*|°Tigil na°|*

**************

Binibining kay ganda
sa kanya'y wag ka nang umaasa pa
sapagkat ika'y mababalewala lamang nya
kung kaya't tumigil ka na

Tumigil ka na sa paghabol sa kanya
pagkat may mahal na syang iba
at hindi ka na nya mamahalin pa
kaya sayang lamang ang iyong mga luha

Kung ako sayo'y titigilan ko na sya
dahil kung mahal mong talaga
hahayaan mo syang maging masaya
kahit sa piling pa ng iba

Dahil ang tunay na pagibig ay nagpaparaya at nagpapaluha
pero sa kabila ng pighati na iyong nadarama,
alam kong mayroong darating upang ika'y muling sumaya
at maaring maging dahilan upang ika'y muling umibig na...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top