Chapter 14: Takas
Viruses are like hijackers. They invade living normal cells and use those cells to multiply and produce other viruses like themselves. This harm, damage or kill a cells that will make you sick until you die.
***
"Now, hit the play button." Utos ni Wren kay Willow na kaagad namang sinunod ng dalaga. Nang magsimula na ngang tumugtog ang kanta ay mabilis na nagwala ang mga zombies sa labas at dagliang nagsi-alisan sa harap ng kanilang room bago iyon tuloy-tuloy na tinungo ang second floor kung saan nakapwesto sa kanilang itaas ang bluetooth speaker na ginagamit nila ngayon.
Samatala, nakatuntong naman sa ibabaw ng teacher's table si Earlyseven upang magsilbi nilang lookout. Todo silip ang binata sa bintana para matignan kung ano na ang kasalukuyang sitwasyon sa labas.
"P-putangina, sumunod nga sila." Namamangha niyang sabi bago tumingkayad upang mas lalong makita ang mga nangyayari.
"Ano na, Ryder? Pwede na ba nating madaanan ang corridor?" Atat na tanong ni Corbin habang hinahawakan nito ang pinagpatung-patong nilang armchair para makasilip ito sa labas.
"S-sobrang dami nila. Hindi pa rin sila nauubos sa kadadaan sa labas." Sagot nito habang hindi pa rin nag-iiwas ng tingin.
"Saan ba galing iyong iba? Imposible naman siguro kung marunong maki-usyo ang mga zombies, di'ba? Miski tayo nga na nandito lang sa ibaba ay nahihinaan sa music." Nagtatakang untag ni Alison.
"If they won't stop coming here, then kinakailangan nating makahanap ng panibagong speaker." Tugon ni Ledger saka niya nilabas ang cellphone niya.
"There are no available speaker na pwede nating ma-access aside from Poseidon. Meron sa control room na kayang makapag-play sa halos lahat ng speaker sa buong school. Pero hindi naman natin kayang i-maneuver iyon using our phones." Singit ni Willow.
"Viruses sometimes travel in groups kaya siguro grupo-grupo silang pumupunta rito." Paliwang ni Meadow saka naman nangunot ang noo ni Ledger.
"Viruses go and infect a hosts by groups dahil hindi iyon magwowork pag kaunti lang sila. Hindi ko rin halos ma-imagine na por que ganoon magtrabaho ang virus ay ganon na rin ang epekto no'n sa mga infected." Kontra nito at muli na naman silang binalot ng katahimikan.
"Kumukunti na ang bilang nila. Wala na rin akong nakikita pa na may mga pumapasok sa corridor natin," sambit ni Earlyseven saka nilingon si Yohan.
"Lalabas na ba tayo, tol?" Baling nito sa kaniya at kaagad namang nilibot ni Yohan ang tingin sa loob. Sinigurado niya muna na handa ang mga kasama niya bago sila umalis.
"Sige, lalabas na tayo. Pero hangga't maaari ay walang kakalas sa grupo at mas lalong walang dapat na magpapabaya. Always remember to have each other's backs." Bilin nito saka niya nilapitan ang pinto. Sumunod naman sa kaniya si Corbin at tumulong na rin siya sa pag-aalis ng mga armchairs na pinangharang nila rito.
"Kapag ako talaga namatay sa pagkakataong 'to, Yohan. Tamo, mumultuhin kita gabi-gabi." Banta nito sa binata na siyang ikinailing lang ng kassma.
Pigil-hiningang pinihit ni Yohan ang seradora para lang hindi ito gumawa ng ingay. Nang saktong nakabukas na ay sumenyas kaagad ito kay Cody at siya ang pinauna nito, matapos makalabas ang lahat ng lalaki ay ang mga babae naman ang pinasunod niya. At dahil nga sa nasa ground floor lang sila at ang classroom nila ito ang pinakamalapit sa labasan ng building ay tahimik silang nakaalis. Lakad-takbo ang ginawa ng grupo saka doon nila timungo ang gawing likod ng kanilang building kung saan doon ang daan patungo sa second gate.
