Chapter 21: Sumbat

Kaagad na kumilos si Shilloh matapos siyang makabawi  mula sa pagkakabagsak. Saktong pagbaling ng kaniyang tingin kay Elsie ay hindi niya na mamataan pa ang inhaler nitong laging hawak. Saglit siyang umismid dahil sa nakikita, base lamang sa  itsura ng kaklase ay mahahalata talagang hindi na nga ito makakatayo pa.

"Sabi ko nga ba at hindi ka rin tatagal." Sambit ni Shilloh saka nagpumilit na tumayo. Masakit man ang kaniyang siko at likod dulot ng kaniyang pagkakabagsak pero pinilit niya pa ring makatayo. Sa isip niya ay mas mamamatay siya kung tatanga-tanga lang siya rito sa ibaba. Itinulak niya rin ang katawan ni Elsie na nakadagan sa kaniya na siyang dahilan kung bakit tumama ang likod nito sa ibaba ng handrail nitong hagdan.

Bahagyang nalukot ang mukha ng kaklase bago ito hinang-hina na tumingin sa kaniya. Nagsimula na itong umiyak dahil sa sakit at hirap nitong nararamdaman. Nagsimula ring magtaas-baba ang dibdib nito na tila pilit na lumalanghap ng hangin. Panay din ang pagsenyas niya kay Shilloh para sana manghingi ng tulong dito pero hindi niya man lang ito dinaluhan.

"T-tulong!" Naiusal nito at pilit siyang inaabot pero mabilis siyang lumayo at nagbalak na bumaba ngunit hindi na iyon natuloy pa nang  may mga panibagobg grupo ng mga zombies ang nagpupumilit na umakyat dito sa itaas.

Kinakabahang umiling si Shilloh sa takot na baka maabutan siya ng mga halimaw kaya kaagad niyang hinawakan ang handrail para sana suportahan ang sarili sa pag-akyat pero hindi na iyon natuloy pa dahil nahawakan ni Elsie ang kaniyang paa at mahigpit itong hinihila.

Nangungusap na ang mga mata nito na tila ba pinapahiwatig na tulungan siyang makatayo pero patuloy lang siyang tinatanggihan ni Shilloh.

"Putangina! Bumitaw ka na kasi!" Naiinis na sigaw ni Shilloh pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya. Nag-umpisa na ring makatayo si Elsie habang gumagapang paakyat ang kamay nito sa coat ni Shilloh para lang suportahan ang sariling makabangon. Mas lalong tumindi ang inis  ni Shilloh nang nahihila na siya ng dalaga  kaya nahihirapan siyang makakilos.

Nang hindi pa rin siya tuluyang makawala ay inis niyang tinanggal ang suot niyang coat dahilan kung bakit muling napasalampak si Elsie sa sahig habang hawak nito ang coat niya.

"P-Please, let me g-go with y-you." Nagmamakaawa nitong sabi bago umubo. Sa kabila ng labis na pagsusumamo ng kaklase ay hindi pa rin nadadala si Shilloh dahil sa halip na kaawaan at tulungan ang kaklase, mas pinili pa nitong panlisikan siya ng tingin.

"You know what? Why don't you accept the fact na hanggang dito ka na lang? Mamamatay ka lang din naman kahit pa isama kita!" Sigaw nito saka nahihintakutang tumuloy sa pag-akyat nang mas lalo lang lumapit ang pwesto ng mga halimaw sa kanila.  Nang nakaabot na siya sa huling baitang ng hagdan ay doon niya muling nilingon si Elsie na hinihila na ng mga zombies at handa na silang atakehin ito.

"AHH! L-let me go! Let m-me go!" Tili ng dalaga at kahit nanghihina ay pilit pa rin itong nagpupumiglas para lang hindi siya nito magawang mahuli.

Nanatiling nakatingin sa kaniya si Shilloh na halatang napapangunahan din ng takot dahil sa nakikita niya ngayon. May parte sa kaniya na gusto ulit bumaba para puntahan ito ngunit natatakot siya  dahil baka dalawa silang maipit at hindi makaalis. Ayaw niyang malagay ang sarili sa kapahamakan dahil hindi niya naman ugaling magpakabayani para lang sa kapakanan ng iba. Mas importante para sa kaniya ang buhay niya.

"S-Shilloh!" Hindi siya makapaniwalang mapa-hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang nakatuod sa pwesto niya sa halip na tumakbo na papalayo. Mariin niyang pinikit ang kaniyang mata saka nagmura nang paulit-ulit. Sunod na lang niyang narinig ang tili ni Elsie kaya napamulat siya kaagad, doon lang niya napagtanto na napuno na ng kalmot ang binti nito at may dumadaloy na ring dugo sa makinis nitong balat dulot ng mga sariwang kagat.

Tuloy-tuloy lang ang pagtili nito dahil hindi na ito magawang makalaban pa. Akmang aalis na sana si Shilloh pero sunod niya na lang nalaman na isa-isang napaalis ang mga zombies na siyang nakapalibot kay Elsie. Puro tunog ng mabibigat na paghampas ang kasalukuyan niyang naririnig. Hindi rin nakatakas sa kaniyang pandinig ang galit na boses ng isang taong hiniling niya na lang na sana hindi na dumating pa.

"Elsie! Elsie!" Sunod-sunod ang pagsigaw ni Mills at hindi na inalintana pa ang hawak niyang tubo bagkus ay hinagis niya lang ito sa kung saan saka mabilisang tinakbo ang pwesto ng kaibigan na nakahiga na sa sementadong sahig. Hindi niya alam kung ano ang una niyang maramdaman sa pagkakataong 'to. Sa malagim na sinapit ng kaniyang kaibigan ay hindi na siya sigurado pa kung mabubuhay pa ba 'to o hindi na.

"Kumapit ka lang, Elsie! Nandito na ako!" Muli niya pang sigaw bago siya mabilisang unakyat sa palapag at halos gumapang na siya sa pagmamadali maabutan lang ito sa itaas. Nang tuluyan na siyang makalapit ay doon niya lang mas klarong nakita ang malalim nitong mga kagat. Nagsisimula na rin itong mangitim at mamutla, sunod-sunod na rin ang paglabas ng dugo nito sa ilong at bahagya pa itong nagsusuka.

