Chapter 7:Free Hugs
Chapter 7:Free Hugs
Yuwy's Pov
Nakakapagod pumasok!Jusme!Ikalawang araw pa lang ng pasukan pero tinatamad na ako. Tch!Bakit ba kasi kailangan pang mag-aral?Eisssh!
Ang lamig pa naman ng panahon ngayon,feeling ko uulan ngayon. Naks!Sumasabay na pala ang panahon sa agos ng buhay ko?Haha!
"Rain rain go away,come again another day...little Rachel wants to play,rain rain go away~~"kanta ni Raine. Wag kang kumanta,lalakas yung ulan,baka maging bagyo.
"Nabobored ako,wala pa bang teacher?Anong oras na oh!"sigaw ng isa naming kaklase dahilan para simulan ng mga bulungan.
"Wala bang klase?"
"Nagsasayang lang tayo ng oras dito kakahintay,"
"Uuwi nalang siguro ako!"
"Matutulog ako,gisingin mo ako kapag hindi talaga dumating ang teacher,"
Hayss...I feel you so much guys!Second day na second day,walang teacher!Tatamarin talaga ang mga students na pumasok dahil maiimpluwensiyahan sila sa mga guro nila.
Alam ba nilang sila ang ginagaya ng mga students kasi sila yung nagtuturo sa amin,sila yung mga nagtuturo sa atin na pinakikinggan natin at kung ano yung tinuturo at ginagawa nila,ay yun ang susundin natin.........pero syempre,dahil malaki na kami at may utak na naman kami,hindi na kami ganun....mga bata lang ang ganun,more like kindergartens.
*Plok!*
Aray! Buset!
Kumunot yung noo ko at tumingin papel na tumama sa likuran ng ulo ko. Siraulo talaga yung lalaking yun!Akala niya siguro hindi ko siya mahuhuli. Tch!
Tangengot!Kung siguro si Raine na ang pinaka-tanga sa mundo,mas pa siya!Well,siya lang naman yung nasa likuran ko kaya there's a big possibility na ang buset nayun ang may pakana neto!
Nilingon ko siya at sakto naman talagang nakatingin na siya sa akin ng nakangiti pa!Anak ng,proud na siya niyan?Putek,pag ako talaga napuno...tatanggalin ko na talaga yung bibig niya.
"Bakit mo binato yun?"seryosong tanong ko. Mas lumapad yung ngiti niya dahilan para mas mainis ako sa putaenang mukha niya. Buset na buset na ako dito sa kinauupan ko.
"Buksan mo ang papel,"pabalik niyang sabi. Huh?Kumunot yung noo ko at patanong na tumingin sa kanya,pero sumenyas lang siya na buksan ko yung papel.
Kinuha ko yung papel at sinuri suri pa ito. Ano nanaman kaya ang kagaguhang ginawa nun. Mukha namang maayos,kaya binuksan ko ito.
Nilalamig ka?Free hugs;*
Ay putakte!Free hugs?!Ako ba ginagago ng gagong yun?Tinupi ko ulit yung papel at itinago nalang sa bulsa ko.
Nilingon ko nanaman siya at tiningnan siya ng masama. Tatanda talaga ako ng maaga nito,parati nalang sumasama ang timpla ng mukha ko dahil sa bwiset na taong toh!
"Anong free hugs?Ano ka sinusuwerte?Nakuha mo na nga yung first kiss ko tapos ihuhug pa kita,ha!Yakapin mo sarili mo!"inis na sabi ko sa kanya. Nagpout lang siya. Pout ng pout eh mukha namang asong nauulol.
Inirapan ko lang siya at umayos na ng upo. Ayokong kaharap yun,nababanas ako!Lechugas na tao.
"Eeiihhh...Ano yub beh?Ha?Ano yun beh?Yieee,"pang-aasar ni Hailey na sinabayan naman ng dalawang gaga. Parang mga tanga,may pa hampas hampas pa sa braso,eh ikaw kaya hampasin ko sa mukha?!Aish!
Sinabayan pa talaga ng parang nakukuryente o siguro ay nasapian ng bulateng nagagago. Tch!Landede ng mga toh,hulog ko kayo sa kanal eh.
