Chapter 16: Alison
"It's not w-what I'm thinking right?"
Hindi makasagot si Willow sa itinanong ng katabi. Tila ba nablangko ang isip niya nang makitang nag-umpisang labasan ng dugo ang bibig at ilong nito. Hindi niya mapigilang titigan ang itsura ng kaharap at sinubukang kilatisin ang kasalukuyan nitong estado. Ngunit kahit saang anggulo man tignan, pinapakita talaga ng tadhana sa kaniya ang katotohanang hindi niya magawang takasan.
Kagat-labi siyang nag-iwas ng tingin nang walang binibitawang salita. Gusto niyang isipin na biro lang ang lahat ng 'to, na isang kalokohan lang ang nakikita niya ngayon. Pauli-ulit niya ring pinapaalala sa sarili niya na walang masamang mangyayari kay Alison.
"W-willow?" Nauutal na banggit ng kaibigan sa pangalan niya dahilan kung bakit muling ibinalik ni Willow ang kaniyang tingin sa kasama. Akmang iaangat na sana ng dalaga ang kaniyang kamay para sana abutin si Alison pero natagpuan niya na lang ang sarili na napahinto nang makitang unti-unti ng nagsilitawan ang nangingitim na ugat ng kaibigan.
"W-will you please stop doing pranks, Alison? Come on, this is not you. You don't have to pull pranks para lang asarin ako nang ganito!" Pasigaw na sambit ni Willow dahilan kung bakit biglang natuon sa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat. Bakas ang gulat ng magkakaklase nang makita ang sitwasyon ngayon ni Alison. Walang niisa sa kanila ang nakaimik at tila ba kahit isa sa kanila ay walang may balak na magsalita.
"Willow, I think I c-cannot control myself. W-what should I do?" Muli nitong tanong saka tinignan ang kaniyang braso na bayolenteng gumagalaw. Gustuhin man niya itong kontrolin pero tila may sarili na itong buhay. Nakakaramdam na rin siya ng ibayong sakit na hindi niya halos maipaliwanag kung saan galing.
"Willow, stay away from her." Agarang utos ni Wren pero hindi nakinig ang dalaga. Nakatuon pa rin ang buo nitong atensyon sa kaibigan. Ilang segundo pa siyang nakatulala sa kawalan hanggang sa nagpasya siyang kapahin ang bulsa para kumuha ng panyo. Mabilis niyang pinahid iyon sa ilong ni Alison na ngayon ay naluluhang nakatingin sa kaniya.
"Come on, guys. You don't have to fucking worry about her. She's perfectly fine! Normal lang sa isang tao ang magnosebleed!" Depensa niya bago mariing hinawakan ang panyo na ngayon ay napuno na ng dugo.
Samantala, nag-aalangan man sa nakikita pero pinili ni Mills na lumapit. Tinatagan niya ang kaniyang loob at pinipilit na iwasan ang tingin na pinupukol ni Alison sa kaniya dahil pakiramdam niya ay bibigay nang kusa ang mga binti niya.
"Willow," malamyos niyang tawag sa kaibigan na kaagad din namang nailipat ang atensyon sa kaniya.
"M-mills," naiiyak nitong sagot. "Mills please I'm begging you, we're friends right? Help me defend Alison from them! It's not what they are thinking right now. H-hindi siya infected and she'll never be!" Pakiusap nito sa kaniya saka hinawakan ang magkabila niyang kamay. Nangungusap ang mga mata ng kaharap na nakatingin sa kaniya hanggang sa natagpuan niya na lamang itong nakaluhod sa mismong harap niya.
"She's completely fine, okay? Nothing is wrong with her. Ano ba, Mills! P-panigan mo naman ako. Pakinggan mo'ko kahit ngayon man lang!" Pagmamakaawa nito at hindi na nga napigilan pa ni Willow ang mga luhang kanina pa namumuo sa kaniyang mga mata. Kusa itong dumaloy nang sunod-sunod at tila ba wala itong balak na tumigil. Kasunod ng mga mga katas ng paghihinagpis ay ang mga palahaw niyang nagdala ng kirot sa puso ni Mills.
