Chapter 17: Palaisipan

"Whatever your reason is. You can't still deny the fact that you brought this menace!" Singhal ng principal sa gurong si Winston pero tumawa lang ito sa sinabi niya. "Nababaliw ka na."

"I am not crazy, the world is." Dugtong nito saka muling binaybay ang bawat sulok ng kwadradong silid.

"Oh, come on. You don't have to look at me in that way, para namang nakagawa ako ng isang napakabigat na kasalanan niyan." Usal niya bago muling nilingon ang dalawang kasama sa loob.

"Bakit, hindi ba? Hindi ka ba nakukonsensiya sa ginawa mo? Isang malaking problema 'to!" Halos tumaas na ang boses ng gurong si Blaire dala ng takot at pag-aalala. Ni wala siyang kaide-ideya kung gaano na nga ba kalala ang sitwasyon ngayon sa labas. Alam niya kung ano ang nakita niya, kaya hindi malabong mas malala pa sa iniisip niya ang sitwasyon ngayon ng buong eskwelahan.

"If you see a cat chasing a rat. What do you think is the very first feeling that you would feel?" Hirit na namang  tanong ng maestro bago hinila ang bakanteng upuan at doon naupo.

"S-seriously? Nagagawa mo pa talagang itanong 'yan sa sitwasyong 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ng guro.

"You can't do anything about this anyway. So might as well answer my question," nakangiti nitong sabi habang prenteng nilalaro-laro ang mga daliri sa kamay. "Now, which side are you going to take, the cat or the rat's side?"

"Well, if you found it hard to answer. Let me share a brief elucidation." Bumuntong-hininga muna ito saka muling iniayos ang pagkakasuot ng salamin bago nagsalita. "Cats have a reputation for cruelty for one reason in particular, and it's to play with their prey until the victims are totally overcome with fear." Kwento nito na tila ba pinapaliwanag nang maayos sa dalawa ang pagpipilian para makuha niya ang inaasam-asam na sagot ng mga 'to. "And what about the rats? Well, unfortunately. In their case? Even if they fight back, they will never win."

Saglit itong huminto para sumandal sa upuan.

"Well I guess, most people will take the cat's side, right? Kahit hindi ko pa kayo narinig na sumagot. Pareho lang din naman ang sasabihin niyo." Dugtong nito sa kaniyang sinabi bago bagot na bagot na nag-unat. "Because in your eyes, a rat is just a mere pests  trying to destroy each of your rice crops. Hindi ba't para sa inyo, salot  sila sa lipunan at binigyan lang ng buhay para gawing basahan?"

Dulot ng kaniyang sinabi ay umismid lamang ang principal bago sumagot.

"They are indeed a pests so they deserve to die anyway. Pasalamat na nga lang tayo at nagkaroon ng pusa para linisin iyong mga pesteng iyon, di'ba? Will you please drop this nonsense chit chats and get out in he─"

"As expected from a demon creature like you." Puri ng guro na siyang ikinaigting ng tainga ng kaniyang kaharap. Kanina pa siya namumuro sa tuloy-tuloy na pambabastos nito sa kaniya.

"Hindi ba't nakakatawa na hinuhusgahan niyo 'ko kaagad at sinasabihin niyo pa ako na baliw akong tao?" Gatong pa ni Winston bago iniikot-ikot ang inuupuang swivel chair.

"Frankly saying, hindi  naman ako siraulo kung 'yan ang iniisip niyo," kalmado niyang pagdekara waring tinatama ang tingin ng dalawang kasama sa kaniya. "Mulat lang ako sa realidad kung saan patuloy kayong pumipikit." Pagpapatuloy niya pa.

"Then what are you trying to imply? Even if how many times you coated your words using sweets. We can still tastes the sourness inside it. Mali parin a—"

"Wrong, you are not thinking outside the box, Ms. Garcia. Hindi pa ako tapos sa pagpapaliwanag pero sumingit ka na kaagad. Hindi ba itinuro sa university niyo na maging neutral muna at antaying matapos na magpaliwanag ang dalawang panig bago gumawa ng hatol?" Sabat ng maestro nang magawi ang tingin nito sa kaniya. "The predominant feeling that I want you two to understand is not about how  crazy I was in your eyes. But, it's to understand someone's empathy."

