Chapter 1: Simula
"Viruses undergo evolution and natural selection just like a cell-based life, and most of them evolve rapidly."
Kasalukuyang nasa loob ng kanilang classroom si Mills habang inaabala ang sarili sa paglalaro ng kaniyang hawak na ballpen. Kanina pa siya nawawalan ng gana at naghahanap na lamang ng mapagkakaabalahan habang inaantay na matapos ang kanilang klase. Kahit pa man pilitin niya ang sarili na makinig sa kanilang diskusyon ay hindi niya magawa lalo na at hindi siya interesado sa mga ganitong usapan.
"Huwag ka na kaya mag-jot down, Collins. Out of context naman 'yang tinuturo ni Sir sa atin," sita niya sa katabi na sandaling tumigil sa pagsusulat para lingunin siya.
"Okay lang," sagot ng dalaga, "interesting pa rin naman iyong topic natin ngayon, a. Bakit, hindi mo ba ma-appreciate iyong value ng science?"
"Aanhin ko ba 'yang science na 'yan kung gusto ko lang namang manood ng Lakorn series araw-araw?" ganti ni Mills na siyang ikinailing ng katabi. Muli itong bumalik sa pagsusulat dahilan kung bakit hindi na niya ito inistorbo pa lalo na at tila ayaw talagang magpaawat ng kaklase sa pagsulat.
"When two viruses infect a cell at the same time, they may swap genetic material to make new 'mixed' viruses with unique properties," pagpapatuloy ng kanilang maestro habang ginuguhit sa pisara ang kaniyang mga pinapaliwanag.
Hindi maiwasan ni Mills na lumingon sa likuran para tignan kung nakikinig ba ang mga kaklase niya at gaya nga ng inaasahan ay tanging siya lang sa mga nandito ang lumilipad ang utak. Wala na tuloy siyang nagawa pa kundi ang umayos ng upo matapos siyang balingan ng tingin ng kanilang guro.
"Are you guys still with me?" tanong ng maestro gamit ang baritono nitong boses.
Napaangat ng tingin ang lahat at sinalubong ang diretso nitong titig, walang ni isa sa kanila ang nakasagot bagkus ay tanging katahimikan lamang ang namutawi. Akmang babalik na sana ang guro sa pagpapaliwanag pero nahinto lamang iyon nang biglaang magtaas ng kamay ang isa sa kaniyang mga estudyante.
"Yes, Ms. Soriano?" diretso nitong tanong sa dalaga na ngayon ay hindi man lang nag-abalang tumayo. Nanatili lamang itong nakaupo at diretsong tumitig ang malamig nitong tingin sa kaniya.
"If we assumed that that virus you've mentioned managed to come up with that specific 'properties', then what will happen next?"
Sa itinanong ng dalaga ay doon gumuhit ang isang tipid na ngiti sa labi ng guro. Walang salita itong tumalikod saka muling lumapit sa pisara para magsulat. Ilang pares pa ng letra ang kaniyang isinulat bago niya ibinigay ang kaniyang nais na ipaliwanag.
"As you all know, the rule of biology is to produce something that even the human person cannot afford to imagine," panimula ng maestro habang dumudukot ng panibagong chalk sa bulsa. "It gives life to those things that we haven't seen before. And the most essential part of this bio process is the presence of virus. A virus is not just an infectious agent, but this also allows a specific host to complete a process."
"A process?" nagtatakhang tanong ni Ledger. "What do you mean by it, Sir?"
"The moment this virus successfully paired up with a particular cells, then it will directly undergo mutation," diretsa niyang sabi bago muling humarap. "And by the power of science, an evolution will occur."
"I'm sorry to interrupt your discussion but we're supposed to talk about planetary motion right, Sir Winston?" singit ng kanilang class president. Kalmado lamang itong nakaupo at mahahalata talaga sa mukha na nag-aantay lamang siya ng tamang pagkakataon para makasingit. Hawak ng dalaga ang kanilang textbook habang hindi inaalis ang nagtataka niyang tingin sa pwesto ng guro.
"Oh," wala sa wisyong naisambit nito saka pagod na inalis ang suot na salamin. "I forgot about it, isisingit na lang natin ang topic na 'yan by the next meeting."
