Chapter 26 (Original)

Chapter 26 (Original Chapter)

Yuwy's Pov

*Ting Ting Ting....WAKE UP!!!!!*

0_0

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng pagkakatunog ng alarm ng cellphone ko.

Putakte...Emergency ka ghorl?

Kainis naman! Sino ba nag set ng alarm ko eh sabado naman ngayon?!

*Kreeek*

"Good morning lil' sis,magbobonding tayo ngayon kaya bumangon ka diyan at maligo!!"masayang sambit ni Ate.

"Ng ganito ka aga?Wag niyo nalang akong isama..for sure sa mall na naman tayo pupunta,paulit ulit nalang!Tskkkk!!"inis kong sabi. Napakamot pa ako ng ulo dahil sa inis.

Wala akong kuto gais.

-______-

"Gash...anong hindi isama?Bonding natin tong mag family atsaka saan mo pala gustong pumunta?Wala na naman tayong ibang choice kung hindi sa mall diba?"medyo nagsusungit na tanong ni Ate. Palihim na kumunot yung noo ko para hindi mapansin ni ate na naiinis ako.

Tss...anong walang ibang choice??Pwede naman sa Zoo or sa Amusement park or mag swimming sa pool or beach...o di naman kaya kumain nalang sa labas na hindi sa mall.

Bakit pa ba kasi kailangan na mag family bonding??Arrrgghh.

Inaantok pa naman ako.

"Kahit ngayon lang,ayokong sumama!"inis na sabi ko.

"No,kailangan mong sumama...family bonding nga diba?Matatawag mo ba yung family bonding kung may isang myembro ng pamilya mo ang ayaw or hindi sumama??"mataray na sagot niya pa.

Tsh!

Edi wag nilang tawaging FAMILY yung bonding! Tsaka kung sasama naman ako eh ano namang gagawin ko sa mall?Magbili bili ng kung ano ano at magtingin tingin sa mga stores?? Wala lang mang bago! Paulit ulit!

"Basta ayoko,gusto kong matulog buong araw!Ayokong umalis ng higaan ko!"pagmamatigas ko pa. Napa buntong hininga si Ate at nagsalubong yung kilay niya.

"Then fine,wag kang umalis diyan sa higaan mo hanggang mamaya!Idikit mo nalang sarili mo sa higaan mo,gusto mo bigyan pa kita ng super glue para sure na sure na hindi ka talaga mahihiwalay diyan sa kama mo?Ha,ano,sagot!"singhal niya. Bumalik ako sa pagkakahiga at tinabunan ng unan yung ulo ko.

Kung yan ang gusto mo edi mas maayos! Kaya ko naman hindi umalis dito sa higaan ko.

"Ugh!That's your choice Yuwy!Bahala ka na diyan!"inis na sabi niya at padabog na lumabas ng kwarto ko.

Hay salamat...at sa wakas! Katahimikan at kapayapaan!

*Kreeek*

-__•

ugh!

"Ate naman sinabing ayaw kong sumama eiiiihhhhh--"

Masamang masama ang tingin ni Papa sa akin. Ang sama ng titig niya,kung makakapatay lang talaga yung tingin eh malamang kanina pa ako patay.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga.

"Sino naman tong lalakeng humalik sayo?Boyfriend mo?Bakit hindi ka man lang nagsabi sa amin ng mama mo na may boyfriend ka na pala...sa'n ko siya pwedeng makita?Gusto ko siyang makilala.."malumanay na sambit ni papa.

Boyfriend...?Ha?Sinong---

WAAAAAHH KUYAAAAAAA!!!

"N-nagkakamali po kayo pa,wala po akong boyfriend..a-ano po umm..isa lang po yung fictional character na naikwento ko kay kuya na nakahalikan ko sa panaginip ko po hehe,"utal utal pang sabi ko. Tumaas yung kilay niya na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

Shuta.

Nang dahil lang sa ayaw kong sumama sa family bonding eh ibubulgar na ni Kuya yung sikreto na dapat kaming dalawa lang ang nakaka-alam??Tangina naman.