"I am not going to turn, r-right?" Alanganing tanong ni Alison saka sinikap na tumayo. Nanginginig man ang binti pero nakuha niya pa ring makatayo, ginamit niya ang magkabila niyang kamay para humawak sa armchair nang sagayon ay suportahan ang sarili.
"Just accept the fact that you're going to die." Diretsang singit ni Shilloh na siyang nakapagpapantig sa tainga ni Willow. Mariin niyang naikuyom ang kamay bago nilipat ang naluluha niyang mata sa kaklase.
"What did you just say?" Kunot-noo niyang tanong. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang pagkakarinig kaya habang nakakaya niya pang kontrolin ang kaniyang emosyon ay mas pinili niyang klaruhin ito. Ngunit tila hindi nga siya nagkamali sa kaniyang narinig dahil sa idinugtong ng kaklase.
"Are you def? THAT FRIEND OF YOURS WILL GOING TO TURN INTO A FREAKING ZOMBIE N-" hindi na natuloy pa ni Shilloh ang kaniyang sinasabi nang mabilis na tumayo si Willow mula sa pagkakaluhod at sinugod ang dalaga. Miski si Mills ay hindi ito kaagad napigilan dahil hindi niya inaasahan ang susunod nitong gagawin.
Sinalubong ito ni Willow ng isang napakalutong na sampal na siyang hindi naiwasan ng kaharap. Agad namula ang malambot na pisngi ni Shilloh matapos dumampi ang palad ng kaklase sa kaniya. Tumabingi ang mukha niya patagilid at wala sa wisyo niyang nakagat ang ibabang labi dahil sa sakit nitong naidulot.
"Sa oras na magkamali ka ulit sa sasabihin mo, sinisigurado ko sa'yong hindi lang 'yan ang aabutin mo." Banta nito gamit ang napupuno niyang boses. Miski si Meadow na nasa tabi lang ni Shilloh ay hindi nakaimik dahil sa pinapakita ngayon ng dalaga. Ito ang unang beses na nakita niya itong napuno sa isang bagay.
Mapaklang tumawa si Shilloh bago marahang pinahid ang pisngi niyang namumula saka sinalubong ang tingin ng kaharap.
"Hindi ka ba marunong umintindi? Okay fine! Now, look at her!" Ganti nitong sigaw saka marahang hinawakan ang magkabilang balikat ni Willow at doon niya ito pwersahang pinaharap sa likod kung saan nakasalampak sa sahig si Alison at nakasandal ang ulo nito sa armchair. Hindi na ito nagsasalita bagkus ay marahan lang itong humihinga na para bang tinatanggap na nito ang magiging kapalaran niya.
"Do you think she's still fine? No! Matatawag pa bang normal ang sitwasyon niya ngayon? Hindi! Dahil infected na siya sa m-" muling hindi natuloy ng dalaga ang kaniyang sinasabi nang marahan siyang itulak ni Willow. Iyon na rin ang naging hudyat ng lahat para umawat at ilayo si Willow mula sa kaklase.
"Kung may tao mang hindi nakakaintindi rito, ikaw iyon! Putangina ka ba? Ilang beses ko pa bang uulit-ulitin para maintindihan mong ayos lang siya? Palibhasa kasi hindi mo naranasang mawalan! HINDI MO NARANASANG MAWALAN NG ISANG KAIBIGAN!" Sigaw ni Willow habang patuloy siyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Ledger. Nagpupumulit siyang sugurin ang sadya pero hindi niya magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya.
"Ang sabihin mo, nababaliw ka na! Sa tingin mo ba maliligtas tayo niyang pagdedeny mo? COME DOWN ON EARTH WILLOW! Dahil kahit ano pang pagmamaang-maangan ang gawin mo, hindi mo pa rin maitatanggi ang katotohanang magiging zombie si Alison!" Muli na namang sigaw ng katunggali habang nagpupumilit din na makawala sa pagkakahawak ni Meadow at Ryder.
"Mills!" Kaagad na naibulalas ni Elsie ang pangalan ng kaibigan nang bigla itong dambahin ni Alison. Pilit nitong inaabot ang leeg ni Mills pero nailalayo naman ito ng dalaga.