Naiwang tahimik ang dalaga at hindi naman nakaligtas sa paningin ni Mills ang namumuong pagtataka sa mukha ng kaklase. Miski siya naman ay nagtataka rin lalo na at aminado rin naman siyang hindi lang ito ang unang beses na tila lumilihis ang tinuturo ng maestro mula sa dapat nilang klase. Ngunit dahil nga sa wala rin naman sa kanila ang naglakas-loob na magtanong, pinili na lang din nilang balewalain iyon.
Ilang sandali pa ang lumipas at doon umalingawngaw ang tunog ng school bell senyales na tapos na ang kanilang klase para sa araw na ito. Magkasabay na nagsitayuan ang lahat para ligpitin ang kanilang mga gamit habang ang iba naman nilang mga kaklase ay piniling samahan pabalik sa laboratory ang guro nang sagayon ay may katulong ito sa pagbitbit.
Nakahinga nang tuluyan si Mills matapos makita ang paglisan ng kanilang guro mula sa kanilang classroom. Bagot na bagot siyang nag-unat bago kinamot ang kaniyang ulo. Akmang hihikab na sana siya pampatanggal ng pagod pero hindi na iyon natuloy pa nang mahagilap ng kaniyang tingin ang sumunod na gurong pumasok sa loob.
"Kindly bring out your project." Hindi pa man nailalapag ng maestra nang tuluyan ang mga gamit nito sa mesa ay daglian na nitong pinaalala ang magiging agenda niya sa araw na ito.
Kaniya-kaniyang nagsikilos ang lahat para kunin ang kanilang pinaghandaang proyekto habang si Mills naman ay naiwang nakakunot-noo. Tinitigan niyang maigi ang kaniyang bag saka inumpisahang halungkatin ang loob no'n makita lang ang bagay na hinahanap.
"Patay," mahina niyang sabi na naging sapat para muli siyang lingunin ni Collins. Hindi ito nagbitaw ng salita na siyang hindi na niya inantala pa lalo na at nakatuon pa rin ang kaniyang atensyon sa paghahanap.
Ilang minuto pa ang kaniyang inilaan hanggang sa sumuko na lamang siya kinalaunan. Labag sa loob na napalunok si Mills at pinili na lamang na humarap lalo na at batid niya rin naman na hindi na mababago pa ng kahit anong reklamo o pagdadabog ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon.
"Wait, may schedule tayo kay Ms. Blaire ngayon?" nagtatakang tanong ni Elsie mula sa likuran ni Mills dahilan kung bakit napatingin kaagad siya rito.
"Last period si Sir Winston, di'ba?" bulong pa ni Collins saka sila naguguluhang tinignan.
"Yes, Ms. Raymundo?" baling ng guro sa kaklase nang mapansing nagkakaroon sila ng diskusyon. Kaagad namang napaayos ng upo si Mills nang sagayon ay hindi na sila masita pa.
"A, wala naman po," kakamot-kamot na sagot ng dalaga bago nagligpit ng kaniyang notebook.
"I am not honestly here to have our lesson, sinadya kong bumisita rito to check your individual projects. Hindi rin naman ako magtatagal kasi nga may meeting pa kami mamaya and since may kaunting oras pa naman ako, pinuntahan ko na kayo," imporma ng maestra bago sila nginitian at naghila ng upuan.
"Asus, Ma'am. 'Di mo lang talaga kami matiis," singit ni Earlyseven na siyang tipid na ikinatawa ng guro.
"Glad that almost all of you really managed to complete your last major project in this semester," tila natutuwang komento ng gurong si Blaire. "Given the fact na hectic talaga ang schedule niyo for almost 2 consecutive weeks pero tignan niyo ngayon, nagawa niyo pa ring matapos 'yan."
"Of course yes, Ms. Garcia. What can you expect from your own advisory?" singit ng kaklase nilang si Shilloh matapos niyang maialis sa mini box ang kaniyang DIY controlled car. Sinuklian lamang siya ng ngiti ng kaharap bago nito inilibot ang tingin sa loob.
"So who among you here wants to take the floor first?" Matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon ay doon nag-angat ng tingin ang isang binata na nakaupo sa gawing gilid. Nakasuot ito ng may kakapalang salamin habang bitbit nito ang isang tila upgraded drone na siya mismo ang gumawa. Itsura pa lamang nito ay mahahalata talaga ang pagkapulido no'n na para bang naglaan talaga ng mahabang oras ang binata para lamang matapos niya ito.
