Chapter 19: Sinserong Usapan
Tuluyan na ngang kumagat ang dilim rito sa eskwelahan na siyang nagdulot ng dagdag na kaba sa kanilang lahat. Nawalan na kasi sila ng kuryente kaya tanging ilaw na nagmumula lang sa kanilang cellphone ang siyang nagpapaliwanag sa loob ng room kung nasaan sila Mills ngayon.
Tapos na rin silang kumain ng hapunan at pinagsaluhan ang kakarampot na pagkain na nakuha nila sa kitchen ng room. Kaniya-kaniya na rin silang nagsihanap ng pwesto para makapagpahinga pero pinanatili ng lahat ang kanilang pagiging alerto para maging handa sa mga posibleng mangyari. Husto na para sa kanila ang mga nangyari kanina kaya ayaw na nilang magpakampante.
"Willow," tawag ni Mills sa kaibigan na kanina pa nakaabang sa bintana kung saan nahulog si Alison kanina. Matapos itong pakalmahin ni Meadow ay hindi na niya ito narinig na nagsalita pa o nakihalubilo man lang sa kanila. Naiintindihan niyang nagdadalamhati ito dahil sa pagkawala ng matalik na kaibigan, pero gusto niya rin maging malinaw ang kung anumang hindi pagkakaintindihan nilang nangyari kani-kanina lamang.
"Dinalhan kita ng makakain, tinira ko talaga 'to para sa—"
"Hindi ko kailangan 'yan," agaran nitong sabi dahilan kung bakit naiwan sa ere ang kamay ni Mills na may hawak na pakete ng biscuit. Ito na lang ang nag-iisang pagkain na siyang paghahati-hatian nila ngayon. Dahil ang natira pa sa loob ng kusina, ay para na iyon bukas. "Hindi ko rin naman sinabi na tirhan mo'ko." Dagdag pa nitong sabi nang hindi man lang siya binabalingan ng tingin.
Kusang ibinaba ni Mills ang hawak na biscuit nang hindi nga ito tinanggap ng kausap. Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa na para bang wala ng may balak na magsalita.
Ilang segundo pa ang nagtagal at pinakiramdaman din ni Willow si Mills, buong akala niya ay aalis na ito pero nagkamali siya. Nanatili pa rin sa likod niya ang kaibigan na para bang walang planong umalis.
"Kahit pa buong magdamag mo akong hindi pansinin. Kakausapin pa rin kita. At kahit Ilang beses mo man akong tanggihan, hindi pa rin ako aalis," untag ni Mills habang tinitignan ang likod ni Willow at inaantay itong humarap sa kaniya. "Kung hindi mo talaga ako magawang pakinggan at patuloy mong iisipin na ako ang may kasalanan kung bakit nawala si Alison sa'yo. Hindi talaga tayo magkaka-ayos nito." Dugtong ni Mills pero wala siyang natanggap na tugon dito.
"Hindi rin ako magpapakapagod na ulit-uliting depensahan ang sarili ko sa mga pinaparatang mo sa'kin dahil alam ko namang babalewalain mo rin naman lahat ng mga sasabihin ko, di'ba? Nakakapagod din kasing maglaan ng oras para sa mga bagay na ayaw namang pansinin ng iba."
"Umalis ka na." Tipid na sagot ni Willow kay Mills. "Pinapagod mo lang ang sarili mo dahil sa ginagawa mo. Hindi ko rin naman hininging lapitan mo'ko." Dagdag niya pa na siyang dahilan kung bakit naikuyom ng kausap ang kamay niya.
"Hanggang kailan mo ba ako balak na tratuhin nang ganito, Willow?" Agaran niyang tanong. Aaminin niyang nag-uumpisa na siyang masaktan sa pinapakita nito sa kaniya.
