Chapter 15: Lull before the storm

Hindi na nakapagpigil pa si Elsie kaya pansamantala niya munang nilapag sa upuan ang hawak niyang inhaler at umalis sa tabi ni Alison. Ayaw na niyang mag-antay pa nang matagal o kahit palampasin man lang ang sampung minuto dahil alam niya sa sarili niya na ayos lang si Mills, na ayos lang ang estado ng matalik niyang kaibigan.

Hinawi niya kaagad ang shower curtain saka niya kinatok ng tatlong beses ang glass nitong pinto. Madalian namang napalingon si Mills na nakaupo sa stool nang marinig niya iyon at bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ng dalaga.

Iniangat ni Elsie ang kaniyang palad at idinikit niya iyon sa glass door. Nang hindi pa rin inaalis ni Mills ang kaniyang nagtatakang tingin sa kaniya ay doon na siya nagsimulang laruin ang 'appear disappear'. Hindi naman mapigilan ni Mills ang matawa at mapailing dahil sa inaasal nito ngayon.

Huminto saglit si Elsie bago niya tinuro ang doorknob ng pinto. Hindi na rin niya inantay ang sagot ng kaibigan bagkus ay binuksan na niya iyon kaagad.

"What the fuck, Elsie! Don't you dare open that freaking door!" Mabilis na napatayo si Shilloh nang pihitin na ng kaklase ang seradora. Akmang lalapitan niya na ang dalaga upang sitain iyon pero kaagad naman siyang pinigilan ni Meadow. Nag-umpisang magpumiglas si Shilloh pero nang hindi pa rin siya binitawan nito ay doon pa lang niya iyon nilingon gamit ang nagliliyab nitong mga mata.

"What in tarnation are you doing, Meadow? You're not a demented person!" Asik nito at nang nagbalak siyang iangat ang isa niya pang kamay para sana alisin ang mahigpit nitong pagkakahawak ay doon na pumagitna si Willow.

"She'll going to open that door! Hindi ba kayo nakakaintindi? Papaano kung maging zombie bigla si Mills diyan sa loob tapos bibiktimahin niya si Elise?!" Sigaw nito na siyang dahilan ng pag-ismid ng kaklase.

"Bakit, pumasok ba sa isip mo na baka tumakbo si Elsie sa'yo at magtago siya sa likod mo? Don't worry, hindi niya naman ugali ang manggamit nang kahit sino para lang maproteksiyunan ang sarili niya. Hindi kasi siya selfish katulad mo," panimula ni Willow na siyang naging dahilan kung bakit napantig ang tainga ng kaharap. "Akala mo ba na nakakalimutan ko na iyong ginawa mong panghahamak kay Alison?" Mariin nitong sabi dahilan kung bakit hinila rin ni Meadow ang kamay niya.

"Tanga ka ba o bingi? How many times do I have to explain my side para lang maintindihan mo na aksidente nga iyong nangyari at hindi ko iyon sinasadya!" Ganti nito at muli na namang nagpumiglas.

"Tama na." Sita ni Meadow nang mag-umpisang uminit ang atmospera sa pagitan ng dalawa. Kapwa sila ayaw magpatalo at para bang isang maling galaw na lang ay mauuwi na talaga ito sa sakitan.

"Honestly, you guys don't have to worry about, Mills. I mean, look at her," kaagad na nabaling ang tingin nila sa gawing harap kung nasaan si Elsie. Itinuro ng dalaga ang pwesto ng kasama na ngayon ay bumubuti na ang lagay. "She's completely fine, if nagnosebleed man siya kanina that doesn't mean na infected na kaagad siya. Tsaka, magte-ten munutes na rin oh pero wala pa ring nangyayari. See? She's still the old Mills." Dagdag pa nito saka niya itinaas-baba ang kamay ng kaibigan.

"Shilloh," tawag ni Meadow sa kaharap pero hindi siya nito nilingon. "Apologize to her." Dugtong niya pa na siyang dahilan kung bakit nangunot ang noo ng kaklase.

"Me? The hell no! Why would I be sorry? Kilala mo'ko, Meadow. Hindi ako mapagkumbabang tao," pagmamatigas niya bago marahang binawi ang kamay mula rito. "Hinding-hindi ako magiging under sa isang taong nasa ibaba lang ng chanel kong sapatos." Dagdag niya pa.

