Chapter 20

Chapter 20

At sa wakas!Naka chap 20 din!
***

"Good morning,everyone...anong ulam?"tanong ng kakagising kong kuya.

"Pancakes lang for breakfast and water,"maikling sagot ni Ate. Umupo na si Kuya sa tabi ko at kumuha ng pancake.

"Ayy...sayang naman,I'm craving for rice,"ani ni Kuya. Oa naman neto,mabuti nga't may nakakain pa siya. Inenek mong tunting ka...kung anong nasa hapag,yun na!Daming arte!

Kung gusto mong rice...magsaing kang mag-isa!Tsk!

"Tss...it's just for today!"mataray na sabi ni Ate while ngumunguya. Hindi umimik sa kuya,ngunit sinamaan niya ng tingin si Ate.

"By the way,where's mom?And also dad?"nagtatakang tanong ni kuya. Ano bang meron sa bibig ng isang to at sobrang daldal?Nakakainis.

-___-

bad trip na nga,mas mababadtrip pa!Tch!

"Si mom,well...magmemeet daw sila ng mga kaibigan niya,while si papa naman,ayun...maagang umalis para sa business,tsaka pwede bang kumain ka na lang at tama na ang daldalan?Nakakawalang gana ka eh!"singhal ni Ate. Tch!

Mukha niya pa lang,nakakawalang gana na.

Tumayo akong bigla,dahilan para magulat sila. Bakit?Ngayon lang ba sila nakakita ng taong tapos ng kumain?Jusmeyo naman.

"Is there something wrong,Yu?"tanong ni Ate. Umiling iling lang ako at maglalakad na sana paalis ng tawagin ulit ni ate pangalan ko.

Putek naman!

"Are you okay?Masama ba pakiramdam mo?Should I call the doctor to check you up?Hindi mo ba feel pumasok?just tell me,"tanong ni ate na may halong pag-aalala sa boses. Ayan na naman,napaka-oa talaga,kahit kelan!

Mas oa pa siya kay mama kung maka react,grabe ha!

"Oa ha,relax...okay lang ako,tsaka duuhh..tapos na akong kumain,alangan namang diyan lang ako sa upuan ko at titingnan ko kayong kumakain hanggang sa matapos kayo,"sabi ko na may pagka sarcastic ang tono. Napabuntong-hininga lang si Ate,while si Kuya...ayon,walang pakealam.

Naglakad na ako paalis.

Hayss...inaantok ako. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi eh. Kasi naman,kakaiba yung nararamdaman ko,feeling ko ay may mali talaga...pero hindi ko alam kung ano. Aish!

Kinuha ko na yung bag ko at naglakad na papuntang sasakyan ni Kuya. Doon nalang ako maghihintay sa kanya,ang boring kasi sa loob,tsaka kung dun ako sa kotse ay pwede kong buksan yung bintana at magpahangin,baka sakaling mawala itong kakaibang pakiramdam na ito.

Inikot ko ang mata ko sa loob ng sasakyan ni Kuya. Ang kalat naman ng nasa back seat. Tchhh...napakaburara talaga ng lalakeng yun!

Pumunta ako sa backseat at kinalkal yung mga gamit niyang nakakalat.

Flashdrive....

Sunglasses....

Limang piso....

Ballpen....

Notebook....

Lalagyan ng C2....

and....Yun!Cellphone.

Nyehehehehehe!!!

At dahil pakealamera ako,hindi ko talaga iiwasang pakealaman ang cellphone nato!

Binuksan ko yung phone at timing naman na walang password kaya madali lang sa akin ichuke chuke yung cellphone ni Kuya.

*Ting!*

0__0

*3 message received from Saber*

From:Saber
Ring...may problema ako,kailangan kong tulong mo...

Ring...pls reply...

Ring...Nawawala kapatid ko Ring!

0___0

Sino to?..Bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa text na to. Parang bumabalik na naman yung kakaibang pakiramdam ko kanina dahil lang sa text nato.

