*|°Mahal ko°|*

Minahal kita pero sinaktan mo lang ako
Nagtiwala ako pero ako'y niloko mo
Nagmakaawa ako pero ako'y iniwan mo.

May pagkukulang ba ako?
May mali ba ako?
Ano bang sapat na dahilan mo?

Para ako'y iwan mo?
Naging maayos ang pakikitungo ko sayo
Tapos iiwan mo lang ako!?.

Hindi ka patas mahal ko!
Sa kadahilang kaya pala iniwan mo ko
Dahil iba na ang mahal mo
at hindi na ako...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top