Chapter 3
GENE POV
Panay lang ang tango ko sa bawat sabihin ni sir Ivo, at bawat lagay nya ng damit sa cart na tinutulak ng tauhan niya ay tinitignan ko lang. Tingin lang dahil kanina, ng tignan ko ang presyo nito ay nalula ako. Isang damit, katumbas ng isang buwang sahod ko.
Nasa mall kami at namimili ng damit. Matapos ng kwentuhan namin sa opisina tungkolsa mga kdrama na pinanuod ko ay inaya ako ni sir Ivo sa mall. Ngayon daw kasi na personal assistant na ako ng kanyang anak, hindi na dapat daw ako naka janitor uniform. Dapat din daw ay presentable ang damit ko at ibibili nya daw ako. Umayaw ako nang una, pero sabi ni sir Ivo, he will not accept no as an answer. Hindi rin daw nya iaawas sa sahod ko ang mga bibilhin nyang damit. Ending, no choice ako. Sya na din ang nagpaalam kay Boss Oppa na isasama nya ako sa mall at pumayag naman ang amo ko.
Anyway, baka nagtataka kayo na sa halip na Boss Aizen o kaya ay sir Aizen ang itawag ko sa amo ko ay Boss Oppa ang tawag ko. Napakagwapo kaya nya, sobra. Para syang oppa sa mga kdrama. Makisig, matangkad, gwapo, not to mention CEO. Mapapa potahamnida ka talaga sa kagwapuhan nya. Pero syempre tatawagain ko pa sin syang Boss Aizen verbally. Baka mapagalitan ako kung Boss Oppa itatawag ko sa kanya.
"Ano pa ba?" Wika ni sir Ivo habang inisa-isa ang mga nakasabit na damit.
"Ang dami na po ni sir, tama napo ito. Naglalaba naman po ako eh." Seryoso, apaka dami na. Yung mga rack na dinaanan namin halos wala ng laman.
"No. Madami ka pang kulang. Tshirt palang yan ay at susuotin mo yan pambahay. Wala pa yung mga pang pasok mo."
"Po? Pambahay po?" Seryoso? 6k na halaga ng tshirt pampabahay lang? Eh yun nga singkwenta pesos sa bangketa ginagawa ko na panlakad eh lalo na pag maganda ang tela.
"Why? Low quality lang mga yan. Pambahay lang yang mga yan."
Shityo! 6K low quality, pambahay. Parang gusto ko mahimatay.
"Wala na akong gusto. Let's pay first tapos lipat tayo ng store. You still need shoes, polo, and pants."Ani sir Ivo tapos ay dumiretso na ito sa counter.
Tahimik lang ako nakatingin habang pinapunch ng casher ang mga pinamili ni sir Ivo. Pakatapos ay binigay ni sir Ivo black card ay sinabihan nya ang cashier na ipadeliver ito sa bahay nila.
Teka? Bakit bahay nila?
"Sa bahay ka namin titira kaya doon na idederetso ang mga pinamili." Ani sir Ivo ng lingunin nya ako.
"Po? Bakit po?"
"Syempre, PA ka ng anak ko, kailangan lagi ka nyang kasama. Tsaka, kailangan namin ng kasama sa kdrama marathon namin ni mommy. Dad don't want to watch with us dahil naiirita lang sya pag kinikilig si mommy sa mga bida. Same with my husband. Ewan ko ba sa mga iyon, kala mo naman iiwan namin sila. So, you will stay with us. Don't worry, pag inutusan ka ni Aizen sa bahay, may dagdag sahod ka sa akin."
"O..okay po." Napakamot-batok nalang ako. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o hindi eh. Yung rason kasi ni sir Ivo.
Muli kaming pumasok sa isang store na ang tinda ay puro mga polo. Tinawag nya ang isang staff at pinakuhaan ako ng sukat para sa polo at pantalon. Agad naman kumilos ang yung babae. Natataranta pa nga ito. Maging ang ibang staff na nasa loob ang naging alerto.
"Give me everything here na kasukat nya." utos ni sir Ivo na kinalaglag ng aking panga.
Everything. Lahat. Ang dami ng naka display.
"The more the better." Ani sir Ivo habang nakatingin sa mga staff na natataranta sa utos nya.
"Pero uso po mag laba." Sagot ko naman.
"Paano kung di ka makapaglaba?"
