Chapter 5:A Simple Thank You

Chapter 5:A simple thank you

Yuwy's Pov

"Okay ka na,pero kailangan mo muna magpahinga,mahina pa masyado yung resistensiya mo at kailangan mo kumain ng marami at uminom ng maraming tubig,yun lang...mauna na ako,"ani nung nurse at umalis.

Napatingin ako kay Savier,hindi muna hayup ang itatawag ko sa kanya...may utang na loob pa ako dito sa taong to eh.

Ang sama ko naman kung susungitan ko pa siya,pagkatapos nung ginawa niyang pagtulong sa akin...pero ngayon lang naman toh,promise ko,bukas lintik na sa akin ang taong toh.

"S-Savier..."tawag ko pa. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Hingang malalim Yuwy.

Wag ka munang pumutok ngayon,kahit ngayong araw lang. Ngayon lang talaga!Kailangan mo muna pigilan ang sarili mo.

"A-ano...uhmm...ermm...T-thank you,thank you sa pagtulong sa akin,don't worry,pag kailangan mo ng tulong...tutulungan rin kita"sabi ko. Ngumiti lang siya ulit at ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inexpect...ang pag gulo niya sa buhok ko.

Auhhh...

"Hindi mo na kailangang gawin yun,just a simple thank you would do,tsaka it's part of my----I mean...okay na yung thank you,"sabi niya. Kumunot yung noo ko.

Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi,may tinatago ba toh?Tch!Ano bang pake ko?I have no right to intrude on his own privacy.

Tinanggal ko yung kamay niya sa ulo ko,but unexpectedly,something weird happen when my hand touches his.

Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam,something like an electricity going through my whole body. I never felt this feeling even before.

What is that feeling?

"Ehem...baka pwede mo ng bitawan yung kamay ko,"he said as I return back to reality. Agad kong binitawan yung kamay niya and acted like nothing has happened.

"S-sorry..."

Huminga ako ng malalim bago ko itinuloy yung sasabihin ko.

"....and thanks,"dagdag ko at ngumiti ng bahagya. Ngumiti lang siya pabalik at after nun ay wala ng umimik sa aming dalawa.

......kulang nalang siguro lagyan na ng cricket sound yung background para madagdagan yung kaawkwardan naming dalawa.

Kasi sa totoo....sobrang awkward na ng paligid. Para narin akong mabibingi sa katahimikan na namamayani dito sa loob,hanggang sa pumasok yung nurse at sinabing pwede na kaming bumalik dahil lunch time na raw.

Naglalakad na kaming dalawa ngayon papuntang canteen. For sure naman kasi,nandun na yung mga tropa niya at yung mga bruhilda kong mga kaibigan. Ni hindi man lang ako dinalaw dun sa clinic.

".......a-auhhh....thank you ulit,"sabi ko.

"Hays...your welcome...siguro after ng mga ilang minuto,magthathank you ka nanaman...hahahaha,"napatulala ako ng  nagchuckle siya. Hindi naman sa first time kong makakita ng may nagchuckle,it's just......basta,hindi ko maexplain.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Duhh...lubos lubusin mo na ngayon dahil bukas na bukas rin,babalik na ako sa dati...susungitan nanaman kita,"sabi ko pa at inirapan siya. Umiling lang siya at ngumiti nanaman ulit.

"Okay...tutal nandito narin naman tayong dalawa sa canteen..sabay nalang tayong kumain,kasama yung mga kaibigan mo...payback narin,"aniya. Napatingin ako sa kanya,tsaka siya inirapan.

Kani-kanina lang sabi niya,kahit simpleng thank you lang okay na pero ngayon nanghihingi ng pamalit. Di ko na talaga maintindihan ang mga tao ngayon.

Napailing nalang ako,wala narin naman akong choice kundi ang pumayag nalang din.

"O-okay,hahanapin ko lang sila at mag-oorder nalang din para deretso na---hindi...wag na kayong mag-order,ililibre nalang kayo ni Kyle,tutal marami namang pera yun,"putol niya sa sinasabi ko. Tumango lang ako at nagsimula na silang hanapin.

Savier's Pov

"Ano?!....eh,hindi naman ako pumayag ah!"mahinang sigaw ni Kyle. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Pumayag ka na kasi,ngayon lang naman toh eh...atsaka marami ka namang pera,"pagpipilit ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero pumayag rin naman sa huli.

