Chapter 31

MYTH POV

Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito. Yung araw na imbes sa kama ay sa kabaong nakahiga ang mahal ko. Yung araw na hahawakan ko ang kamay nya pero sa halip na mainit na kamay, malamig at matigas na kamay nya ang hawak ko. Hindi ko inakala na darating agad ang oras na iyon. Hindi ko napaghandaan. Siguro ay hindi ko kaylan man mapaghahandaan ang kamatayan nya.

Hinayaan ko ang aking luha na umagos. Hinayaan ko makita ng aking anak at apo ang sandaling mahina ako. Sa mga oras na ito, hahayaan ko ang aking sariling ipakita sa iba ang side ko na tanging si Tael lang nakakakita. My weak and soft side.

My world is now gone. My air, my happiness, my everything. The person I love the most is now gone to paradise. Ano pa ba ang rason para magpakatatag ako kung ang tanging rason bakit ako nagpapataloy sa pagpapakatatag ay wala na.



When I saw him lying in the ground, wet and unconcious, doon ko naramdaman ang sobrang takot. Takot na huli kung naramdaman nung dinukot sya ni Waze. Nang idiklera ng apo ko na patay ng talaga si Tael, literal na gumuho ang aking mundo. Dumilim at nasira iyon. Yung mundong binuo namin ng baby ko, wala na dahil wala na rin sya.


Pinakatitigan ko ang kanyang mukha. Napakaganda nya, sobra. Kahit ngayon wala na syang buhay, napakaganda pa din nya.




Sobrang ganda ng baby ko. Napaka inosente nya sa lahat ng bagay. Napakabait nya. Literal syang anghel na bumaba sa impyerno at minahal ang demonyong ako. And he don't deserve this kind of death. Hindi nya deserve na magdusa at masaktan bago mamatay. He deserve a peaceful death.



Yung emosyon ko ngayon, halo-halo na. Bukod sa titigan ang baby ko, may isang bagay ako na gustong gawin para kahit papaano mabawasan ang emosyon na meron ako ngayon. Gusto ko pumatay. Gusto ko patayin ang taong pumatay sa baby ko. She deserve a ruthless death. Beverly deserve a ruthless death.



I know it's her. Hindi ko kailangan ng ebidensya para patunayang sya ang pumatay sa asawa ko. Sapat na ang dahilang namatay ang asawa ko nang pumunta sya at pinatuloy sa bahay namin. That is enough for me.


FLASHBACK

"Baby naman. Bakit ka pumayag?" Hindi ko talaga alam kung ano mararamdaman ko. Gusto ko mainis sa kanya, pero alam ko may rason sya. I know my baby. Hindi sya kikilos o magdedesisyon ng walang rason.


"Daddy, magulang din si Beverly hindi nga lang sya nagpaka magulang. Pero kahit ganun karapatan pa din nya na makita si Ace. Sabihin na nating ayaw nya na kasama si Ace pero somewhere sa pagkatao nya, nakatago yung pagka magulang nya at binabatukan sya paminsan-minsan."



As I thought.


"Baka kasi magtagpo sila ni Gene." Inalalayan ko syang umupo sa aming kama.


"Hindi yan. Papaalisin ko sya bukas, bago pa man magising si Gene. Tsaka hayaan mo na ako daddy. Last naman na itong pagpapakabait ko eh at gusto ko ibigay iyon kay Ace."

Napabuntong-hininga ako. "Fine."


"Thank you daddy. I love you."



"I love you too baby."

END OF FLASHBACK



I caress my Tael cold hand. Yung kabaitan nya, sinuklian ng kasamaan. Napapaisip tuloy ako. Karma ko ba ito? Pero bakit si Tael? Bakit kay Tael na pwede namang ako ang magdusa? Bakit yung asawa ko na na mabait. Yung asawa ko na kahit anong sama ipakita mo, hahanapan at hahanapan ka nya ng kabutihan.


Kung ang ibang tao, hahanapan ka ng kasamaan kahit sobrang bait mo na tao, yung baby ko, kahit lumabas pa ang  singkwenta mo na sungay hahanapin nya sayo ang isang balahibo ng puting pakpak. Kung baga, kahit anong sama mo, makikita nya pa din yung good side mo. Yung side mo na hindi nakikita ng iba.


My baby is fucking kind, bakit sya pa? Ito ako oh, malakas. Kaya kung sagupain kahit isandaang karma pa yan, pero bakit yung inosente ko pang asawa?

"Baby, natakot ka kanina? Umiyak ka ba? Nagmakaawa ka ba para hindi ka patayin? Sorry ha, wala ako sa tabi mo. Hindi kita napagtangol." Naramdaman ko ang paglapit ni Ivo sa akin. Niyakap nya ako mula sa likuran.


