Chapter 22: Agam-agam

Saktong pagsikat ng araw ang siyang pagbangon ni Willow mula sa kaniyang pagkakahiga sa sahig. Kaagad niya ring nilibot ang tingin niya upang tignan nang isa-isa ang mga kasama. Tulog pa halos ang mga ito lalo na si Mills na siyang katabi niya na nahihimbing pa rin sa pag-idlip. Lihim siyang napangiti bago inayos ang pagkakatalukbong ng coat nito saka maingat na umalis upang hindi niya ito maistorbo.

Tatlong araw na ang nakalipas magmula noong humiwalay nang landas sa kanila si Shilloh at hindi na nga nila ito muling nakita pa. Walang nakakaalam kung ano na nga ba ang estado nito ngayon o kung nasaan na nga ba ang naturang kaklase.

Saglit na naikuyom ni Willow ang kaniyang kamay nang muli niyang maalala ang mga senaryong naganap sa kanila noong nakaraang gabi kung saan nila napaamin si Shilloh. Mapa-hanggang ngayon ay binabalikan pa rin siya ng bangungot ng kahapon na tila habambuhay ng tatatak sa mura niyang isipan.

Akmang tatayo na sana siya para isuot ang coat niyang nakasampay sa mesa pero  nahinto lamang siya nang mahagilap ng kaniyang si Wren. Nakatayo sa gawing bintana ang dalaga habang diretso itong nakatingin sa labas. Kung titignang maigi ay mahahalata kaagad na may malalim itong iniisip.

Saglit munang kinuha ni Willow ang kaniyang coat bago nagpasyang maglakad palapit sa pwesto ng kaklase. Hindi siya nito binalingan ng tingin at hindi rin ito nag-abalang batiin siya. Saglit pang nagtalo ang isip niya kung kakausapin niya ba ito o hindi lalo na at may parte sa kaniya na ayaw niya rin itong istorbohin. Akmang tatalikod na sana siya pero bigla na lamang itong nagsalita dahilan kung bakit napaayos siya ng tayo.

"What do you want?" Salubong ng kaklase sa kaniya gamit ang puro nitong boses.  Hindi pa rin nagbago ang malamig nitong pakikitungo sa kanila na siyang hindi naman niya ikinabahala. Sanay na si Willow sa ugali ng kaklase lalo na at halos araw-araw naman itong ganito umasta.

"I just want to say th─"

"How many times do I have to repeat myself on you?" Putol nito dahilan kung bakit napahinto siya sa pagsasalita. "Hindi mo na nga kailangang mag thank you sakin nang paulit-ulit." Dagdag ng dalaga saka inayos ang pagkakalagay ng headphone sa leeg niya.

"Pasensya ka na talaga kung nakukulitan ka na sa'kin, Wren ha. It's just that, I really appreciate all of your efforts para lang maisalba kami. Ang dami mo na ngang naitulong sa grupo at kung hindi dahil sa iyo, baka wala na rin kami." Panimula ni Willow pero muli, hindi na naman ito umimik.

Pansamantalang pinaglaruan ng dalaga ang kaniyang daliri para tantsahin ang sarili kung itutuloy niya pa ba ang namumuong tanong sa kaniyang isipin o hindi. Ngunit nang hindi na nga siya nakatiis pa ay sandali pa siyang tumikhim bago isinawika ang kaniyang nais.

"If you don't mind, can I ask you something?" Untag niya. Hindi man siya nito sinagot, pero alam  niyang nakikinig ito sa kaniya.

"No'ng nasa Aries pa tayo, di'ba sinabi mo sa amin no'n na hindi mo kami tutulungan? Nagbago na ba ang isip mo kaya ti—"
 
"Hindi ko naman talaga kayo tinutulungan." Diretsang  hayag ni Wren dahilan kung bakit napahinto sa pagsasalita si Willow. Saglit siyang natahimik at pilit na inaalisa ang mga binitawan nitong salita. Nalilito siya minsan sa mga kilos nito at wala rin siyang kahit anong ideya kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng kaklase. Pero kahit ganoon, sapat na sa kaniya ang mga pasimple nitong pagtulong para sa ikabubuti ng grupo nila.  