Hindi nalang ako sumagot. Hindi naman ako mananalo ata kay sir Ivo.
Same process. Abot black card at utos na ideliver sa bahay nila, labas ng store at pasok sa isa pa. This time, mga sapatos naman ang tinda ng store.
"Ano size ng paa mo?" Tanong sa akin ni sir Ivo.
"42 po."
May pinalapit na staff si sir Ivo. "42, lahat."
Napalunok nalang ako ng lawag. May inabot ko na isang tsinelas at tinginan ang presyo nito. 2k, tsinelas lang. Shutahamnida! Gawa ba sa ginto ito? Bakit ang mamahal? Eh sa bangketa may tag 35 lang at 50. Few minutes after, ang dami ng box sa harapan ko.
"Sukatin mo para sure tayo kaasya lahat." Utos sa akin ni sir Ivo.
"Kailangan po ba ganito karami?" Tanong ko.
"Sa slipper, oo. Kasi isa sa garahe, isa sa sala, sa kwarto mo, sa garden, sa pool at sa banyo mo.
Yung iba, pang alis. Sa shoes naman, you can wear them pag lalabas si Aizen. It more comfortable to wear rubber shoes lalo na pag kasama mo ang anak ko. He like sports kasi. Yung black shoes naman, sa pagpasok mo yan sa opisina. Pair with the longsleeve at short sleeve polo na binili ko. Also, rubber shoes can be paired sa shorts or denim pants."
Tango nalang ang sinagot ko at nagsimula ng magsukat.
"Okay ka lang ba? May gusto ko pa ba?" Lumingon ko kay sir Ivo at mabilis na umiling.
"Wala po. Sobra-sobra na po yung mga pinamili natin." Sagot ko.
"You look sad kasi eh."
"Medyo naooverwhelemed lang po ako. Hindi ko akalain na ganito pala ka high maintenance ang pagiging PA." Honest ko na sagot. Binalik ko sa karton yung sapatos na sinukat ko. Ang sarap nya sa paa. Ganito pala pag mahal na shoes, ang sarap gamitin.
"Actually, hindi naman. Gusto ko lang na maging presentable ka. Besides, you will be part of our family. Kung ano ang meron kami, dapat mayroon ka din. Ayaw ko na madedehado ang soon-to-be son in-law ko."
"Po?" Hindi ko narinig ng maayos yung huling sinabi ni sir Ivo.
"Sabi ko, kain tayo after this. Gutom na ako eh. Sa mang inasal tayo para unli rice."
"Sige po."
Mabilis kong sinukat ang lahat ng sapatos at tsinelas. Kaasya naman sa akin lahat. Kaso sa dami nila, sure ako na hindi ko masusuot lahat ng iyon. Iniisip ko tuloy kung pwede ko ipadal sa amin yung iba para hindi masayang. Masusuot iyon ng kapatid ko at ni tatay dahil parehas ang paa namin. Pero kasi baka ibenta ni mama eh para may pansugal sya. Nakakahiya kay sir Ivo pag ganun.
Tulad ng gusto ni sir Ivo, kumain kami sa mang inasal. Tuwang-tuwa ako sa kanya kasi hindi sya marunong magkamay. Hindi rin nya mahimay yung manok dahil mainit. Pinaghimay ko nalang sya kaysa sa antayin nya pa nya na lumamig, halata naman gutom na sya dahil pinang uulam na niya yung sabaw. Tinuruan ko din sya magkamay. Medyo nakuha naman ni sir Ivo kung paano at tuwang-tuwa sya. Hindi na daw sya iinggitin ni sir Tael dahil hindi sya marunong magkamay.
"Alam mo ba, never ako kumain dito kasi hindi ako marunong magkamay. But these past days nag cecrave ako sa mang inasal. Buti ikaw kasama ko ngayon." Ani sir Ivo kahit na puno ang bibig nya.
"Bakit po? Ayaw nyo po ba isama si sir Slater?" Takang tanong ko. Kinuha ko yung manok nya at hinimay. Paubos na kasi ang ulam nya.
Tinawag nya muna yung nag bibigay ng extra rice bago ako sinagot. Panglima na namin na refill ito.
"Ayaw nun kumain dito. Yung unang beses nya kumain dito, bff sila ng cr. Masobrahan sa chicken oil ata."