"Okay, fine. I am not forcing you to apologize, anyway," untag ni Wren bago boryong naglakad palapit sa pwesto niya at ipinagkrus ang balikat. "That's why I am giving you the rights to choose between saying sorry to Mills or leaving this place." Banggit pa nito na siyang dahilan kung bakit natuod si Shilloh sa kinatatayuan niya.

Ilang segundo rin siyang nanahimik habang nananatili ang mariin nitong mga mata na nakatutok kay Wren.

"Now, choose." Dagdag nito at kababakasan ng pagbabanta.

"Ayos lang, Wren. Kung ayaw niya talagang humingi ng despensa sa'kin, hindi naman ako namimilit. Hayaan niyo na siya." Untag ni Mills nang makitang wala talagang planong makipag-ayos sa kaniya ang kaklase.

"No, you guys need to settle this. Hindi naman tamang magsasama tayo sa iisang bubong nang may hindi pagkakaintindihang nagaganap dito. Maaayos niyo 'to, subukan niyo lang." Pamimilit ni Meadow at saka niya hinawakan ang braso ni Shilloh para sana palapitin ito kay Mills pero binawi niya na naman iyon.

"Shell," malumanay na sambit ni Meadow gamit ang nanghihina nitong boses at nagbabakasakaling mapapayag niya na ito pero hindi pa rin ito nadadala.

"Now, go outside." Deklarang sabi ni Wren saka siya pansamantalang tumabi upang ituro ang pinto.

"A-are you crazy? Palalabasin mo'ko kahit puno ng mga zombies sa labas? Sabog ka ba, Wren? Do you want me to die?" Sunod-sunod nitong tanong pero hindi pa rin ito natitinag.

"Mag-sosorry ka o kakaladkarin kita palabas?" Banta na naman nito. Halos hindi na maipinta ang mukha ni Shilloh dahil sa labis na pagkapikon. Hindi niya aakalain na aabot na naman ang buhay niya sa punto kung saan pagkakaisahan siya ng lahat. Mariin niyang ikinuyom ang kaniyang kamao saka napipilitang lapitan si Mills. Mabilis niya ring hinila ang sadya papasok ulit sa kitchen at pabagsak na isinara ang pinto.

"Well I guess, nadagdagan na naman ang mga taong hindi kinaya ang kamalditahan ni Wren." Pasimpleng sambit ni Alison na siyang lihim na ikinatawa ni Corbin na nakapwesto sa gawing ikod nito.

"Siyempre naman, 2 joints." Biro pa nito na siyang ikinailing na lamang ng dalaga.

Samantala sa loob ng kitchen ay halos mabingi ang dalawa sa katahimikang namamagitan sa kanila. Walang nagtangkang magsalita at tila wala rin sa kanila ang gustong kumausap sa isa't-isa. Kaagad ding napa-angat ng tingin ni Mills nang biglang may kumatok sa glass door. Doon niya nakita si Meadow na tinuturo nito ang pwesto ni Shilloh at para bang sinasabi nito na siya na ang unang kumausap. Aangal na sana ang dalaga pero naisip niya rin na ayaw niya na ring magtagal pa sa loob kasama ito.

"Bahala na nga, bwisit." Lihim niyang sabi saka niya ibinaling ang tingin sa kasama na nakaupo rin sa stool sa gawing dulo ng kitchen. Hindi niya rin makita kung ano nga ba ang ginagawa nito dahil nahaharangan ng mahabang mesa ang kabuuan ng kaklase.

"Wala ka bang," nag-aalangang banggit ni Mills. Hindi niya maiwasang mapatikhim lalo na at hindi naman din siya sanay na kumausap dito. "Wala ka bang sasabihin sa'kin?" Pagpapatuloy niya pero tila hindi siya narinig ni Shilloh dahil hindi man lang ito umimik.

"Tanginang buhay nga naman 'to oh. Hinila-hila mo pa ako rito sa loob tapos 'di mo rin pala ako kakausapin. Lumabas ka nalang kaya," mahinahon niyang sabi pero muli, hindi man lang ito sumagot. "Gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi mo na kailangang mag-sorry kung ayaw mo. Hindi ko naman ikamamatay 'pag hindi ka nakahingi ng pasensiya sakin."

"You're really expecting na mag-sosorry ako? Screw you." Pabalang nitong sabi nang hindi pa rin siya nililingon. Pansamantalang bumuntong-hininga si Mills dahil inaasahan niya naman din ang sasabihin nito. Wala na lamang siyang nagawa pa kundi ay ang ikalma ang sarili.

