Chapter 31

Chapter 31

Savier's Pov

Nasa gymnasium na kami at nakita ko narin yung Leux na sinasabi nung mga kaklase kong mahaharot.

Tch...Gwapo nga talaga ang loko..pero ha!Mas gwapo parin ako. Tss...hindi pa nga siya nakakalahati sa akin eh.

Si Sir Perez at yung adviser ng kabilang sec ay nag-uusap kung sino yung pipiliin nilang representative sa section namin, may time na tumitingin si Miss sa mga babae kong kaklase at sa huli ay hihinto ang mata niya kay Yuwy tapos kakausapin na naman niya si Sir.

"Ang gwapo niya talaga betch!"dinig kong sabi ni Raine. Napabuga ako ng hangin.

Kahit kelan ang ingay talaga nito, pinaglihi ba siya ng nanay niya kay Haides? Tss.

"Bibig mo,baka marinig ka ni sir,"saway sa kanya ni Rachel. Hindi nagsasalita si Yuwy at nakatunganga lang sa kung saan.

Hindi ko na sila pinansin at nakipagbiruan nalang sa mga kaibigan ko.

Sa kalagitnaan ng meeting at pagtatawanan namin ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwal ang principal at yung babaeng nakita namin sa Jollibee na naka-uniporme ng katulad namin.

0_0?

Natigilan ang lahat sa ginagawa nila at napatingin sa may pintuan. Lumapit si Sir Perez sa kanila.

"So guys,I want you all to meet your new classmate, Gwyneth Angelique Wu,"nakangiting sabi ni Sir sa amin.

Wait what?! New classmate?!

Napatingin ako kay Yuwy na wala man lang expression sa mukha niya. Base on her facial expression ay parang alam na niyang mangyayari ito.

Does she already know?

"Goodmorning everyone,"ngiti ni Gwyneth. Nagbulungan yung ibang babae habang yung mga lalake nag-uusap na may bago na namang chix.

Well, hindi ko naman sila masisi dahil kung ako ang tatanungin isa nga siyang chix. Maputi, perpekto ang katawan, maliit ang mukha, maganda, may makinis na balat, may mahaba at wavy na buhok at katamtaman lang ang height, pang babaeng height talaga.

Bumati ng pabalik ang iba kong kaklase habang yung taga kabilang section ay bumalik na sa dating gawi nila at hindi na inintindi ang nangyayari sa paligid.

Parang wala silang pakealam sa nangyayari ah.

Pinatuloy na ng tuluyan yung si Gwyneth. Pumunta sila sir kasama ang new student sa isang upuan malayo sa amin at doon nag usap.

Yuwy's Pov

"Hindi ko naiintindihan,bakit kaya hindi siya nag enroll bago pa magstart yung school year,"nagtatakang sabi ni Raine. Gusto ko siyang sagutin pero nanatili lang akong tahimik.

Well duh, gusto niya kasi magpa-special kahit hindi naman siya special...Jollibee kasi siya,gusto niya siya ang BIDA kahit Bida bida lang naman role niya. Tsk!

"Maybe galing siya sa ibang bansa at ngayon lang nakauwe?It's possible you know,"sabat ni Rachel.

Girl, correction, baka galing sa kabilang mundo at late nakapag-enroll kasi nga...paspecial ang gaga.

Teh, nong konek?

Basta! Ako lang nakakaalam. Wag mo ng intindihin kung anong connect ng sinabi ko dahil wala kang maiintindihan.

Ayy.

"Kelan kaya magsisimula yung meeting,nababagot na ako,"nagulat ako sa taong biglang nagsalita sa tabi ko. 

0__0

N-nananaginip ba a-ako?

Totoo bang kinakausap ako ni Hailey?Is it true?!

"A-ah...ako ba kinakausap mo?"tanong ko sa kanya. Gusto ko lang namang siguraduhin, baka kasi kapag sumagot ako eh baka hindi pala ako yung kinausap niya.

Ngumiti lang siya.

W-wait----Ngumiti siya? Ngumiti siya?Aaaaaaaahhhh!!!! NGUMITI SIYA!!

"I'm actually talking to my hands,"sarkastikong sabi niya. Napangiti ako dahil hindi tunog maldita yung pagiging sarcastic niya.

Sarcastic nga ang pagkakasabi niya pero pabiro ito, gaya ng ginagawa niya dati nung okay pa kami.

Ibig sabihin ba nun ay friends na ulit kami? Back to normal na ba?!Yieeeee!!!

"Oi...sorry,sorry dahil hindi kita pinansin kahit wala ka namang ginawang masama sa akin,sadyang oa lang talaga ako,pero okay na tayo ngayon diba?"tanong niya.

