Chapter 20: Takas
Saktong pagpatak ng alas siete ng gabi ang siyang pagliwanag ng buong Juanico High. Tuluyan nang umandar ang generator ng eskwelahan kaya kaagad na binalot ng liwanag ang classroom kung saan nandoon ang grupo nila Mills na kanina pa nahihimbing sa pagtulog. Mabilis silang nagsi-atungal na parang mga bata at halos sabay-sabay na nagsitakip ng mga mata maliban kay Earlyseven na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.
"Putangina, sinong anak ni Satanas ang nagbukas ng punyetang ilaw?" Iritadong banggit ni Corbin saka pinunasan ang tumulo niyang laway na halos dumaloy na papunta sa kaniyang pisngi. Kaagad silang nagsibangon lahat at doon lang nila nakita si Wren na nakatuntong sa mesa habang abala ito sa pagsilip ng nangyayari sa labas.
"Anong nangya—" hindi na natuloy pa ni Ryder ang kaniyang sasabihin nang bigla silang makarinig ng static sound. Kaagad niyang tinakpan ang tainga niya dahil sa tinis ng tunog nito na para bang gustong sirain ang eardrums niya.
"There's someone inside our control room," saad ni Ledger bago kinusot-kusot ang mata at sumunod sa pwesto ni Wren upang makisilip din sa nangyayari. "And they all followed the static sound coming from the speakers." Dugtong niya nang makitang nagsitakbuhan ang mga zombies patungo sa pwesto ng mga naglalakihang speakers nitong school.
"The corridor is now clear." Puna ni Wren bago sila nilingon. Akmang magsasalita na si Yohan pero hindi niya na iyon naituloy pa nang biglang mapalitan ang static sound ng isang boses.
"H-hello?" Kaagad silang nagsitinginan lahat nang makilala ang napakapamilyar nitong tinig. Kahit isang salita pa lang ang binanggit nito ay natukoy na nila kaagad kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kusang nagsi-usbong ang pag-asa sa kani-kanilang mukha saka inantay ang susunod nitong sasabihin.
"I am not really sure i-if may nakakarinig pa sa'kin ngayon." Dugtong nito at doon na nila sunod-sunod na narinig ang patuloy nitong pagsinghot na tila ba kagagaling lamang nito sa pag-iyak.
"P-pero kung meron man. I want all of you to listen, makinig kayo sa'kin kahit ngayon man lang. W-we are all stocked in this school dahil sa sudden outbreak na nangyari. At hindi ako sigurado kung hanggang kailan ito m-magtatagal." Dagdag ng maestra na siyang dahilan kung bakit halos hindi na magkamayaw ang mga zombies na sundan ang pinagmumulan ng boses. Kaagad nilang nilingon si Wren na nagsimula na ngang kumilos upang maghanap ng bagong pandepensa.
"Hindi ito ang oras para tumunganga lang tayo rito sa loob dahil hindi tayo sure kung hanggang kailan lang magiging clear ang dadaanan natin palabas. Kaya mas mabuti pa siguro kung samantalahin na natin 'to." Mungkahi ni Yohan at muling inilapat ang kamay sa tubong hawak-hawak niya kanina.
"Yohan is right, prepare yourself and go grab your things." Gatong ni Ledger bago nito piningot ang tainga ni Earlyseven dahilan kung bakit mabilis itong napabangon dahil sa sakit na dinulot noon.
"Aray!" Asik nito na siyang naging rason kung bakit tuluyang nagising ang diwa niya saka asar na asar na binalingan ng tingin ang kaibigan. Akmang pagsasalitaan na niya ito pero kaagad lang siyang napaayos sa kaniyang pagkakaupo nang nagsikilos na ang mga kaklase niya. Saglit siyang nagtaka kung ano bang meron at hindi niya alam kung ano bang nagyayari dahil tila naghahanda ang lahat.
"Walang networks na available ngayon at hindi ko alam kung bakit naputol lahat ng linya natin for communication. Kahit anong social media platforms na meron tayo ay hindi rin gumagana kaya wala tayong mahihingan ng tulong." Sunod na lang napansin ng binata na may nagsasalita sa speaker na siyang nagtulak sa kaniya para mag-angat ng tingin. Sinalubong naman iyon kaagad ni Ledger at doon maayos na iniabot ng binata ang isa pang tubo sa kaniya.
