Chapter 28
Note: 2 chapters to go...hehe...hindi pa po ending...2 chapters to go para mag 30 chapters na ang story. zzzzZzzzzz... -,-
Enjoy reading!! <3
***
Chapter 28
Yuwy's Pov
Para akong tanga na tumititig sa libro ko. Sabi kasi ni Rachel may quiz raw kami kaya eto,nag trying hard study ako.
Pero kahit anong pilit kong iniintindi yung mga nakasulat ay ni isang letra walang pumapasok sa utak ko. Masyado naman kasing occupied yung utak ko!
Iniisip ko kasi kung paano kami magkakabati ni Hailey. Namimiss ko na siya eh. Sa kanilang tatlo kasi...siya ang pinaka-close ko and may iilang sikreto akong alam niya na hindi alam nung dalawa.
Namimiss ko na ang bestfrieeeennddd koooo waaaahhh!!
Patapon kung binitawan yung libro ko at parang tanga na nagtatatalon. Mababaliw na ata ako neto eh! Jusko naman.
"WHAT THE HELL?!"napatigil ako sa pag tatalon ng biglang pumasok si Ate sa kwarto. Ano na namang ginagawa ng isang to dito?Mambubunganga na naman sa ginawa ko kanina sa mall?Tangina.
"Ano bang nangyayari sayo?Kung kelan ka tumanda dun ka naman nabaliw!The hell Yuwy?!Bumaba ka na nga dahil kakain na,baka nagugutom ka kaya ka nagkaganyan...tara na!"malakas na sabi ni ate. Napairap nalang ako.
Gaano ba kami kalayo sa isa't isa? May isang baryo ba ang dipa namin? Dalawang baryo?Tatlo? Putangina lang! Kung magsalita siya ay parang nasa ibang bansa ako habang siya nasa Pilipinas sa lakas ng boses!
Umiling nalang ako at tsaka bumaba na. Ikakain ko na lang to, baka makatulong ang pagkain sa utak ko.
Pagkarating na pagkarating ko sa dining area ay naupo na ako agad at hinintay nalang na ihanda ang ulam.
"Wowiee...beef steak!Yummy,"namamanghang usal ni Kuya. Sinulyapa ko pa siya bago kumuha ng ulam.
Ignorante! Para namang ngayon lang siya nakakain niyan eh nung isang araw ay yan rin yung ulam namin. Ignorante lang?Ganon?Tsk!
Taray mo naman, meron ka ba?
Porket ba nagtataray yung tao eh meron na agad? Di ba pwedeng nababanas lang?Oa ha!Oa lang talaga!
Ng mahain na lahat ng pagkain ay nagsimula na kaming kumain. Nung una ay sobrang tahimik pa pero agad rin itong binasag ni papa.
"So...Yemi,kumusta ang trabaho mo?"tanong ni papa. Napabuntong-hininga ako.
Nandito na naman tayo sa tanong tanong na yan! Wala pa naman akong masagot dahil hindi ako pumasok -___-.
"Actually pa,nakakastress po..pero at the same time masaya,kapag kasama mo mga katrabaho mo,"sabi ni Ate.
Para lang malaman niyo kung anong trabaho ni ate Yemi well, isa siyang nurse.
"Hmmm...how about you Yuri?How's your studies?"baling ni papa kay Kuya. Hindi pa agad nakapagsalita si kuya dahil ngumunguya pa siya.
"It's actually good...and also fun,I had fun learning,"sabi pa niya. Naging mabagal ang pagnguya ko ng tumango si papa at unti unting bumaling sa akin.
It's my turn now.
Ano namang sasabihin ko?...Yung pagpapahirap ng propesor namin sa PE sa akin?Yung pananakit ng balakang ko?Yung pag absent ko sa klase para samahan si Savier? Shete...wag yun, mayayari ako. Tsaka tatanungin ako kung sino at ano si Savier sa akin.
Mahahot seat ako.
