Chapter 21

Chapter 21

Hailey's Pov

Pumikit ako para pakiramdaman ang simoy ng hangin.

Malapit na mag 7:00 pm at nandito pa ako sa park. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, siguro feel ko lang pumarito.

Tahimik na ang paligid at ang ilan sa mga tindahan ay sarado na at kaunti nalang ang mga tao, siguro mga magjowa nalang ang nandirito. Maliban sa akin, wala naman akong jowa.

Habang naglakad lakad ay may nakita akong lugawan. Eksakto naman na malamig ngayong gabi kaya magandang kumain ng mainit.

"Isang lugaw po,yung medium size na cup---"inis akong napatingin sa lalakeng bumangga sa akin.

"Sorry,"mahina niyang sabi. Laking gulat ko ng tumambad sa akin ang mukha ni Savier.

Mukha namang hindi niya nakita ang pagmumukha ko dahil agad lang siyang umalis dala dala ang dalawang cup ng lugaw. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya.

-,-

Para kanino naman kaya yang isang lugaw na yan?

"Miss, oorder pa po ba kayo o hindi na?Kasi kung hindi,pwede na po ba kayong umalis para makapag order na yung ibang costumer na nakapila?"halatang nagpipigil inis na sabi nung tindera.

"Auhh...medium size na cup po,"nahihiyang sabi ko. Binigay ko na ang bayad ko nung iabot niya sa akin ang order ko.

Muli akong tumingin sa side kung saan nakaupo si Savier.

0_0

May babae siyang kasama! Sino naman kaya yan??...Maganda siya,matangkad at...medyo parehas sila ng mukha ni Savier.

Sino kaya yan??

Wait...di kaya...oh shemay! Walang hiya ang lalakeng toh!Habang nagkakagusto sa kaibigan ko eh may girlfriend na pala!Walang hiya!Kung kaladkarin ko kaya siya palabas ng lugawan?Wala na akong pake kung makagawa ako ng eksena, basta hindi lang masaktan kaibigan ko! Tama lang talaga na hindi naniwala si Yuwy sa kanya dahil kung hindi kawawa ang kaibigan ko!

Napapikit nalang ako sa inis na nararamdaman ko para sa gagong toh. Alam niyo ba yung feeling na gusto mong mambugbog ng tao kaso hindi mo magawa kasi maraming nakatingin?...yun, yun yung nararamdaman ko ngayon!

Gusto kong bugbugin yang kinginang Savier na yan, kaso natatakot ako baka makulong ako or mag viral ako sa social media na pwede ko pang ikakickout. Alam niyo naman na ang panahon ngayon, sa internet na ang basehan. Kaya hindi imposible na mangyari yun at ayoko nun.

"Miss,eto na lugaw mo,"tawag nung tindera. Hinarap ko siya at agad na inabot ang bayad ko sa kanya.

Naghanap ako ng upuan kung saan malapit kina Savier, at eksakto naman na meron. Agad akong pumunta ron at umupo.

Hindi naman sa nakikinig ako sa usapan ng iba, pero parang ganun na rin naman ang dating.

"Hoi lalake,ays ka lang?Mukha kang wala sa sarili mo...alam mo bang kanina pa kita sa school napapansin?Gutom ka ba?Kulang sa tulog?May sakit?Ano?Sabihin mo naman sakin...halerr!Ano pa't naging ate moko kung di rin naman kita mabantayan ng maayos?Tsk!"halatang naiinis na sabi nung babae. Ate?So ibig sabihin...magkapatid lang silang dalawa?Siblings?

Boba!Meron bang magjowang magkapatid?Sige isipin mo.

=_=

Shems.

"Heyss,bro!Sagutin mo ako...ano bang silbi ko dito at pinapunta mo pa talaga ako kung hindi mo man lang din naman ako kakausapin?ha?...Props?Halerr!!Kailangan mo ng karamay diba?Kaya here na me oh!Kausapin mo ko!Hindi yung ako lang ang nagsasalita ta's ikaw parang wala lang,what am I?Multo?Halerrr...ganda ko naman ata para maging multo!Tsk!"

