Kabanata 14

(R-18)

"BAKIT mo ginawa 'yon?!" Pagkaraan ng ilang sandaling pagkakatulala ay sinigaw ko 'yon. "P-pinatay mo sila—"

"Dapat lang sa kanila 'yun!" sigaw pabalik sa'kin ni Jasmine, nanlalaki ang mga mata, at walang bakas ng pagsisisi sa kanyang ginawa. "Gabe fucked me last night, he's a snake! A-akala ko kakampihan niya ako pero sumama pa rin siya sa babaeng 'yon. M-may pinaplano silang hindi maganda kaya inunahan ko na sila!"

Matapos niyang sabihin 'yon ay napatanga lang kami sa kanya. Malinaw na nawawalan na siya ng katinuan sa pag-iisip dahil sa pressure ng larong 'to.

Hindi ko mapigilang mapasapo sa noo. Ginawa ko naman ang makakakaya ko para maitawid silang lahat pero...

"How did you do that?" namalayan ko na lang na nasa harapan ko si Isla. Tiningnan ko siya at nakitang magkasalubong ang kilay niya pero bakas sa itsura ang pagtataka.

Napalunok ako. Hindi ko naisip na maaari nilang kwestiyunin 'yung ginawa ko.

"Meron ka bang photographic memory?" manghang tanong ni Marc na parang at the same time ay nagimbal pa rin sa ginawa ng partner niya.

Biglang bumukas ang malaking pintuan 'di kalayuan, at bago pa nila ako magisa ay dali-dali akong pumasok doon.

Pagpasok namin ay tumambad ang sa'min ang kumedor kung saan nakahain ang mga tira-tirang pagkain na naiwan namin noon. Wala akong ganang kumain kaya kinausap ko ang staff.

"Pwede na bang magpahinga?" tanong ko.

"Walang problema, Binibini," sagot nito at iginiya ako sa pintuan papunta sa mga silid namin.

Nagmamadali akong naglakad nang maramdaman kong may nakasunod sa'kin.

"Mirai," tawag niya pero hindi ko siya nilingon. Mas binilisan ko ang paglalakad. "Mirai, sandali."

Sasaraduhan ko sana siya ng pinto pero mabilis niyang napigilan 'yon. Nakita ko ang nangungusap niyang mga mata at naka-arkong kilay.

"Ano bang kailangan mo?" walang buhay kong tanong sa kanya.

"Mag-usap naman tayo," sabi niya. "Please?"

"Ano namang pag-uusapan natin?" halos umikot ang mga mata niya at pinwersa na niyang makapasok sa loob at wala naman akong nagawa dahil mas malakas siya kaysa sa'kin.

Nang isara niya ang pinto ay napaatras ako't nag-iwas ng tingin.

"Alam kong galit ka sa'kin dahil iniwan kita," sabi niya at inis ko siyang tiningnan. Tinaas niya ang isang kamay. "Sa maniwala ka't hindi, concern lang din sa atin si Isla kaya pumayag ako sa naisip niyang strategy."

Mas naningkit ang mga mata ko nang marinig 'yon. "Si Isla? Concern?" mas mahirap pa 'yong paniwalaan, eh. Napabuntong-hininga siya at ibinaba ang kamay.

"Alam ko hindi ka maniniwala, pero pumayag din ako para masigurong hindi gagawin ni Isla sa'yo 'yung ginawa ni Jasmine kanina. Nakutuban ko na rin na may ganoong mangyayari dahil sa ginawa ni Gabe."

Hindi na ako nakapagsalita pa matapos niyang sabihin 'yon. Nagkatitigan kami at alam ko na kung anong gustong ipahiwatig ng itsura niya.

"Naniniwala ka na ba?" tanong ko.

Humakbang siya palapit sa'kin at nanatili akong tuod sa kinatatayuan ko.

"Akala ko pinagti-tripan mo lang ako sa sinabi mo," sabi niya at halos ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako hinalikan."

