Chapter 23

Note: hehe..sana magustuhan niyo ang chap nato. Enjoy~
***
Chapter 23

Savier's Pov

Akala niyo lang yun...pero ang totoo kanina pa ako gising. Muehehehehehe..narinig ko lahat ng usapan nila kanina at bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay kinakabahan ako.

Ewan ko ba!

"Hoi lalake,wag mo akong maarte arte diyan dahil hindi mo ako madadala sa acting mong tulog tulugan,psh!"

0__0

Ako ba kinakausap ni Ate?!

Malamang! Ikaw!Eh wala naman ng ibang tao dito kundi kayo lang!

Minulat ko ang mata ko at tumambad na agad sa akin mukha ni ate na naghihintay ng paliwanag while nakacross arms pa.

"At--naghihintay ako,bilisan mo bago kita tuluyan diyan,"maawtoridad na sabi niya. Napalunok nalang ako

Ano bang sasabihin ko?!Jusko naman...kakagising ko lang eh.

"Magpapaliwanag ka o babalian kita ng buto?!"singhal niya pa. Napalunok akong ulit.

Grabe talaga tong babaeng to!Napakabrutal!Shhhkkk!

Kanina lang ay napakabait niya nung nandito pa si Yuwy at talagang may gana pang mag english! Pero kapag ako yung kasama niya ay ganito ganito lang!

"H-hindi ko a-alam kung papaano magsimula,p-puwede b-bang sa bahay nalang a-ako m-magpaliwanag----SHUT UP!"naitikom ko ang bibig ko ng bigla siyang sumigaw. Peste naman.

>___<

"I want your explanation now!Bakit sa bahay pa kung pwede naman dito?Ano bang pinagkaiba ng pagsabi mo dito at sa bahay?!"singhal niya na nakapamewang pa. Lintek naman.

"E-eh kasi...w-wala akong gaanong---"

"Walang ano?!"sigaw niya na naman. Tae, ang lapit lapit lang namin sa isa't isa pero kung makasigaw siya eh parang isang baryo ang layo naming dalawa!

"A-ahh...n-nagugutom ako---I DON'T CARE!"sigaw niya ulit. Arrghh!!Nakakarindi naaaa!!

Napapikit ako at pilit na pinipigilan ang inis ko. Grabehan!

"Explain everything,pagkatapos ay dun ka pa makakakain!"singhal niya pa. Peste naman..gutom na gutom na ako!Tangina!

"P-pero nagugutom na talaga a-ako eh,"utal utal na sambit ko. Inirapan niya lang ako at parang wala lang narinig dahil nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Shete.

"Ipagpapalit mo ba ang buhay ng kapatid mo para lang sa isang eksplenasyon?"deretsang tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

Lumapit siya lalo sa akin.

Ano na naman kayang gagawin nito?

*SPAK!!!*

"Arayy!!"daing ko matapos niya akong sapakin ng pagkalakas lakas! Bwisit namang babae to!

Bakit ba siya ang pinapunta dito?!Tsk!Imbes na pagalingin ako eh mas lalo lang ata akong bubugbugin nito eh!

"Sinabe ko bang ipagpapalit ko buhay mo for an explanation?!Kung makapagsalita ka,para namang mamamatay ka na!Napakadrama mo!umamin ka nga...Bakla ka ba?!"malakas talagang sigaw niya! Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

What The Heck?!

Napailing iling ako at masama siyang tiningnan.

"Tsk!Para kang kiti kiti diyan!Maupo ka nga!Hindi naman gaanong kalala yang lagay mo para hindi ka na makatayo sa pagkakahiga!"sigaw niya na naman! Tangina,wala bang peace dito?Buset.

Dahan dahan akong naupo sa kama ko at agad na napasandal sa headboard ng kama ng clinic.

A-araayyy...ansakit ng likuran ko tangina!

Sino ba naman kasing nagsabing makipagrambol ka dun sa mga baboy na yun!

>_____<

"Oh eto,bigay yan ng nurse,"aniya sabay abot ng tray na may pagkain at gamot. Eh?!May ganyan dito sa clinic?!Ano to,ospital lang ang peg??

-.-

"Kung di mo gusto ang pagkain na bigay nila,hintayin mo nalang ang kasama ko na dumating,"aniya at ibinalik ang tray sa side table. Yung sinasabing kuya ni Yuwy?

Diba kanina pa yun umalis?Ba't hanggang ngayon eh wala parin?!Ilang kilometro ba ang nagbebenta ng pagkain para matagalan siya ng ganun?Nagugutom na ako takte!

*Kreeek*

0__0

0,0

-,-

"A-ahh..g-gising ka na pala,"parang napapahiyang sambit pa ni Yuwy ng makita akong seryosong nakatingin sa kanya.

