Chapter 7
AIZEN POV
Nagpabalik-balik ako ng lakad sa aking kwarto. I'm trying to fucking calm myself. Putang-ina kasi Gene na yan. Ang kapal ng mukha na isumbong ako sa magulang ko tungkol sa pagtanggal ko sa mga empleyado. I know it's him dahil sya lang naman ang close sa papa Ivo ko. Alam ko sya lang dahil ang mga empleyado sa HR ay alam kung ano sila sa kompanya. They are just our employee. Kung ano ang desisyon namin or desisyon ko ay susundin nila. Kaya walang ibang pwedeng mag sumbong sa magulang ko kundi si Gene.
At dahil sa kanya, lolo Myth is so mad at me. I receive a warning from him, an ultimatum to be exact. Letse talaga sya. At napakagaling nyang umarte na inosente. Akala naman nya madadala nya ako doon. Sila papa Ivo lang ang mauuto nya pero hindi ako. Ang mga galawan nya, basang-basa ko na at wala syang pinagkaiba kay Beverly. Parehas na parehas sila. Pabagsak akong umupo sa gilid ng aking kama. Naihilamos ko kamay ko sa aking mukha at inalala ng pagtatalo namin nila papa at lolo kanina.
FLASHBACK
"Anong pumasok sa utak mo Aizen at magtatanggal ka ng mga trabahante natin?" Gulat akong napaangat ng tingin. It was lolo Myth at galit na galit ang kanyang mukha. Kasunod nya si papa Slater na agad hinawakan si lolo para pakalmahin. Papa Ivo also here and he is looking at me blankly.
"How did you know?" Takang tanong ko. Ang bilis naman nakarating. Wala pa nga ako narereceive na confirmation email mula sa HR pero alam na agad nila. Who told them? Gene? Malamang.
"Hindi dahil andito nalang kami sa bahay Aizen ay wala na kaming alam sa kompanya." si papa Ivo. "May nagrereport sa amin ng bawat ganap sa loob ng kompanya, whether it is internal or external."
"Well..." Sumandal ako sa aking upuan. This is the first time na napuno ang study room ko at hindi ko akalain na ganito ang magiging eksena. "I decide to remove some of our employee. Those are employees na hindi kailangan ng kompanya. Our company is too big and we need more talented people. People who study everything. Yung may mga alam talaga."
"At tinanggal mo ang mga empleyado natin na sa tingin mo hindi talented at hindi fit sa trabaho nila?" Lolo Myth asked.
"Yes po,lo. I checked there file of course." Proud na sagot ko. Why not? I made a right decision. Yung mga taong tatanggalin ko ay mga walang alam sa mga trabaho nila.
"Sa tingin mo anak, why did we hired them kahit na ang mga tinapos nila ay malayo sa kanilang trabaho?" Tanong ni papa Ivo sa akin.
"Dahil naawa ka sa kanila. Maawain ka eh."
"No, Aizen. Yung awa ay patangay nalang. But the main reason why we hired them is because we know na pagmamalasakitan nila ang kompanya." Sagot ni papa Ivo.
"Exactly." Sabat ni lolo Myth. "Tama ka Aizen. Our company is big nd well known already and we need talented person. Agree ako sa sinabi mo na yan, pero aanhin ng kompanya nag mga taong may matataas na pinag aralan pero hindi kayang pagmalasakitan ang aking pinagpaguran.
"Aanhin ko ang mga edukadong tao kung pagdating ng panahon, ilalaglag din ang kompanya ko? Yes, we need talented person but what we need the most ay yung mga empleyado na pagmamalasakitan yung pinagpaguran natin. Skills can acquired, it can be learn and we can teach it to them, pero yung malasakit, yung katapatan at loyalty, Aizen hindi natuturo yun. Kahit na ipasok pa kita sa pinakasikat na paaralan hindi yan ituturo sayo. I don't want a skill people dahil kaya kong ituro sa iba ang mga alam nila. Kailangan ko ng mga taong may malasakit hindi lang sa trabaho kundi pati sa kompanya ko."
"Lo, may mga loyal din naman na mga taong may pinag aralan. Bakit kailangan mo patyagaan turuan yung mga walang alam? Sure ka ba na loyal yan? Kung hindi ako nagkakamali, ginagamit ka lang nila." Inis na sagot ko.
"Wag mo pairalina ng karanasan mo Aizen dito. Dahil kahit na mga hindi sapat ang pinag-aralan ng mga yan, alam ko, hindi nila ako lolokohin. Yes I hired those people but I do background check to them."
"Madaling pekein ang impormasyon lo."
"Yun ay kung hahayaan mo mapeke ka."
"My decision is final lo. Ako na ang CEO ng kompanya, desisyon ko ang masusundo."
"LAKE AIZEN! How dare you to talk like that. Hindi kita pinalaking ganyan!" Galit akong napatingin kay papa Ivo.
"Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa inyong mga taong yun. They are fake at they are only using you. I will get rid of them and that is final. Hindi kailangan ng kompanyang mga tangang katulad nila."
"Don't you dare to by pass me Aizen. Ako pa din ang nagtayo ng kompanyang yun. Akin pa din iyon. If you want to gain all the authority, then kill me and your parents. Pero habang buhay ako, I still have all the power to void your decision."
"Lo..."
"Shut up Aizen. Wala kang tatanggalin sa mga empleyado ng kompanya. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa kanila pag tinanggal mo sila sa trabaho." Galit na wika ni lolo.
