Chapter 1:Hate At First Meet
Chapter 1: Hate at first Meet
Yuwy's Pov
First day pa lang ng klase pero tinatamad na akong pumasok. Hindi ko kasi feel na may klase na ngayon,tsaka I hate introducing at the front...na para bang hindi ako kilala ng mga tao,eh may classmate rin naman akong makakaklase this year.
Tsss..
Nakasibangot akong naglalakad ngayon ng makita ko ang mga bruha kong kaibigan na kumakaway sa akin. Mabuti naman at nandito pa tong mga to.
"Hi Yuwy,first day na first day di na maipinta yang pagmumukha mo,anyare sis?"bungad na tanong ni Sherraine or Raine nalang for short.
Kung makapagsalita naman to,kala mo naman gustong gusto niyang pumasok. Pag makarating na ng half a year ng school year,eh mag-aabsent nanaman to ng mga ilang days...or weeks pa nga eh.
"Di niya feel pumasok....alam ko yun kasi yun din yung nafefeel ko,right?"walang ganang tanong ni Rachel. Tumango lang ako sa kanya.
Nyahahahaha....para malaman niyo lang,kami yung mga studyanteng walang mararating sa buhay dahil antatamad pumasok.
"Feel ko rin kayo,kaya wag kayong magsolo oy,"sabi ni Hailey. Isa pa toh....bihira mo lang makikitang pumasok,pero ang grades niyan sobrang taas. Inggit nga ako eh.
"Oii,wag niyo sabihin niyan...alam niyo bang may grupo ng mga lalake na kakalipat lang dito?Balita ko,ang wawafu daw ng mga yun...hihihi,"sabi ni Raine na sinabayan pa ng talon. Parang may kiti kiti lang puwet.
Diyan tayo eh,alert na alert sa chismisan,pagdating sa mga lalake. Landede talaga ng babaeng to,kurutin ko singit nito eh.
"Tss....tigilan mo nga yan,sobrang bata mo pa para lumandi ah!Gusto mo kurutin ko yang singit mo?"sita ko sa kanya. Tumigil na siya pero ngumingiti parin siya ng parang baliw.
Hindi na pala parang baliw,dahil baliw na itong bata nato.
"Tara na nga,hahanapin pa natin room natin,"sabi ko sa kanila at nagsimula ng maglakad paalis. Kung puwede lang sana ibalik ang panahon.
Malamang sa malamang....binalik ko na yung panahon kung kelan bakasyon pa!Nyahahahahaha!!!Pero sa totoo lang...gusto ko talagang bakasyon pa ngayon.
Nakakainip kasi dito sa school,may mga rules na kailangan sundin,tapos ang boboring pa ng mga lectures dahil paulit ulit nalang. Psh!
Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko na nga mapansin pa ang paligid dahil sa pag-iisip tungkol sa bakasyon at walang klase....at dahil dun sa pagiging absent minded ko may nabangga akong matigas na bagay.
"Ouch...."mahina kong bulong habang himas himas ang noo ko.
"Hala Yuwy,ayos ka lang?"tanong ni Rachel. Duhhh...isn't it too obvious na hindi ako okay?Stupid.
Sobrang sama na nga ng araw ko dahil ayokong pumasok tapos tatanungin pa ako ng isang tanung na sobrang obvious na ng sagot.
Inayos ko yung bangs ko at tiningnan yung nabangga ko,na sobrang tigas. Pag-angat ko ng tingin ko ay nagkrus agad yung kilay ko.
"Hoy,di ka ba manghihingi ng sorry?"inis na tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako head to toe.
"Hoy!Pipi ka ba?!Mag sorry ka nga,nasaktan pa yung noo ko dahil diyan sa matigas mong katawan!"sigaw ko sa kanya. Kumunot yung noo niya.
"Ako pa talaga yung magsosorry,eh ikaw nga yung tanga na bigla nalang nambabangga ng tao eh!"sigaw niya sa akin. Wow ha,ako pa talaga.
Napamewang ako bigla at tiningnan siya ng masama. Yes,I admit na ako yung tanga pero dapat umilag rin siya,para di kami magkabanggaan.