"Wala ka ba talagang planong ayusin 'to?" Pero muli, hindi sumagot si Willow. Hindi rin kakikitaan ng pagsisisi at sakit ang mukha ng dalaga sa patuloy nitong pagbabalewala kay Mills. Ang totoo niyan ay siya ang nagkusa mismong lumayo muna sa kanila para magkaroon ng pagkakataon na ikalma ang sarili. Kanina pa siya nawawalan ng kontrol kaya hindi siya makapag-isip nang matino.
"Bakit ba ang hilig mong ilayo ang sarili mo sa oras na nangangailangan ka? Sa pinapakita mo ngayon, Willow. Tanga na lang ang makakapagsabi na ayos ka lang. Down na down ka na oh, pero pilit mo pa rin akong pinapalayo. Gusto lang kitang damayan, okay? Gusto ko lang na samahan ka para maramdaman mong hindi ka nag-iisa. Nandito pa rin naman ako, Wils. Nandito pa rin kami." Bahagyang pumiyok ang boses ni Mills nang sabihin niya iyon. Naging mitsa rin ang mga salitang iyon kung bakit muling namuo ang luha sa mata ni Willow.
"Putangina. Pagod na pagod na akong umiyak." Lihim niyang sabi sa sarili nang hindi man lang nag-abalang punasan iyon para hindi mahalata ni Mills na umiiyak na naman siya.
"Pwede bang tumigil ka na sa ginagawa mo, Willow? Patuloy mo lang kasing sinasaktan ang sarili mo, alam mo ba iyon? Kahit ilang beses mo pang ipakita sa amin na matatag ka. Dumadating pa rin sa punto na mapapagod ka," saglit na huminto si Mills bago humugot ng malalim na buntong-hininga. "Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mong tumayo nang mag-isa. Minsan, kinakailangan mo rin ng taong hihila sa'yo paitaas para aalalayan kang tumuloy sa pakikipaglaban. Ginagawa ko na nga oh pero ang hirap sa'yo, tinatanggihan mo ako, kami."
Kaagad na nasampal si Willow sa katotohanang sinabi ni Mills. Hindi niya magawang makaangal dahil lahat ng sinabi nito ay natamaan siya. Pero wala siyang magawa, dahil ito ang pagkakakilala niya sa sarili. Na sa oras na problemado siya, ayaw niyang manghingi ng tulong bagkus ay kinikimkim niya iyon lahat hanggang sa dumating ang oras na kaya niya na ulit iyong indahin. Mariin niyang pinikit ang mata niya bago nagdesisyon na magsalita.
"Alam mo ba kung bakit ko 'to ginagawa?" Tanong niya saka pinilit na makapagsalita nang diretso. "Because the more that I depend myself to someone, the more it make my self weak."
"Pinipili kong manatiling mag-isa dahil pagod na pagod na akong dumepende sa mga taong iiwan lang din naman ako sa huli." Dugtong niya bago iginilid ang ulo pero hindi pa rin magawang maaninag ni Mills ang mukha niya dahil sa buhok niyang nakaharang dito. "Minsan ko na ring idinipende ang sarili ko sa mga taong akala ko kaya akong saluhin, Mills. Iyong tipong pinakita ko na lahat ng vulnerable side ko sa kanila, but you know what's more funny? No matter how nice you are as a person, once you leave the room, someone always starts a conversation about you." Mapakla siyang natawa saka pagod na hinawi ang kaniyang buhok.
"It’s funny how they're nice right in front of my face and so fucking hilarious about how they talk shit behind my back. But the most fucking shit happened is that they think that I'm unaware," pagkwento niya at doon na niya hinarap si Mills. "You know what? It's much better to have an enemy who slaps you in the face than to have a friend who stabs you in the back."
"Oh ngayon, narinig mo na ang side ko di'ba? Husgahan mo na ako," panghahamon niya pero hindi kaagad nakasagot ang dalaga. "Hindi mo'ko kailangang tignan nang ganyan, Mills. Pinakaayaw ko pa naman ang kaawaan ako ng ibang tao. Kaya kong tumayo nang mag-isa dahil ganoon ako pinalaki." Pagmamatigas niya pa.