Hindi mapigilan ni Mills ang mapaluha dahil sa itsura ngayon ng kaibigan niya. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang dinudurog ng panahon. Si Alison na ang pangalawang kaibigan niya na siyang binawi mula sa kaniya. Hindi na siya makapag-isip nang maayos, hindi na niya alam kung ano pa ba ang mangyayari sa kanila sa susunod? O kung sino na naman sa kanilang narito sa loob ang siyang susunod.
Pwersahan niyang tinulak ang dalaga dahilan kung bakit napatihaya ito at hindi kaagad nakatayo. Kaagad na bumangon si Mills at nang matiyempuhan ng kamay niya ang isang nakalatag na tubo ay nag-alangan siyang kunin ito. Nanginginig ang kamay niyang naiwan sa ere habang nagtatalo ang isip niya kung dadamputin niya ba iyon o hindi.
Hindi niya halos masikmurang isipin na kaya niyang ihampas itong tubo sa kaharap. Nagdadalawang-isip siya kung kaya niya pa bang harapin ito o iiwas na lang. Dahil kahit pagbaliktad-baliktarin man ang mundo, si Alison pa rin ang kaharap niya.
"Hi-hindi," wala sa wisyo niyang sambit. "Hindi ko kaya 'to." Bulong niya sa sarili saka nilayo ang kamay sa tubo. Nang saktong ibinalik na niya ang tingin sa harap ay ang siya namang paggalaw ng halimaw.
"Mills, ilag!" Sigaw ni Meadow nang makabangon ang kaharap. Akmang sasakmalin nito ulit si Mills pero nagawang humarang ni Willow. Ito ang sumalo sa nagbabadyang atake ng kaibigan. Sa pwersang namumuo sa katawan ni Alison ay hindi nga kinaya ni Willow ang lakas nito kaya tuluyan siyang napahiga sa sahig habang nasa ibabaw niya ang kaibigan.
Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa luhang muli na namang namuo. Pilit niya ring hinuhuli ang tingin ni Alison at punong-puno ng pag-asa na tumitig bitbit ang ibayong paghahangad na sana makita niya pa rin ang dating kaibigan. Nagbabakasakali siya na sa kabila ng nangyari ay baka makilala pa rin siya nito.
"W-will you please stop treating me like this? H-hindi mo na ba ako kilala? A-ako 'to si Willow. B-best friend mo." Panimula niya at pinipilit na maging kaswal sa kausap pero bigo lamang na bumagsak ang namumuo niyang pag-asa nang hindi na nga siya nito pinakinggan pa. Kanina niya pa pinipilit ang sarili na magkunwari na parang ayos lang ang lahat, na walang maling nangyayari ngayon kay Alison. Pero sadyang mapagbiro talaga ang tadhana, dahil kahit ano pang gawin niya. Isa na siyang pagkain sa mata ng kaharap.
"Napaka-unfair m-mo naman, Ali," muli niyang sabi habang pilit niyang tinutulak ang leeg ng katunggali nang sagayon ay hindi siya nito maabot. "W-we promised to survive this outbreak together, right?" Napapaos niyang dugtong sa gitna ng kaniyang mga hikbi.
"N-nag promise ka sa'kin dati na lalabas tayo pero hindi mo tinupad. N-naalala ko rin na nangako ka sa'kin na sasabayan mo'kong umuwi galing school yet hindi ka pa rin t-tumupad sa usapan natin," kwento niya bago mariing pumikit. "And I almost forgot, muntik ko n-na talagang makalimutan na nangako ka rin sa'kin na walang mag-iiwanan, na walang kakalas sa'ting dalawa pero ano 'tong ginagawa mo ngayon? Hindi mo na naman tinupad ang pangako mo."
"Tatlong beses mo akong pinangakuan at tatlong beses mo rin akong binigo," tila nanunumbat niyang sambit. "Why are you always like this huh, Ali? You know w-what? Sa lahat ng p-pranks na ginawa mo. Ito iyong pinaka hindi n-nakakatawa."