"M-Mills?" Halos pumiyok na ito nang tawagin ang pangalan ng kaibigan. Wala sa wisyong napapikit si Mills nang marinig ang boses nito, hindi talaga maitatanggi na nahihirapan na ito sa sitwasyon niya. Nang nagpasya na siyang idilat ang mga mata ay doon niya nakitang nanginginig na ang mga labi nito habang nanatili ang malamyos nitong mga mata na nakatingin sa kaniya.

"I t-thought I was j-just hallucinating b-but no, you're actually h-here." Salubong nito sa kaniya saka nagtangkang iangat ang braso upang abutin ang kadarating lang na kaibigan. Hindi halos kinaya ni Mills ang nakikita niyang estado ng dalaga kaya hinigit niya ang braso nito palapit sa kaniya. Sinapupo niya kaagad ang katawan nitong nakahilata sa sahig bago niya iyon inihiga sa kandungan niya.

"B-Bakit ang tagal mo y-yatang bumalik? T-tignan mo oh, h-hindi mo na a-ako halos n-naabutan." Sambit nito saka tumawa pero nauwi lang ito sa isang matinding pag-ubo. Doon lumabas sa bibig niya ang mga butil ng dugo kung saan dumikit iyon lahat sa coat ni Mills.

"A-Ano bang pinagsasabi mo na hindi kita naabutan? Nandito na nga ako di'ba? Kaya halika na, aalis na tayo. P-paniguradong nag-aantay na sila sa'tin!"

Kaagad nag-iwas ng tingin si Yohan at mas pinili na lamang na tumalikod at abalahin ang sarili sa pagbabantay. Kanina pa siya dinudunggol ng samut-saring  emosyon na miski siya ay hindi makapaniwala na mararamdaman niya ito. Kanina niya pa pilit na kinokontrol ang sarili magmula pa noong kaganapan sa cookery room kung saan tuluyang binawi ng tadhana si Alison mula sa kanila. Masakit para sa kaniyang isipin na sa patuloy nilang pakikipaglaban sa mga oras na ito, ay unti-unti rin silang nababawasan.

"God knows h-how I really w-want to go with you. B-but I couldn't. A-ayaw kong ilagay sa a-alanganin ang buhay niyo, lalo na i-ikaw, Mills." Sinsero nitong sagot saka marahang pinisil ang braso ng kaibigan. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya kay Mulls lalo na nang maramdaman niya ang tila kakaibang pakiramdam sa kaniyang loob kasabay ng paggapang ng mga maiitim na ugat sa kaniyang balat. Pansin din ni Mills na bahagya ng nagiging bayolente ang katawan nito dahilan kung bakit wala sa wisyo niyang nakagat ang ibabang parte ng kaniyang labi.

"O-Oh c-come on, y-you don't have to cry, o-okay?" Nahihirapan man ngunit pilit itong ngumiti sa kaniya  na siyang nakapagpadurog sa damdamin ng dalaga. "Because I won't b-be on your side o-once you cry l-like this again. I a-am not there t-to wipe your tears a-anymore." Dagdag niya. Mas lalo lang dinunggol ng kaba si Elsie nang bigla na lamang naging pula ang nakikita niya. Na tila ba nilukob ng dugo ang buong paligid at nakakaramdam na rin siya ng matinding gutom. Nag-umpisa na siyang matakot sa kaniyang sarili. Natatakot siya na baka sa oras na mawala siya sa katinuan, ay hindi malabong si Mills ang unang taong masasaktan niya.

Hindi magawang umimik ni Mills. Saradong-sarado ang isip niya ngayon na tila ba naging blangko na ang lahat para sa kaniya. Sa nakikita niya ngayon kay Elsie, mas gugustuhin niya na lamang na maging bulag at bingi. Hindi na niya halos kayanin pa ang lumalabas sa bibig nito, at mas lalong hindi niya magawang sikmurarin ang kasalukuyan nitong estado. Kusa na lamang nagsidaloy nang sunod-sunod ang mga luha niyang nag-uunahang lumabas. Nanlalabo na ang mga mata niya at halos hindi na niya pa maaninag ang imahe ng kaibigan.

"C-Can you d-do me a favor f-for one l-last time?" Nanginginig na ang boses ng dalaga saka siya bumitaw sa pagkakahawak kay Mills at nag-umpisa na itong magpumiglas para makawala mula sa pagkakahawak ng kaibigan.

"K-Kahit ano, Elsie! Kahit ano! Sabihin mo lang!" Pasigaw na tugon ni Mills at nang tuluyan na ngang ma-idistansya ni Elsie ang kaniyang sarili sa dalaga ay doon siya umiling. Senyales na huwag na itong lumapit sa kaniya.

"K-Kill me now." Walang halong biro  nitong sabi. Halos matulala sila Mills  sa sinabi ng dalaga. Miski si Cody na nananahimik ay hindi halos maproseso ang hinihingi nito.

Hindi gumalaw si Mills at nanatili ang namamasa nitong mata kay Elsie na halos sakupin na ng puting kulay ang nangungusap nitong tingin.

"I don't w-want to b-be like t-them! K-kaya mas mabuti pa kung patayin m-mo na lang ako!" Sigaw nito bago pilit na nilalabanan ang kaniyanh loob na sapilitan siyang kinokontrol.

"H-Hindi ko kaya! Putangina, iba na lang! E-elsie ano ba! H-hindi kakayanin ng konsensiya ko ang p-patayin ka! H-hindi ako mamamatay tao!" Wala sa wisyong napaupo ang dalaga sa sahig pero hindi niya pa rin nagawang maialis ang tingin sa kaibigan.

"K-Kakayanin din ba ng k-konsensiya mo na h-hayaan akong magdusa, Mills? M-mas hindi ko m-matanggap na m-magiging halimaw ako," turan ng kaibigan. Hirap man ngunit pinilit niya ang sarili na salubungin ang titig ng kaibigan habang may oras pa siya. "Hindi ko kayang i-isipin na darating tayo sa p-puntong m-magkikita tayo ulit p-pero hindi ko na kayo k-kilala. A-ayaw kong umabot tayo sa punto n-na k-kaya ko kayong s-saktan nang hindi man lang ako a-aware.  M-mills, ayaw na ayaw k-kong m-mangyari iyo─" 

hindi na niya nagawa pang ipagpatuloy  ang nais na sabihin  nang bigla siyang manigas. Matinding hilo na ang nararamdaman niya at halos magwala na ang katawan niya.