"Totoo po yun,kung hindi kayo naniniwala...sinasabe ko po sa inyo na totoo yun..hehezz,"dag dag ko pa. Unting unting kumunot ang noo ni papa.

"Talaga lang ha,dahil kapag nahuli kitang nagboboyfriend ng hindi sinasabi sa amin,ipapadala ka talaga namin sa---"

"Yes oh yes,totoo po yun at kung mag boboyfriend man ako which is impossible,sasabihin at sasabihin ko po talaga sa inyo..kayo po ang unang makakaalam,mas uunahin kong sasabihin sa inyo kesa sa boyfriend ko na may boyfriend na ako,"nakangiting singhal ko. Napangiwi si papa atsaka napailing iling din.

"Siguraduhin mo lang yan,dahil kung hindi malalagot ka talaga sa akin,"banta niya.

Tumango lang ako as my response at ngumiti ng pagkalaki laki. Maniwala ka na ngayon pa.

No one can resist my charms.

"Magbihis ka na, may lakad tayong magpamilya,"aniya. Napawi ang mga ngiti ko at bagsak ang balikat na sumang-ayon.

Lumabas na si papa ng kwarto pagkatapos at dun ko na inilabas ang inis ko.

Sinabi ko nga na ayaw kong sumama eh! Ganon na pala yung way nila para mapasama ako? Isusumbong nila ang mga sikreto kay mama at papa! Kung ganon pwes...gaganunin ko rin sila pagdating ng panahon!

Hindi kasi nila ako naiintindihan ehhh...hindi nila alam kung gaano kapagod mag sulat...yung kamay ko nagrereklamo na sa akin bakit ko raw siya pinapagod! Eh alangan naman kasi yung paa ko yung gamitin ko diba? Tsk!

Binilisan ko na ang pagbihis dahil ayokong PINAGHIHINTAY sila.

"Oh ready na ang lahat...tara na sa mall!"masayang sambit ni Ate.

Mabuti pa siya masaya..eh ako parang pinagsuklaban ng langit at lupa. Hindi maipinta ang mukha.

"Fasten your seatbelt,"giit ni pa ni kuya. Sinulyapan niya pa ako bago pinaandar ang sasakyan.

Wag mo kong tingnan kung ayaw mong lugitin ko yang mga mata mo! Nakakainis ka! Akala ko pa naman safe yung secrets ko sayo. I trusted you! Pero sinira mo ang tiwala ko sayo! Nakakainis ka. Next time, hinding hindi ko na ipagsasabi yung mga sikreto ko and I will never ever talk to you again!

"Nako ma, I'm sure na marami ka na namang mabibiling gamit para sa pagbebake mo,"masayang sabi ni ate na katabi ni Kuya.

"Ah yes,actually gusto kong bumili ng bagong oven kasi yung oven na binili last month ay hindi na gaanong gumagana...minsan kahit hindi pa tapos mabake yung cupcakes ay naooff siya kaagad, and last month pa yun nabili kaya bago pa!"sabi pa ni mama.

"Sabi ko naman kasi sa inyong yung good quality ang bilhin niyo,"si Ate.

"Pero it's too expensive,tsaka hindi naman ako always na nagbebake,kung kelan lang ako may free time,"sabi ni mama.

Tss...hindi naman pala always mag bake pero bibili ng oven? Eh kung ipaayos niya nalang kaya yung dating oven para hindi na kami lumakwatsa pa! At kung yung oven lang din naman pala ang sadya sa mall eh pwede namang si Ate at mama nakang ang pumunta ng mall!

Nandamay pa eh kitang kita na ang sarap sarap ng tulog ko!

"Ako rin,gusto ko ring bumili ng bagong  sapatos at wrist watch,"sabat ni papa.

"New shoes and watch?Eh andami dami mo nang sapatos hon,then yung relo mo na suot mo ngayon ay kakabili ko lang last last week,"parang hindi makapaniwalang sambit ni mama.

"Bibili ako ng bagong sapatos para pang jogging ko every morning then yung watch naman na bibilhin ko ay ipangriregalo ko sa kumpare ko na magbibirthday,"sabi pa ni papa. Napairap lang ako.

