Chapter 36

Chapter 36

Savier's Pov

Kaaalis lang ni Ms.Smith, yung principal namin at pati narin ni mama at papa, pati rin pala si Haides, bibisitahin niya raw yung dalawa at sina mama naman kailangan raw nilang umuwi dahil may trabaho pa sila at si ate ang iniwan nila para magbantay sa akin.

"Mabuti naman at maeexpell yung mga gagong yun! Kung ako yung principal niyo, ha! Nako, baka mas malala pa punishment ko para sa kanila!"singhal ni ate habang paikot ikot ng lakad sa bawat sulok ng kwarto.

"Tch!Mangarap ka, hinding hindi ka magiging principal! Malabong mangyari yun, sa ugaling mong yan? Kahit guro walang magtatagal sayo,"sabi ko sa kanya dahilan para matigilan siya.

Tiningnan niya ako ng masama bago naupo. Sinuklay niya pa buhok niya gamit ang kamay niya.

"Utak mo may mais!Sinabi ko bang magpiprincipal ako?Ang sabi ko, kung ako yung prinicipal niyo, KUNG!"malakas niyang sabi. Napangiwi nalang ako.

Nasa iisang kwarto lang kami, pero kung makasigaw siya..wagas!

"Bunganga mo may mic!Ilang speaker linunok mo ate?"sarkastikong tanong ko sa kanya. Pinandilatan niya ako ng mata.

"Neknek mo!"pagkatapos niyang sabihin yun binelatan niya ako.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Kung maka-asta, parang bata! Minsan napapaisip ako, kung sino ba talaga sa aming dalawa ang mas nakakatanda.

"Anyways,iiwan kitang mag-isa dito later,may pupuntahan lang ako,"mataray niyang sabi. Kumunot yung noo ko.

Sino naman kaya?

"Saan?Magtatagal ka ba?"tanong ko. Tinaas niya ang kilay niya habang nakaharap sa akin.

"Don't tell me,takot kang maiwan?"natatawa pero may halong gulat sa boses na tanong niya.

"Don't you dare laugh at me! Atsaka hoy! Ako?Takot?Hindi no!"pagtanggi ko. Tinawanan niya lang ako kaya nainis ako at dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Napa-english tuloy ako ro'n. Nakakainis naman kasi! Yung way ng pagtawa niya nakakainis! Sarap niyang sakalin! Kung hindi ko lang talaga siya ate, nako baka matagal ko na siyang sinakal!

"Okay fine..continue denying brother,magaling ka namang magdeny pero ang kaso, hindi mo ako mapapaniwala,lol,I know you better than you know yourself,heh!"mayabang aniya. Inikutan ko lang siya ng mata.

Maypa- I know I know pang nalalaman!

Hindi ko na siya kinausap at nahiga nalang sa hospital bed, kahit na masikip at hindi gaanong malambot.

Tinalikuran ko si ate at nag-isip isip nalang ng kung ano.

Yung nangyari kanina sa school, hindi ko inaasahan yun..pero ang hindi ko inaasahan ay kung paano tingnan ni Lance si Yuwy kanina habang nakikipagsagutan sa ibang babae.

Parang may kakaiba sa tingin niya eh. Hindi ko alam at ayokong alamin. Iba ang pakiramdam ko.

T____T

Sana naman hindi!

Pero teka...yung babaeng nakita namin sa Jollibee. Nakakapagtaka! Kung nagmeeting ang mga teachers tapos yung Gwyneth ay nagtake ng special quiz or something sa guidance..paanong...sino ang kasama niya? At bakita ang tagal niya naman atang natapos? Saan naman siya nung mga oras na yun?

Eh ano namang pakealam mo sa kanya? Ba't ang layo layo ng narating ng pag-iisip mong yan?

Nakakapagtaka lang naman kasi.

Bigla biglang lumilitaw...pagkatapos ay bigla biglang nawawala...hindi kaya..................MULTO SIYA?!

Gumagawa ka pa ngayon ng walang kakwenta-kwentang konklusyon, ha Habier?

Nagtataka lang nga kasi ako! May iba akong nararamdaman sa kanya eh..parang may mali?

Guni guni mo lang yan...yang nararamdaman mo ay mali talaga! Dahil simula't simula ay mali na!

