Chapter 32
Chapter 32
Yuwy's Pov
"Beh,kumusta yung meeting kanina?"tanong ni Rachel. Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Hailey.
"Mukhang hindi ata naging maganda,nakasimangot oh,"si Hailey. Mas humaba pa yung nguso ko.
"Hindi naman sa hindi maganda ang meeting kanina,ang saakin lang ay...ayokong maging representative ng section natin kasi iniisip ko palang yung contest naiisip ko na yung kahihiyan na maidudulot ko eh,"dere-deretsong tugon ko.
Napatingin silang tatlo sa isa't isa bago sila tumitig sa akin.
Oh, ano na namang problema ng mga to?
"Alam mo,nasa isip mo lang yan eh at hindi mo pa nagagawa pero pinangungunahan mo na,wag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin,"sabi ni Rachel. Napabuntong-hininga lamang ako dahil wala na akong choice dahil napag-usapan na eh.
"Sabi niyo yan ah,tulungan niyo ako,tsaka hoi...tulungan niyo ko kung paano sumagot sa question and answer portion,alam niyo namang baligtad tong utak ko diba?hayss..."sabi ko sa kanila tsaka ngumuso. Nginisihan lang nila ako at nagpatuloy na kami sa pagkain pagkatapos nun.
Ilang minuto lang ay tumunog na yung bell.
Nagsipagtayuan na kami at naglakad na papuntang gymnasium, magmemeeting lang naman kasi.
Pagpasok namin sa gymnasium ay medyo marami na ang etudyante. Ang kalahati ay sa section namin at ang kalahati ay ang sa kabilang section.
Teka...bakit kalahati la---
*Boogssh!*
"Aray,"
"Beh pang ilan mo na yan,tumingin ka kasi sa daan eh,"
Nag sorry ako sa kanya tsaka hinarap yung nabangga ko para sana mag sorry din pero naunahan niya ako ng tulak.
*brag!*
Kaya ayun...sapul yung pwetan ko sa sahig at mas nakakahiya pa to kasi maraming tao ang nakakita.
"Tatanga tanga ka kasi eh!"singhal niya. Inis kong tiningnan siya.
-______-
Kung makapagsalita naman to, ano teh perpek ka perpek?! Porket nasa pinakamataas na section ka ganyan ka na? Aba...hoi hoi, mali ka ng kinalaban bitch! Kung akala mo matatakot ako sayo pwes hindi! Pare parehas lang tayong estudyante dito gurl! Mas may utak ka nga lang pero wala kang karapatang ganyanin ako tatangina mo dai! Pinapainit mo ulo ko!
"Oh ano?Napako ka na diyan?Hey there bitch tumayo ka at kausapin mo ako ng maayos!"sigaw niya. Kumunot yung noo ko at dahan dahang tumayo.
Grabeng babae to, walang hiya..kung makasigaw akala niya kami lang dalawa dito.
"Okay,let's talk...ano?kailangan mo pa ba ng upuan and coffee for us to have a proper conversation miss?"taas kilay kong tanong sa kanya. Inirapan niya ako bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
Envious because I'm way prettier than you?
"Yuwy,let's go,baka tayo pa ang mapahamak,sa pagkakilala ko kasi diyan,war freak yan at walang inuurungan,kahit si Miss Principal,"bulong ni Hailey.
Oh really?
"Kung wala siyang inuurungan noon pwes..ngayon meron na,she just met her rival,"matapang na sambit ko.
Hindi ko rin siya uurungan ano! Basta wag lang tong makakarating kina mama dahil talagang malalagot ako.
"Yuwy..please wag pairalin ang matigas na ulo please,this is not the right time,"pakikiusap ni Rachel. Napabuga ako ng hangin at napapikit.
Nakakainis naman. Feeling ko kasi natalo ako sa lagay na ito at naiinis ako kapag ganoon ang nangyayari.
"I'll let you pass this time,kasi may kakaunting hiya parin naman akong natitira sa katawan ko,hindi katulad ng iba diyan na...alam mo na,bye bye,"huling sabi ko bago ako naglakad papalayo.
Nang-iinit parin yung dugo ko sa kanya. Feeling kasi talaga siya eh! Feeling niya na...siya ang pinakamataas kahit mukha namang hindi talaga siya nakaabot sa akin dahil kahit kuko ko walang wala na siya, talo na.
Nang makaupo na kami sa pwesto namin ay hindi parin nawala ang tinginan ng iba sa akin. Pati narin yung grupo nina Savier nakatingin parin sa akin.
Wow...assuming ah.
Eh sa totoo naman kasi!
Feeling queen bee?
Anong feeling queen bee?! May queen bee bang pinagtatawanan ha? Aba'y gago lang.
