Save Me 1.2

Save Me
Written by: Xenon
- - -

Madilim. Wala akong nakikita at ang paghinga ko'y limitado dahil sa isang bagay na nakatakip sa 'king ulo, kung hindi ako nagkakamali ay isang sako ito.

"Gising na ba siya?" Rinig kong tanong ng isang babae.

"Hindi ko po alam Ma'am Amanda." Sagot ng isang lalake, base sa boses niya'y medyo may edad na ito. Isa pa ay, sino ba si Amanda?

"Alamin n'yo bobo." Asik no'ng Amanda at narinig ko ang mga yapak na papaalis. "Alam n'yo na ang gagawin." Ilang saglit pa'y nawala ang boses ni Amanda, ibig sabihin ay siya 'yong umalis.

Ilang saglit pa'y narinig ko ang mga kalalakihang lalabas muna para bumili ng beer at uminom. Ayon sa narinig ko'y iinom muna sila bago gawin 'yong ipinapagawa ng babaeng Amanda. Kinakabahan man ay agad kong ginamit ang pagkakataong 'yon para tumakas.

Kinuskos ko ang tali sa upuan umaasang baka maputol ito, nagawa ko ring kusutin ang magkabilang kamay para lumuwag ito. Hindi nga ako tumigil, hindi ako nawalan ng pag-asa at patuloy lang ako sa pagkuskos.

Laking-tuwa ko naman nang maramdamang lumuwag ang tali sa 'king kamay ay marahas ko itong hinila para makawala, damang-dama ko ang pagdaan ng makapal na tali sa 'king namamaga at nasugatang kamay. Ininda ko ang hapdi at tinaggal ang sakong nakatakip sa 'king ulo, nang mahiwalay ito sa 'king ulo ay pinalitan ng nakakasilaw na liwanag ang kaninang madilim na paligid. Napayuko ako ako at mariin na napapikit para iwasan ang ilaw, ilang saglit pa ay nasanay na ang aking mga mata. Halos hindi ko na makilala ang aking sarili dahil sa dami ng pasa at dugo sa 'king katawan, ang paligid din at hindi pamilyar sa 'kin, siguro'y nasa loob ako ng abandonadong bahay.

Dali-dali kong kinalagan ang tali sa 'king mga binti at agad na napatayo, pagtayo'y natalisod ako sa panghihina ng aking mga binti---sa ilang araw kong pagkakaupo rito ay malamang naninibago ang aking sistema at may pagkakataong mawawalan na ako ng balanse. Kahit nadarapa ay agad akong bumabangon para tumakas.

Wala pa sila, ito na lang ang natitirang pagkakataong makatakas sa mga halimaw na lumapastangan at nagpahirap sa 'kin. Hanggang ngayon ay damang-dama ko pa ang sakit ng aking katawan na gawa nila--- bawat pagdampi ng suntok, tadyak at hampas sa 'kin ay sariwang-sariwa pa sa 'king isipan at katawan.

Mga hayop sila!

Pagbukas ko sa pintuan ay sinalubong ako ng sariwa at malamig na hangin, napakadilim ng paligid pero naaaninagan ko pa ang makakapal, mayayabong at matataas na kahoy sa paligid. Itinago ako ng mga kidnappers sa gitna ng gubat, hindi ko alam kung nasaan ako.

Kahit natatakot ay mas pinili ko na suongin ang madilim at nakakatakot na gubat, kailangan kong mahanap ang daan palabas dito dahil ito na lang ang natitirang pag-asa para sa 'king sarili, kung maliligaw man ako ay wala na akong pakialam pa basta't nakalayo na ako sa kanila.
Lakad, takbo, dapa, bangon. Paulit-ulit na nangyayari sa 'kin pero mas pinili kong magpakatatag at indahin lahat ng hirap para masalba ang sarili at makalayo sa impyerno, wala nang iba pang umiikot sa 'king isipan kung hindi ang mga mukha nina Mama at Papa.

- - -

Humihingal akong napaupo at napasandal sa puno nang makadama ng labis na pagod at panghihina. Napatingin ako sa direks'yon ng aking pinagmulan at matamis na napangiti---ligtas na ako, nakalayo na ako mula sa kamay nila at hindi na ako maghihirap pa muli.

"D'yos ko po!" Napasigaw ako nang makarinig ng nakakabinging putok ng baril ewan kung nasaan nagmumula, kasunod nito ay ang nakakahindikna sigaw ng mga lalakeng kumulong sa 'kin.

