Chapter 5

AIZEN POV



"Okay lang po ako dito boss Aizen. At tungkol doon sa pagiging PA, sige po. Mananatili akong PA mo."  



I scratch the back of my head. Hindi ko napilit na bumalik sa mansyon si Gene. I saw his determination when he declined my order to him. Kahit na ginamit ko na ang pangalan ni papa, he still did not come with us. I saw in his eyes, na kahit pa siguro si papa Ivo ang sumundo sa kanya ay hindi sya sasama. He choose to stay  sa maliit at mainit na kwartong iyon kesa sumama sa amin.



"Is that a new strategy of a social climber?" Bulong na tanong ko sa aking sarili.





"Hindi lahat ng tao ay parehas. Hindi kumo naloko ka, manloloko na lahat. People are different. Lagi mo yang tatandaan Aizen. Never ever judge a person base on your past. Kung kami ng ang papa mo na kambal ay magkaiba, yung ibang tao pa kaya."





Pangaral iyon ni tito Lex sa akin kanina habang bumibiyahe kami papunta sa inuupahan ni Gene.



"Tsk! Bakit ba kasi hindi pa sya sumama. Ang dami nyang arte!" Inis akong bumangon sa aking kama at dumiretso sa banyo. I need to cool down my head.





Matapos kong maligo at magsuot ng pantulog ay dumiretso ako sa harap ng computer para magtrabaho. Mahirap para sa akin ang makatulog, ganitong naiinis ako. Rather that wasting my time thinking of that man, magtatrabaho nalang ako.





I was about to open my computer ng makita ko ang folder na naglalaman ng impormasyon ni Gene. Kinuha ko iyon at muling binasa ang laman.





"That room is not suitable for him." Napailing ako ng maalala ko ang inuupahang kwarto ni Gene. Hindi ko nga alam paano kami nagkaasyang tatlo doon kanina. It's not well ventilated also. Mas mukha syang kulungan ng aso kesa sa tirahan ng tao.





"Maybe this information are fake." Muling sabi ko. I shurgged my shoulder tsaka ko nilagay sa shredding machine ang folder. I believe na fake ang lahat ng impormasyon na naandon. My lolo is old already. Kahit sya pa ang kumuha ng impormasyong iyon, I believe na hindi iyon totoo. Gene's condition based on his medical record is not good, pero nakakatagal sa ganoong klaseng kwarto. That alone is enough for me to believe that all the information they get is not reliable.





I start reading all the employees information. May plano akong magtanggal ng mga tauhan at maghired ng bago. Lolo and papa hired people na sa tingin nila ay nangangailangan ng tulong . And I don't like it. Hindi magpapatuloy na maganda ang takbo ng kompanya namin kung puro awa ang paiiralin. A huge business like we have need a talented people. Yung mga taong may sapat na alam sa kanilang mga trabaho at hindi yung mga taong walang alam. At dahil ako na ang CEO, yun ang babaguhin ko. Magtatanggal ako ng mga trabahante na ang educational background ay hindi tugma sa mga trabaho nila. Aside sa maintenance team, babaguhin ko ang lahat.





"Skilled people are useless kung wala silang malasakit sa trabaho nila." Halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa gulat. Lumingon ako sa may pintuan ng aking kwarto at nakita ko si lolo Tael na nakatayo doon.





"Madaling ituro ang skills. Madali din itong matutunan, pero ang malasakit sa trabaho sa kompanya at sa trabaho ay hindi natutunan o kya naituturo."





"Bakit gising ka pa?" Takang tanong ko. Where is lolo Myth? The fact that lolo Tael is still awake at nandito sa kwarto ko, ibig sabihin wala sa kwarto nila si lolo Myth o tinakasan na naman ni lolo Tael si lolo Myth.





"Gusto ko lang ikaw makausap." Marahan syang naglakad papasok sa aking kwarto. Agad akong tumayo at inalalayan sya na maglakad. Lolo Tael is old already. May mga sakit na sya na dinadaan nalang sa gamot para hindi mag relapse. Kung ako ang tatanungin, hindi na sya malayo sa dulo ng kanyang buhay. And I'm too worried about it. Kaya pagdating sa kanya, ingat na ingat ako.





"Tungkol po ba saan lo?" Inalalayan ko syang umupo sa gilid ng aking higaan tsaka ako umupo sa kanyang tabi.