Nang saktong nakapasok na sila sa isa na namang corridor ay maingat nilang nilakad ang napakatahimik at napakagulo nitong daanan. Saglit na napahinto sa paglalakad si Cody na siyang nasa unahan nang may makitang isang zombie na patuloy na dinadamba ang sarili sa isang room. Agad tinubuan ng kaba ang lahat nang makita ito pero hindi nagpatinag ang binata. Sandali niyang nilingon ang mga kasama saka dinampi sa kaniyang labi ang hintuturo niya senyales na binibigyan sila nito ng babala na 'manahimik'.
Puno man ng kaba pero inihakbang niya pa rin ang mga paa para makalagpas dito. Si Ryder naman na nasa likod niya ay wala sa wisyong pinikit ang mga mata sa takot na baka mapansin siya nito. Matagumpay siyang nakalagpas at doon niya nilingon ang pwesto nila Earlyseven.
Labag sa loob na napalunok ang kaniyang kaibigan at akmang lalagpas na sana ang kanilang grupo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumalya siya. Aksidenteng dumulas ang hawak ni Earlyseven na tubo dahil sa labis na pamamasa ng kaniyang kamay. Tumaginting ang tunog nito sa ibaba dahilan kung bakit napahinto ang zombie na dumadamba sa pinto at dahan-dahang nilingon ang pwesto niya.
Nanlaki ang mga mata ni Earlyseven dahil sa gulat at wala siyang ibang nagawa kundi ang tumunganga sa kaniyang kinatatayuan.
"EARLYSEVEN!"
Mabilisang nakakilos ang halimaw saka siya nito dinamba. Tarantang ginamit ng binata ang braso niyang binalot ng tape at karton para kahit papaano ay hindi siya nito tuluyang makagat. Tuluyan siyang napahiga sa sahig at kahit subukan man niyang manlaban ngunit tila ba hindi nagiging sapat ang lakas niya para makapalag sa zombie. Hindi nga nagbibiro si Mills sa sinabi nito kanina, doble nga ang kapasidad ng mga halimaw kaysa sa tulad nilang tao.
Makailang-ulit niya pang sinubukang makaalis ngunit wala pa rin talagang nangyayari. Nang maramdaman niya ang pag-uumpisang pagngalay ng kaniyang braso ay doon na siya napasigaw.
"PUTANGINA! ALIS! AHH, ANO BA! Tulungan niyo 'ko!" Nahihintakutan niyang sigaw. Kitang-kita niya kung paano panggigilan ng halimaw ang nakabalot niyang braso at dumoble na ngayon ang takot niya bska tuluyan itong umabot sa balat niya. Hindi niya pa man ramdam ang mga ngipin nito pero natataranta pa rin siya na baka tuluyan nga siya nitong makain.
Bago pa man makalapit si Cody upang daluhan ang kaibigan ay naunahan na ito ni Mills. Binitawan niya pansamantala si Elsie at pwersahan niyang hinila ang buhok ng zombie na kaagad namang napaangat ang ulo dahil sa marahan niyang paghila. Bumuka ang tila gutom na gutom nitong bibig at doon nag-umpisang rumagasa ang napakalapot nitong dugo na hinaluan naman ng malagkit nitong laway.
Itinulak ito ni Mills saka niya kinuha ang tubo na hawak kanina ni Earlyseven at doon niya ito pwersahang ininhampas nang mariin sa ulo ng halimaw. Isang beses niya lang iyong hinataw at naging sapat na iyon upang tuluyan niya itong napabagsak sa sahig.
Hindi kaagad nakaimik si Earlyseven matapos ang pangyayari, ni hindi siya nag-abalang tumayo dahil ito ang unang beses na may kinaharap siyang zombie. Hindi niya lubos maisip na mas nakakatakot pa la talaga ito kaysa sa mga aswang na napapanood niya sa mga teleserye. Tagaktak ang pawis ng binata at ramdam niya rin ang bahagyang panginginig ng kaniyang magkabilang braso na nakatukod sa ibaba.
Bago niya pa man tanggapin ang kamay ni Mills na nakalahad ay biglaan namang kumalabog ang mga pintong nadaanan nila kanina. Tila ba may kung anong pwersa ang bumabangga rito na nagpupumilit na kumawala. Ilang saglit pa ay nagsibasag na ang mga jalousie at doon sunod-sunod na kumawala ang mga zombie na atat na atat na silang atakehin.