"Okay lang and okay na tayo,"sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Uyyy...pwede ba kaming sumali diyan?"pabirong tanong ni Rachel. Sinapak siya ni Raine sa walang kadahilanan kaya binatukan niya ng pabalik si Raine.

Tsk!

Nagkuwentuhan lang kami habang hinihintay na matapos sila sir at principal sa pag-uusap at mabuti na rin at nakalimutan ko ng pang sandali yung si Gwyneth.

*Skip*

Kaharap namin sina Sir at Miss, si Gwyneth ay nasa guidance nagtetake ng special test. Ewan kung ano talaga tawag dun basta yun ang alam kong tawag dun.

"So Me and Miss Tuazon already decided kung sino ang magiging representative sa Miss festival,"ani ni sir. Tumingin siya kay Miss Tuazon at sumenyas na sabihin na.

"So our representative for Miss Festival is...........Miss Yuwy Yoo,Miss Yoo kindly stand up,"

0__0

H-huh?

Tumingin ako sa paligid at nakatingin silang lahat sa akin.

A-ako ba?

"Tumayo ka raw,"pang-uulit ni Raine.

Dahan dahan akong tumayo at deretsong tumingin kay Sir Perez.

"Tama ang naging choice ko Sir Perez,your student is beautiful,tall and she has a perfect body,she is fit to be a model,"nakangiting sabi ni Miss Tuazon.

>__<?!

Hahahahahahahahahahahahahahaha!!! Model?! Dahek! Pinaglololoko niyo ba lolo ko? Ghadd...ako model? Model saan? Model sa kanal? Baka yun pwede.

"Perfect!Now Yuwy and Leux,kindly sit over there and we will discuss about the pageant and you students,pipili si Sir Perez sa inyo ng magiging representative sa dance competition,singing,roleplaying at yung mamamahala sa booths,"naglakad si Miss Tuazon papunta sa isang bench kasama nung Leux. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang.

Hayss...bakit naman ako? Ano bang nakita nila sa pagmumukhang to? Isa lang naman akong simpleng babae at marami naman diyan ang mas magaganda sa akin, pero ba't ganon?Bakit ako?...Aarrghhh!!! Tangina.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko. Halatang nagpipigil sila ng tawa habang pinagtitinginan ako, si Raine na demonyo may binulong sa dalawa kaya ito natawa.

Letsugas ka Raine, kapag natapos to babatukan talaga kita ng hard. Tch!

Sinamaan ko sila ng tingin bago tuluyang naglakad papunta kela Miss Tuazon kahit na labag sa kalooban ko.

"Now,pagmemeetingan natin ang gagawin niyo sa pageant,"pagsisimula ni Miss. Nakinig ako ng maigi kahit na hindi ko talaga naiintindihan yung pinagsasabi niya.

Napuno ang oras na puro pagmemeeting lang about sa gaganaping festival. Ang sabi ni Miss, mamayang hapon raw ay babalik kami nina Leux, yung dancers,singers and actors dito para magpractice para sa competitions na magaganap sa festival.

Kyle's Pov

Ang sasarap ng pagkain dito sa canteen lalo na kapag malapit lang yung crush mo sayo mas magiging masarap ang pagkain mo.

Kaya lang hindi niya ako napapansin dahil hindi naman kami magkaklase at hindi naman namin kilala ang isa't isa.

"Uy Kyle,nung nakaraan mo pa tinititigan yang babaeng yan ah,natamaan ka ba pre?"pagtatanong ni Haides.

Paano ka naman kasi hindi matatamaan diyan eh ang ganda ganda. Mukhang diyosa. Kutis porcelana pa. O, sa'n ka na?

"Matagal na pre,"tanging sagot ko at bumalik na sa pagkain habang ngingiti ngiti.

"Yowwnn..baliw ka na,hahahahahahahahahahah!!!!"tawa niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin dahil masisira lang yung mood ko.

"Sige pre,bibili muna ako ng maiinom..paki suyo nalang itong nagtatampong Savier dito,hahaha!!"biro ni Haides bago umalis. Napalingon ako kay Savier na nakasimangot kanina pa.

Nako, nagseselos ang gago.

Isang masamang balita, napakasama.

"Pre,Ice tea oh,pampalamig ng ulo,"sabi ko sabay abot ng bote ng ice tea. Hindi siya lumingon at nanatili lang nakatingin sa kung saan.

Yung nguso niya, mas mahaba pa sa pato.

"Teka nga!Ano bang nangyari sayo at nagkaganyan ka?"tanong ko sa kanya. Napabuga siya ng hangin.

Ambaho.

"Wala,intindihin niyo nalang buhay niyo..wag saken,"aniya. Hindi ko na siya kinausap.

Wala namang kwentang kausap to eh. Siya na nga tong dinadamayan, siya pa itong galet. Aba! Iba den!

