong balat.

Asar na lamag na napamura ang kasama bago marahang inalis iyon sa mukha niya. Ilang sandali pa siyang nagpagpag hanggang sa nagpasya na siyang tumayo.

"Taga saan ka nga, First?" Biglaang tanong ni Kimber sa binata na halatang boryong-boryo sa nakikita.

"Sa Phase 4 ng San Juanico." Tipid niyang sagot saka nag-iwas ng tingin dahil sa hiya.

"Alam mo? Sa lahat ng taga Phase 4 na kilala ko. Ikaw lang iyong pinaka—"

"Gwapo?"

"Hindi, pinakatanga." Dugtong ng dalaga saka siya inismiran. Hindi rin nakalagpas sa pandinig ni First ang impit na tawa ni Dillon dahilan kung bakit mariin niya na lamang na naihilamos ang kamay sa mukha.

Sinundan niya na lamang ng tingin si Kimber na ngayon ay tuluyan nang nakalapit sa panibagong pinto rito sa loob. Mabilis na pinihit ng dalaga ang knob na kaagad naman ding nagbukas. Tumambad sa kanila ang tatlong baitang na hagdan at nabalik ulit sila sa quadrangle. Doon lang nila napagtanto na umikot lang pala sila ng takbo pero hindi na sila pa nag-alinlangan nang tanaw na tanaw na nila ang matagal na nilang sadya na building.

Hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa bagkus ay magkasabay silang bumaba saka nagmadaling tinahak ang daan patungo roon. May iilan din silang nakakasalubong na zombies pero hindi kasindami no'ng nakadaupang-palad nila kanina. Takbo, tira, hampas at iwas ang paulit-ulit na ginagawa ng tatlo hanggang sa tuluyan na nga silang napasok  sa hallway na siyang nagkokonekta sa gusaling sadya.

Saktong pagpasok nila sa corridor ay sumalubong sa kanila ang napakatahimik na atmospera. Nang magawi ang tingin nila sa classroom ay wala itong katao-tao. Naiwang nakabukas ang pinto at tanging mga gamit na lamang ang siyang natitira. Nang ilibot na nila ang tingin ay doon na tinubuan ng kaba si First at Kimber nang may makitang bahid ng dugo sa sahig. Kaagad na nagkatinginan ang dalawa at hindi maitatanggi ang kabang namumuo sa kanilang mata.

"You guys don't have to panic, okay? Because look, the blood is blackish red in color, at alam naman natin pareho na ang kulay ng dugo ng tao ay red. So you guys need to chill. Dahil sure ako na galing sa zombie ang dugong 'yan." Paliwanag ni Dillon matapos niyang titigan iyon. 

"If they managed to escape, then where are they right now?" Tanong ni Kimber pero niisa sa kanila ay walang nakasagot. Saktong paglapit ni First sa upuan ni Mills na nakaharang sa gawing gilid ay doon niya nakita ang gamit ng kapatid. Daglian niyang sinapupo ang bag nito at sandaling hinalungat ang loob. Nagbabakasakali siya na may sulat itong iniwan ngunit ganoon na lamang ang kaniyang pagkadismaya nang wala siyang makita. Muli niyang ibinalik sa upuan ang bag hanggang sa magawi ang kaniyang mata sa gawing ibaba ng armchair.  Nasa ilalim nito ang cellphone ni Mills na naka-taped sa isang radio controlled car. Pinulot iyon kaagad ni First saka niya iyon inumpisahang kalikutin.

"Damn, those kids," usal ni Kimber nang mapagtanto ang mga bagay-bagay. "They formed a concrete plan before they planned to leave this room."

"Pero saan natin hahanapin ang mga kapatid niyo? Ni hindi nga sila nag-iwan ng note rito sa loob para sabihin kung saan sila pupunta." Singit ni Dillon. Sinundan ng kaniyang mata si Kimber na lumapit sa bintana bago sumilip sa labas. Pinapasadahan ng tingin ng dalaga ang bawat bintana ng building na siyang maaabot ng kaniyang mata. Tila pinipilit  nitong hagilapin ang anino ng kapatid na mapa-hanggang ngayon ay wala siyang balita.

