Chapter 29
GENE POV
"Ano ba kasi nagawa ko na kasalanan baby?"
Hindi ko pinansin si boss oppa. Nagahanap ako ng nakakain sa ref dahil itong mga bata sa tyan ko walang kabusugan.
Tapos na party ni Ace. Ang saya kasi ang daming pagkain. Bukod sa pag-aasikaso ng mga bisita, ang isa pa sa mga ginawa ko ay kumain. Sobrang dami kasi ng pagkain. Ang sasarap pa lalo na yung marshamallow at hotdog na nasa stick at yung carrot cupcake. May mga inuwin nga ako nun kasi ang sarap. Pati yung carbonara nag uwi ako. Basta madami ako inuwi. Hindi naman ako napagalitan. Halos nga ibalot nila lahat ng pagkain sa akin kasi daw buntis ako.
"Baby, kausapin mo naman ako, please."
"Pag ikaw hindi nanahimik, sa labas ka matutulog!"
"Ano ba kasi kasalanan ko? Bakit galit ka sa akin?"
"Hindi ko din alam. Basta, galit ako sayo."
"What?!"
"Sinisigawan mo ako?" Agad na tumulo ang luha ko. Ang sama nya. Sinisigawan na nya ako.
"No, baby. Don't cry." Agad akong niyakap ni boss oppa sabay halik sa pisngi ko.
"Binuntis mo lang ako, pero hindi mo ako love."
"Sino may sabi nyan?"
"Ako. Tayo lang naman dalawa dito eh." Tinulak ko sya papalayo. Baliw sya. Ako lang naman kausap nya tapos magtatanong sino nagsabi. Kainis.
"Fine. Sige galit ka na sa akin. Ano gusto mo gawin ko para bati na tayo?" Sinubukan nya ako ulit hawakan pero inambahan ko sya ng suntok. Galit ako, kaya ko sya suntukin.
"Puti na manga."
"Okay. Hahanap ako bukas."
"Okay." Marunong naman akong maawa. Tsaka bukas ko pa gusto kumain nun kaya ayos lang.
"Pwede ako tumabi?" Tanong sa akin ni boss oppa. Nasa dulo na kasi sya ng kama.
"Pwede pero....." Naglagay ako ng unan sa gitna ng kama namin. "Hindi ka pwede lumagpas dito."
"Okay."
Tinignan ko lang sya na gumapang papunta sa pwesto nya at humiga doon. Hatalang pagod na pagod sya dahil sa party ni Ace.
Nalabi ako at nagsimulang umiyak. Yung asawa ko pagod tapos ako may topak. Kawawa naman.
"Why are you crying again?" Bumangon si boss oppa at humarap sa akin.
"Kasi pagod ka na tapos bad pa ako." Sagot ko.
"It's okay baby. Naiintindihan ko yun." Hinawakan nya ang mukha ko at pinunasan ang aking luha.
Inalis ko ang unan sa pagitan namin tsaka ako lumapit sa kanya at yumakap.
"Sorry na po." Umiiyak na sabi ko.
"Ayos lang baby. Naiintindihan ko. Wag na iyak ha. I love you."
"Saranghaeyo, oppa."
AIZEN POV
Matama kong pinagmasdan si Gene na natutulog sa akin tabi. Hindi ko pamigilang mapangiti. He is damn cute.
Sa totoo lang, hindi ko magets ang mood swing nya pero I try to understand it dahil nga buntis sya. Sabi ni papa Ivo, normal ang mood swing sa mga buntis at kailangan ko intindihin iyon. I need patience. But seeing how cute Gene a while ago. Hindi ko kailangan ang pasensya. Ang kailangan ko ay pagpipigil na pang gigilan sya at pagtawanan ang mood swing nya. He is damn cute lalo na ngayon at tumatambok ang pisngi nya. It's like I am seeing a kids throwing tantrums than a pregnant who had a mood swing.
I kiss him on his lips tsaka ko inayos ang kanyang kumot. I crawl down my bed at lumabas ng kwarto namin. Pupunta ako ng Bali para bumili ng puting mangga na gusto ni Gene. Mahirap na baka topakin na naman sya bukas pag wala ang hinog nyang mangga.
"Hi Aizen."
Agad na kumunot ang aking nuo ng makita ko su Beverly sa sala ng bahay namin at kaharap ang pamilya ko.
"Bakit ka andito?" Inis na tanong ko. Buti nalang at tulog na si Gene kung hindi magagalit na naman iyon.
"I just want to visit my son." Sagot ni Beverly.
"Leave at wag ka nang babalik."
"C'mon Aizen. Anak ko pa din naman si Ace at may karapatan akong makita sya."
Hiniklas ko ang braso ni Beverly at sapilitan syang itinayo.
"Hindi ako marunong manakit ng babae, Beverly. Pero kung hindi ka madaan sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong didiretso ka harapan ni satanas."
Pagak na natawa si Beverly. "Ano ba kinakatakot mo? Ang kunin ko si Ace sayo? Aizen, to be honest, I want to say thank you to you for getting Ace out of my custody. Buhay dalaga ako ulit. But still, I have the right to my son. At isa doon ay makita sya."
Ako naman ang natawa. "Masaya ka ma wala na sa poder mo si Ace but you are talking about rights to him? Where is your consistensy Beverly?"
"Let her stay." Sabat ni lolo Tael.
"Lo?" Takang sambit ko.
"
"Hayaan nyo sya makasama ang anak nya ngayong gabi. Bukas paalisin nyo agad bago pa makita ni Gene. Tapos linisin nyo ang buong bahay, baka may mahawaan pa dito ng kalandian." Mahabang sambit ni lolo Tael tsaka sya tumayo. Lolo Myth immediately follow him, but lolo Tael suddenly stop his step and turn to Beverly again.
"Hindi dahil pumayag ako na dito ka ngayong gabi ay tanggap na kita Beverly. Hindi ako tumatanggap ng malandi sa pamilyang ito dahil ayaw ko ng malas at salot. Pagbibigyan lang kita dahil magulang din ako."
"Whatever, oldy." Bulong ni Beverly kaya nilingon ko sya at galit na tinignan.
Inantay ko munang makaakyat sila lolo Tael at lolo Myth tsaka ko muling nilingon si Beverly.
"Mind your manners Beverly. Tao kang tinanggap dito, tao kang makitungo."
"As you wish babe." He trace my jaw using his long nail. Itinampal ko ang kanyang kamay tsaka ko sya iniwan. I call nanay Josephine and asked her to bring Beverly to Ace room bago ako umalis.
Hindi ako kampante na nasa bahay si Beverly. I can sense something. Something na pagsisihan ko. Kaya naman, I used out private plane para magtungo sa Bali para bumili ng manggang puti. I bought a lot at nagmamadali akong umuwi.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa aming kwarto. I feel a slight relief ng nakalock pa din ito. But there is still uneasy feeling inside me. Kahit ng makita kong mahimbing na natutulog si Gene sa kama namin ay hindi pa din ako mapakali. I don't like this feeling kaya naman muli akong lumabas ng kwarto namin sumilip sa kwarto ng anak ko. Ace is sleeping and beside him is Beverly na tulog na din.
I carefully close Ace room at muling bumalik sa kwarto namin. I clean myself first bago ako tumabi kay Gene. Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko baka sakaling mawala ang kaba ko, pero hindi. I can sense that something bad will happen. Kung anuman iyon, sa tingin ko ay kailangan kong ihanda ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top