Chapter 16
Wag po kayong magreklamo,if naooahan napo kayo...sorry po talaga,mianhae~~
***
Chapter 16
Yuwy's Pov
Ilang minuto....
Ilang minuto na akong nakatayo dito sa labas kasama si Hailey,ni wala man lang kaming kibuan dahil baka mabugahan nanaman kami ni "SIR".
Actually,malapit na ang lunch kaya medyo happy happy na,pero...badtrip parin ako.
Tiningnan ko ang wrist watch ko...11:25,okay 5 minutes nalang at....BOOM!Tapos na ang paghihirap ko!
Hayss...
"I DON'T CARE!!GET OUT!"
0__0?!!
Nagsitinginan kami ni Hailey. Ano naman kayang nangyari sa loob?Aba malay!Pano ko malalaman kung wala naman ako dun?...Tss...eto na naman ako,baliw na talaga!
*Kreek!*
Bumukas yung pinto ng room at iniluwa nito si Savier...Oo si Savier,siya lang mag-isa at halatang inis na inis siya o galit na galit siya dahil sobrang namumula yung mukha niya at yung kilay niya ay salubong na salubong talaga,halos mawala na ang pagitan ng mga ito.
Tsk!Ano naman kaya ang nangyari dito?
"Anong nangyari?"tanong ko. Hindi siya kumibo at tumingin lang siya sa akin.
Nagulat pa ako ng bahagya dahil ang sama sama ng pagkatingin niya sa akin,as if na may ginawa akong mali o masama sa kanya.
"Why do you care?Dapat nga ay magpasalamat ka nalang sa akin,kesa sa mag tanong!"inis niyang sabi. Kumunot yung noo ko,hindi ko naman kasi maintindihan pinagsasabi nito eh!Dapat daw akong magpasalamat,eh bakit naman?Anong dahilan para magpasalamat ako sa kanya?...parang mas malala pa ito sa akin eh!
"Ha!Wow,ang kapal naman ng mukha mo ano?Bakit naman kita pasasalamatan?Eh wala ka namang---Tumahimik ka nalang pwede?!"sigaw niya dahilan para matigilan ako. Nanlalaki ang mata kong tiningnan siya.
Ha!...Ang galing!Talaga ngang mas baliw pa siya kesa sa akin!...Bakit ba nagagalit siya sa akin?Eh wala naman akong ginagawang masama na pwede niyang ikagalit sa akin?Nakasinghot ba toh?!
"Ano bang problema mo ha?Bakit ka ba nagagalit sa akin?Wala naman akong ginawang masama sayo ah!Kung magalit ka parang ang laki laki na ng kasalanan ko sayo!"inis na sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama,mas masama pa kesa kanina.
"Pwede bang tumahimik ka nalang diyan?!Kesa magdadada ka diyan,itikom mo nalang yang bibig mo!Nakakairita ka!"sigaw niya pa. Lalong nangunot yung noo ko,at mas lalong nag init yung pakiramdam,na feeling ko ay anytime,pwede na akong sumabog.
"Ako pa talaga yung nakakairita?Eh ikaw nga dapat yung sabihan ko ng ganyan eh,bigla bigla ka nalang nagagalit at naninigaw,eh hindi ko nga alam kung anong nangyari sayo!.......................Wag mong sabihin na ako ang dahilan kung bakita ka napalabas?Kaya ka galit sa akin ngayon,eh wala nga ako dun nung time na pinagalitan ka eh!"kunot-noong sabi ko. Hindi siya nagsalita at iniwas ang paningin sa akin.
Tumalikod siya sa amin,at aakmang maglalakad paalis ng tawagin ko siya ulit. Hindi pa kasi kami tapos eh!
"Hoy!"
Huminto siya sa paglalakad,ngunit hindi siya humarap sa akin.
Hayss...hindi ko alam kung dapat ko ba tong gawin o hindi,pero sa naiisip ko ngayon...ay pwede naman....ata?
Lumapit ako sa kanya at hinarap siya.
"Ako ba ang sinisisi mo?"walang ganang tanong ko. Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa malayo.
"Sumagot ka,ako ba talaga ang dahilan kung bakit ka napalabas?"tanong ko ulit. Pero same,walang sagot. Hayss,nakakairita na ah..para akong tanga dito.
"Sige nga,sabihin mo sa akin kung pano ako naging dahilan sa pagkapalabas ng room?"sabi ko. Pero...wala paring imik,kaya mas lalo akong nairita at hindi ko na naman napigilang hindi mapasigaw.
"Ano ba?!Sumagot ka nga diyan!Nagmumukha na akong tanga dito!Kinakausap kita diyan ng maayos kaya kausapin mo rin ako ng maayos!"iritang sabi ko pa. This time,napatingin na siya sa akin,nakakunot ang noo.