Nakakaramdam na siya ng matinding pagngalay dulot ng kaniyang patuloy na pagpigil. Pero ang mas iniintindi niya ngayon ay hindi ang estado niya, kundi ang pinakamatalik niyang kaibigan na hindi niya kayang bitawan. Ni kahit ramdamin ang sakit mula sa kaniyang likod ay hindi niya na nagawa dahil ang atensyon niya ay nakapokus lamang sa dalagang hawak niya ngayon. Hindi niya na matukoy pa kung napapagod na ba ang katawan niya sa patuloy na pakikipaglaban o sumusuko na ba ang sarili niya dahil nawawalan na siya ng pag-asa.
"Y-you want me to e-enjoy my life to the fullest, right? But how am I supposed to enjoy it when you- the person that I wanted to keep the most─ is now in the verge of leaving my side?" Mapakla niyang sabi. "Sige nga, paano ko magagawang i-enjoy ang putanginang buhay na 'to kung hindi na kita makakasama? Sa lahat ng mga binigay mo sa'kin, Alison puro sakit na lang iyong n-natatandaan ko." Nanlulumo niyang sabi. Matapos niyang maisatinig ang mga katagang iyon ay doon na nga siya nakaramdam ng labis na pamananhid sa kaniyang braso. Tuluyan na nga itong bumigay. Ngunit bago pa man dumampi ang nangangalaiting ngipin ni Alison ay kaagad na nakakilos si Yohan. Daglian niyang naitulak ang dalaga paalis saka niya hinila si Willow patayo. Nang nagbalak ulit itong umatake ay doon na umeksena si Cody saka niya iyon pwersahang binangga patungo sa bintana na siyang naging mitsa kung bakit ito nahulog.
"NO!" Namutawi sa loob ng silid ang sigaw ni Willow matapos makita ang katawan ng kaibigan na nahulog sa bintana. Nawasak at nagsihulog ang mga bubog paibaba ngunit bago pa man tuluyang bumulusok paibaba ang katawan ng dalaga ay agarang nakakilos si Willow at pwersahang hinigit ang palapulsuhan ng kaibigan.
"Willow, huwag! Bumitaw ka na!" Sigaw ni Mills habang si Ledger naman ay pinipilit na alalayan ang dalaga para hindi ito tuluyang mahulog sa bintana. Si Cody na rin ang siyang nagpupumilit na tanggalin ang nakapulupot niyang kamay sa kaklase.
"Pull yourself together, Willow. You have to LET HER GO!" Sigaw ni Ledger sa likod niya pero sunod-sunod na umiling si Willow bilang tugon. Kahit ilang beses na siyang sinisigawan ng mga kaklase na bumitaw na at hayaan itong mahulog ngunit hindi niya kaya. Hindi niya kayang bitawan ito dahil pakiramdam niya ay sa oras na bumitaw siya, hinding-hindi niya na ito makikita pa.
"No! We have to help her to climb up here! Hindi ba kayo makaintindi? Si Alison pa rin siya! Why are you guys acting like she's a freaking mons─"
"Willow please, b-bumitaw ka na." Pakiusap ni Elsie sa kaibigan habang mahigpit itong nakayakap mula sa likod. Kusang lumayo si Ledger nang lumapit na si Elsie rito. At ngayon, sa likod ng kanilang mahinang paghikbi at patagong pagdadalamhati ay namumuo na ang katiting nilang pag-asa na baka buksan na ni Willow ang nakasarado niyang isip sa bagong lapit na si Elsie.
"Kung nakakapagsalita lang si Alison ngayon, I-im sure na i-iyon din ang gusto niyang gawin mo."
"SHUT UP! Bitawan mo'ko Elsie! Hihilahin ko siya pabalik dito, ano ba! Bitawan niyo na nga kasi ako!"
"S-she always took g-good care of you a-and tend to act like your o-own mother inside this school, right? So s-she won't want you to be hurt, okay? S-so please. Let Alison go." Mahinang sambit ni Elsie na halos ibaon na ang mukha sa leeg ng dalaga.
"H-hindi. H-hindi ko kaya 'to. T-this is so fucking hard. THIS IS SO FREAKING UNFAIR!" Muling sigaw ng dalaga saka nagpumiglas para maiangat niya si Alison pero aksidenteng dumulas ang kamay niya dahilan kung bakit sa friendship bracelet nila siya napahawak. Nang mapigtas ang bracelet ay huli na para abutin ni Willow ang dalaga dahil tuloy-tuloy na itong bumulusok paibaba.