"Hindi madaling makalagpas sa mga hallways at corridors lalo na't napapaligiran iyon ng mga zombies. Kaya sigurado akong hindi pa sila nakakakayo." Banggit ni First bago sila nilingon.

"Does it mean na back to zero tayo sa paghahanap?" Hindi siguradong tanong ni Dillon at nang tumango ang kaibigan ay doon bumagsak ang balikat niya bago nagkamot ng ulo.

"Those fuckers are coming. We have to move. Let's go!"

***

Ilang araw na ang ginugol ni Quincy para lang hanapin si Yohan pero hindi niya pa rin ito magawang makita. Kung saan-saang building na siya napupunta ngunit bigo pa rin siyang makita ang sadya.

"Tangina," mura niya bago binalibag ang zombie na humarang sa daan niya. "May pagkadaga ka rin pala, Yohan. Sige lang, sulitin mo lang ang natitira mong mga oras sa pagtatago. Dahil sa oras na makita talaga kita, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patayin kang gago ka." Dugtong niya sa sarili saka muling tumuloy sa paglalakad.

Siga siyang naglakad sa mahabang pasilyo nang hindi inaalis sa harap ang nag-aalab niyang mata. Tuluyan na rin siyang nakapagbihis at hindi na ito kasindumi at kasingusot gaya no'ng suot niya bago pa man siya naging isang zombie. Ngunit sa kabila ng pagpupumulit niyang gawing disente ang itsura ay hindi pa rin maitatanggi ang katotohanan na isa na siyang halimaw.

Aminado siya sa pagbabagong meron ang sarili niya ngayon pero para sa kaniya, hindi ito makakasira sa pagkatao niya bagkus ay mas lalo pa itong makakatulong para makuha lahat ng gusto niya.

Saktong pagpasok niya sa isa na namang panibagong building ay ang siya namang pag-usbong ng isang nakakapang-akit na amoy. Amoy na sa sobrang pamilyar ay kaagad na siyang natakam.  Sinundan niya ang amoy na iyon hanggang sa dinala siya nito sa isang silid. Unang tingin pa lang ay hindi na siya naninabago lalo na at napakapamilyar nito  sa kaniya. Hindi  na nga siya nagpatumpik-tumpik pa at tinangkang tinulak  ang pinto.

Ilang beses niya pang sinubukang itulak iyon ngunit hindi siya  nagtagumpay lalo na at nakalocked iyon mula sa loob. Kaya wala na siyang iba pang nagawa kundi ang kumatok dito nang paulit-ulit.

"Buksan mo 'tong pinto." Utos niya saka muling kumatok at halos kalampagin na niya ito para lang pagbuksan siya ng kung sinuman sa loob. Nang hindi pa rin ito bumukas ay doon na niya binalak na tadyakan iyon. Saktong paghugot niya ng buwelo ay ang siya namang  pagpitik ng doorlock senyales na bukas na ito.

Hindi na nga nag-antay pa si Quincy bagkus ay siya na ang nagkusang buksan iyon. Tumambad sa harap ng binata ang isang Ginang na halos maligo na sa pawis. Halata ang pagkabalisa sa mukha nito na siyang hindi niya pinansin.

"Q-quincy?" Alanganin nitong tawag sa kaniya. Sandali siyang tinitigan ng kaharap hanggang sa nagpasya itong itaas ang kaliwang kamay para abutin ang pisnge niya.

"I-ikaw nga! Teka, mag-isa ka lang ba? Tsaka si Lyndon, nasaan siya? Kasama mo ba siya?"  Sunod-sunod nitong tanong pero hindi sumagot ang kausap.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa'kin?" Hirit na naman ng Ginang pero muli, hindi umimik si Quincy. Mula sa balisa nitong mukha ay kaagad iyong napalitan ng matinding pagka-irita saka ito diretsong tumitig sa binata.