"Hey,guys,"
Kumunot na naman yung noo ko habang nakatingin kay Gwyneth.
Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng to at nag fifeeniling close na naman.
"Hi?"ganti ni Rachel. Tiningnan niya ako na parang nagtataka.
"Can I be part of your group---No,"putol ko sa sasabihin niya.
Hindi niya ako napansin at bigla bigla nalang naupo sa tabi ko.
"Look,I don't know any of them here except for you,kaya pwede bang alisin mo muna yang galit mo sa akin,"sabi niya pa. Namamangha akong tumingin sa kanya.
Ha! Alisin? Akala niya ganon lang kadali alisin yun? Gago ba siya? Kanina lang ay pinagsabihan ko siya tapos ngayon heto na naman siya? Talagang wala siyang kadala dala eh no?!
"Look too,since when did you know me?I didn't even know you,miss!"medyo malakas na sabi ko kaya yung mga malalapit na tao sa amin ay napalingon sa amin.
Natahimik siya at unti-unting naglakad papalayo sa gawi ko. Heh.
"Ang harsh mo naman ata dun sa new student beh,"sabi ni Rachel. Instead na sagutin ko siya, ngumuso lang ako at kumapit sa braso niya.
"Wag na natin pag usapan yun,hintayin na lang natin sina Sir Perez,"tanging sabi ko sa kanya.
Savier's Pov
Kanina pa ako nakatingin kay Yuwy ng hindi niya namamalayan. Hanggang tingin na nga lang ba ako? Wala na nga bang chance? Kahit crush back man lang..nakakalungkot.
Nagseselos ako dun sa lalakeng makakapares niya sa festival. Nabibwisit ako kapag nakikita ko pagmumukha niya. Gusto ko siyang gulpihin.
"Mga pre,alam niyo..ako ay naguguluhan na sa inyong dalawa,kanina lang ay masaya kayo ta's ngayon para kayong pinagsuklaban ng langit at lupa!Ano bang problema niyo?"
Nakangusong tiningnan ko si Haides.
Kung makapagsalita to akala mo naman may maitutulong ang isang to.
"Wag mo ng alamin,"inis pang sabi ko. Napatingin ako kay Lance na nakakunot ang noo.
Teka nga lang, ba't nakasimangot rin ang isang to? May problema ba to o--- No way. No no no way! Hindi maaari! Hindi pwede!
"Lance?"napalingon ako sa babaeng nagsalita.
Sino naman to?
"O?"malamig na tugon ni Lance.
"Mag-usap tayo sa labas,"sambit nung babae at naunang naglakad papalabas. Napatingin ako kay Lance pero wala paring reaksyon ang mukha niya.
"Sino yun pre?"tanong ni Kyle. Tumayo si Lance.
"Adik yun,"sagot ni Lance at naglakad na papalabas.
Adik?! Teka...yung babaeng yun ba ang dahilan kung bakit siya nagkaganon or kaya siya nagka ganon kasi...ano..uhmm...arrrghh!! Ayokong isipin yun! Naloloko ako!
"Good morning class!May listahan na kami para sa mga napili ni Sir Perez na sasali sa dance,singing,roleplaying at yung mga mamamahala sa booths,iaanounce ko na,ehem!"panimula ni Miss Tuazon.
"Para sa dance competition,ang mga kasali sa Section A-1 ay sina..Tyra,Rianne,Amanda,Megan,Zia,Francis,George,Felipe,Xyler,Michael..sa Section A-3 naman ay sina...Azii,Lia,Weiji,Susanne,Rachel,Haides,Von,Alex,Ian..sa singing competition naman para sa class A-1 ay sina...Ashley,Abi,Ariana,Sheila,Allaine,Jem,Paul,Drake,Moris..sa class A-3 naman ay sina...Jacee,Kyla,Janine,Hailey,Kate,Tyron,Savier,Lance,Liam,Baron,"nagpatuloy lang si Sir Perez sa pag announce. Napatawa pa nga si Haides nung matawag yung pangalan ni Kyle sa roleplaying eh.
Pano naman ako naging singing? Hindi pa nga naririnig ni sir boses ko kapag kumakanta ako eh! Oo, kumakanta ako, pero sa banyo lang hindi sa harap ng maraming tao.
"Since nasabi na ni Sir lahat ng participants,pwede na kayong mag start ng practice today,for the singing pwede kayong magpractice sa music room and for the dancing pwede kayo doon sa kabilang side ng gym,para naman dun sa mga hindi natawag you can help by making props at yung iba ay pwedeng tumulong sa booths..may inassign akong leader bawat tasks,siya na ang magsasabi kung ano ang gagawin..you may start now,"nakangiting sabi ni Miss Tuazon.