"I am not doing this for the sake of this group. Ginagawa ko lang 'to para ilayo kayo sa mga posibleng mangyari." Paliwanag nito na siyang naging rason kung bakit mabilis na naagaw ni Wren ang atensyon ni Willow.

Sandaling inalis ng dalaga ang kaniyang tingin sa gawing bintana bago diretsong hinarap ang kaklase.

"Do you still remember what I've said last time?" pag-iiba ni Wren. "I've told you, didn't I? That this is not just a mere outbreak. Marami pang mangyayari, Willow. Marami pa." Pagpapatuloy nito saka tumitig nang diretso sa mata ng kausap. 

Hindi alam ni Willow kung anoba ang tinutukoy nito. Nakakaramdam siya nang matinding kalituhan lalo na at base lamang sa inaasal nito, hindi malabong isipin na may alam si Wren. Wala sa wisyo siyang napalunok bago sumagot.

"A-ano bang sinasabi mo, Wren? Hindi kita maintindihan." Nag-aalinlangan niyang tugon.

"This is just a tiny part of the real event, Willow. I tell you, this is not just about the apocalypse ; and we are still in the midst of building the climax." Sa sinagot ng dalaga ay doon nabato si Willow sw kaniyang kinatatayuan. Hindi siya sigurado kung ano ba ang kaniyang mararamdaman ngayon, dapat ba siyang kabahan lalo na at ang nararanasan nila ay malayo pa sa katotohanan? O hindi kaya ay matakot lalo na at wala siyang kahit anong ideya sa mga posible pang mangyari?

"There are things that are supposed to be keep for good. Pero may mga tao rin na hindi nakakatulog hangga't hindi nauungkat ang mga sekretong iyon," pagkwento nito na siyang dahilan kung bakit palihim na naikuyom ng dalaga ang kaniyang kamay bago nag-iwas ng tingin. "Those truths that was covered with enormous lies and waiting to be exploited."

"Ano bang mga sekreto 'yang tinutukoy mo ha, Wren?" Lakas-loob na tanong ni Willow. "Are you referring about this mess?" Hindi kaagad nakasagot ang kausap bagkus ay muli itong tumalikod at humarap sa bintana.

"Higit pa sa sinabi mo." Diretso nitong sagot ng kausap.

"A-ano?" Magkahalong gulat at pagtatakang tanong ni Willow ngunit muli ay wala na naman siyang paliwanag na nakuha sa kausap.

"Gusto mo  bang malaman kung ano pa iyong mga alam ko?" Panghahamon ng kaklase sa kaniya na siyang nakakuha ng interes sa kausap. Sandaling nilingon ni Willow ang gawing likuran para tignan kung may mga kaklase na ba silang gising ngunit gaya ng kaniyang inaasahan ay tulog pa rin ang mga ito dahil masyado pa rin namang maaga.

"Are you really sure about it, Wren?" Mahinang tanong ng kausap bago ito mas lumapit sa bintana. "I mean, are you absolutely certain that you're going to share it with me?"

"How about you, are you really sure that you want to hear it?" Paninigurong tanong ni Wren na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng agam-agam si Willow. "Do you not want to take more time to think it over?"

"It depends on what specific tea  you are going to spill." Sagot ng dalaga na siyang nagpakurba sa gilid ng labi ni Wren. Sandali niya munang kinalikot ang hawak na cellphone upang pahintuin ang kaniyang pinapatugtog.

"Alright, then what kind of tea do you want me to spill? Is it about this mess or about Chloe?" Dire-diretsa nitong tanong gamit ang kaswal nitong boses. "Or you want me to take the lead off about yourself?"

Sa idinugtong ng dalaga ay doon nawala ang sigla sa mukha ni Willow bagkus ay napalitan iyon kaagad ng gulat, takot at pagkabahala. Isang uri ng reaksyon  na siyang nagtulak kay Wren para palihim na ikuyom ang kamao.

Saglit niyang inobserbahan si Willow gamit ang diretso niyang mga titig na siyang naging rason kung bakit hindi mapakali ang kausap.

"This is nonsense," wala sa wisyong naisagot ng dalaga bago pagak na natawa. "Forgret about it, Wren. Hindi rin naman ito iyong tamang oras para pag-usapan natin 'tong bagay na 'to."

