Chapter 25
Note Note Note: So ok...gusto ko lang maglagay ng note bakit ba?..yun lang thanks.
***
Chapter 25
Yuwy's Pov
"Long time no see!"
"Gwyneth.."mahinang sambit ko.
Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa harapan ko ngayon. 12 years na ang nakaaran at hindi ko inaasahang makikita ko siya dito ngayon.
"Akala ko ay nakalimutan mo na ako bestfriend!"nakangiting singhal niya. Hindi ko magawang ngumiti imbes ay kumunot lang noo ko.
Bestfriend? Ha!
"Paano naman kita malilimutan 'EX' bestfriend?"may diin pang sabi ko. Natigilan pa siya sandali.
"Yeah right,kung hindi mo ako makalimutan mas lalo na yung mga pangyayaring nagawa ko sayo noon,"sarcastic niya pang sabi.
-____-
Hinding hindi ko talaga makakalimutan yun...ikaw yung reason kung bakit ako naganon.
Kung hindi mo lang sana ako pinabayaan noon,siguro ay hindi ako takot sa backbones na nababangga sa kung saan. Siguro rin ay hindi ako nakidnap nung time na yun at siguro rin ay magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon..siguro rin ay normal akong nabubuhay ngayon...kung hindi mo lang kasi sana ako pinabayaan!
>____<
Napapikit ako sa mga naalala ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Umalis ka na,"mahinahon kong pakiusap sa kanya. Ngunit hindi siya gumalaw na mas lalong ikina-inis ko.
Bingi ba siya o hindi lang talaga makaintindi?!
"Ang sabi ko umalis ka na,"pang-uulit ko.
"Bakit mo ba ako pinapaalis?Gusto lang naman kitang makausap dahil sobrang tagal nating hindi nagkita--Wala akong pake,just leave..."putol ko sa sasabihin niya.
"You can't just tell me what to do...at hindi mo rin ako pwedeng paalisin dito dahil I'm also a costumer here...hindi naman ikaw ang nag-mamay ari ng restaurant nato kaya wala kang kakayahang paalisin ako,"sabi niya pa.
Damn...ayoko ng gulo. Ba't ba hindi makaintindi ang isang to?
"Kung ayaw mong lumabas sa resto na to,nakikiusap ako sayong umalis ka sa harap ko at maghanap ka ng lamesang malayo sa akin...dahil ayokong nakakakita ng parasite!"inis na sabi ko pa.
"Wow..just because of that incident,you changed,sa tingin ko ay hindi na mababalik pa ang kung ano man meron tayo dati,I guess hindi ka pa nakakaget over don,"aniya. Kapal kapal rin naman ng mukha neto!
Talaga namang hindi na kami babalik pa sa dati!At ayoko na rin siyang maging kaibigan!
"Umalis ka na sa harapan ko,"malamig na tugon ko. Hindi siya sumagot pero umalis na rin namang agad.
Aalis rin naman pala inistress pa ako! Tangina.
"Kakilala mo yun?"biglang tanong ni Savier. Medyo nagulat pa ako ng bahagya pero hindi ko yun pinakita sa kanya.
"Hindi..kaya nga kami nag-usap diba?"sarkastikong sabi ko pa.
"Nagtatanong lang ako hindi mo naman kailangang magalit,"sabi niya pa. Napabuga ako ng hangin.
"Nagagalit ba ako??"inis na tanong ko.
"Yes you are,sa pananalita mo palang,klarong klaro na galit ka,"pormal na sabi niya. Napatungo ako dahil napahiya ako ng konti sa sinabi niya.
Mabuti nalang at hindi malakas ang pagkakasabi niya at wala masyadong tao.
Namuno ulit ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa dumating na sina Kuya na dala dala ang order namin.
"Let's eat people,I'm hungry,"masayang sambit pa ng ate ni Savier. Ngumiti lang si Kuya sa kanya habang kaming dalawa ni Savier ay nakatingin lang sa mga pagkain namin.