K-kung di lang talaga kita gusto eh kanina pa kita binara. Tss...obvious na namang gising na ako eh.

"Oh,maupo ka na baka mangawit ka diyan kakatayo,"nakangiting usal ni ate.

-.-

Kapag ibang tao, ang bait bait niya, pero kapag ako...tch!Ang sungit sungit!

"A-ah..s-sige po,thank y-you,"pilit na ngiting sabi ni Yuwy habang nautal-utal pa. Hehehehehehe....ang cute cute niyang tingnan.

Tangina!

Ewan ba!Hindi ko matiis na hindi siya pansinin at sungitan!Nung time na paglabas ko sa room na naamin ko sa kanyang may gusto ako ay labag sa loob kong sungitan siya! At hindi ko rin magawang mainis at magalit sa kanya ng matagal!

Putek!

Lakas ng tama!

"Nasa'n na kaya ang kuya mo at napakatagal niyang bumalik?"nagtatakang tanong ni ate. Napatingin sa kanya si Yuwy at sandaling napasulyap sa akin.

Eeeeeiihhhh...Hehehehehe!!!

May pa sulyap sulyap ka diyan ah!

"S-siguro po ay padating na yun...ah hehehe,sorry po dahil matagal siya,ang totoo po ay mas mahinhin pa kung kumilos yun sa babae,hehe,"sabi ni Yuwy. Hekhekhek!

Ang cute cute cute niya!Pero mas cute siya kapag naasar yung mukha niya. Hahahahahahahaha!!!

*Kreeeeek*

0__0

Eh?!!!!!!Anyare sa kaniya?!

"What happen to you at pawis na pawis ka?"takang tanong ni ate sa kuya ni Yuwy. Wag niyong sabihing naglalakad lang siya pagbili ng pagkain?!

"A-ano...hoo,natrap ako sa elevator at sobrang init dun!Nasira yung elevator at masyadong matagal dumating ng mga staff!"inis na singhal niya habang naghahabol ng hininga.

"G-gusto mo ba ng tubig kuya??"tanong ni Yuwy. Tumango lang ito at naupo sa tabi ni Yuwy.

Lumapit si ate sa kuya ni Yuwy at kinuha yung paperbag na naglalaman ng pagkain.

"Yum yum...my favorite!"nakangiting usal ni ate. Ano ba yan?!

"A-ate,penge...nagugutom na talaga ako!"inis na sabi ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka naman lumpo para hindi makatayo diba??"mataray na sabi niya. Napalunok at napayuko nalang ako dahil nakaramdam ako ng hiya.

Sheteng ina.

Haiiissss...ket kelan talaga,ang sama sama ng budhi ng ate ko pagdating sa akin!May problema ba sa akin ang isang toh?!

"A-ahh...ako na po ang mag-aayos ng pagkain niya,"gulat akong napatingin kay Yuwy na nakatingin lang ng deretso sa akin. Hekhek...

Lumapad ang ngiti ni ate at mapang-asar na tumingin sa akin. Tsk!Mukha siyang clown sa ginagawa niya!

Inirapan ko siya at wala sa sariling napatingin sa kuya ni Yuwy na seryosong nakatigin sa akin!

0__0

Eeeeeeehhhh?!!!

Hindi ko naiwasang mapalunok ng laway dahil talagang napakaseryoso niyang tumingin sa akin!

Kung makatitig naman toh,akala mo eh may nagawa na akong kasalanan sa kaniya! Yung mukha niya ngayon ay parang asong nangangagat!

Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya at napatitig nalang sa kung saan. Katakot naman kasi ng mukha niya.

"Ok ok!Handa na ang foods,kain na tayo!"masayang sambit ni Ate. Tch!Siya lang masaya...pero ang totoo ay ako rin masaya.

^____^

"Oh eto,kainin mo yan para makainom ka ng gamot na binigay nung nurse kanina,"

Napalingon ako kay Yuwy na ngayon ay nasa tagiliran ko na nakaupo sa isang mono-block na upuan.

Kinuha ko ang mula sa kanya ang paper plate at pilit na iniiwasang ngumiti. Di ako pwedeng bumigay agad,sungit sungitan muna. Hehe.

Nagsimula na kaming kumaing apat. Tahimik lang akong kumakain,habang si ate at si Yuwy ay masayang nagkwekwentuhan -- pero mas lamang parin ang mga sinasabi ni ate, minsan rin ay sumasali sa usapan ang kuya ni Yuwy sa kanila.

Patago akong napangiti dahil hindi ko maiwasang mapaisip na para kaming isang masayang pamilya. Huehuehue... ^^!

To Be Continued...
***
Chapter 23✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top