"Alam ko ang ginagawa mo Aizen and to be honest, I'm disappointed about it." Mabilis akong napayoko. Gusto ko mainis dahil paniguradong pangaral na naman ang makukuha ko mula sa kanya, pero hindi ko magawa. Malaki ang respeto ko kay lolo Tael. I saw how down to earth he is. Sa dami ng natulungan nya, sa dami ng mga taong hindi nya hinindian, the way he remain simpe in everything, isa sya sa mga taong tinitingala ko ng sobra.





"I don't trust Gene." Diretsang sagot ko.





"Dahil?"





"He's like Beverly. They are both user."





"Sigurado ka ba? I mean, nakasama mo na ba si Gene? Did you have any proof na user sya?"





Mabilis akong umiling. "Ramdam ko lang."





"Ramdam mo lang o dahil parehas sila ni Beverly na galing sa mahirap na pamilya?"





"Both."





"Tsk." Marahan na umiling si lolo. He grab my hand at weakly squeezed it.





"Ang porma ng bawat letra ay magkaiba pero parehas silang kabilang sa alpabeto. Ang papa mo at ang tito Lex mo, kambal sila, pero magkaiba ang ugali. Ang lola Aira mo at lola April ay kambal din, pero magkaiba sila ng mukha at ugali. Ano ang ibig sabihin nun Aizen?"





"Magkaiba ang bawat tao kahit parehas sila ng pinagmulan o parehas ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan."





"Tama. Beverly is different to Gene. Parehas man silang galing sa hirap, magkaiba sila. Paano mo makikita ang pagkakaibang iyon kung hindi mo binibigyan ng pagkakataon ang sarili mo na makita ito? Alam mo ba na ang pagduda sa ibang tao ay halos katumbas ng kawalang tiwala sa sarili mo? Nagdududa ka na manloloko sila dahil wala kang tiwala sa sarili mo na hindi ka nila kayang lokohin."





Yumuko nalang ako. Hindi ako makahugot ng anumang isasagot sa sinabi ni lolo.







"Alam ko na takot ka na magtiwala. Sa ginawa sayo ni Beverly, mahirap na magtiwala ulit. Pero hindi sapat iyon para hindi mo bigyan ng pagkakataon na kilalanin ang taong nasa paligid mo bago mo sila husgahan. Sa nangyari sa inyo ni Beverly, may kasalanan ka din doon. Naloko ka dahil nagpadala ka sa kanyang hitsura. Hindi mo muna sya kinilala. Hindi lahat ng maganda at gwapo ay katiwa-tiwala. Hindi lahat ng pangit kaduda-duda. It's a matter of knowing a person first before trusting them. Wala sa mukha at estado ng buhay ang pagbibigay ng tiwala sa isang tao apo.It's your choice kung pagkakatiwalaan mo sila. But before making a choice, dapat kahit papaano, kinikilala mo muna sila. You are the leader of two mafia clan Aizen. You have all the means para kilalanin ang isang tao, sadyang tamad ka lang and you are using your eyes not your brain."





"Lolo naman eh. Para mo namang sinabi na may pagkatanga ako." Kamot-ulo ko na sagot.





"Dahil yun ka. Ang tanga mo na nagpaloko ka sa magandang mukha ni Beverly."





"Lolo."





"Give Gene a chance apo. Give yourself a chance to know him." Then he look at the shredder machine. "If you don't trust the information that your lolo Myth get, ikaw mismo ang kumalap ng impormasyon na gusto mo. Madami kang paraan para makuha yun. Wag kang tamad, gago."







Gulat akong napatingin kay lolo. He never cursed. Ngayon ko lang syang naringi nagmura.







"Matutulog na ako. Tinakasan ko lang ang lolo Myth mo." Wika ni lolo Tael tsaka sinabayan ng tayo. Tumayo na din ako at inalalayan sya sa paglalakad. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay nakatayo na sa labas ng silid ko si lolo Myth.





"Tael."Seryosong tawag ni lolo Myth sa kanyang asawa.





"Ito na nga diba. Pabalik na ng kwarto. Galit agad?"





"May sinabi ba ako. I just call your name baby."





"Shut up. Don't englisherist me. I'm not United State."





Pinigilan ko nalang ang tawa ko. Iniabot ko ang kamay ni lolo Tael kay lolo Myth at hinatid ko sila ng tingin hanggang makapasok sila sa kanilang silid. Iiling-iling akong pumasok muli sa kwarto ko at umupo sa harap ng computer.





Matama akong tumitig sa screen ng computer. Slowly, my smile fade away.





"I'll prove to everyone na social climber din si Gene." Seryoso kung wika sa aking sarili.





