Chapter 13
GENE POV
"Saan ka galing?" Seryosong tanong ni boss Aizen pagkapasok ko ng bahay.
"Bumili ng almusal at pang tanghalian natin." Sagot ko sabay taas ng plastik bag na dala ko.
Kakauwi ko lang. Namili kasi ako ng maluluto na pagkain dahil wala pa kami stock. Si boss Aizen kasi may jetlag pa. Nahihilo pa daw sya dahil sa haba ng biyahe namin. Ayaw pa nya lumabas. Eh kaso wala na kami pagkain kaya bumili na ako. Buti may tindahan na bukas 24/7 kaya kahit papaano may nabilihan ako kahit sobrang aga pa.
"Sa susunod, mang gising ka. Hindi yung basta ka nalang lumabas." Kinuha nya ang dala ko na plastic at pinasok iyon sa loob. Ang aga nya magsungit.
"May iniwan ako na note sa may ref po." Nakalabi ko na sagot.
"Wala ako nakita." Aniya.
Nagtaka naman ako kaya patakbo akon pumunta ng kusina.
"Don't run, Gene." Malakas na sabi ni boss Aizen.
"Ito po yung note na iniwan ko." Kinuha ko yung papel na nakadikit na sa pinto ng ref at pinakita iyon sa amo ko.
Isang mahinang pitik sa noo ang natanggap ko. Napanguso nalang ako ng kinuha nya sa akin yung note at binasa.
"Sa susunod kumatok ka sa kwarto ko pag lalabas ka." Binulsa nya yung note na iniwan ko at tinignan yung binili ko na pagkain.
"Nakakatakot ka kasi gisingin." Sagot ko pero pabulong lang.
"May sinasabi ka?"
Mabilis akong umiling bilang sagot. Kinuha ko yung hotdog at itlog na nabili ko at nagtungo sa may lababo.
Tatlong araw na kami dito sa California at tatlong araw na din kami na kung hindi hotdog, itlog ay spam ang ulam. Nakakasawa na pero wala naman ako magawa dahil hindi naman ako makalayo. Natatakot ako baka kasi mawala ako. Tsaka yung pera na pinapambili ko ay yung pera na binigay ni sir Ivo sa akin bago kami umalis. Buti nga medyo mura ang halaga ng tinda dito. Hindi nakakatakot na baka hindi magka asya yung pera. Hindi kasi ako makahingi ng pera kay boss Aizen. Nahihiya ako.
Maliit ang bahay na tinitirahan namin ngayon ni boss Aizen. Kung ikokompara ito sa mansyon nila, masyadong maliit. Pero mas okay ang ganito para sa akin. Tsaka dadalawa lang naman kami.
Wala din katulong dito kaya ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Pabor yun sa akin kasi hindi ako sanay na walang ginagawa. Tsaka hindi naman nakakapagod maglinis dahil may vacuum naman. Yung likod at harap naman ng bahay ay hindi naman madumi. Tingin ko ay weekly ko lang sya lilinisan. Kung sa pagluluto naman, ayos lang. Kompleto naman sa gamit, wala lang talaga laman yung ref.
Yung paglalaba lang ang iniisip ko. Ako kasi kaya ko maglaba, pero itong amo ko hindi ko alam. May nakita naman ako na labahan malapit sa binibilihan ko pero hindi ko alam kung papayag ng ganun si boss Aizen. Pwede ko naman labahan ang mga damit nya, may washing din naman. Baka lang kasi maarte itong amo ko.
"Pupunta tayo ng hospital mamaya. I already set an appointment."
"Okay po." Sagot ko. Hindi ko na sya nilingon dahil kailangan ko hanguin yung hotdog.
"Let's do some grocery also para hindi ka na lumalabas."
"Noted." Nilingon ko ang amo ko tsaka ako ngumiti. Buti naman. Ang hirap kaya makipag usap sa mga kano.
Tahimik kami nag almusal. Hindi na ako nagkanin dahil nananawa na talaga ako sa ulam namin. Nagtinapay nalang ako tsaka ko sinawsaw sa milo ko. Si boss Aizen naman hindi rin nagkanin. Pinalaman nya nalang yung hotdog at itlog sa tinapay. Siguro nananawa na din. Araw-araw ba naman ganun ang ulam namin eh. Para maiba naman sa tinapay nya inulam.
"May gusto ako itanong." Ani boss Aizen sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Ano po yun?"
"Kung ikaw ama, will you forgive the mother of your child for the sake of your son?"
"Ano po ba mali nung nanay?" Balik na tanong ko.
"Nagloko. Ginamit nya yung tatay ng anak nya."
"Depende siguro."
"Depende saan?"
"Depende sa tao. Yung bata kailangan ng buong pamilya pero minsan o madalas hindi. Aanhin nya yung buong pamilya kung magulo naman. Kung hindi kayang patawarin ng isa ang isa eh di wag. Kung iniisip yung bata, isipin din nila kung magiging maayos ba para sa bata kung magsasama ang magulang nya ng hindi magkasundo."
"So, depende sa sitwasyon?"
"Opo. Kasi ang pamilya dapat masaya, matiwasay. Maganda pag buo ang pamilya pero minsan aanhin mo yung kung magulo naman. Buo nga pamilya ang tanong, masaya ba? Kanais-nais ba? Buo nga, tahimik ba? Matiwasay ba?"
"Pero kawawa ang bata kung hiwalay ang magulang tama?"
"Opo, pero mas kawawa ang bata kung hindi magkasundo ang magulang."