"Ang hirap kasi sa inyo, ang dali-dali niyong magpayo na para bang dumaan din kayo sa sitwasyon ko." Saglit siyang huminto upang tumingala para tanawin ang payapang takbo ng mga ulap sa itaas na para bang tinatakpan nito ang malagim na nangyayari rito sa ibaba.
"Bakit mo pa ba ako binuhay?" Diretsang tanong ni Willow saka mariing tinitigan ang langit na waring naghahanap ng sagot. "Siguro gusto mo pa akong maghirap, ano? Hindi ko talaga magawang intindihin kung bakit ang unfair ng mundo mo sa sa'kin. Bakit may mga taong mas pinagpala kaysa sa'kin? Malas ba akong tao kaya 'di ko man lang naranasan 'yan?" Dire-dirrtsa niyang sabi nang hindi inaalis ang kaniyang titig.
"Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ba ako huling naging masaya. Ang dali-dali lang ng hiniling ko sa'yo eh, pero hindi mo pa rin nagawang ibigay. Gano'n ba ako kawalang kwentang tao para hindi mo'ko magawang pagbigyan sa kasiyahang gusto ko? Bakit, hindi ko ba deserve ang maging masaya kahit saglit?" Sa idinugtong ng kaibigan ay agarang naramdam ni Mills ang hinanakit sa boses ng dalaga. Sa halos isang taon nilang pagsasama, ito ang unang beses na nakita niya si Willow na ganito ka miserable.
"Muntik mo na talaga akong mapaniwala ulit na totoo ka, alam mo ba iyon? Pero paulit-ulit lang ding pinapamukha sa'kin ng kapalaran na parte ka lang ng imahinasyon ko. Siguro nag-eexist ka sa mga taong mas deserving kaysa sa'kin. Dahil sa buong buhay ko, ni minsan hindi ko naranasan na mayroong DIYOS na handa akong tulungan. Naniwala naman ako sa'yo dati ah, pero bakit wala pa ring pinagkaiba ang sitwasyon ko dati sa ngayon?" Dugtong ni Willow na siyang naging hudyat kung bakit tuluyang lumapit si Mills kay Willow. Dahan-dahan siyang tumabi sa dalaga na patuloy lang na sinusumbat sa langit ang mga nais nitong sabihin. "Kung sino pa iyong mas deserving na mabuhay, siya pa iyong kinuha mo. Bakit kasi si Alison pa? Bakit hindi na lang kasi naging ako?"
"Willow," malamyos na tawag ni Mills pero muli, hindi ito lumingon.
"Kung papayuhan mo lang ako ulit, huwag mo na lang ituloy. Kutang-kuta na akong marinig 'yang mga linyang hindi naman makakatulong sa akin." Muli nitong pagmamatigas. "May mga bagay lang kasing naranasan ko na kailanman, hindi mo maiintindihan. Alam mo kung ano iyon?" Humarap ito kaagad sa kaniya saka sinalubong siya ng blangko nitong mga mata.
"Kahit ilang beses ka pang magmalasakit sa ibang tao, hindi ibig sabihin no'n na gagawin din nila iyon sa'yo. Kapag dumating ka na sa puntong nangangailangan ka na rin, sarili mo lang din ang makakatulong sa'yo."
***
"See? Sabi ko sa'yo eh. May stock room dito sa kitchen." Pagyayabang ni Corbin kay Yohan matapos nilang iusog ang water dispenser na siyang humaharang sa isang lumang pinto.
"Ayaw mo kasing maniwala na cookery ako dati. Wala ka talagang bilib sa'kin, Yohan." Dagdag pa nito saka umiling. Kaagad nilang binuksan ang pinto at gumawa pa ito ng nakakatakot na tunog na siyang nagpatayo ng balahibo ni Corbin.
"Huwag mong sabihin sa'kin na naduduwag ka na naman?" Bungad sa kaniya ni Yohan. Bakas sa mukha ng binata ang himig na pang-aasar na siyang ikinalingon ng kasama.