Ang special naman ng kumpare niya,relos pa talaga yung ibibigay..samantalang ako kahit tulog lang ay hindi maibigay! Tch!

"Ako gusto kong bumili ng new mac book..kasi gusto kong ibigay yung old na mac book kay Genji,"ani kuya.

Genji is our cousin,lahat ng mga old na gamit ni kuya ay napupunta sa kanya kaya hindi nasasayang.

"Ang bait mo talaga kahit kelan anak,"nakangiting sabi ni mama.

"Hahaha,di na kayo nasanay ma,"natatawang sabi ni kuya.

May nakakatawa dun? Ano?Happy happy?

Sanaol happy...edi kayo na happy!

"Eh ikaw Yuwy,anong gusto mong bilhin?"tanong ni Kuya. Inis ako na tumingin sa labas ng bintana.

Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko siyang kausapin at paninindigan ko yon!

Bahala ka diyan sa buhay mo..kausapin mo yung hangin.

"Yuwy??"

Yuwy Yuwy...Yuwy mo mukha mo!

Naiinis ako sa inyong lahat! Hindi ko kayo kauusaping lahat! Bahala kayo diyan!

"Yuwy Charmaine,kinakausap ka ng kuya mo,wag kang bastos,"maawtoridad na sabi ni papa. Palihim akong napairap.

Hindi ako nambabastos..ginagawa ko lang kung ano yung nararapat! Ginagantihan ko lang siya!

Ginalit niyo ko kaya wag niyo kong sabihan ng bastos. Alam niyo kung pano ako magalit!

"Hayaan mo nalang siya dad,"sabi ni Kuya.

Nang makarating kami sa mahiwagang MALL ay agad na ipinark ni kuya ang sasakyan at pagkatapos ay pumasok na kami sa mall.

"Sa'n tayo uuna?"tanong ni Ate.

"Sa appliances,bibili ako ng oven,"sambit ni mama. Gaya ng sabi ni mama ay sa appliances nga kami nagtungo.

"Ang laki laki nung tv ma oh,"si Ate parin.

"Tss...aanhin naman natin yang tv ate?Tsaka saan no pa ilalagay yang tv?"tanong ni Kuya.

"Wala naman akong sinabing bilhin natin...duhh,tara na nga sa oven section!"mataray na sabi ni Ate.

-____________-

"Andaming oven ma,mukhang matatagalan tayo,"nag-aalangang dagdag ni ate.

Napatingin ako sa relos ko. Maaga pa naman, pero feeling ko nagugutom na ako. Hindi naman super gutom, pero gusto ko ng umalis at kumain.

"Aalis muna ako,"tipid na sabi ko. Hindi ko na sila hinintay na sumagot at naunang ng maglakad.

Medyo naging magaan yung pakiramdam ko. Naiinis parin ako. Sabihan niyo na akong oa pero alam ko naman na karamihan rin sa inyo ay ganito rin. Wag ng mag hugas ng kamay, huli ko na kayo eh.

Grabe, ang crowded ng mall...kaya pala sa mga movies na napapanood ko ay dito minsan nagaganap yung bombahan.

May nakita ka bang mall na walang tao?

Sabi ko nga wala. -____-

Dumeretso ako sa ground floor, dahil andoon yung mga food stall, kaharap ng grocery store.

Ano bang masarap kainin?...Siomai or siopao? Siopao nalang para mas malaki then...coke.

"Ano pong inyo ma'am?"tanong nung kahera.

"Siopao,"

"Anong klaseng siopao ma'am?"

"Yung nakakain," -_______-

Napangiwi yung kahera.

"I mean,anong flavor po ng siopao,"

"May strawberry flavor ba?Kung meron yung nalang,"medyo naiinis na sabi ko.

Tangina mo ate.

"Kahit ano nalang po siguro hehe,wala naman po kaming strawberry flavor,"parang nahihiyang sambit niya.

"Dagdagan mo na rin ng maraming ketchup at isang inumin,"dagdag ko pa.

"Anong inumin po?"tanong niya ulit. Putang ina! Nag-iisa na nga lang yung inumin niyo na binibenta nagtatanong ka pa.

