Chapter 33

Chapter 33

Yuwy's Pov

Pano ba to? Ganito ba dapat? O dapat ganito? Arrghh!! Pano ba to isuot?!

"Are you sure you don't want my help?"tanong ni Leux. Umiling lang ako sa kanya habang pilit parin iniintindi kung papaano suotin ang heels nato.

Kakaibang heels naman kasi ang ibinigay nila sa akin eh. Kung yung pangkaraniwang heels lang ay malamang kanina pa ako natapos, pero hindi! Andami dami pang pasikot bago maisuot!

Nabibwisit nako. Kapag ako napuno, ipupukpok ko to sa babaeng nagbigay nito sa akin.

"I think you really need a hand,"rinig kong sabi niya. Hindi ko siya nilingon.

"Hindi ko kailangan ng kamay, may kamay ako o..diba kita mo?"sagot ko sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina.

Kung hindi lang talaga to maskulado, malamang napagkamalan ko na tong bakla. Kung tumawa ay parang babae, daig pa ako.

"Don't take things too literal,what I mean is that..kailangan mo ng tulong,hindi kamay,literal na kamay,"sabi niya na naman.

Ang daldal naman ng taong to, kitang nag fofocus ako.

"Hindi wag na,kaya ko nama--ayy,"hindi ko natapos ang pagsasalita ng marealize na mali na naman yung pagkakasuot ko ng heels.

Tiningnan ko si Leux na nakangiti lang habang nakatingin sa akin. Ang awkward naman neto.

"U-uhmm..baka,pwedeng patulong??"nahihiyang ani ko. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad ring lumapit sa akin.

Kinuha niya yung heels at unti unting ipinasusuot sa akin yun. Seryoso at focus na focus ako habang pinapanood ko yung bawat pag kalikot niya sapatos.

Hindi naman kasi pwedeng siya nalang palagi yung magsusuot ng sapatos sa akin. Marunong akong mahiya no, hindi lang halata. Tsh!

"Ako na diyan sa kabila,"pagtigil ko sa kanya. Ngumiti lang siya atsaka binitawan yung paa ko.

"Salamat,"sabi ko. Ngumiti lang siya ulit at bumalik na sa pwesto niya kanina.

Ganon lang naman pala yun, pero pinahirapan pa ako nitong heels na to. Ang sarap itapon. Bakit nga ba kasi ito yung pinasuot sa akin. Tssss.

Nakakapang-init ng ulo.

"Tapos na ba kayo diyan?"biglaang sulpot ni Sir Perez habang nakangiti. Tumango lang ako.

"Sige na tumayo na kayo diyan at ipractice niyo na ang pagrampa niyo,titingnan ko...tsaka may mga questions rin akong hinanda,pero hindi ito yung lalabas sa contest ha,practice lang to,"sabi ni sir na may pagpapa-alala sa boses.

Humugot ako ng malalim na hininga bago tumango. Shocks.

Akala ko kapag sa practice walang tanong tanong, meron rin pala...jusmiyo baka mapahiya ako dito sa kapartner ko.

"Okay,one two three start!"

Hoo! Kaya mo yan Yuwy.

Medyo magaan yung loob ko dahil hindi naman bitter yung mga classmate ko at yung mga taga ibang sec, sa mga nababasa ko kasi, kapag kasama mo yung gwapo sa campus niyo eh sinasamaan ka agad nila ng tingin. Buti hindi yun totoo dito.

Maayos yung naging paglakad ko, wala naman kasi akong problema sa heels, kung paano ibalanse yung sarili ko ay alam ko, yung pagsuot lang talaga nitong kakaibang heels nato yung naging problema ko.

Bakit ba kasi...tsk!

"I will give you the question now miss Yuwy Yoo,"deretsang sabi ni Sir sa akin. Napalunok ako ng dalawang beses.

SiyetEssss!

Hindi pa ito ang final pero yung dibdib ko kumakabog na ng malakas. Kulang nalang sumabog ang dibdib ko sa pagkalakas ng pagkabog! Tangina.

Sana naman ay easy lang ang question dahil kung hindi...deputa, I quit!