"Mincy! Kung sa tingin mo'y makakatakas ka ay nagkakamali ka!" Sigaw ng isa sa kanila. "Hindi ka makakaalis dito! Hahanapin ka namin at papatayin!" Kahit malayo sila o nakalayo man ako sa kanila ay ramdam kong nasa paligid sila't nagmamasid sa 'kin, parang kahit anong oras ay bigla lang silang susulpot kung saan at susunggaban ka bigla.

Napatayo ako at iginala ang paningin sa paligid, mistulang binalot ako ng yelo nang makita ang kumpol ng sulo sa isang sulok, lahat ng ito'y gumagalaw patungo sa gawi ko.

Nand'yan na sila!

Kumaripas ako ng takbo dahil sa takot, parang nawala lahat ng pagod at sakit sa 'king katawan dahil sa bilis ng aking pagtakbo. Walang eksaktong direks'yon ang tinutungo ko kaya wala na akong pag-asa pang makalabas sa gubat nito---okay lang na hindi makalabas basta't makalayo lang sa kanila.

Siguro'y ilang oras na lang ang dadaan ay sisikat rin ang ilaw at mahahanap ko na ang daan.

"Aray!" Napadaing ako sa sakit nang mahagip ng paa ko ang nakalitaw na ugat na siyang nagpabagsak sa 'kin. Parang nabali ang binti ko sa sama ng aking pagkakabagsak.

"Hin-hindi." Mahinang saad ko nang makitang may sugat sa 'king tuhod, umagos ang dugo mula rito at dumaan sa 'king binti.

Paika-ika akong naglakad matapos makatayo, pagod na pagod na talaga ako at nanghihina, gusto ko mang magpahinga ay hindi pwede, lalo na't nasa paligid lang sila at naghahanap sa 'kin. Kahit nahihirapan ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asang makakalayo at maligtas ang sarili. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makita ang pag-asa.

"I-ilaw!" Tuwang-tuwa ako nang makitang may kulay orange na liwanag sa dulo, kung hindi ako nagkakamali ay ilaw itona nagmumula sa poste---ibig sabihin ay may kalsada ro'n.

Mistulang nagbalik lahat ng lakas ko at agad na tinungo ang ilaw, ang ilaw na sasagip sa 'kin at mag-aahon sa 'kin mula sa kapahamakan. Habang lumalapit ako ay unti-unting lumalaki ang ilaw na siyang nagpapalaki rin sa 'king pag-asa.

Ligtas na ako! Magiging ligtas na ako.

Nang marating ang kalsada ay napahiga ako sa malamig na semento at hinabol ang aking hininga. Kahit nanghihina ay bumangon ako para maglakad at makatakas. Wala pang kotseng dumadaan kaya malabong masasagip ako ngayon, ang natatanging magagawa ko ngayon ay maglakad at mag-abang ng sasakyang pwedeng mag-uwi sa 'kin.

Pero sa 'di inaasahang pagkakataon ay nakadama ako ng matinding kirot sa 'king ulo, kasabay nito ay ang tunog ng nabasag na buto, lupaypay akong bumagsak at hilong-hilo, kahit nanlalabo ang aking paningin ay kitang-kita ko pa ang mala-demonyong ngiti ng mga kidnappers ko. Ilang saglit pa ay naramdaman kong hinila at kinalakdkad ako ewan kung saan papunta.

- - -

Nagawa ko pang magpumiglas habang hinihila ako nila pakaladkad sa mabatong lupa. Magkahalong sakit mula sa binti kong nagagasgas at sa buhok kong parang mahihiwalay na sa anit. Pero kahit na gano'n katindi ang nadarama ko ay tiniis ko't inisip na lang ang paraan paano makatakas.

Hanggang sa may makuha akong pagkakataon. Nagawa kong makapulot ng maliit na sanga at isinaksak sa isa sa kanila. Nakarinig na lang ako ng impit na sigaw at nakadama ng konting pagluwag mula sa kamay na nakahawak sa buhok ko. Sinaksak ko rin 'yong nakahawak sa magkabilang braso ko kaya napabitaw sila't nagawa kong makatayo at makatakas.

Dali-dali akong gumapang at tumakbo papalayo. Pero napatigil na lang ako nang makarinig ng isang malakas na putok, napatakip naman ako sa 'kin tainga dala ng nakakabinging tunog. Kasabay nito ay ang isang malasipang sakit sa 'king likod na sinundan ng pag-agos ng dugo sa 'king dibdib. Hindi ko alam pero napatulala na lang ako't wala sa sariling napaluhod.

Bawat segundong dumadaan ay 'di mawaring sakit ang bumabalot sa katawan ko. Kahit sa bawat paghinga ay dugo lang ang lumalabas sa 'king bibig.

"Pare!? Bakit mo siya pinatay?!"

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top