"Kung ganon naman pala ay bakit mo pa ako hinila rito? Hindi pa rin naman natin maaayos 'to kung umaakto ka pa ring ganiyan." Dagdag niya na siyang nakapagpaguhit ng tipid na ngisi sa labi ng kaklase.

"I won't give a damn about settling things anyway. Hindi mo rin naman deserve ang pag-sorryhan." Sagot nito. Wala sa wisyong nagkamot ng ulo si Mill at muling nanahimik. Sa lahat kasi ng mga kaklase niya ay ito ang pinaka-ayaw niyang kasama. Bukod sa hindi niya matantsa ang ugali nito, ang hirap din nitong pakisamahan.

"I just want to get rid of Wren, who on earth would want to go outside knowing na ikamamatay mo? That's why I chose to stay with a hippopotamus being like you than to risk myself with zombies."

"Tanginang bibig 'yan," mura ng dalaga. "Close ba tayo para pagbiruan mo ako nang ganiyan? Umayos ka, Shilloh. Kapag ikaw 'di ko natantsa, makikita mo."

Lihim na inilabas ni Shilloh ang wrapper ng cloud9. Namamasa ito sa dugo dahil pinahid niya iyon kanina sa mga tubong hawak nila Cody. Inutusan kasi sila ni Meadow na linisin ang mga dugong bumakas doon para iwas infection pero sa halip na itapon niya ang pinanggamit ay mas pinili niya na isilid ito sa zip lock at ibinulsa. Tinitigan niya iyong mabuti hanggang sa may namuong ideya sa utak niya. Hindi niya aakalain na magagamit niya ito kaagad.

Hindi niya tuloy maiwasang alalahanin ang eksaktong sinabi ni Ledger kanina noong nasa Aries pa lamang sila.

"If may goos or blood ng zombie na nadikit sa sugat mo ay siguradong mahahawa ka rin. The same situation kapag may nahalong ganoon sa pagkain mo and that's what we call as indirect contact infections."

"Are you hungry?" Biglaan niyang tanong kay Mills.

"Ipaghahanda mo'ko ng pagkain? Naku, huwag na. Nakakahiya naman kasi sa kamay mong parang walang experience sa pagtatrabaho." Sagot ng dalaga gamit ang sarkastiko nitong boses.

"Can't you see? I am just trying to lessen the mood. Pwede bang makisakay ka na lang?" Iritado na naman nitong sabi na siyang ikina-ismid ng kausap.

"Tss, oo na." Napipilitan nitong tugon saka tumayo at nag-unat saglit. Tamang pagkakataon na rin naman ito para kumilos at maghanda ng makakakain. Aabusuhin na lang niya ang grasyang nakahanda rito sa loob. Hindi niya maiwasang mapatingin sa labas lalo na at nandoon ang kaniyang mga kaklase at todo silip sa kanilang pwesto.

"Mga Marites talaga kahit kailan." Komento niya pa bago umiling. Kaagad niyang tinimpla ang Tang na nasa ibabaw ng mesa. Sandali niya pa iyong hinalo bago nagpasyang bitawan muna ang kutsara para kumuha ng yelo sa refrigerator

Habang abala si Mills sa pagdurog ng yelo ay sinamantala na ni Shilloh ang pagkakataong iyon para ipahid ang dugo sa tinapay gamit ang spatula. Para hindi rin halata ay nilagyan niya pa ito ng napakaraming cheese wiz sa ibabaw. Halos lumuwa na iyon nang patungan niya pa ng isa pang tinapay ngunit hindi na niya iyon inantala pa.

Nang matapos ay doon siya kumuha ng isang plato at doon niya iyon pinatong kasama ng iba pang mga tinapay. Hindi niya rin namalayan na aksidente pa lang nabahidan ng dugo ang dulo ng kaniyang manggas dahil sa kaniyang pagmamadali. Akmang tutungo na sana siya sa faucet para hugasan iyon pero hindi na siya nakatuloy pa dahil kasalukuyang ginagamit ni Mills ang gripo. Lihim tuloy siyang napamura at wala na ngang nagawa pa kundi ang tupiin iyon nang sagayon ay hindi makita.

Nang saktong humarap na sa gawi niya si Mills upang kumuha sana ng baso ay kaagad niya na itong nilapitan.

