Chapter 12: Kumpirma
"May nahanap ka ng bluetooth speaker, teh?" Tanong ni Alison kay Willow habang tutok ang mata nito sa kaniyang cellphone. Kanina pa ito naglo-loading hanggang sa biglaang nagpop-up sa screen niya ang available na speaker.
"Gotcha. Sa Grade-10 Poseidon 'tong nakita kong bluetooth speaker. Connect ko na ba?" Tanong ni Willow saka bahagyang tumihaya upang silipin ang pwesto ni Wren.
"It's a good spot pero standby ka muna." Sagot nito habang abala ang kamay sa paglalagay ng packing tape sa palapulsuhan ni Meadow.
Kasalukuyang nagkaniya-kaniya ang magkakaklase sa loob para atupagin ang mga bagay na dapat nilang pagtuunan ng pansin sa ngayon. Si Wren ang nanguna sa paglalagay ng tape sa braso ng kanilang mga kaklase. Si Willow at ang kaibigan nitong si Alison ang siyang nakatoka sa paghahanap ng bluetooth speaker na pwede nilang magamit para sa gagawin nilang plano habang si Mills ay abala sa pagsasagawa ng kaniyang sariling naisip na plano. Samantala, pinangunahan naman ni Yohan ang pagtitipon ng mga gamit na pwede nilang gamiting panlaban kasabay ni Cody.
"Hindi naman sa nagrereklamo ako, Wren ha. But," sandaling sinilip ni Meadow ang ekspresyon ng kaklase na ngayon ay seryoso sa ginagawa bago muling nagsalita. "I think this packing tape won't help. Kung gagamitin natin 'tong pangharang kung saka-sakali ay babaon lang kaagad ang mga ngipin ng mga zombie sa balat natin." Nag-aalala niyang tugon gamit ang kalmado at mahinhin nitong boses.
Nang magupit na ni Wren ang packing tape ay hinimas niya iyon para dumikit nang maigi. Matapos niyang gawin iyon ay doon pa lang niya sinalubong ang tingin ng kaharap.
"That's why I packed your arms together with your coat para mas makapal." Sagot nito at inabot sa kaniya ang isa pang packing tape at hindi na muling nagsalita bagkus ay tinungo na niya ang pwesto ni Alison at ito na naman ang sinunod niyang balutan.
"Ayan, okay na 'to," banggit ni Mills matapos maitali ang cellphone niya sa remore controlled car ni Willow. "Kung hindi pa rin sila madadala sa bluetooth speaker. Pwes, papasunurin natin sila gamit nito." Dagdag niya saka sinipat nang maigi upang masigurong hindi bibigay ang ginamit niyang pantali.
"Ngayon ko lang talaga na-appreciate iyong pinapa-project ni Miss Garcia. Never ko talagang na-imagine na magiging ganito 'yan ka-useful." Komento ni Earlyseven habang gumugupit ng panibagong tali bago iyon inabot kay Mills.
"Well, expect the inspected." Sukli ni Mills na siyang ikinaismid si Corbin na ngayon ay nakatayo ngayon sa bandang likuran habang tumutulong sa pagbubuhol ng mga kurtina.
"Expect the unexpected iyon, gago. 'Wag ka na nga kasi mag-english, panget mo pakinggan." Sabat nito at umiling. Sa halip na makipagpalitan pa ng salita ay lihim na lamang na napatawa si Mills. Matapos siyang makasiguro na ayos na ang ginagawa niya ay doon niya pa lang iyon tinabi.
"Atleast, hindi lang ang RC car ni Miss Garcia ang magiging usable sa sitwasyon natin ngayon." Singit ni Ledger dahilan kung bakit naagaw ang atensyon nila Mills, Corbin at Earlyseven sa binanggit nito.
"Anong ibig mong sabihin, Ledger?" Kunot-noong tanong ni Earlyseven.
"Sir Winston onced taught us about virus, right? And based on what you guys discussed about your individual experiences, may sense iyong tinuturo niya sa'tin." Dugtong nito at itinaas ang notebook niya kung saan nandoon nakasulat ang kaniyang mga nakopya.