GENE'S POV



Maaga akong pumasok kinabukasan. Hindi ko muna sinuot ang aking poloko para hindi iyon malukot. Kailangan ko muna kasing maglinis ng opisina ni boss Aizen.





Maayos kong sinabit muna sa locker ko ang aking polo tsaka ako kumuha ng cart na may lamang mga gamit panglinis at dinala iyon sa 10th floor. Naging mabilis ang aking kilos. Pakatapos kasi nito ay kailangan ko pang alamin ang schedule ni boss Aizen sa maghapon. Nagmessage sa akin yung sekretarya nya na nasa lamesa ang schedule ni boss Aizen para ngayong araw. Malelate daw kasi sya ng dating dahil may pinapagawa sa kanya si sir Ivo.Buti nalang at hindi naman kadumihan ang opisina kaya madali lang itong linisin.





Makalipas ng isang oras ay tapos na ako maglinis. Binalik ko ang cart na kinuha ko at nag-ayos na aking sarili. Sinuot ko ang polo na sinuod ko nuong nag apply ako dito. Buti nalang at hindi pa ito ganun kaluma. Naka slacks din ako na pantalon. I make sure na presentable ako sa hitsura ko bago ako bumalik sa ikasampung palapag. Hinanap ko din agad yung schedule ni boss Aizen sa lamesa ng sekretarya nya at binasa iyon. Sinubukan kong kabisaduhin iyon pero sa sobrang dami ay hindi ko makabisado lahat. Puro kasi meeting ang meron sya ngayon araw.





"Hindi ko alam na napakasipag mo. Ang aga mo pumasok." Agad akong napalingon sa may pintuan. Dire-diretso ang pagpasok ni boss Aizen at tumigil sya sa harapan ko mismo.





"Hindi naman po tama na mauna kayong dumating dito kesa sa akin." Diretsong sagot ko.





"Nice. Akala ko hindi mo alam yun." May panunuya sa kanyang boses pero binalewala ko iyon. Yumuko nalang ako at tumitig sa sahig.





"Do you have my schedule for today?"





"Opo." Agad kong binuksan ang notebook na nakuha ko sa lamesa ng kanyang sekreterya. Uumpisahan ko na sanang basahin, pero inagaw nya ito sa akin.





"Ako nalang mababasa. May iba akong iuutos sayo."



"Ano po yun?"



"Give this to HR." May inabot sya akin na folder. "Sabihin mo sa kanila na simula sa susunod na linggo, ayaw ko na makita sa kompanya ko ang mga nakalista dyan."



"Ho?" Magtatangal sya ng mga empleyado? Bakit?





"Hindi mo naintindihan ang inutos ko?"





"Na..naiintidihan mo. Magulat lang po ako na magtatanggal kayo ng empleyado."





"Tutol ka ba sa gusto ko?"





"Hindi po."





"Buti naman. Besides wala kang karapatan na tutulan ang utos ko. Empleyado ka lang din namin."





Tumango nalang ako at pinigil ang luha na gustong umalpas sa aking mga mata. Masakit yung sinabi nya pero totoo.





"Sige po dadalhin ko na ito doon. May iba pa po ba kayong pag-uutos?" Sinubukan ko na wag pumiyok, pero pinagkanulo ako ng boses ko.



"Are you crying?"





"Hindi po?" Sagot ko at sinundan iyon ng mabilis na pag-iling.





Nagulat ako ng hawakan nya ang aking mukha at itaas iyon ng bahagya. "Naiiyak ka. Bakit?"



"Wala po. Nagulat lang ako sa binitawan nyong salita."





"Anong nakakagulat doon?"





"Masyado po kasing malayo ang paraan ng pagsasalita nyo kay sir Ivo. Pero masasanay din po ako."





"Okay. Anyway. Wala naman akong ibang pag-uutos pa.""Sige po. Ihahatid ko na po ito sa HR."





Tumango lang sa akin si boss Aizen. Agad naman akong lumabas ng opisina at sumakay ng elevator. Mali man ay tinignan ko pa din ang laman ng folder na binigay nya sa akin at binasa ang nakasulat ng pangalan. Ang iba doon ay kilala ko at nasasaktan ako para sa kanila. Mas matagal na kasi silang empleyado dito. Nakakaangat lang din sila sa akin, pero ang sweldo nila sa kompanyang ito ang bumubuhay sa pamilya nila. Hindi ko alam kung ano ang plano ni boss Aizen, pero isa lang masasabi ko. Masyado syang malayo sa magulang nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top