"P-Patayin  mo na a-ako." Huli niyang sabi. Sa isip ng dalaga ay ito na nga ang huli niyang pagkakataon na makakapamuhay pa siya bilang isang tao. Dahil sa oras na pumikit na ang mga mata niya, tuluyan na nga siyang lalamunin ng kadiliman at hinding-hindi na makaalis pa.

Halos tumirik na ang mata ni Elsie dahil sa paglilikot nito pero kusa lang itong huminto sa pwesto ng kaibigang si Mills na kung saan ay hinihila na ito ni Yohan paalis pero nanlalaban pa rin ito at pilit siyang nilalapitan. Sinulit ng dalaga ang pagkakataon niyang masilayan ang mukha niya  sa kahuli-hulihang pagkakataon. Hindi niya halos maisip na darating sila sa puntong magkakahiwalay sila nang ganito kabilis.

"Elsie!" Hindi niya man halos makontrol ang sarili  pero hindi pa rin  nakatakas sa pandinig niya ang boses ng kaibigan na kailanman ay hindi na niya muli pang maririnig.

"Mills, halika na! Parami na nang parami ang mga zombies na pumupunta rito!" Sigaw ni Yohan saka marahang tinatayo ang dalaga na nakasalampak na sa sahig. Si Cody naman ang siyang humaharap sa mga zombies upang pigilan ang mga ito na makalapit sa kanila.

"Elsie!" Muling tawag ni Mills pero huli na. Dahil tuluyan na nga itong nag-iba, ang kaninang malamyos nitong mga mata ay napalitan ng tila nanlilisik na tingin at nag-uumpisa na itong tumayo. Nang saktong makawala si Mills sa pagkakahawak ni Yohan ay tuluyan siyang nakalapit sa kaibigan at doon niya lang napagtanto na may hawak-hawak pala itong coat. Tinitigan niya iyong maigi at mabuti na lang at hindi na muling nawala ang kuryente kaya nakilala niya pa rin kung sino ang nagmamay-ari ng coat na iyon.

Saglit siyang napatungo at doon niya lang din napagtanto na hindi lang pala sila ang tao rito sa labas. Nang magawi ang tingin ng dalaga sa itaas ay doon niya nakita ang isa pang anino na nakatayo mismo sa huling bahagi ng hagdan sa itaas.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang natatakot at nag-aalinlangan  nitong mga mata. Napuno ng nagbabadyang puot ang damdamin ni Mills at kaagad niyang naikuyom ang kaniyang mga kamay habang hindi nito inaalis ang tingin sa dalagang napakapamilyar sa kaniya. Nang akmang magsasalita na siya ay ang siya namang pagtayo ni Elsie at nang nagbalak itong atakehin siya nay doon niya mabilis na hinarap ang kasamang si Yohan saka dagliang  inagaw mula sa kamay ng binata ang tubo nitong hawak saka pikit-mata niya itong hinampas sa dalaga na tuluyan niyang napabagsak sa sahig. Sa lakas ng pwersang nilapat niya roon ay dumugo ang ulo nito at miski ang tubo ay nabahiran din.

Nanatili siyang nakapikit. Nakapikit sa isang pangyayaring ayaw niyang harapin at makita. Ang kaninang galit sa kaniyang mata ay muling napalitan ng sakit. Kusa niya ulit na naibagsak ang tubo nang muli siyang makaramdam ng panghihina. Hindi niya halos alam kung tama ba ang ginawa niya o hindi. Tama bang wakasan ang buhay ng kaibigan niya sa ganitong pamamaraan? Tama bang tinupad niya ang hiningi nitong napakabigat na pabor? O di kaya ay mali, dahil siya—na matalik nitong kaibigan— ang siyang tumapos sa buhay nito.

Nanginginig ang kamay ni Mills nang muli niya itong ikinuyom. Mabilis niyang nilingon ang pwesto ni Shilloh na hindi man lang nagtangkang salubungin ang kaniyang titig bagkus ay kumilos na ito at tumakbo palapit sa pintong kinalalagyan ng iba pa nilang kaklase.

Walang imik si Mills habang tinitignan nito ang bakanteng pwesto kung saan nakatayo kanina si Shilloh. Saglit niyang binaba ang tingin at doon marahang dinampot ang coat na nakalatag na sa ibaba. Nang magdesisyon na siyang umakyat ay kaagad ding sumunod si Yohan sa dalaga matapos nitong maigilid ang katawan ni Elsie saka palihim na umusal ng dasal.

"Cody, halika na!" Aya nito sa kaibigan na mabilis ding nakasunod matapos nitong mahampas ang panghuling  zombie na nagtangkang umatake. Mabibigat ang mga yapak nila habang patakbong tinungo ang classroom na kung saan kasalukuyang nakadungaw sila Corbin at Ryder.

***

Saktong pagdating ni Shilloh sa pinto kung saan nakaabang si Ryder ay doon klarong nakita ng binsta kung paanong lukubin ng pawis at luha ang mukha nito. Nilawakan n kaagad ni Corbin ang pagkakabukss ang pinto at doon niya na ito inalalayan papasok.

"Shilloh!" Kaagad na napatayo si Meadow saka sinalubong ang dalaga. Inusisa niyang maigi ang lagay ng kaklase upang tignan kung may sugat o pasa ba itong natamo dulot ng pagbagsak nito kanina.

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba nagkapasa o nagka-sprain?" Sunod-sunod nitong tanong. Halos ilang ulit niya ring pinaikot-ikot si Shilloh para lang makasigurado kung ligtas ba ito. Hindi umimik ang bagon dating at ni isang tanong ay wala siyang sinagot. Nanatili siyang nakayuko at halos mabaliw na siya kakaisip kung anong sasabihin niya sa mga kaklase.

"Hindi mo ba nahagilap sila, Cody, Shilloh? Lintik, ang tagal nilang bumalik. Nasaan na ba ang mga iyon?" Agarang tanong ni Ryder pero muli, hindi sumagot ang dalaga.

"Nasaan si Elsie? Di'ba kasama mo siya, Shilloh? Nasaan siya?" Singit ni Corbin na siyang dahilan kung bakit muling nanumbalik ang mga kaganapang nangyari kanina sa isip ni Shilloh.

"I-Im sorry," mahina niyang usal bago nag-angat ng tingin. Saktong pagsalubong niya sa titig ni Corbin ay doon na niya unti-unting naramdaman ang mga titig na pinupukol sa kaniya ng mga kasama. "I f-failed to protect her. I tried my best j-just to save Elsie from t-them, p-pero nabigo ako. H-hindi ko siya naisama papunta r-rito." Umiiyak niyang dugtong habang hinahayaan ang mga luha niyang dumaloy paibaba sa kaniyang mata.