"According to Alison, nang kagatin ng nurse ang biktima nitong estudyante ay naging zombie rin ito pagkatapos. So what do you guys think?" Tanong nito sa kanilang tatlo pero walang nakasagot sa kanila kahit isa. Sa ekspresyon nilang tatlo ay mahahalatang wala talaga silang kahit katiting na ideya kung ano ang nais niyang ipunto. Sa sandaling katahimikan na nanaig ay kulang na lang na magkakuliglig sa loob dahil tila ba kumakausap lang si Ledger sa hangin.
"Grabe, 'di ko talaga matanggap ang katotohanan na katapusan na nga ng mundo pero bobo pa rin ako." Wala sa wisyong naisambit ni Mills sa kalagitnaan ng kaniyang pagkurap. Kahit ano mang pilit niyang pag-aanalisa sa tinanong ng kaibigan ay wala talaga siyang maintindihan.
"Kapag sumama ka raw sa tanga, magiging tanga ka. At 'pag sumama ka raw sa matatalino, magiging matalino ka rin. Pero araw-araw ko namang kasama si Ledger ah, bakit bobo pa rin ako?" Gatong ni Earlyseven at miski si Corbin na nasa likod ay halos hindi maipinta ang mukha.
"Alam mo? Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag ka pa. Hanap ka na lang ibang kausap, tol. Try mo si Willow, tutal kayo lang din naman nagkakaintindihan." Sabad ni Corbin saka tinuro ang tinutukoy nito na kasa-kasama ni Alison.
"Sila lang iyong nagkakaintindihan?" Muling tanong ni Earlyseven nang hindi niya maproseso ang dinagdag ng kaklase. "Paki-enlighten ako, hindi ko gets."
"Sila lang iyong nagkakaintindihan dahil MU sila. Mutual understanding nga di'ba? Meaning, sila lang iyong nagkakaintindihan." Paliwanag niya at tila walang pakialam sa reaksyon ni Ledger na napalunok at napahimas ng batok. Hindi niya rin maiwasang mag-iwas ng tingin dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman na bago sa kaniya ang bigla-bigla na lang binabanggit ang patungkol sa kanila ni Willow dahil hindi naman nila tinatago iyon, saksi ang lahat ng kaniyang mga kaklase sa kung papaano sila nag-umpisang magkalapit kaso may pagkakataon lang talaga katulad nito na hindi siya nakakapaghanda at biglaan na lang nakakaramdam ng hiya.
"Was it because the zombie virus went through the bitten mark and infect the human cells?" Laking pasasalamat na lamang niya nang biglaang sumingit si Elsie kaya kahit papaano ay muling naibalik ang usapan nila kanina.
Bitbit ng dalaga ang isang tupperware at huminto ito sa harap niya. Sumenyas ang kaklase na kumuha siya ng pancake na siyang hindi niya na rin natanggihan pa.
Kaagad namang tumayo si Mills upang daluhan ang kaibigan at ito na mismo ang nagkusang nagbitbit.
"Di'ba bawal sa'yo ang magbuhat? Tinawag mo na lang sana ako para kunin 'to." Salubong sa kaniya ni Mills pero nagkibit-balikat lang si Elsie saka inayos ang buhok niya.
"Ano ka ba, okay lang iyon. Tsaka, magaan lang naman iyon eh," pauna itong sambit saka tipid na natawa. "In fairness, ang sarap magluto ng lola mo ha, na-full fill ng pancakes niya iyong cravings ko." Puri nito at nag-akma pa itong kumuha pero kusa ng nilayo ni Yohan ang kamay nito dahilan kung bakit lihim siyang nagmaktol.
"Wala tayong ideya kung kailan pa tayo makakakain ulit, so much better if huwag niyong ubusin. Isa isa lang." Singit nito bago sila binahagian ng iilang piraso bilang pantawid gutom.
Sandaling natahimik si Mills matapos niyang mahawakan ang niluto ng kaniyang Loli. Aminado siyang hindi siya madalas kumain nito lalo na at hindi niya rin naman siya mahilig sa ganitong luto. Ngunit sa puntong ito ay pinili niyang kainin iyon. Sa unang kagat pa lang ay tila ba ito ang unang pagkakataon na nilasap at tinakam niya ang bawat nguya at lunok. Tinitigan niyang maigi ang pancake at bigla na lamang pumasok sa kaniyang isip ang mukha ng kaniyang Loli na siyang dahilan kung bakit mas lalong nag-alab ang kagustuhan niyang lumaban para makauwi.