"You may now start."
Nakapokus ang tingin ng lahat sa gawing harap ng classroom kung saan nakatayo ngayon ang kaklase nilang si Ledger. Hawak ng binata ang kaniyang cellphone habang abala ang daliri sa pagkontrol ng kaniyang sariling drone paikot sa loob ng kanilang silid-aralan. Tutok na tutok ang lahat nang lumipad ito paitaas at manghang-manghang tumitig ang mga kaklase sa kaniya. Sa kanilang narito sa loob ay ito pa lang ang tanging nakagawa ng ganitong klaseng drone at mahahalatang maalam nga sa mga ganitong bagay ang naturang binata. Sa huling pag-ikot ng laruan ay doon na nagpasya si Ledger na pabalikin ito sa kaniyang pwesto bago niya iyon maingat na sinalo.
"Well done, Mr. Chavez," puri ni Ms. Garcia sa kaniya. Napuno naman kaagad ng palakpakan at hiyawan ang silid matapos siyang magbigay ng komento sa binata. Halata ang ibayong tuwa sa mukha ng guro. Siyang tunay ngang hindi siya nagkamali sa pagtiwala ng kaniyang estudyante, lalo na ngayon na muli na naman nitong hinigitan ang kaniyang ekspestasyon.
Ngumiti lamang ng tipid si Ledger saka yumuko at nagpasalamat sa kaniya. Agad din itong bumalik sa kaniyang upuan at nakipag-high five sa katabi nitong si Earlyseven.
"Galing mo, tol. Iba talaga 'pag inspired, sanaol na lang ganyan iyong utak," natatawang komento nito dahilan kung bakit napailing lamang ang katabi.
"Diskarte lang 'yan, Agapito," sagot sa kaniya ng binata dahilan kung bakit mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ng kaibigan.
"Kahit kailan talaga ang pangit mo kabonding. Minaltrato mo na naman pangalan ko," naasar nitong sambit bago muling ibinaling ang buong atensyon sa harapan.
"Anyone who wants to go next?" tanong ulit ng maestra.
Muli niyang nilibot ang tingin sa loob ng silid para maghanap ng estudyanteng pwede niyang tawagin sa pagkakataong ito. Ngunit gaya ng kaniyang inaasahan ay walang ni isa ang naglakas-loob na magtaas ng kamay waring nahihiya na ngang magpakita ng gilas dulot ng pinakita ni Ledger.
"Ayaw niyo talagang magtaas ng kamay?" segunda niya pa ngunit sa ikalawang pagkakataon ay wala talagang ni isa sa mga estudyante niya ang nag-boluntaryo. "Okay, idadaan na lang natin sa flashcards," dugtong nito dahilan kung bakit napuno nang reklamo ang loob at paulit-ulit nilang tinutulak si Willow na tahimik na nakaupo sa pinakalikod.
Matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon ay doon na niya klarong narinig ang iba't-ibang klase ng bulungan na umugong sa loob. Napuno ng reklamo ang kwadradong silid at paulit-ulit na pinagtutulakan ng mga kaklase si Willow na tahimik lamang na nakaupo sa gawing likod.
"Mga bwisit talaga kahit kailan," naiusal na lamang ng dalaga saka labag sa loob na nagtaas ng kamay. Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng maestra at mabilis siyang pinatayo bago siya binigyan ng pagkakataon para makapagsalita.
"This is my own made radio controlled car that can be maneuvered using bluetooth arduino," panimula niya bago iniangat ang hawak na laruan. "Pasensya na po Ms. Garcia, kung ganito iyong itsura niya. Hindi ko pa po kasi 'to na-spray.''
Sa halip na pagalitan siya nito o bigyan ng kahit ano mang klase ng komento ay sinuklian lang siya nito ng tipid na ngiti at tango. Isang hudyat na binibigyan na siya ng maestra ng pahintulot na magsimula.
Agad na kinonekta ni Willow sa bluetooth ang controlled car at saktong pag-ilaw ng headlight ay ang siyang pag-ugong ng maliit nitong makina. Saktong pagpindot niya sa kontrol ay doon na humarurot ang laruan sa makinis nilang sahig.