"A-Anong nangyari sa inyo? B-bakit ikaw lang ang nakabalik?" Nauutal na tanong ni Meadow saka iginiya ang dalaga paupo sa isang armchair.  Nanginginig na naupo si Shilloh sa upuan bago humugot ng enerhiya para makapagsalita.

"The moment we fell on the g-ground. K-kaagad na akong kumilos para ilayo ang mga zombies na papalapit sa pwesto namin. I was so scared as fuck. T-takot na takot ako na baka ma-trapped kaming dalawa sa  ibaba so I fought with them," panimula niya bago nagpunas ng luha. "Pilit ko silang inilalayo sa p-pwesto namin ni Elsie pero hindi naging s-sapat ang pagpoprotekta ko kasi sobrang dami nila."

Sandali siyang huminto saka pasimpleg sinilip ang ekspresyon ni Meadow. Nang makasiguro siya na paunti-unti niya itong nakukumbinsi ay doon siya muling napapikit saka pinilit ang sarili na maiyak pang lalo.

"D-Dahil din sa a-abala ako, hindi ko na namalayan na may mga nakalagpas din pala sa'kin at doon nila i-inatake si Elsie," nag-angat siya muli ng tingin at doon sinalubong ang titig ni Corbin. "I was caught off g-guard. Ni kahit ako nga hindi nag-expect na may makakalagpas sa'kin. Imagine my horror the moment they lay their f-fingers on her and started to b-bit her like crazy?"

"Takot na takot ako no'n, na halos m-mabaliw ako kakaisip kung saan ba ako nagkulang sa pagprotekta sa kaniya. K-kung saan ba ako nagkamali? Sobrang b-bilis ng mga pangyayari na halos hindi na ako makapag-isip nang matino!" Muli siyang humagulgol na kaagad namang niyakap ni Meadow upang pakalmahin. Walang niisa sa kanila ang umimik maliban kay Wren na nanatili ang blangko nitong mga mata sa dalaga.

"Tahan na, Shell. Tahan na." Pagpapakalma ng kasama  saka hinagod ang likod ng kaklase. Miski si Meadow ay hindi mapigilang sisihin ang sarili, kung hindi lang sana siya nagpadala sa gulat at hinila kaagad si Elsie, sana hanggang ngayon ay kasama pa rin nila ang naturang kaklase.

Kaagad na naikuyom ni Willow ang kaniyang kamay. Kanina pa siya walang imik pero patuloy lang siyang nag-oobserba. Muling natuon ang mata niya kay Shilloh bago tinitigan ang suot nitong uniporme. Hindi na nito suot ang itim  na coat at tanging puting blouse na lamang ang naiwan. Saglit pa siyang nagtaka dahil hindi man lang nabahiran ng dugo ang napakaputi nitong blusa.

"H-Hindi ko naman kasalanan iyong nangyari di'ba?" Nag-angat ng tingin si Shilloh saka niya inilibot ang mata sa loob ng silid. Inisa-isa niyang tignan ang mga kasama niya rito na para bang nanghihingi ng kasiguraduhan. Gusto niyang makita na nasa panig nila siya nang sagayon ay makasiguro siya na siya ang papaniwalaan nila.

"Biktima tayong lahat sa outbreak na'to kaya wala tayong kasalanan sa mga nangyari," sagot ni Earlyseven habang nakasalampak sa sahig at pagod na pagod na sumandal sa pader. "Wala naman din tayong kontrol dito, di'ba? At hindi natin hawak ang oras ng isang tao. Walang sinuman ang makakapagsabi kung hanggang saan ka na lang. Kaya para sa'kin, hindi mo kasalanan iyon, Shilloh." Dugtong nito at doon itinuon ang mata sa dalaga.

"He have a point, this is actually a life and death situation. Kahit ilang beses pa tayong lumaban, kung talagang oras na natin. Mamamatay talaga tayo." Sang-ayon ni Ledger bago iniayos ang suot nitong salamin.

Isa-isa na silang nakumbinsi maliban kay  Willow na nananatiling walang imik at kay  Wren na  hindi pa rin inaalis ang mata kay Shilloh. Nang saktong magtama ang mga mata nila ay nanatili ang pagod na titig ng dalaga sa kaniya pero hindi niya ito pinansin. Nagtagal pa iyon hanggang si Shilloh na mismo ang nagkusang umiwas ng tingin at doon nananamlay na sumandal sa balikat ni Meadow.

"Tangina, sila Cody! Nandito na si Cody kasama sila Yohan at Mills!" Sigaw ni Ryder matapos itong makasilip sa pinto. Wala sa wisyong napatayo si Corbin saka nakiusyo sa pinto at doon nga nito nakita ang tatlo na papalapit dito.

"Sila Yohan nga!" Tuwang-tuwang sabi ni Corbin na tila nawawalan na ng  planong umalis sa pinto para salubungin ang kaibigan.

Nang saktong nakarating ang tatlo ay doon lang napansin ni Ryder at Corbin ang nagbabantang tingin ni Mills. Hindi ito nakatingin sa kanila, kundi sa nakasaradong jalousie na para bang may hinanap itong tao sa loob. Doon nakakunot-noong nagpalitan ng tingin ang dalawang binata at waring naguguluhan kung saan nagmumula ang ekspresyon ng dalaga.

"Mas mabuti pa siguro kung pumasok na kayong tatlo sa loob. Kailangan lang muna nating magpalipas ng oras." Sambit ni Ryder saka nagpalinga-linga sa labas upang tignan kung may paparating bang zombies pero wala, ubos na ang mga halimaw at lahat ng mga iyon ay kasalukuyan ngayong nakahilata sa sahig at mahahalata talagang pinangggigilang tinapos ang mga iyon.

Nang makasigurado na ang binatan ay doon niya lang nilawakan ang pagkakabukas  ng pinto para makapasok ang tatlo. Saktong pagsara niya no'n ay ang pagtayo naman ni Meadow sa kaniyang inuupuan at balak sanang salubungin si Mills pero hindi pa siya nakakapagsalita nang matagpuan niya na lamang ang mga mata nitong nagbabanta na nakatutok sa pwesto ni Shilloh na nanatiling matamlay sa upuan niya.