Ewan ko sayo.

"Sav,ano ng nararamdaman mo?"maya't mayang tanong ni ate.

"W-wala na,pero hindi ako komportable sa benda na nasa ulo ko,"pagrereklamo ko ng hindi nililingon si ate.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at pati na rin yung pag lagay niya ng kamay niya sa ulo ko.

Wala naman akong lagnat pero bakit niya ako ginaganyan? Anong drama niya?

"Makapal ang pagkakalagay ng benda kaya hindi ka komportable,"sabi niya. Hindi ko siya sinagot.

"Okay ka na naman..pero yung sugat sa ulo mo ay presko pa so for sure, hindi ka pa makakuwi bukas pero siguro bukas makalawa ay pwede ka ng umuwi,"dagdag niya pa. Napanguso ako.

Bukas makalawa pa ako makakauwi? Ang tagal naman ata nun? Gaano ba kasi kalala ang sugat kong to? Nakakabagot pa naman magtagal rito.

-_____-

"Its better if you'll take a rest muna, tapos ako naman, aalis muna but I promise na hindi ako magtatagal,"sabi niya na naman. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hudyat na nakalabas na si ate.

Hayss...ano namang gagawin ko rito? Ngayong ako nalang mag-isa? Tatawag nalang ba ako ng multo para may makausap? Naman oh...wala akong magawa!

Hayyssssss!

Pinikit ko nalang ang mata ko, nagbabakasakaling makatulog ako pero bigo ako. Kahit ipikit ko pa ng isang daang beses ang mata ko ay hindi talaga ako makaramdam ng antok.

Kainis naman!

>_____<

T___T

Maya maya lang ay nakarinig ako ng katok. Nung una ay hindi ko yun pinansin dahil baka namali lang..pero maya maya rin ay bigla nalang nagsunod sunod ang mga katok at palakas ito ng palakas!

Kulang nalang ay sirain niya na ang pinto o kung sino man yung nasa labas!

Unti unting tumindig ang mga balahibo ko kaya agad agad kong tinakpan ng kumot yung buo kong katawan.

Alam ko namang tanga ako dahil makikita parin ako, pero ayoko siyang makita..yung taong kumakatok! Baka kasi mumu!

Syeettt!!

*TOK TOK TOK TOK!*

Tangina!

Lumihis ka na! Wag ako please! Wag ako! Huhuhuhu! Buseeetttt! Bakit ako?!! Grr...Waaaahh!! Huhuhuhu!!!

>____<

*TOK TOK TOK!*

Lubayan mo na ako! Putangina!

*TOK TOK TOK!*

WAAAHHH!! AYOKO NA!

*KREEEEK..*

0_________________0

.___________________.

MAMATAY NA AKO!!! MAMA!!!!! GAGO!!!! AYOKO NAAA!!N TULOONNGGG!!!

Nanginginig ako ngayon habang nakahiga sa kama at kahit na sobrang lamig ng aircon ay hindi ko naiwasang pagpawisan.

Tagaktak na lahat ng pawis ko sa mukha! Para na nga akong naliligo dito sa sarili kong pawis eh!

T-tsaka...naiihi ako.

Punyeta!

NAIIHI TALAGA AKO!

Naririnig ko na yung mga yabag ng paa niya --- hindi --- nila! Oo! Nila!

Gago..bakit? Bakit ako?

Napapikit ako habang nanginginig parin sa takot.

Nararamdaman ko na yung presensya nila sa likuran ko! Nakooo!!!

>______<

Maya maya lang ay naramdaman kong unti unting umaangat yung kumot ko.

HALA GAGO!

T_______T

*BULAAAGGAAAAA!!!*

WAAAHHHHHHHH!!!

"MAMAAAAAAAA!!! MAY MULTOOOOO!!!! GAGO!!!!!!!! GAGOOOOO!!!!!TULONGGG!!!!"para akong baliw na tanga..o kung ano man ang dapat itawag dun kakasigaw rito!

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! LAPTRIP! KUNAN MO NG PICTURE PRE! HAHAHAHA!!"

Gulat akong napalingon sa gilid kong saan tawa ng tawa yung mga kaibigan kong gago kasama yung nurse nila.