"Oh ikaw naman,kanina kapa walang imik...ano din bang nangyari sayo?"baling ko kay Lance. Hindi siya sumagot.

-____-

Ano bang meron sa mga tao ngayon? Pati ba lalake may mens narin? Uso na ba ang nakasibangot ngayon?

"Ewan ko sa inyo!Tinatanong ko kayo kung anong problema niyo tapos ayaw niyong sumagot..tss!"singhal ko sa dalawa. Sinamaan nila ako ng tingin.

Wow ha! Kayo pa galet saken ngayon? Bahala nga kayo.

Tumayo ako at naglakad papalayo. Maiistress ako kapag nagtagal pa ako dun.

Aba, di porket sila yung galet eh hindi na ako pwedeng mag walk out!

Galet na galet usto manaket?! Tatangina niyong dalawa.

"Hi Kuya,"

"Ampogi oh..pati mga paa ampopogi hehe,"

"Pogi parin kahit nakasimangot...geezz ang hot din pala,"

"Sanaol may mukha,"

-____-

Ngayong nakaalis na ako, sa'n naman ako pupunta ngayon?

Tangina..mag wawalk out tapos hindi alam kung sa'n pupunta.

"Excuse me brad,may nakita ka bang babae na matangkad,wavy yung buhok na hanggang kili-kili at medyo maputi na may pagkamorena?Pero mas lamang yung puti na side niya,tsaka katamtaman lang yung height?"inis kong nilingon yung lalakeng nagtatanong.

Mukha ba akong taong tagahanap ng nawawala? Sa pagmumukha kong to? Ang gwapo ko naman para maging ganon.

"Malay ko...hindi ako tagahanap ng girlfriend ng iba,"inis na sabi ko sa kanya at naglakad na papalayo.

Wag nga nila akong bwisitin.

Girlfriend nila yun kaya sila ang maghanap, hindi yung nang-aabala sila ng ibang tao para hanapin yung nawawalang girlfriend nila.

Nagtatanong lang naman yung lakake, kung ano ano na ang pumapasok sa kokote mo. Hello? Hindi ka niya pinapahanap ano, nagtatanong lang kung nakita mo ba! Tanga!

Kung makapag sabi ka naman ng tanga. Ansaket nun ah. Hinay hinay ka sa pananalita mo.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko yung new student na kasama si Yuwy?

Mukha silang nagtatalo pero napakahina ng boses nila kaya lumapit ako ng kaunti para marinig yung pinag-uusapan nila.

Hindi naman sa makikinig ako sa usapan ng mga babae pero gusto kong malaman yung pinagtataluhan nila, baka kasi ako yung dahilan kung ba't sila nagtatalo.

Masyado na ba talaga akong gwapo?Hehe.

"Wag mo ng subukang makipag ayos sa akin dahil hinding hindi na kita matatanggap ulit!"giit ni Yuwy. Kumunot yung noo ko.

Magkakilala sila?

"Oh c'mon Yuwy,uso ang second chance,"mataray na sabi nung new student.

Teka...magjowa ba sila dati?

"Second chance?Oh,I don't think so,you don't deserve a second chance,"sagot naman ni Yuwy.

"Okay,if that's what you want,pero hindi mo na ako mapapaalis pa dito dahil wala kang karapatan,"sabi na naman nung babae.

"I know,tsaka hindi ko aaksayahin ang oras ko sa mga taong katulad mo..magstay ka lang dito hanggang kamatayan mo,bitch,"mataray na sabi ni Yuwy at agad na tinalikuran yung babae.

"Tsk,"tanging sabi nung babae bago naglakad sa kabilang direksyon.

Anong meron sa kanila at kung makipag-usap sila sa isa't isa ay parang kilalang kilala na talaga nila yung isa't isa? Hayss...nacurious tuloy ako lalo, parang gusto kong mag-imbestiga sa kanilang dalawa.

Alam mo ikaw, para kang si Savier eh,bakla!

Hoy hoy! At pano naman ako naging bakla?!

Usapang babae,pinakinggan mo, tapos ngayon nacucurious ka sa buhay nilang dalawa at gusto mong malaman kung anong meron ang dalawang babaeng yun!Hoy Tol,wala kang pakealam sa buhay nila dahil buhay nila yun, kaya magitigil ka diyan.

Nge, para yun lang? Tsk!

Hindi ko naman totohanin yung inisip ko kanina no! Abno!

Tsk! Makabalik na nga wala naman akong napala sa walk out ko eh!

To Be Continued...
***
Chapter 31✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars that is found in the story.
-BluishlyPink

Don't Forget To :
Vote ✓ • Comment (Not necessary) ✓ • Follow (Not necessary) ✓

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top