"Problema na nila yun. Nakinanabang na sila ng malaki sa atin, pati ba naman buhay nila problema pa natin?"
"Watch your word Aizen. Isang maling desisyon mo pa, ipaparanas ko sayo kung paano mamuhay ng katulad ng buhay na mayroon sila."
"Is that how important they are to you?" Tanong ko.
"Yes. When you care to other, they will care also for you."
"No they're not lo."
"Sayo lang. Si Beverly lang dahil isa kang dakilang tanga. Hindi ko alam kung kanino ka nagmana. But I'm warning you Aizen." Tumayo si lolo at lumabas ng study room ko.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang magulang ko ng humarap sila sa akin. "We are aware of your trust issue Aizen. Beverly just used you to attain what she want. Pero nak, hindi kang lumaking ganyan, hindi kita pinalaking ganyan." papa Ivo said tsaka sya tumayo at lumabas din ng silid.
"I will not say anything. Sa dami ng sinabi ni lolo at papa Ivo mo, hindi na ako dadagdag. Sasapukin nalang kita Aizen, at hindi ako nag bibiro." Ani papa Slater and left also the room.Padabog akong tumayo. I throw all the things in may table sa sobrang inis ko. Ako pa talaga ang lumabas na masama, eh nagmamalasakit lang naman ako sa kompanya namin.
Inis akong lumabas ng study room at dumiretso sa kwarto nila lolo Myth. Kumatok ako at ang nagbukas ay si Gene. The big mouth Gene. Kalalaking tao, sumbongero.
"Good evening po boss Aizen." Bati sa akin ni Gene. Hindi ako sumagot. I just glared at him. He and his masked. Soon I will stripped that mask of yours to reveal who you really are, tangina ka.
END OF FLASHBACK
TOK! TOK!
"Sir Aizen pinapatawag kayo ni sir Tael. Kakain na daw po."
"Baba na ako."
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. I fixed my expression and emotion. Ayaw ko na mapagalitan pa sa harap ng pagkain. Ayaw din ni lolo Tael yun dahil pambabastos daw iyon sa grasya.Pagkapasok ko sa dining room namin ay si Gene agad ang nakita ko. Nakaupo sya sa tabi ni lolo Tael at pinagsisilbihan ng mga katulong. Agad na kumulo ang dugo ko but I composed myself. Ang kapal talaga ng mukha nya. Sasalo pa talaga sya sa amin.
"Day off mo bukas diba Gene? Pacheck up tayo ha." Dinig ko sambit ni papa Ivo.
"Ayos lang po ako sir Ivo. Itutulog ko lang ito."
Umupo ako sa tabi ng aking magulang tsaka ko tinignan si Gene. Iba ang dating ng kanyang mukha at namumutla sya. Anong nangyari sa kanya? Anong drama na naman nya?
"No. Your not okay. I'll insist. Doon tayo sa ospital ng pinapasukan na asawa ni tita Nikka.""Ayos lang po talaga ako." Gene weakly smile. Ang galing nya talaga magdrama.
"Wag nyo pilitin ang ayaw, baka pumayag. Besides, katawan nya yan." Sabi ko habang nakatingi kay Gene.
Ngumiti lang ito sa akin at nag iwas ng tingin. Tsk. Arte pa. Kala mo tatantanan ka ni papa Ivo dyan sa hitsura mo ngayon. Umpisahan mo na mag isip ng irarason mo.
I start eating. Tahimik lang din kumain si Gene habang si lolo Tael naman ay panay kwento ng pinanuod nyang kdrama. I keep looking at Gene. Halos hindi sya makakain ng maayos. Kahit ang paglunok ay nahihirapan sya. Jusko nalang. Pati sa pagkain nag aarte. Papansin talaga.
Nang matapos kumain we stay on our sit. Hindi pa kasi tapos si lolo Tael at aliw na aliw si lolo Myth sa kanya. I really admire their love story. Lolo Myth love for my lolo Tael is too strong and deep. I can still see how he admire his husband by the way he look at him.
"Ahm. Mawalang galang na po, pero gusto ko na po sanang umuwi." Singit ni Gene sa pagkukwento ni lolo Tael.
"Dito ka nalang matulog Gene. You really not look good. Madaming kwarto dito." Ani ni papa Slater.
"Oo nga naman Gene. Tsaka papa check up kita bukas and you can't say no." Sang-ayon ni papa Ivo.
"Sige po."
Huh? Pumayag? Aba, bilib na talaga ako sa lalaking ito. Let see kung ano ang gagawin mo bukas.
"Aizen, yung kwarto sa tapat mo malinis yun, paki hatid si Gene doon." Utos sa akin ni papa Ivo.
"Okay." Tumayo ako. I look at Gene na dahan-dahang tumatayo sa kanyang kinauupuan. What's with him?
"Mauna na po ako sa......."
BLAG!
"GENE!"
What the fuck? Mabilis akong lumapit sa kinabagsakan ni Gene. Ang putla nya at ang lamig ng kanyang balat.
"Carry him Aizen. I drive the car. Let's bring him at the hospital." Utos sa akin ni papa Slater na agad ko namang sinunod.
If this is part of your acting Gene, congrats dahil nataranta ako! Siguraduhin mo lang na totoo ito, that you really collapse dahil kung hindi, ako mismo papatay sayo, gago!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top