Chapter 14

GENE'S POV


"So, amo mo sya Gene?" Tanong ni ate Beverly.


Tumango ako bilang sagot tsaka ko pinagtunan ng pansin ang pagpapakain kay Ace. Hindi kasi sya inaasikaso ni ate. Nilagay nya lang yung carrot bread ni Ace na inorder ni boss Aizen.


Nasa restaurant kami ngayon. Matapos namin mamili kanina ay mag reklamo si Ace na gutom na daw sya kaya dinala kami dito ni boss Aizen. Kaming dalawa lang ni Ace ang inorderan nya ng pagkain. Si ate Beverly ay hinayaan nya lang bumili ng sarili nitong pagkain.

"Akalain mo yun. Pero anong ginagawa nyo dito Lake?" Natutuwang tanong ni ate.

"Gene treatment." Malamig na sagot ni boss Aizen tsaka nya kinuha sa akin ang tinapay na hawak ko. "Kumain ka na. Ako na papakain kay Ace."

Tumango nalang ako at hinarap ang pagkain na hindi ko alam kung ano. Sabi ni boss Aizen pasta daw ito. Hindi nalang ako nagtanong kung ano tawag kasi iba na talaga ang timpla nya.

Nagsimula akong kumain at ang hirap lumunok. Ang bigat ng hangin sa paligid namin. Para aking sinasakal. Iba ang awra ng amo ko. Ang hirap sumuway sa lahat ng utos kasi parang sisgawan ka nalang bigla. Si ate naman easy-easy lang. Ang saya nya at hindi alintana ang mukha ng amo ko.

"In-in come with Ace latew pweash." Ani Ace.

Kung may dapat man akong pasalamatan sa sitwasyong ito, si Ace yun. Apakadaldal nya kahit na bulol. Dami nya sinasabi. Gusto din nya si boss Aizen. Daddy na nga tawag nya dito.


"Hindi pwede eh." Sagot ko tsaka ako ngumiti.

"Why? Daddy don't want?" Nilingon nya si boss Aizen.

"It's okay but you have to stay with us. In-in is sick. He can't be away to me." Malumanay na sagot ng amo ko.

Iba talaga pag bata ang kaharap ng mga tao. Biglang nagiging mabait eh.

"Why not? We can also do catch up Lake." Excited na sabi ni ate.

"Si Ace lang, hindi ka kasama." Nailunok ko bigla ang kinakain ko.

"Ace is good mommy pwomish." Ani Ace.

"No. Hindi pwede lumayo si Ace sa akin. Where Ace go, I also have to be there." Ani ate.

"But you are not welcome to my house Beverly."

Hindi ko alam kung gaano kasakit para kay ate ang sinasabi ni boss Aizen, pero para sa akin sobrang sakit na yun. Siguro kung ako ang nasa sitwasyon ni ate, oo nalang maisasagot ko.

"Mommy pweash. Ace good. Ace not nawty."

"HINDI NGA KASI SABI PWEDE! WAG KA MAKULIT BUBWIT KA!"

"In-in!" Halos magkanda samid ako sa kinakain ko pero hinayaan ko nalang. Agad kong kinuha si Ace mula sa high chair at niyakap.

"Ate, wag mo naman sigawan si Ace." Wika ko. Lahat ng kumakain ay nakatingin sa amin. Yung iba napapailing nalang.

"Si. Ace. Lang. Ang. Sasama. Sa. Amin. Beverly." Madiin na sabi no boss Aizen.

"Fine. But give me your address para masundo ko sya." Yamot na sabi ni ate.



"Let's meet here. Also Ace will stay with us for five days."


"Fine. Sumama kayo sa akin para makuha gamit nya."


Hindi na sumagot si boss Aizen. Kinuha nya sa akin si Ace at sya na nagpatahan. Ako maman ay inubos ko na ang pagkain ko. Sayang yung binayad ni boss Aizen kung hindi mauubos.

Tulad ng napag usapan, sumama kami kay ate Beverly para kunin ang gamit ni Ace. Hindi ganun kalaki ang tinitirahan nila pero malinis at halatang mamahalin ang mga gamit.


"Ace, are you sure you bring that?" Taka kong tanong sa pamangkin ko na hila-hila ang napakalaki nyang teddy bear.


"Hindi yan nakakatulog pag hindi katabi yang teddy bear na yan. My late husband gave it to him." Si ate Beverly ang sumagot na abala sa paglalagay ng damit ni Ace sa maleta.


"Malaki pa ata ito sa akin eh." Tinulungan ko si Ace sa teddy bear nya.

"One pair of clothes is enough. Bibilhan ko nalang sya. Ayusin mo nalang yung feeding bottles nya." Ani boss Aizen at kinuha sa akin yung teddy bear.


"Madaling-madali ka naman ata maka alis Lake." Ani ate.


"I don't want to stay that long in the same place with you."

