Chapter 12:Bitter

Chapter 12:Bitter

Yuwy's Pov

Why why why?!

Oa na masyado ah,pati ba naman papuntang school,kailangan pa akong ihatid ni Kuya?Di ba pwedeng si manong nalang?Di tuloy ako makapuntang convenience.

Buset.

"Remember what I've told you earlier,wag ka ng umulit ha?Kung ayaw mong lumipad ka papuntang mars,"sabi ni Kuya. Duhh...as if naman kaya mo ano?May special abilities or powers ka ba?Lol.

"Hayss...pano ko makakalimutan yun,eh every minute nalang eh palagi mo nalang yan binabanggit,simula pa kaninang umaga,mula sa pag gising at paglabas ko ng kwarto hanggang dito,"sabi ko. Hindi siya kumibo pero feel ko yung pag tingin niya sa akin.

Di naman kasi ako zombie para walang maramdaman,I also have feelings...tao rin ako guyzz,hindi lang halata...nyahahahaha!!!!Ulol.

Di na akong kumibo pang muli at tumingin nalang sa labas ng bintana ng kotse. Baka kasi makita ko si Mr.Right,ayieeeeut. Lol

*Beep Beep*

Sino nanaman kaya to?Bakit feel kong makakabwisit lang to sa araw ko?Ano kaya ang tinext nito?Sino naman kaya ang taong mambibwisit sa akin ngayong umaga?

Well duhhh,pano mo malalaman kung di mo titingnan?Bogak!Tsss....kulang kulang na nga,bogak pa,tae!Ano pa?Meron pang idadagdag para full package?!Ano?!Haysss.

Pereng tenge leng genern. 🙄.

Kinuha ko phone ko at tiningnan yung nag text.

From:Bebe Leyley💕
Hi Yuyu beh!!!Good morning...okay ka na ba?rply ASAP. ❤️

Don't worry bebe Yuyu,ginawan kitang assignment,kahit medyo nakakalurky yung assignment..hehe

Where na u?Here na us.

To:Bebe Leyley💕
Almost na there beh.

Thank you beh!!!Bawi ako next time,hindi muna ngayon...hehe❤️

Btw,thanks for coming last night...na appreciate ko beh.

From:Bobitang Raine😏
Yuwy choco!U pyne?

Where iz you oredy?

Pakopya assignment mo ha?Hehe..wabyu

To:Bobitang Raine😏
Yes am berry berry pyne

Otw gurl.

Ulol mo,nademunyu ka na naman!

From:Chely Gurl💎
Beh,okay ka na?

Nandito kami sa guard house,nag-aantay sayu. Lab lab uuu❤️❤️

To:Chely Gurl💎
Chel,don't worry,I'm okay na.

Tnx for worrying.

Wait niyo lang ako diyan,nakakatouch naman kayu...hehe ayiiieeut,lab lab uuu 2<3

Itinago ko na yung cellphone ko sa bulsa ng istop ni Kuya ang kotse sa harap ng isang coffee shop.

"Ba't ka huminto?"takang tanong ko. Curious ako eh!Pake niyo ba?Lol.

"Ititreat kita,ano gusto mo?"tanong niya pabalik. Ayy woww...natouch ako,huhu gusto kong maiyak...huhu,oa ko gurl,oa.

Pero wow,this is the first time na ililibre niya ako!Kuripot kasi yan,di naglalabas ng pera. Tch!Ewan ko nga kung bakit eh,sayang naman yung pera,di magagamit...ibinigay niya nalang sana sa akin,dahil I'm very very sure,gamit na gamit yan. Nyahahahahahaha!!!

"Frappe nalang,tapos blueberry muffin nalang rin,para di na ako bibili sa canteen mamaya,nakakatamad pumila..hehezz,"ngiti ko. Tumango lang siya atsaka lumabas na ng kotse.

Nice!Hahaha!!!Yummy yummy na diz!Hahaha!Lol.

Habang wala pa si Kuya,kinuha ko na naman yung beloved phone ko,tsaka nag surf nalang si internet. Di narin kasi nagreply yung mga bruha eh.

Linel Santos tagged Vincent Josh
I gave you my everything,my love,my time and my efforts...but you just wasted it...you don't deserve to be love!😢💔

#FeelingWasted
#HeartBroken
#WalangForever

Psh!Mga peste!Ang oa oa niyo!Tsaka ambabata pa!Isampal ko sa inyo libro ko eh!Mag-aral muna kayo bago landi,puro kayo landi!Tsshh.

True Love will arrive at the right time,wag madaliin. Tss...mga bata talaga ngayon,haisst!Ako nga ang tanda---ay wrong,dalaga na ako or pwede ring mas matanda ako sa kanila ng ilang taon,eh wala pa ngang jowa,tapos kayo...aba aba!Kurutin ko mga singit niyo eh!

"Oh!"napatingin ako kay Kuya na kakapasok lang sa kotse. Nginitian ko lang siya tsaka kinuha yung frappe at yung supot na naglalaman ng muffin.

"Thank you!!Bilisan mo na diyan,malate pa ako eh,"sabi ko. Hindi niya na ako nilingon at sinimulan ng magdrive ulit.

*Skip Time*

Haisss!Mga ignorante talaga!Buti nalang at inilagay ko yung muffin sa loob ng bag ko,kundi ubos!Tsk!