"ALISON, NO!" Huli niyang sigaw bago humagulgol at patuloy na sinusundan ang katawan ng kaibigan na tuluyan na ngang bumagsak sa damuhan. Naiwan ang kamay niyang nakabitin sa ere habang mariin niyang hinawakan ang bracelet na may naka-engrave pang Wilison na siyang kombinasyon ng kanilang pangalan.
Pasalampak na umupo si Willow sa sahig. Pakiramdam niya ay labis siyang nanghihina ngayon. Hindi niya lubos maisip kung ano ba ang ginawa niya sa mundo para magdusa siya nang ganito kahigpit. Mariin niyang pinikit ang kaniyang mata at wala sa wisyong napasandal sa pader bago ikinuyom ang kamay kung saan kasalukuyan niya pa ring hawak ang pulseras.
Ilang sandali pa ay naramdaman niya na ang mainit na yakap ni Elsie. Pinaparamdam talaga ng kaklase ang init nitong pagyapos para lang damayan siya. Pilit man itong itulak ni Willow palayo pero pahigpit lang din nang pahigpit ang mga kamay nito na tila ba ayaw siyang bitawan. Sa paulit-ulit niyang pagtutol ay wala na siyang nagawa pa kundi ang hayaan itong manatili sa tabi niya nang kahit saglit. Bumigay na nga nang tuluyan ang pader na kanina niya pa tinatayo sa kagustuhan niyang mapag-isa matapos niyang maramdaman ang presensiya ni Elsie.
Hindi halos makapagsalita ang lahat dulot ng biglaang pangyayari. Ni isa sa kanila ay walang katiting na ideya na darating sila sa puntong ito. Hindi rin nila maiwasang makadama ng takot at pangamba lalo na at ito ang unang beses na nasaksihan nila kung paano binawi ng virus na ito ang isa sa mga kaklase nila.
Kapwa nila hindi inaasahan na magiging ganito kabilis ang pag-ikot ng kanilang kapalaran dito sa loob. Ni hindi nga nila lubos akalain na magiging ganito kaagad kapait ang sitwasyon.
"T-this is not right. S-stay away from me." Untag ni Willow matapos siyang makabawi nang kaunti. Marahan siyang nagpunas ng luha bago mariing hinawakan ang dalawang kamay ni Elsie.
"I won't leave your si─"
"JUST FUCKING STAY AWAY FROM ME!" Kasabay ng kaniyang malakas na sigaw ay ang siya ring pagtulak niya sa dalaga na agarang sumalampak sa sahig. Bakas ang gulat at sakit sa mukha ni Elsie dahil sa ginawa ni Willow sa kaniya. Hindi niya magawang maintindihan kung bakit siya nito pinapalayo gayong gusto niya lang naman itong damayan. Hindi niya maiwasang mapaisip kung may mali ba sa ginawa niya.
"W-willow, " nangungusap na pagtawag niya sa kaibigan ngunit hindi siya nito pinansin. Nakayuko na lamang siyang napalunok at hinayaan si Mills na hilahin siya patayo.
"Why do life always fucked me up and never let me to enjoy even for a seconds? Bakit kailangang unti-untiin iyong mga taong malapit sa'kin? BAKIT SA LAHAT NG PWEDENG KUNIN DITO SA LOOB AY SI ALISON PA?!" Nangangalaiting sigaw ni Willow habang mariing hinahawakan ang buhok nitong hindi na halos maitsura.
"Just fucking accept the fact that she's gone, will you? Mamamatay tayo rito dahil sa kakasigaw mo eh kaya kung pwede manahimik ka na lang?!" Iritadong suway ni Shilloh sa kaniya. Dulot ng muling sigawan ay naging agresibo ulit ang mga halimaw sa labas na siyang naging rason kung bakit kumalampag na naman ang pinto. Hindi tuloy maiwasan ni Corbin na lapitan ang pinto para suportahan iyon dahil tila ilang oras na lamang ang aantayin ay bibigay na talaga ito.
