Chapter 18: Ray of Hope

"I can't just stand here and do nothing." Biglaang sabi ni Ms. Garcia. Ayaw na niyang mag-antay pa dahil pakiramdam niya ay sa bawat minutong lumilipas na wala siyang ginagawa. May mga buhay na bigla na lamang maglalaho't mawawala. Sa sinambit niya ay doon muling namuo ang ngiti sa labi ng maestro.

"Go ahead, then. Tignan lang natin kung hanggang saan ka tatagal," nginisihan siya ni Winston pero hindi na niya ito pa pinagtuunan ng pansin bagkus ay kaagad niyang nilapitan ang pinto. Muling naging dominante sa kaniyang pandinig ang mga kamay na sunod-sunod na kumakalampag sa pinto. "Even if you seek ways to fight them back, you wouldn't beat them all. So why can't you just stay here and watch them struggle for their own lives instead?"

"We are all a living pawns inside a game that we don't understand. That's how the world taught me, Ms. Blaire." Dagdag pa ng maestro na siyang nakapagpahinto sa guro. Hindi na niya natuloy pa ang pagbubukas ng pinto nang marinig ang idinugtong ni Winston. Muli niyang binaba ang kaniyang kamay bago lakas-loob na nilingon ang pwesto nito.

"If the world taught you that life is a game, tangled with a chain of different levels of problem. My own perspective showed me that our prime purpose in this life is to help others. And if you can't help them, at least you wouldn't do such thing that might hurt them," walang bahid na pagbibiro niyang sambit.

"Oh?"

"I cannot do all the good that the world needs, yes. But this world needs all the good that I can do." Dagdag niya pa at doon niya sinalubong ang tila natutuwa nitong mata. "At sa tingin ko, 'yan ang nakaligtaang ituro ng mundo sa'yo." Huli niyang banggit at pwersahang binuksan ang pinto dahilan kung bakit napatumba papasok ang mga zombies na kanina pa kinakalampag ang malaki at doble nitong pinto. Hindi na nagsayang pa ng oras ang maestra at kaagad ng lumabas sa pinto nang hindi inalintana ang peligrong dala ng sitwasyong sinalubong niya.

Bumungad sa kaniya ang napakagulong corridors, puno ng nagsibagsakang mga bubog ang sahig. Idagdag pa ang mga putol na parte ng katawan na siyang nakalatay sa ibaba. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pulang mga bahid na halatang galing sa dugo ng tao. Wala sa wisyo siyang napadasal saka nagpalinga-linga. Wala siyang mahanap na tao sa labas, at wala rin siyang mga sigawan na naririnig hindi kagaya kanina. Tila ba sa ilang oras na lumipas magmula nong nagsimula ang gulong ito ay binawi nang ganoon kadali ang ingay ng mga taong nasa loob ng eskwelahan.

Kasalukuyang nakadungaw ang maestra sa labas ng corridor para tignan kung may madadaanan ba siya. Doon niya klarong nakita ang mga maliliit na pigura na gumagala sa quadrangle. Subalit hindi siya sigurado kung tao pa ba iyon o hindi na. Akmang tatalikod na sana siya pero kaagad siyang napatihaya sa sahig nang mahila siya ng isang zombie. Gumagapang lang ang halimaw at pilit siya nitong hinihila palapit sa bibig nito pero nagpumiglas ang maestra at sunod-sunod niyang sinisipa ang mukha nito para mailayo lang ito sa kaniya. Nang hindi pa rin ito bumibitaw ay doon na niya tinanggal ang sandal niyang may takong at buong tapang na inihampas iyon sa zombie. Makailang beses niya pa itong ipinukpok hanggang sa tuluyan na nga itong napabitaw na siyang dahilan kung bakit nakahanap na siya ng tiyempo na makatayo. Mabilisan niyang tinanggal ang isa niya pang sandal saka nakayapak na tumuloy sa pagtakbo.

Nang makarating na siya sa kabilang hagdan para sana bumaba ay hindi na niya iyon natuloy pa dahil sinalubong siya ng panibagong grupo ng mga zombie. Saglit siyang napahinto at kaagad na lumingon palikod para sana bumalik sa kaniyang pinanggalingan. Kamuntik pa siyang mahablot ng isa pero mabuti na lang at nakatakbo siya kaagad. Sa muling pag-abot ng kaniyang kamay sa newel cap ay hinawakan niya iyong maigi upang pigilan ang sarili na hindi matumba. Hinigit niya rin kaagad ang handrail saka mabilisang bumaba papuntang ground floor.