In-off ko yung phone at agad na bumalik sa passengers seat. Hindi ako mapakali habang nakatingin lang sa kawalan. Ewan ko ba!Feeling ko ay kilala ko yung taong yun. Peste naman!

Kaya nga ako lumabas para marefresh utak ko,tapos mas lalala pa pala dito!Leche.

Wala ako sa sariling lumabas ng sasakyan papuntang kusina. Iinom nalang ako ng malamig na tubig,para lumamig ulo ko.

"Oh...ba't ka bumalik?"nagtatakang tanong ni Kuya. Bawal ba akong bumalik dito sa bahay 'KO' rin?

"Bakit,bawal?"pabalang na sagot ko sa kanya. Umiling iling lang siya.

"Sino pala si Saber?"tanong ko na ikinagulat niya. Tiningnan niya ako na parang gulat na gulat.

Bumuntong hininga pa siya bago ngumiti...na halata namang peke. Magsisinungaling to for sure. Kilalang kilala ko ang kuya ko.

"If you dare lie to me,hindi na talaga ako makikipag usap sayo...ever,"seryosong sabi ko. Hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon,pero nanatili parin sa akin ang tingin niya.

"Kaklase ko lang....bakit?"sabi niya. Bakit nga ba?Hindi ko alam?Ewan?Malay??Curious lang?

"Wala naman,nag text kasi siya sayo kanina at sabi niya pa,nawawala daw kapatid niya...kailangan niya tulong mo,"deretsahang sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero nanatili parin siyang nakatingin sa akin.

Medyo naiilang na ako sa titig niya kaya ako na ang unang umiwas at agad naglakad paalis,papuntang sasakyan. Agad namang sumunod si kuya at agad na pinaandar ang sasakyan.

"Pano mo nga pala nalaman na nagtext siya sa akin?"tanong niya.

"Tumunog cellphone mo,nacurious ako kaya tiningnan ko,"pagsisinungaling ko,kahit medyo totoo naman. Hindi na siya kumibo pagkatapos at nagconcentrate nalang sa pagdadrive.

Ilang sandali lang ay nasa school na kami. Bumaba na ako agad at agad na sinalubong sina Rachel at Raine...oo,sila lang.

Hayss...masama parin ba ang loob nun sa akin?Ni hindi ko nga alam kung anong nagawa ko sa kanya at bigla nalang sumama loob nun sa akin eh! Haisst...Nakakabadtrip naman.

"Si Hailey?"kunwaring tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan pa sila bago sumagot.

"Di namin alam,"sagot ni Rachel. Psh!

"Ganun ba....okay,tara na sa room baka nandun lang yun,"sabi ko at agad na naglakad papuntang class room namin.

Habang naglalakad bigla akong nakarinig ng mga boses na mas lalong nagparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"Pano na yan?Di ko macontact si Savier,"

"Ako rin!Tawag ako ng tawag,pero hindi sinasagot!"

"Nakapatay ata ang cellphone,"

"Leche...ang oa naman nun!Ano ba kasing nangyari sa lalakeng yun?!Bigla bigla nalang nawawala at lumilitaw!Peste!Tangina niyo,"

"Tumahimik ka nga!Keaga aga,ang lutong na ng mura!Putek!Tangina mo rin!Gago!"

-____-

"Hoy beh,ays ka lang diyan?"biglang tanong ni Rachel,dahilan para mapalingon ako sa kanila na nanlalaki ang mga mata.

Tumango lang ako at ngumiti tsaka naglakad na ulit.

Posible kayang...........Hindi hindi!Imposible yun!Tsk! Pero pano kung.......basta!!Hindi!Hindi!Masyadong malabo!Ano namang dahilan nun para umalis siya ng di nagpapaalam,dahil dun sa hindi ako naniniwala sa kanya na may nararamdaman siya sa akin?Ganun?Dzuhhh...Ang babaw naman nun!Kung talagang may nararamdaman siya para sa akin,ba't di ko maramdaman?Tsk tsk tsk!...Oa nun,CRUSH lang yung pakiramdam na yun!CRUSH...as in PAGHANGA lang!