"Aalis na tayo rito kaya tumayo ka na. As much as possible, kinakailangan nating makalayo man lang sa building na'to para makalapit na tayo sa gate." Paliwanag ng kaibigan saka siya itinayo at inayos ang kaniyang kwelyo.
"Are we going to head our way sa second gate? How about Ms. Garcia? Iiwan ba natin siya rito sa school?" Agarang tanong ni Elsie habang tinutulungan siya ni Mills na ayusin ang lumuluwag na pagkakatape sa kaniyang coat.
Kaagad nailipat ng lahat ang tingin nila sa pwesto ni Wren na kasalukuyan pa ring nasa kitchen at naghahanap ng iba pang pwedeng maisalba. Gusto nilang marinig ang opinyon ng kaklase ngunit dahil nga sa tila ayaw nitong magpaabala ay hindi na nila ito ginambala pa.
"Kung hindi tayo maipit ulit palabas dito sa building, may pag-asang madadaanan natin si Ma'am papunta roon." Sagot ni Cody saka sumenyas kay Ryder na tulungan siyang alisin ang mga upuan at mesang pinangharang nila sa pinto.
"Wait..." sita ni Shilloh nang biglang pinihit ni Cody ang seradora senyales na bubuksan na niya ang pinto. Kaagad napalingon ang binata sa kaniya nang may pagtatakang tingin. "Kayo na nga mismo ang nagsabi na hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos sa pagpaplano, right? Kaya bakit ba kayo atat na atat na umalis dito? What if may horde pa lang nakaabang sa ibang hallways at corridors diyan sa labas? Isn't it a good idea if someone should check it first before we go out?" Suhestiyon niya dahilan kung bakit nabitawan ni Cody ang doorknob saka nilingon si Ledger na nasa likod niya.
"She have a point, Cody. It's too risky kung lalabas tayong lahat tapos bigla silang mag-surprise attack sa'tin. We don't know what other abilities those creatures are capable of. Mas mabuti na iyong maging segurista tayo, nawalan na tayo ng isa. Mahirap na baka may madagdag pa." Pagsang-ayon ni Ledger sa sinabi ng kaklase.
"Kung gano'n, sino ang lalabas sa'tin dito?" Tanong ni Cody at mabilis naman na nilipat ni Shilloh ang tingin kay Mills na kasalukuyang inaayos ang suot nitong coat.
"Mas mabuti pa siguro kung lalaki na lang ang lalabas, delikado para kay Mills 'yang pinapagawa mo Shi—" hindi na natuloy pa ni Meadow ang pag-awat niya nang lakas-loob na nag-angat ng tingin si Mills at doon nagsalita.
"Ayos lang, Meadow. Babalik ako kaagad." Paniniguro niya dahilan kung bakit dagliang nangunot ang noo ni Elsie maging kay Yohan.
"What? No, you're not going." Pigil sa kaniya ng kaibigan at binalak pang hilahin siya palapit pero siya na mismo ang nagkusang lumayo.
Sinuklian lang siya ni Mills ng tipid na ngiti na para bang sinasabi nito na kaya niya. Hindi na rin siya nag-atubiling tignan ang iba bagkus ay dumiretso na sa pwesto ni Cody na inaantay lang din siya.
"Sigurado ka ba, Mills? Pwede namang ako na lang ang tumuloy o 'di kaya si Yohan." Alanganing tanong ni Cody saka binalik ang kamay sa pinto. Tumango lang ang dalaga bilang tugon at nilipat ang tingin sa labas.
"Kung makaarte ka naman diyan, parang mamamatay na ako sa pupuntahan ko. Kaya ko 'to, okay? Wala ka atang bilib sa'kin, Fil-Am." Hirit na sambit ng kaklase bago kinuha ang isang tubo sa tabi ng binata at doon na sumenyas na buksan na ang pinto.
"Nasa kaliwa nakapwesto ang speaker dito sa building na kinalalagyan natin ngayon kaya sa kanan tayo dadaan. Kapag nasigurado kong clear ang pwestong iyon─" saglit na huminto ang dalaga sa pagsasalita at diretsong tinuro ang kanang bahagi ng gusali na bahagyang nakakakilabot ang itsura dahil sa ilaw nitong nagpapatay-sindi. "—sesenyas ako sa'yo kaagad para makasunod kayo sa'kin, ayos ba?" Dugtong ni Mills nang walang bahid na kahit anong pag-aalinlangan. Tinanguan siya ni Cody bago niya pinihit nang buong ingat ang seradora para hindi ito makagawa ng ingay. Nang saktong nakalabas na si Mills ay doon na nila sinilip ang kaklase sa bintana na tuloy-tuloy na nilakad ang pasilyo.