Tingnan mo tong taong toh,ang oa oa...eh papayag rin naman sa huli. Tch!Pinahirapan niya lang ko.

Ilang sandali lang ay dumating na sina Yuwy.

"Oh,ano order niyo?"walang ganang sabi ni Kyle. Napatingin ako sa kanya tsaka siya sinamaan ng tingin.

Gago.

"Oi himala!Pero sige lubusin na natin,auhhh...Kyle,ang order ko ayyyy...ano bang masarap?Ummmmm.....aahhhhh....eeehh...ermmm....chicken salad at orange juice!"biglang saad ni Haides dahilan para makatanggap siya ng dalawang batok mula sa akin at kay Kyle.

Yan kasi....wag pasobra. Kapal ng mukha,para lang yun sa mga babae eh!Sinamaan niya kami ng tingin pareho pero inirapan lang namin siya.

"If you want to eat,buy your own...this is for the girls,"salita ni Kyle. Nagpout lang siya. -____-

Tanggalin ko nguso mo eh.

Yuwy's Pov

"Kyle...thank you pala si treat mo,"saad ni Rachel. Napairap nalang ako ng palihim habang kumakain parin. Dumadamoves na eh.

Pasimple rin tong bruhang toh,pacute ng cute eh hindi naman cute,mabulunan ka sana. Nakakadirdir.

"Aaahhh...okay lang,no need to thank me,just enjoy the food,"sabi ni Kyle. Eto namang katabi ko,kala mo kung naano na,parang pinasukan ng bulate.

Tch!Lumalande habang nasa hapagkainan,makukutusan ko talaga toh mamaya. Umaandar nanaman tong side niya.

"Eerrmm...hindi sa masasamain,pero sino ba ang nag-invite sa inyong kumain kasama kami?"tanong nung Lance. Halos masamid si Savier sa kinauupan niya kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Okay lang ako....u-uhmm,tuloy lang kayo sa pagkain,okay lang talaga ako..promise,hays,"aniya. Akala ko na kung ano,tch!

"Bakit,ayaw mo ba kaming makasamang kumain?Ayaw mo ba sa amin?Nandidiri ka ba sa amin?Huh?May crush ka ba sa amin?Ayaw mo ba sa akin?Gusto mo bang ibang babae ang kasama---Aray!"sinamaan ako ng tingin ni Hailey. Pinektusan ko kasi eh. Kung makatanong naman,hindi naman kasi siya si kuya boy ano.

Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing 'Tumigil ka nga diyan' -look. Pero ang ginawa lang ng bruha ay irapan ako.

Aba!Punyetang toh,baka gusto niya ng isa pa. Aish! Nginitian ko nalang yung kaibigan ni Savier. Putspa,napahiya kami dun. Eto kasing babaeng toh,walang preno sa pananalita.

"A-ahh...okay,mukhang hindi na nagkakaayusan itong kaininan natin,baka naman may gustong mag open ng topic para naman maging masaya,"saad ni Raine. Walang umimik sa amin nung una,pero agad namang nagsalita si Haides ata yun.

"Uhmm...magjojoke nalang ako...geh,anong hayop ang nagpapasaya ng tao??"tanong niya. Kumunot yung noo ko while yung iba halatang nag-iisip.

"Hindi niyo alam?...ako nalang,edi...clown fish!Nyahahahahahahah!!!!Waahahahahaha ang saya!!!"sambit niya. Okay .....medyo hindi ko gets....well,hindi ko talaga gets.

Nakita kong agad napaface-palm si Savier at yung mga kaibigan niya,while yung mga kaibigan ko parang nawalan ng gana.

Taena naman kasing joke yun eh. Sino ba naman kasi ang nakaisip ng ganung joke,bubugbugin ko!Tch!

Tawa parin ng tawa yung si Haides. Yan,siya lang masaya...aakalain mo nga na siya ay isang taong nakatakas sa mental hospital. Kung close lang talaga siguro kami ng lalakeng toh,malamang sa malamang..bugbog sarado na ang isang to sa akin.

Punyemas.

To be continued...
***
Chapter 5:A Simple Thank You✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top