"Kung hindi niyo naiintindihan iyong pakiramdam na pinagkakaisahan ka ng mga tao. Iyong pakiramdam na parang tinatalikuran ka na ng mundo, hinding-hindi niyo talaga ako mauunawaan. Alam niyo kung bakit? Dahil magkaiba tayo ng nakikita. People tend to believe the good side without knowing the true story behind. Have you ever forgot that every roses, there's a thorn hiding below?"

"Kinulang ba ako sa konsensiya kaya ko ginawa 'to? Hindi. Ginusto kong gawin 'to dahil hindi ko na kayang sikmurain ang sitwasyong nararanasan ng mga estudyante rito. All my life, I treated school as my safe haven, but this place is quite far from what I'm expecting. Dahil ang nakikita kong itsura ng pinagmamalaki niyong eskwelahan, ay hindi lugar para sa mga batang aaalalayan ka sa matuwid na landas. Bagkus, isa itong matinik na daan na inembento  ni Satanas patungo sa impyerno niyang kaharian."

"Hindi lang ang eskwelahan ko ang hinuhusgahan mo, Mr. Winston. Kundi ang buong pagkatao ko na. Ano, labasan na ba ng baho 'to? Akala mo ba na hindi pa sasapat ang kahayupang nagawa mo ngayon para patawan ka ng mabigat na parusa?" Tila napupunong giit ng principal at walang takot na dinuro ang guro.

"Your threatening card is overused. But sadly, that won't bother me. Hindi ako takot sa'yo at kailanman, hinding-hindi ako matatakot sa pagbabanta mo." Sagot nito saka ngumisi na para bang wala talagang makakapagpapigil sa kaniya.

"Ano ba talagang gusto mo?" Kaagad lang siyang napatigil nang muling magsalita ang maestra. "Nangyari na ang sinasabi mong evolution. Nagkakagulo na rin ang mga estudyante sa labas at tuluyan mo na ring nasira ang eskwelahang 'to. Sino pa ba ang kinakailangang magdusa? Nakuha mo na lahat oh, kaya pwede bang itigil mo na 'to?" Nangungusap na turan ni Blaire na para bang sumusuko na. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng ibang klaseng problema. Iyong tipong kahit saan ka lumingon, walang ibang nakaabang kundi puro kapahamakan at kamatayan lang.

"Even if you begged me a hundred times, nothing will going to change. Why would I turn back everything the way it used to be kung itong klaseng mundo ang gusto ko?" Muling umiling si Ms. Garcia dahil sa narinig.

"Siguro nga ay may mga bagay talagang hindi ko kayang intindihin sa lahat ng pinupunto mo. Pero ano pa bang hirap ang gusto mong iparanas sa lahat? Sige, sabihin na nating tama ka na hindi nga tayo pantay pantay dito, at kahit pa sa labas ng eskwelahang 'to. Pero, kinakailangan mo pa bang idamay iyong mga taong walang kinalaman at inosente rito? Kailangan bang magdusa ang lahat sa kasalanang iilang tao lang ang may gawa?"

"I am not opposing you by how you view this world. Pero hindi naman yata tamang umabot tayo sa puntong kinakailangang ilagay sa mga kamay natin ang batas. Kung unfair na para sa'yo iyong dati, ano pa ba ang pinagkaiba ng noon  sa ngayon? You are killing them all and let them fight with each other until when? Hanggang sa wala ng matira? Bakit, magulo at walang kabuhay-buhay bang mundo ang gusto mong tirhan?"

"We are what is unfair in this world. The world itself is indifferent to us," mahinahon sambit ng maestro na kababakasan  ng diin. Sandali silang binalot ng katahimikan waring nakuha ang nais nitong ipunto. "Walang mababa kung walang nagmamataas. Walang maghihiganti kung walang mang-aapi. I am just trying to let the world flow in reverse dahil hindi ko kayang tiisin na lagi na lang tayong nasa ibaba."