"Hindi ko na namalayan ang oras, pasado alas dose na pala," untag ni Ledger matapos silipin ang kaniyang relo. "Sakto pa naman sa atin 'yang pancakes para maging hapunan mamaya, poproblemahin na lang natin kung saan tayo kukuha ng pagkain bukas." Dagdag nito saka tinanguan si Yohan para ituloy na nito ang pamamahagi ng kanilang makakain.
"Paki-tagalog nga nong sinabi mo Elsie, laking Pilipinas kang tao pero english ka naman nang english." Singit ni Corbin matapos ipahid ang kaniyang kamay sa uniporme para hindi na dumikit ang mga asukal sa palad niya.
"Ang sabi ko, pumapasok iyong virus sa bitten marks, tapos hahawaan na no'n iyong mga active cells sa loob ng katawan ng isang tao at iyon ang magiging reason kung bakit sila nagiging zombie. Gets mo na?" Pag-ulit nito bago tumabi kay Mills.
"Ibig bang sabihin no'n ay nagiging infected ang isang tao dahil sa virus na dala ng zombie at hindi dahil sa kagat nila?" Naguguluhang tanong ni Earlyseven habang inaalisa ang sinabi ng dalaga.
"Yes, if you think this analytically. Doon mo lang maco-conclude na ang kagat ng zombie sa isang tao ay nagsisilbing passage way para makapasok ang virus sa loob ng katawan natin. If we will explain this using the science term, viruses rely on the other organisms to survive and reproduce- so ang virus na kumakalat sa katawan ng tao ang siyang nagiging sanhi kung bakit iyon nagiging infected, at sa oras na tuluyang maging zombie ang taong iyon ay doon na ito magsisimulang manghawa ng iba." Paliwanag nito at doon na unti-unting naunawaan ng mga kausap ang ibig niyang sabihin kanina.
"Awit, so mali pala theory ni Earlyseven." Komento ni Corbin at doon tinuro ang tinutukoy.
"Yup, kaya 'wag kang maniwala sa sinasabi ni Agapito na kapag kinagat ng isang tao ang zombie ay magiging tao iyon ulit. Scam iyon."
"Buti nalang talaga 'di ako uto-uto." Gatong ni Corbin saka lihim na tumawa.
"Umandar na naman pagiging basher mo sakin, Ledger. Bwisit ka." Asik ni Earlyseven pero nagkibit-balikat lang ang kaibigan.
"Teka, naisip ko lang," untag ni Mills saka binalingan ng tingin ang binata.
"Sa kagat lang ba ng zombie pwedeng ma-transmit ang virus?" Puno nang kuryusidad niyang tanong at saglit na nag-isip si Ledger bago umiling.
"Actually, there are multiple ways para maipasa ang virus sa isang tao. Aside from biting it's victim, pwede rin siya sa open wound mo. Like for example, nasugatan ka, once na madikit ang sugat mo sa virus ay pwede ka talagang mahawa."
"I don't get it. Viruses are non-living, kaya papaano ka no'n mahahawa kung hindi sila marunong kumilos para i-infect ka?" Singit ni Elsie.
"Yes, I get your point. What I mean is if may goos or blood ng zombie na nadikit sa sugat mo ay siguradong mahahawa ka rin. The same situation kapag may nahalong ganon sa pagkain mo and that's what we call as indirect contact infections." Sagot ni Ledger. Naiwang tahimik si Mills matapos marinig ang isinagot ng kaklase. Hindi niya maiwasang balikan ulit ang mga pangyayari kanina upang subukang analisahin ang sitwasyon.
"Kung ang nurse na tinutukoy nila Willow ang siyang nagpakana nitong outbreak. Papaano naging zombie si nurse Gwendyl eh nakausap pa nga namin iyon kanina?" Naguguluhan niyang tanong pero wala sa kanila ang sumagot sa kaniya. Ang sandaling katahimikan ang siyang nag-udyok sa dalaga para muling magpatuloy.
"Kanina kasi, si Chloe at ang nurse lang ang nandoon sa clinic. Ibig bang sabihin no'n ay kay Chloe nga talaga nagsimula ang lahat ng 'to?" Hindi niya siguradong banggit.
***
"All the government officials have reached the evacuation site, Sir." Pag-ulat ng Deputy Chief sa kaniyang head na nakaupo lang sa kaniyang opisina. Katabi nito ang kanilang Assistant Chief na kanina pa nananahimik sa loob.