Napapikit ako. Kunsabagay, kung sa akin niya 'yon ginawa at sinabihan akong nakikita ng hinaharap ay iisipin ko ring niloloko lang ako.

At isa pa, sa lagay namin ngayon ay talagang nakuha pa niyang ma-stress kung bakit ko siya hinalikan? Eh, kung sa'yo kaya gawin 'yon, malamang magagalit ka rin, 'di ba? Segunda ng isip ko sa'kin.

Nang imulat ko ang mga mata ko'y nagpunta ako sa gilid at umupo sa sahig, niyakap ko ang mga tuhod ko at bahagyang yumuko.

"Hindi kita pipiliting maniwala," mahinang sabi ko. Umupo rin siya sa tabi ko, nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Nakikita mo talaga ang hinaharap?" hindi pa rin niya makapaniwalang sabi. Tumingin din ako sa kanya.

"Sa tingin mo paano ko nagawang makatawid ng gano'n lang? sagot ko sa kanya.

Napakibit-balikat siya. "Baka may photographic memory ka katulad nang sinabi ni Marc." Umiling ako.

"Sa maniwala ka o hindi, nakikita ko ang hinaharap sa tuwing..." nag-alinlangan akong ituloy 'yung sasabihin ko.

"Sa tuwing?"

"Sa tuwing... hinahawakan ko ang isang tao."

Napakunot siya. "Paano 'yun? Hawakan mo lang? Kita mo na agad?"

Napasuklay ako sa buhok ko at bumuga ng hangin.

"Look, Boaz. It's complicated, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo kung paano lumilitaw sa paningin ko 'yung mga Sapantaha."

"Sapantaha?"

"Iyon 'yung tawag ko sa mga nakikita ko at sa kakayahan na mayroon ako," sabi ko at huminga ulit nang malalim. "Pero hindi ko 'yon basta-basta nakikita kapag hinawakan ko ang isang tao. Kailangan ko ng koneksyon sa tao na 'yon."

"Paanong koneksyon?" tanong niya pa ulit. Mukhang interesado naman talaga siyang malaman kaya sumagot na lang ako.

"Koneksyon o relasyon, emosyonal o pisikal," sagot ko. "Kaya kita..." Natigilan ako.

"Kaya mo ako hinalikan," pagtutuloy niya sa sasabihin ko. "Kasi iyon ang pinakamabilis na paraan para makita mo agad ang gusto mong makita sa hinaharap." Tumango ako at bahagyang yumuko. "Limitado nga lang ang nakikita mo kaya kailangang paulit-ulit mo ang halikan, gano'n ba?"

Naiinis ko siyang tiningnan. "Wala akong choice," sagot ko.

"Paano kung higit pa sa halik—" siniko ko siya at bahagya siyang natawa. "Ayos na rin, kasi labi ko ang pinili mong i-harass kaysa naman 'yung ibang lalaki diyan—aray!" hinampas ko siya.

"Sa tingin mo ba gusto ko 'yon?"

"Wow, hindi ka nasarapan sa lips ko?" pang-aasar niya at inirapan ko lang siya.

Napatingin ako sa kawalan at parehas kaming natahimik ng ilang sandali bago ulit siya nagsalita.

"Kung gano'n ang kakayahan mo, paano 'yung... paano 'yung mga mahal mo sa buhay? Paano ka nagkaroon ng...karelasyon?"

Gusto kong matawa kasi talagang naging concern pa siya ro'n.

"Anong sa tingin mo?"

Napakibit-balikat siya. "Malamang ayaw mong magpahawak."

"Nakuha mo," sabi ko sabay tingin ulit sa malayo. "Kuntento naman na ako sa mga kaibigan at nanay ko."

"Pero hindi ka ba nalulungkot?" napamaang ako sa tanong niya kaya tiningnan ko ulit siya.

"Bakit naman ako malulungkot?"

"Dahil nabuhay tayo para magkaroon ng koneksyon sa iba. Tao tayong nilikha para mahawakan at magmahal..."