"Shilloh," tawag ni Mills dito. Kalmado man ang boses pero hindi maitatangging kababakasan ito ng matinding  inis at panghahamon. Nag-angat naman ng tingin ang kaklase at nang sa wakas ay nagtama na ang kanilangmga mata  ay doon muling nanumbalik sa isip ni Shilloh kung paano siya titigan nang may halong galit ni Mills kanina.

Nauunahan man ng takot pero tumayo pa rin siya at pinanatili ang pagod niyang mukha upang ikubli ang kabang nararamdaman. Nagpunas muna siya ng luha bago nagpasyang lumapit sa kaklaseng bagong dating.

"Naranasan mo na bang masuntok sa mukha?" Tanong ni Mills na siyang dahilan kung bakit nangunot ang noo ni Shilloh. Hindi pa man siya nakakasagot nang bigla na lamang umangat ang kamao ni Mills at dumiretso ito sa mukha niya.

Gulat silang lahat sa inasal nito lalo na nang napatihaya kaagad si Shilloh sa sahig habang hawak nito ang kaniyang ilong na siyang halos nadehado sa kamao ng dalaga. Namimilipit ito sa sakit at halos humalik na ito sa tiles habang mariing pinipikit ang mata. Ramdam niya na ang marahan nitong pagdugo dahil sa malapot na bagay na nakakapa ngayon ng kamay niya.

"Mills! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Hindi intensyon ni Meadow ang sigawan ito pero dahil sa naunahan siya ng gulat ay hindi niya sinasadyang mapagtaasan ito ng boses. Nahila niya rin ang balikat nito upang sapilitan itong ipaharap sa kaniya pero hindi man lang siya nito binalingan ng tingin bagkus ay nakatutok pa rin ang mata nito kay Shilloh.

Kaagad na nahablot ni Yohan si Mills upang pakalmahin sana ito pero tila ayaw nitong makinig.

"Eh kayo, ano rin ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Muling kababakasan ng panghahamon ang boses nito dahilan kung bakit halos silang lahat ay naguguluhan. Hindi nila maintindihan kung bakit umaakto ito na para bang may alam siyang hindi nila nalalaman.

"A-Ano? Teka nga, bakit sa tono ng pananalita mo eh parang may kasalanan kami? Eh ikaw nga 'tong biglaang sinuntok si Shilloh sa mukha na kita mo na ngang nanghihina iyong tao!" Depensa ni Meadow saka inalalayan patayo si Shilloh.

"Nanghihina? 'Yang hayop na 'yan nanghihina? Eh putangina 'yan!" Sigaw ni Mills bago dinuro-duro si Shilloh na muli na namang umiiyak. Ramdam din ng dalaga na hinihila na siya ni Yohan at si Corbin naman ay pilit na binababa ang kamay niya ngunit muli, ay hindi siya natinag.

"Wala  akong pakialam kung suntukin ko pa siya nang paulit-ulit dahil deserve niya iyon! Kulang pa nga iyang isang suntok na binigay ko para lang ipaalala ko sa kaniya iyong kaputanginahang ginawa niya kanina!" Sigaw na naman nito bago nagpumiglas. Pilit niyang nilalapitan ang pwesto ni Shilloh na siyang hinaharangan naman ni Meadow at ng iba.

"Ayan! Ayan ang putanginang coat mo!" Nangangalaiti niyang sigaw at doonmarahang hinagis ang bagay sa pwesto ni Shilloh na siyang nasalo naman ni Meadow.

"Magkasama kayo di'ba?" Diretsang tanong ni Mills saka mulung dinuro ang dalaga.

"Oo na! M-magkasama nga kami no'ng mga panahong iyon dahil p-pareho kaming nahulog sa hagdan nang u-umatake ang mga zombies!"

"Ayon naman pala eh, magkasama kayo pero nagawa mo pa rin siyang pabayaan? Putangina ka ba? ALAM MONG MAHINA SI ELSIE PERO TINITIGAN MO LANG SIYA!" Sigaw muli ni Mills at halos hindi na nila ito mapigilan dahil sa patuloy nitong panlalaban.

"Ano bang pinagsasabi mong pinabayaan ko siya? 'Wag mo nga akong husgahan na para bang alam mo ang buong istorya!" Ganti rin  ni Shilloh na hindi rin nagpaawat.

Umismid si Mills bago sumagot.

"Sige nga, sabihin mo nga sa'kin kung anong ginawa mo para tulungan si Elsie." Panghahamon na naman nito na siyang dahilan kung bakit bigla na lamang na nanuyo ang lalamunan ni Shilloh. Hindi niya alam kung papaano siya magpapaliwanag gayong alam naman niya sa sarili niya na wala talaga siyang ginawa.

"Nilabanan ko sila, Mills.  At  hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas ko para lang magi—"

"Nilabanan?" Halos matawa ang dalaga mula sa narinig. "Huwag mo ngang bilugin ang ulo ko, Shilloh. SINO BANG TANGA ANG MANINIWALA NA MARUNONG KANG LUMABAN?! Ni wala ka ngang dalang gamit para panlaban sa mga iyon, at kahit iyong coat na suot mo o kahit 'yang blouse mo, wala ngang bakas ng dugo! Sige, ngayon mo ipaliwanag sa'kin kung papaano nangyari iyon?!" Muli niyang panunumbat. Halos bumakat na ang ugat ni Mills sa leeg dahil sa walang humpay niyang pagsigaw. Ngunit ni isa sa kanila ay hindi na nagtangka pang sumingit dahil pareho silang nakikinig sa argumento ng dalawa.

"W-What the fuck? G-gano'n na ba ako kahirap paniwalaan ngayon? Hindi mo ba ako iintindihin, Mills? Biktima rin naman ako ah! Bakit parang kasalanan ko pang ako ang nakabalik dito at hindi siya? Ako naman p-please! Ako naman! I-intindihin niyo naman ako!" Nahihirapang sambit ng katunggali.

"Diyan, diyan ka magaling! Sa pagdadrama! Alam mo? Sa susunod na magpapaka-artista ka sa pag-arte, siguraduhin mo namang hindi ka mahuhuli! Putangina mo!" Muling hirit ni Mills at doon lang nakakilos si Meadow at binuklat ang coat ni Shilloh. Tinitigan niya itong maigi at  tama nga si Mills, wala itong bahid na kahit maliit na butil ng dugo maliban sa manggas nito. Nilingon din nito ang uniporme ng kaibigan, at muli. Wala rin siyang nakitang dugo. Tanging dumi at alikabok lang ang nagmarka rito.