Panay ang pagmamatiyag ni Mills sa paligid saka pinipilit na hindi makagawa ng ingay ang suot niyang sapatos. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa tubo na nakahanda niyang ipanghampas kung saka-sakali mang may aatake sa kaniya. Sinisilip niya rin ang mga nadadaanan niyang classrooms para tignan kung may makita ba siyang survivors pero gaya nga ng kaniyang inaasahan ay wala siyang napala.
Sunod siyang lumipat sa susunod na classroom at napagtantong room ito ng sports club. Hindi na nag-atubili si Mills at muli niya itong sinilip nang maigi kung may tao bang nagtatago sa loob pero tanging babaeng zombie lang na nadaganan ng aparador ang sumalubong sa kaniya. Kamuntik pa siyang mapaatras dahil sa gulat pero nang makitang hindi ito magawang makaalis ay doon lang siya natauhan.
Sinipat niya pa itong muli hanggang sa dumako ang tingin niya sa bolang nasa sahig. Bigla na lamang pumasok sa isip niya ang mukha ng kaniyang nakatatandang kapatid. Wala pa siyang balita rito at hindi niya alam kung nasaan na nga ba ang Kuya niya. Alam kaya nito na may nangyayaring hindi maganda sa kanilang narito sa school? O kung nakauwi ba 'to nang ligtas sa bahay ng kanilang Loli. May parte rin sa kaniya na napapaisip na baka nandito ito sa Juanico High at hinahanap siya?
Wala sa wisyong napabuntong-hininga ang dalaga saka nag-iwas ng tingin. Hindi niya matukoy kung alin ba sa mga tanong na nasa isip niya ang siyang tutugma sa kaniyang kapatid ngayon. Pero isa lang ang hinihiling niya, na sana ay ligtas din ito at buhay pa katulad niya.
Muli siyang naglakad ulit para mas lalong makalapit sa labasan. Nilunok niya lahat ng takot dulot ng nakaka-intimidang atmosperang pinapakawalan nitong paligid. Aminado si Mills na hindi siya komportableng maglakad sa sitwasyong 'to nang mag-isa, pero kahit papaano ay nilalakasan niya ang kaniyang loob dahil may parte sa kaniyang pagkatao ang gusto niyang makumpirma. Hindi na rin siya umangal pa nang siya ang pinili ni Shilloh na palabasin, halata kasi sa mukha ng kaklase na nagdududa na ito sa sarili niyang pagkatao na siyang hindi naman kinontra ng dalaga. Miski siya ay may mga bagay na hindi niya magawang maintindihan lalo na sa mga kakaibang nangyayari sa kaniya ngayon. Gaya na lamang ng sunod-sunod niyang pag-nonosebleed na siyang hindi niya maintindihan kung bakit.
Nang saktong pakurbada na ang pasilyo ay saglit siyang sumandal sa malamig na pader bago panaka-nakang sumilip sa panibago na namang corridor. Wala itong katao-tao at halatang ligtas naman kahit papaano ang paligid. Laking pasasalamat niya na lamang dahil mas maliwanag ang parteng 'to dulot na rin ng dikit-dikit at mahahabang fluorescent sa itaas.
Muli siyang lumingon sa pinanggalingan niya kanina at nakita niya namang inaantay siya ni Cody. Nakaabang din sa tabi nito si Yohan na diretso ang tingin sa kaniya. Sumenyas si Mills sa kanila na sumunod na dahilan kung bakit lumingon ang dalawang binata sa kanilang likuran upang pagsabihan ang mga kaklase na magsikilos.
"Guys, I am not saying this to break your hopes. Magpakatatag kayo. Kung sino man sa inyo ang nakakarinig nitong sinasabi ko ngayon. Please pull yourself together and fight for your lives. No one will come here to save us all so we're going to do it ourselves. You are all a city highians who are raised to be brave and shaped to fight, right? K-kaya niyo 'tong lahat, okay? M-makakauwi rin tayo. So please, stay alive."
