Kabanata 16

NAKATATAKAM ang aroma ng umuusok na kape na may katabi pang tinapay na Kababayan ang tawag, 'yon ang Filipino version ng muffins ng Amerika. Naalala ko tuloy na paborito 'yong bilhin ni Nanay sa bakery noong bata pa lang ako.

Mukhang iyon yata ang tema ng huling level, nostalgic, dahil 'Huling Pagsasalo' ang pamagat nito. Kung tutuusin ay napakadali lang ng mechanics kung ikukumpara sa mga naunang laro. Bago lumamig nang tuluyan ang mga kape sa harapan ay dapat makapagdesisyon kami kung aling tinapay sa kaliwa o kanan ang kakainin namin. May oras pa kami para mag-usap bago tumunog ang thermometer timer sa kape.

Kanina pa nakabibingi ang katahimikan sa pagitan namin ni Isla hanggang sa dinampot niya ang isang tinapay. Ang akala ko'y kakagatin niya na 'yon nang magsalita siya.

"So, isa rito ang may lason," blangkong sabi niya habang parang specimen na tinitingnan ang Kababayan na hawak. "Naalala ko tuloy na palagi kaming nagtatalo ng lola ko kung anong pangalan ng tinapay na 'to. Muffin o Kababayan." Natawa siya sa sinabi niya, pagkatapos ay nilapag niya ulit sa platito 'yon.

"Kamusta ka na?" sa wakas ay nagawa ko ring makapagsalita. Maliban sa tanong na 'yon ay hindi ko rin talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Nakita ko ang bahagya niyang pagngisi, pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"I'm great," maikling sagot niya.

"Talaga? Kung gano'n bakit ka pumayag na sumali rito?"

"It's none of your business, Mirai."

Tumingin ako sa dalawang tinapay bago ako ulit tumingin sa kanya.

"Isa lang sa'tin ang makakauwi ng buhay ngayon, Isla."

"Alam ko."

"Wala ka bang balak mag-sorry sa'kin?" talagang sinabi ko na 'yon dahil tutal, literal na huling pagsasalo namin 'to. Medyo hindi ko lang matanggap na siya ang huli kong kasama kung sakaling makuha ko ang tinapay na may lason.

Napag-isip-isip ko 'yung mga sinabi ni Boaz. Tumanggi siya na tulungan siya sa pamamagitan ng Sapantaha ko. He will play it fairly to prove that he's worth the prize. At naisip ko rin 'yon sa sarili ko, gusto kong maging fair kay Isla. Gusto kong malaman kung sino sa'ming dalawa ang mapalad na ngingitian ng kapalaran na mabuhay.

Pero may maliit pa ring tinig sa isip ko ang nagpo-protesta, marahil ay ang mga nakabaong salita ng Nanay ko, na hindi ako biniyayaan ng ganitong kapangyarihan para balewalain.

"What?" maang niyang tanong. "Mag-sorry saan?"

Napatitig lang ako sa kanya. Ano pa bang aasahan ko?

Alam ko naman na hindi siya 'yung tipo ng tao na basta-bastang magpapakababa sa iba. May mga tao talaga na katulad niya na hindi marunong humingi ng sorry dahil ba ang taas-taas ng tingin nila sa sarili.

Napabuntong-hininga ako. Hindi niya alam na pwedeng pwede kong tapusin 'tong laro ng wala man lang siyang laban pero binibigyan ko pa siya ng benefit of the doubt.

"Noong high school," sabi ko. "Sobrang natuwa ako noong naging parte ako ng grupo niyo." Mapaklang ngumiti ako.

Natawa ulit siya. "Ah, iyon ba? Nakalimutan ko na 'yung high school, that was ages ago."

Napatango-tango ako. Gano'n lang naman 'yon para sa mga tulad niya, basta lumipas na, okay na, wala na 'yon. Kahit na aware siya na nakasakit siya ay hindi niya ia-acknowledge ang bagay na 'yon dahil sa pananaw niya ay siya ang biktima.