Halos magkasabay na nagsidungaw ang lahat sa ibaba para sundan ang mabilis na galaw ng miniature toy car. Hindi rin maiwasan ni Alison na sumilip sa cellphone ni Willow at doon niya kinumpara ang kaniyang gawa sa katabi. Kanina pa kasi siya namomroblema dahil ayaw mag-start ng radio car niya.
Akmang ililiko na sana ni Willow ang controlled car pero bigla na lamang itong nawalan ng kontrol na siyang naging rason kung bakit tuloy-tuloy itong bumangga sa pader.
"Pasensya na ulit," panghihingi niya muli ng despensa sa guro na mukha namang nakuntento kahit papaano sa ipinamalas niyang galing.
"I am expecting all of you to submit this project today. Mag-aantay ako hanggang alas-sinco sa office ko," deklara ng maestra bago inayos ang mga gamit sa ibabaw ng mesa.
"Yes, Ms. Garcia!"
"See you around, Aries. Class dismissed," hayag niya saka ito maayos na nagpaalam sa lahat. Saktong paglabas ng guro ay doon na nagsibunyi ang lahat nang sa wakas ay natapos na rin nang tuluyan ang araw nila. Agarang nagsialisan ang halos lahat sa kani-kanilang mga upuan para makiusyo sa iba nilang mga kaklase.
"Lagot talaga ako nito," naiiyak na sambit ni Mills. Pabagsak niyang iniupo ang sarili sa bakanteng upuan sa kabilang gilid ni Willow. Sinalubong naman siya kaagad ng kaklase gamit ang nang-aasar nitong tawa.
"Awit ka, Mills. Ilang beses kayang nag-remind si Meadow sa group chat na ngayon iyong deadline. Hindi mo ba iyon nakita?" natatawang komento ng katabi na siyang mas lalong ikinasira ng mukha ni Mills. "Sa dinami-rami ng subjects natin, dito ka pa talaga nagloko. Nakalimutan mo bang tagilid ka kay Ms. Garcia? Yari ka talagang babae ka."
"Naiwan ko nga sa tricycle di'ba, 'di ka ba nakikinig? Malay ko bang hindi ko pala naitali sa bag ko iyong plastic na pinaglagyan ko no'n," bagot na bagot na sagot ng dalaga. Kanina pa niya pilit na kinakalikot ang kaniyang utak sa kaiisip kung anong gagawin niyang paraan makalusot, lalo na ngayon na alam niyang tagilid siya sa subject na 'to.
"May extra sana ako sa bahay namin e, pero ang problema, walang maghahatid no'n dito. Tsaka aware naman kayong hindi tayo pwedeng lumabas sa school kasi alam niyo na. Mas strict pa iyong guard natin kaysa sa principal," singit ni Elsie saka tinapik ang balikat ni Mills.
"Patulong ka na lang kaya kay Ledger, teh," suhestiyon ni Alison bago tinuro ang pwesto ni Ledger na nasa unahan. Pinalilibutan din ito ng mga lalaki nilang kaklase na kasalukuyan ding inuusisa ang gawa nitong drone.
"Tama si Ali, Mills. Napaka-imposibleng humindi ang 'bespectacled guy' natin. Siyempre kailangan niyang magpasikat para sa kaniya di'ba?" mapang-asar na pagpaparinig ni Elsie bago tinapunan ng makahulugang ngiti si Willow.
"Tigil-tigilan mo'ko, Elsie kung ayaw mong itago ko inhaler mo," pagbabanta nito dahilan kung bakit tipid na lamang na napatawa ang dalaga.
"Wala namang personalan, Willow. Ito naman ang seryoso sa buhay," agaran niyang depensa. Akmang iibahin na sana ni Elsie ang usapan pero natagpuan na lamang niya ang sarili na napahinto nang may naunang magsalita sa kaniya.
"Sa'yo na 'to." Agad nag-angat ng tingin si Mills nang may nagsalita sa likod niya. Mabilis siyang lumingon at doon niya nakita si Yohan na may hawak na remote controlled car. Mas recycled ang itsura nito kaya nagmukhang mas kakaiba. Pulido rin ang pagkakagawa kaya kaaya-aya iyon sa mata. Hindi naman kaagad nag-alangan si Mills at mabilisan din itong tinanggap. Agaran niya ring kinuha ang kaniyang cellphone saka mabilisang nagtipa. Ilang sandali rin siyang nag-antay nang magsimulang umikot ang throbber sa screen. Nang makitang nag-match ang arduino niya sa diy car na inabot ng kaibigan ay doon gumuhit ang matagumpay na ngiti sa labi ng dalaga saka nagpasalamat.