•________________•

T-tekaa...wala bang multo? Walang multo?! HAAHAHAHAHAHA!! WALANG MULTOOO!!!

"Gago pre ang bakla bakla mong tingnan! Tsaka---WAHAHAHAHAHAHAHAH!! TINGNAN MO NGA YANG PANTALON MO! BASANG BASA! NYETA! HAHAHAHAHA!!"malakas na tawa ni Haides.

Nangunot yung noo ko habang hinay hinay na tumingin sa pantalon ko.

0__0

AY-- KINGINA!

Kahiyaaaa!!!

SHETE!!!

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"tawa na naman nila. Tangina niyo.

Inis ko silang tiningnan habang tinatakpan ko yung sarili ko sa kumot ko.

Basang basa! Jusmiyo!

"Magsilayas nga kayo rito! Ano bang ginagawa niyo rito?! Akala ko ba malala kalagayan niyo? Edi diba dapat nagpapahinga kayo ngayon?! Lumayas na nga kayo!"dere-deretso kong sabi. Pero tinawanan lang nila ako kaya mas sinamaan ko sila ng tingin.

Kaasar!

"Tumahimik nga kayo! Kayo, nurse..p-pwede ba akong magpakuha ng bagong bed sheet atsaka bagong damit? Basang basa eh,"nahihiyang tugon ko. Tumango yung nurse na nagbabantay kay Kyle at agad na lumabas.

Yung tatlo ko namang kaibigan at pati yung isang nurse na naiwan ay lumapit sa akin.

"O? Bakit kayo nandito?"naiinis na tanong ko.

"Binisita ka lang namin pre!Baka kasi paglabas namin eh nilalamayan ka na! Hahaha!!!"tawa ni Kyle. Sinamaan ko siya ng tingin tsaka tumawa ng peke.

"Haha..nakakatawa yun?Ikaw kaya lamayan ko?Gusto mo?"sarkastikong tanong ko na tinawanan lang nila.

Mga gago.

Kinabahan pa ako ng masyado ron! Eh sila lang naman pala yun! Punyeta.

"Anyways, kamusta naman lagay niyong dalawa? Ikaw Kyle at Lance? Musta?"dagdag na tanong ko.

"Heto, papaoperahan yung nabali kong daliri bukas ng gabi, kinakabahan nga ako eh,"kwento pa ni Lance. Natahimik ako sandali at bigla bigla ko nalang naalala yung kanina.

Gusto ko siyang tanungin kung may ibig sabihin ba yung tingin niya kay Yuwy pero hindi ko nalang itinuloy, baka kasi nagkakamali lang ako..baka hindi kasi si Yuwy ang tinitingnan niya.

Affected ka?

Di ah!

Wehh?

Di nga!

You sure?

Sabing hindi eh! Bahala ka nga diyan!

Tch!

"M-mabuti naman kung ganon, ikaw naman Kyle?"tanong ko.

"Eto, same sayo..may benda rin sa ulo, kakagaling ko lang sa X-ray kanina at wala namang nakitang mali pero yung sugat ko, sobrang laki pre! Dito banda sa may kilay ko, ang laki!"hindi makapaniwalang ani niya. Hindi ko naiwasang mandiri ng mukha.

Eh pano ba naman kasi, naiimagine ko kung gano kalaki at kung anong itsura eh!

"Eh ikaw naman? Anyare?"biglaang tanong ni Lance. Hindi ko siya nasagot agad dahil bigla nalang kasi akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam...parang naiinis? Basta!

Hirap iexplain.

"H-heto rin...may sugat rin, nahampas ng gitara eh, kainis nga! Hindi ko nakita yung humampas pero ang mas nakakainis yung wala kang ginagawa pero bigla bigla ka nalang hinahampas! Sarap upakan kapag nagkataong makita ko yung taong yun!"nanggagalaiting sambit ko.

Tinawanan lang ako ni Haides dahil raw kakaiba ako magpaliwanag, may kasama raw kasing facial expression!

Sarap ngang batukan eh, kita namang seryoso akong nagpapaliwanag tapos tatawanan ka lang! Hay nako!

Lumipas ang oras at puro biruan at tawanan lang yung ginawa namin, dumating na rin yung bagong bed sheet at damit ko, kaya nakapagbihis na ako agad. Habang nag-uusap kami ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Lance.