"Don't tell me na pinabayaan mo na naman siya? How many times do I have to waste my voice on you just to remind you na hindi mo nga dapat siya pabaya—"

"Nagka-outbreak na nga at lahat lahat pero si Lyndon pa rin ang iniisip niyo, Tita? Ako iyong pamangkin mo oh." Pabalang na sagot ng binata bago nilampasan ang Ginang.

Bahagyang nalukot ang mukha ng kaniyang tiyahin  dahil sa pinakitang asal ng pamangkin. Puno nang inis siyang umismid saka niya ito sinundan ng tingin.

"Huwag mo'kong sagut-sagutin, Quincy. Matuto kang rumespeto sa'kin  dahil hindi por que naipit tayo sa sitwasyon na 'to ay may karapatan ka ng maging hambog. Baka nakakalimutan mong tiyahin mo pa rin ako and at the same time, principal mo ako. Kaya matuto kang lumugar dahil wala ka sa bahay niyo." Sita nito gamit ang nagbabantang boses  na siyang hindi man lang nakaapekto sa binata. Sa halip na masindak, ay ngumisi lamang ito bago lihim na napailing.

"Huwag mo nang hanapin si Lyndon dahil hindi na iyon babalik." Diretsang agot ni Quincy nang hindi man lang nililingon ang kausap. Kunot-noo naman siyang tinitigan ng Ginang at halata ang matinding pagkalito sa mukha.

"Papaanong 'di na iyon babalik? Naihatid mo ba siya sa kanila?" Muli nitong tanong dahilan kung bakit insultong tumawa si Quincy.

"Ako?" Turo ng binata sa sarili saka hinarap ang kausap. "Hahatid sa gagong iyon sa kanila? Putangina ka ba? Wala akong pakialam kung mamatay man siya o ano kamo sa labas dahil deserve niya naman iyon. Nakakalimutan mo na yata ang atraso nila kay mama, Tita?" Iritado  niyang sagot.

Hindi nakaimik kaagad ang principal dahil buong akala nito ay magkaibigan ang kaniyang pamangkin at ang anak ng major shareholder ng school niya. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa kaya ngayon ay nagtataka siya lalo na at taliwas sa kaniyang inaasahan ang naging reaksyon ng kaniyang pamangkin.

"K-kung ganoon ay nasa'n siya?"

Dumapo ang hindi makapaniwalang tingin ni Quincy sa principal matapos niyang marinig ang idinugtong nito.

"Putangina nga naman talaga oh. MATUTO KA NAMANG MAKINIG SA'KIN! Ano bang ginawa ng pamilyang iyon sa'yo para talikuran mo kami ni mama? Ilang milyon ba ang pinalunok nila sa'yo para magkaganiyan ka?" Naiinis niyang tugon. "Alam mo? Nakakagago lang talagang isipin na ako—na mismong kamag-anak mo— ang mas tinatrato mo pang ibang tao kaysa sa Lyndon na iyon." Asik niya pa pero sunod-sunod lamang na umiling ang kaniyang tiya bago nagsalita.

"Alam mong kinakailangan natin ang suporta ng pamilya ni Lyndon para lumaki ang eskwelahan natin. Ginagawa ko 'to para sa inyo ng ma—"

"Putangina eh sarili mo nga lang ang iniisip mo! Para kang linta kung makadikit sa mga taong alam mong mapapakinabangan mo at wala kang pakialam kung mismong pamilya mo pa ang tatalikuran mo para lang makuha 'yang putangina mong ambi—" hindi na nga nagawa pa ni Quincy na maituloy ang kaniyang sasabihin dahil bigla na lamang siyang nasampal nito. Ramdam niya ang mainit na palad ng kaniyang Tiya na dumapo diretso sa kaniyang pisnge. Sa kabila ng nangyari hindi man lang makikitaan ng gulat ang mukha ng binata waring hindi man lang ito naapektuhan. Tila walang binatbat ang pwersang dumapo sa balat niya dahil nga sa pagbabagong bumabalot ngayon sa katauhan niya.