"H-hindi ako duwag, 'no! Pinagsasabi mo riyan? Kutusan ko pa 'yang multong mananakot sa'kin di— AHH!" Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin at agarang napadikit kay Yohan nang makita niya si Elsie na tinututukan ng flashlight ang mukha.
"Tangina," mura ni Yohan bago tinulak papalayo ang kaibigan na halos daganan na siya sa takot. "Ano bang ginagawa mo rito, Elsie? Bumalik ka na sa labas." Salubong ng binata sa dalaga.
Napanguso naman ang dalaga bago iniwas sa mukha ang hawak na flashlight.
"Sabi kasi ni Meadow, maghanap daw kayo ng kumot or kahit anong pwedeng ilatag para makahiga tayo sa sahig." Madalian niyang sagot saka iniabot ang ilaw kay Yohan.
"Putangina, bakit mo pa kasi inilawan 'yang mukha mo? Aatakehin ako sa takot sa'yong babae ka." Singhal sa kaniya ni Corbin at pinipigilan ang sarili na taasan ito ng boses.
"It's not my intention to scare you, okay? Tsaka bakit ka ba matatakot sa'kin? Do I look like a white lady?" Inosente nitong tanong bago pinagmasdan ang sarili. Hindi sumagot si Corbin sa kaniya bagkus ay hindi niya na ito pinansin pa at nauna na ngang pumasok sa loob.
"Hindi pala duwag ha." Pang-aasar ni Yohan dahilan kung bakit inis siyang nilingon ng kaibigan.
"Hindi nga ako duwag, okay? Nagulat lang ako. Iyon lang iyon." Depensa niya sa sarili saka muling tumuloy sa ginagawa. Umiling na lamang si Yohan bago sumunod sa kaibigan sa loob ng stock room.
"Ikaw ba ang nagkusang mag-cookery?" Pagbabssag ni Yohan sa katahimikan bago kinuha ang mga nakasandal na karton sa gilid. Pinagpag niya muna ito saglit saka binuklat. Sa isip niya ay pwede na'tong gawing higaan kung wala pa rin silang mahahanap na ibang pwedeng gamitin.
"Siyempre hindi, tangina mo. Kailan ko pa ba nagustuhan 'yang pagluluto? Wala lang talaga akong choice, babawasan ni Ate Nics baon ko kung hindi ko siya susundin."
"Sayang lang pala ginastos ni Ate Nics sa'yo sa cookery, halata namang wala kang natutunan doon. Eh di ka nga marunong magluto." Puna ng kaibigan na siyang ikinaismid ni Corbin.
"Hindi man ako marunong magluto, at least marunong naman akong kumain." Natatawa nitong sagot. Nang saktong naibaba niya na ang isang karton na naglalaman ng pinaglumaang mga kitchen tools, ay sakto namang may nakapatong doon na mosquito coil na nakasilid pa sa plastic. Kaagad niya iyong dinampot saka binuksan upang tignan kung may laman ba.
"Kung sinuswerte ka nga naman oh." Natutuwa niyang sabi bago itinabi muna ang karton upang maghanap ng posporo.
"Ilalabas ko lang muna 'tong karton para mailatag na 'to nila Cody sa sahig." Bilin sa kaniya ni Yohan habang abala pa ang kausap sa paghahalungkat ng mga gamit.
"Hoy, huwag kang kukupad-kupad diyan. Sumunod ka kaagad." Pahabol pa nito bago tuluyang lumabas ng pinto. Nadatnan naman niya sa kitchen si Elsie na paulit-ulit na inaalog ang water dispenser na halos wala ng laman.
"Sa gripo ka na lang uminom." Mungkahi niya rito dahilan kung bakit agad na nag-angat ng tingin ang kaklase. Saglit pa nitong tinanaw ang faucet 'di-kalayuan sa pwesto niya bago kinunutan ng noo si Yohan.