"If you expect the world to be fair with you, then you are just fooling yourself." Dagdag niya pa at doon nagpasyang tumayo para muling lumapit sa bintana. Pinasadahan niya ng tingin ang gawing labas na kung saan hindi na niya matukoy pa kung alin sa mga nakatayo ang buhay sa hindi. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi waring natutuwa sa kaniyang nakikita.

"Because this world seems to be a triangle. As long as a luminar seats right on the top, this chaos will never come to an end." Humarap muna ito sa kanila bago muling tumuloy sa pagsasalita.

"But, I already invert the triangle, so it's time for the sef to take their most awaiting revenge."

***

"Are you guys sure na safe 'tong gawing daanan?" Kinakabahang tanong ni Dillon saka kabadong nilibot ang mata sa likod ng building. Kanina pa siya kinikilabutan dahil sa napakatahimik at gulong lugar, ni kahit kuliglig ay wala siyang marinig at pakiramdam niya ay sila lang ang nandito.

"How many times do I have to repeat myself na huwag na huwag kang mag-iingay? Namumuro na ako sa'yo, Dillon. Tumigil ka na." Mahinang banta ni Kimber matapos marinig ang matinis na boses ng kaibigan na para bang anumang oras ay titili na ito.

"This is quite far from the junior building pero wala tayong pagpipilian ngayon. Gusto mo bang bumalik sa hallway na puro zombies iyong nag-aabang?" Gatong ni First habang palihim na inoobserbahan ang paligid. Gamit ang cellphone niya ay iniilawan niya rin  ang daanan para siguraduhing ligtas 'to.

"I am not complaining, okay? I was just asking you two if seryoso na ba talaga kayong dito talaga dumaan." Pagtatanggol niya sa sarili at pilit na kinukubli ang kabang namumuo sa kaniyang sistema.

"This is our last option, kung may zombies pa rin sa dulong 'to tapos hindi ulit natin kayang i-handle iyong situation, then we will going to go back." Banggit ni Kimber bago mariing hinawakan ang dart pins sa kamay. Saglit niya ring nilingon ang kaibigan bago tumuloy sa pagsasalita.

"This is not the right time for you to get scared about ghosts. Mas matakot ka sa zombie kaysa sa multo." Diretso niyang sambit sa kaibigan na wala na ngang nagawa pa kundi ang labag sa loob na sumang-ayon.

Tumuloy ulit sila sa paglalakad habang si Kimber ay palihim na pinapahid sa suot niyang pants ang kamay niyang namamasa dahil sa kaba. Hindi siya kinakabahan para sa sarili niya o sa mangyayari sa kanila ngayon. Dahil mas iniintindi niya pa ang kapatid niyang hindi niya alam  kung saang lupalop ng Junior High building nagsusuot. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil alam niyang may patutunguhan ang pagsasakripisyo nila ngayon.

"W-what? N-no way. Halos itaya na kaya natin iyong mga buhay natin kanina para umabot lang dito tapos magdedecide lang kayong bumalik kung magkaipitan? Is it a bad idea to move forward?" Singit ulit ni Dillon dahil ayaw niyang tuluyan silang lamunin ng katahimikan.

"Kanina lang gusto mong bumalik, tapos ngayon gusto mo ulit na magpatuloy? You know what? If takot ka na talaga, no one is stopping you to leave." Sagot ni Kimber at mabilis ding napahinto nang may biglaang mapansin.

"Hide." Tipid niyang sabi dahilan kung bakit naalerto si First at madaliang nilibot ang tingin para makahanap ng mapagtaguan. Kaagad niya ring naispatan sa kanilang gawing kaliwa ang isang nakabukas na pinto at doon na niya hinila ang dalawa papasok.

Nang maingat na maisarado ni First ang pinto ay doon lang nagsidaanan ang panibagong horde ng zombies. Laking pasasalamat nila nang sa pagkakataong 'to ay may natiyempuhan silang mapagtaguan, hindi gaya ng mga nangyari sa kanila kanina na napipilitan talaga silang makipaghabulan para makatakas.

"How many times do we encountered horde? Hindi ba sila marunong umatake nang isa-isa lang? Gosh, these human eaters are really getting on my nerves." Reklamo ni Dillon habang inoobserbahan ang mga zombies na nagsisitakbuhan na parang may bagong hinahabol.