"If you will be given a chance to rewind the time,what will you change from the past?"sinserong tanong ni Sir at tiningnan pa ako ng deretso sa mata.

Hindi ko alam, pero ramdam ko na para sa akin yung tanong na yun. Ewan ba, hirap mag explain.

"U-uh..If I-i will be given a chance to rewind the time,maybe I will...ermm..I will..,I will turn all of my bad habits into good habits and I will not easily give all of my trust into one person,because,this person might be the reason for you to lose all of your trust,that's all,thank you,"medyo kabadong sabi ko. Ewan ko ba pero parang mali mali lahat ng sagot ko.

Sa tingin ko mali mali ang grammar ko. Boba ako sa english ano ba! Tangina.

"Hmm..Yuwy,advice lang,ok lang naman yung sinabi mo pero pwede sa susunod ay ayusin mo ang pagsasalita mo?Pwede mo ba lagyan ng konting accent ang english mo and also avoid mo yung pag utal,kung nahihiya ka,isipin mo nalang na para ka lang nagsasagot ng essay ganon lang,now let's move on to you Leux,"sabi ni sir na tinanguan ko lang. Napayuko ako at bahagyang napatingin sa katabi kong si Leux.

Peste.

Beauty without brain ako eh, I mean, beauty with a little bit of brain...ganon lang. Tae.

Tinanong na ni sir si Leux at maayos naman itong nasagot ni Leux. Napanganga pa nga ako sa english niya eh, may hindi rin ako naintindihan pero kineri ko lang.

"Good job Leux...so tutal magkasama naman kayong magpractice,pwede bang tulungan mo si Yuwy na sumagot ng maayos,Leux?"tanong ni sir kay Leux. Napaangat ako ng tingin.

A-ano daw?

"Sure sir,no prob,"nakangiting tugon nitong isa.

Teka teka wait! Tuturuan niya ba ako kung paano sumagot ng maayos? So ibig sabihin ba nun ay magkakasama kami the whole day para maturuan niya ako ng maayos?

"Don't worry Yuwy,hindi naman kayo buong araw magsasama nitong si Leux dahil mamaya,tuturuan ka ng isa sa mga classmates nitong si Leux kung paano gumalaw at umawra sa stage,"nakangiting sabi ni Sir sa akin. Did he just?Syet.

Ikaw naman kasing babae ka eh! Ang oa mo! Nagrereak ka kaagad! Tss.

Tumango lang ako ulit.

"Ano Yuwy?Doon tayo?"

Napalingon ako kay Leux na nakangiting nakatingin sa akin.

"H-ha?"tanong ko habang tiningnan siya ng puno ng pagtataka.

"Tuturuan pa kita diba?Kaya doon tayo sa may upuan para maayos kitang maturuan,"aniya. Napapahiya akong tumugon at agad na naglakad papunta dun sa tinuro niya.

Hailey's Pov

Kanina pa ako naiirita dito. Reklamo ng reklamo si Ashley. Sa bawat kanta na nirerecommend namin, panay reklamo siya pag hindi niya nagustuhan.

"Oh come on!Wala na ba talaga?"inis na sabi ni Ashley at naglakad lakad paikot.

"Guys,kailangan natin makahanap ng tagalog and english song,pero dapat maganda!"giit niya pa. Kumunot ang noo ko.

"Huminahon ka muna pwede?Okay...ganito nalang,what if pumili nalang muna tayo kung sino yung mag giguitar,magdadrum or mag lelead sing,"paninimula ni Lance na agad sinang-ayunan ng iba.

"Ha!Sige pumili kayo diyan,magpapahangin muna ako...I'm tired,"mataray na sabi ni Ashley tsaka ng walk out.

Wag ka ng bumalik, letse ka.

"Sino ba dito magaling mag guitar?Mag drums or mag electric guitar?Or piano,"tanong ni Lance.

"I know how to play drums,"taas kamay'ng sabi ni Xyler.

If you are wondering kung bakit kilala ko sila, it's because, well duhh..naging classmate ko kaya sila dati and kabisado ko na mga ugali nila. Lalong lalo na yung ugali ni Ashley.