"Alam ko na nagalit kayo sa'kin dahil sinumbong ko kayo noon sa pandadaya n'yo." Blangkong tumingin si Isla sa'kin at para bang sinasabi niya na kung meron mang dapat mag-sorry ay ako 'yon.

Sumandal siya at humalukipkip. "Mirai, could you please quit it?" inis niyang saad at ako naman ang natawa.

"Non-sense mang pakinggan, pero may mga bagay sa nakaraan ang nakaapekto sa'tin hanggang kasalukuyan," sabi ko. "Tinitingnan kita ngayon at 'di ko maiwasang maisip na paano kung naging normal lang lahat noon? Magkaibigan pa rin kaya tayo?"

Unti-unting naging malambot ang itsura niya, mukhang may napagtanto rin sa sinabi ko.

"I don't know," sagot niya. "I just learned that friendships stopped after high school."

Sumulyap ako sa mga kape sa harapan namin, humuhupa na ang usok at panigurado'y ilang sandali pa ay tutunog na ang alarm.

"Mukhang naging okay ka pa rin naman base sa narating mo," sabi ko at umiling siya.

"Being an adult... it sucks," sabi niya at wala na ang matigas na aura. "Hearing from you about high school made me realize that those were the good days I should have treasured more." Direkta siyang tumingin sa'kin. "Yeah, galit kami sa'yo dahil para sa'min nantraydor ka. We bullied you and we were never sorry to see you isolated, it was your choice to be that way."

Napakunot ako sa sinabi niya.

"Choice?"

"Until fourth year nakita ko na wala kang naging malapit na kaibigan, it was your choice to be alone back then, Mirai," sabi niyang nang hindi kumukurap. "But if... If that still haunts you this day, then... I guess I should apologize."

Nang sabihin niya 'yon ay wala akong naramdaman na kahit na ano. Siguro nga tama siya na sa tagal nang panahon na lumipas may mga bagay na talagang babalewalain mo na lang.

"Sorry din kung sinumbong ko kayo," sabi ko sa kanya at wala rin siyang naging reaksyon. I guess iyon an 'yong closure sa matagal kong naging hinanakit noon.

Pero kung tutuusin tama naman siya sa mga sinabi niya. Choice kong maging mapag-isa noon dahil natakot ako, choice kong ilayo ang sarili ko at wala akong ibang dapat sisihin sa naging desisyon ko.

"We were both immature back then," sabi niya. "Siguro kung ganito tayo mag-isip noong high school ay baka naging magkaibigan pa rin tayo."

Past is past. Tapos na 'yon. Hindi na mababalikan. Mas dapat naming pagtuunan nang pansin ang naghihintay na mga tinapay sa mesa.

"Anong gagawin mo sa premyo pag nanalo ka?" tanong ko bigla.

"I needed the money... para mabayaran ang mga utang ng dad ko," sagot niya. "Then I the loan sharks would stop harassing my family." Napatango lang ako. "Ikaw?" hindi ko inaasahan na interesado rin siya sa sagot ko.

Napaisip ako saglit at inalala sina Nanay at Fumi. Bago ako umalis noon ay nagkakasiyahan kami, at least kung sakali... masaya ang huling alaala ko kasama sila.

Biglang pumasok sa isip ko si Saoirse at ang huli niyang tanong sa'kin noon. Ano pa nga ba ang gusto ko?

"Hindi lang naman pera ang solusyon sa lahat," mahinang sagot ko. "Hindi ko alam. Gusto ko lang makauwi sa'min at makita ang pamilya ko."

"I don't want to die either," sabi niya at nagsukatan kami ng titig. Tila ba sinasabi ng mga mata niya na marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

Naalala ko si Boaz at ang init ng mga halik at yakap niya. Buong buhay kong kinimkim ang Sapantaha na mayroon ako at may isang tao bukod sa magulang ko ang nakaunawa sa katulad ko.

Napalunok ako dahil anumang sandali'y alam kong tutunog na 'yung alarm sa harapan namin.

Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko pang makasama si Boaz.

Parehas kaming pinagpapawisan ni Isla at halos mapatalon kami nang tumunog 'yung alarm sa kape, hudyat na nawawala na ang init.