Sa narinig ni Willow sa kaklase ay doon muling nagtagis ang kaniyang bagang. Kanina pa siya namumuro sa matabil nitong dila at sa dinami-raming sitwasyon na pwede itong magmaldita, ngayon pa talaga sumakto na nasa ganitong sitwasyon siya.
"Bakit kasi hindi na lang naging ikaw, Shilloh? Bakit si Alison pa ang kailangang magdusa kung pwede namang maging ikaw?" Kalmado ngunit puno ng diin niyang ganti.
"What the fuck, so sinasabi mo bang hindi ko deserve ang mabuhay ngayon?" Naiirita nitong tugon. "Anong kagagahan ba 'tong pinagsasabi mo ha, Willow? Naririnig mo pa ba ang sarili mo? You are wishing for someone to die for Pete's sake!"
"Oh bakit hindi? Tingin mo ba bulag ako? Hindi, Shilloh! Hindi! Kung hindi mo lang sana ginagatungan ang apoy na si Quincy mismo ang nagsindi, hindi sana lalayo sa atin si Chloe. Kahit sino pang hayop ang idiin mo, ikaw pa rin ang may dahilan ng kahirapang dinanas niya!" Biglaan niyang sumbat habang pinanatili ang nagliliyab niyang mga mata na diretsong nakapukol sa kaharap.
"Pwede bang tumigil ka na sa kakakuda mo? Hindi ka na kasi nakakatulong! Bakit ba kailangan mo pang idamay dito si Chloe na wala naman siya rito! Ni hindi nga tayo sigurado kung buhay pa ba siya o hindi so will you please cut this and fucking move on?!"
"Willow, h-hindi mo siya kailangang sigawan. Madadaan natin sa matinong u-" hindi na natapos pa ni Mills ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang balingan ng tingin ni Willow.
"Seriously, Mills? After you guys talked inside that damn kitchen, you are now siding her? Nagpapatawa ka ba? Matapos no'ng lahat ng ginawa niya ay bigla mo na lang siyang papanigan? Mga balimbing nga naman oh." Punong-puno nang pagkadismaya niyang sabi.
"Wala akong kinakampihan dito, Willow. Ang gusto ko lang na kumalma ka saglit dahil pare-pareho lang tayong naiipit dito. Kung patuloy kang magwawala riyan, mamamatay talaga tayong lahat dahil sa ginagawa mo." Turan niya saka tinuro ang pinto kung saan patuloy na humaharang sila Corbin.
"Mamamatay naman talaga tayong lahat, pinapatagal niyo lang! Hindi mo ba nakikita, Mills? Inuunti-unti na tayo! Kinuha na nila sa'tin si Alison, at hindi ko na alam kung sino pa sa'tin dito ang susunod!" Asik nig dalaga saka dinuro ang kaibigan.
Hindi na halos makapag-isip si Mills kung ano na ang gagawin niya lalo na't tuluyan na ngang napuno ang kaklase. Wala rin siyang ideya kung papaano ito pakalmahin lalo na at iIto rin ang unang beses na nakita niya itong tila nawalan ng kontrol sa sarili.
"Bwisit! Bwisit na buhay 'to!" Bulyaw niya at nang akmang ibabaon na sana ang mukha sa magkabila nitong tuhod ngunit nahinto lamang iyon nang may biglaan siyang napagtanto.
"Siguro," pauna niyang sabi. "Siguro plinano mo 'to no? Maybe Alison turned into a fucking zombie because of you?" Diretso niyang sumbat kay Mills na siyang nakapagpatigil sa kanilang lahat. Miski ang dalaga ay nagulat na sinabi nito. Hindi niya inaasahan na masisisi siya kahit ang totoo, ay wala naman talaga siyang ginawa.
"Dalawang beses ka ng nagnosebleed, Mills. At hindi kami tanga para hindi malaman na iyon ang simptomas bago pa maging zombie ang isang tao, we don't have even a fucking idea about what you guys have encountered sa ibaba. Ni hindi na nga ako sigurado kung tao ka pa ba o hindi!" Dagdag nitong sabi dahilan kung bakit nangunot ang noo ni Mills bago siya sumagot.