"Pero paano ka?" madalian niyang tanong pero tipid lang na ngumiti si Yohan bago nilabas ang isang kamay para ipakita ang isa pang remote control car.
"Sinave na kita sa project mo kaya ikaw ang magbibitbit ng mga gamit ko araw-araw at ililibre mo rin ako tuwing lunch break," pangongontrata ni Yohan dahilan kung bakit agarang nawala ang ngiti sa labi ni Mills. Muli na namang hindi maipinta ang mukha niya na siyang naging rason kung bakit gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi ng binata. Tila ba ikinatuwa pa nito lalo ang makitang matagumpay niya ulit na naasar ang kaibigan.
Dulot nang matinding inis ay pabagsak niyang binitawan ang laruan at kung hindi lang mabilis kumilos ang binata ay baka bumagsak at nasira na ito sa sahig.
"Bwisit ka talaga kahit kailan sa buhay ko, Yohan!" naiinis niyang sabi at akmang tatalikod na sana pero hinila siya ulit nito. Bago pa siya makapalag ulit ay pinatong na ng kaharap ang toy car sa kaniyang palad at walang salita na umalis. Akmang ihahagis niya ulit sana iyon pero agaran na siyang pinigilan ni Elsie.
"Easy ka lang, Mills. Wala kang project, remember? Sayang effort ni Yohan kung itatapon mo'to. Sige ka, ikaw din. 'Di rin naman ako ang babagsak." Madaliang pigil ni Elsie saka kinuha ang DIY car sa kamay ng kaibigan para makasiguro siyang hindi iyon masisira. Nakita niya rin na bahagyang natauhan ang kaibigan kaya hindi na ito umimik pa, pero halata pa rin sa mukha nito ang labis-labis na pagkaimbyerna.
"Sanaol talaga may taga-sagip sa buhay. For the inggit na naman ang ferson for today's video. Damn, when ko kaya maf-feel yarn?" paggpaparinig ni Alison pero tinapik lang siya ni Willow sa balikat at ito na ang nagrepresenta na ayusin ang controlled car ng katabi.
"Mills..." agad napalingon si Mills sa gawing gilid nang lapitan siya ni Earlyseven. Nakasunod naman sa likod nito ang tahimik na si Ledger.
"O?"
"Free ba kayo ni Elsie ngayong hapon?" Saktong pagtanong ng kaklase ay kaagad ding dumapo ang tingin ng dalaga sa katabi. "Plano kasi ni Ledger na ngayon na gawin iyong group task na ibinilin ni Sir Winston sa'tin last time. Iyon ay kung okay lang?"
"Walang problema sa'kin. Hindi naman siguro tayo aabutin ng gabi niyan, di'ba? Baka kasi mapagalitan si Elsie," wika ng dalaga at doon madaliang niligpit ang kaniyang mga gamit.
"I assure you na hindi tayo aabutan ng gabi. Magpapasapak ako sa'yo pag naabutan nga tayo," singit ni Ledger. Lumapit ito kaagad sa pwesto ni Elsie saka nagrepresentang dalhin ang bag ng dalaga.
"Naks, sino ba talaga nililigawan mo, Ledger? Si Elsie ba o si Willow? Angas talaga dumiskarte nito. Kinukuha muna suporta ng mga kaibigan bago isunod iyong lovey doves niya," dagdag niya pa na siyang naging rason kung bakit piningot siya ng kaibigan sa tainga.
"Aray ko! Oo na, tatahimik na! Bitawan mo na ako!"
"Ingay mo, Agapito."
Hindi naman maiwasang tapunan nang nakakaasar na tingin ni Alison si Willow na tahimik lang na inaayos ang controlled car niya. Nasimulan na ito ini Elsie kanina ngunit nang makitang may lakad pala ito kasama sila Ledger ay ang kaibigan na mismo ang nagrepresentang tumapos.
Akmang magsasalita na sana si Alison pero sadyang matalas lang talaga ang pakiramdam ng kaibigan niya kaya naunahan siya nito.
"Ghe, subukan mo'kong asarin. Wala ka talagang mapapasang project ngayon," walang tinginan nitong litanya na siyang nakapagpatahimik nang tuluyan sa katabi at tahimik na kinimkim ang kilig na nararamdaman.