"Tangina, takbo!" Sigaw ni Yohan na siyang nasa pinakalikod at doon niya hinila si Corbin paalis. Bawat rooms na nadadaanan nila ay halos pare-pareho lang ang sitwasyon. Hindi na rin nila inantala pa ang mga bubog na nagkalat sa sahig dahil sa kanilang labis na pagmamadali.
Saktong paghinto nila sa hagdan ay ang siya namang pagsibabaan ng mga zombies mula sa ikalawang palapag ng gusali na halos magkandahulog na dahil sa dami. Kaagad silang napahinto at nagtangka pa sanang bumalik pero huli na dahil padami na rin nang padami ang pumupunta sa direksyon nila.
Hindi na pinaantay pa nila Cody at Ryder ang paglapit ng mga 'to dahil sinalubong na nila iyon kaagad gamit lamang ang mga tubo na sabitan lang ng kurtina. Kaagad silang umakyat at pinasunod naman kaagad ni Wren ang mga kaklase niya sa itaas.
"Shit! Hindi tayo makakadaan diyan, Cody!" Sigaw ni Willow nang makitang nagsitakbuhan din sa corridor ang panibago na namang zombies galing sa kabilang hagdan.
"We have to go upstairs! Akyat!" Sigaw ni Willow habang inaalalayan nito si Elsie na hindi na halos makatakbo.
"What the fuck are you doing, Cody?" Singhal ni Wren sa binata na ngayon ay agarang dinampot ang ng art easel na gawa sa aluminum. Hindi siya pinansin ng binata bagkus ay agarang sunalubong ang mga halimaw at ginamit ang hawak bilang pangharang. Nang makita ni Ryder ang ginagawa ng kaibigan ay hindi na rin siya nagdalawang-isip pa na gumaya para tumulong.
"Humanap kayo ng ligtas na pagtataguan sa itaas. Pipigilan lang namin 'to!" Sagot nito nang hindi man lang nililingon ang dalaga. Mahahalata ang labis na hirap sa mukha ni Cody sa pagtatangksng pigilan ang mga halimaw na makasunod sa mga kaklase niya. Nagsasalubong na rin ang kaniyang mga dahil sa labis na pwersa na kaniyang ginagamit. Nagsilitawan na rin ang ugat niya sa katawan senyales na buong lakas na niya ang tinataya niya rito.
"Sige na, Wren. Umalis ka na!" Muli niyang sigaw dito at wala na ngang nagawa pa ang dalaga nang hilahin na siya paakyat ni Meadow. Kusa siyang sumunod at sumabay sa pag-akyat. Hindi niya rin maiwasang mapalingon sa kasama lalo na nang panay ito sa paglibot ng kaniyang tingin waring may hinahanap.
"You don't need to worry about Mills. Let's go." Banggit ni Wren at saka sumenyas kay Meadow na umakyat na. Saglit na sinilip ng dalaga ang pwesto nila Ryder at Cody bago dumungaw sa ibaba upang hagilapin kung nasaan sila Mills pero hindi niya ito mahanap.
Samantala, halos bumaon na sa sahig ang sapatos ni Mills nang pigilan niya ang mga zombies na patuloy na dinadamba ang pinangharang niyang plywood. Sumasakit na rin ang kamay niya sa kahahawak nito lalo na at ramdam niya ang mga bahagyang pananakit ng kaniyang palad dahil sa mga malilit na pirasong tumutusok dito. Sa gawing likod niya naman ay doon humaharang si Corbin at Yohan na pilit ding pinipigilan ang mga zombies.
"Mamamatay tayo, Yohan! Mamamatay na tayo!" Tarantang sigaw ni Corbin habang tinatadyakan nito ang kamay ng isang zombie na pilit hinuhuli ang kaniyang paa.
"Nakaakyat na sila sa itaas kaya s-siguro naman ay pwede na tayong sumunod di'ba? M-mahal ko pa buhay ko, Yohan." Singit ni Mills at saka lang napansin ng binata na hindi pa la ito sumunod sa itaas.
"Wala sa usapan na magpapaiwan ka, Mills. U-umakyat ka na. Ipaubaya mo na sa'min 'to." Sita ni Yohan sa dalaga ngunit hindi man lang ito natinag.
"Ayaw niya, Yo kaya I volunteer, ako na lang kaya ang tumakas? B-bahala na kayo tutal kaya niyo naman." Singit ni Corbin na siyang dahilan kung bakit sinamaan siya ng tingin ng binata.