"Pinalampas ko lahat ng kabalastugang pinaggagawa mo sa eskwelahan ko pero hindi sa pagkakataong 'to. Personal ko ng pagkatao ang nilait-lait mo, Quincy," panimula ng Ginang bago pilit na hinuhuli ang tingin ng pamangkin na ngayon ay nakayuko na. "Wala kang alam kung anong hirap at pagtitiis ang nilaan ko para lang maitayo itong pinapasukan mo ngayon."

"At mas lalong wala kang karapatan na pagsabihan ako nang ganiyan dahil unang-una, hindi ko kailangan ng kahit sino para pumuna sa mga bagay na ginagawa ko," huminto muna ito saglit upang punasan ang luhang pilit na kumakawala mula sa mata niya. Masakit para sa kaniya ang marinig ang mga salitang 'to pero hangga't maaari ay titiisin niyang lahat para sa ikabubuti ng tanging yaman na meron siya ngayon. "Pasalamat ka na nga lang at pumayag pa akong makapasok ka rito kaya kung ako sa'yo, manahimik ka na. Ayaw ko rin namang isipin ng ibang tao na pabaya akong Tita sa'yo."  Dagdag nito na siyang dahilan ng pagkuyom ni Quincy sa kaniyang kamao.

"Kung tutuusin ay hindi naman kami nagkakalayo ni Noemi ─ ang mama mo ─ pagdating sa diskarte, ang kaibahan nga lang ay  may naipundar ang pagkalinta ko hindi katulad niya na lumandi na nga lang sa maling tao pa." Matapos niyang idugtong iyon ay doon na napuno si Quincy. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang loob at ang muling pagsakop ng isang pamilyar na lakas sa kaniyang sistema.

"Salamat," tipid niyang sabi saka dahan-dahang iniangat ang kaniyang mukha. "Dahil binigyan mo'ko ng rason para patayin ka."

Bakas ang gulat sa mukha ng principal matapos niyang makita ang kabuuang itsura ng binata. Muling naging dominante sa balat ng kaharap ang mga nangingitim nitong ugat at ang mas nakakagulat pa ay ang magkabila nitong mata ay nagsisimula na ring mangitim.

"W-what the h-hell are you?" Nauutal na tanong ng kaniyang tiyahin saka dahan-dahang umatras papalayo sa pamangkin. "Kung pinagloloko mo lang din naman ako, pwede bang tumigil ka na?!" Dagdag niya pa. Hindi nakatakas sa pandinig ni Quincy kung papaano ito pumiyok waring labis na nahihintakutan sa itsura niya. Sa kabila ng pagkasindak ng Ginang, ay nagpupumilit pa rin itong umaktong malakas para ipakita ang otoridad na mayroon siya.

"Paano ba 'yan, hindi ako nagbibiro ngayon, Tita Nelissa?" Tila nananakot na sabi ni Quincy dahilan kung bakit halos mangatog na sa sindak ang kausap. "Matitiis ko lahat ng panlalait mo sa'kin pero kapag ang mama ko na ang pinuntirya mo, magpasensiyahan talaga tayo." Dagdag ng binata at doon unti-unting inihakbang ang paa palapit sa kaniyang tiya.

"Inuutusan kitang t─"

"Inuutusan? Bakit, sino ka ba sa inaakala mo para utusan ako?" Pabalang nitong singit dahilan kung bakit hindi na nga makaimik pa ang kaharap. "Ngayon mo pa ba talaga ako gagawing utusan? Sige nga, tignan mo ako."  Panghahamon niya at nang hindi pa rin nag-angat ng tingin si Nelissa ay doon na niya pwersahang hinawakan ang baba nito bago iyon marahang itinaas para sapilitang ipaharap sa kaniya.