Muli niyang narinig ang boses ng kanilang classroom adviser na siyang dahilan kung bakit wala sa wisyong naitukod ni Mills ang hawak na tubo sa sahig. Nag-umpisang magsi-unahan ang emosyon niyang nakakubli sa kaniyang sarili dahil sa panghuling sinabi ng maestra. Labis-labis na ang pinagdaanan niya magmula pa kanina at mas nadadagdagan pa iyon nang muli silang nagkasamang magkakaklase. Hindi niya na rin halos mabilang kung makailang beses ng nalagay sa alanganin ang buhay niya sa araw na 'to. Hindi niya na rin lubos maisip kung gaano pa ba kadami at kalala ang sasalubong sa kanila pagdating bukas.
Ilang beses na silang sinubok ng kapalaran kung gaano sila katatag at pinipilit din nilang labanan iyon para lang makapagpatuloy na makipagsapalaran sa isang digmaan na kailanman, hindi nila lubos maisip na mangyayari.
Sa mura nilang edad, ay bigla silang naipit sa isang nakakamatay na sitwasyon. Sa bingit ng kamatayan na kahit saan ka man magtago, hahabulin ka pa rin.
Kusang nag-angat ng tingin si Mills saka binaling ang tingin sa speaker na muling nagpapakawala ng static sound. Mahirap man para sa kanila ang magkunyaring matatag para sa kapakanan ng kanilang grupo. Pero gagawin pa rin nila iyon, alang-alang sa kani-kanilang buhay. Hindi lang sila lumalaban para sa sarili nila, kundi para sa mga importanteng tao na nag-aantay sa kanila sa labas ng matatayog na bakod ng Juanico High.
Sa kabilang banda, nang saktong nakapasok na sila Yohan sa loob ay doon sila sumenyas sa mga kaklase na lumabas nang tahimik.
"Mauna ka na, Yo. Sa likod ako magbabantay." Bilin ni Cody sa kaibigan na hindi naman nagdalawang - isip na sumang-ayon. Nang isa-isa na silang nagsisunuran ay saka lang napagtanto ng binata na ang dalagang hinahanap niya ay nasa loob pa rin ng kitchen nitong room.
"Wren, tara na." Aya niya sa kaklase na ngayon ay may hawak na bag kung saan nakasilid ang mga pagkain na nakuha niya rito. Nang matauhan si Wren ay doon na niya ibinulsa ang pakete ng tsokolate na kanina niya pa tinitignan bago tinuon ang mata niya sa babaeng kalalabas lang ng pinto.
Patay-malisya niyang nilingon si Cody at ito na ang humawak sa bag niyang dala at walang pasa-pasabing lumabas at sumunod. Sinigurado muna ng binata na wala na silang naiwan sa room bago niya tuluyang isinara ang pinto at tumuloy na sa paglalakad.
Pabilis nang pabilis ang kanilang paghakbang hanggang sa tuluyan na nga silang nagsitakbuhan para mas mabilis na makaalis. Patuloy naman silang inaantay ni Mills sa kabilang pasilyo na nagmamasid pa rin sa paligid.
"Sa likod na tayo dadaan." Pasya ni Meadow bago sumenyas na magsikilos na sila ulit. Tuluyan silang nakalabas sa building nang wala man lang nakakasalubong na horde. Mabuti na nga lang at nanatili pa rin ang static kundi ay paniguradong makakatawag talaga sila nang pansin.
Saktong pag-ikot ng grupo ay agaran silang napunta sa kabilang bahagi ng quadrangle na mabilis naman nilang tinakbo.
"Na check mo 'tong area na 'to, Mills?" Mahinang tanong ni Meadow sa kaklase na kaagad naman siyang tinanguan.
"Kung hindi papatayin ni Ms. Garcia ang speakers, malaki ang tiyansa na wala tayong madadaanang zombies. Iyon ay kung, walang makakapansin sa'tin." Alanganing sagot ni Mills at saktong pagdapo ng kamay niya sa handrail ay doon niya mabilisang hinila ang sarili papasok sa panibagong building.
"What are we doing here? Magtatago ba tayo ulit sa classroom?" Nagtatakang tanong ni Elsie habang pinapagitnaan ito nila Meadow at Shilloh. Hindi siya pwedeng dumikit kay Mills lalo na at ang kaibigan ang nagsisilbi nilang opensa sa unahan. Kasabayan ng dalaga ang kaklase nilang si Yohan na seryosong binabantayan ang paligid.
"Masyadong delikado kung pagala-gala tayo sa labas. Mas nakakatawag pansin iyon kaya hindi imposibleng mahabol tayo ng horde." Sagot ni Meadow sa dalaga.