"Good. Simulan niyo ng i-evacuate ang mga civilians na malapit sa perimeter." Utos nito. Akmang magbibigay pa sana siya ng panibagong order pero agarn niyang napansin ang pagbubuka at pagsasara ng bibig ng deputy waribg may nais sabihin sa kaniya pero ayaw lang nitong ituloy.
"Go ahead." Pagbigay pahintulot nito saka tinanguan ang kaharap.
"I've received tons of reports galing sa mga tauhan ko at ayon sa kanila, ayaw sumama ng mga taga San Juanico City sa evacuation site hangga't hindi umuuwi ang kanilang mga anak na nasa Juanico High." Pag-amin nito na siyang ikinaseryoso ng mukha ng Chief. Agad na dumapo ang mata ng kanilang head sa gawing likuran kung saan nakadikit ang mapa ng buong siyudad.
"Hindi ba't nagpadala na kayo ng drones sa eskwelahan?" Tanong nito saka binalik ang tingin sa kausap.
"Yes, Sir. Pero hindi po malinaw ang footage na nakuha namin. Ang alam ko lang po ay hindi na namin madadaanan ang kalsada papuntang school dahil sa mga zombies." Sagot nito at bahagyang humina ang kaniyang boses sa gawing dulo. Lihim namang napamura ang Assistant Chief mula sa kaniyang narinig bago mariing hinawakan ang kaniyang peaked cap.
"Hindi na natin problema 'yan. Kung ayaw nilang umalis, let them be. What matters the most ay secured na ang mga government officials at iba pang mga dignitary persons ng San Juanico." Madalian nitong sabi bagay na ikinagulat ng Deputy.
"B-but Sir, m-mawawala po ang halos kalahati ng populasyon natin kung haha─"
"Just like what I've said. It's not our problem anymore," lumukob sa kwadradong silid ang baritono nitong boses na siyang nakapagpahinto sa opisyal. "Kung mawawala man ang kalahati ng populasyon natin then it's a good thing. Can't you see? We are just helping the society to eradicate overpopulation." Banggit nito na siyang mas lalong nagpakaba sa kausap.
"Gamitin niyo na lahat ng mga armas na meron tayo mapatay lang ang mga putanginang halimaw na 'yan. Huwag niyo 'kong bigyan ng sakit sa ulo, ayaw kong umabot iyan sa ibang siyudad at ako na naman ang masisisi." Bilin nito saka tinuro pa siya at wala na itong nagawa pa kundi ang sumaludo at umalis.
"May puso ka pa ba?" Sa tinagal-tagal na pananahimik ng Assistant Chief ay ngayon lang ito naglakas ng loob na magsalita. Kanina pa niya naririnig ang kahayupang pinaggagawa ng kaniyang head pero hindi lang niya ito pinapakialaman dahil kahit papaano, mas nakakataas pa rin ang ranggo nito kaysa sa kaniya. Pero dahil sa kaniyang mga narinig, hindi na niya nakakaya pang tiisin ang mga inaasal ito.
"And why did you asked?" Ganti nitong tanong bago inayos ang pagkakalagay ng mga badge sa uniporme niya.
"Anong klaseng public servant ka kung hahayaan mo lang ang mga tao roon na mamatay? Sumumpa ka sa batas Villafuerte, pero ano tong ginagawa mo?" Kababakasan ng pagkainis ang kalmado nitong boses. Hindi na rin pa nagulat pa ang kausap sa kaniyang biglaang pagbanggit nang diretso sa kaniyang apilyedo.
Napabuntong-hininga ang Chief at doong muling namutawi ang isang ngiti sa labi niya na siyang madalas naman nitong ginagawa.
"Alam kong pareho na tayo ng mundong ginagalawan noon pa lang, Suarez. Hindi rin naman siguro lingid sa kaalaman mo kung paano kumilos ang ekonomiya at gobiyerno natin di'ba?" Panimula nito saka lumakad paikot sa kaniyang opisina.
"Papaano mo nasisikmurang hayaan ang mga pamilyang mamamatay doon? Wala ka man lang bang gagawin para tulungan ang mga anak nilang nasa loob pa ng eskwelahan?" Singhal nito at sumakto namang huminto sa paglalakad ang kausap sa mismong harap niya.