"Imposible 'yon sa'kin. Dahil—"

Walang ano-ano'y bigla niya akong hinalikan. Nagprotesta 'yung isip ko pero hindi ko napigilang mapapikit at hayaan siya. Naramdaman ko 'yung kamay niya sa batok ko kung kaya't mas nasiil ang paghalik niya sa'kin.

Iba sa mga naging halik namin noon ang galaw ng labi niya ko. Mas mabagal, mas madiin, hanggang sa naramdaman ko 'yung dila niya na nag-aanyayang mas laliman pa ang pinagsasaluhan namin.

Umayos siya ng pwesto sa harapan ko, sandal ang isang kamay sa pader habang patuloy na nakatuon ang atensyon sa ginagawa. Narinig ko ang pagsinghap naming dalawa nang mas bumilis ang ritmo ng galaw ng labi namin. Kinagat ko ang ibaba ng labi niya at nakita ko ang bahagya niyang pagngiti.

Sinabit ko ang dalawang braso ko sa kanya hanggang sa naramdaman ko ang pag-angat ko sa sahig. Magkahinang pa rin ang mga labi namin nang dalhin niya ako sa kama.

Subalit kung kailan tila nawawala na ako sa sarili ay bigla siyang kumalas at sinabing, "Anong nakikita mo?"

Hindi ko mapigilang sumimangot. Iyon talaga pakay niya? Nag-iwas ako ng tingin at akmang aalis pero hindi niya ako binitawan.

Saka ko napansin ang paligid namin, mukhang ako lang ang nakakakita ng mga nagninigning na abong kulay lila na nakalutang sa paligid, animo'y mga palamuti na tumatanglaw sa sa buong silid. 

"Huwag mo kong pagtripan, Boaz." Kung ganti niya 'to sa'kin, pwes hindi nakakatuwa. "Kung gusto mong manalo, tutulungan kita bukas—"

"Sagutin mo 'yung tanong ko, anong nakikita mo?"

"Wala!" natigilan ako nang mapagtanto ko 'yung sinabi ko. B-bakit wala akong nakita? 

Muli kong tiningnan ang mga abo sa paligid, noon ay nakikita ko agad ang Sapantaha sa oras na mabuo ang mga abo, pero nang mga sandaling 'yon ay nanatiling walang porma at palutang-lutang lang sa paligid.

Bigla niyang hinawi 'yung nakaharang na buhok sa mukha ko.

"Dahil nakatuon ang atensyon mo sa kasalukuyan," halos pabulong niyang sabi at ngumiti. "Hindi ba?"

Hindi ako makasagot dahil tama 'yung sinabi niya. Kanina wala akong ibang naisip kundi 'yung mga sandaling pinagsasaluhan naming halik. 

"I-ibig sabihin kaya kong kontrolin 'to?" tanong ko sabay tingin sa palad ko. "Kung gugustuhin kong makita ang hinaharap..."

"Gusto mo bang makita ang hinaharap ngayon?" marahan niyang tanong, hinahaplos niya ang pisngi ko habang ang isang kamay niya'y nasa bewang ko, mabagal na gumagapang paitaas...

Gusto ko bang makita? Pagkatanong ko no'n sa isip ko ay unti-unting gumalaw ang mga abo. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ilang piraso na maaaring mangyari. Tama nga ang naisip ko, kung gugustuhin ko'y pwede ko nang makita ngayon.

Buong buhay ko'y akala ko nakatali na ako sa sumpang 'to.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. Nakita ko 'di kalayuan ang senaryo kapag hinayaan ko ang kamay niya sa katawan ko. Umalingawngaw ang sa isip ko ang sinabi niya kanina, "Tao tayong nilikha para mahawakan at magmahal..."

Nang maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kanang dibdib ko ay napapikit ako. Kinuha ko ang kamay niya sa pisngi ko at hinalikan 'yon.

Nakita ko ang ngiti niya nang dumilat ako. Umupo ako sa kama habang nakatingala pa rin sa kanya. Hinubad ni Boaz ang pang-itaas niya at hindi ko maiwasang mapatitig sa hinulma niyang katawan. Napakisig at mapang-akit. 