Matapos niyang sabihin iyon ay wala siyang nakuhang  sagot mula kay Wren. Matapos ang sandali nilang diskusyon ay hindi na nga sila muli pang nag-imikan. Tahimik silang nakatingin sa labas nang walang kahit anong interaksyon na nangyayari.

Ilang  minuto pa ang lumipas hanggang sa nagdesisyon si Willow na basagin ang katahimikang namumuo sa pagitan nila.

"I really thought that you're  not coming with us," pag-iiba ni Willow sa usapan bago siya nagdesisyon na  lumingon sa katabi. "Akala ko talaga na aalis ka rin at iiwan kami." Dugtong niya at doon naman siya nito nilingon. 

"It doesn't matter even if I'll stay here or leave dahil sa nakikita ko, kaya niyo naman."

"May balak ka bang umalis?" Nag-aalangang tanong ni Willow bago niya tinitigan ang dalaga. Hindi ito nakasagot kaagad na tila ba pinag-iisipang maigi ang kaniyang  susunod na sasabihin.

"Depende iyon sa sitwasyon, Willow."  Diretso niyang tugon saka nag-iwas ng tingin.

"So does it mean that it is not really impossible to think that you're going to part your ways from us?"

"As for this moment, there are people who'll going to broke us once and hurt us twice that leaves us a hundreds of lesson. It's okay to loose people, but you know what's more important?" Hinawi muna ni ang kaniyang buhok bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.  "And that's to prevent yourself from loosing it." Diretsa nitong sabi dahilan kung bakit napaiwas ng tingin si Willow. Pakiramdam niya ay siya ang tinutukoy nito kaya hindi siya makaimik. Hindi na lamang siya nagtangka pang magsalita nang muling sinuot ng dalaga ang headphone nito sa kaniyang tainga.

Nanatiling tahimik ang atmospera rito sa loob hanggang sa may biglang napansin ang dalawa. Pabagsak na ibinaba ni Wren ang kaniyang headphone at halos magkasabay sila ni Willow na dumungaw sa bintana. Doon nila nakita ang dalawang helicopters na dumaan sa kanilang school. Umalingawngaw ang tunog nito dahilan kung bakit nagwala ang mga zombies sa labas ng room at tila mga batang sabik na nagsisunod sa tunog.

"Helicopter ba iyon?" Takang tanong ni Corbin bago dumungaw sa kabilang bintana. Sunod-sunod na silang nagsigising at nagkaniya-kaniya sa paglapit sa bawat bintana ng silid. Bakas sa kanilang mga mata ang pag-asang makalabas at makauwi nang ligtas.

"If my hunch is right, they are now conducting a search and rescue operation." Naiusal ni Ledger habang sinusundan ng tingin ang paglilibot ng helicopter sa kanilang siyudad.

"Search and rescue? Eh bakit hindi sila bumaba rito sa school? Bakit nilagpasan lang nila tayo?" Sunod-sunod na tanong ni Earlyseven sa kaibigan.

"They are ordered to search an important missing persons. So kung sino iyong nasa list nila, sila iyong priority na mahanap." Sagot ng binata dahilan kung bakit napasimangot ang kaibigan.

"Tanginang protocol nga naman 'yan oh. May mga helicopter ngang dumadaan pero hindi naman  tayo iyong hinahanap. Pa'no tayo makakauwi niyan?" Sunod-sunod na maktol nito saka nagdabog.

"What if magsisigaw tayo rito sa building  kapag may papalapit na atin na helicopter, effective kaya iyon?" Kuryosadong tanong ni Ryder dahilan kung bakit nasiko siya ng katabing si Corbin.

"Minsan talaga hindi na ako nagtaka kung bakit dalawang beses ka ng nag grade-10. Tanga-tanga ka rin kasi." Komento nito na siyang naging rason kung bakit ginantihan siya nito ng batok na siyang hindi niya rin naman nagawang iwasan.

"Still, it won't work. Even if we shout here in unison, they're not going to hear us. Sa tunog pa lang ng propellers, halatang hindi talaga nila tayo mapapansin." Singit ni Meadow na siyang palihim nilang sinang-ayunan.

"They won't see us if we're just going to stay here inside. The only choice we have is kailangan talaga nating gumawa ng paraan para mapansin nila tayo, pero papaano naman natin gagawin iyon?" Naguguluhang tanong ni Willow at hindi mapigilan ang sarili na mapakunot ng noo.