*Boggsh!*

>•<

Shemayyyyy!!!Huhu!!!ansaket ng dibdib koo!!!Huta!

May dibdib ka pala?

Letse!

"Sorry miss,sorry!"tiningnan ko yung lalake. Oo,lalake,base sa boses niya.

"D-di,okay lang..."sabi ko. Hindi ako okay kuya!Ansaket ng dibdib ko!Tangina mue!

"Sorry talaga!Nagmamadali kasi ako eh,kaya hindi kita nakita!Sorry talaga!"sabi niya ulit. Okay na nga sabi eh!Ang ingay naman neto,parang sirang plaka lang!

Wag mo nga akong istressin lalo kuya!Pasalamat ka gwapo ka!Kung hindi,baka kanina pa kita sinapak.

"H-hehehe...okay lang,sige na mauna ka na,"sabi ko. Nginitian niya lang ako at naglakad na paalis...or should I say,tumakbo na paalis.

"Sino yun beh?"biglang tanong ni Rachel na with matching taas babang kilay pa.

-___-

"Di ko alam...ba't di mo siya tanungin?"walang ganang sabi ko sa kanya. Nag pout lang siya kung di niya ako nabangga,di naman kami magkakausap nun.

Patuloy na akong naglakad hanggang sa maka abot ako sa room. Same as before. Yung mga new students ayun,behave pa,yung nga old students naman...ayuunn,parang mga asong nakawala sa kulungan. Yung iba naman ayun,lip tint dito,lip tint doon,tapos selfie selfie,yung ibang lalake naman...nagpapagwapo,kahit mga mukha naman talagang mga adik at ang iba naman,nag giguitara,tapos yung iba kumakanta kahit yung boses nila ay parang sigaw ng manok sa umaga tapos naghahabulan naman yung iba,ang iba naman....AYUN!!! HAROT DITO,HAROT DOON!

Sana ol may ka harot.

Chour.

"Peste...ang aga aga,ang ingay na!Classroom ba talaga to o palengke?Jusmiyong mga kaklase,"pagrereklamo ng isa sa mga tahimik kong kaklase na kararating lang rin.

I feel you bes.

"Jaimeeeeeeee!!!!Saan na yung salamin koo?"

"Nabasag ng kapateed koo...sorry,Lian,"

Tch!Palusot...sabihing hindi mo lang talaga gustong ibalik dahik type mo yung salamin. -___-

Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Hailey na tahimik lang habang nagbabasa ng libro. Gusto ko siyang kausapin,pero natatakot ako baka mas lalo lang siyang magalit sa akin. Mahirap na,baka mas lumala pa to.

*Krrrriiinnggg!!*

Tumunog na ang bell at eksakto namang nandito na si Sir Perez na may dala dalang isang kumpol ng papel. Siguro ay yan na yung maging result ng quiz kahapon.

Shete...bakit parang mas kinabahan ako?Letse!

Tumayo kaming lahat.

"Good morning students,"

"Good morning Sir Perez,"

"Please take a sit,as I distribute this papers to you...ito na yung result ng quiz niyo,"seryoso niyang sabi. Naupo na kami at naghintay na matawag ang pangalan namin.

"Liza...George...Michael....Stephanie...Jamie...JV..."

"Yuwy!!"

Tumayo ako at dahan dahang naglakad papunta kay sir at agad na inabot yung papel.

Sana nakapasa ako!Sana nakapasa ako!Sana nakapasa ako! Huhuhuhu!!!

Ng makaupk ako ay dahan dahan kong tiningnan yung papel ko. Mas lumalakas ata ang tibok ng puso ko dito.

0__0?!