"Hala!Pahingi naman!Napakadamot mo naman!Share your blessings!"singit ni Raine. Buset!Share your blessings?Pano naging share yan kung kayo lang din naman ang uubos,hiyang hiya ako.

"Painom beh,pampawala ng antok,thanks"si Rachel. Painom oh,akin nalang toh?Tsaka di pa nga ako pumapayag,kuha na agad?Matinde.

"Pahingi rin,nauuhaw ako and pambayad narin sa assignment mo,hehe,"wag na kayong magtanong kung sinong nagsabi niyan...last sentence lang,kilalang kilala niyo na kung sino.

-____-

Eh kung hingiin niyo na lang kaya sa akin yan?Hindi yung pakipot pa kayong hingi hingi,tapos maya maya,hihingi nanaman ulit. Leche!

Inis kong ibinigay sa kanila yung frappe. Yung mga bruha naman,nagkakandarapa sa pagkuha nun,nag-away pa talaga kung sino ang unang nakakuha nun!Tch!Mga isip bata!

Inis ko silang binalingan ng tingin. Ansasarap pag-uuntigin ng mga toh eh!Keaga aga,nag-aaway ng dahil lang sa frappe!Gawan ko kaya kayo ng movie ang title ay, The Legendary Frappe and The Four Shunga. Tss...

-____-

"Tama na nga yan!Hali na kayo't samahan niyo ako sa locker ko,kukuha lang ako ng libro!Mga peste!"galit kong sabi. Tumigil naman agad silang apat tsaka sinundan nalang ako.

Savier's Pov

Andito kami sa Students Center Area or SCA ngayon. Anong ginagawa namin?Ano pa nga ba,edi komokopya ng assignment kay Kyle. Haha!Di joke,yung dalawa lang yung kumkopya,may sarili kaya akong assignment.

"Ano ba toh?!Di ko maintindihan,ang pangit ng sulat kamay mo pre,parang dinaanan ng bagyo!Puta!"sigaw ni Haides. Hahahaha!!!Tae!Ang sama ng mukha ni Kyle,mukhang ulol!Hahaha!!!

"Gago!Tumahimik ka nga!Kung hindi kaya kita pakopyahin niyan!Anlakas mong mang-asar,eh yung sulat kamay mo nga,ang liit liit,mas maliit pa sa langgam!Tangna mue!Chupe,umalis ka ngang gago ka!"tulak ni Kyle kay Haides. Tiningnan lang siya ni Haides ng masama,at syempre di naman nagpatalo ang isa.

Tsk Tsk Tsk!

Mga isip bata!Pag-untugin ko mg ulo niyo eh!Para kayong mga nauulol. Tsk!

"Magsitigil nga kayo!Ang ingay ingay niyo!Hindi ako makapagconcentrate ng dahil sa inyo eh!Mga Amputcha!"singit ni Lance. Wow,nahiya ako dun ah. Concentrate?Nasa bokabolaryo niya pala ang salitang yun.

--,--

"Nahiya kami sayo,Lance,hindi makapag-concentrate saan?Sa pagkopya ng takdang aralin?"tanong ko. Hindi niya ako kinibo pero nginitian lang. Gagi,ampanget ngumiti ng gagong ton!Ahahahaha!Parang asong mangangagat!

Nyahahahahahaha!!!Takte!Bwisit ka Lance!

"Puta!Ayus-ayusin mo naman yang ngiti mo pre!Ampanget!Wahahahahahahaha!!!Bwisit!"tawa ni Haides. Nagsitawanan naman kaming lahat,kasali na si Lance.

Ng matapos na silang kumopya ay nagsitayuan na kami at pumunta na sa locker namin.

Habang naglalakad,syempre,alangan namang lumipad kami hindi ba?Tss...may pakpak ba kami?Lol!....habang naglalakad,ay may naririnig kaming mga hiyawan ng mga girls...hayss,di naman talaga yun maiiwasan,lalo na't,sobrang gwapo ko pa.

"Oh my gosh!Ang gwapo,diba sila yung new students?"

"Yes,sila yun...hindi ko aakalaing,mas gwapo pa pala yung new,kesa sa old,hihihi,nakakalaglag bra mga beshiee,"

"Ulol,wag assuming,wala kang dede kaya baby bra sabihin mo,hindi bra,jusme,"

"Tae,pati yun napansin mo pa?!"

"Well,duhhh..halata gurl,and for sure,ayaw ng mga ganyang lalake ang hindi malaki ang hinaharap,kaya kung ako sayo...wag ka ng mangarap na papansinin ka ng mga yan!"

-___-

"Tss...grabe ka,tsaka hoy,hindi din sila pumapatol sa isang katulad mo ano!Hindi sila pumapatol sa bakla!Remember that!Hmph!"

0,0!!!

Grabe,pati rin pala lalake,nahuhulog sa kagwapuhan ko?Ha!Unbelievable!Napaka-gwapo ko naman kasi...hehehe.

I'm so Hand------*BOOOGSSSHH!*

0_0?!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*Paaaaaaaaaaakkkkkk!!!!!!*

>_<!!!

"WAAAAAAHHHHH!!!!"

To Be Continued...
***
Chapter 12:Bitter✓

Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink

This Chapter Is Dedicated To:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top