"Ang sabi ko, tignan mo'ko," ulit ng binata at nang tuluyan na nga siyang tignan ng Ginang ay doon na ito nagsimulang manlaban dahil sa takot. "Wala akong pakialam kung principal pa kita dahil kung susumahin, mas lamang na ang otoridad at kapangyarihan na meron ako ngayon. At mas lalong wala akong pakialam kung tiyahin pa kita dahil mismong mama ko na ang pinagsalitaan mo." Bakas ang galit sa boses ng binata na siyang naging rason kung bakit halos mangiyak na sa kinatatayuan ang Ginang.

"A-ano bang kailangan mo, Quincy? P-pera? Gusto mo ba ng p-pera? M-marami akong tinago sa l—"

"Hindi mababayaran ng perang meron ka ang pagtalikod mo sa'min ni mama, Tita." Putol niya rito saka ito tinitigan gamit ang nanggigigil niyang mata.

"I-isang milyon. B-bibigyan kita ng isang milyon ngayon  na mismo b-basta pakawalan mo lang a-ako." Muli nitong hirit dahilan kung bakit mahinang natawa si Quincy.

"Anong akala mo sa'kin, bayaran? Hindi ko kailangan 'yang pinagyayabang mong  milyones." Pagtanggi niya bago tinulak sa pader ang principal na kaagad din namang sumalampak sa sahig. Nanginginig ang mga braso't binti nito at hindi na nag-abala pang iangat ang tingin sa kaniya.

"Tita," tawag niya rito at doon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang Ginang na tignan siya. "Marunong ka bang magdasal?" Mapanghamon niyang sabi bago unti-unting lumapit. Nakita niya pa kung paano ito natatarantang nag-sign of the cross dahilan kung bakit mas lalong umukit ang ngisi sa labi niya.

"Gusto mo bang makita kung gaano na kalaki ang inabot ng yaman mo para maitayo ang tore mo sa impyerno?" Kalmado niyang banggit. Bahagyang naguluhan ang kaniyang tiya sa sinabi niya at mas lalo lamang itong nanginig nang makitang nagdadasal din ang binata.

"A-anong ginagawa mo?" Nahihintakutan nitong sabi at doon lang idinilat ni Quincy ang kaniyang mata saka inalis ang pagkakadikit ng palad niya.

"What? I always pray before I eat." Bago pa man ito makasagot ay bigla na lamang binalot ng nakakabinging sigaw ang kwadradong silid matapos sunggaban ni Quincy ang kaharap. Kaagad lumandas sa kaniyang leeg ang napakapreskong dugo ng kaniyang pangalawang biktima na halos bumalot na sa puti niyang uniporme. Hindi kababakasan ng pandidiri ang mukha ng binata bagkus ay napuno lamang ito ng matinding galit, puot at pagnanasa.

Nang tuluyan na nga siyang makuntento ay doon niya lang nilayo ang bibig. Punong-puno iyon ng dugo saka niya binigyan ng oras ang sarili na sulitin at lasapin ang bawat patak ng dugo at punan ang gutom na namumuo sa kaniyang sikmura. Nang matapos siya ay doon niya  lang marahang pinunasan ang bibig bago dinura ang natitirang karne sa bunganga niya.

"Wala pang taong tumarantado sa'kin na binuhay ko," huli nitong sabi bago umalis sa loob ng opisina. Muli na naman siyang nabalik sa magulong hallway bago pinatunog ang buto niya sa daliri. "Paano ba 'yan, isa - isa nang nagsihimlay ang mga putanginang taong may matinding atraso sa'kin. At kunti na lang kayong natitira."

"Oras na para isunod kita, Yohan. Yohan Vergara."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top