Kabanata 9
"SO, why don't we introduce ourselves?" sabi ng isang balbas saradong lalaki na nakaupo sa kabisera matapos tumikhim, hindi na yata niya natiis ang katahimikan.
Wala rin akong ganang kumain kahit na nakakatakam at nakakapanglaway ang mga pagkain sa hapag. Bibitayin ba kami? Iyon ang naisip ko dahil sa dami ng nakahain.
"I like that, since magkakasama tayo rito until the game ends," sinundan 'yon ng isang babae na sa tono at postura ay mukhang nagtatrabaho sa korporasyon.
"Game?" bulong ko sa sarili ko at sumulyap sa katabi kong si Boaz. Tahimik pa rin siya at seryosong kumakain. Mabuti pa siya ay may ganang kumain, o baka nagpapalakas siya dahil sa narinig kong maglalaro kami.
Napansin ko na walang umangal sa sinabi ng babae. Ako lang ba talaga ang clueless kung anong meron dito?
"I'll go first," sabi ulit ng lalaki sa kabisera. "I'm Roderick Lopez, I'm twenty-nine, a five-star hotel chef and I'm nominated by my mentor." Bulky at namumutok ang braso nito, mukhang sosyalin nga talaga ang pinanggalingan.
"Include also what motivates you to win this game," sabi ulit ng babae kanina.
"Alright, I want to win this game because I want to secure the funding of my dream restaurant," sagot nito at namangha naman ang mga kasama ko. Nagtanong pa ang ilan kung anong klaseng resto ang bubuksan nito.
"I'm Sofia Clemente, I work as a journalist, and I'm already turning thirty this year," sabi ng sosyaling babae.
"You looked younger," puri naman sa kanya ng isang lalaki.
"Thanks, dear. Our executive producer, my mentor, nominated me to join here. And I want to win because I want to climb the ladder," matapat nitong sabi.
"Ah! You looked familiar!" sabi ng isang babaeng may full bangs. "Ikaw 'yung field reporter sa isang TV network, right?" muling namangha ang mga kasama ko. "My name's Jasmine Diaz, required ba talaga ang age?" natawa sila. "I'm a pianist, I don't know if that's a real job. My step-mother just told me to join here, she said it would be fun." Mukhang anak-mayaman siya, sa kutis pa lang at accent.
"I'm Marc Paco, twenty-four years old. Katulad ni Jasmine, hindi ko alam kung trabaho ba ang gamer slash streamer. My friend nominated me, he says it's fun; I'm here for the thrill and the moolah." Nakasuot siya ng bonett, payat, at oversized ang damit.
Sunod na nagsalita ang isang morenang babae na kapansin-pansing malaki ang hinaharap. "Ako nga pala si Rhian Villafuerte, twenty-seven, dancer at member ng isang rising girl group. Friend ko ang nag-nominate sa'kin dito, galing din siya sa isang sumikat na grupo. Bukod sa pera, balita ko may special prize pa raw sa winner na interesado ako."
"Hi, I'm Gabe Santos, I'm a basketball player turning twenty-six next month. My coach nominated me, and I heard from him that I would get a chance to be recommended to join the national team." Tsinito si Gabe, matikas at matangkad. Napansin kong tumingin sa kanya 'yung katabi ko.
"I'm Isla Bautista," nang magsalita siya ay nagtama ang paningin namin. Sigurado ako na naalala niya ako dahil hindi pwedeng hindi. Napatingin din siya kay Boaz pero nanatili siyang blangko. "I'm a financial analyst in an international bank. My boss nominated me, and I'm interested for the cash prize as well." Wala pa rin siyang pinagbago, siya pa rin 'yung cool mysterious girl na nakilala ko noon. At hindi nakapagtataka na mataas ang narating niya ngayon.
Muli kaming nagkatinginan at sa isang iglap ay mabilis nahukay ng memorya ko ang kahapon. Hindi ko alam kung dahil ba sa tagal na lang din ng panahon na lumipas ay wala na akong maramdaman kapag naalala ko kung paano nila ako tinaboy noon sa grupo nila.
"Nakakahiya naman dahil parang ako lang yata ang latak dito," sabi ng lalaki na katabi ni Isla, napahawak sa batok. "Ako si Alvin Ilagan, bente-siyete anyos. Tindero sa umaga, construction worker sa gabi. Ninong kong foreman ang nag-imbita sa'kin dito. Katulad ng karamihan ay para rin sa premyo, para sa mga anak ko."
"Marangal ang trabaho mo, wala kang dapat ikahiya," nagulat ako nang sabihin 'yon ni Boaz, bigla siyang ngumiti sa lahat. "Ako naman si Boaz Dela Cruz, minsan driver, minsan body guard, minsan model, in short raketero. Best friend ko ang nag-nominate sa'kin dito, alam niya na kailangan ko ng pera para sa nanay kong lumalaban sa cancer."