Natapos kaming kumain na puro ate ni Savier at si Kuya lang ang nag-uusap, pero mas lamang parin ang boses ng ate ni Savier. Panay rin ito ng ngiti...hindi mo talaga maitatanggi na magkapatid sila.
Yan ata ang trade mark ng kanilang pamilya.
"Salamat sa ride Ring,"ani ate ni Savier. Kumunot yung noo ko ng bahagya.
Ring??Familiar..
"Welcome and goodbye..."maikling sabi ni kuya. Nginitian lang siya ng ate ni Savier bago muling pinaandar ni Kuya ang sasakyan.
Ngayon ay kaming dalawa nalang ni kuya ang nasa loob ng sasakyan. Nasa likuran parin ako kaya hindi ko gaanong makita ang itsura ni Kuya ngayon, pero base sa aura ng paligid ay seryosong seryoso siya.
"Explain,"paninimula ni kuya. Napabuntong hininga lang ako.
Wala akong ganang mag-explain pero kapag hindi ako nag-explain magiging mali ang pag iintindi niya.
Hayy..
Sinimulan ko sa pinakaunang nangyari,wala akong minimiss na details..lahat lahat ay sinabi ko kay kuya. Kinakabahan ako tuwing sinasabi ko yung may chuchu na part kasi sumeseryoso bigla mukha niya pero may part din sa akin na medyo gumaan dahil siguro nasabi ko na lahat lahat.
Eksaktong natapos ako sa pagpapaliwanang nung makaabot rin kami sa bahay.
Agad kaming sinalubong ni mama,kasunod ay si papa...wala pa si ate.
"Ang tagal niyo naman ata,"nagtatakang sabi ni mama. Hindi agad kami nakasagot ni kuya.
"Traffic po kasi ma,tsaka matagal rin lumabas itong anak niyo,"seryoso pa ring sabi ni Kuya. Nakahinga ako ng maluwag.
Akala ko ay sasabihin niya kay mama na nagskip ako ng klase dahil nasa clinic lang ako...mabuti nalang talaga at hindi sinabi ni kuya dahil kung hindi malalagot ako.
"Ganon ba?Sige kumain na kayo,"aniya pa.
"Kumain na rin po kami ma,"maikling tugon ko. Sinulyapan ko pa si kuya na nakaupo na sa sofa..hindi siya nakatingin sa akin dahil nakapikit siya.
"Ganon rin ba,sayang naman yung niluto ko...pero ayos lang,mabuti naman,sige magbihis na kayo sa itaas,"sabi ni mama na agad naming sinunod.
Kapagod! Medyo nawawala na yung sakit ng paa ko,pero may kaunting kirot parin kapag nabibigla ito ng galaw kaya dahan dahan lang ako kung maglakad.
Tssssssss....hindi naman sana ako magiging ganito kung hindi ako pinahirapan ng guro nayon!
Naupo ako sa kama ko at bigla nalang naalala ang kanina.
Nakakaguilty parin yung nangyari kay Savier,hindi ko alam pero feeling ko ay may kasalanan rin ako kung bakit siya nabugbog.
Hayy...
Yung kanina naman sa Jollibee...hindi ko inexpect na doon ko siya makikita,sa lahat ng lugar na pwede naming pagkakitaan eh don pa talaga. Akala ko ay hindi ko na siya makikita pang muli simula nung araw na yon...pero impossible naman mangyari yun,ang liit liit ng mundo at sadyang mapaglaro rin si tadhana.
Siya na ata ang pinaka-kinamumuhian kong tao sa buong mundo. Tuwing makikita ko siya ay parang gusto ko siyang mabura sa mundo. Medyo harsh,or sabihin nating super harsh..pero masisi niyo ba naman ako,right?
Napapikit ako ng mariin tsaka agad na tumayo.
Ililigo ko nalang to, baka sakaling marefresh ng kaunti yung utak ko.
Kinuha ko sa cabinet ko yung pantulog ko at agad na pumasok sa banyo. Hinubad ko na agad ang damit ko pagkapasok at agad na naligo.
Savier's Pov
"Jusko iho,ano ba ang nangyari sa iyo??Alam mo bang sobra ang pag-alala ng mama at papa mo sayo?Jusko kang bata ka!"nag-alala pang sabi ni Yaya.