"Pinagdududahan mo ba ako, Willow?" Tanong niya pero hindi ito nagsalita. "Naiintindihan kong nagagalit ka dahil sa mga nangyari pero gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi lang ikaw ang nawalan. Kami rin, Willow. Kami rin! Magkaibigan tayo, hindi ba? At kailanman hindi pumasok sa isip ko na ipahamak kayo. Kaya hindi mo'ko kailangang pagdudahan."
"Then what on Earth am I supposed to do? Mababaliw na ako sa kakaisip, Mills! Ang ayos lang ng lagay natin kanina eh. Tapos bigla na lang naging gano'n si Alison? Nanggagago ba kayo?" Dagdag niya bago mapaklang tumawa. "I am with her the whole time. Ni wala nga kaming nakasalubong na zombies no'ng paakyat na kami rito sa third floor. So how the hell did she turned into one!?" Bakas ang gigil sa mukha niya bago niya iginala ang tingin sa loob. Hindi siya mapakali hangga't wala siyang taong makikita na siyang sasalo sa mga paratang niya. Gusto niyang mang-usisa. Gusto niyang may sisihin. Dahil hindi kakayanin ng konsensiya niya na mamamatay lang nang ganoon kadali ang kaibigan. Alam niyang may mali, na may hindi tama sa nagaganap dito sa loob.
"Ano pa bang gusto niyong gawin ko?! Masisisi niyo ba akong idawit ko si Mills sa pagkakataong 'to? I am just trying to connect a one piece filament for me to connect a web thread para lang maintindihan ko ang nangyari kay Alison!" Nagugupo niyang sabi.
"Then stop doing stupid things and settle down yourself first. Hindi ka makakapag-isip nang tama kung patuloy kang umaakto nang ganiyan. " Giit ni Wren na sa tinagal-tagal nang pag-oobsetba ay ngayon lang siya nagsalita.
"Wait a minute," singit ni Meadow nang may mapagtanto. "She fought with Sir Louie, right? Maybe that made her turn, baka nagkaroon siya ng close contact kay Sir kaya siya naging infected." Dugtong ni Meadow na siyang ikinailing ni Ledger.
"It's quite impossible. Mag-iisang oras na kung iyon ang pagbabasehan natin. Napakatagal na no'n kung tutuusin kaya masasabi kong hindi si Sir Louie ang may dahilan kung bakit naging infected si Alison." Tutol ng binata.
"Kung ganoon," Singit ni Corbin nang may mamuong ideya sa isipan niya. "Kung hindi siya nagka-close contact kay Sir Louie, then posible kayang nagkaroon siya ng indirect contact?" Puno nang pagtataka niyang tanong saka tinuon ang mata kay Ledger na saglit ding napaisip sa sinabi niya.
Biglaang namuo ang kaba sa sistema ni Shilloh nang magawi ang mata ni Willow sa kaniya. Hindi niya na alam kung papaano kumalma dahil sa nagawa niya. Hindi niya naman kasi sinasadya iyong nangyari. Dahil hindi naman si Alison ang gusto niyang mawala.
"Wala tayong ibang magiging source sa indirect contact aside from the food and beverage that Mills and Shilloh prepared." Dugtong ni Cody sa sinabi ni Corbin. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang lahat at dumiretso na ang mga tingin nila kay Shilloh.
Halos matuod siya sa kinatatayuan niya at pilit ding tinatatagan ang sarili na hindi siya makagawa ng maling galaw. Mariin niya ring isiniksik ang kamay kung saan nakakubli doon ang manggas niyang nabahidan ng dugo upang walang makakita no'n. Hangga't maaari ay iniiwasan niyang magpahalata, dahil alam niyang sa loob ng kwadradong silid na 'to. May mga matang nakabantay sa kaniya.
Hindi rin siya sigurado kung hanggang kailan na lang niya maililihim ang katotohanan. Pero isa lang ang bagay na sigurado siya, at iyon ay ang magpanggap na inosente at isisi sa iba ang kasalanang siya mismo ang gumawa.
"Magpasensiyahan tayo Alison. Pero hinding-hindi ko talaga pagsisisihan ang nangyari sa'yo. Marami ka na rin namang alam, kaya deserve mo lang din ang manahimik," bulong niya sa sarili saka ikinuyom ang kamay.
"Habambuhay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top