"Dad, tama ba. Ayaw ni mommy na ganyan ka." Umiiyak na sabi ni Ivo.






"Ayaw ni mommy mo nag-iisa Ivo. Paniguradong natatakot sya ngayon. Nag-aalala ako, baka umiiyak ang mommy mo."



"Hindi dad. Mommy is not alone. Tatay lo, daddy lo, nanay la, tita Aira and my first baby is with him."



"Paano kung hindi?"


"Kasama na nya sila dad."



"Gusto ko sya sundan, nak."


"You will dad pero hindi ngayon.  Wag muna dad. Hindi ko kakayanin."



Malungkot akong ngumiti. I feel sorry for my son, but I want to be with my baby soon. Hindi ko kaya na mahiwalay sa kanya ng matagal. For sure, maiintindihan nya naman ako. Alam nya kung gaano ko kamahal si Tael.



"Mom."


Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. It's Fier. She's with Lex. Pinasundo ko sya kanina. Fier live in the province with his family. Madalang na nga lang ito umuwi, tapos ganito pa.





"Fier, wala na ang mommy mo. Iniwan na tayo." My tears start again. Ang sakit sabihin na wala na si Tael. Sobra.



"Who did this? Sino ang pumatay sa kanya?" Galit na tanong ni Fier.



"Mommy ko po." Lahat kami napatingin kay Ace na marahang lumapit sa amin. "Si mommy Beverly po pumatay. Sorry po kasi namatay si lolo Tael dahil sa mommy po. Sorry po, kasalanan ko po."



I feel proud that our Ace can speak tagalog now. Nagbunga din yung pagtuturo ni Tael sa kanya kasi hirap na hirap sya makipag usap kay Ace dahil hindi ito marunong magtagalog. Kung buhay si Tael, kung kasama namin ngayon, paniguradong masayang-masaya sya.


"No baby. Hindi ko kasalanan. Don't say sorry." Ani Fier tsaka niyakap si Ace.



"But Ace is there. Kita ko sakal ni mommy Beverly si lolo Tael tapos push down water. Ace don't help. Ace just look . Water is deep, Ace scwared." Umiiyak na wika ni Ace l.


"It's okay apo." Kinuha ko si Ace kay Fier. "It's not your fault okay? Wala kang kasalanan."


Hindi sya umimik. Lumapit sya kay Tael. "Lolo,marownong na ako magtagalyog. Usap na tayo, gishing ka na."



Tahimik kaming umiyak. Alam ko, na bukod sa lungkot, buhay na buhay sa amin ngayon ang galit. Galit para sa iisang tao.


"Where is that fucking girl?" Galit na tanong ni Fier.


"Puntahan po ni mommy In-in." Ani Ace.


"What?" Gulat na tanong namin.


"Wag kayo English. Hindi maiintindihan ni lolo Tael." Napangiti ako. Kinuha ko si Ace at niyakap. This kid suffer and endure too much. Kawawa naman ang apo ko.


"Asan si mommy In-in mo, Ace?" Tanong ni Aizen. He make sure that his voice is soft pero umaapoy sa galit ang kanyang mukha.


"Punta sya po kay mommy Beverly."


"Why?"


Napatingin sa taas si Ace. "Can I speak english, lolo Tael? Hard explain eh."


Natawa kami. "Of course baby. I translate it for lolo Tael." Wika ko.


"Thank you lolo Myt."


"Go and answer you daddy."



Tumango sya sa akin bago sinagot ang ama nya. "Ace always bwring baby camera that lolo Tael gave me. Ace record video mommy Beverly killing lolo Tael. Ace show it to mommy In-in. Mommy In-in left with tuya Bogwat."

"Tangina!" Madiin na wika ni Aizen. He fished out his phone. "Papa Slater prepare 100 men. Bogart send me a message bago sila umalis. Hindi ko lang napansin. Now he gave me their location."



"Sasama ako, Aizen." Ani Fier at Lex.



"Sama din ako." Wika ko.


"Ace also want to go save mommy In-in."



"No baby. Stay here with lolo Tael, okay?" Wika ko sa aking apo na agad naman tumango.



"Are you sure lolo Myth?" Tanong sa akin ni Aizen.


"Oo."

"Okay. Let's go."

Nilapitan ko muna si Tael. I planted a kiss on his lips.


"Baby, aalis lang ako saglit ha. Kukunin lang namin si Gene. Please keep safe Gene for us, will you? Babalik ako promise. I love you." I kiss him again.


Baby, wait me there. I'll just make sure that Gene and his kids are safe first, okay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top