Minsan ay naiilang akong kausapin siya sa hindi malamang dahilan, pero hindi ko ipinapahalata ang sarili ko dahil baka magtanong siya at hindi ako makasagot kasi nga naman..wala akong alam kung ba't ako nagkakaganito.

Lumipas na naman ang tatlong oras..umalis na ang mga gago kong friends at dumating na rin yung pagkain ko pero hindi pa rin dumarating si ate kaya hindi ko maiwasang magtaka.

Sa'n naman kaya yun nagpunta at sobrang tagal niyang bumalik?

Nauna pa ngang dumating yung mga painkillers ko tapos siya hindi pa, eh kanina pa siya umalis.

Madilim na rin yung labas, siguro mga nasa around 5 or 6 na.

Medyo nakakatakot na rin. Yung Tv naman ay ayokong buksan dahil baka mamaya lumabas yung white lady galing Japan tapos gapangin ako dito sa hinihigaan ko. Baka matuluyan na'ko.

Kelalake mong tao tapos takot ka sa multo? Nyeta brad.

Hindi naman lahat ng lalake eh hindi takot sa multo ah! May katatakutan rin sila no! At ang katakutan ko ay ahas, gagamba at lalong lalo na ang multo! Nakakatakot kaya mga mukha nila.

Mas nakakatakot kaya mukha mo sa kanila kaya mahiya ka, baka sila pa nga matakot sayo.

Letse.

Umalis ka nga! Kung saan ka man! Umalis ka! Badtrip ka naman eh!

Napabuntong hininga na lamang ako at nahiga nalang sa kama. Tutal, wala na rin naman akong magawa, iidlip nalang ako.

Pinikit ko na ang mga mata ko at agad na nakatulog.

-_____- zzZzzzzzzZzzzZZzz..

Yuwy's Pov

-,-

"Ano ba yan! Ba't di ko maintindihan?! Z yan or 2?! Grabe! Ampanget ng sulat kamay mo! AHAHAHAHAHAHA!!!"

>___<

Grabe! Kanina pa yan! Nakakarindi! Ang gusto ko ay matulog! Matulog! Pero paano ako makakatulog kung ang ingay ingay nitong bisita ni kuya?!

Tangina.

"Ikaw na nga etong tinutulungan ko! Panay reklamo ka pa! Nyeta mo!"sigaw ni kuya na salubong na salubong ang kilay habang nakatingin kay Ate Sab.

"Ano? Minumura mo ako? Aba't--"

*Pak!*

0__0

"ARAY! Ba't mo ako sinapak?! Alam mo bang masakit?!"inis na sabi ni kuya habang hawak hawak ang noo na sinapak ni ate Sab.

Oh diba? Makakatulog talaga ako sa sitwasyon naming to. Hayyss...pansinin niyo naman ako oh, gusto kong magpahinga ha? Letse.

Napabuntong hininga ako at tumagilid nalang ng higa para hindi ko na sila mapansin. Pero wrong move, dahil naipit ko yung left na kamay ko dahilan para sumakit ito.

Napaluha ako ng konti dahil mas sumakit pa ito ng pilit akong bumalik sa pwesto ko kanina. Yung sakit ay unti unting lumalala kaya yung luha ko ay dumami kumpara ng kanina.

Ng makabalik ako sa pwesto ko kanina ay mas sumakit lang ito lalo! Hindi ko maipaliwanag kung gaano siya sa kasakit! Para akong hinampas ng bakal ng paulit ulit!

"Aaaaaahhh!"sigaw ko ng mas lumala pa ang sakit kumpara nung kanina!

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sobrang sakit talaga ng kamay ko! Hindi ko na maramdaman ang sarili kong kamay! May narinig rin akong parang pumutok rito sa kamay ko. At ng dahil dun ay dumoble --- hindi trumiple ang sakit na nararamdaman ko!

"Are you okay Yuwy?!"nag-aalalang tanong ni Kuya na parang hindi alam ang gagawin, natataranta!

Punyetang tanong yan! Obvious na ngang hindi eh nagtatanong pa! Letse!

"SOBRAAAANGGGG SAKKKEEEEEETTTTT AAAAAHHHH!!!"