"Sabi ko nga magpapaiwan ako," wala sa wisyo niyang sabi. "Pero kasi sobrang bigat nito! H-hindi natin sila kayang itulak!" Dagdag niya pa.
Saglit na natahimik si Yohan bago nilingon ang kanilang likuran. Nang makasigurong walang halimaw na nag-aabang sa hagdan ay doon siya dahan-dahang umatras hanggang sa isang dangkal na lamang ang layo niya sa likod ni Mills.
"Aakyat tayo." Imporma niya sa dalawang kassma. Nang matantsa na niya ang sitwasyon ay sinenyasan niya kaagad si Corbin na bumitaw at doon na nga tuluyang tumumba ang plywood at saka sila nagsitakbuhan paakyat kasabay sa ikalawang palapag. Kaagad silang nakarating sa second floor kung saan kasalukuyang kinakalaban nila Cody ang mga zombie sa floor na ito.
"Tara na!" Aya ni Yohan sa kanila at kaagad naman itong nagsisunuran. Mabilisan nilang inakyat ang hagdan papuntang thirdfloor at sa huling espasyo sa itaas ay doon nag-aantay si Meadow.
"Nasaan sila?" Agarang tanong ni Mills at doon lang tinuro ng dalaga ang unang pinto malapit sa hagdan. Kaagad silang pumasok na lahat doon at muli na naman nilang ginamit ang mga upuan sa loob para gawing pangharang sa pinto. Pabagsak silang lahat na naupo sa lapag at hinayaan ang kanilang pawis na dumaloy paibaba.
"So that's it?" Kaagad silang nagsi-angat ng tingin nang magsalita si Shilloh. Puno ng pagkadismaya ang mukha nito habang nakapukol ang tingin kay Mills. "Iyon ba ang pinagmamalaki niyong plano? Ni hindi nga tayo nakarating sa second gate! Nasa likod lang tayo ng building natin kanina!" Naiiritang sigaw.
"Hindi naman natin basta-bastang mapupuntahan ang second gate dahil malayo nga iyon mula sa building natin. Can we just feel greatful that at least nakatawid tayo nang kahit kaunti man lang?" Turan ni Alison saka ginamit ang kaniyang panyo upang itali sa kamay niya dahil napipigtas na ang tape na bumalot rito.
"Feel grateful? Huwag mo nga akong patawanin, Alison! Hindi kasi kayo nag-iisip! Tignan niyo, tignan niyo kung ano ang nangyayari ngayon sa pinagmamalaki mong kaibigan." Panghahamon nito saka tinuro ang pwesto ni Mills. Muli na naman itong nagnonosebleed at mas malala pa ito kumpara sa pagdurugong nangyari sa kaniya kanina lang.
"She's bleeding again, we are not with her the day na nasa ground floor tayo kanina. What if she transformed into a zombie without us knowing?" Banggit nito bago tumayo upang lapitan si Mills na abala sa pagpupunas ng ilong niya pero hindi pa rin ihumihinto ang kaniyang dugo sa pagdaloy. Kinakabahan siya ngayon na hindi niya maintindihan, hindi siya sigurado kung ano ba ang nangyayari sa kaniya ngayon. Lalo na at ito na ang pangalawang beses na nagnosebleed siya nang wala sa kontrol. Aminado siyang may pagkakataon dati na sinusumpong siya pero hindi naman ganito kalala.
Kaagad siyang nagbaba ng tingin at sinipat ang kaniyang binti para tignan kung may kalmot ba o kagat, miski ang braso at balikat niya ay tinignan niya rin pero wala naman siyang nakita.
"You can't use the same reason for this time, Ledger. Sige nga, papaano mo ipapaliwanag ang pagno-nosebeed niya ngayon?" Panghahamon pa ni Shilloh at miski si Ledger ay hindi nakasagot.
"If you are speculating that Mills will turn, then so be it." Untag ni Wren saka niya inalis ang pagkakakrus ng kaniyang balikat.
"Mills, stay in the kitchen for awhile." Utos nito at wala na ngang nagawa pa ang dalaga kundi ang tumayo at tahimik na tinungo ang kitchen ng silid. Nasa cookery room sila at may kalakihan din ang silid na ito. Nahahati ito sa dalawa, ang sa harap ay ang pwesto kung saan hands on na magluluto ang mga teacher at isang glass na harang naman ang pumapagitna nito. Sa kabila naman, ay hindi aabot sa benteng upuan ang nandon kung saan uupo ang mga cookery students.