Sunod ko na lang na namalayan na isa-isa naming tinatanggal ang saplot ng bawat isa bago niya ako tuluyang ihiga at pumaibabaw. Para akong inaapoy sa lagnat sa init na nararamdaman ko. Sa bawat haplos at dampi ng labi niya mula sa leeg, pababa sa dibdib, sa tiyan at hanggang sa pagkababae ko'y hindi na napigil magpakawala ng impit.

Libo-libong boltahe ang naramdaman ng buo kong katawan hanggang sa naramdaman ko ang pagtigil niya. Dahan-dahan hinila niya ako para bumangon. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilapat 'yon sa matipuno niyang dibdib.

"I want you to touch me too, Mirai," garalgal niyang saad. 

Hindi naputol ang titig namin sa isa't isa habang iginigiya niya ang kamay ko papunta sa ibaba. Isang ungol ang kumawala sa kanya nang mahawakan ko ang nakatindig niyang bahagi.

Napalunok ako nang titigan ko 'yon. Hindi ko alam na ganito siya kalaki. 

Ginabayan niya ang kamay ko sa ritmong gusto niya hanggang sa bitawan niya 'yon. At kung kailan tila nasisiyahan na ako sa itsura niya, napakagat labi siya't kay sarap pakinggan ng tinig niya, nang bigla niya akong tinulak sa kama at saka siniil ng halik.

Bahagya kong minulat ang mga mata ko't nakita sa paligid ang mga abo na nagmistulang bituin. Muli kong pinikit ang mga mata upang damhin ang kasalukuyang sensasyong nararamdaman ng katawan ko.

Matapos paliguan ng halik ni Boaz ang dibdib ko'y tumigil siya at tumitig sa akin. 

"May I?" paalam niya at tumango ako.

Sinubsob niya ang ulo sa aking leeg at naramdaman ang maingat niyang pagpasok sa loob ko. Napayakap ako nang mahigpit sa likuran niya at sabay kaming nagpakawala ng ungol.

"Okay ka lang?" bulong niya sa tenga ko at isang tango lang ulit ang binigay ko sa kanya. 

Muli siyang gumalaw at pinigilan kong sumigaw nang maramdaman ang kabuuan niya. Muli niya akong hinalikan sa labi at maingat na muling gumalaw. Dahan-dahan at animo'y isa akong porselanang mababasag. Unti-unti naramdaman ko ang diin at bilis niya. 

Halos bumaon ang mga daliri ko sa likuran ni Boaz. Kaagad nakasabay ang katawan ko sa indayog niya, bago siya tuluyang sumabog ay kumawala siya't pinihit ako patalikod. Salamat sa unan dahil doon ko nasigaw ang damdamin ko nang maramdaman ko siyang muli, mas matigas, mas malakas.

Hinawakan ng dalawang kamay niya ang dibdib ko para bahagya akong bumangon. Boaz continued thrusting behind, giving his full force while we're both uncontrollably moaning that echoes inside the room.

Until we both reached the climax and after his one final thrust, I felt the hot liquid dripping between my legs. Parehas kaming bumagsak sa kama at kaagad niya akong niyakap at hinalikan sa noo. 

Nanatili ang mga abo sa paligid, nagningining at tila naghihintay ng aking utos. Pero mas pinili kong manatili ngayong kasalukuyan, kahit ngayon lang maranasan kong piliin na huwag makita ang mga naghihintay sa'min sa larong 'to.

Nang magtama ang paningin namin ni Boaz ay hindi namin napigilang matawa.

Pero pagkaraa'y hindi ko maiwasang mapaluha. 

"Why?" nag-aalala niyang tanong. "Masakit pa ba?"

"Hindi, masaya ako kasi... Akala ko... Akala ko imposible sa'kin 'to." Akala ko imposibleng magkaroon ng normal na buhay para sa tulad ko.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top