Nang muli niyang ibalik ang tingin sa coat ay may biglaang napansin ang dalaga. Sa bulsa ng coat ng kaklase ay may kung anong malansang amoy na nagmumula roon at halata rin ang tila natoyong pulang kulay sa gawing loob. Natukso si Meadow na dukutin ang kung anumang bagay na nasa bulsa  pero bago niya pa man mailapat ang kamay sa patch, ay bigla na lamang inagaw ni Shilloh ang coat niya.

"T-Tapatin mo nga k-kami, Shilloh," bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Meadow nang harapin niya ito. "Tama ba ang sinasabi ni Mills?" Tanong nito na siyang dahilan kung bakit nabaling kaagad ang tingin nito sa kaniya. "T-tama bang,tama bang pinabayaan mo lang si Elsie?"

Wala siyang nakuhang sagot mula rito bagkus ay muli lang itong umiyak saka nagtangkang lumapit sa kaniya pero si Meadow na mismo ang nagkusang lumayo.

"Pinaliwanag ko na lahat, Meadow! A-ano pa bang kulang? Kung anuman iyong sinabi ko, iyon iyong totoo!" Depensa niya sa sarili  at nang nagtangka itong abutin siya ay doon niya mas nasilayan ang balat nito. Wala man lang itong galos na nakuha at hindi gaya kay Mills na halos manuyo na ang dugo nito sa pisngi at sa braso't pinti dulot ng mga nakakalaban nitong mga zombies. Kung tutuusin ay napakalinis ng balat ni Shilloh na para bang hindi pa nito nararanasang makipaglaban.

Pasimpleng pinisil ni Shilloh ang bulsa at nagbabakasakaling makapa ang tinatago niyang bagay pero laking pagtataka niya na lamang na wala iyon. Wala sa wisyo siyang napatingin dito at nag-umpisang ipasok ang kamay sa bulsa, binuklat-buklat niya pa iyon pero wala talaga roon ang hinahanap niya.

Bakas din ang pagtataka sa kanilang lahat dahil sa tila pagkataranta nitong kinikilos. Bago pa man makapagtanong si Meadow ay naunahan na siya ni Wren.

"Are you looking for this?" Kaswal na tanong ng dalaga. Prente lamang siyang nakatayo habang nakaipit sa dalawang daliri nito ang isang zip lock bag kung saan nakasilid doon ang flashcard ni Shilloh at sa likod naman noon nakasiksik ang pakete ng Cloud9. Sa itsura pa lamang nito ay mahahalata kaagad na hindi lang tsokolate ang naging laman no'n kundi pati bahid ng dugo.

Dinunggol ng kaba si Shilloh lalo na't sa lahat ng taong makakapulot nito, si Wren pa talaga. Hindi siya makapagsalita. Ni kahit tumanggi ay hindi niya magawa dahil halata na masyado na sa kaniya iyon.

"Hindi ko alam na may pagkaburara ka rin pala sa gamit. Nakalimutan mo pa yatang linisin ang kalat mo, Shilloh." Dagdag pa ng dalaga saka binuksan ang lock ng plastic at doon dinukot doon ang pakete ng tsokolate.

"A-Ano 'yan? C-chocolate pa rin ba 'yan?" Nahihintakutang tanong  ni Corbin habang nakatingin sa hawak ni Wren. Nanatiling kalmado ang dalaga bago nagdesisyon na lumapit kay Shilloh.

"Care to explain what kind of chocolate is this? Hindi kasi siya iyong normal na Cloud9 na kinakain ko eh. Would you mind to try eating this?" Salubong niya rito saka diretsang iniabot. Gaya ng kaniyang inaasahan ay tumitig laman ito sa pakete gamit ang kinakabahan nitong mga mata.  

"T-Throw it away." Natatakot nitong sabi bago nag-iwas ng tingin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling pumasok sa ala-ala ni Shilloh  ang nagawa niya kay Alison kanina lamang.

Hindi umimik si Wren bagkus ay mas nilapit niya pa lalo ang hawak sa mukha ng kaklase dahilan kung bakit napatili na ito saka umatras papalayo.

"FUCK! I SAID THROW IT AWAY! HINDI KA BA MAKAINTINDI?!" Nangangalaiti nitong asik.

Bahagyang lumamyos ang mukha ni Wren saka binaba ang kamay.

"Why do you look  so scared, hmm? May naalala ka ba sa chocolate na 'to?"

"Where did you get that? Dugo ng zombie  'yan di'ba, Shilloh?" Nang-uusisang tanong ni Ledger saka lumapit kay Wren at kinuha ang pakete. Doon nga nakumpirma ng binata na tama ang hinala niya. Dugo nga ito ng zombie dahil sa masansang nitong amoy.

"Meadow onced told you guys to clean your weapons the moment we entered the cookery room, right? I also recalled that you've used this trash to wipe every drip of blood." Panimula ni Wren bago kampanteng naglakad palapit sa dalaga. "Pero sa halip na itapon mo iyon, ibinulsa mo pa. Bakit kaya?" Panghahamon pa nito at doon  makahulugang tinitigan ang kaklase na agaran namang nag-iwas ng tingin.

"SHUT UP!" Muling sigaw nito saka ibinaon ang mukha sa gitna ng kaniyang tuhod at marahang tinakpan ang magkabila niyang tainga  gamit ang kaniyang kamay. "J-just fucking shut your mouth, Wren. WALA KANG ALAM!"

"Really, wala nga ba? Hindi pa ako tapos," saglit niya munang ipinagkrus  ang kaniyang balikat waring nag-iisip ng susunod niyang sasabihin. "As you can see, halata talagang punong-puno  ng dugo  ang pakete na 'yan. Pero bakit parang kumonti yata? Parang pinahid ito somewhere." Saglit na sinilip ni Wren ang pwesto ng kaklase pero nanatili lang itong nakatungo at patuloy na umiiling.

"And then things suddenly moved in reverse. You dragged Mills inside that cuisine but you didn't dare to talk to her. Bagkus, abala ka lang sa pagtitig diyan sa zip lock bag mo. I wonder what things are running in your mind while staring on it. Care to share it?" Huminto ang dalaga sa paglalakad saka diretsong tinitigan si Shilloh na halos maubusan na halos ng sasabihin at hindi na alam pa kung ano ang gagawin niya.

"H-Hindi ko iyon sinasadya. H-hindi ko ginusto iyong nangyari kay Alison!" Sigaw niya ulit at marahang iniangat ang kaniyang tingin. Muli na naman itong umiiyak na tila bagong gising mula sa bangungot na sumusunod sa kaniya.

