Chapter 4
GENE'S POV
Inayos ko ang pagkakasabit ng batya sa sabitan tsaka ko muling tinangala ang mga nilabhan ko na damit para masiguro na maayos ang pagkakahiwa-hiwalay nito sa sampayan. Mabuti nalang at hindi naglaba ang mga ibang tenant kaya solo ko ang sampayan. Nang masiguro maayos ang mga sampay ko ay pumasok ako sa loob. Kumuha ako ng damit pamalit at dumiretso sa maliit na banyo para maglinis ng katawa.
Alas dyes na ng gabi at halos lahat ng tenant ay tulog na. Yung iba na night shift ay kanina pa nagsipasok. Sa madaling salita, ako nalang ang gising. Mabilis lang akong naglinis ng katawan. Pagod ako sa paglalaba kaya hindi ako pwede magtagal sa pagligo. Pakatapos ko ay muli akong pumasok sa kwarto. Inayos ko ang pagkakasabit sa samapayn ang tuwalyang aking ginamit tsaka ko umupo sa gilid ng papag.
Saktong alas otso ako nakabalik dito sa inuupahan ko. Nagulat pa si Aling Tiday sa pagbalik ko. Gumawa nalang ako ng kwento para hindi sya maraming tanong pa. Naniwala naman sya sa paliwanag ko. Buti nalang at hindi pa naipopost sa social media ang kwartong inuupahan ko. Hindi pa daw kasi nalilinis kaya hindi pa nila mapost. Yung mga gamit ko tulad ng batya at timba na pinaiwan ni sir Ivo ay hindi pa din nakukuha ni Aling Tiday sa kwarto ko. Kaya wala akong hinakot na gamit mula sa bahay ni Aling Tiday maliban sa mga beddings ko.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga tsaka ako napatingin sa cellphone ko na kanina pa nag va-vibrate. Salitan tumatawag si mama at si Sir Ivo. Wala akong balak sagutin kahit isa sa kanila. Masyado na akong stress ngayong araw. Quota na ako, kaya bukas naman sila.
Tumingin ako sa maliit na bintana ng aking silid. Halo ang aking nararamdaman. Disappointed dahil sa sinabi ni Boss Aizen. Hinusgahan nya ako dahil lang sa tinanggap ko ang lahat ng binili sa akin ng kanyang magulang. Kung alam nya lang ang hiyang nararamdaman ko dahil sa dami ng pinamili ni sir Ivo. Gustong-gusto ko syang pigilan, pero alam ko simula palang, pagpasok palang namin ng mall, ay hindi ko sya mapipigilan. Nakaka disappoint kasi kung anong bait ng magulang nya, ni sir Ivo, ay kabaliktaran ang ugali nya.
Ganun na pala ngayon? Pag tinanggap mo ang isang magandang bagay, lalo ng galing sa mayaman, social climber ka na. Pag ang mayaman tumulong, mabait sila, pero pag mahirap ang tumanggap ng tulong ng mayaman, social climber na. So, dapat, ang mahirap tatangap lang ng tulong mula sa kapwa mahirap, maliban nalang siguro kung naka broadcast ang pagbibigay ng tulong ng mga katulad nilang mayaman. Hindi ako sigurado kung ganun yun, pero kung ganun man, makakalungkot lang.
Hindi naman lahat ng mahirap na tumatanggap ng tulong mula sa mayayaman ay social climber na. Katulad ko, yung pagtanggap ko sa posisyon bilang PA ni Boss Aizen ay hindi dahil social climber ako kundi dahil kailangan ko yun. May sakit ang magulang ko, may pinag-aaral akong kapatid, idagdag mo pa na sugarol si mama. Yung pinapadala ko doon, pag nakabili na sila ng gamot at kailangan sa bahay, ipansusugal na ni mama ang tira. Pag nanalo, maganda kasi may panggastos sa bahay, pag natalo, syempre hihingi sa akin. Pag nagkataon na wala na din akong pera, kawawa sila doon. Kailangan kumilos ni tatay. Kailangan magsaka ni tatay o kaya magdamo ng taniman para may panggastos sila. Ending nun, lala yung luslos nya. Doble gastos ulit sa pagpadala ko. Yung sahod sa pagiging PA ni boss Aizen, malaki, sapat na sapat para matustusan ko ang kailangan ng pamilya ko sa probinsya. Kahit na dalawang beses ako magpadala sa kanila ayos lang. May matitira pa din sa akin. Pero dahil sa tingin ni boss Aizen social climber ako, ibibigay ko nalang sa iba yung posisyon na yun. Hanap nalang ako ng ibang racket para may extra kita ako. Mas kakayanin ko yung dobleng pagod kesa naman masabihan ng isang bagay na hindi naman ako.