"Okay. Salamat."
Tumango nalang ako. Hindi ba nya kayang patawarin nanay ng anak nya? Ganun ba kalalim ang galit nya dito? Ang sad naman. Nakakaawa yung bata pag nagkataon. Wag sana nila pilitin na magsama kung ganyan na hindi naman sila magkakasundo.
Nang matapos kami mag almusal mabilis kong hinugasan ang aming pinagkainan. Pakatapos ay naligo na ako at nagbihis. Halos sabay lang kami lumabas ni boss Aizen ng kwarto.
Hindi naman malayo ang hospital kaya agad kami nakarating doon. Syempre pa foreigner ang doktor. Mukhang magkakilala sila ni boss Aizen. Kung mag-usap sila ay parang matagal na silang magkakilala.
Gwapo yung doctor, pero, syempre mas gwapo yung amo ko. Pero lakas pa din maka-agaw pansin ng hitsura ng doktor.
"Everything is good as per result of your test but you still need to take good care of your health. You still need to undergo the surgery, so you should take care. Don't stress to much, and manage your emotion."
Panay lang ang tango ko sa sinasabi ng doktor. Marahan lang pagsasalita nito kaya naiintindihan ko sya.
"Here is my card. If you feel something call me immediately." May inabot sya sa akin na maliit na card pero inagaw iyon ni boss Aizen.
"I have your number Julius. I can message you anytime." Seryosong wika ni boss Aizen.
"Dude, not everytime you are with him."
"We are living under the same roof."
"But you are not sleeping on the same bed. What if he feel something in the middle of the night?" Inagaw ni sir Julius yung card at binigay iyon muli sa akin.
Alanganin akong ngumiti ng kinuha ko iyon. Ano na naman kaya problema nitong amo ko na pati card eh pinag iinitan. Hay naku. Mas payapa talaga pag tulog lang sya eh.
Pakatapos namin sa hospital at dumiretso kami supermarket. Nalula ako dahil ang laki nun tapos ang dami tao.
"Wag ka lalayo. Baka mawala ka." Wika sa akin ni boss Aizen.
"Opo." Napanguso nalang ako. Grabe sya sa mawala. Hindi naman ako bata eh.
Tulad ng utos sa akin, hindi ako masyadong lumayo sa kanya. Nakasunod lang ako at tumitingin sa lahat ng ilalagay nya sa pushcart namin. Ang dami nya kinukuha, hindi ko alam kung ano yung iba.
"Stay here, papakuha lang ako ng bigas." Ani boss Aizen tsaka nya pinahawak sa akin yung push cart. Hindi na nya ako inantay na sumagot dahil agad syang lumapit sa isang saleslady at kinausap iyon.
"Let's go." Ani boss Aizen pakabalik nya sa akin.
"May bibilhin ka pa po ba?" Tanong ko.
"Pagod ka na?"
"Hindi naman, pero kasi ang dami na ng pinamili mo. Wala ka bang balak na lumabas..."
"In-in?"
Mabilis akong napatingin sa batang lumapit sa akin.
"Ace?" Takang wika ko.
"In-in!" Malakas na tili ni Ace. Agad itong yumakap sa akin.
"Why you here?" Takang tanong ko. Nilinga ko ang aking mata sa paligid para hanapin ang nanay nya.
"Kilala mo sya?" Napalingon ako kay boss Aizen. Seryoso ang kanyang mukha at ang bigat ng tingin nya sa akin.
"Pamangkin ko sya sa pinsan." Sagot ko. Tapos ay binalingan ko si Ace na nakayakap pa din sa akin.
"Where is you mommy?" Tanong ko sa kanya. Kukutusan ko 'to si ate Beverly. Pinapabayaan ang anak nya. Ang dami pa namang tao.
"Ace Aizen, there you are!" Isang malakas na boses ang nakapagpalingon sa akin.
"Mommy, In-in is here." Ani Ace habang tumatakbo papalapit sa ina.
"Gene?"
"Oo ate ako 'to. Sa susunod wag mo isasama si Ace sa ganitong lugar kung hindi mo mababantayan." Inis na sabi ko. Ang dami-daming tao tapos ang liit ni Ace. Paano kung damputin nalang ito bigla?
"Anong ginagawa mo dito?" Tignan mo, hindi pinansin ang sinabi ko.
"He is with me."
"Lake. It's you."
"Yeah it's me."
Napaatras ako ng kunti tsaka ako nagpalipat ng tingin kay ate Beverly at kay boss Aizen.
"Magkakilala kayo?" Takang tanong ko sa kanila.
"Yes of course. He is Ace father." Nakangiting sagot ni ate Beverly.
"And she is my ex. Yung ex ko na sana hindi nalang nag eexist sa mundo."
"So harsh Lake."
"It's Aizen for you Beverly."
Hindi nalang ako umimik.
Gaano ba kaliit ang mundo? Gaano ba ito kaliit para magkaroon ng ganitong sitwasyon sa harapan ko? Sitwasyon kung saan ang amo ko ay tatay ng aking pamangkin ay amo ko at ang kinamumuhiang tao ng amo ko ay pinsan ko.
"In-in?" Napayuko ako at ngitian si Ace.
"Yes baby?"
"Miss you. Ace happy to see you."
"Happy din ako." Ginulo ang kanyang buhok at marahang pinsil ang kanyang pisngi.
Ngayon palang, naaawa na ako para kay Ace. Sa dating ng amo ko, puputi muna ang uwak bago sya pumayag na magsama sila ni ate Beverly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top