"We can get their attention by helding a bright cloth and waving it continuously. Pero bago iyon, kailangan muna nating makahanap ng bagong lugar, iyong tipong nasa itaas tapos dapat open roof iyon para makita nila tayo." Suhestiyon ni Ledger. Saglit nilang pinag-isipan ang sinabi ng kaklase hanggang sa biglang nag-angat ng tingin si Mills nang may biglaang mapagtanto.

"Tama, doon sa rooftop!" Pasigaw na banggit ng dalaga bago nito tinuro ang 4-storey building na 'di-gaanong malayo sa kanilang pwesto ngayon. Kaagad silang napalingon lahat doon bago nila sinilip ang nasa gawing ibaba kung saan nagkalat pa rin ang mga zombies.

"Pero papaano tayo makakaabot do'n? Ni hindi nga natin kayang makalabas diyan sa pinto dahil sa dami ng  mgaz ombies na nakaabang sa'tin diyan." Tugon ni Ryder.

"We have to think an alternative plan for us to get out. Kailangan nating magmadali, baka hindi na ulit dumaan dito iyong mga choppers kanina." Singit ni Meadow saka nilingon si Willow na kasalukuyang kinakalikot ang kaniyang cellphone.

"Oh shit, ayaw niya na talagang gumana." Reklamo niya at doon marahang pinipindot ang screen na tila may pinipilit na kontrolin. Ilang beses niya pang nirereset ang hawak ngunit wala pa ring nangyayari.

"Mills," tawag niya sa kaibigan na kaagad naman siyang nilingon.

"Di'ba dinikit mo iyong phone mo sa remote controlled car ko? Pinush mo ba iyong power button bago mo iyon iniwan?" Agaran niyang tanong na siyang sinagot naman nito ng simpleng tango.

Muling nagsalubong ang kilay ni Willow nang hindi pa rin ito magawang mai-connect ang control niya sa nasabing laruan.

"Once a person click the power button that is planted on the modified toy car, it will just take a maximum of thirty minutes for it to run. So kung natapos na iyong given time, kusa na lang din iyong mamamatay at kailangan mo ulit iyong i-power on." Paliwanag ni Ledger dahilan kung bakut napasimangot ang kaklase.

"Anong meron, bakit niyo pinag-uusapan ulit 'yan?" Naguguluhang singit ni Earlyseven saka pinukulan ng nagtatakang tanong ang katabing binata.

"That's actually a smart move." Komento ni Wren at doon na siya  umayos ng tayo.

"Ano ba 'yang tinutukoy niyong smart move?" Pangungulit ni Earlyseven na siyang nagtulak kay Corbin para asarin ang kaibigan.

"Hindi ka makarelate sa smart move 'no? Siyempre, para ka kasing globe, naglo-loading." Pang-aasar niya sa binata dahilan kung bakit siya nito pabirong hinampas. Natigil lamang ang pagbibiruan nila nang sitain na sila ni Cody.

"This is the perfect time to use those things." Deklara ni Wren at doon na nga nila ipinokus ang atensyon sa dalaga. Prente lamang itong nakatayo at parang kaswal na nagsasalita ng kanilang dapat na gagawin.

"We can use Willow's controlled car as a bait especially if we want to clear a particular path, paniguradong susundan ng mga zombies ang tunog na manggagaling sa cellphone ni Mills and by maneuvering the toy car, we can get rid of them," panimula ng dalaga bago niya nilipat ang mata sa pwesto ni Ledger. "As for Ledger's drone. We can use it to roam the area for us to know kung saang hallways or corridors ang safe na madaanan papuntang rooftop." Dagdag nito dahilan kung bakit unti-unti na silang nalinawan sa gustong ipunto ng dalaga.

"But the question here is how are we going to have those toys again? Tama si Ryder, Wren. Hindi tayo makakalabas dito sa classroom dahil sa sitwasyon diyan sa labas. Limitado ang mga kilos natin kung susumahin." Nag-aalalang tugon ni  Meadow.

"Ako na." Sabat ni Yohan bago lumapit sa glass window. Ilang sandali pa ay bigla na lamang sumampa ang binata sa bintana dahilan kung bakit nabaling ang tingin nilang lahat sa kaklase.