"You mean, you want me to drink some water through it?" Nagtataka niyang tanong. "Wait, malinis ba 'yan?" Paninigurado nito dahilan kung bakit napabuntong-hininga si Yohan.
"Wala na tayong purified water na stock dito sa kitchen. It's up to you kung susundin mo ba ako o hindi." Sagot ng binata saka nagpaalam na lumabas. Kaagad din naman siyang dinaluhan nila Cody at nakita niya pa ang iba na tuluyan ng naitabi ang mga upuan kaya malaya nilang nailatag sa sahig ang mga karton na dala.
"Magkakatol tayo rito sa loob?" Nagtatakang tanong ni Earlyseven nang makita si Corbin na may bitbit na coil. Saglit namang humikab si Ledger na nasa tabi niya bago siya nito nilingon.
"Of course yes, nasa Pilipinas tayo so expect na maraming lamok." Sagot nito saka isinandal ang sarili sa armchair.
"Ano 'yang hawak mo, Corbin? Beyblade ba 'yan?" Puno nang kuryosidad na tanong ni Elsie na siyang nakapagpatawa kay Mills. Kalalabas lang nito at nahalata kaagad ni Yohan ang basa nitong bibig. Hindi na nga natiis pa ng dalaga ang labis na pagkauhaw kaya sinunod nga nito ang suhestiyon niya.
Nagtaka naman si Elsie kung bakit siya pinagtawanan ng kaibigan kaya naguguluhan niya itong binalingan ng tingin.
"Tanginang beyblade 'yan. Katol 'to, hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang sagot ni Corbin. Halata ang gulat sa mukha ng binata nang makita ang kaklase na tila ba walang kaalam-alam sa kaniyang hawak.
"Katol? Anong katol tsaka para saan ba 'yan?" Hirit ulit nitong tanong na halata talagang wala itong kaide-ideya sa nakikita niya ngayon.
"Iba talaga 'pag rich kid 'no? Pati katol hindi alam. Pampatay ng lamok 'yan, Elsie." Singit ni Ryder saka natatawang tinanggal ang uniporme niya at tanging sando na lang ang tinira.
"Pasensya ka na Madam, ha? Wala kasi tayong baygon. Krisis na sa Pilipinas ngayon kaya katol na lang afford na ibigay ng Juanico High sa'yo." Sarkastikong banggit ni Corbin bago nilabas ang isang palito ng posporo.
"Ayusin mo sa pagsindi, Corbin. 'Pag 'yan di umapoy, kakaladkarin kita palabas." Banta ni Yohan habang inaayos ang pagkakalagay ng mosquito coil holder.
Nang ikiskis na ng binata ang palito ay kaagad itong umapoy pero bago niya pa iyon mailapit sa coil ay bigla namang humangin dahilan kung bakit napundi iyon. Mabagal na nilingon ni Corbin si Yohan na ngayon ay mataman siyang tinitigan. Alanganin naman siyang ngumiti rito bago nagkamot ng ulo. Ilang saglit pa ay dumapo na ang kamay ni Yohan sa kaniyang ulo na siyang hindi niya rin nailagan.
"Tangina mo, sabi ko ayusin mo, di'ba? Ngayon, saan na natin 'yan ikikiskis? Sa pwet mo?" Asar na sabi ng kaibigan. Makailang beses pa silang nagtalo na siyang ikina-ikot ng mata ni Wren bago niya dinukot ang kaniyang bulsa saka kinuha mula roon ang lighter. Pabagsak niya itong hinagis sa pwesto nila Yohan nang hindi man lang umiimik.
"Bakit hindi mo sinabi na may lighter ka pala?" Kunot-noong tanong ni Corbin sa dalaga. Blangko lang siya nitong tinitigan bago bagot na sumagot.
"Nagtanong ka ba?"
"Sabi ko nga wala."
"Kung hindi siya nag-donate ng lighter. May isang option pa naman tayo." Mahinang bulong ni Corbin saka pasimpleng nilingon ang kaklase.
"Ano?" Tanong ni Ryder.