"How about you young girl?How's your studies?Hindi ka na ba sumasali sa gulo?"tanong ni papa. Hindi ako naging kumportable sa tanong niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
I glance at kuya at nakatingin siya sa akin pero agad ring umiwas. Alam niya kung anong nangyari at kapag nagsinungaling ako may possibility na sabihin niya ang totoo sa kanila,lalo na't we're not in good terms right now kasi inaway niya ako.
Yumuko ako at ininom ang tubig ko.
Hindi pupwedeng malaman ni papa na nagskip ako ng klase dahil talagang magagalit siya. Hindi na nga kataasan mga marka ko may gana pa akong umabsent.
"P-pa---Mabuti ang pag-aaral niya pa,nakita ko siya sa classroom nila na tutok na tutok sa discussion ng professor nila,"nagulat ako sa biglang pag sabat ni kuya.
I didn't expect him to lie! Akala ko...akala ko ilalaglag niya ako!
"Really?How did you see her when you are in different buildings?"nagtatakang tanong ni papa.
"Tapos na ang klase namin nun pa and dapat ay susunduin ko si Yuwy pero pagdating ko sa classroom nila ay nagkaklase pa sila,"sagot ni kuya ng walang pag-aalinlangan.
"Ahh...that's good,"sagot ni papa. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya at pagkaguilty.
Nahihiya ako kasi hindi ko pinansin si Kuya at naging masama ako sa kanya at naguiguilty dahil kahit na hindi ko siya pinansin at naging masama ugali ko towards him ay nagawa niya parin akong tulungan....Huhuhu...kaya hindi ko matiis si kuya kasi ang bait bait niya sa akin! Waahhh sorryyyyyyyyy!
Nagpatuloy na kami sa pagkain, pagkatapos ay dumeretso na ako sa kwarto at agad na naligo at nagbihis ng damit na pantulog.
Nakaupo ako sa study table ko at pilit ko pa rin na iniintindi yung nasa libro. Lalabas raw kasi to sa quiz bukas eh!
Hayss...mag focus ka Yuwy! Mamaya mo nalang isipin yang problema mo at unahin mo muna yung pag-aaral mo! Graduating ka na kaya mag-ayos ka tangina!
Kahit magstudy ka bagsak ka parin naman.
Hoy! Kung makapagsalita ka naman! Eh kung tulungan mo nalang kaya akong intindihin to kesa pagsalitaan mo ako ng ganyan! Minamaliit mo ako!
Kainis to.
Kapag ba kinain ko yung libro malalaman ko na lahat ng sagot?
Engot. Sabihin mo nalang kasi na tamad kang mag-aral! Advice teh, kung ayaw mong magstudy pwes makinig ka ng mabuti sa propesor mo!
Nakikinig naman ako eh...kaso nga lang lumalabas siya kabilang tenga ko o hindi naman kaya masyadong occupied yung utak ko kaya walang pumapasok! Grrr...nanggigil ako.
Ang sarap mag absent bukas! Waaaahhh!! Kung hindi lang sana ako graduating student eh malamang...second day of school pa lang umabsent na ako. Nakakatamad kaya!!
Sabi ko naman kasi sa inyo dati na kami yung mga estudyanteng walang patutunguhan sa buhay.
Antatamad kasi nameeeen. Aminin niyo ganon rin kayo...nagsisipag lang kayo para makita si crush. Kasi ang otor neto ay ganon eh.
(Nilalaglag mo ko?Gusto mo matanggal?)
Sabi ko nga hindi.
Anyways...let's go back to the story.
Naiinis na talaga ako.
Nang dahil sa inis ko ay naisara ko ang libro ko at sinabunutan yung sarili ko. Bakit ba walang pumapasok ni isang salita man lang?! Nakakainis yung todo effort ka sa pag study pero sa huli ay wala kang matutunan.
Nakakabwisit yun eh.
*Tok Tok Tok*
Tumayo ako at binuksan yung pinto.
"Iha ba't gising ka pa?"gulat na tanong ni Yaya.
"Nag-aaral pa po kasi ako...uhmm,ano pong kailangan niyo?"pang-iiba ko ng topic.
