Chapter 18
Chapter 18
Yuwy's Pov
Nakatingin lang ako kay Hailey. Ang tahimik niya kasi,para siyang may problema,pero ayaw ko namang tanungin dahil baka magalit na naman siya sa akin.
Tsk!
Wala tuloy akong mapagsabihan sa nararamdaman ko ngayon...si Rachel?Ayoko magsabi sa kanya,nakakahiya tsaka palagi siyang may tanong,baka may masabi pa akong hindi dapat,tapos si Raine?Nakuu!!Mas ayoko dun!Alam niyo na naman siguro kung bakit,diba?...Tsk!Hayss..
Kung totoo ngang may nararamdaman ka sa akin...bakit di ko maramdaman?Bakit parang ang dating sa akin ng mga sinasabi mo ay parang wala lang?Tsaka bakit,parang wala akong maintindihan?Nakakalito naman!
Hindi mo naman na kasi kailangan pang maramdaman kung may nararamdaman sayo ang isang tao,magkaiba ang damdamin niyo...kaya natural na di mo talaga iyon maramdaman.
Talaga bang...may nararamdaman siya sa akin?...Pero pano?Tsh!Ng dahil lang dun sa nangyari,nagkagusto agad siya sa akin?Ano yun..love at first kiss?Tsk!
Posibleng oo,posible rin hindi...
Oo na pwedeng hindi rin?Hayyy!!Ano ba talaga!Mas lalo lang akong nalilito!
Maraming dahilan kung bakit nagkakagusto ang isang tao sa isa,kaya hindi mo masasabi kung bakit niya naramdaman yun para sayo at kung pano siya nagkagusto sayo.
Pero di ko talaga maintindihan eh!Sa dinami dami ng babaeng nakakasalamuha niya,bakit ako?Ako na walang kainteres interes sa katawan,ako na walang pinagkaiba sa isang simpleng babae,ako na isang taong hindi espesyal?...Bakit ako?!
Malay mo,may nakita pala siya sayong nakapagpatibok ng puso niya na hindi niya makita sa iba.
Eh?Nakapagpatibok sa puso niya?Bakit,hindi ba tumitibok puso niya dati nung wala pa ako?Ano niya ba ako?Dugo?Ugat?Atay?Cell?Tsh! Masyadong oa naman!
Inalis ko nalang yun sa isipan ko,baka mas lalo lang akong malito. Ilang sandali lang ay dumating na si sir Perez na sobrang sama ng mukha. Di mo na maipinta.
"Di pa nga nag wa-one week may nagreklamo ng teacher sa inyo,"halatang galit niyang sabi. Walang sumagot sa amin at nanatiling nakatingin lang sa kanya.
"Remember,4th year high school na kayo and graduating students pa!Tapos,yung mga ugali niyo,pang kinder,"dagdag niya pa.
"Pwede bang ayusin niyo mga ugali niyo?Ako napapahiya sa inyo eh,tsaka dapat nga ay maging role model pa kayo sa ibang mga nakakabata sa inyo,pero mas mukha pa silang matured sa inyo!"singhal niya.
"At dahil diyan,dadagdagan ko ng 20 items ang quiz natin ngayon,so 520 items na lahat...ang passing score is 518,ang hindi makakapasa 80% grade direct to the card!No buts and let's start!"sigaw niya.
Nagsimula na siyang magbigay ng mga test papers sa amin,and no joke guys..6 pages lahat. Shems...
"Ok now,I'll give you 55 minutes to answer that all,remember this rule,no erasures,kapag may makita akong isa,minus 5,and identification yan lahat...no essays kasi alam kong di kakayanin ng 55 minutes yun,okay that's all!Start answering now!"
Ay hala shet...identification?For real?In 55 minutes?Putek...ayoko ng mag-aral!Magtatambay nalang ako!
"Wait...where is Mr.Song?"natigil ako sa pagsusulat ng pangalan at napalingon sa likod ng upuan ko.
Wala nga...nasaan naman kaya nagsuot suot yung gunggong na yun?Tsh...Pake ko ba?Bahal siya sa buhay niyang yun!Wala akong pake kahit tumalon pa siya sa tulay.
Inis akong bumalik sa pagsusulat. Tsk!Pangalan pa lang naiisulat ko,pero parang ang hirap na!Buset...pwede bang no quiz policy na?Nakakainis!