"Hoy, ano bang trip mo? Bumaba ka nga rito, Yohan." Sita ni Mills saka marahang hinablot ang kwelyo nito para sana pwersahan itong pababain pero hindi ito nagpatinag bagkus ay sumilip lang ito sa ibaba para tantsahin ang taas ng gusali. Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Yohan lalo na nang makita kung gaano iyon kataas.  

"Ang hilig-hilig talaga nitong sumampa sa kahit saan. Tapatin mo nga ako, Yohan. Dati ka bang si Tarzan?" Diretsang tanong sa kaniya ni Corbin dahilan kung bakit pabiro siya nitong sinipa pero nakaiwas naman kaagad ang kaibigan.

"Masyadong time-consumming kung mas pipiliin nating makipagbasag-ulo sa mga zombies diyan sa labas. At hindi rin malabong ma-trapped ulit tayo sa panibagong classroom kung lalabas tayo gamit ang pinto." Paliwanag sa kanila  ni Yohan at doon pinagkumpara ang pinto ng classroom mula sa glass window na tinutuntungan niya ngayon.

"The moment you push the power button, wait for a little bit until we can managed to control it. At sa oras na gumana nga, umalis ka na kaagad at bumalik dito." Utos sa kaniya ni Wren na kaagad namang sinunod ng binata.

"Gago teka lang!" Akmang bababa na sana si Yohan pero muli siyang nahablot ni Mills sa kwelyo. Mabuti na lang at hindi siya nawalan ng balanse dahil natantsa niya na kaagad ang sarili.

Hindi pa man naitutuloy ni Mills ang sasabihin niya nang bigla siya nitong nilingon at binigyan ng sinserong tingin.

"Babalik ako kaagad, Mills." Paninigurado ni Yohan at doon ginulo ang buhok ng dalaga.

"At naglandian pa nga." Singit ni Corbin bago tumikhim.

Ilang sandali pa silang nagtitigan hanggang sa siya na mismo ang nag-iwas ng tingin sa dalaga. Nilipat niya na kaagad ang buong atensyon sa dadaanan bago siya dahan-dahang kumilos.

Hindi pa man nakakalayo si Yohan ay kaagad ding sumunod si Cody. Mabilisang sumampa ang binata sa bintana at swabeng inilabas ang sarili. Nagmadali siya sa pagsampa para masundan kaagad ang kaibigan.

"Teka, tol. Hindi mo na kailangang sundan si Yohan. Malaki na iyon, alam na niya iyong ginagawa niya." Pigil sa kaniya ni Ryder pero sa halip na magpaawat, mas pinili pa nitong tumuloy.

"Tanginang mga ugali meron 'tong dalawang 'to oh." Wala sa wisyong sambit ni Ryder habang tinitignan ang pigura ng dalawa na lumiliit na ngayon sa kaniyang tingin.

"Ayan," natatawang komento ni Corbin. "Iyan iyong sinasabi ko sa'yo na huwag ka na ngang mag-asawa. Kay Yohan at Cody pa nga lang namomroblema ka na. Ano pa kaya kung anak mo na?" Natatawang singit nito saka tinapik-tapik ang balikat ng kaibigan.

"Tangina, ito talaga iyong isang rason kung bakit nagsisisi ako minsan na tinanggap ko iyong pakiusap ni Ms. Garcia na bantayan kayo isa-isa. Para niya na rin akong pinagbaby-sit ng mga batang iba-iba iyong ugali. Putangina, ayaw ko na talaga." Dagdag nito at doon marahang bumuntong-hininga. Lihim naman siyang pinagtawanan ni Corbin dahil sa kaniyang inasal.

Magkasabay lamang silang napalingon sa pwesto ni Wren nang bigllan itong tumikhim. Sumenyas kaagad ang dalaga sa kanila na lumapit na siyang agad din naman nilang sinunod.

"They are now executing the plan A. So we have to do our part and that is to start doing our plan B."

***

Nang saktong makababa si Yohan sa building ay kaagad siyang nagpalinga-linga. Tahimik man ang parte ng  gusali ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang  nakakakilabot nitong itsura. Saglit siyang napaiwas ng tingin nang makita ang mga dugo sa gilid lalo  na ang mga bangkay at putol na parte ng tao na nagkalat sa labas. Hindi na rin siya nag-abala pang tignan iyon isa-isa bagkus ay pinili niya na ring kumilos.