Sa pangalawang corridor na napuntahan niya ay walang pinagkaiba ang itsura no'n sa dinatnan niya kanina sa itaas. Pero mas malala nga lang ang lagay dito dahil may mga zombies na nagkalat dito na halos pumuno na sa daanan. Nang makuha niya ang atensyon ng mga iyon ay kaagad silang nagsikilos upang atakehin siya. Ngunit hindi siya nito naabutan dahil nahagip na ng kamay niya ang katabing pinto saka nahihintakutang pumasok sa loob.

Nang masigurong nakalock na ang pinto at pati ang cam lock sa itaas ay saka lang nakahinga nang tuluyan ang guro. Ramdam ni Ms. Garcia ang malakas na pagtibok ng puso niya dahil sa kaba at takot, hindi pa rin niya magawang maialis ang sarili sa likod ng pinto kung saan patuloy siyang nakasandal at humahanap ng pagkakataon na makabawi. Sunod-sunod din ang kaniyang mabibigat na paghinga hanggang sa tuluyan na nga niyang ilibot ang tingin sa buong silid. Wala itong tao, may kaliitan man ang pwesto pero sakto na ito para gawing pagtaguan. Nang kusang huminto ang mata niya sa mesang hindi kalayuan sa pwesto niya ay kaagad siyang nabuhayan ng loob.

May telepono kasing nakapatong dito kaya mabilis niya itong tinungo at nag-umpisang magtipa sa push button upang tawagan ang emergency number. Makailang ulit siyang sumubok pero wala siyang ma-contact. Ni hindi rin ito nagri-ring kaya pabagsak niya itong binalik. Kinapa niya mula sa bulsa ang cellphone niya at nagbabakasakaling magamit nito ito pero ganoon na lamang ang kaniyang panlulumo nang pati ito ay walang signal.

Sa muling paglibot ng kaniyang mata rito sa loob ng monitor room ay doon napako ang tingin niya sa screen ng computer sa gawing gitna. Lumapit siya kaagad dito upang matignan nang mas klaro ang nasa labas. Ginalaw niya ang mouse saka nilipat-lipat iyon pero halos manlumo lang siya sa mga nakikita. Wala siyang nakikitang buhay at puro zombies lang ang naipapakita ng monitor.

"What have you done, Winston?" Bulong niya sa sarili. Akmang uupo na siya pero natuon ang atensyon niya sa computer microphone. Iwinaksi niya muna ang pagkalugmok bago niya iyon hinawakan. Agaran iyong gumawa ng static sound na siyang maririnig sa lahat ng speaker ng school.

"H-hello?" Hindi niya siguradong sabi habang pilit na pinipigilan ang luha niya sa pagtulo.

"I am not really sure i-if may nakakarinig pa sa akin ngayon." Huminto muna siya nang mapansing nagsisitakbuhan ang mga zombies papalapit sa mga naglalakihang speaker ng school. Nagwawala silang lahat na siyang hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang epekto ng boses niya sa mga halimaw.

"P-pero kung meron man. I want all of you to listen, makinig kayo sa'kin kahit ngayon man lang. W-we are all stocked in this school dahil sa sudden outbreak na nangyari. At hindi ako sigurado kung hanggang kailan ito m-magtatagal," saglit siyang huminto para kahit papaano ay makapagsalita siya nang diretso. "Walang networks na available ngayon at hindi ko alam kung bakit naputol lahat ng linya natin for communication. Kahit anong social media platforms na meron tayo ay hindi rin gumagana kaya wala tayong mahihingan ng tulong."

"Guys," diretso niyang pagtawag kahit hindi siya sigurado kung may nakikinig ba sa kaniya. "I am not saying this to break your hopes. Magpakatatag kayo. Kung sino man sa inyo ang nakakarinig nitong sinasabi ko ngayon. Please pull yourself together and fight for your lives. No one will come here to save us all so we're going to do it ourselves. You are all a city highians who are raised to be brave and shaped to fight, right? K-kaya niyo 'tong lahat, okay? M-makakauwi rin tayo. So please, stay alive."

***

"Sir, we failed to protect the next area near San Juanico City." Kabadong tugon ng Deputy Chief sa kaharap. Hindi ito nagsasalita bagkus ay hawak lamang nito ang isang rosaryo kasama ang litrato ng isang binata na kanina niya pa pinagmamasdan.