....

"Okay..."si Savier.

+,+

"Ughh!!Ewan ko sayo...nakakaloka kang lalake ka!Sarap mong tadyakan!Kakain na nga lang ako ng lugaw!Buset ka,"

Edi kumain ka...wala namang pumipigil sayo.

:-/

Tahimik na sila, kaya nagpatuloy na ako sa pagkain ng lugaw ko habang malalim ang iniisip.

Ewan ko ba!

Bakit bigla nalang akong naging oa nung malaman ko kung sino gusto nung Lance na yun...as if naman may pakealam ako sa kanya eh wala naman! Nasungitan ko tuloy si Yuwy.

v_v

Nakakainis.

Okay lang ba talaga ako?O may problema ako sa pag-iisip?Shemay naman.

Hayss...

*Beep Beep*

Buset...sino na naman kayang abnormal ang magtetext sa akin?Nakakarindi na talaga ang tunog ng cellphone ko!Sa susunod na tutunog pa to,di na talaga ako magdadalawang isip na itapon tong bwisit na cellphone nato sa kalsada.

Nakakainis!

Sa tuwing may magtetext sa akin sana ay maubusan sila ng load...para hindi na magulo ang tahimik kong buhay! Nakakainis.

Inis kong inilapag sa mesa ang kutsara ko at padabog na kinuha ang cellphone ko at agad na binuksan.

From:Raine
Nag-away ba kayo ni Yuwy ng di namin nalalaman ni Rachel?

-___-

Tss...

Akala ko importante...di naman pala.

Bumalik nalang ako sa pagkain ng lugaw ko. Mas binilisan ko pa ang pagkain ko kumpara kanina.

Mas dumilim na kasi ang langit,tsaka ako lang mag isa ang uuwi. Hindi naman ako pupwedeng magpasundo dahil alam kong busy si mama at papa sa bahay,tsaka si manong driver namin ay nagrest day ngayon kaya wala ng ibang pwedeng sumundo sa akin...eh yung kapatid ko naman masyado pang bata,baka mabangga lang yun sa kalsada,tanga pa naman ang isang yun atsaka wala pa yung drivers license no! Wala din naman akong sariling sasakyan dahil underage pa ako. Kulang narin ang pera ko para pamasahe aa trycicle,pero mas maganda paring maglakad dahil makakatipid pa ako at hindi rin naman gaanon kalayo ang park sa bahay namin.

"Tapos na ako,mauuna na ako sayo,may imemeet pa akong mga kaibigan,"dinig kong sabi ni Savier.

Napahinto ako sa pagkain. Napatingin ako sa kanila gamit lang ang gilid ng mga mata ko. Hindi naman kasi ako pupwedeng lumingon,dahil kapag lumingon ako,edi mahahalata nila ako..duh.

"Sina Lance?"tanong ng ate niya. Biglang sumama ang timpla ng mukha ko,pagkarinig ko sa pangalan ng hinayupak na tanginang yun.

-__________-

Sa dinamidami ng pwedeng sabihin na pangalan,bakit sa gagong yun pa?Tss...dahil ba mas close silang dalawa ni Savier kumpara sa dalawang alipores niya?Tsh!

Tsk!Ano bang pakealam ko?Bakit ba bigla bigla nalang siyang lumilitaw sa isip ko?!

Bigla bigla lang ba?O kanina mo pa siya iniisip?

Ano?...Ha!!!Yakkk!!!Never ever ko siyang iisipin!Sino ba siya sa akala niya para isipin ng isang magandang katulad ko?Ha!Mas iniistress niya lang ako!Mas lalo tuloy kumakapal yung bangs ko. Mamatay muna siya bago ko siya isipin!Ano siya sinuswerte?Hmph!

"Nope..."

"Huh?Bukod kina Lance,may iba ka pang kaibigan?Bakit di ko alam?"nagtatakang tanong ng ate niya. Base sa pananalita ng ate niya eh talagang nagtataka ito.