"We have to check each rooms here to see if may mga tao rin bang na-trapped sa loob." Singit ni Ledger matapos tingalahin ang 4 storey building.
"Kung meron nga talagang taong na-trapped diyan kanina, they're not dumb enough naman siguro para hindi mapansin ang reaction ng zombies sa sounds right? Paniguradong nakaalis na ang mga iyon so it's much better if we're going to do the same." Tutol ni Shilloh saka muling ipinag-krus ang braso. Halata ang pagkadisgusto sa boses niya dahil sa desisyon ng kaniyang kaklase. Pero halos mapabuga lang siya ng hangin dahil sa inis nang muli na naman siyang hindi pinakinggan ng mga kasama.
"Aakyat ako, mabilisan lang 'to." Paalam ni Yohan rason kung bakit naiwang nakabuka ang bibig ni Mills at bigong maisatinig ang kaniyang sasabihin dahil umakyat na kaagad ang binata sa itaas.
"Teka, Cody." Hindi na rin nagpapigil si Cody at sumunod din sa kaibigan. Wala na lamang pang nagawa si Ryder kundi ang tignan ang anino ng binata na tuluyan nang nakaakyat sa itaas.
"We have to move, aantayin natin sila sa kabila." Deklara ni Wren na kaagad naman din nilang sinundan. Nanguna ulit si Mills sa paglalakad at si Ryder ang siyang nagpahuli. Mahaba-habang pasilyo pa ang kanilang nilakad at tahimik nila itong binabaybay.
Hindi naglayon ay ligtas silang nakarating sa kabila pero hindi pa rin tuluyang bumababa ang dalawa. Marahil ay sinigurado talaga nila wala silang makakaligtaan na tignan.
Nang saktong makarating sila sa kabilang pader ay saglit silang huminto para sana sa pwestong iyon antayin ang dalawang kaklase. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kaagad silang naalerto nang may biglaang humampas sa doble nitong pinto na para bang may gustong kumawala sa loob noon.
"Tulong! Tulungan niyo ako! May nakakarinig ba sakin diyan? Please buksan niyo 'tong pinto!" Sunod-sunod nitong sigaw at namalayan na lang nila ang walang humpay nitong paghampas sa pinto waring nagmamadali. Sa paulit-ulit na pagsigaw ng babae ay doon nagsipalitan ng tingin ang magkakaklase at para bang nagkakalituhan kung bubuksan ba nila iyon o hindi.
Akmang magdedesisyon na sana si Meadow na buksan iyon pero nahinto lamang ang pagbabalak niya nang pigilan siya ni Wren. Naiwang nakaangat sa ere ang kamay ng dalawang dalaga habang diretsang pinanood ang umaalog na lock ng pinto na tila ba bibigay na kung babanggain pa itong muli gamit lamang ang isang malakas na pwersa.
Hindi pa nakakapagsalita si Meadow nang bigla na lamang iyong bumukas dahilan kung bakit tumalsik siya sa kabilang pader habang si Wren naman ay napatihaya sa sahig. Hindi pa man sila nakakatiyempong makatayo ngunit malaya nilang nakita ang pagbagsak ng babaeng kanina lang ay hinahampas ang pinto.
Maputla na ang balat nito at nagsisilitawan din ang nangingitim nitong mga ugat. Bago pa sila makapagsalita ay bigla na lang nilang nakita ang grupo-grupong mga zombies na mabilis na tinutungo ang kanilang direksyon.
"Takbo! Takbo! Takbo!" Tarantang sigaw ni Ryder saka sila hinila at nanguna na sa pag-alis. Mabilis ding nagsisunod ang iba maliban na lamang kay Mills na nagpaiwan at kaagad na nakakilos para isara ang pinto. Saktong naipagdikit na niya ang dalawang pinto ay ang siya namang pagtayo ng babae sa harap niya.
"Mills, tara na!" Sigaw sa kaniya ni Corbin pero hindi ito nakinig bagkus ay sumenyas lang ito na mauna na ito.
"Sige na, Corbin! Susunod ako!" Ganti nitong sigaw matapos niyang maiwasan ang papasugod na babae. Nang makailag siya sa atake nito ay kaagad na humampas sa pader ang halimaw dahilan kung bakit muli itong bumagsak sa sahig at agresibong nagbalak na tumayo.