"Eat this." Daglian niyang alok at halos ilapit na niya ito nang diretso sa bibig ng kaharap. Hindi tuloy maiwasan ni Mills na mapaatras ng ilang hakbang dahil sa biglaan nitong pagkilos.

''Walang lason 'to diba?" Paniniguro niya pa na siyang naging rason kung bakit napaismid ang kasama.

"Dimwit, walang lason dito sa loob ng kitchen. Tsaka hindi ka ba marunong magpasalamat? Isang Shilloh Ortega kaya ang gumawa ng snack mo." Pagtataray na naman nito pero hindi niya na iyon pinansin pa.

"Mas mabuti pa kung dalhin na lang natin 'to sa labas para sabay-sabay na tayong makakain."

Pinagbuksan ni Meadow ng pinto ang dalawa saka nila ito sinalubong. Kaagad ding nagsilapitan ang lahat para kumuha ng makakain.

"Bati na kayo?" Untag ni Yohan habang hawak nito ang baso na sinasalinan ni Mills ng juice.

"Siguro? Hindi naman siya nagreklamo kaya siguro okay na kami."

"Marunong ka pa lang makipagkaibigan sa diabl─Aray!" Hindi na natuloy pa ni Corbin ang kaniyang sasabihin dahil biglaan siyang siniko ni Yohan.

"Kapag talaga naasar ulit 'yang si Shilloh, ikaw talaga ang makakaladkad ni Wren palabas." Pananakot niya pa.

"Ikaw nagtimpla nitong juice?" Nakakunot-noong tanong ni Yohan kay Mills na agad namang tumango.

"Ang galing mo magtimpla ah. Siguro pag ginawa mong negosyo 'to, hindi na babalik mga customer mo." Panimula nito bago iniangat ang basong hindi pa halos nabawasan ang laman.

"Nabusog ba sila sa juice ni Mills kaya 'di na sila bumalik?" Naguguluhang tanong ni Corbin.

"Hindi. Hindi na sila bumalik dahil walang kwenta juice niya. Tignan niyo nga oh, bukod sa ang lasaw sobrang tabang pa." Pagpupuna nito dahilan kung bakit sinipa ni Mills ang binti ng binata at kamuntik pa niyang mabitawan ang basong hawak.

"In fairness. Matabang nga." Gatong ni Elsie dahilan kung bakit mas lalong hindi maipinta ang mukha ng dalaga.

"Ayos lang naman iyong lasa ah. Kaso, di ko nga lang malasahan ang tamis ng kahapong di na magbabalik." Dugtong ni Earlyseven saka muling nagpasalin kay Mills ng juice.

"Sino pa walang bread? May tatlo pang natira rito." Singit ni Meadow saka iniangat ang plato. Kaagad namang lumapit si Alison at doon namili sa tatlo.

"Akin na lang 'tong nasa gilid, teh. Sulit oh, maraming palaman." Kaagad na dinampot ni Alison ang tinapay at bago pa makaangal si Shilloh ay nakain na ito ng kaklase. Mariin niyang naiyukom ang kaniyang kamao bago ibinaling ang tingin kay Mills na patuloy lang na nakikipag-usap kay Yohan at sa iba. Halata ang pagtalim ng kaniyang mata lalo na at tila walang plano ang dalaga na dumistansya muna sa binata. Patay-malisya niya ring ipinasok ang kamay sa bulsa para hindi makita ang duguan niyang manggas.

"Kay Ledger na 'tong isa. Sino pa hindi nakakuha? Isa na lang natira." Muli na namang sabi ni Meadow at nilibot ang tingin sa loob.

"Ikaw, Wren?" Alok nito pero umiling lang ang naturang kaklase at mas pinili lamang nitong uminom ng juice.
Akmang pipilitin pa sana ito ng dalaga pero hindi na niya ito itinuloy pa lalo na at papalapit sa kanilang pwesto ang kaklaseng si Cody. Sandali niya pang sinulyapan si Wren hanggang sa nagpasya na siyang umalis para bigyan ng oras ang dalawa.

"What are you doing?" Blangkong tanong ni Wren sa kararating lamang na binata. Hawak ng bagong dating ang tinapay nitong hindi niya pa nakain. Tila ba sinadya niyang huwag itong galawin para ilaan ang kaniyang parte sa dalaga.

