*|°Linya°|*

Tayong dalawa ay magkasama
ikaw at ako ay masaya,
Buhay natin ay tahimik at payapa
At tayong dalawa ay kuntento na sa isa't isa .

Meron tayong sariling linya .
Linyang konektado sa ating dalawa
Tayo lang ang nakakaalam at wala nang iba pa,
Ngunit bakit biglang nagiba ka ng linya?

Tayo ba'y may problema?
O ikaw lang talaga
Ako ba'y may pagkukulang ?
O nakulangan ka
Bakit mo ko iniwan sa ating linya ng nagiisa?
Masaya naman tayo diba?

Pero bakit pumunta ka sa ibang linya?
At mas pinili mo sya,
Ni hindi mo pa nga sya ganon kakilala
At di mo alam kung talagang mahal ka nya o pinaglalaruan lang pala.

Pero dahil mahal kita
Kahit masakit ay malaya ka na,
hahayaan ko kayong dalawa
Pero wag lang kitang makita na sinasaktan nya dahil kahit ayaw mo ay babawiin kita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top