Tinahak niya ang may kadulasang corridor. Maingat siyang naglakad at pilit na binabalanse ang sarili na hindi siya madulas. Nang saktong narating na niya ang gawing gitna kung saan mayroong palikong pasilyo sa gawing loob ay wala sa wisyo siyang napakubli  nang makita ang grupo ng mga zombies na palakad-lakad sa pwestong iyon. Saglit muna siyang nag-obserba para matignan kung kaya niya ba iyong labanan ngunit hindi na lamag niya itinuloy ang namumuo niyang plano lalo na at sa dehado nga talaga siya.

Lihim din siyang lumapit sa labas ng corridor upang tignan kung pwede ba siyang makadaan pero muli lamang siyang nadismaya lalo na at pareho lang din ang sitwasyon.

Sa katunayan ay marami namang pasilyo rito ngunit wala sa mga naiwan ang pwedeng makapagdala sa kaniya sa paroroonan. May iilan namang alternatibo ngunit aabutan pa siya ng ilang oras para makalusot lalo na at hindi rin malabo na mas marami ang mga halimaw na nag-aabang doon.

Wala sa wisyo siyang napabuntong hininga at muling ibinalik ang tingin sa palikong pasilyo kung saan naroon pa rin ang mga halimaw. Wala na siyang iba pang pagpipilian pa kundi ang piliin ito lalo na at ang daan na 'to ang siyang pinakamalapit.

Akmang huhugot na sana siya ng lakas na loob ngunit nahinto lamang iyon nang biglaang tumunog ang cellphone niya. Halos manlaki ang mata ni Yohan dulot ng labis na pagkataranta kaya mabilis  niya itong tinakpan saka inipit sa magkabila niyang hita para kahit papaano ay humina ang tunog.

Makailang beses niya pang pinagpapalo ang hawak ngunit hindi niya ito magawang mapatigil lalo na at nagsimula iyon mag-lag. Nag-uumpisa na ngang  mataranta ang binata lalo na at naagaw na nga niya nang tuluyan ang atensyon ng mga  halimaw dahilan kung bakit makailang-beses siyang napamura.

"Bwisit, sana pala iniwan ko na lang 'to sa room. Pahamak!" Reklamo niya. Wala na nga siyang nagawa pa nang mag-umpisang kumilos ang mga zombie para habulin siya. Hindi rin nagpatinag ang binata bagkus ay agaran din siyang napaayos at doon
tumakbo palayo.

Bawat corridor na napapasukan niya ay puro zombies lamang ang sasalubong, pero pinipilit pa rin ni Yohan na hindi mailayo ang sarili  sa partikular na lugar na siyang pupuntahan niya. Nagmamadali man ngunit pinanatili niya ang atensyon sa mga pasilyong magdadala sa kaniya pabalik sa Aries.

Sa muling pagliko niya sa isa na namang pasilyo ay saglit siyang napahinto. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pader ang sumalubong sa kaniya dahilan kung bakit sunod-sunod siyang napaatras. Ito na rin ang kinuha niyang pagkakataon para patayin ang alarm ng cellphone niya. Akmang babalik na sana siya sa dinaanan niya ngunit hindi na iyon natuloy pa lalo na at papalapit na rin sa pwesto niya ang mga zombies na sabik na siyang atakehin. Hindi pa man siya tuluyang nakakakilos pero bigla na lamang may tumapik sa balikat niya kaya mabilis siyang napatingala. Saktong pag-angat ng kaniyang tingin ay doon niya nakita si Cody na nakaabang sa  scuttle hole habang inuusli nito paibaba ang stairway.

"Umakyat ka na!" Sigaw nito saka paulit-ulit na sumesenyas sa kaibigan na sumampa sa hagdan. Hindi na nga nagdalawang-isip  si Yohan at umakyat na nga ito sa hagdan. Nang saktong maikubli na niya nang tuluyan ang sarili sa loob ay doon na minadali ni Cody na ibalik ang hagdan bago iyon dagliang isinara.

Kitang-kita nila kung papaano rumagasa na tila baha ang mga zombies sa ibaba habang pilit pa ring hinahanap ang presensiya ni Yohan.

"Bakit ba ang hilig-hilig mong sumunod sa'kin, Cody? Buntot ba kita?" Salubong nito sa kaibigan bago nagpunas ng pawis.