Saglit silang natahimik hanggang sa dahan-dahang napatayo si Willow. Biglang nanumbalik lahat ng sakit na pilit niyang iwinawaksi matapos nitong marining ang sinagot ng kaklase.

"S-So it was y-you?" Mapakla niyang sabi pero hindi siya nito nilingon. "Tangina sagutin mo'ko! Ikaw nga ba ang may dahilan kung bakit nangyari iyon kay Alison?!" Napatakip ng tainga si Shilloh at doon pinanggigilan ang buhok niya.

"Oo na! Ako na! Ako na ang may kasalanan kung bakit nawala sila sa inyo! Ano, masaya na kayo? Masaya na kayong mar─" hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya nang bigla siyang sampalin  ni Willow.

"Gago ka ba? Papaano kami magiging masaya dahil lang sa pag-amin mo? Naririnig mo pa ba ang sarili mo ngayon, Shilloh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Willow saka tinitigan ito nang mariin. "Nagawa mo nang pumatay! Hindi lang isang beses kundi ginawa mo pang dalawa! Ano bang kasalanang ginawa nila sa'yo para magkaganyan ka?!"

"Bakit mo ba ginawa iyon? Ano bang nagtulak sa'yo para umakto ka nang ganiyan!?" Akmang susugod pa ulit ang dalaga pero napigilan na siya ni Ledger. Nahila ng binata ang kamay nito saka hinapit ang bewang ng dalaga para hindi na ito makalapit pa.

"B-Buhay nila Alison at Elsie iyong kinuha mo, Shilloh. Alam mo ba kung gaano kabigat iyong ginawa mo? Pinagkaitan mo sila ng karapatang mabuhay!" Nag-umpisang magpumiglas si Willow para lang makawala at makanti ang kaklase pero nanatili ang binata sa tabi niya para awatin siya.

"Y-You don't understand what I feel." Umiiyak na sambit ni Shilloh gamit ang puro niyang bosed. "Hindi niyo 'ko maintindihan dahil kahit kailan hindi niyo naman talaga ako inintindi! NI MINSAN NGA HINDI NIYO MAN LANG AKO KINAMPIHAN!" Lumukob sa buong silid ang namamaos niyang boses bago pagod na nagpunas ng luha. "B-bakit ba sa lahat ng gagawin ko, laging ako na lang iyong mali? B-bakit ba lagi na lang ako ang may kasalanan? Bakit ba lagi na lang sila ang nakikita niyo? Papaano naman ako? PAANO NAMAN AKO?!"

Saglit na umismid si Mills dahil sa narinig at doon marahang inalis ang pagkakahawak ni Yohan sa kaniya.

"Ni minsan din ba tinanong mo ang sarili mo kung bakit sila ganiyan sa'dyo?" Tanong nito dahilan kung bakit dahan-dahan itong napalingon  isa kaniya. "Ni minsan ba inisip mo ang consequences sa mga desisyon mo bago mo iyon gawin?" Dagdag niya pa na siyang nakapagpatahimik sa kaklase.

"Hindi, tama? Dahil selfish kang tao, Shilloh. Sarili mo lang ang iniisip mo kaya willing kang mandamay ng ibang tao para lang makuha ang gusto mo," panunumbat ni Mills dahilan kung bakit muling napayuko ang dalaga. "Papaano ka namin ituturing na kaibigan kung ikaw mismo ang gumagawa ng rason para kaayawan ka namin? Hindi ito ang unang beses na may pinahamak kang tao Shilloh. At alam kong alam mo 'yan."

"Pinahamak mo pa nga dati si Collins, lalo na si Chloe na walang ibang ginawa kundi ang magpakabait sa'yo. Sinira mo siya, Shilloh. Sinira mo ang samahan ng Aries, sinira mo kami."

Lahat sila ay halos mablangko sa mga bagay na natuklasan nila. Hindi nila lubos maisip  na isa pala sa kasama nila rito sa loob ang siyang may dahilan kung bakit patuloy silang nababawasan. 

"Siguro kung hindi ka lang namin sinama. Hindi sana sila mawawala, nagkandaletche-letche na lang lahat nang isinama ka namin! Sana nakagat ka na lang ni Sir Louie! SANA NAWALA KA NA LANG!" Singhal ni Willow dahilan kung bakit muling tinakpan ng dalaga ang tainga niya.

"Ano naman ngayon kung nandito pa rin silang dalawa? May magbabago ba sa pagtrato niyo sa'kin?" Marahang pinahid ni Shilloh ang luha niya gamit ang coat niyang hindi niya pa rin isinusuot. "Wala rin di'ba? Because you are all busy forming your own world without even minding me. Kaklase niyo rin naman ako ah? But you guys never treated me as a friend."

Hindi na nagpatumpik-tumpik ang dalaga at ipinagtapat ang mga bagay na gusto niyang sabihin dati pa lang. Wala na rin namang saysay na magkukunyari pa siya lalo na at nagkakasiraan na rin sila.

"Pagod na pagod na akong makita kayong masaya. I am so sick seeing that you guys are fine without me. That you are all okay without knowing na nandito rin naman ako," banggit niya saka sila dinuro isa-isa. "Ayos naman iyong samahan natin bago pa dumating iyong Chloe na iyon ah. We are all having fun kahit masasabi kong hindi tayo ganoon ka-close. But things have changed when that fucking shit came!"

"Sa kaniya lang kayo naka-focus. Kung hindi niyo siya sasamahan lagi, siya naman iyong pinapaburan niyo! Puro na lang si Chloe, Chloe, Chloe! Bwisit 'yan! At iyong papansin na iyon, nag-eenjoy pa sa attention na binibigay niyo!" Walang halong pagbibiro niyang sambit na siyang nakapagpatahimik sa lahat.

"I was so fucking jealous knowing that she easily got each of your attention, sobrang bilis niyo siyang naka-bonding while ako? Ako na nga iyong nauna, ako pa iyong na-echapwera," saglit siyang huminto at mahinang humikbi. "That's why I used my wealth to become part of Bermuda Triangle, I joined Quincy's group to drag her down!"

Pagpapatuloy niya na siyang  naging rason kung bakit gumuhit ang pagkadisgusto sa mga mukha nila.
Muli siyang huminto at doon pagak na natawa.