Nang akmang hahawakan ulit ni Mills ang pinto para sana isara iyon pero bigla namang nagsilusutan ang mga napakaraming kamay na nagpupumilit na hablutin siya. Pigil hiningang itinulak iyon ng dalaga papasok, pero tila hindi ito nagpapatinag dahil kahit ilang beses niya man itong kalabanin, unti-unti lang ding nadadagdagan ang mga pwersang kailangan niyang pigilan.
Mabilis niya iyong binangga-bangga hanggang sa tuluyan niyang napaalis ang mga kamay na nakausli roon sa pinto dahilan kung bakit tuluyan na niya nga itong naisara. Hindi niya pa man naila-lock ang pinto ngunit hindi na niya iyon naituloy pa lalo na nang biglaan itong dambahin ng babaeng zombie sa kaniyang likuran. Pilit nitong inaabot ang kaniyang batok pero nahawakan naman kaagad ni Mills ang buhok nito saka pwersahan niya iyong hinila palayo sa kaniya. Halos makalbo na ito sa lakas ng kaniyang paghila pero tila hindi na nakakaramdaman pa ng kahit anong sakit ang katunggali.
Nang makahanap siya ng panibagong tiyempo ay doon niya na ito sinikmuraan bago mabilisang humarap para muli iyong itulak papalayo. Hinarap niya ulit ang dobleng pinto at kamuntik pa itong magbukas ulit ngunit mabuti na lamang at maagap niyang nailock iyon at dagliang kinandado.
Habol ang hininga ni Mills matapos niyang mapigilan ang pagbubukas ng pinto na siyang sinasandalan niya ngayon. Ramdam niya ang paulit-ulit nitong pag-alog lalo na at patuloy pa ring kinakalampag ng mga halimaw ang pinto pero kampante ang dalaga na hindi ito basta-bastang magbubukas dahil sa padlock.
Sunod niya na lang din namalayan ang muling pagdurugo ng kaniyang ilong. Mabilisan niya iyong kinapa at sandaling tinitigan ang malapot na pulang likido dumikit sa kaniyang daliri. Ramdam niya rin kung papaano iyon dumaloy paibaba sa kaniyang ilong dahilan kung bakit marahan niya rin iyong pinupunasan. Sa hindi na niya mabilang na ulit ay muli na naman siyang naguluhan, hindi na niya magawa pang maintindihan kung bakit na naman ito nangyayari. Dala na ba ito sa binat? O ito na ang pinipigilang mangyari ng kaniyang Loli sa oras na sumobra siya sa kapasidad niya. Aminado si Mills na hindi siya ganoon kasigla at hindi niya pa nasusubukang sagarin ang sarili dahil bantay sarado siya ng Kuya niya. Pero wala siyang kahit anong ideya kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang pamilya niya sa kaniya gayong ilang taon na rin naman ang lumipas matapos siyang maoperahan sa puso at nakakatiyak siyang magaling na siya.
"Putangina, ano bang problema mo?" Naiinis niyang tanong sa sarili. Tinignan niya pa ang kaniyang sarili kung namumutla ba siya o ano pero gaya nga ng inaasahan ay hindi. Walang kahit anong kakaiba sa kaniya maliban na lamang sa dumudugo niyang ilong.
Doon lamang siya nahinto nang sa hindi inaasahan ay bigla na lamang bumagsak sa harap niya ang zombie na tinulak niya kanina. Doon niya lang napagtanto na hinampas na pala ito ni Yohan na siyang bagong dating lang kasabay ni Cody.
"Ano pa bang ginagawa mo rito? Bakit mag-isa ka lang? Nasaan sila?" Salubong ng binata sa kaniya at hindi naman maitatanggi na sinisipat din ng kaibigan ang kaniyang sarili upang tignan kung may galos ba siyang natamo o wala. Mabuti na lamang at hindi na muling dumugo pa ang ilong niya kaya nabawas-bawasan ang pag-aalala nito.
"Pinauna ko na sila dahil kailangan kong pigilan 'to." Sagot ni Mills at doon tinuro ang pinto sa likod na kung saan ay patuloy pa ring kinakalabog ng mga halimaw.
"Bakit ikaw pa ang nagpa-iwan dito kung pwede namang sila Ryder?" Nakakunot-noong tanong ulit ni Yohan pero hindi na lamang pa nakipag-argumento si Mills para hindi na humaba ang usapan nilang dalawa.