Gusto ko din mainis kay nanay. Bakit kasi nahilig sya magsugal, alam naman nya kapos kami sa pera. Wala naman nanalo sa sugal eh. Manalo ka man, babawiin din.
Muli ako nagpakawal ang isang malalim na buntong-hininga. Nakaramdam ako ng pagod sa lahat ng nangyari. Umayos ako ng higa. Kailangan ko na magpahinga. Maaga pa ako papasok bukas para kausapin si Miss Mharj para sa ipapalit sa akin bilang PA ni boss Aizen.
AIZEN POV
"Hindi kita pinalaki ng ganyan Aizen! Sa oras na may mangyaring masama kay Gene, utas ka sa aking bata ka." Gigil na wika ni papa Ivo. Galit na galit sya dahil ng malaman nyang umalis si Gene sa bahay namin.
"Malaki na sya para mapahamak pa. Besides, he choose to leave, hindi natin sya kargo." Sagot ko. Papa Slater throw a pillow to me tsaka ako tinignan ng masama. What? Tama naman ang sinabi ko ah.
"Ang aksidente nangyayari kahit ano pang pagiingat ang gawin ng isang tao Aizen, you should know that." Ani lolo Myth.
"Bakit ba kasi galit na galit kayo? He just left. Hindi ko naman sya sinisante ah." Pabagsak akong sumandal sa sofa. Buti at wala dito si lolo Tael, for sure palo ang inabot ko doon. Ayaw na ayaw nun na nagdadabog ako. Masama daw yun at kawalang galang sa mga nakakatanda.
"Sino ba kasi nagsabi sayo na sabihan mo syang social climber ha?" Gulat akong napatingin kay papa Ivo. Paano nya nalaman na sinabihan ko ng ganun si Gene?
"May nakarinig na tauhan natin Aizen." Si papa Slater. "And if ever you forgot, we have cctv in this house. Your papa Ivo check the footage and heard you conversation with Gene."
Yeah. I forgot it.
"Hindi nga ba?" Tanong ko sa kanila.
"Paano mo nasabi na social climber si Gene, Aizen? Is it because his status? Dahil ba janitor lang sya at now he is your PA? Dahil ba sa mga binili ko?" Sunod-sunod na tanong ni papa Ivo.
"All of the abo... What the hell ate Iyah!" Ate Iyah throw another pillow to me at tumama iyon sa mukha ko.
"Tigilan mo ako ng kaka what the hell mo Lake Aizen or I will sent you to hell." Gigil na sabi ni ate Iyah.
What's with them? Bakit ba galit na galit sila sa akin? Umalis lang naman yung Gene na yun. Besides, he is a social climber like Beverly. Anong mali doon? I just help them by getting rid of him. Mas madaming tao na deserve ang kanilang tulong kesa sa mga mapagsamantalang tulad ni Gene.
"We have a lot of way to check the family background of everyone Aizen. Ikaw itong pagkatamad magpa background check. That is why, naloloko ka ng mga tao na lumalapit sayo." Ani ate Iyah sabay bagsak ng folder sa lap ko.
"Ano 'to?" Takang anong ko. I open the folder and saw Gene's profile.
"Gene's profile. Si lolo Myth mismo ang nagpa background check sa kanya bago sya kinuha ni papa Ivo bilang PA mo." Sagot ni ate Iyan sabay irap sa akin. Tinalikuran nya ako at bumalik sa pwesto nya.
"Tinatamad ako magbasa. I want to sleep." Nilapag ko sa aking tabi ang folder. I don't have time para magbasa ng mga profile ng kung sino.