Pumasok na si Mills sa pinto matapos niyang mahawi ang kurtina na humaharang dito. Naupo siya sa isang stall saka isinandal ang kaniyang likod sa pader.
"Ten minutes. If she'll turn into a zombie after ten minutes then I will let you kill her but if not. You have to apologize." Utos nito kay Shilloh na siyang dahilan kung bakit napataas ng kilay ang dalaga. Miski ang mga kaklase nilang nandito ay nagulat sa kaniyang sinambit na desisyon.
"Apologizing is not written inside my vocabulary, Wren." Matapang nitong sabi dahilan kung bakit napaismid ang kaharap.
"Acting badass doesn't make you look cool, it just showed how stupid and mannerless you are as a person." Diretsang sambit ng kaklase na siyang naging rason kung bakit umusbong ang leon sa katauhan ni Shilloh at nagbalak itong sugurin pero napigilan ito kaagad ni Meadow.
"Just do it, Shilloh. Wala namang mawawala sa'yo kung magsosorry ka kay Mills." Gatong ni Meadow pero hindi umimik ang dalaga bagkus ay padabog lang itong naupo sa sulok.
"We are quite lucky na sa lahat ng rooms na pwede nating mapasukan ay dito pa tayo napunta," panimula ni Ledger habang pinapahid niya sa damit niya ang salamin na lumalabo na dahil sa pawis. "Maybe this is what we call as miracle." Dugtong pa nito saka niya na iyon isinuot.
"Do miracles really happen?" Tanong ni Willow habang ang mata nito ay diretsong nakatingin sa labas.
"Oo naman, palamura lang akong tao pero maka-Diyos 'to. Ilang beses na rin akong niligtas ng milagro dahil sa paniniwala ko kay Lord." Sagot ni Ryder na nakapwesto 'di-kalayuan kay Willow.
"Miracles is phenomena that we can't explain but it surround us on every hand," paliwanag ni Meadow bago kumuha ng mauupuan. "Para sa'kin, nangyayari ang lahat ng 'to para bumalik ang paniniwala natin kay God." Dagdag niya habang nilalaro-laro nito ang kaniyang daliri.
"This is so freaking awkward." Untag ni Willow bago alanganing ngumiti. Kaagad namang natuon ang atensyon nila sa kaniya dahil sa biglaan nitong sinabi.
"All my life I never showed or have faith to God kasi akala ko, hindi siya totoo. Yet this thing happened, how many times na ba tayong laging sinusubukan ni Satanas? But we are still here alive and kicking," Sambit niya saka mapaklang natawa. "I almost thought na mamamatay na ako the moment na nagpunta kami nila Alison sa clinic. Akala ko talaga na katapusan ko na nang inatake ako ng isang zombie but I was wrong. Nong makabalik na kami kanina sa room, I questioned myself a hundred times. What have I've done para mabigyan ako ng isa pang chance na mabuhay? Am I too lucky to have a second life for me to live again or not? But, I couldn't figure out the answer. It's so freaking complicated and hard to understand."
"Then start talking to him by prayers for you to understand the jigsaw puzzle about your faith living inside your heart." Makahulugang tugon ni Ledger na nasa tabi lang ng dalaga. Saglit na nanahimik si Willow hanggang sa iniwas na niya ang mga mata sa labas.
"Is it," huminto muna siya saglit bago binaling ang tingin kay Meadow. "Is it too late for me to believe in God?" Tanong ni Willow gamit ang mahina niyang boses.
Ngumiti naman sa kaniya ang kanilang class president saka ito tumayo upang lapitan siya.
"No, you're not late. You just found him in the perfect time when you needed him the most."
"You're really good about words, Meadow." Singit ni Alison saka humikab at sumandal sa upuan. Ngumiti lang ang dalaga bago siya binalingan ng tingin.
"If Wren leads us to move forward then expect that I will stay behind and have each of your backs to make sure that you guys are walking the same path as her." Sagot nito kay Alison at doon niya hinawakan ang kamay ni Willow.
"Because I guess, this is my duty as your class president."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top