Tumaas ang isang kilay ni Lance.

"Nagsasabi siya ng totoo,"sabat ko. Tumango lang si Lance.

Tiningnan ko si Xyler na nakangiti sa akin. Nginitian ko lang siya pabalik.

*Skip Time*

Natapos ang practice namin ng wala ang lead vocalist kaya si Lance nalang ang nah sub kahit siya ang mag giguitar kasama si Savier.

Yes, oo, meron na kaming kantang napili.

Okay lang naman ang boses ni Lance, actually bagay sa boses niya ang kantang napili namin. Maybe, kapag dunating si Ashley dito ay siya nalang ang kakanta sa english while si Lance ang sa tagalog or di kaya mag duet, sure akong maganda ang kalalabasan, dahil maganda ang boses ni Ashley.

*Blag!*

Napatingin kaming lahat sa entrance ng music room at doon namin nakita si Ashley na hingal na hingal.

Anyare dito?

"G-guys...balik tayo sa gymnasium,nagkakagulo doon,"medyo nauutal pang sabi niya.

Anong gulo?

"Bakit,anong nangyari?"tanong ni Abi.

"May kabilang sections na pumunta sa gym,wala ang mga prof dahil may meeting and then pagkapunta na pagkapunta nila doon gulo na agad ang dala nila, gusto nilang sila ang mag practice sa gymnasium tapos tumutol naman ang side natin kaya ayun ang mga boys nagsuntukan ang girls naman nag batuhan ng mga linya,"sabi ni Ashley. Agad kaming napatayo at mabilis na nagsitakbuhan sa gymnasium.

Hindi na nga namin nagawang iarrange ang mga musical instruments dahil sa pagmamadali.

Mamaya nalang yun!

"A-akala ko ba may inassign ng places kung saan tayo magpapractice, ba't naman sila napadpad sa gymnasium?!"sigaw ko habang tumatakbo. Nilingon ako ni Ashley at humabol ng takbo para maabutan niya ako.

"Ang sabi kasi nila,sabi raw ng prof nila na doon muna sa gymnasium mag prac dahil irerenovate daw yung pinagpapractisan nila which is doon sa likod ng building ng juniors,"hihingal hingal na sabi ni Ashley.

Renovate?! Kung kelan nagsimula na ang klase, kung kelan pa sila magrerenovate?! Dapat ay ginawa na nila yan nung bakasyon pa!

Lintek naman!

Pagkarating namin sa gymnasium ay ganon parin ang eksena sa kwento ni Ashley, pero hindi niya nabanggit na sobrang brutal na pala ng pagsusuntukan nila.

Yung iba kasing classmate namin at yung ibang taga section ay may mga black eye na at putok putok na ang mga labi! Sa kabilang banda naman may nabalian na ng kamay! Tsaka ang sabi ni Ashley na nagbabatuhan lang ng linya ang mga babae pero halos nagkakatanggalan na nga ng buhok ang iba eh!

"Omg!Kanina nung iniwan ko sila ay hindi pa ganito,p-pero---Stop talking,tawagin mo nalang sila prof!Bilis!"putol ni Lance sa sasabihin ni Ashley at pagkatapos ay mabilis itong pumasok sa loob.

Agad na tumakbo si Ashley palayo na sa tingin ko ay papuntang faculty.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok na rin agad, kasama ang mga kasama namin kanina.

Agad kong hinanap ang tatlo at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko silang nakikipag away sa grupo din ng mga babae.

"ANO BA TALAGANG PROBLEMA NIYONG APAT AT KAMI PA ANG NAPILI NIYONG GULUHIN!KITANG NANAHIMIK LANG KAMI DITO!"sigaw ni Rachel.

Ng makalapit ako sa kanila ay tiningnan ko yung apat na babae na kaaway nila ngayon.

Teka, familiar sila sa akin! Kung hindi ako nagkakamali, sila yung mga babaeng bruha na umaway samin habang papunta kaming canteen!