"Tsk!Tsk!Cutting classes,I should report this to the principal,immediately!"
0__0
Ayy....haluuhhh!Cutting classes agad?Di ba pwedeng-------stop it!Tumigil ka na! Kani-kanina lang,sabi mong tigilan niya na ang kakaisip sayo,tapos ngayon,ikaw tong isip ng isip sa kanya...gusto mong magsolo diyan ha.
Pfft...anong magsolo,tsh!Nahihibang ka na ba?Sino namang may gustong isipin ang abnoy nayun?Nakakadagdag stress lang yun!
Okie..
Tsh!Tigilan mo na nga yan!Mag focus ka sa test niyo!Tingnan mo nga oh!Di pa ako nakakapagstart sa number one!Nakikipagchikahan ka na diyan sa bulate sa utak mo!Tsaka...mamaya na yang landi landi na yan!Grade muna ang unahin!Di naman tatakbo yan!
Haiisst!
"Ms.Yoo,is my test too hard that you can't even answer question number one?"bahagya akong napatalon sa gulat at napatingin kay sir,na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay. Pakshet...sabing simulan mo na kasi eihh!
"N-no sir,I-i'm just---Tsk!Stop talking and start answering,time is running!"sabi niya at umalis. Nyenyenye!!Kaya hindi nagkakajowa eh,kasi ang strikto!Napakastrikto!Mas strikto pa sa principal!Buset!
Di na ako kumibo pa at nagpatuloy na sa quiz. Huhuhu...tangina,matatapos ko kaya to in 55 minutes?Hutek!
Tama na ngang satsat!Magconcentrate ka na diyan!
Savier's Pov
....
....
....
....
"Hays...Kumain ka muna oh!Nakakaawa ka ng tingnan diyan,mas lalo ka tuloy pumanget,"sabi ni Ate Sab,sabay abot ng burger at coke.
Di ko kasi alam kung sa'n ako pupunta eh,kaya dito nalang sa eskwelehan ni Ate,eksakto namang break time nila.
Ate Sab,is already a 4th year college student...last niya na ito at gagraduate na siya...magkakatrabaho,tapos magkakajowa...at magkakapamilya,ako naman single forever.
Ngayon pa nga lang,basted na eh...paano pa kaya sa susunod?Tsk!
"Hoii...kumain ka na!Kung ayaw mo...kumain ka pa rin!"pagpipilit niya. Tiningnan ko lang siya at di kinuha yung pagkain. Wala akong gana.
"Tss...bahala ka nga diyan,masyado kang oa!Ano ba kasi problema mo?...Hindi ka rin magsasabi?Edi bahala ka na diyan!"wow...napaka supportive talaga ng babaeng ito sa akin!Sobrang mahal niya talaga ako.
"Hindi pa nga ako nakakapagsalita,pinangunahan mo na ako!Tss...hindi naman kasi ako nandito para kumain,at isa pa...hindi rin ako nandito para sayo!Nandito ako,para mapag-isa,okay?"mahinang sabi ko sa kanya.
"Tss...sa lahat ng pupwedeng lugar na mapuntahan,eh bakit dito pa?...Tsh,tutal nandito ka rin naman,sabihin mo na problema mo,baka matulungan kita diyan,"mataray niyang sabi. Kahit kelan talaga...Psh!
Dapat ko bang sabihin sa kanya na nabasted ako?...Pero nahihiya ako eh,pero gusto ko rin namang ilabas ang saloobin ko...........pero talagang nahihiya ako eh!Tsaka parang wala akong lakas na magsabi!Huhuhu...parang maiiyak na ako.
Putek...ano ba tong pinag-iisip ko?Parang ang bakla bakla ko namang pakinggan!Kasalan to ng tatlong ugok na yun eh!
"Wag na...mas pinapapalala mo lang naman eh,kaya wag ka ng mangealam,"bored kong sabi. Inirapan niya lang ako. Hedi huwaw.
"K...balik na ko sa room,baka mag time na,bahala ka na diyan...pero kung nagugutom ka,bumili ka lang ng pagkain,byee,"aniya at umalis. Tss...sanay na naman ako eh...sanay na akong maiwan ng mga taong mahal ko...huhuhu!!!
Buset!
To Be Continued...
***
Chapter 18✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
A/N: Sorry for the short chapter...wala na kasi akong maisip pa eh,wala ng laman utak ko...naubos na lahat!Sorry talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top