"Kahit na!Dapat umilag ka para di magkrus landas natin at para narin di ko makita yang masungit mong pagmumukha!"sigaw ko sa kanya. Mas lalong sumama yung tingin niya sa akin.
"Bakit,ikaw lang ba ang ayaw makakita sa akin?Pati rin naman ako!Ayoko makita yang panget mong pagmumukha!"balik niyang sigaw. Aba!Lakas mantrip nito ah!Sinong panget ang sinasabi niya?
"Wala akong pake kung ano man itawag mo sa akin,basta magsorry ka sa akin!Mahirap bang magsorry?!"inis na inis na sigaw ko sa kanya. Kwinelyuhan niya ako dahilan para maout of balance ako at matumba.
Hindi ko inexpect ang sunod niyang ginawa kaya ako naout of balance,pero ang mas shocking part is......I fell ontop of him and our Lips crashed!
What the hell?!
"OooOohhhhhhh!!!"
"Nice,"
"Kunan mo ng pic dali!"
"Epic"
"OMG...."
"Shocks"
"What?!"
Ng marealise ko ang pangyayari ay agad akong tumayo. What the hell did actually happen?!Arrghhh!!
Hinarap ko sila Rachel na shock parin sa nangyari. Fudge?!Wala man lang ginawa ang mga to kundi ang panuorin kami?
Napatakpan ko nalang ang sarili kong mukha dahil sa kahihiyan. I'm pretty sure na ang pula pula na talaga ng mukha ko ngayon...sheeet,anong mukha pa ang ihaharap ko ngayon?Buti nalang talaga at walang tao ngayon dito sa hallway,I'm so lucky no one saw it at kami kami lang....dahil kung meron pa,lagot ako nito.
Bigla nalang nanlambot akong tuhod ko...and my eyes are starting to get watery. I can't believe my first kiss was stolen that easily....and......I-i....I'm so hurt about it!
Hindi sa taong mahal ko napunta ang first kiss ko!
Bigla nalang pumatak ang luha ko kaya bigla ko itong pinunasan.
"Yuwy...ayos ka lang?"tanong ni Hailey at pinat-pat yung likuran ko. Hindi ako okay....ang sakit sa heart....wahuhuhuhu!!!
"Huhuhuhu!!!....Hi-hindi ako okay!!Huhuhuhu!!!Ang sakit sa puso,na sa maling tao pa nabigay yung first kiss ko!!Muhuhuhuuu!!!"hagulgol ko.
"First Kiss mo yun?!"tanong ng tao sa likuran ko. Bwiset na tanung....klarong klaro na nga yung sinabi ko eh!
Kailangan pa talaga ulit ulitin?!Huhuhuhu!!!!Ansama niyo!Ako na nga yung nawalan eh!Mga bwisit kayong mga hinayupak kayo!
"Tumahimik ka nga kung ayaw mo tapunan kita ng sapatos!"sita ni Raine.
"Huhuhuhuhu!!!!Tumahimik nga kayo!Ang iingay niyo eh!Makisimpatya nga kayo!"inis na sigaw ko sa kanila. Hinarap ko yung lalake kanina,kahit mukha na akong nalosyang ginawa ko parin.
Bwiset!Ang kumag nakangiti na!Walangya!Ansama mo!!!
"Anong tinatawa tawa mo diyan?!Huh?!"inis na tanong ko. He just smirked at isinilid yung kamay niya sa bulsa. Ano ba trip nito?
"You should be thankful at sa akin napunta yung first kiss mo....and maybe the last,"ngiti niya ulit dahilan para mainis ako lalo.
"Anong thankful?!Di ako magiging thankful!Okay lang sana kung sa iba ko yun nabigay,basta wag lang sa taong kagaya mo!Bwiseeet kaaa!!"inis na inis kong sigaw. Kahit mabasag na yung vocal chords ko,lakompake.
"Tss....just say it na you like the kiss,cause for me...I liked it,"sabi niya at umalis na kasama yung mga alipores niya. Arrrgghhh!!!Bwiseet!!!
Taena mueee!!!!!
To be continued...
***
Chapter 1:Hate at First Meet✓
Note:Thank you for reading...I hope you like it,and also sorry for the lacking of words,the typographical errors and the wrong grammars found in the story.
-BluishlyPink
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top