"OH YOU DON'T KNOW?!!WELL DUH!GANTI LANG NAMIN TO SA INYO DAHIL NAPARUSAHAN KAMI NG SCHOOL AT PARA RIN SA PANG-AAGAW NIYO SA GRUPO NINA SAVIER SA AMIN!"sigaw nung mukhang leader. Hindi ko alam ang pangalan niya at wala rin akong pake kung ano pang pangalan niya.

The hell?! Hindi pa ba sila tapos diyan sa bwisit na topic na yan?! Wala na ba talagang ibang lalake sa mundo? Putangina ang babaw ng dahilan para gumawa ng gulo!

"ILANG BESES BA NAMIN DAPAT SABIHIN SA INYO NA HINDI!HINDI NGA NAMIN INAAGAW YANG GRUPO NA YUN!KUNG GUSTO NIYO AY ISAKSAK PA NAMIN SA BAGA NIYO SILA EH!GANO BA KALIIT MGA UTAK NIYO PARA HINDI MAKAINTINDE?!"si Yuwy naman this time ang sumigaw. Namula yung apat dahil sa sinabi ni Yuwy.

EH SA TOTOO NAMAN KASI!

"ANO SUSUGOD KAYO?SIGE SUGOD!AKALA NIYO PAPATALO KAMI?HINDDEEE!!KALBUHIN PA KITA DIYAN EH!"sigaw na naman ni Raine. Napa face palm nalang ako.

Instead na pahintuin niya ang away ay gusto niya pa talagang makipagrambol? Takte!

"ANG LALAKAS NG LOOB NIYONG KALABANIN KAMI!!TALAGANG SUSUGURIN NAMIN KAYO!ARRGHHH!!"sigaw na naman nung leader sa kabila.

Mabilis silang kumilos at isa isa kaming sinabunutan. At syempre, hindi kami magpapatalo ano!

Hinila ko ang buhok niya sa harap while yung isang kamay ko ay marahas na pinanggigilan ang mukha niya. Hindi ko alam pangalan niya pero may maikli siyang buhok yun lang.

"AARRGHH!!!"sigaw niya ng mas diniinan ko pa yung kamay ko sa mukha niya. Halos mapunit na nga mukha niya eh.

"AAAHHH!!!"muling sigaw niya.

Tatanggalin ko na sana yung kamay ko sa mukha niya ng bigla niyang bitawan ang buhok ko at ang kasunod na nangyari ay ang hindi ko inaasahan na magagawa niya.

*BBLAAAAAAAAGGGG!!*

Napaluha ako sa sakit ng kamay ko na dinaganan niya at ang tiyan ko na sinipa niya.

Ang sakit puta!

May heels pa talaga yung sapatos na suot niya kaya mas masakit at ang bigat niya pa! Feeling ko nabali ang kamay ko!

Hindi pa ako nakagalaw pero inambaan niya kaagad ako at agad akong sinabunutan kaya mas lalo akong napaiyak sa sakit.

Yuwy's Pov

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Pagmulat ko ay napatingin ako sa mga kaibigan ko.

Si Rachel, namumula na ang mukha dahil sa pagkakasampal sa kanya at hindi niya na rin gaanong maigalaw ang right arm, si Raine naman may sugat sa pisngi na mukhang kuko ang ginamit para masugatan tapos yung buhok niya sobrang gulo na, si Hailey naman nakahiga habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kanan at habang nakahiga siya ay sinasabunutan pa siya!

Tapos ako naman heto, pinukpok ng bruhang yun ang ulo ko ng sapatos niya na may heels kaya ayun natumba ako at talagang hindi pa nakuntento at sinampal at sinabunutan pa ako pagkatapos ay pinukpok na naman niya ang ulo ko at inapakan ang left kong kamay.

"Mamatay ka bitch!"sigaw niya pa.

Hindi na ako nakagalaw pa at umiyak nalang ng umiyak habang nararamdaman ang bawat sakit sa katawan ko...yung likod ko ay medyo sumasakit na rin.

Nagiging blur na yung paningin ko.

*PAKK!!*

*Black out*

To Be Continued...
***
Chapter 33✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars that is found in the story.
-BluishlyPink

Don't Forget To :
Vote ✓ • Comment (Not necessary) ✓ • Follow (Not necessary) ✓

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top