Sa kabilang banda naman ay tahimik na sinundan ni Yohan ng tingin ang papalabas na si Mills habang kasabay nito ang iilan nilang mga kaklase. Sa isip niya ay susundan niya na lamang ito sa library mamaya, nakagawian niya na rin kasi niyang ihatid-sundo ang kaibigan sa kanila magmula pa rati kaya nadala niya na ito kahit pa ngayon.
"Himala, 'di ka yata bumuntot kay Mills ngayon, Yo? Parang dati lang ayaw mo pang may ibang lalaki na lalapit diyan sa kaibigan mo tapos ngayon hinayaan mo lang kay Ledger?" pang-aasar ni Cody habang kinokopya ang notes ni Ledger na hiningi niya pa kanina sa kaibigan.
"Kalalaki mong tao tapos ang issue mo. Tigil-tigilan mo nga ako, Cody," natatawang sagot ni Yohan bago umiling.
"Huwag ka na ngang mahiya, Yo. Ngayon ka pa ba tatanggi? E halos araw-araw mo ngang kasama 'yang si Mills," dagdag pa nito pero hindi na lamang pa sumagot ang kausap. Alam naman niya na magkaibigan lang talaga sila ni Mills kaya hindi rin siya nagpapadala sa mga makahulugang pang-aasar na ginagawad sa kanila ng mga kaklase.
"Nak?" Kaagad na natigil sila Yohan at Cody sa kanilang ginagawa at magkasabay na nag-angat ng tingin. Saktong pagdapo ng kanilang mata sa gawing pinto ay doon nila nakita si Ms. Garcia na papalapit sa pwesto nila. Agad naman na tumayo si Yohan para salubungin ang guro na halatang balisa.
"Hindi ba't ikaw ang huling pumasok sa opisina ni Mr. Winston?" tanong nito na siyang mabilisan niyang tinugunan ng tango.
"May problema po ba?" hindi mapigilang tanong ni Yohan na ngayon ay hindi inaalis ang tingin sa guro na kakikitaan talaga ng labis na pagtataka.
"Hindi pa rin ba bumabalik sa room si Chloe?" nag-aalala nitong tanong nang hindi niya pa rin mahagilap ang naturang estudyante. Matapos niyang mabisita ang Aries dito kanina ay agad na niyang tinungo ang clinic at nagbabakasakali na baka nandoon ang dalaga, pero bigo siyang makita iyon doon.
Umiling na lamang bilang tugon ang binata lalo na at hindi niya talaga ito napansin na bumalik sa loob magmula no'ng umalis ito rito kanina. Ilang oras na rin ang nakalipas ngunit wala pa rin silang kahit anong naririnig mula sa naturang kaklase.
"Hindi mo rin ba naabutan si Chloe sa loob ng Science Lab?"
"Si Sir Winston lang po talaga ang naabutan ko sa lab kanina," magalang niyang sagot. Bigong ngumiti ang maestra sa kaniya bago siya nito tinapik sa balikat.
"Balitaan mo'ko kaagad kapag bumalik na siya rito sa classroom. Okay?"
"Yes, Ma'am." Tinapik muna siya ng maestra bago ito nagpaalam na lumabas ulit. Saktong paglabas ng guro sa silid ay doon na nag-umpisang umugong ang usap-usapan sa loob.
"Kanina pa di'ba lumabas si Chloe, Yo?" salubong ni Cody kay Yohan.
"Oo, kanina pa siyang lunch break wala. Mag-uuwian na nga oh pero hindi pa rin siya bumabalik dito. Iyong mga gamit niya nasa mesa niya pa rin," sagot ng kaibigan saka binalingan ng tingin ang upuan ng kaklase na nasa pinakalikod ng row nila.
"Hindi ko rin masisisi si Chloe kung ayaw niya na ring bumalik dito. Kung ako siguro iyong nasa pwesto niya baka nagbigti na nga ako," singit ni Ryder na ngayon ay nakaupo sa mesa.
"Hindi kaya nasabit ulit iyon sa grupo nila Quincy?" teorya ni Cody na siyang agaran namang nilingon ni Yohan.
