Chapter 29
1 chapter to go...
***
Chapter 29
Yuwy's Pov
Nakatingin lang ako sa baba habang nakaupo kami sa sofa. Kaharap ko siya ngayon at naghihintay lang ako sa sasabihin niya.
"It's been a long time since I last visited here...masyadong malaki ang pinagkaiba ng house niyo,mas lumaki pa siya kesa noon,"paninimula niya. Napairap ako ng palihim.
Kuda ng kuda deretsuhin mo na, nakakabagot na dito. Masyado pa akong naghanda, pagkatapos ay walang kwentang tao lang pala ang kakausapin ko.
Kung alam ko lang na siya ang bibisita, siguro ay pinauwi ko na siya at nagpatuloy na lang siguro ako sa pagtulog.
"Alam ko yun,saksi ako sa mga pagbabago dito sa bahay at hindi mo na kailangan pang banggitin ang kung ano ano man ang narito sa bahay,wala ka ng pakealam dun...tsaka pwede ba?Deretsuhin mo nalang ako,alam ko namang may kailangan ka,bilisan mo ang pagsasalita dahil nababagot na ako,"walang pigil na sabi ko. Medyo nagulat pa siya sa naging ugali ko dahil nanlaki ng bahagya yung mga mata niya.
Tss...bahay nga nagbabago, ugali pa kaya?..Tch!Masanay ka na sa pakikitungo ko sayo, dahil kahit anong gawin mo...tumambling ka pa kahit dito pauwi sa inyo, hinding hindi na mauulit ang pakikitungo ko sayo noon.
Bumuntong hininga siya bago nag salita.
"I just wanted you to know that I transfered at your school at gusto ko ring malaman mo na magiging magkaklase tayong dalawa,isn't it great?Bestie?"ngiti niya pa.
Bestie? What's that? A word made up by trash? Tss...Wala akong kaibigang katulad mo.
"Don't call me that,hindi kita kaibigan..at higit sa lahat ayokong maging kaklase ka...that is not great,"giit ko pa. Ngumiti lang siya sa akin.
Smile bitch.
"I expected you to say that,hmmm...kahit ayaw mo ay wala ka ng magagawa,I already enrolled there at bukas ay magsisimula na akong pumasok,"dagdag niya pa. I just rolled my eyes and sigh.
Char english.
"Why the hell are you telling me that?Do I look like I care?"taas kilay na tanong ko habang naka cross arms pa.
"I know you don't...hmm..mukhang kailangan ko na atang umalis,I guess you don't want me here,"saad niya. Ngunmiti ako sa kanya.
"You guess that right...now get the hell out of my house o ako pa ang kakaladkad sayo palabas?Choose,"nakangiti paring sabi ko. Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at agad na tumayo.
Tumayo na rin ako habang ngumiti ng nakakaasar sa kanya.
"By the way...yung boy na kasama mo sa jollibee,he's not your boyfriend right?"tanong niya. Kumunot yung noo ko pero nakangiti parin ako.
Si Savier? Ano namang kinalaman nun dito?
"I also guess he's not,so may chance pala akong---no you don't...ni isang persyento walang kang chance na makuha siya,"putol ko sa sasabihin niya.
As if naman magpapakuha yun sayo. As far as I know, ako lang ang gusto nun at ibig sabihin nun ayaw niya sa mga higad na katulad mo.
"Hm,at bakit?Babakuran mo ba siya?"tanong niya.
"What if I say yes?Babakuran ko siya...at lahat gagawin ko hindi lang siya mapunta sayo,"giit ko. Huminga siya ng malalim at naglakad na paalis.
Ng makaalis siya ay napabuga ako ng malakas at nakunot yung noo sa pinagsasabi ko kanina.
Ano ba yong pinagsasabi ko kanina? Babakuran?Bakit...nanliligaw ba ako sa kanya? Tss!
Baka isipin niyong may gusto ako dun ah. Kahit wala naman.
Gurl...masyado kang halata.
Anong mahalata?
Kaso...ayaw mo lang talaga aminin na meron.
Anong meron?
Manhid.
ANO BA KASING PINAGSASABI MO?!
Wala akong maintindihan! Like duh!
"Oh iha...nasaan na iyong bisita mo?"tanong ng kakapasok lang na si Yaya. Tinignan ko siya at nginitian bago nagsalita.
Hindi ko yon bisita...siya ang may pakanang pumunta rito at hindi ko siya inimbita kaya hindi yun matatawag na bisita.
Actually...aso yun ng kapitbahay natin ya.
"Nakaalis na po,may lakad pa raw po kasi siya,"pagpapalusot ko. Naniwala naman agad si Yaya.
Umupo ako pabalik at napagpasyahan na manuod nalang ng tv, pampalipas oras at pamatay ng kaboringan.
Isang oras na ang nagdaan at bored parin ako kaya nag desisyon nalang ako na maglakad lakad nalang sa village. Medyo matagal narin kasi nung nalibot ko yung Village...pero hindi buong village.
Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay yaya at pagkatapos nun ay nagsimula na akong maglakad lakad.
Medyo maingay na ang village dahil tanghali na. Maraming tao rin ang naglalakad ang iba naman nag jojogging.
Mabuti pa sila may kasama, samantalang ako...eto, nag-iisa. Gusto kong magkaroon ng aso kaso bawal! Hindi ko nga alam kung bakit bawal eh!
Nakakainis.
-,-
"Ate ate,may candy po kayo?"