"Sino ba naman kasing nagsabi sayong kausapin mo ako?Wala naman!"galit niyang sigaw. Natigilan ako at namamanghang tumingin sa kanya.
Wow ha!Ako na nga itong naglakas loob kausapin siya,tapos siya pa itong nagagalit,kahit ako naman dapat!
"Eh sa hindi ko nga kasi naman maintindihan kung bakit bigla ka nalang nagalit sa akin na hindi ko man lang alam kung anong dahilan eh!"galit na ring sigaw ko sa kanya.
"Sabihin mo nalang kaya sa akin,kung bakit galit sa akin?Para hindi pa humaba ang usapang to---OO NA!"natigilan ako sa biglaan niyang pagsigaw.
"Oo na!Ikaw yung dahilan kung galit ako!Ikaw yung dahilan kung bakit rin ako napalabas!Alam mo kung bakit?...Hindi!Hindi ka naman nagtanong eh,"inis niyang sabi. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maiinis o matatawa. Para kasi siyang timang eh!
"A-ano?!...Eh kung sabihin mo nalang kaya sa akin!"
"Okay!Kaya lang naman ako napalabas dahil ipinagtanggol kita kay Sir!Sabi ko na,wala siyang karapatang palabasin ka dahil hindi niya alam ang excuse niyo kung ba't kayo napalabas,tapos nagkasagutan kaming dalawa hanggang sa nagkainsultuhan at hanggang sa nasabi ko sa kanya---ay mali,hanggang sa nasabi ko pala sa buong klase na MAY NARARAMDAMAN AKO PARA SAYOOOOOOOOOOOoooooooooo----ay hala...nasabi,"sabi niya na unting unting nawawala yung galit sa kanyang mukha.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya ngayon,tama ba ang narinig ko?May nararamdaman siya para sa akin?Kelan pa?
"Oh my gosh,"rinig kong sabi ni Hailey. Hindi ko siya magawang tingnan dahil hindi ko kayang maalis ang paningin ko kay Savier.
May nararamdaman siya para sa akin?Eh...pano nangyari yun?Hindi pa nga kami gaanong magkakakilala eh!..Wag niyang sabihin nagsimula yun dahil dun sa Kiss?Seryoso ba siya?
Inis akong napatingin sa kanya.
"Wag mo nga akong pinaglololoko,hindi ito ang oras para magbiro,at talagang hindi rin ako natutuwa sa sinabi mo ngayon,ha!Pano naman nangyari yun?Ano?Bigla bigla lang?Tsk!Baka guni guni mo lang yan,hindi ka pa naman siguro diyan,diba?"tanong ko. Hindi siya nakasagot.
"Sabi na nga ba eh...hoy,alam mo bang hindi magandang biro yan?Alam mo bang pwede ka makasakit ng damdamin niyan?Alam mo bang maari kang makapagpaasa ng tao,dahil diyan?"tanong ko ulit na hindi niya naman sinagot.
"Tsk!Kung totoo ngang may nararamdaman ka sa akin,bakit parang hindi ako naniniwala?At bakit parang hindi ka naman nagiging totoo sa mga pinagsasabi mo?Hoy...ays ka lang ba?Baka naman gutom ka?O di naman kay---Pwedeng tumigil ka na?"walang gana niyang sabi. Naitikom ko ng wala sa oras yung bibig ko.
"Okay,aaminin ko sayong crush kita,pero hindi ko na problema kung ayaw mong maniwala sa akin,at hindi ko rin alam na mas lalaki pa pala tong nararamdaman ko sayo,okay?Hindi mo mapipigilan yung nararamdaman ng isang tao para sa isang tao,kaya wala ka ng magagawa pa"seryoso niyang sabi.
Hindi ko alam...pero parang hindi ako nakukumbinsi sa mga sinabi niya,pakiramdam ko ay pinaglololoko niya lang talaga ako.
"Meron,meron akong magagawa...and that is....hayy ....wag ka na munang lumapit and makipag-usap sa akin,at kung maari...wag ka munang magpapakita sa akin,at kung hindi mo man yun makayanan in 1 week ibig sabihin may nararamdaman ka talaga sa akin...pero imposible...kaya para matigil na yang kasiraan mo,gawin mo yung sinabi ko at...iwasan mo ring isipin ako,"walang ganang sabi ko at walang anu-anumang naglakad paalis.
To Be Continued...
***
Chapter 16✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
(A/N: Sorry dahil bitin...hehe..sabi ko naman sa inyo eh,masyadong malayo ang chapter nato sa nakaraan,hehe...kaya sorry kung wala kayong maintindihan...at sorry din dahil mas naging oa na ito,haha...baka isipin niyong masyado ang nagmamadali?Well,you're wrong...sinadya kong gawin to dahil some idea popped in to my mind,and akin akin nalang iyon kaya bye for now..pahabol...sorry at medyo cliche siya)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top