Mukhang naawa sila sa kanya at ako naman ay 'di makapaniwala. Kung gano'n ay best friend niya si Felix? May alam din talaga siya rito? Ako lang talaga ang walang kamuwang-muwang sa larong 'to dahil lahat sila'y aware sila sa kung anong pinasok nila.
Sa dami ng tanong ko sa isip ay hindi ko namalayan na ako na lang pala ang hinihintay nilang magsalita. Natauhan ako nang makita kong nakatitig din sa'kin si Isla.
"M-Mirai Madrigal, twenty-six years old. Artista ang nag-nominate sa'kin dito."
"Oh, really? Who?" tanong ni Jasmine.
"S-si Saoirse—"
"As in Saoirse Soraya?!" sabay-sabay silang namangha, maliban kina Isla at Boaz.
"You must be close with her,"komento ni Sofia pero wala akong reaksyon. "She nominated you here, eh. And, oh, you didn't mention what you do for a living."
Napalunok ako. "I'm a nail artist—"
"Hala! Siya 'yung may-ari nu'ng Mystic Nails, si Saoirse ang brand ambassador no'n!" putol sa'kin ni Rhian. "Ang pa-humble mo naman, ate girl." Natawa sila. Uminit ang pisngi ko dahil hindi ako sanay na may pumupuri sa'kin.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako na makitang umismid si Isla. Hindi ba niya matanggap na pwedeng umasenso ang katulad ko?
Pagkatapos ay napuno ng kwentuhan ang mesa, kanya-kanya silang usapan tungkol sa mga kanya-kanya nilang business sa buhay. Magana rin silang kumain at uminom ng wine na hinanda para sa'min. Si Boaz naman ang kumakausap kay Alvin, sinisigurong hindi maa-out of place. Mabait din naman pala ang mokong.
"Paano kayo nagkakilala ni Saoirse?" sa wakas ay may pumansin na sa'kin. Si Jasmine 'yon na halatang curious.
Pero bago pa ako makasagot ay narinig namin ang tunog ng bell, napatingin kami sa staff na pumasok.
"Mga binibini at ginoo, kung kayo ay busog na ay maaari na kayong magpahinga sa inyong mga silid. Pero kung nais niyong magliwaliw ay bukas ang aming bar at entertainment lounge hanggang alas dyis lamang ng gabi," sabi ng babae, matuwid na matuwid ang pagkakatayo, nakangiti pero hindi ang mga mata niya.
Ilang sandali pa'y nagkanya-kanyang tayuan ang lahat, ang ilan ay nagyaya na uminom at mag-relax muna. Pero hindi ako sumama sa kanila, sinundan ko si Boaz sa kabilang direksyon na hindi naman niya napansin.
Narating namin ang hallway kung saan magkakatapat ang mga kwarto namin, nang pumasok siya sa kwarto niya ay mabilis ko siyang natulak sa loob. Kaagad kong ni-lock ang pinto at nanlalaki ang mga mata niya akong tiningnan.
"Mirai, ibang liwaliw ba ang gusto mo?" sabi niya pa sabay yakap sa sarili.
"Siraulo, hindi!" napasapo ako sa noo. "Magpaliwanag ka sa'kin! Mag-best friend kayo ni Felix? Ako lang ba talaga ang clueless dito sa game na 'to? Niloko ako ni Saoirse? Bakit ako? Ano 'to?!" nilabas ko lahat ng frustrations na kanina ko pa nararamdaman. "At si Isla? Nandito rin talaga ang babaeng 'yon!"
"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on—"
"Hindi si Isla ang issue dito, pero oo kasama na rin siya sa kinaka-stress ko."
"Huminahon ka nga," sabi niya na parang naiinis. "Gusto mo ba... Mag-relax muna tayo— hoy!" mabilis niyang naiwasan 'yung binato kong kahoy na pigurin na nadampot ko sa gilid.
"Ang lakas mong magloko-loko ngayon samantalang kanina napaka-seryoso mong hayup ka."
"Wow, hayop talaga? Siyempre, kailangang poker-faced at mysterious dahil parte 'yon ng gameplay. Remember, mga kalaban natin sila at hindi tayo nandito para makipagbarkadahan," paliwanag niya.
"Ayoko! Ayoko maglaro dito! Kung lahat kayo may mga motivation para maglaro at manalo pwes ibahin n'yo 'ko."
"Tama si Rhian kanina, bukod sa pera ay may mas maganda pang premyo," sabi niya. Hindi pinansin ang sinabi ko. "Sinabi rin sa'kin ni Felix, bukod sap era pwede kang humiling ng kahit na ano sa management at ibibigay nila sa'yo."
"Humiling ng kahit ano?" ulit ko.
"Oo." Pumunta siya sa mini kitchen para kumuha ng beer saka muling humarap sa'kin. "Kahit ano. Katulad nang ginawa ni Saoirse."
"A-ano?"