Napakamot ako ng ulo ko.
Hindi ko naman kasi alam na pikunin yung mga yun kaya nagkaganon. Hindi ko naman ata kasalanang pikon sila.
-,-
"Diyan ka lang at paglulutuan kita ng noodles,"aniya. Pinigilan ko siya at sinabing busog pa ako,pero sa huli ay nabigo ako.
"Makinig ka nalang,kailangan mo rin ng mainit na sabaw,kasalanan mo rin naman yan,"litanya ni ate. Napairap lang ako.
Tch!
Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi ko kasalanang pikunin yung mga yun,okay???Tangina...listen to me!
Pano makikinig sayo kung di ko naman sinasabe?
Ewan! Pati ba yun poproblemahin ko pa?Tsk!
"By the way...kaano ano mo yung babae dun kanina?"tanong niya pa. Kumunot yung noo ko.
"Sinong babae?"
"Tangina mo naman,yung babae dun sa clinic!Jusmiyo baka pati ulo mo napuruhan ah??"inis niyang sabi.
Si Yuwy ba??
"Wala...kaklase ko lang yun!Bakit ba?!At yung kuya niya naman...kaano ano mo?Ha?"tanong ko pabalik sa kanya.
"Wag mong paikutin ang lamesa!Ikaw tinatanong ko!"sigaw niya pa.
>____<
Hindi ba kami makakapag-usap ng maayos ng hindi nagsisigawan?Tae.
"Sinagot ko na tanong mo ate!Ikaw na ngayon tatanungin kooo!"sigaw ko rin pabalik.
"Hindi yun ang sagot na gusto kong matanggap!Sagutin mo yun ng maayos!"
"Sinagot ko yun ng maayos ate!Sadyang ikaw lang talaga ang hindi nag-iisip ng maayos!"
"Ay nako!Wag na wag mo akong sisigawan!"
"Haaa!!Ngayon mo pa talaga napansin yan?Eh kanina pa tayo nagsisigawan!"
"Eh wag mo nga akong sigawan boii!"
"Wag mo rin akong sigawan!"
*KRINK*
"Savier anak!"sigaw ni mama. Mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni mama kaya medyo hindi ako nakahinga ng maayos.
Aray...
"Oh my,what happen to you?Sinong gumawa sayo nito?Sino?Tatawag na ba ako ng police at ipapadakip na natin yung mga gumawa nito sayo?"natatarantang tanong ni mama. Ngumiti lang ako sa kanya,kahit pilit lang..gusto ko kasing ipakita kay mama na okay lang ako.
Ket medyo masakit yung panga at ang bewang ko.
"Wag na ma,okay lang po ako,"paninigurado ko pa. Nginitian niya lang ako.
"Sandali lang,magbibihis muna ako pagkatapos ay ipaghahanda kita ng pagkain---No need mom,pinagluto na po siya ni Yaya ng noodles and nakakain na po yan bago kami nauwi,"medyo mataray na sa sabi ni Ate. Bumuntong hininga si mama at ngumiti ulit.
"Sige,magbibihis na muna ako and after that sasabayan kita sa pagkain,while ineexplain mo sa akin ang nangyari...okay?"sabi niya. Hindi pa ako nakasagot ay tumayo na siya at agad na umakyat papunta ng kwarto niya.
Aaaahhh...ano ba dapat ang sasabihin ko??Wala akong alam na pwedeng isabi ko kay mama!
Tiningnan ko si Ate na busy kakalikot ng cellphone niya. May kachat to,alams na.
Sanaol may kachat.
"Wag mo akong tingnan dahil wala kang makukuhang tulong mula sa akin,"sabi niya na sa phone pa rin ang paningin.
Hindi pa nga ako nakakapagsalita, pinangungunahan na ako.
Hhaaaaaayysss...ihanda mo nalang ang sarili mo sa paliwanag mo mamaya dahil sigurado akong kakagalitan ka ni mama at papa.
-,-
To Be Continued...
***
Chapter 25✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top