"Imposible iyon. Wala si Quincy ngayon tsaka kung may kumosyon ngang nangyari, wala sana si Shilloh dito sa loob," sagot ng binata bago nilingon ang pwesto ng dalaga na abala sa pagseselfie.
Kaniya-kaniya silang naghayag ng komento patungkol kay Chloe ngunit mas umaangat nga lang ang negatibong opinyon ng mga nandito. Isang bagay na siyang nagtulak kay Wren para muling isuot ang kaniyang headphone.
Hindi niya rin maiwasang mapangiti nang mapait. Saksi siya kung paano sila pinakisamahan ng kaklase, lahat ng mga kabaitang ipinamalas ni Chloe ay hindi niya magawang makalimutan. Subalit hindi niya lang lubos akalain na miski ang mga taong minsan na rin nitong itinuring na kakampi, ngayon ay unti-unti na itong tinatalikuran.
Gumuhit ang mapaklang ngiti sa kaniyang labi saka siya wala sa wisyong nag-iwas ng tingin.
"This is one of the reason why I prefer to be alone and chose not to stay inside a circle of pips. How funny when they treat you like a gold when they need something from you and then act like you're a piece of trash if they're done using you." Mahina niyang sambit sa kaniyang sarili.
***
"Ikaw na nga lang gumawa, Ledger. Lahat na lang ng suggestion ko kinokontra mong bwisit ka," naaasar na sambit ni Earlyseven na siyang mahinang ikinatawa ng katabi. Kagaya nga ng kanilang napag-usapan kanina ay tinungo nila ang library para umpisahang gawin ang proyektong inatas sa kanila.
Sandaling katahimikan ang nanaig sa kanilang apat hanggang sa magpasya si Mills na basagin iyon.
"Hindi ba kayo nagtataka?" biglaang tanong ng dalaga na siyang nakakuha sa atensyon ng tatlo.
"Nagtataka sa alin?" usal ni Elsie habang abala ang kamay sa pagsusulat.
"Kay Chloe..." mabilisan niyang dugtong bago walang kainte-interes na binuklat ang bawat pahina ng hawak na libro. "Kanina pa kaya siya wala oh. Hindi ba kayo nacu-curious man lang kung nasa'n siya? Malapit na kaya iyong uwian tapos hindi pa rin siya nakakabalik."
"Actually, I saw her earlier sa labas ng Science Lab but..." saglit na huminto si Ledger para pinitik-pitik ang hawak na ballpen, "I don't really have any single idea kung ano iyong balak niyang gawin doon." Dumapo naman kaagad ang tingin ni Mills sa kaharap na si Earlyseven na halatang may naiisip na hindi maganda.
"Problema mo, Seven?" nagtatakang tanong ni Elsie nang tuluyan na niyang mapansin ang kakaibang timpla sa ekspresyon ng mukha nito.
"Hindi niyo ba narinig iyong chimis?" pang-iintriga nito na siyang nakapagpa-ismid kay Mills.
"Kung galing lang din naman kay Shilloh 'yang chismis na 'yan. Huwag mo na lang ituloy," madalian nitong putol bago inabala ang sarili sa paglilipat-lipat ng pahina.
"Hindi naman 'to galing kay Shilloh eh. Laman kaya 'to ng Facebook ngayon."
"Ah! So you mean those teenagers na fino-force ng mga bandits na sumakay sa puting van?" madaliang tanong ni Elsie na mahahalatang alam-alam ang kasalukuyang kaganapan ng bansa. "Sobrang scary kaya no'ng news na iyon, nakakawalang gana na nga minsan mag-online sa Facebook eh kasi lagi ko na lang nababasa iyon. Parang araw-araw na lang may nababalitang nawawala. Nakakaparanoid tuloy siya, promise."
"Hindi naman siya masyadong alarming di'ba? Safe kaya tayo rito sa San Juanico," sagot ni Mills.
"Kahit na, safety is a must ika nga," tugon ni Elsie. "Pero pansin ko lang ha, kadalasan talagang kinukuha nila iyong mga magaganda."
"Well at least, you don't have to worry about being kidnap," madaliang sabat ni Ledger na siyang naging rason kung bakit mabilis na nailipat ng dalaga ang tingin sa binata.
"So sinasabi mo bang panget ako?" maktol niya pero nagkibit-balikat lang ang kausap.
"Sa'yo na mismo nanggaling 'yan," sagot nito nang hindi man lang siya binabalingan ng tingin.