Pwede naman nating galitin si Wren, di'ba? Bubuga naman 'yan ng apoy kapag nagalit na." Birong sagot ng binata at nang akmang dadamputin niya na sana ang lighter pero naunahan na siya ni Yohan. Base sa ekspresyon nito at sa nangyaring kapalpakan ni Corbin kanina ay mahahalata talagang wala na itong tiwala kung hahayaan pa rin niyang ito ulit ang magsindi.
"Bakit si Wren pa gagalitin mo kung pwede namang si Mills?" Suhestiyon ni Ryder habang pilit nitong pinapaalis si Cody na siyang nakaupo sa armchair na gusto niyang okupahin.
"Ayoko nga, may lahing demonyo 'yang si Mills. Sigurado akong 'di lang sapak aabutin ko sa kaniya kapag ginalit ko 'yan." Agarang sagot ni Corbin bago palihim na tinignan ang pigura ni Mills kasama si Willow. Hindi niya magawang marinig kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit hindi niya na rin ito inalam pa lalo na at hindi rin siya interesado.
"Alam mo, Corbin? Puro ka kalokohan. Sindihan niyo na kaya 'yang katol, nilalamok na ako rito oh!" Namumursiging utos sa kanila ni Ryder saka ginamit ang uniporme para gawing pantaboy sa mga lamok na kanina pa sila nilalapitan.
"Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong maghubad ka? Pini-flex mo pa kasi 'yang katawan mong puro buto." Puna ni Cody saka bahagyang napaigtad nang pabirong suntukin ng binata ang binti niya.
"Teka, bakit paikot-ikot 'yang design ng katol?" Nagtatakang tanong ulit ni Elsie habang nanatili pa ring tutok sa nagsisinding si Yohan.
"Sinadya 'yan para mahilo iyong lamok." Agarang sagot ni Corbin dahilan kung bakit nagsipigil ng tawa ang mga nandito.
Saglit na nag-unat si Ledger bago hinarap si Elsie. "Mosquito coil was originally a stick but they change it into spiral in order to make it last longer." Sagot ng binata na siyang ikinalingon ng dalaga. Sa utak niya ay si Ledger lang ang matino at mas may kwentang kausap kaysa sa iba niyang kasama rito.
"Wala talaga akong maaasahan sa'yo, Corbin." Asik ni Elsie na siyang tinawanan lang ng binata.
"Naks, iba talaga utak nitong si Ledger, 'no? Ano kaya pinaglihi ng nanay niya noong pinagbubuntis pa siya." Singit ni Ryder bago mausisang tinignan ang inaantok na mukha ng kaibigan.
"Huwag na kayong magtaka kung bakit ganiyan kalawak utak niyan. Punuin niya ba naman ng science facts at mathematical equations kwarto niya tapos lagi niya pang inaabangan lahat ng episodes ng Little Einstein." Kwento ni Earlyseven at doon na niya balingan ng tingin si Corbin.
"Nakapunta ka na sa kanila tol?" Singit ni Ryder na agaran namang sinagot ni Earlyseven ng tipid na tango.
"Oo, ilang beses na rin." Sagot ng kaibigan. "Kaya hindi na talaga ako magtataka pa kung bakit ganiyan katalino si Ledger. Hindi tulad ng isa riyan na puro kalokohan lang ang alam, halatang pinalaki ni Mr. Bean."
"Kaysa naman sa'yong halos lahat ng gamit puro pink, halatang pinalaki ni Hello Kitty." Ganting banat ni Corbin na siyang muli na namang nauwi sa tawanan.
"Tama na 'yan. We have to rest for now, as much as possible kailangan nating makabawi ng pahinga. Magsitulog na kayo." Sita sa kanila ni Meadow matapos nitong masigurong ayos na ang kailangan nilang ayusin. Nagsitigil naman sila kaagad at hindi na nagmatigas pa. Kaniya-kaniya silang nagsikilos upang mahiga sa karton.