"Kita mo 'to. Ikaw na nga iyong niligtas tapos susumbatan mo pa ako. What if itulak na lang kita paibaba?" Sagot nito at nang bubuksan na niya ulit ang panel ay doon pabirong inapakan ni Yohan ang kamay nito.

"Tangina, lumalabas talaga pagiging Filipino-Amputa mo."

"Kaysa naman sa'yong sumusulong nang walang kaplano-plano? Pasalamat ka na lang talaga at sinundan kitang gago ka."

Hindi kaagad nakasagot si Yohan lalo na at nag-umpisa na itong gumapang sa makipot na lagusan. 

"Hindi ka na lang sana sumunod sa'kin Cody, mas kinakailangan ka nila Mills do'n." Usal ng binata saka nililibang ang mata sa pagsilip sa ibaba.

"Hindi mo 'to kakayanin nang mag-isa, tol. Tanggapin mo na lang kasi na kailangan mo'ko." Natatawang tugon ni Cody dahilan kung bakit pabiro siya nitong sinipa.

"Pinanganak ka ba para maging anino ko?"

"Alangan namang pinanganak ako para sa'yo. Mandiri ka nga." Sagot ng kaibigan bago mapang-asar na tumawa.

Akmang sasagot na sana si Yohan pero hindi na iyon natuloy pa. Napahinto siya sa paggalaw at itinuon ang mata sa gawing ibaba. Doon niya nakita ang panibagong horde  ng zombies na nagkakagulo sa. Sabay silang napahinto ni Cody saka titig na titig sa mga susunod na mangyayari.

"Parang may hinahabol sila." Komento ni Cody bago kunot-noong sumisilip. 

"Kung sino man sila, kailangan nila ang tulong natin." Desisyon ni Yohan saka inantay na makalagpas ang horde bago binuksan ang panel.

"Teka lang, seryoso ka ba? Matatagalan tayong makabalik kung liliko ka sa plano."

"Kung nandito sila Mills, alam kong alam mo na ito rin ang gagawin nila. Buhay ng ibang tao ang nakasalalay dito, Cody. Hindi lang basta-bastang tao, kundi mga taong kasama rin natin sa eskwelahang 'to kaya halika na." Pangungimbinsi nito at doon maingat na inalis ang panel at isinunod ang stairway. Naunang bumaba si Yohan saka maingat na lumapag sa sementadong sahig. Muli siyang nagpalinga-linga upang siguruhin na walang zombies na nakaabang. Nang masigurong ligtas na ang lugar  para sa kanilang dalawa ay doon na niya sinenyasan ang kaibigan na mabilis din namang nakasunod.

Hindi na sila nag-atubili pa at kaagad nilang sinundan ang dinaanan ng horde kanina. Hindi pa naman sila nakakalayo pero tanaw na tanaw nila ang mga katawang nagsibagsakan sa sahig.

"Anong nangyari?" Kunot-noong tanong ni Cody saka sinundan si Yohan na nilapitan ang mga katawan ng zombies na kanina lang ay aktibong tumatakbo ngunit ngayon ay nakaratay na lahat sa sahig. Kapansin-pansin din ang dartpins na nakatusok sa noo nito at sa iba pang parte ng mga katawan.

"Napatay nila ang horde nang gano'n kabilis?" Komento ni Yohan saka marahang binunot ang isang dartpin at doon niya iyon mariing inusisa.

"Kung sinuman ang mga iyon, halatang hindi na nila kailangan ang tulong natin." Singit ni Cody bago siya binalingan ng tingin. Pero hindi ito sinalubong ng binata dahil nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kaniyang hawak. Pinag-iisipan niyang mabuti kung kanino ba galing iyon. Pilit niya ring inaalala kung kanino niya nga ba ito makita pero hindi niya talaga magawang matandaan. Nabalik lamang siya sa katinuan nang bigla siyang tapikin ng kasama.

"Tara na, Yo." Aya nito sa kaniya at doon pa siya kumilos. Mabilis niyang ibinulsa  ang hawak bago sumunod kay Cody sa pagtakbo.

Ilang pasilyo na rin ang pinasok nila pero kataka-takang wala na talagang zombies na umaabang sa kanila. Nagsibagsakan na ang mga iyon lahat na tila ba may nauna nang dumaan dito bago pa sila makasunod. Para na ring ginawan sila ng daan para matiwasay nilang marating ang nasabing classroom.