"Hindi tayo sigurado kung may kasunod pa 'yan kaya mas mabuti pa siguro kung dumito na muna tayo." Usal ni First saka sila tinignan na dalawa. Nilapag niya na rin sa sahig ang baseball bat niya bago nagpasya na hubarin ang kaniyang suot na sapatos. Sa pagkakataong ito ay ngayon niya pa lang naramdaman ang magkahalong ngalay at sakit ng  kaniyang paa. Sa ilang oras na inilaan nila sa pagtakbo ay ramdam ni First ang panginginig ng kaniyang binti. Ngayon pa siya ulit nakapagpahinga at naikalma kahit papaano ang sarili, pagod na siya kanina pa sa City Gym at mas lalo lang siyang napagod matapos silang makabalik dito sa Juanico High.

"In fairness ha," Banggit ni Dillon saka tinitigan ang paa ni First. "Ang baho ng paa mo, pati siguro zombies tatangging kainin ka." Umiiling nitong komento at doon maarteng nagtakip ng ilong at lihim na ngumuso.

"Arte mo, tangina." Sagot ng binata saka nilayo ang nangangamoy niyang sapatos at binalak pa talagang ilapit ang paa sa mukha ng dalaga na siyang agaran din namang nakailag.

Saglit silang nilukob ng katahimikan at ginamit na rin nila ang pagkakataong ito para tuluyang ilibot ang tingin sa loob. Nag-iisa lang ang bulb na pulido pang nakailaw samantala ang mahahaba nitong fluorescent ay nagpapatay-sindi. Sa kakarampot na liwanag na mayroon sila rito sa loob ay doon nila  napagtanto na nasa ICT room sila. Mabuti na lang at hindi pa nawawalan ng kuryente kaya hindi rin naging mainit ang loob. Laking pasalamat na rin nila lalo na at  air conditioned ang silid.

"Sa tingin niyo, may gagana kayang kahit isang computer diyan?" Pag-iiba ni First. Sa kaniyang binanggit ay tuluyan niyang naagaw ang atensyon ng dalawa.

"Wala na tayong connection di'ba? Kahit nga wifi wala tayo, kaya paano natin gagamitin 'yan?" Tugon ni Dillon bago tumayo para lumipat sa upuan kung saan mas komportable siya.

"We have to try." Sang-ayon ni Kimber saka nagsimulang magtipa sa keyboad. Kaagad namang lumiwanag ang screen ng computern na siyang naging hudyat niya para magpatuloy sa ginagawa.

"Wala talagang wifi na available, Kimber. How are we going to use it?" Bagsak ang balikat na sabi ni Dillon matapos subukang i-open ang isang window ngunit hindi gumana dahil wala silang interni connection.

"Marunong kayo magtransmit ng message through serial port?" Tanong ni First at inusisa ang mga wire ng computer.

"I'm out, hindi ako ICT student. Wala akong alam diyan." Agarang sagot ni Dillon.

"Still, it won't work. Even if we have stable bluetooth, cable or gender-bender. Kung wala tayong RS-232 Serial Communication Protocol, wala rin." Dismayadong naiusal ni Kimber matapos matignan ang computer.

"Gosh, pwede bang linawin niyo naman iyong mga sinasabi niyo? Kayo lang kasi iyong nagkakaintindihan. Like, hello? Andito rin naman ako." Singit ni Dillon habang paulit-ulit niyang nirerefresh ang browser at nagbabakasakaling magkaroon ng himala pero wala pa rin.

"Hindi ko halos maimagine na kung kailan  mas kinakailangan nating gamitin iyong gadgets, ay saka pa tayo pinutulan ng connection." Asar na banggit ni First saka pinaglaruan ang mouse.  "Now, how are we going to call for help kung wala naman tayong magamit? Tanginang buhay nga naman 'to oh." Bagsak-balikat niyang dagdag.

"What are we going to do now? Kung hindi tayo maka-reach out sa emergency hotlines or even let the people know about our situation here, papaano tayo makakalabas?"

Pabagsak na sumandal si Kimber sa upuan bago nilipat ang tingin kay Dillon. "If they won't come here to save us, then we are left with one choice,"

"And it's to formulate our own plan just to save ourselves."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top