"Then, let me tell it for you." Tumayo si papa Ivo at masamang tumingin sa akin. Damn it! Kailangan ko makinig. Pag ganito na ang tingin ni Primitivo, yari na ako nito.
"Fine." Umayos ako ng upo.
"Gene Alcaraz, 22 years old. Bread winner of his family. May isang kapatid na pinag-aaral, tatay na may sakit na hernia o luslos, at nanay na may diabetes. Sa kanya umaasa ang pamilya nya. Nangungupahan sa maliit na kwarto na sapat lang sa isang tao. May raket sya noon as dishwasher sa isang resto, but he give it up dahil hindi kinaya ng kanyang katawan. He was hospitalized. According sa medical record nya, the test show some abnormalities sa heartbeat. They rolled it out as over fatigue kaya ganun."
"Why he did that job kahit alam nyang hindi nya kaya?" Takang tanong ko? Sinong gago ang mgdodoble ng trabaho kung hindi naman pala kaya ng katawan?
"Para may malaking maipadala sa pamilya. We accepted him sa kompanya as janitor para matulungan sya and I choose him to be your PA para matulungan sya. His family has a heart disease and diabetes history at hindi malayo na mayroon sya noon. I don't want him to suffer for that o matriggered iyon dahil sa stress at pagod, my another reason kaya sya kinuha ko na PA. Yung test result nya, I doubt na dahil lang yun sa sobrang pagod kaya nagkaroon ng abnormalities sa heartbeat nya. Maybe naging maayos na ulit sya after nya magstop sa pag tatrabaho ng doble, but if he do it again, magiging malala ang resulta. He deserve the help na binibigay ko Aizen and he is not a social climber katulad ng sinasabi mo."
Hindi ako umimik. Dimanpot ko ang folder na nasa aking tabi at binasa ang nakapaloob na impormasyon. I also saw his medical record. I'm not a doctor but I can read some test results and Gene blood sugar is not good as well his heart beat.
Nagkamali ba ako ng paghusga sa kanya? Hindi nga ba sya social climber?
"Lake Aizen." Napangat ako ng tingin dahil sa pagtawag sa akin ni lolo. "Hindi ko pinalaki ang mga anak ko na mapanghusga at mapangmata ng tao. Kahit ikaw ay hindi pinalaki ng magulang mo na manghusga ng tao based on you past experience. Alalahanin mo apo, na hindi lahat ng tao ay pare-parehas ang ugali. They might come from same circles but all of them are different. Maaring may makasalamuha ka na katulad ng ugali ng mga taong nakilala mo nuon but they are different in some way. Si Gene, mahirap man katulad ni Beverly but I can assure you na magkaiba sila. Get up my grandson and get Gene back. He need us apo."
"But, lo..."
"Ayaw mo magsorry? Ayaw mo tanggapin na nagkamali ka? Gago! Hindi mo ikakamatay ang pag-amin ng pagkakamali Aizen." Ani ate Iyah.
"Hindi ko alam bahay nya kasi." Sagot ko kay ate Iyah. "Judger ka din eh." Dagdag ko pa sabay bato ng unan na binato nya sa akin.
"Samahan kita." Si tito Alex iyon na karga ang kanyang apo na halos ayaw humiwalay sa kanila ni tito Stix. Parang silang ang magulang ni Agua tuloy kesa kina Dennise.
"Bibitaw ba si Agua sayo?" Takang tanong ko.
"I'll take care of Agua." Sabat ni tito Stix sabay kuya kay baby Agua. "Go and bring Gene back here bago ka pa samain sa akin Aizen. Kanina pa ako nang gigigil sayo."
"Ito na nga po. Susunduin na." Tumayo ako at naglakad palabas ng bahay. Bakit kasi kailangan pa sunduin ngayon? Pwede ko naman sya isama pag-uwi bukas.
Siguraduhin mo lang talaga Gene na hindi ka manggagamit, dahil kung oo. Hindi ko aantayin na magkadiabetes ka o sakit sa puso. Ako mismo papatay sayo. Walang sinuman ang pwedeng mangloko sa pamilya ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top