Napatingin ako sa dalawang tinapay at sa kamay ni Isla na nakapatong sa mesa. May kung anong bumulong sa isip ko na hawakan siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi man kami naging magkaibigan ni Isla pero parehas kaming may mga naghihintay sa amin sa labas, parehas kaming naghahangad pang mabuhay.

Mirai, tingnan mo! Tinginan mo ang Sapantaha!

"This is not fair!" biglang sigaw ni Isla. "I want to live!" nabigla ako nang makitang pumatak ang mga luha sa mata niya. "This is not right!" mukhang napagtanto na rin niya ang buong kamalian ng pinasok namin.

Narinig ko siyang napamura sa sarli at pinunasan din ang luha sa pisngi.

Hindi naputol ang titig namin sa isa't isa at napakiramdaman ko siyang dadampot na sa mesa ng tinapay.

Sa oras na hindi kami sumunod sa patakaran ay mapapahamak kami ayon sa rules na sinabi kanina. Pinikit ko saglit ang mga mata ko at bigla kong nakita sa isip ko si Saoirse.

"Let her pick the right one," napadilat ako nang marinig ko ang boses niya. Pinaglalaruan lang yata ako ng isip ko.

Nang dumilat ako'y nakita kong natira ang nasa kaliwa sa harapan ko at nanginginig kong dinampot 'yon.

Muli kaming nagkatinginan ni Isla, ngumiti siya sa'kin at sinabing, "Maybe we could be friends again in another life, Mirai."

Sabay kaming kumagat sa tinapay at halos sabay din naming naubos 'yon.

At sa isang iglap ay bumulagta si Isla at natapon ang kape sa mesa.

Saka tumulo ang luha sa mga mata ko nang makitang bumubula ang labi niya.

"Maligayang pagbati, Binibining Mirai!" umalingawngaw ang boses ng Punong Ginoo sa paligid. 'Di kalayuan ay lumitaw ang pintuan at bumukas 'yon.

Lumuluhang tumakbo ako palabas doon.

At saktong may lumabas din sa katapat na pintuan.

Subalit bago pa ako makatakbo palapit sa kanya'y umangat ang sahig na kinatatayuan namin, nagmistulang nakasakay kami sa podium na itinaas. Mula sa walang hanggang kadiliman ay lumitaw sa mala-higanteng screen ang mukha ng Punong Ginoo.

"Binibining Mirai at Ginoong Boaz, congratulations sa inyong pagkapanalo sa taong ito. Alam namin na nasasabik na kayong maghintay sa inyong mga premyo subalit bago tayo magtungo roon ay kailangan n'yo munang magdaan sa isang initiation."Nagkatinginan lang kami ni Boaz. "Kailangan n'yong ibigay sa'min ang pangako na ng inyong mga ino-nominado para sa susunod na taon."

"Ino-nominado?" dinig kong ulit ni Boaz.

"Hindi n'yo na kailangan pang mag-isip pa dahil kami na ang pumili ng nararapat n'yong piliin pa," pagkasabi niya no'n ay lumitaw sa screen ang dalawang larawan at laking gulat namin parehas ni Boaz nang makita 'yon. "Nais naming imbitahan ninyo sina Fumiko Garcia at Billy Dela Cruz."

"S-Si Fumi?" napatakip ako ng bibig.

Narinig kong nagmura si Boaz.

"Hindi ko isasali ang kapatid ko rito! Mga hayop kayo!" sigaw niya.

Kahit ako rin naman ay hindi ko gugustuhing isabak si Fumi sa impyernong 'to.

"Sa kabutihang palad ay mayroon kaming option two para mga ayaw umayon sa nominasyon na ito," sabi nito sa'min at natigilan si Boaz. "Ayon sa patakaran ng mga Tagabantay, maaaring mag-uwi ang mananalo ng premyo ng walang nominasyon mula sa aming kagustuhan subalit..."

Tila sinadya nitong binitin ang sasabihin nang biglang pumihit ang kinatatayuan naming podium at humarap sa isa't isa.

"Subalit kailangang mag-isa lamang ang matitira sa inyo." 

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top