"Kinwento lang sa'kin ni Felix," sabi niya bago uminom, pinahid ang gilid ng bibig niya. "Nang manalo si Saoirse noon, kasikatan ang hiniling niya."
Kaagad kong naalala 'yung mga sandaling huli kaming magkausap ni Saoirse sa eroplano.
"Don't you have any desires?" umalingawngaw ang boses niya sa isip ko.
Kaya niya ba tinanong 'yon sa'kin noon?
Muli akong napaisip. Isa lang ang naisip ko, ang mawala ang sumpang 'to, ang mawala ang Sapantaha sa tuwing hahawakan ko ang mga taong binibigyan ko ng halaga.
Kung manalo ba ako rito at iyon ang hilingin ko'y kaya kaya nilang tuparin 'yon?
Umiling ako at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Hindi ko pa rin ginusto na nandito ako. Para akong kinidnap alam mo ba 'yon?" sabi ko at hindi siya nakakibo.
"Maglaro ka lang, wala namang mawawala sa'yo," kaswal niyang sabi. "At kung maglalaro ka lang din naman, bakit hindi mo ipanalo?"
Napatitig ako sa kanya. Oo nga naman, tama siya. Nandito na rin lang ako, bakit hindi ko pa ipanalo.
Lalo pa't muli kaming nagkita ni Isla, ang taong minsan kong naging kaibigan noon. Ang siya ring dahilan kung bakit namuwi akong magkaroon ng kaibigan dahil natakot akong masaktan at matraydor.
Hindi ko namalayan ang paglapit sa'kin ni Boaz.
"Bakit hindi mo subukang manalo?" sabi iya, halos pabulong. "Nakita ko na masama ang tingin sa'yo ni Isla kanina. Bakit hindi mo patunayan sa kanya na hindi ka na kayang apak-apakan ngayon."
Sa sinabi niya'y mabilis na bumalik sa aking isipan ang kahapon. High school kami noon, kasama ako sa grupo nina Isla at para akong aso na buntot ng buntot sa kanila. Pero dahil sa sumpa na mayroon ako... sa tuwing nagbibigay ako ng halaga o pake sa isang tao, kaya kong makita ang hinaharap nila kapag hinahawakan ko sila.
Nakita ko noon na mandadaya sina Isla para ma-perfect ang exam. At dahil sa pagiging matuwid na tinuro sa'kin ng tatay ko, nagbigay ako ng babala sa guro namin.
"Huwag kang magmalinis, Boaz," inis kong sagot sa kanya. "Ikaw ang nanlaglag sa'kin kina Isla na ako ang nagsumbong sa kanila." Siya kasi 'yung nakakita na nagpunta sa faculty.
Simula noong nalaman ng mga kaklase ko na ako ang sumbungera sa klasrum namin ay na-bully ako noong high school, lalo na ng grupo ni Isla na tinuring kong mga kaibigan. Sinisi ko 'yung sarili ko noon, sana pala hindi na ako naging sumbungera.
Pero narinig ko rin mismo sa bibig nila na naawa lang sila sa'kin kaya pinulot lang nila ako para maging kaibigan kuno. Kaya tinigil ko 'yung pagsisisi noon, dapat lang talaga na sinumbong ko 'yung mga cheater katulad nila.
At simula rin noon ay wala akong naging kaibigan hanggang sa matapos ang high school.
"I'm sorry." Nabigla ako nang sabihin niya 'yon. Napayuko siya at kita sa mga mata niya ang pagsisisi. "Naiinis lang din kasi ako sa'yo noon kaya kita nilaglag."
"At bakit? Ano bang ginawa ko sa'yo?"
"Hindi mo ako pinapansin noon."
"Ha?"
"Crush kita noong high school."
Ilang segundong namayani ang katahimikan. Guni guni ko lang ba 'yon?
Napanganga lang ako at hindi ko alam ang sasabihin kaya tinalikuran ko siya. Lalabas na sana ako ng kwarto niya nang mapaisip ulit ako.
"At kung maglalaro ka lang din naman, bakit hindi mo ipanalo?" tila umalingawngaw ang sinabi ni Boaz kanina.
Bigla kong naalala si Nanay dahil tiyak kong iyon din ang sasabihin niya sa'kin, lalo pa't mayroon akong kakayahan na wala ang iba—ang makita ang hinaharap.
Lumingon ako kay Boaz, nakatalikod na rin siya pero tila may kung anong humila sa'kin na dahan-dahan siyang lapitan.
Kusang tumaas ang kanang braso ko at tinangkang abutin ang likuran niya.
Tumigil din sa ere ang kamay ko nang maalala na makikita ko lang ang Sapantaha sa oras na mayroon akong emosyonal na koneksyon sa isang tao.
Pero kung gusto kong manalo sa larong ito... Kakailanganin ko si Boaz, kakailanganin ko ring mapalapit sa kanya.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top