Savier's Pov
Hahahaha!Nakakatuwa talaga yung pagmumukha niya kapag naiinis. Ang cute niya talaga,tama talaga ang napili ko. Wise choice.
"Oh?Nayuyuni ka na pre?Ngumingiti ka ng mag-isa eh,ano nakain mo kaninang umaga huh?"tanong ni Lance. Tiningnan ko siya ng masama. Epal.
Sarap batukan eh,ako ba inaasar ng taong toh?Sabihin niyong oo,hahampasin ko to ng dos por dos.
"Mukha ba akong nababaliw sayo pre?Sa mukha kong toh?Ako parang nababaliw?Tss...I'm too handsome pre,"proud na sabi ko sa kanya sabay himas sa pagmumukha kong makinis.
"Ang gwapo mo nga pre,pero sayang...bakla lang naatract sayo,wahahahahaha!!!Putek!"tawa niya pa. Abay gagong tao to ah!Tch.
Ang dami kayang babae ang nagkakandarapa sa akin duon sa dating school,pati nga teachers eh,gwapong gwapo sa akin. Malaki talaga ang papasalamat ko sa magulang ko at ipinanganak akong ganto ang mukha. Ang gwapo ko.
"Nyahahahahahaha!!!!"tawa niya pa. Anong nakakatawa dun?Peste. Mawalan ka sana ng hininga diyan!Kung magkatotoo man...edi congrats.
"Gahahahahahahahahahahaha!!!Putek!Ang sakit ng tiyan ko--hahahahahahahhaha!!!!Tangna mo pre!"aba't!Gusto talaga ng isang to masapak eh no?Haist!
"Hoy!Tumahimik ka nga,para kang nuulol diyan,"inis na sabi nung kaibigan ni Yuwy bago humarap na sa harapan.
Napatingin ako kay Lance na ngayon ay sobrang tahimik na at nakatingin parin sa harapan niya habang nakangiti. Tsk!Nakahanap rin ng katakutan. Pero wait...nakatingin,nakangiti-----0,0?!
Pero wag!Baka mali nanaman ang naiisip ko. Baka naman iba yung tinitignan niya,bukod naman dun sa kaibigan ni Yuwy,may nakaupo parin naman sa harap.......pero....aish!Di na nga ako makekealam!
"Pre,may ballpen ka ba diyan?"tanong ni Kyle sa akin. Ito rin!May pambayad ng tuition para makapag-aral pero walang pambili ng ballpen!
"Manghihiram ka nanaman ng ballpen tapos pag makalimutan ko,hindi mo na isasauli,bumili ka ng iyo,eto oh!"sabi ko sa kanya sabay abot ng sampung piso. Napakamot siya sa sarili niyang ulo at tinanggap yung sampung piso.
Tch!Ako etong kawawa,kung kelan wala na akong ballpen kelan naman kailangan masyado,tapos kung manghihiram ako sa mga gago kong kaibigan,sasabihin nilang isa lang dala nila!Buti nalang talaga at may babaeng crush na crush ako noon sa school,at palagi akong pinapahiram ng ballpen.
Alam ko namang nagpapansin lang yun sa akin,but I find her not attractive at all. Hindi siya fit na fit sa ideal type ko,she is chubby,hindi naman sa ayaw ko sa mga chubby...I find them cute nga eh,pero palagi nalang pagpapaganda alam niya kahit sobrang baba na ng grades niya. Tapos sobrang clingy niya,pag dumadaan ako humahawak siya sa braso ko feeling girlfriend!Ergh!
Ilang sandali lang ay bigla nalang pumasok si Sir Perez. Sobrang hagard ng pagmumukha niya,but he manage to stay in his usual self.
"Good morning class,sorry for being late,something came up that we all staffs should attend,sorry class...so now let's start discussing,"aniya. Gaya nga ng sinabi niya,nagsimula na siyang mag discuss,habang kami naiinip habang nakikinig sa mga tinuturo niya.
To be continued...
***
Chapter 7:Free Hugs✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top