"Ano bang tingin mo sa akin, superhero? Hindi ako tanga para isugal ang mga tauhan ko lalong-lalo na ang sarili ko para sa isang rescue mission na wala namang kasiguraduhan. Ang tauhan ko na mismo ang nagsabi na puno na ng zombies ang lugar. At hindi rin imposibleng isipin na naging halimaw na rin ang lahat ng mga estudyante roon." Sa isinagot niya ay doon dismayadong umiling ang Assistant Chief bago ito nag-angat ng tingin.
"Papaano kung mali ka?" Pauna nitong tanong. "Papaano kung may mga survivors do'n na nag-aantay ng tulong natin? Mga bata lang sila!" Pasigaw niyang dugtong.
Kanina pa siya hindi mapakali lalo na at may inaanak siyang nag-aaral din sa Juanico High, pero hindi siya pwedeng magpadalus-dalos sa pagdedesisyon dahil tiyak na mawawala siya sa posisyon kapag nagpabaya siya.
"That's it. Kawalan ba ang mga batang iyon sa lungsod natin? I am totally disagreeing about what those gullible people think to those bunch of kids. Ano bang magagawa ng mga batang iyon para umunlad tayo?" Sandali itong huminto saka mapaklang natawa. "They are nothing compared to those VIPs, wala silang maiaambag sa lipunan natin. Puro sakit sa ulo lang ang dala ng mga batang iyon! Sige nga, tapatin mo ako. Mababago ba ng pagcecellphone nila araw-araw ang mundo natin? Come down on Earth, Suarez!"
Sandaling pinasadahan ng Chief ang kaniyang buhok bago muling tumuloy sa pagsasalita.
"Hindi tayo naging isang pulis para maging sunod-sunuran at maging isang utusan ng mga sibilyan diyan sa labas. At mas lalong hindi tayo niluklok sa pwestong 'to para magpakabayani. Naglingkod tayo para sa mga taong dapat nating paglingkuran, kung tutuusin nga ay tapos na ang rescue teams natin sa mga misyong binigay sa kanila. Mga walang kwentang chess pieces lang naman ang natitira sa lugar na iyon."
Sunod-sunod na umiling ang kausap bago nilapag ang peaked cap sa mesa nito.
"May inaanak akong nag-aantay sa akin sa loob. At sigurado rin ako na marami pang tulad niya na nag-aantay ng tulong natin pero hindi sila makatawag dahil pinatigil mo na ang cellular network ng buong lugar." Panimula nito pero tila dismayado ang Chief of Police sa narinig niya.
"Huwag mo nga akong patawanin, Suarez. Isa kang pulis pero naniniwala ka sa kutob? Hindi tayo kumikilos dahil sa intuwisyon kundi dahil sa mga nakuha nating impormasyon." Tumalikod ito bago muling tinuro ang mapa at pinapasadahan ng hawak niyang stick ang halos buong bansa.
"Kung hindi ko itu-turn down ang signal o kahit anong communicational ways ay magdudulot iyon ng panic sa buong bansa at maging sa buong mundo. Kaya nga nag-utos tayo ng mga tao para linisin ang mga posts regarding sa mga zombies at dineklara natin na fake news iyon. Spreading this kind of infos isn't helping." Sambit niya saka binaba ang kaniyang stick. Bahagyang namutawi ang katahimikan sa loob ng silid hanggang sa muli niya na namang basagin iyon.
"Kung may nakita kang isang beggar at notable person na parehong nangangailangan sa daan. Bilang isang pulis, sino ang una mong lalapitan?" Biglaan nitong tanong pero hindi sumagot ang kausap bagkus ay nanatili ang mata nitong nakapukol sa kaniya.
"Ang personage, tama?" Sagot nito sa sarili niyang tanong. "Kaya kahit saang lupalop ka pa ng mundo mapunta, bilang isang respitadong alagad ng batas. Ang VIP's pa rin ang uunahin natin dahil gano'n kumilos ang gobiyerno." Dugtong nito matapos siyang makaupong muli sa swivel chair.
"You now get my point?" Mapanghamong tanong ng kausap. Nang wala ulit siyang makuhang sagot dito ay doon siya muling natawa at dismayadong umiling.
"This is how the reality works, Suarez so much better if you stop acting soft dahil alam kong alam mo na hindi tayo ganiyan."
"No, you're just trying to make it m─"
"Bear this in mind that in this type of service, we prioritize the most valuable persons and not those precious ones. So you can't blame me for my decision, if you're going to oppose it, leave my office."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top