Para na akong baliw na nag-hihysteria dahil sa sakit ng kamay ko! Hindi ko makontrol ang sarili ko dahil sa sakit.

"I-I'll call the doctor! Babalik ako agad!"natataranta ring sabi ni ate Sab.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay dun ako napahiyaw sa sakit at dun rin ako napaiyak ng todo!

Nagpagulong gulong ako ulit ng maipit ko na naman ang kamay ko dahilan para sumakit ito ng todo! Kung kanina ay parang hinahampas lang ng bakal eh ngayon ay parang binabarena na!

"AAHHHHHH!! K-KUYA MASAKETT! HINDI KO NA KAYA! KUYAAAA!!!"umiiyak ng sigaw ko. Agad na tumalon si kuya sa kama para pakalmahin ako!

Pero walang epekto! Sumangit lang ito ng sumangit hanggang sa mamula na siya!

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!! ANG SAKIT SAKIT NA TALAGA!! PARA NA AKONG MAMAMATAY SA SAKITT!!"namamaos ng sigaw ko.

Inakap ako ni kuya para patigilin sa paggalaw galaw at para narin kumalma ako ng konti.

"Huminahon ka muna Yuwy, papunta na rito si Sabrina, so please calm down,"nanginginig na tugon ni kuya.

Napaiyak nalang ako ng todo pa sa todo dahil hindi ko maigalaw ang kamay ko at kapag ipinilit ko namang galawin to ay mas lalo lang siyang sasakit.

"KUYAAAAAAAAA!!! ANG SAKIT SAKIT NAAAAA NG KAMAY KO! AAARRGHH!!"sigaw ko ulit. Walang pigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Nanginginig ako habang hinahawakan ang kamay kong hindi parin nawawala ang sakit. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay yung kaninang binabarena ay parang binabarena na sinasaksak na siya ngayon!

"ARAAAAAYYY!!! S-SOBRANG SAKIT NA!!"kinakapusan na ako ng hininga habang sinisigaw yun pero hindi parin nawawala ang sakit!

*BLAAAAGG!!!*

"Excuse me sir!"pagpapaalis nung isang nurse kay kuya. Agad na umalis si Kuya sa tabi ko habang yung isang nurse naman ang tumabi sa akin.

"Namamaga yung kamay niya doc!"sabi nung nurse na katabi ko sa lakakeng naka lab gown.

Nagulat ako ng biglang hawakan nung doctor yung kamay ko at iginilaw to dahilan para mapadaing ako sa sakit!

GAGO?!!

"Ilipat niyo siya sa wheelchair, ipapaX-ray natin siya,"rinig kong sabi nung doctor. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang mga nurse at agad akong inalalayan kahit pa ang ingay ingay ko sa sobrang pag-iyak.

Ng makaupo ako sa wheelchair ay agad akong itinakbo sa X-ray room. Hindi ko na namalayan ang pagsunod nila kuya sa akin, maski ang mga taong nadadaanan namin na napapatingin sa gawi ko ay hindi ko na nagawang pansinin dahil talagang sobrang sakit ng kamay ko.

Habang itinatakbo ako ay nakaramdam ako bigla ng paggalaw ng paligid ko hanggang sa unti unting nagiging blur ang vision ko hanggang sa mawalan na talaga ako ng malay.

-----

To Be Continued...
***
Chapter 36✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars that is found in the story.
-BluishlyPink

Note Note: Sorry guys kong mali mali yung nilagay ko diyan, ala akong alam sa mga bali bali kamay something na yan and also, never ko pang naranasan yan so pasensya kung medj oa ang reaction ni Yuweii jan.

Note Note Note: Ang random nito pero....BELATED HAPPY BIRTHDAY DAHYUNIEE MAHAL KOWW SHET NABIAS WRECK MO KO AFSGSHEYBSY-- PENGENG SHANGHAI..TIPS NA RIN SA KUTIS MONG KEPUTI LOL, ANYWAYS... Belated Happy Birthday rin Yejiii!! Mah bebiii <333 ( dapat ay nung birthday ni Dahyun ko ito ipopost kaso, hindi pa ako tapos :>> )

Don't Forget To :
Vote ✓ • Comment (Not necessary) ✓ • Follow (Not necessary) ✓

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top