"Punyeta ka, Ledger. Kapag talaga nagkita ulit kami ni Willow, sisiraan talaga kita sa kaniya," asar niyang sambit dahilan kung bakit tahimik na naghagikhikan ang mga kasama.
"Ano bang pinupunto mo, Seven? Ibig mo bang sabihin na nakidnapped nga si Chloe kaya hanggang ngayon ay 'di pa rin siya bumabalik?" nakakunot-noong tanong ni Mills. Akmang sasan-ayon na sana ang kausap pero nahinto lang iyon nang magsalita si Ledger.
"Imposible iyon. Hindi naman tayo pwedeng lumabas sa Juanico High during class hours at kahit pa lunch break. Ni ayaw nga tayong payagan na lumabas ng campus kahit pa may susundo sa atin diyan sa labas. Pinapaantay pa tayo hanggang uwian bago pa nila bubuksan iyong gate. Kaya I doubt your idea, Agapito," paliwanag ni Ledger saka binigay kay Elsie ang kaniyang hawak na notebook.
"Tignan niyo oh, kinokontra niya na naman ako. Grabe, pinanganak ka lang ba talaga sa Earth para maging basher ko ha, Ledger?" naaasar ulit na tanong ng kaibigan pero nagkibit-balikat lang ang kausap bilang tugon.
"Okay done! Ako na lang ang bahalang mag-glue nito sa bahay. Sigurado akong tayo ang mauunang makakapagpasa nito bukas," suhestiyon ni Elsie na siyang agaran din nilang sinang-ayunan. Magkasabay silang nagligpit ng kaniya-kaniya nilang gamit at maingat na inayos ang mga kinuha nilang libro nang sagayon ay hindi sila masinghalan ng librarian.
"Naks. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakatanggap ng plus points," wala sa wisyong usal ni Mills.
"Paano kasi, eh nasa kabilang kanto lang bahay niyo tapos kayo pa ni Yohan pinakahuling darating sa room," komento ni Earlyseven na kababakasan nang matinding pang-aasar.
"Kasalanan ng kaibigan mong nagmamagaling kung bakit lagi akong nakakatanggap ng demerits," napapailing na sagot ng dalaga at doon mahigpit na hinawakan ang strap ng bag niya. Akmang aasarin na sana siya ni Elsie pero mabilis niya itong nilingon at mapagbantang tinignan.
"Ghe. Subukan mong ituloy, wasak inhaler mo."
"Ang sama! Ano bang meron sa inhaler ko bakit niyo pinag-iinitan? Kanina pa kayo ni Willow ah," maktol ng dalaga na nginisihan lamang ng kaibigan.
"Sakto, nandito na siya. Dito, Yohan! Dito!" Agad na kumaway si Earlyseven nang mahagilap nito si Yohan kasama si Cody at Ryder. Nakalabas na rin kasi sila ng library at hindi rin naman gaano kalayo ang aklatan nila mula sa kanilang room kahit pa nakabukod ang building nito.
Saktong paglingon ng mga kaklase sa gawi nila ay doon na itinaas ni Cody ang hawak niyang notebook na pagmamay-ari ni Ledger bago sumenyas na tapos na siya.
"Sabay na tayong umuwi, Yo!" salubong ni Earlyseven sa binata saka niya ito dagliang inakbayan. Nagawi naman kaagad ang mata ni Yohan kay Mills na ngayon abala na sa pakikipag-usap kay Elsie at Ledger.
"Ibabagsak ko talaga Math ko kapag mas pinili niyang makisabay sa atin kaysa sa ihatid si Mills," kibit balikat na sambit ni Cody. Nakakaloko namang ngumisi si Yohan dito bago sumenyas kay Mills na napatingin naman din kaagad sa gawi niya.
Kasama na ng dalaga ang kapatid nito na nakasuot pa ng jersey. Halos maligo na sa pawis ang Kuya ng kaibigan at mahahalatang galing pa ito sa practice. Nang magtama ang kanilang mata ay agarang sumenyas ang lalaki na sasabayan na niya ang nakababatang kapatid pauwi. Isang bagay na siyang nagpaguhit ng mapaglarong ngisi sa labi ni Yohan at doon niya na nga ibinalik ang tingin sa nag-aantay na si Cody.
"Ulol, bagsak ka naman talaga."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top