Sapak ate, you want?

"Yung naiinom ate, yung walang lason...okay na ba?"naiiritang sabi ko pa.

Sino ba naman kasi ang hindi maiirita! Eh kitang kita na coke na nga lang yung natitirang inumin nila! Jusko naman marimar!

"57 po lahat,"aniya. Inabot ko na agad yung bayad ko at naghanap ng pwedeng maupuan.

*Munch Munch* 

Masarap...lasang chicken...Chicken asado ba to? Kasi kung oo...favorite ko to.

*Beep Beep*

-_________-

Yan na nga ba eh...sa tuwing maganda na yung moment mo,may dadating talagang malaking imbyerna na sisira sa magandang moment mo. Kainis.

Wala na akong choice kundi ang basahin yung text.

From: Ate Yemiming
Yuwy nasaan ka ba?Tapos ng bumili ng oven si mama kakain na tayo.

Taena.

Ngayon pa talaga na nakakain na ako? Ang gandang araw naman. Badtrip.

Ba't ba ang malas malas ko!!!!!Waaaahhh!!!Bwisittttt!!!!

To: Ate Yemiming
tapos nakong kumain..kayo nlng.

Syempre, dahil naiinis nga ako sa kanila paiiralin ko muna yung pagiging maldita ko. Sayang naman kasi yung acting actingan ko kanina kung bibigay lang din naman ako!

Dakilang maldita yata to.

"Omg---Yuwy?..Yuwwwyyyy!!!"

0__0

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Kung hindi ako nagkakamali, ay parang kaboses niya yung ate ni Savier. Si ate Sabrina.

"Yuwy, hi!"bati ni ate Sabrina. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.

Nakakailang naman to.

Ginantihan ko nalang siya ng ngiti at ibinaba ang pagkain ko.

"Mag-isa ka lang ba?"tanong niya.

"H-hindi naman,kasama ko buong PAMILYA ko,pero humiwalay ako kasi bibili daw sila ng appliances eh naboboringan na ako,"palusot ko pa. Tumango lang siya.

"Eh ikaw po?May kasama po ba kayo?"tanong ko pabalik.

Actually, wala akong pakealam kung may kasama siya o wala. Tinanong ko lang siya para fair kami, tinanong niya ako, tatanungin ko rin siya. Simple as that.

-____-

"Sa totoo meron, kasama ko ang magaling kong kapatid, kaso...gaya mo,humiwalay rin siya sa akin at nawala...ngayon magpapaload pa ako para matext or matawagan ang gunggong na yun,"medyo naiistress na sambit niya.

Ah so...kasama niya pala si Savier?Hmmm...sa'n naman kaya nagpunta ang lalakeng yun?

Ba't mo tinatanong?

Wala lang...baket,bawal bang magtanong?Curious lang naman. Akala ko mga tao lang ang maissue, pati rin pala yung bulate sa utak maissue rin.

"Kasama mo ba kuya mo?"bigla niyang tanong.

Hayss...ano bang ibig sabihin ng kasama ko ang BUONG PAMILYA ko? Alangan naman maiwan siya tama? Ako nga di nila pinayagang iwanan, siya pa kaya na tagadrive ng sasakyan.

"Oo...pero ngayon,hindi ko siya kasama kasi nga humiwalay ako sa kanila,"medyo pabalang na sagot ko pero di ko gaanong pinahalata. Tumango lang ulit siya at ngumiti...NANAMAN.

(Ano bang meron at mahilig ngayon magcopslock ang abnormal na otor?)

Kakagatin ko na sana yung siopao ko ng bigla nalang sumigaw yung ate ni Savier.

-_____-

"SAVIER!!HEY SAVIER!YO SAVIER!LIL' BRO!OVER HERE!"

Tangina naman...ang lakas lakas ng boses. Hindi niya ba alam na mall to?Nakakahiya! Kung makasigaw parang abot hanggang kabilang mall yung boses niya!

Walang kibo kong nilingon ang direksyon na tiningnan niya....

0__0

To Be Continued...
***
Chapter 26 (Original Chapter)✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top