Mas magandang deretsuhin na para hindi tumagal ang usapan. Medyo nakaramdam narin kasi ako ng antok eh.
"Ibibigay ko lang itong damit mo na tapos ko ng nilabhan,"aniya. Napa-ahh ako at agad na kinuha mula sa kanya yung mga damit.
"Ako nalang po maglalagay nito sa cabinet,magpahinga na po kayo,"sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya.
"Sige iha,mauuna na ako,"huling sabi niya bago umalis. Isinara ko na yung pinto at naglakad papuntang cabinet ko.
Pwede naman niya itong ibigay bukas ng umaga. Nag abala pa siyang umakyat rito sa kwarto ko, baka mas lalo lang siyang mapagod.
Pagkatapos kong mailagay ang mga damit ko ay nag unat unat pa ako bago ako humiga sa kama ko.
Idadaan ko nalang to sa tulog. Mmm..baka bukas may papasok na sa utak ko. Isasantabi ko muna yung problema namin ni Hailey, saka na lang yun pagkatapos nung quiz.
Pumikit na ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog. Dala siguro to ng pagod kaya ako madaling nakatulog.
× KINABUKASAN ×
"Hmmm..."
Minulat ko yung mata ko at napatingin tingin pa sa paligid bago bumangon. Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan nagmumula ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa araw.
Tirik na tirik na ang araw pero hindi ko masisisi yung sarili ko na magising ng tanghali dahil lang sa masarap yung tulog ko.
Kahapon naudlot yung tulog ko kaya binawi ko ngayon. Kung pupwede lang na hindi na ako magising at matulog nalang magdamag, gagawin ko talaga.
*tok tok*
Sino na naman kaya to?
"Pasok,"malumanay na sabi ko. Bored akong tumingin sa pintuan habang unti unti itong bumubukas.
Kakagising ko lang kaya medyo hindi maganda yung boses ko.
Maganda boses mo? Kelan pa?
Tumahimik ka nalang diyan! Kakagising ko pa lang pero bubwisitin mo na ako agad.
"Iha,may bisita ka sa baba,"sabi ni Yaya.
Bisita? Sino naman?
"Ahh sige po,pakisabi nalang po na baba ako after 10 minutes,"malumanay paring sabi ko.
Maliligo pa ako. Nakakahiya naman kung haharap ako ng ganito sa harap ng bisita ko. Kelangan bongga at fresh ako.
"Sige iha,maghahanda nalang ako ng kakainin niyo,"aniya at lumabas na. Bumaba ako sa kama ko at nag unat unat pa.
Nakakatamad maligo.
-____-
Pero wala akong choice.
Kumuha ako ng damit sa cabinet at agad na pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magtooth brush ay inayos ko yung mukha ko at buhok.
Kailangan presentable akong haharap sa bisita.
Pagkatapos kong gawin lahat ng kaekekan ko ay bumaba na ako para ma-meet yung bisita na pinaghintay ko ng 10 minutes.
"Ya,nasa'n napo yung bisita ko?"tanong ko kay Yaya. May dala dala siyang tray na may laman na 2 slice ng cake at 2 baso ng juice.
"Nasa banyo iha,bigla kasi siyang tinawag ng kalikasan eh,pero alam kong palabas na yun,"sabi niya pa. Tumango lang ako at naglakad na kasabay niya papuntang living room.
Doon ko nalang siya hihintayin. Oo, ako na naman yung maghihintay sa kanya.
"O sige iha,doon muna ako sa likuran ha---Tapos na po akong gamitin yung banyo,nandiyan na po ba si Yuwy?"biglang may nagsalita kaya hindi natapos ni Yaya yung sinabi niya. Natigilan ako sa kinatatayuan ko dahil sa boses na narinig ko.
Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Anong kailangan niya?
Unti unti akong lumingon at gulat na gulat na tumingin sa mukha niyang nakatingin lang sa akin ng walang kaemo-emosyon.
"G-gwyneth?"
To Be Continued...
***
Chapter 28✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
Isang walang kwentang update :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top