"Hindi mo naman na kasi kailangang malaman pa ang lahat ng mga kaibigan ko,they are just my old friends kaya hindi mo na kailangang mag worry if you are worrying...sige na!Aalis na ako,sinasayang mo lang oras ko eh,tsaka wala ka ng pakealam kung saan ako magpupunta,sige...alis na ako,paalam panget,"sabi ni Savier at agad na umalis.

-_______-

"Tsh!Kung makapagsalita naman ng panget to,akala niya ang gwapo gwapo niya,eh mas mukha pa nga siyang asong ulol sa akin eh...tss,badtrip talaga tong lalakeng to,madapa ka sana!Bwisit,"kitang kita ko kung paano umirap sa ere ang ate niya. Tumayo ito at agad na ring umalis.

Mas binilisan ko na ang pagkain ko dahil konting konti nalang talaga ang mga taong naiwan dito sa lugawan at mas dumidilim narin ang kalangitan.

Nakakatakot pa naman umuwi mag isa,lalo na't gabi pa.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako agad at agad ng umalis.

Waaahhh...ang sarap ng lugaw...busog na busog na ako. Sana naman ay tumaba na ako nito. Sa dinami dami ng kinain ko kaninang kanin pag uwi ko sa bahay kanina galing school,imposible naman atang hindi madagdagan ang timbang ko.

Sa aming apat kasi,ako ang pinaka payatot...dinaig ko pa ang isang malnourish na bata sa pagiging payat.

Anong oras na ba?

Bakit di mo tingnan ang cellphone mo?boba.

-_________-

Wew.

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa pero agad ring napahinto ng may mapagtanto ako.

0__0

Hala Shetttttttt!!!!!!!Naiwan ko sa lugawan yung tanginang cellphone ko!!!Arrrrghhh!

ANG TANGA TANGA NG CELLPHONE KO!!!ANG TANGA TANGA NIYA DAHIL NAGPAIWAN SIYA!!!BAKIT BA HINDI NIYA SINABING NAIWAN KO PALA SIYA?!AAAAHHHH!!!ANG TANGA TALAGA!

Inis akong bumalik patungo sa lugawan. Sayang sayang sayang!Ang layo na ng nilakad ko tapos maya maya eh malalaman ko pang may naiwan pala ako?!Grrrr....Ang TANGA!

Habang naglalakad pabalik ay bigla nalang akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung ano,pero basta!Ang hirap iexplain!

Kinakabahan ako na naiihi,na parang may kung anong nilalang ang nasa loob ng tiyan ko at yung kamay ko naman ay nanginginig,may namumuo naring pawis sa noo ko! Jusmiyo naman.

>________<

"Woooohhhh...anong ginagawa ng isang magandang dilag dito ng mag isa?Nawawala ka ba iha?"

Napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang isang lasing na matandang lalaki na may hawak hawak pang bote ng alak.

Sheemmmssss!!!

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko at yung kamay ko ay mas lalong nanginig,yung mga binti ko naman ay hindi ko maigalaw,na para bang nilagyan ng glue ang mga paa ko sa sahig!

Tangina!Kung kelan kailangan na kailangan ko ang mga paa ko,kung kelan naman nila ayaw kumilos!Putspa!Katapusan ko na ata!Huhuhuhu!!!

"Mukhang naliligaw ka nga,gusto mo bang sumama sa akin?"tanong niya. Gusto ko ng tumakbo dahil alam na alam ko na ang mangyayari sa senaryong ito,ilang beses na akong nakapanood ng ganito sa mga pelikula at teleserye na napapanood ko,pero itong bwisit na paa ko eh ayaw makisama sa akin!

Waaaaaaahhhh!!!

Tulong naman!!!

"H-hindi na po..hindi naman p-po kasi ako naliligaw,a-ang totoo po ay may pupuntahan po a-ako,"nanginginig na sabi ko. Shuta...may gana ka pa talagang magsalita sa oras na ito?Unbelievable.

"Ahhh...ganon ba?Sige,mag-iingat ka iha,marami pa namang tarantadong mga lalake ang pakalat kalat,sige mauuna na ako,"sabi niya na nagpatigil sa akin. Nginitian niya ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

0__0

A-ano yun?!

Yun na yun?!