"That's why I did it," diretsa niyang sabi saka sinalubong ang tingin ni Willow. "Kung hindi rin naman ako magkakaroon ng kaibigan, mas mabuti pa kung aalisin ko rin sa buhay niyo ang mga kaibigang meron kayo." Saglit siyang huminto at doon sinalubong ang tingin ni Mills.

"Dahil napaka-unfair para sa'kin na kayo lang ang masaya at ako hindi." Huli nitong sabi bago patakbong umalis at wala man lang sa kanila ang nagbalak na pigilan siya. Miski si Ryder na natuod sa pinto ay hindi man lang nag-abalang hawakan ang seradora para hindi ito tuluyang makalabas.

Wala sa wisyong napakagat-labi si Shilloh saka marahang tinabig palayo si Ryder at doon nagmadaling umalis sa room.

Doon muling nagsimulang dumaloy ang mga luha niya habang tumatakbo. Nanlalabo man ang tingin pero pinilit niya pa ring makakilos. Nang naramdaman niya na ang pangangatog ng binti niya ay doon siya kusang huminto. 

Saglit siyang natuod at nagbabakasakali na may dadalo sa kaniya at muli siyang pababalikin pero wala. Walang kahit sino sa mga kaklase niya ang nagbalak na sundan siya.

Nilingon niya pa ang pinanggalingan niya upang tignan kung may lalabas ba sa pinto pero nanlumo siya nang wala pa rin. Wala sa wisyong naikuyom niya nang mahigpit ang kamay bago muling nagpatuloy sa pagtakbo paalis ng gusaling ito.

Takbo lang siya nang takbo at hindi na niya halos napagtuunan nang pansin kung saang parte na siya ng eskwelahan. Ang alam niya lang ay gusto niyang lumayo. Lumayo sa mga taong kahit kailan ay hindi siya nagawang pakisamahan.

"W-What the fuck? Why am I even crying?" Tanong niya sa sarili at muli na namang pinahid ang rumaragasang luha niya. "Hindi mo kailangang maging affected sa ginawa nila sa'yo, Shilloh." Pangungumbinsi niya sa sarili niya nang hindi man lang tumigil sa pagtakbo. Tulyan na siyang nakalabas sa building at ngayon ay tinatahak na niya ang isang panibaging pasilyo.

"If they're fine without me then I must be fine without them too. That's it. Hindi ko kailangan ng tulong mula sa kahit sino. Dahil alam kong kaya ko. Tama, kaya kong makaalis dito nang hindi hinihingi ang tulong nila. I can do it all by myself." Muli niyang sabi at natagpuan na niya lamang ang sarili  sa gawing gitna ng corridor na puno ng mga bangkay.

Sa nakikita niya ay katawan iyon ng mga zombies na hindi na gumagalaw pa. Sandali niyang sinipat ang mga itsura ng halimaw at nakita niya kaagad ang mga dartpins na nakatarak diretso sa mga ulo nito.

Nilakasan niya ang loob niya saka dumaan sa gitna ng mga patay. Hindi siya nagpakita ng kahit anong takot pero nanatili siyang tahimik at nagmamasid para maging handa kung saka-sakali mang may aatake.

Nang tuluyan siyang makadaan ay umikot siya sa likod ng gusali. Isa na namang hallway ang napuntahan niya at hindi na niya pinansin pa kung saang parte na 'to. Saktong pag-apak niya sa panibagong corridor ay sumalubong sa kaniya ang nagpapatay-sinding ilaw. Muli, ay hindi siya natablan ng takot bagkus ay isinawalambahala niya lang iyon na para bang hindi ito aapekto sa kaniya.

Pero bago pa siya makalakad ulit. Bigla na lamang siyang nakarinig ng tila kadenang hinihila sa sahig dahilan kung bakit muli siyang napahinto.

"What's that sound?" Bulong niya sa sarili saka nag-umpisang magpalinga-linga. Sunod niyang narinig ang pares ng paa na naglalakad. Tila ba sa taong iyon nagmumula ang kadenang naririnig niyang kumakalansing sa sahig. Isa lang ang napagtanto ni Shilloh sa mga oras na 'to. Na sa panibagong gusali na napasukan niya, hindi siya nag-iisa.

"It was a nice experienced being a bully, right? So hindi naman siguro ganoon kasama kung magpalit muna tayo ng pwesto,"

Halos tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan nang bigla niyang marinig ang tinig nito. Sa hindi malamang dahilan ay muli siyang inatake ng kaba. Kabang mas naging triple pa sa nararamdaman niya kanina.

"T-That voice." Nag-umpisa siyang mataranta dahil hindi siya maaaring magkamali, kilalang-kilala niya ang taong nagmamay-ari sa boses na iyon.

"Me being the bully and you as my victim."

Palapit nang palapit ang boses nito na para bang paparating ito sa pwesto njya. Kaya mabilis pa sa segundong nakakilos si Shilloh upang makalayo pero bago pa siya makalagpas ay kusang lumabas mula sa madilim na pasilyo sa mismong harap niya ang pigura ng babaeng akala niya ay wala na. May hila-hila itong bangkay at may kadena ito sa leeg na siyang hinahawakan nito ngayon.

Pareho silang natuod na dalawa. Na tila ba nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita. Muling nanginig ang dalaga dahil sa takot na nararamdaman. Ramdam na niya ang titig nitong pinupukol sa kaniya pero nanatili pa rin siyang nakatayo.

Sa muling pagbukas ng ilaw ay nasilayan niya ang mukha nito. Halos mapaatras siya dahil sa nakikita niya. Hindi pa rin nagbago ang maputla nitong kulay, ang maitim nitong ugat ay mas lalong dumami na siyang halos pumuno sa makinis nitong balat. Pero ang mas nakatawag ng kaniyang pansin, ay ang bibig nitong napuno sa dugo. Dumadaloy iyon mula sa bibig ng kaharap, paibaba sa leeg hanggang sa mamantsahan ng kulay pula ang napakaputi nitong blouse.

Nang magbukas ulit ang ilaw ay doon nakita ng dalaga ang unti-unting pagguhit ng matamis na ngiti sa labi nito na siyang nagdulot ng ibayong klaseng takot sa sistema ni Shilloh.

"C-Chloe?" Nahihintakutan niyang banggit saka itinago ang kamay niyang halos mangatog sa takot. Pabagsak na itinapon ng dalaga ang hawak nitong bangkay bago malamyos na nagsalita.

"It's been awhile, how are you Shilloh?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top