Maya maya lang ay nagsimula ng mag gather ang sec namin sa kabilang sec. Kasabay naman nito ang biglang pagpasok ni Lance at nung babae.
"Hey guys,Listen up!I'm Ashley...the leader of the participants for singing competition at ito naman si Lance my assistant leader,sa ngayon ay pag-uusapan muna natin ang kakantahin natin and there's no need for us to go to the music room dahil hindi pa naman tayo magpapractice,"sabi nung babaeng kasama ni Lance.
"So sino yung gustong mag suggest ng kanta?"maangas na sabi nung Ashley. Marami sa Section A-1 ang nagtaas ng kamay at sa amin naman ay wala.
"Oh,Hailey...I know you have a good taste pagdating sa mga kanta,can you suggest something?"tanong nung Ashley kay Hailey.
Magkakilala ba sila?
Siguro, baka classmate sila dati.
Hindi nagsalita si Hailey pero tiningnan niya lang si Ashley.
"Wala.."mahinang sagot ni Hailey.
"Uhmm...how about mag research nalang tayo ng kanta sa internet yung maganda...pwede naman yun diba?"singit ni Jacee, isa sa mga kaklase naming babae.
"Seriously?Magreresearch ka pa?Wala ka bang alam about music?Tsk!Kung wala kang alam umalis ka sa group nato,pathetic bitch,"medyo malakas na sabi nung Ashley. Kumunot yung noo ko.
Ang lakas naman at ng loob niyang ipahiya ang kaklase namin. Sino ba siya sa inaakala niya? Porket nasa highest section ka ganyan niya na kami tatratuhin?
"H-hindi naman sa wala akong alam pero makakatulong rin naman kung magsesearch tayo d-diba?Para mas madali lang din tayong makahanap ng kanta,"mahina na sambit ni Jacee na parang nahihiya pang magsalita.
"Ash,she has a point,"napalingon kami sa lalakeng nagsalita na kabilang ata sa Section A-1..kaklase nitong mayabang na babaeng to.
"Are you on her side Xyler?"inis na tanong nung Ashley.
"I'm not,wala akong kinakampihan Ash,sinasabi ko lang na may point ang sinasabi niya..kasi kung magiisip lang tayo dito ng kakantahin natin eh baka abutan pa tayo ng ilang taon kesa kung magsearch tayo mapapadali lang yung trabaho natin,"medyo may inis narin sa tono na sabi nung Xyler. Mabuti pa tong isang to, kesa sa isa diyan.
"Walang kinakampihan?Are you sure?Kung wala kang kinakampihan edi dapat nanatili ka nalang tahimik diyan,"inis na sabi nung Ashley. Bobo.
Nasa highest section nga siya pero mukha namang walang utak ang isang to.
Bigyan ng utak yan.
"You know what Ash?Instead of talking nonsense why don't you suggest the music we are going to sing,tutal ayaw mo namang mag search tsaka kung makapagsalita ka akala mo alam mo na lahat ng kanta..sige mag suggest ka,now na,"biglang sabat ni Lance. Napalingon ako kay Lance na kunot na kunot na ang noo habang nakapamewang.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa paligid namin, ni isa ay walang nagsalita.
"Ano na?Naghihintay kami,"pahabol na sabi ni Lance. Nakita ko ang pagirap nung Ashley.
"Hayss...Fine!Mag search kayo,make sure na maganda yan dahil kung hindi,malalagot kayo sa akin,"mataray na sabi nung Ashley tsaka naglakad papalayo.
"Buti nga sa kanya,"
Napalingon ako kay Hailey na sobrang sama ng mukha, hindi na maipinta.
"So ngayong wala na ang dragon,tara na sa computer lab,"nakangiting sabi nung Xyler. Nagsipagtanguan lang kami bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Tara na pre,"yaya ni Lance saakin.
Tumayo na ako at sabay na kaming naglakad papalabas ng gym papuntang comlab, pero siyempre bago kami lumabas ay nagpaalam pa kami kay Sir na kasama yung asungot at si Yuwy.
Nagkatinginan pa kami ni Yuwy saglit pero agad din naman siyang umiwas na ikinangiti ko ng patago.
Alam kong kinikilig siya.
Ramdam ko. BWAHAHAHAHAHAHA!!!
To Be Continued...
***
Chapter 32✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars that is found in the story.
-BluishlyPink
Note Note: May new story po ako and published na po siya...may chapter one na po ang story na yun ang title po is "Falling For The BadBoy"...I hope na magustuhan niyo ang story. Thank you! Lovelots♡
Don't Forget To :
Vote ✓ • Comment (Not necessary) ✓ • Follow (Not necessary) ✓
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top