"Eh si sila sir Tael po?"
"Ayaw na payagan ni dad. Napapalakas kasi kain ni mommy pag dito, eh need nya mag diet kasi mataas ang kanyang blood sugar, so yun, bawal sya dito. Si Aizen naman, hindi ko maaya. Busy sya sa charity namin lalo na at katatapos lang ng bagyo sa south."
"Hmm."
"Ewan mo ito dito miss para hindi ka na pabalik-balik." Ani sir Ivo doon sa babae na nag rerefill ng kanin.
"Sige po." Ngumiti yung babae at umalis.
"Yan." Nilapag ni sir Ivo yung balde na may kanin sa katabi namin na upuan. "Kain ka lang Gene. Mamimilipa tayo ng shorts at pants mo tsaka mga personal things."
Ulit? "Ang dami na po natin pinamili sir."
"Kunti pa yun at kulang pa. Mamimili tayo mamaya kaya kain ka ng marami."
-----
Napapakamot-ulo ako habang nakatingi sa madaming paper bag na nasa harapan ko. Nasa bahay na ako nila sir Ivo, or mas tamang sabihin mansyon. Kanina pa ako actually nandito pero ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ko dahil nag kwentuhan pa kami ni sir Tael.
Tuwang-tuwa sya na dito na daw ako titira. May kasama na daw sya manuod ng kdrama. Tawa nga ako ng tawa kanina dahil inis na inis si sir Myth ng sabihin ni sir Tael yung yamete koudasai. Ang cute daw kasi ni sir Tael tapos gaganun pa. Ang sarap daw itali sa kama at kainin. Tawa lang ako dahil hindi naman pagkain si sir Tael para kainin. Pero pagyag daw si sir Tael na kainin ni sir Myth. Ending, binuhat nalang bigla ni sir Myth si sir Tael at ako ay inutusan na umakyat na sa kwarto ko.
"Need help para magligpit." Gulat akong napatingin sa may pintuan.
"Boss Oppa, este Boss Aizen." Nasa may pintuan si Boss Aizen nakatayo. Nakasando lang sya at jogging pants. Yung biceps nya ang gandang tignan.
"Ang dami nyo pinamili?" Aniya habang sinusuyod ng tingin ang paper na nasa sahig.
"Si sir Ivo po kasi sabi kakailanganin ko daw yan lahat." Nahihiyan sagot ko.
"I don't think so. Sa dami nyan, hindi mo masusuot lahat yan. Well, pwede mo yan ibenta."
"Hindi po ba nakakahiya kay sir Ivo?"
"Hindi yan. Pwede ka naman magpabili ulit eh. Diba ganun naman ginagawa ng mga social climber? Ibebenta ang mga binili tapos sasabihin kailangan kasi nila ng pera kaya binenta, then papabili ulit."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi na iyon ni Boss Aizen. Yung pagkakangisi nya ay nanunuya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi. Agad ko iyong pinahind tapos ay diretso akong tumingin sa mata ng boss ko.
"Mahirap lang ako boss, inaamin ko, but I never take advantage of anyone para umangat. I'm contented of what I have. Nabubuhay ko naman ang pamilya ko sa sweldo kaya hind ko kailangan gumamit ng ibang tao."
"Talaga? Eh bakit andito ka? Bakit mo tinanggap ang offer ng mommy ko?"
Mapakla akong natawa. Tama ang kasambihan na hindi lahat ng bunga ng isang puno ay maganda. Mayroon at mayroon talagang pangit na bungang nabubuo.
"Kung ang pagtanggap ng tulong mula sa iba ay pagiging gold digger, then see you at the office tomorrow boss Aizen."
Tinalikuran ko sya at kinuha ang bag na naglalaman ng mga gamit ko tsaka ako diresto lumabas ng silid.
"Saan ka pupunta?" Pinigil ng amo ko ang aking kamay.
"Babalik sa inuupahan ko. Nga po pala, I will recommend someone bukas para maging PA nyo. Si sir Ivo ang nagbigay sa akin ng posisyon na iyon. Ayaw ko nasasabihan ng mga bagay na hindi ako kaya kahit napakalaking tulong sa akin ng pagiging PA mo, ayos lang, I'll give it up." Marahan kong inalis ang kanyang kamay at nagmamadaling bumaba. Walang lingon likod na lumabas ako ng mansyon nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top