"Nabawasan na po ang mga tao natin. Dahil sa lahat ng squad na pinadala ng department. Kahit ni isa sa kanila, wala po talagang nakabalik." Imporma niya pa dahilan kung bakit mariin na napapikit ang kausap. Nahihirapan siyang magdesisyon ngayon dahil miski siya ay naiipit sa sitwasyon. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang magiging pasya, ang unahin ang kaniyang tungkulin bilang Assistant Chief o ang pagiging ninong sa kaniyang inaanak.

"Sir, I am really sorry to say this but if we still failed to protect Sitio San Diego, tayo na po ang susunod na sasalakayin." Muli nitong sabi at mahahalata talaga ang labis na kaba at takot sa boses ng kausap.

"How did it happened?" Puno ng pagtatakang tanong ng kaharap dahil miski siya ay nagdududa. Alam niyang may kalidad ang mga baril na ginagamit nila miski ang mga hawak nilang pampasabog mula sa maliliit hanggang sa malalaki ay nakatitiyak siyang nakakamatay ang mga iyon. Pero papaanong nagawa pa rin silang malusutan ng mga halimaw na iyon?

"They are so aggressive to the point na kaya nilang makipagsabayan sa kung anong meron po tayo. Base po sa report na natanggap ko, ang lakas nila ay nagre-range sa dalawa hangga't tatlong pinagsamang ordinaryong lakas ng normal na tao. At sa oras na makagat ka no'n, siguradong mahahawaan ka at hindi rin magtatagal, magiging katulad ka rin nila. Hindi ko lang po alam kung ano pong tawag sa mga halimaw na iyon pero base lang po sa narinig ko. Parang zumba ba iyon?"

"Zombie?" Pagtatama niya na siya namang ikinatango ng kausap.

"Iyong supply ng mga armas natin ay kumukunti rin po dahil naiwan iyon lahat sa battlefield. Aabutin din po tayo ng siyam-siyam kung magre-request tayo ng panibagong gamit sa mismong base."

"Pero may idea ba kayo kung paano iyon patayin?" Umiling muna ang deputy bago tumuloy sa pagsasalita.

"Sa ngayon po ay wala kaming malinaw na weakness patungkol sa target. Pinapaulanan lang po nila iyon ng bala hanggang sa hindi na iyon makatayo. They are also using explosives kung magkaipitan o kung may umatakeng horde. Hangga't kaya ay iniiwasan po ng team na magkaroon ng major damages ang lugar dahil kagaya nga po ng order ni Chief, dinidepensahan po natin ang mga infrastructure na masira.""

"Sa bilang din po ng mga kasong namatay, aabot na sa kalahating porsyento ang tuluyang nawala sa populasyon natin. At kung hindi natin 'to maaaksiyunan kaagad, hindi po impossibleng isipin na tuluyang mawala ang buong San Juanico City sa mapa. At ituring na lamang itong ghost town." Mahinahon niyang imporma na siyang mas naging rason kung bakit napatahimik ang Assistant Chief.

"Sir, hindi naman po sa nakikialam ako sa desisyon ng departamento pero, bakit wala po kaming natanggap na order na magligtas ng civilians? May mga tauhan po akong sumubok na sumaklolo pero no'ng nakarating na kami sa pier para sana ihatid sila sa evacuation site, ay hinarang po kami kaagad at hindi sila pinasakay." Nagtataka niyang kwento na siyang dahilan kung bakit sinalubong na ng kausap ang kaniyang tingin.

"Hindi nila tayo binigyan ng order na magligtas ng civilians." Diretsong sagot nito na siyang nagpagulat sa Deputy.

"Po?" Naguguluhan niyang tugon dahil sa narinig.

"We are ordered to prioritize and save ONLY notable persons. At sila lang ang pwedeng dalhin sa loob ng evacuation site."

"Ibig po bang sabihin niyan ay hahayaan lang natin ang mga civilian na maiwan dito? Ang pinupunto ba ng Chief ay isakripisyo ang halos kalahati ng buong populasyon natin sa krisis na 'to? Hindi naman po yata tama 'yan." Angal niya na siyang ikinabuntong-hininga ng kaharap.

"Alam ko, pero wala tayong magagawa dahil nasa position tayo at trabaho nating sundin ang order na binigay nila."

"Kahit po isakripisyo natin ang buhay ng mga bata? Ayos lang din po ba sa kanila iyon?" Doon lang napahinto ang kausap nang biglaan niya iyong tanong. "Lahat ng units natin ay nakapwesto bilang depensa at opensa para mapanatili ang harang ng lugar. Pero wala pa po kaming natatanggap na reports patunkol sa pagliligtas ng mga estudyante sa bawat eskwelahan. Maliban sa Juanico High na hindi na talaga kayang abutin ng mga chopper natin." Pagpapaliwanag nito dahilan kung bakit halos murahin ng Assistant Chief sa isip niya ang kanilang head.