Natigilan ako sa paglalakad at nabalik sa ulirat ng may magsalita.
Tiningnan ko yung bata.
ANG CUTE!
Maputi, makinis, chubby, ang sarap pisilin ng cheeks niya at bilog na malaking mata. Jusme! Ang cute cute niya.
"Sorry,pero walang candy si ate eh,"sabi ko pa. Lumungkot naman yung mukha niya.
Nakakaawa.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang ice cream shop.
"Walang candy si ate pero may konting pera ako...gusto mo ba ng ice cream instead of candy?"tanong ko. Nagliwanag yung mukha niya at masayang tumango.
Walang alinlangan kaming pumasok dalawa sa ice cream shop.
Grabe ang bango! Tsaka ang cute ng mga designs! Kawaii!!
"Anong sainyo?"tanong nung kahera.
Heto na naman tayo. Anong samen?Malamang ice cream! Ice cream shop nga diba? May Ice cream shop ba na ang paninda ay puro kape? Tss.
"Ice cream po...isa...uhmm..ano po,bubble gum flavor pooo please,"sabi nung bata sa kahera.
Wow.
"Ang cute mo naman...what's your name?"tanong nung kahera.
"Ashley po,tsaka pwede po bang pakibilisan niyo po kasi nagugutom na po kasi ako po,"sabi pa ulit ni Ashley. Bagay yung name niya sa kanya. Ang cute!
Binilsan nung kahera ang paghahanda ng ice cream. After maibigay kay Ashley yung ice cream ay naglakad na kaming muli.
"Hindi ka ba hahanapin ng mommy mo?"tanong ko pa. Natigil siya sa pag kain at tumingin sa akin.
"Nasa work si mommy,pinabantayan niya lang ako kay kuya handsome...kaso nakatulog siya habang nakikipaglaro saken at sakto naman pong nagutom ako kaya po ako lumabas ng bahay po,"sagot niya at bumalik muli sa pagkain. Nanlaki ng bahagya yung mata ko.
Ibig sabihin ba nun...tumakas siya sa nagbabantay sa kanya?! Eh baka nagwawala na yung nagbabantay sa kanya dahil sa nawawala yung binabantayan niya!
Nako nako...mukhang kailangan niya ng umuwe!
Nasapo ko ang sarili ko noo at hindi makapaniwalang tiningnan siya ng deretso.
"A-alam mo bang bad yun?Alam mo ba sa'n daan pauwe sa bahay niyo?Ihahatid na kita..baka kasi hinahanap ka na eh,"sabi ko pa. Mukha naman siyang walang problema doon dahil agad siyang nagpamaunang lumakad.
Medyo lumalayo na kami ng kaunti sa daan pabalik sa bahay namin kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Hindi pa ako gaanong nakalayo sa bahay ng ganito at hindi pamilyar ang mga bahay dito. Sana lang ay tama ang itinatahak namin ngayon dahil kung hindi parehas kaming malalagot dalawa.
"Sure ka ba na dito banda yung bahay niyo?"mahinahon na tanong ko.
"Opo ate,"aniya.
Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun dahil kinakabisado ko na yung daan para hindi ako maligaw pabalik. Mahirap ng maligaw ako dahil ako nalang mamaya ang babalik.
Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa tumigil na nga siya.
"Dito na po ang bahay ate,"sabi niya habang dinidilaan parin yung ice cream. Napatingin ako sa bahay nila.
Kasinlaki ito ng bahay namin pero iba yung desenyo.
Lumapit ako sa may gate at nag door bell na.
"Next time Ashley,wag ka ng umalis ng hindi nagsasabi sa mommy or sa taong nagbabantay sayo okay?"sabi ko sa kanya habang hinihintay na pagbuksan kami ng gate.
"Okay po ateeee,"sabi niya at muling dinilaan yung ice cream. Ice cream is life.
*WIING*
"Yuwy??"
"Savier??"
Siya ba ang nagbabantay kay Ashley?
"Kuya!!Binilhan po ako ni Ate ng ice cream!!"masayang sabi ni Ashley at patakbong pumasok sa loob.
Di man lang nag good bye.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya.
"Ano kasi..nakita ko kasi yan si Ashley sa daan at sabi niya nagugutom siya kaya binilhan ko siya ng ice cream at nung nalaman ko na tumakas siya ay inihatid ko siya pabalik,"pagpapaliwanag ko pa. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon sa mga sinasabi ko.
"P-pumasok ka muna...baka nauuhaw ka na,tara sa loob,"pilit niyang ngumiti habang klaro namang naawkwardan siya.
Ngumiti lang ako sa kanya kahit medyo halata na awkward yung ngiti ko.
"H-hindi na...hinahanap na kasi ako ng Yaya ko..kitakits nalang sa school bukas bye!"hindi ko na hinintay ang response niya dahil nagmadali na akong naglakad papalayo.
Hindi ko alam na siya pala yung tinutukoy ni Ashley ...grabe namang coincidence to. Haha...wag niyo ring sabihin sa akin na dito rin sa village nakatira yan?...Nakuuuuu...tadhana pinaglalaruan mo ba ako?
Hindi na ako natutuwa sa coincidences na ito ah.
Coincidence lang ba talaga o baka naman itinadhana na talaga?
Tsh...tumahimik ka nga...kahit ano ano nalang pinagsasabe mo diyan. Nakakadiri ka.
Yuck.
To Be Continued...
***
Chapter 29✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top