Napailing nalang ako. Hindi ko mahusgahan isa man sa kanila dahil hindi ko alam ang buong kwento nila. Ang iniisip ko lang talaga ngayon ay si Ace. Nakakaawa kasi sya.


"Ito ang milk nya and feeding bottle." Inabot ni ate kay boss Aizen ang isang bag ba malaki. "Here the notebook. Nakasulat dyan sukat ng gatas nya." Inabot sa akin ni ate yung notebook.

"Hindi ba sya maligalig pag gabi?" Tanong ko.


"Hindi. Parehas sila ng tatay nya na matiwasay matulog. It's just that, Ace can't sleep ng hindi nakakapaligo."

"Wala ba syang asthma? Diba meron ka nun?" Nilingon ko si Ace na busy kakangiti at makipagtitigan sa tatay nya.


"Luckily wala. Buti hindi nya namana yun."

"Buti naman."


"Kaw na bahala kay Ace, Gene ha. Also..." Lumapit sya ng husto sa akin. "Paki build up ako dyan sa amo mo."


"Ano ba kasi ginawa mo at halos isumpa ka ng amo ko?"


"Wala naman. Galit lang talaga sya kasi iniwan ko."


Napailing nalang ako. Ano naman magagawa ko sa kanilang dalawa? Tsaka imposible na walang ginawa ang pinsan ko na ito. Hindi magagalit ng ganyan si boss Aizen ng walang dahilan.



"Let's go." Ani boss Aizen na nakapagpalayo sa akin kay ate.


"Andito yung mga gamit ni Ace. Powder, lotion, towels shampoo and soap. Tawagan nyo ako if something happened to him ha." Malambing na wika ni ate.


Hindi umimik si boss Aizen. Binuhat nya lang si Ace at lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga nalang ako.


"Alis na kami ate. Chat nalang kita pag nagka problema kay Ace." Paalam ko.


"Sige."



"Can you check Ace, Gene?" Ani boss Aizen ng makalayo na kami sa bahay nila ate.


"Ano hahanapin ko?" Takang tanong ko.


"Pasa, sugat, anything."


Nagtataka man ay sinunp ko nalang sya. Inisiip nya ba na sinasaktan ni ate si Ace dahil lang sinigawan nya ito kanina?


"Ace ano 'to?" Takang tanong ko ng may makita ako kulay dilaw na parang violet sa braso nya. Maliit lang iyon pero dahil maputi si Ace, kitang kita iyon.


"Mommy pins (pinch) Ace. Ace is nawty."


"Damn it!"


"Did mommy always did that to you?" Gigil na tanong ni boss Aizen.


"Yes. If Ace nawt, mommy pank me."


Nagpatuloy ako sa paghahanap ng pasa kay Ace. Meron ulit akong nakita sa hita nya at sa tiyan.

Alam ko na magaan ang kamay ni ate Beveryly pagdating sa pananakit. Inis na inis sa kanya si ate Bevs kasi kuntimg kibot, nakapalo agad. Pero hindi ko naisip na gaganitohin nya si Ace. Parang hindi naman ganun kakulit si Ace eh. Madaldal lang sya pero hindi makulit.


"Would you like to stay with In-in?" Muling tanong ni boss Aizen.


"Yes daddy. Ace yab In-in."


"Good. Then daddy will get you from your mommy."


"Ace don't like mommy."

"Why?" Gulat kung tanong.


"Secwet. Ace no talk."


"Mas mainam. Madali ko makukuha si Ace."

Bulong lang iyon, pero sapat na para madinig ako.

Matama kung tinitigan si Ace.

Ano ginawa mo ate para ayawan ka ng anak mo?




Dumaan muna kami sa mall para mamili ng damit ni Ace. Behave naman si Ace, panay lang turo at lahat binibili ng tatay.


Hindi ako makakontra pero natatawa ako. Limang araw lang ang usapan nila pero yung hinili ji boss pang limang buwan na. Si Ace naman tuwang-tuwa lalo na nung pinapili na sya ng papa ng ng laruan. Tinulungan ko pa dahil hindi na sya magkanda ugaga sa paghakot ng mga gusto nya. Kulang nalang din simutin nya yung lahat ng laruan.


Matapos namin mamili ay nag-aya ng kumain si Ace, pero dahil ang daming tao sa lahat ng kainan, nagdesisyon si boss na mag take out nalang. Pumayag naman si Ace basta daw may toys sya.


"In-in, Ace don't like back to mommy. Ace stay with you pweash." Sinundan iyon ni Ace ng yakap sa akin.

"Bakit?" Napatingin ako kay boss Aizen na seryoso sa pag dadrive pero mapatingin sa amin dahil sa sinabi ni Ace.



"Can't talk." Sagot ni Ace.


Napabuntong-hininga nalang ako.



"Daddy mo na bahala dyan Ace." Mahinang sagot ko tsaka ko hinalikan ang ulo ni Ace.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top