5.........................….......10?!!!!

Wwaaaaaahhhhh!!!!Bagsak akoooooooo!!!!Tanginaaaaaa!!!!Hindi ako nakapasa!!!!

"Yu...ilan score mo?"tanong ni Rachel. Parang nawala lahat ng energy ko sa katawan ko, pagkatapos makita yung score ko.

Peste.

"510"maikling sagot ko.

"Tch!Mabuti ka pa!Ako 476!"sigaw ni Raine.

"Tss...ako naman 513,sayang!"inis na sabi ni Rachel.

Tangina namang score to! Mabuti nalang at hindi ito exam! Dahil kung exam to....GG!

Napatingin ako sa papel ni Hailey na nakapatong lang sa desk niya.

0__0

519?!!!!!!!

Sana Oweeellllll!!!

Baka sa pag congrats ko sa kanya ay maging okay na kami...hehehe.

"Hail-----*BOOGGSSHH!!*"

Natahimik ang lahat at ang iba naman ay natigil sa mga ginagawa nila at lahat kamk ay nakatingin sa pintuan.

Sa pintuan kung saan nakatayo si Savier na mukhang kinulang sa tulog at parang hindi kilala kung sino si plantsa dahil sa kunot kunot niyang polo...at parang binugbog ng sampung tao. Putok ang labi...may itim na marka malapit sa mata niya at parang hirap na hirap maglakad tsaka andami ring pasa at galos sa mga ka may niya.

Anyareee?!!

"Goodmorning sir...classmates...sorry I'm late may I----" bago niya palang matapos ang sasabihin niya ay bigla nalang siyang nawalan ng malay at agad na nahulog sa sahig.

"Savier pare!"agad nagsilapitan ang mga kaibigan niya para alalayan siya at mga kaklase namin para makichismis.

"Dalhin niyo siya sa clinic!Bilisan niyo!Tatawagan ko guardian niya!"natatarantang sabi ni Sir Perez at agad na lumabas ng room.

Ano bang nangyari sa lalake nato?!

Hindi ako nakapagpigil at agad na lumapit sa kanila.

"Bilisan niyo diyan at dalhin niyo na siya agad sa clinic!"sigaw ko. Tumango naman ang tatlo at agad na sinugod si Savier sa clinic.

Sumunod ako sa kanila. Habang papunta kami sa clinic ay bulungan na agad ang sumalubong sa amin at ang mga kakaibang tinginan ng iba.

"Luhh...anyare kay kuya?"

"Ewan...pero kawawa naman siya,gwapo pa naman siya.."

-____-

"Anong nangyari diyan?"

"okay lang ba siya?"

"Diba siya yung transferee mula sa 4th year?Yung gwapo na lalake?Diba siya yun?"

"oo siya nga yun...sana maging okay lang siya,"

Ng makarating kami sa clinic ay agad na inalalayan ng nurse ang tatlo pagkatapos mapahiga si Savier ay agad nito siyang ginamot.

"Hindi naman masyadong malala ang nagyari sa kanya,pero kailangan niya paring magpahinga sandali para bumalik yung lakas niya at para medyo makarecover yung katawan niya,"ani nung nurse habang tinitingnan yung mga sugat ni Savier.

"May tumawag na ba sa guardian ng batang to?"tanong niya sa amin.

"S-si...Sir Perez po,"sambit ko na tinanguan niya lang.

"Pwede na kayong bumalik sa klase niyo,ako na bahala dito...pero kung may willing na magpaiwan kahit isa lang,okay lang naman,"sabi na naman nung nurse.

Nagkatinginan kaming apat.

"Ako nalang ang magpapaiwan,bumalik na kayo dun..."mahinang sabi ko. Tumango lang sila at agad na umalis.

"Uhmmm...Yuwy,paki sabi samin mamaya kapag gising na si Savier,"sabi ni Lance at agad na umalis.

To Be Continued...
***
Chapter 20✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top