"Dinalhan na kita ng mahihigaan mo, Willow. Ayos lang ba sa'yo kung dito ka sa gawing bintana? Wala na kasing bakanteng pwesto sa gitna." Salubong ni Meadow sa dalaga na kakatalikod lang at iniwan si Mills na hindi pa rin nakakaimik.
"No worries. I can manage." Tipid na sagot ni Willow at doon tinanggap ang karton. Madalian niya iyong nilatag sa sahig saka walang pasa-pasabing humiga.
Samantala, agarang dumapo ang mata ng kanilang class president kay Mills na ngayon ay nasa ibaba pa rin ang tingin waring may malalim na iniisip.
"Okay ka lang ba, Mills?" Nag-aalala niyang tanong dahilan kung bakit napalingon kaagad ito sa kaniya saka alanganing ngumiti at tumango.
"Ayos lang ako, salamat."
"Sige na, matulog ka na. Ipahinga mo na 'yang sarili mo, alam kong pagod ka." Malamyos na sabi ni Meadow na halata talagang sinsero ito sa kaniyang sinasabi. Kaagad namang sumunod ang dalaga saka tinapik ang kaklase sa balikat at tinungo ang pwesto ni Elsie na ngayon ay namomroblema kung paano siya hihiga.
Umiling na lang si Mills at doon nagpasyang hubarin ang suot niyang coat. Tinupi niya iyon nang maayos saka inabot sa kaibigan.
"Gawin mo ng unan 'to para makahiga ka nang maayos." Agarang nag-angat ng tingin ang dalaga at 'di naglayon ay gumuhit ang ngiti sa labi nito. Hindi naman kaagad nag-inarte si Elsie at kusa niya iyong tinanggap.
"Pero paano ka?" Namamaos nitong tanong at halata na talagang dinadalaw na ito ng antok.
"Ayos lang ako." Paninuguro ni Mills bago iminuwestra ang kamay upang senyasan ang kaibigan na matulog na.
Nasa gawing dingding ang pwesto nila ni Elsie kaya sa halip na humiga na sa sahig, mas pinili niya munang isandal ang sarili rito. Patuloy pa rin kasing binabagabag ang utak niya tungkol sa mga katagang iniwan ni Willow sa kaniya. Natatakot siya sa katotohanan na baka umabot din siya sa punto na wala na siyang makakapitan pa. Idagdag pa ang katotohanan na hindi ito malabong mangyari sa kaniya. Wala sa wisyo niyang nilingon lahat ng mga kasama niya ritong nakahilata na sa sahig. Inalala niyang mabuti ang lahat ng pinagdaanan nila noon pa, bago pa nangyari ang outbreak na ito.
"Kung saka-sakali bang mangailangan din ako ng tulong, dadaluhan din kaya nila ako?" Mahinang bulong niya sa sarili at doon nilipat ang tingin sa nakahigang si Willow. "O baka tama nga si Willow, na kahit gaano ka pa kabuti sa kapwa mo, sa oras na mangailangan ka. Walang ibang tutulong sa'yo kundi ang sarili mo lang?" Lihim niyang banggit sa isip bago inalis ang tingin sa dalaga.
Muli niyang inilibot ang kaniyang mata hanggang sa dumapo iyon kay Yohan na pahikab-hikab siyang tinignan.
Tumayo ang binata mula sa pagkakahiga saka ito lumapit sa pwesto niya at naupo sa kaniyang tabi.
"May gumugulo ba sa'yo?" Pauna nitong tanong pero hindi kaagad sumagot si Mills dahilan kung bakit lihim niya itong sinulyapan.
"Kung ayaw pa rin ni Willow na makipagbati sa'yo, ayos lang. Hindi naman kasi kinakailangang pilitin ang isang tao kung ayaw niya talaga." Pampalubag loob ng binata. Aminin man ng dalaga o hindi, mahahalata talaga sa ekspresyon nitong hindi pa rin ito ayos. Na patuloy pa ring gumugulo sa isipan ng kasama ang kaguluhang nangyari kanina. Magmula pa no'ng dati ay malapit na ang loob nila Mills kaya masasabi niyang kahit papaano ay basa niya na ang kinikilos ng kaniyang kababata.