"Hindi lang yata tayo ang nandito ngayon, Yohan," untag ni Cody bago lumingon sa gawing gilid kung saan kasabayan niyang tumakbo ang kaibigan. "At mukhang doon din ang punta ng mga iyon sa building na sadya natin." Dagdag nito at nang saktong makaliko na sila sa panghuling pasilyo na siyang nakakonekta sa kabilang dulo ng gusali.

Bago pa man makapasok ang dalawa ay kaagad na nahila ni Yohan ang braso ni Cody at doon mabilisang  pinayuko. Bahagya rin silang napatakip sa kanilang ilong nang umusbong ang hindi kaaya-ayang amoy sa paligid. Puno rin ng mga bangkay ang corridor at sa tingin nila ay matagal-tagal na iyong naging patay.

Sunod na lang nilang napansin ang tila naiiritang asik sa loob. Panay din ang tunog ng tila bakal at mga bagay na pinanghahampas nito. Dulot ng kanilang narinig ay hindi maiwasan ng dalawa na magpalitan ng tingin.

"M-may tao sa loob?" Gulat na tanong ni Cody at nang akmang tatayo na sana ito para sumilip pero mabilis siyang napigilan ni Yohan.

"Kailangan nating mag-antay." Pigil niya sa kaibigan at nang papalag pa ito pero kusa na lamang din itong  napahinto nang may biglaan siyang may marinig.

"Fucking die. Just fucking die!" Naiiritang sigaw ng isang boses at muli na naman silang nakarinig ng malutong na paghampas at mga tunog  ng mga kumakalansing na bakal at salamin.

Sabay na nagkatinginan ang dalawa nang mayukoy kung sino ang taong nagmamay-ari  ng boses na iyon. Dahil nga sa mas malapit si Yohan sa basag na jalousie ay kinuha na niya ang pagkakataong iyon para makasilip.

Doon nakita ng binata ang pigura ng isang babae, nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya masyadong maaninag ang kabuuan nito. Ngunit sa kabila nito ay hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang maputla nitong balat. Kapansin-pansin din ang  nangingitim nitong ugat na siyang naging dominante sa braso at binti nito. Kung titignang maigi ay halata masyadong hindi na ito normal gaya no'ng dati.

"S-si Chloe 'yan, tama?" Mahinang tanong ni Cody na halos bumulong na ito sa tainga ni Yohan. Tumango ang binata bilang tugon nang hindi niya pa rin inaalis tingin sa naturang dalaga.

"Puntahan kaya na─"

"Hindi natin pwedeng gawin iyon, Cody. Tignan mo siyang maigi." Utos nito sa kaibigan na kaagad namang nakisilp sa maliit na butas ng bintana.

"A-ang putla niya at litaw na rin ang mga ugat niya sa katawan. Teka sandali, bakit itim?" Nahihintakutan nitong  tanong at doon nilingon ang kasama waring naghahanap ng kasagutan. "Isa na rin ba siyang z-zombie?" Hindi niya siguradong tanong dahilan kung bakit pati si Yohan ay nalito rin.

"H-hindi ako sigurado. Pero kung zombie nga siya, bakit siya nakakapagsalita? Hindi siya kagaya no'ng ibang zombies na nakita natin, Cody. Dahil nakakapag-isip pa rin siya."

"Hindi maganda 'to," kinakabahang sambit ng binata bago nilingon si Yohan. "Kung totoong infected nga siya at hindi naapektuhan ng virus ang utak niya. Hindi malabong isipin na mas delikado siya kaysa sa isang normal na zombie."

Akmang hihilahin na siya paalis ni Cody pero hindi nagpaawat si Yohan. Hindi nakalagpas sa mata niya ang tumutulong dugo sa bibig ni Chloe nang humarap ito sa pwesto nila. Halos mawalan siya ng balanse dahil sa kahindik-hindik nitong itsura at hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya ngayon dahil hindi pa sila nito napapansin o matatakot dahil sa panibagong anyo ng kanilang kaklase.

"I-infected nga siya, Cody. Isa siyang zombie—hindi mali— isa siyang kalahating tao at kalahating zombie."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top