"Binibigyan ka ng makakain." Daglian nitong sagot. Nanatiling nakaangat ang kamay niya sa ere at inaantay ang kaharap na abutin iyon. Ngunit gaya nga ng kaniyang inaasahan ay blangko lang itong tinitigan ng dalaga at mahahalatang wala talaga itong plano na kunin iyon.

"I'm full, I don't need that." Sagot ni Wren at nang akmang isusuot niya na ang headphone niya pero hindi na iyon natuloy pa nang pigilan siya ulit ni Cody. Dumapo muli ang malamig na titig ni Wren sa kasama. Isang uri ng pagtingin na tila ba nais nitong ipahiwatig na tantanan na siya.

"Kailangan mong kumain. Anong oras na oh pero hindi ka pa rin nakapag-lunch, will you please stop starving yourself?" Tutol ni Cody pero inismiran lang siya ng dalaga.

"Who are you to order me about what I should do? At pwede bang tumigil ka na sa pangungulit sa'kin? Hindi por que niligtas mo'ko kanina ay pwede kanang umasta na para bang close tayo. Know your limit, Cody." Sabi pa nito bago siya tinalikuran at hindi na nga pinansin pa.

Samantala, lihim namang napatawa si Ryder sa nakita. Kanina pa siya nanonood sa dalawa kasama sila Ledger na tahimik ding nag-oobserba. Tumayo ang binata bago nilapitan si Cody at tinapik sa balikat.

"Will you please stop starving yourself~ Naks, naka-english Fil-Am natin." Biro nito at nang akmang aagawin nito ang tinapay pero kaagad na itong nailayo ng kaibigan.

"Sa dinami-rami ba naman kasi ng babae, si Wren pa talaga natipuhan mo. Alam mo namang kamag-anak 'yan ng bato pero sumugal ka parin." Gatong ni Earlyseven habang kasunod nito si Ledger na isinasawsaw ang hawak niyang tinapay sa juice.

"Well at least I can say na may pag-asa 'tong si Fil-Am kay, Wren. Unlike sa inyong dalawa-" huminto muna si Ledger sa pagsasalita bago nilagok nang tuloy-tuloy lahat ng juice bago tinuro si Ryder at Earlyseven. "─na hanggang tingin na lang. Wren sometimes tutored him, so it was quite enough to conclude na hinahayaan niya siya na pumasok sa buhay niya."

"Ang sakit mo naman magsalita. What if dumating iyong panahon na pormahan ko si Willow?" Agarang banggit ni Earlyseven na siyang nakapagpahinto kay Ledger. "Oh kalma, nagbibiro lang ako. Isa pa iyon, hindi ko kaya ugali ng babaeng iyon. Bukod sa walang kontrol iyong bibig, hindi mo pa mabiro. In short, 'di ko siya type."

"Bakit, ano ba mga tipo mo sa babae, Earlyseven?" Pag-iiba ni Ryder saka hinila ang isang upuan. "Tipo ko iyong mahinhin tapos binibini iyong datingan, iyong tipong mala Maria Clara sa sinaunang panahon? Sarap tuloy bumalik sa timeline na iyon kung saan tinatawag nila ang mga babae na 'bininini' at hindi 'neneng b'." Sinsero nitong sagot habang hindi maiwasan ang sarili na mapangiti.

"Sige, bumalik ka na roon tapos ikaw lumaban sa mga espanyol. Tignan lang natin kung tatagal ka." Napapailing na sagot ni Ledger na siyang ikinatawa lang nila.

Sa kabilang banda, naiwan sa gawing gilid ng bintana sila Willow. Dito napiling pumwesto ng dalawa para makalasap ng sariwang hangin. Nakakaaliwalas sa pakiramdam ang dala ng malamig nitong simoy na siyang labis na nakakatulong para kahit papaano ay pakalmahin ang pakiramdam nila.

"Last mo na 'yan teh, ha. May tubig doon sa kitchen kaya iyon na inumin mo. Alam mo na ngang may UTI ka pero ikaw halos nakaubos nitong isang pitchel na juice." Sita ni Alison nang agawin na naman ng kaibigan ang pitsel na dala ni Mills. Hindi naman pumalag si Mills at hinayaan lang ang kaklase na muling punuin ng juice ang baso nito.

"Oo na, ingay mo." Natatawang sagot ni Willow bago muling binalik sa kaharap ang hawak na pitsel. Nang matapos siya ay doon pa siya nagpasyang umupo ulit.