"Because wounds take time to heal, iyong nangyaring iyon kanina? Sobrang sakit no'n para kay Willow. Mas close silang dalawa kaya sure ako na sa inyong tatlong nandito? Mas apektado siya." Dugtong ni Yohan saka sinandal din ang sarili sa dingding.
"Yohan," tawag ni Mills sa pangalan ng kaibigan na kaagad naman siyang nilingon.
"Hmm?"
"Sinisisi mo rin ba ako sa pagkawala ni Alison?" Agaran nitong tanong na siyang hindi na ikinagulat pa ng binata. Kanina niya pa napapansin na hindi na ito nagiging komportable sa sarili lalo na sa pagbabagong nangyayari sa kaniya na siyang naging mitsa kung bakit halos lahat silang nandito sa loob ay nasa dalaga ang mata.
"Hindi kita sinisisi, Mills. At iyon ang isa sa mga bagay na hinding-hindi ko gagawin sa'yo." Sinserong sagot niya na siyang ikinailing ng dalaga.
"Sa sinasabi mong 'yan, halata masyadong kakampi ka pa rin sa'kin kahit ano pang gagawin ko." Angal ni Mills na siyang lihim na ikinatawa ng binata.
"Alam ko kasing hinding-hindi ka gagawa ng paraan para ipahamak iyong mga kaibigan mo. Ganoon ang pagkakakilala ko sa'yo." Pampalubag-loob ng binata sa kausap pero halatang nag-aalangan pa rin ang dalaga.
"As long as alam mong wala kang ginawang mali. Huwag kang magpapa-apekto. Hindi ikaw ang may kasalanan kaya bakit mo rin ba sisisihin ang sarili mo? Masyado mo naman yatang inaagaw ang pwesto ng tunay na salarin diyan sa inaakto mo." Dagdag pa nitong sabi.
Saglit silang natahimik at inaantay pa rin ni Yohan na magsalita si Mills pero tila wala na itong planong ibuka pa ang bibig ng katabi. Muling bumuntong-hiningaang binata saka diniretso ang tingin sa labas.
"Hindi ka nila bini-blame sa nangyari, Mills." Agaran niyang banggit na siyang nakapagpaangat ng tingin sa kausap. Kaagad ding sinalubong ni Yohan ang mga mata nitong nangangailangan ng kasagutan at kasiguraduhan.
"Iyan ang sinisigurado ko sa'yo. Kaya kung iniisip mong iiwan ka na namin, wala ka sa tamang pag-iisip." Matapos niyang idugtong iyon ay doon siya bagot na nilingon ng dalaga. Sunod niya nalang naramdaman ang may kaliitan nitong siko na diretsong tumama sa tiyan niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapaigik dahil sa dala nitong sakit. Sa ilang taon niyang pagkakilala sa kasama ay hindi na siya nagugulat pa sa pagiging sadista nito. Ngunit ang hindi niya lang talaga inaasahan ay ang uri ng pakikipaglaban ni Mills. Alam niyang wala itong kahit anong karanasan sa pisikalang laban kaya hindi niya rin maiwasang mapaisip kung bakit at kung paano.
"Bwisit ka talaga kahit kailan, Yohan." Naaasar nitong sabi bago umismid. Lihim na lang tuloy na ngumiti ang binata bago nilibot ang tingin dito sa loob.
"Pwera biro," umayos muna siya ng upo saka tinitigan ang dalaga. "Kahit pa magdesisyon silang iwan ka, sa'yo pa rin naman ako sasama. Nangako ako sa'yo na hindi kita iiwan, di'ba? Kaya asahan mong hindi ako mawawala. Ibabalik kita sa inyo, pinapangako ko 'yan." Sinserong sambit ni Yohan na siyang nakapagpakalma sa sistema ni Mills.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top