"Hindi naman din po sa pinapangunahan ko ang desisyon niyo bilang Assistant Chief dito. Pero Sir, kayo lang po ang inaasahan ng team namin na maitama 'to. Hindi po sa wala akong duda kay Sir Villafuerte bilang tumatayong Chief of Police rito. Pero mas kayo po ang nakakaintindi sa pagkakataong 'to, Sir. Kayo po ang inaaasahan ng lahat ngayon." Puno nang pamimilit nitong sambit. Hindi lang ang pag-ulat ang sinadya ng Deputy sa opisina ng kaniyang sadya kundi ay nais niya rin itong makausap at sana mapilit itong tumayo at magmando sa kanila.

Alam niya sa sarili niya na kahit pangalawa sa pinakamataas ang kanyang kausap ngayon, limitado pa rin ang kilos nito. Ngunit umaasa pa rin siya na sana sa pagkakataong 'to ay muli sila nitong panigan.

"Kung hindi niyo po ako masasamahan ulit sa labang 'to. Maiintindihan ko po, dahil hindi rin naman madaling bitawan at isawalambahala ang pwestong meron kayo," sinsero niyang wika nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kaharap. "Handa po akong managot sa kung anumang kaparusahang ipapataw sa'kin sa oras na hindi ako sumunod sa order. Binigyan ako ng chapa bilang palatandaan na isa na akong opisyal na kawal ng gobiyerno. At bilang isang sundalo, tungkulin kong magligtas ng buhay at paglingkuran ang bayan ko. Hindi po kasama sa sinumpaan kong tungkulin ang magpabaya at mang-iwan." Buong tapang niyang sabi nang hindi man lang kababakasan ng kahit anong pag-aalinlangan.

"Kuntento na rin naman po ako sa ranggong meron ako ngayon. Kaya hinding-hindi ko po pagsisisihan ang magiging desisyon ko." Huminto muna siya saglit bago inalis sa kaniyang uniporme ang chapa. Sandali niya itong tinitigan hanggang sa tuluyan niya na nga iyong nilapag sa mesa.

"Kung saka-sakali mang tuluyan nila akong tanggalin. At least, tama parin ang desisyong ginawa ko." Saglit siyang tinitigan ng Assistant Chief Suarez para sana antayin ang susunod nitong sasabihin pero hindi man lang ito lumingon at dire-diretsong umalis. Ngunit bago pa man ito makaabot sa pinto ay agaran niyang tinawag ang deputy.

"Deputy Chief Villanueva." Umalingawngaw ang puro ngunit mahinahon niyang boses sa loob na siyang nakapagpahinto kaagad sa lalaki.

Nilapag muna ni Suarez ang litrato sa nakabukas niyang maliit na aparador saka muling isinilid sa bulsa niya ang hawak na rosaryo bago ito tumayo at umalis sa harap ng kaniyang mesa. Diretso siyang tumindig bago muling nagsalita.

"Form a unit and prepare the choppers." Nang marinig ng deputy ang iniutos niya ay kaagad itong napahinto at agarang napalingon. Kusang namuo ang nagagalak nitong ngiti sa labi at muli na namang lumitaw ang pag-asa sa kaloob-looban niya.

"Sasama po kayo sa'kin?" Paninigurado niyang tanong na siyang ikinatango ng kaharap.

"Mas kinakailangan ng taumbayan ang tulong ko. Kung hindi kikilos ang Chief na siyang dapat manguna rito at umasikaso sa siyudad natin. Ako na ang gagawa." Hindi kaagad nakasagot ang deputy matapos marinig ang kaniyang sinabi. Tila ba natutuwa ang tainga nito na marinig ang kaniyang mga iniutos. Punong-puno ng respeto niya itong sinundan ng tingin hanggang sa ito na ang nanguna sa paglalakad.

Naiwan ang deputy sa kaniyang kinatatayuan habang tinitignan ang likod ng kaniyang head. Tama nga ang hinala niya kani-kanina lang. Na hindi sila tatalikuran ng nag-iisang tao sa pwesto na kayang intindihin ang sitwasyon nila ngayon. Ngayon ay hindi na siya nawawalan ng pag-asa, dahil alam niya sa sarili niya na sa oras na kumilos na ito. Sigurado na ang panalo nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top