"Are we going to leave after this?" Untag ni Alison bago binaling ang tingin sa labas. Sa muling pag-ihip ng hangin ay dumapo ang mata ng dalaga sa mga nagtatakbuhang zombies sa malawak na field ng Juanico High.

"It depends, if Wren wants us to leave this room then susunod tayo. But I guess, sa sitwasyon natin ngayon?" Sandaling huminto si Willow sa pagsasalita bago tinuro ang mga anino na nakaabang sa labas ng classroom kung nasaan sila ngayon. "Hindi na tayo makakalabas." Pagpapatuloy niya saka pinaglaruan ang basong hawak.

"I'm really glad that she helped us back there. Hindi man halata pero nawalan na ako ng pag-asa no'ng akala ko na tatalikuran tayo ni Wren kanina," kwento ng kaibigan at doon siya nilingon ni Alison. "You heard what she she have said, right? The way she responded, nahalata ko kaagad na wala talaga siyang plano na tulungan tayo. I thought she'll never do us a favour but I was wrong." Kuwento nito na siyang nakapagpangiti kay Alison.

"I guess, mali iyong pagkakakilala natin sa kaniya. Yes, she may be rude or palaging umaakto na parang isang walking robot na walang pakialam sa mundo, but that doesn't mean na wala na rin siyang pakialam sa'tin." Gatong ng kaibigan. Sandali silang binalot ng katahimikan at hinayaan lamang ang kanilang sarili na damhin ang hangin na tila ayaw paawat sa pag-ihip. Tila ba ito ang paraan ng kalikasan na kahit papaano ay yakapin sila at ipadama na magiging ayos lang ang lahat.

"Sa totoo lang, Alison," saglit na huminto si Willow bago inayos ang kaniyang buhok. "Kung hindi rin dahil kay Mills, hindi ako magkakaroon ng courage na lumaban. She's so brave for not giving up, hindi kaya biro iyong sinapit nila kanina sa quadrangle. All I thought was we're going to lose her no'ng napapalibutan na sila ng horde."

Pagkwento nito na siyang naging rason kung bakit nilingon siya ni Alison.

"Sino ba naman kasing mag-aakala na magagamit pa nila iyong walang kwentang nilaro natin last year, right? It also made me realized na iyong mga walang kwentang pinapagawa sa'tin ay iyon pa ang naging dahilan kung bakit tayo nasasalba sa mga delikadong sitwasyon." Dagdag niya pa bago nilipat ang tingin kay Mills na ngayon ay kausap din si Elsie.

"Naisip ko lang teh, ha," pag-iiba ng katabi saka inayos ang pagkakatali sa naka-ponytail niyang buhok. "What if we use the same tacticts again for this time, magwo-work pa rin kaya?"

"If we attract them with sounds then, it's a yes. Pero ang problema wala ng bluetooth speaker na pwede nating ma-access dito kaya wala na tayong magagawa." Mahinang tugon ni Willow at doon isinandal ang ulo sa balikat ng kaibigan. Saktong pagdampi pa lang ng balat niya ay dagliang nangunot ang kaniyang noo nang maramdaman ang tila malamig na temperatura ng kaibigan. Agad siyang napaayos ng upo at diretsang tinitigan ang dalaga.

"Giniginaw ka ba, Alison? Bakit ang lamig mo? May sakit ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong saka dinampi ang likod ng kamay sa noo nito para alamin ang estado ng kaibigan.

"Ako? Siyempre wa-" hindi na natuloy pa ni Alison ang kaniyang nais na sabihin nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Wala sa wisyo siyang napapikit nang umikot ang kaniyang paningin. Mabilis din niyang iniabot ang kaniyang ulo bago niya ibinaba ang kamay sa bandang bibig nang tila ba nasusuka. Ilang saglit niya pang pinakiramdaman ang sarili hanggang sa napasandal siya nang tuluyan sa upuan.

Segundo ang lumipas at tuloy-tuloy lang siyang napapabuntong-hininga. Kasabay ng kaniyang pagmulat ay ang pag-alis niya ng kamay sa kaniyang bibig. Ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang bumahid ang dugo sa kaniyang palad. Kabado niya itong tinitigan hanggang sa maramdaman niya ang sunod-sunod na pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang ilong.

Alanganin niyang sinalubong ang tingin ni Willow na halata ring nagulat sa kaniyang itsura ngayon.

"It's not w-what I'm thinking, right?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top