"Kailangan na nating sumunod sa kanila, tara na." Aya ni Cody na kaagad naman nilang sinunod. Patakbo nilang tinungo ang sementadong daan habang pinapanatili pa rin ang pagiging alerto sa kanilang sistema. Nang saktong makapasok ulit sila sa panibagong building ay siya namang pag-alingawgaw ng mga tilian na nanggagaling sa mga kaklase nilang babae. Ang mga nahihintakutan nilang boses ang siyang naging dahilan kung bakit nagkatinginan ang tatlo at doon patakbong tinungo ang pinagmumulan ng mga boses.
***
Halos hindi na inintindi nila Wren ang malalakas nilang yabag dulot ng labis na pagmamadali. Sa takot na baka tuluyan tuluyan mahabol ng horde na siyang sumalubong sa kanila kanina sa dobleng pinto.
Hingal na hingal na tumuloy si Meadow sa pagtakbo at nang makasiguro sila na sapat na ang distansya nila mula sa gusaling pinanggalingan ay doon na nagpasya ang dalaga na lumingon at ilibot ang tingin sa mga kaklase. Doon niya lang din napagtanto na kulang sila. Sa pagbalik ng kaniyang tingin sa gawing likuran ay doon niya nakita si Corbin na mabilis na humahabol sa kanilang gawi.
"Nasan si Mills?" Kabadong tanong ng kanilang class president sa kararating lang na binata. Saglit na itinukod ng kaklase ang magkabila niyang kamay sa tuhod bago humugot ng sunod-sunod na hangin. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga sa oras na hindi pa siya kakalma. Ilang sandali pa ay pagod itong napatayo saka wala sa wisyong napakapit sa balikat ni Earlyseven para suportahan ang sarili.
"S-si Mills, nandoon pa rin. N-nagpaiwan." Sagot nito na siyang naging rason kung bakit agarang nangunot ang noo ni Elsie.
"What? But why did you left her there?"
"T-teka lang naman. Bakit ako inaaway mo? Hindi ko naman kasalanan na ayaw niyang sumunod dito." Reklamo ni Corbin nang magsimulang dumada si Elsie sa harapan niya.
"Eh kahit na! Papaano na lang kung may nangyari sa kaibigan ko? You let her fight those zombies all by herself!" Dagdag ng dalaga. Mahina niya itong sinabi pero kababakasan pa rin iyon ng labis na pagkadismaya.
"O-oo na! Oo na kasalanan k─"
"Enough." Banta ni Wren saka nilingon ang direksyon kung saan nakatingin si Ledger. Diretso ang titig nito sa isang madilim na hallway na siyang nagdudugtong sa corridor ng building — kung nasaan sila ngayon— at sa malaki at malapad na quadrangle nitong school.
"Oh, shit. We have to move! Run!" Naibulalas ni Ledger nang makumpirmang zombie nga ang papasalubong sa kanila.
Wala na ngang nagawa pa ang iba kundi ang sumunod din sa pagtakbo patungo sa kawalan. Kung saan-saan silang pasilyo lumulusot at pinipilit din nilang hindi sila magkakahiwa-hiwalay. Sa lahat ng kasama ni Meadow ngayon ay mas pinili niyang si Elsie ang alalayan dahil nga sa sitwasyon ng katawan nito. Habol na rin ang hininga ng dalaga na para bang iilang metro na lang ang kaya nitong takbuhin bago ito tuluyang bumagsak sa ibaba.
"Kaya mo 'to, Elsie. Kailangan lang nating makahanap ng mapagtataguan para makapagpahinga ka. Brace yourself and keep running." Pampalubag-loob niya rito. Kahit pa man pinapangunahan na siya ng takot sa kasalukuyang sitwasyon ng kasama ngunit pinili niya pa ring pagaanin ang loob nito kahit kaunting minuto pa. Hindi man siya nakakuha ng sagot dito pero minu-minuto niya rin itong nililingon nang sagayon ay matignan ang estado ng hawak lalo na at may mga pagkakataon na halos hindi na ito makasabay sa bilis niya.
"There are zombies who's running towards us! Hindi tayo makakadaan sa second floor!" Pasigaw na imporma ni Ledger na siyang nangunguna ngayon sa pag-akyat. Kaagad siyang hinawi ni Ryder at ito ang mabilisang nakipagbasag-ulo sa mga zombies na pilit silang nilalapitan. Kung tutuusin ay dehado sila lalo na at wala si Yohan at Cody na siyang dapat manguna sa kanila ngayon. Subalit hindi nila iyon inantala pa at pinagkatiwala ang kanilang kaligtasan sa mga kamay nila Ryder, Corbin at Earlyseven.