>_________<

Anong yun na yun?!Tanga!Mabuti na nga lang at mabait yung nakasalamuha mo,dahil kung hindi yari ka talaga!Kaya bilisan mo na ang paglalakad diyan at baka may makasalamuha ka na naman pero siraulo na!

Nagmamadali na akong naglakad,dahil natatakot na talaga ako. Panira naman kasi tong cellphone ko eh...kung hindi lang sana siya nagpaiwan,malamang nasa bahay na ako ngayon.

>__________<

"Eh tarantado ka pala eh!Wala karin naman palang binatbat!Tingnan mo nga yang sarili mo,alagang alaga,kaya ka hindi marunong makipag-away eh,kaisi binibaby ka!Wahahahahahahaha!!!Sige na,tapusin niyo na yan,para makaalis na tayo agad,"

0__0

"Yes boss!"

Haluhhh shet...ano na naman toh?!!!

Dahan dahan akong nagtago sa isang malaking poste ng may makita akong sampung lalake na pinagtutulungan sa pag bugbog ang isang lalake. Actually,siyam lang silang nagtatrabaho,at yung isa na may mas malaking katawan sa iba ay nakatayo lang at pinapanood ang nangyayari. Sa tingin ko ay siya yung boss na tinutukoy ng siyam na mga lalake.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na naman akong kinabahan. Tumibok na naman ng pagkalakas lakas ang puso ko.

Pinanood ko lang sila hanggang sa may mapansin ako.

Yung lalakeng pinagtutulungan nila ay mukhang pamilyar sa akin. Dahil sa pagiging echusera ko ay lumapit ako ng kaunti para maaninag yung lalake.

PAKSHET!!!

Hindi ako pwedeng magkamali!

Si Savier!!

Oo!!Si Savier ang nakikita kong pinagtutulungan ng siyam na lalake!Gagi!

Sa buhok at tindig pa lang ng katawan ay talagang si Savier siya!Hutek...kailangan ko siyang tulungan!Pero paano?!

Huhuhuhu...natatakot ako pero mukhang kailangan ko talagang gawin ito...tsss...bahala na si Batman sa akin!

Nanginginig akong lumapit sa kanila. Kahit na kinakabahan ay kailangan ko talagang tulungan sa Savier!

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko.

"HOYYY!!!!"sigaw ko dahilan para matigilan sila sa ginagawa nila. Napatingin silang lahat sa akin,lalo na si Savier.

Napakagat ako ng labi at marahang napapikit.

Bakit parang nagsiliparan ata ang mga lakas na inipon ko sa sarili ko kanikanina lang?Huhuhu...di ko na alam ang gagawin ko.

Labag man sa kalooban ko pero hindi ko na talaga mapigilan dahil binalot na talaga ako ng sarili kong takot.

Mabilis akong tumalikod sa kanila at agad na napatakbo ng mabilis. Mabilis pa sa pagiwan sayo ng krass mo. Charr. Pero totoo talagang mabilis akong napatakbo sa kabilang kanto kung saan ang lugawan.

Tutal malapit narin naman ako dun,dederetso na ako doon para makuha ko na cellphone ko at kahit busy si Papa,eh magpapasundo nalang ako.

>__________<

Natatakot na ako.

Sorry Savier!Sorry talaga!Mapatawad mo sana ako bukas! >____<!

To Be Continued...
***
Chapter 21✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

Note: Para sa mga naguguluhan sa chapter na to,ang rason po kung bakit kayo naguguluhan ay...ang chap po kasi na ito ay flashback ng Chap 20 kung kelan naganap sa Chap 19 na hindi ko nasulat...dahil diba kay Yuwy ng focus yun?Kaya gumawa ako ng chap na magpapaliwanag sa inyo kung bakit naging ganon si Savier sa chap 20 at kung ano ang nangyari sa side ni Savier nung chap 19. Yun lang po,sana ay naintindihan niyo na...maski ako po kasi ay naguluhan rin 😂😂...magulo lang po kasi talaga ang utak ko kaya ganun...sorry po.

(New Book Cover Preview for this story on multimedia ^)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top