"Move to the third floor!" Sigaw ni Wren matapos siyang senyasan ni Ryder na mauna. Siya ang nanguna sa pag-akyat sa ikatlong palapag kasunod ang iba pa nilang kaklase.
Halos mapangunahan ng kaba si Meadow nang sumalubong sa kanila sa third floor ang nakatalikod na mga zombies sa gawing dulo na pilit inaabot ang speaker sa gawing itaas. Sunod-sunod siyang napalunok saka sumenyas kay Willow na wala pa ring imik hanggang ngayon. Sumunod naman kaagad ang dalaga kay Wren na paminsan-minsan ding lumilingon sa kanilang pwesto habang inaabala ang sarili sa paghahanap ng pinto na pwede nilang mapasukan pero sa kasamaang palad, halos lahat ng mga nadadaanan niya ay nakalock.
Akmang susunod na sila Shilloh pero mabilis namang nagtakbuhan sila Corbin para humabol sa kanila rito sa itaas dahilan kung bakit may iilang zombies ng napapalingon sa pwesto nila. Sa takot ni Shilloh ay umatras siya nang umatras habang mahigpit ang pagkakahigit nito sa braso ni Elsie dala ng labis na pagkataranta. Sa kakaatras niya ay napunta siya sa dulo at nagkataon namang wala na siyang maaapakan pa kaya nawalan siya ng balanse at napatili bago nahulog. At dahil nga sa mahina na ang katawan ni Elsie ay nagpatianod siya sa kaklase na siyang hindi na nasuportahan pa ni Meadow dahil miski siya ay hindi inasahan iyon.
"Elsie!" Sigaw ni Corbin nang makita kung paano tuloy-tuloy na bumagsak ang dalaga pababa. Saktong paglapat ng likod nito sa sahig ay doon niya klarong nakita kung paano ito napadura ng dugo. Huli na para sa binata na daluhan ito dahil kailangan din nilang pigilan ang mga zombies na kamuntik ding mahila si Meadow kung hindi lang ito nahigit kaagad ni Ryder palayo. Tinulak niya paharap ang dalaga na siyang inalalayan naman kaagad ni Ledger upang samahan patungo sa pwesto nila Wren.
Tuluyan na nga silang nagkagulo rito sa itaas, idagdag pa na walang niisa sa kanila ang nakasunod sa second floor para daluhan ang dalawang kaklase na hindi na nila napagtuunan pa nang pansin.
"Itulak niyo sila paibaba!" Sigaw ni Ryder matapos nitong maihulog ang isang zombie na diretso niya lang na itinulak. Kamuntik ding sumunod na bumulusok paibaba si Corbin nang ang manggas ng kaniyang coat ay nahila ng isang zombie. Mabuti na nga lang at nadaluhan siya kaagad ni Earlyseven na siyang gumawa ng paraan para mapabitaw nang tuluyan ang halimaw.
"Kailangan kong bumaba!" Imporma ni Corbin habang pilit niya ring tinutulak ang panibagong zombie na umatake sa kaniya.
"Mahihirapan ka nang makabalik dito kung bababa ka pa, Corbin!" Sita ni Ryder saka pwersahang hinampas ang tubo sa isang zombie na pilit ding hinihila ang kaniyang binti.
"Pero naiwan si Elsie at Shilloh sa ibaba! Kailangan natin silang tulungan!" Pagmamatigas nito na siyang inilingan lang ni Earlyseven. Ito na ang nagkusang humila sa halimaw palayo sa kaklase bago niya pinalamon ang kabilang dulo ng tubo sa nagbabanta nitong bibig. Tumagos iyon kaagad sa batok ng zombie na siyang hindi na nakakilos pa pagkatapos.
Akmang magdedesisyon na sana si Ryder na bumaba pero sumakto namang may paparating na panibagong halimaw sa kabilang dulo ng pasilyo dahilan kung bakit sinigawan na sila ni Ledger na magmadali. Labag man sa loob ng tatlo lalo na kay Corbin ang sumunod sa mga kaklase, nguni wala na silang pagpipilian pa dahil mas kinakailangan din nilang makahanap ng silid na mapagtataguan.
Saglit na umusal ng dasal si Ryder saka pasimpleng nilingon ang pinanggalingan nila kanina. Hinihiling ng binata na sana makasunod na sila Cody dito at maabutan pa sila Elsie sa second floor nang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top